MERCADO: Hi, Secretary Harry. Good morning.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Ka Orly. At magandang umaga po sa mga nakikinig at nanunood sa ating ngayon.
MERCADO: Okay, may mga balita na mayroong presensya raw ang US warships malapit sa Panatag. Ano ba ang reaksiyon ng Tsina rito at ano ba ang magiging role natin dito sa mga nangyayaring … ano ba ito, iringan o manifestation lang ng kanilang mga position? Maybe they are communicating something. Ano po ba itong tingin ninyo? Anong basa po ninyo?
SEC. ROQUE: Well, wala naman pong nagpuprotesta sa Pilipinas ngayon dahil ito pong giriang ito ay sa panig ng Estados Unidos at Tsina. At ang alam ko lang ay kung anong nabasa rin natin sa mga pahayagan na diumano ay nag-aalburuto rin ang Tsina dahil lumapit sa Scarborough ang isang warship ng Amerikano. So ang talagang reaksiyon ng Pilipinas diyan ay siguro naman po ay kaya na ng Estados Unidos na protektahan kung anuman iyong interes na iyan laban doon sa mga sinasabi ng bansang Tsina.
At dahil nga po sinasabi na natin nang paulit-ulit, ang pinakabagong initiative po ng ating Pangulong Duterte pagdating sa relasyon ng natin sa panlabas ay iyong tinatawag na independent foreign policy. So sa tingin po namin, kung naghihidwaan sila, hindi po manghihimasok ang Pilipinas. Bagama’t, uulitin ko po, malinaw naman po talaga na itong Scarborough ay teritoryo ng Pilipinas sang-ayon hindi lang sa ating Saligang Batas kung hindi sang-ayon na rin sa international law.
MERCADO: Ano po ba ang interpretasyon natin dito sa mga nangyayari doon? Nagiging mas aktibo na ba ngayon ang Estados Unidos doon sa kanilang mga claims na kinakailangang protektahan iyong paglalayag ng mga international vessels sa sea lanes na iyon?
SEC. ROQUE: Well, ang tingin ko po ay ito ang tinatawag nilang freedom of navigation sa voyages, kaya talagang ginagawa nila iyan para i-highlight na mayroon talagang kalayaan ang paglalayag. Ang pagkakaiba po siguro ay diumano sila po ay naglayag doon sa tinatawag na teritoryo (unclear) ng Panatag. At alam naman po natin ang teritoryong (unclear) ay mayroon ding talagang freedom of navigation diyan. So ang importante ay kung ito ay continuous voyage, hindi tumitigil.
So iyon po ang pagkakaiba, iyong innocent passage na tinatawag dito po freedom of navigation should be (unclear) of innocent passage, na mayroon ang mga lahat po ng barko ng iba’t ibang bansa ng ating mundo.
MERCADO: Pero nagbago na ang itsura ho na iyan hindi ho ba, dahil sa mga ni-reclaim ng mga corals, coral reefs at saka mga ginawang isla, mga artificial islands, na sa kasalukuyan ay ayon sa mga obserbasyon, militarized na ‘di ba ng Tsina?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, iba po itong Scarborough doon sa mga isla ng Spratlys. Ang Scarborough po, dalawa lang po talaga tayong bansang nag-a-angkinan diyan. Iyong mga tinatawag na militarized na isla, iyon naman po iyong sa Spratlys. So ang isyu po ngayon dito is, ano ang gagawin ng Pilipinas? Wala naman pong puwede tayong gawin diyan dahil ang bansang naghihidwaan nga ay ang Amerika at saka ang Tsina.
Ang importante sa atin pagdating po diyan sa Scarborough, iyong karapatan ng ating mga mamamayan na magkaroon ng hanapbuhay bilang mangingisda. So ngayon po ay nakakapangisda sila diyan. At ang inaasahan natin ay wala naman tayong gagawin, wala rin gagawin ang Tsina para matigil itong karapatan ng ating mga mamamayan.
MERCADO: Kumbaga sa kung mayroong dalawang nag-aaway sa bakuran natin, ano ba ito, makikialam ba tayo o ano ba ang gagawin? Magmamatyag ba tayo o sisiguraduhin natin na walang masisira sa anumang nasa loob ng bakuran natin?
SEC. ROQUE: Well, ang sa atin lang po ay habang sila ay nag-aaway ng ganyan, sa atin lang ay protektahan natin iyong interes ng ating mga mamamayan. Iyon namang mga mangingisda na iyan ay hindi naman po iyan malalaking mga kumpaniya na nangingisda. Iyan po talaga ay mga subsistence fishermen lamang, at sana po ay hindi maapektuhan. At iyon naman po talaga ang ating sinusubaybayan.
MERCADO: By and large if you compare it to the previous confrontational stance ng gobyerno on the cost benefit analysis, iyong ano ang napapakinabangan natin, ano ang nawawala sa atin. Anong tingin ninyo po, maliwanag ba na mas maigi itong inyong posisyon at posisyon ng Duterte administration laban doon sa confrontational of position?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko naman po ay mas maigi ito iyong tayo ay nakikipagkaibigan sa Tsina. Unang-una po, nadadama natin ang napakadaming mga namumuhunan, ng mga korporasyon galing Tsina na dati talaga ay halos wala. Pangalawa po, iyon nga, nakakapangisda iyong ating mga kababayan na mga taga-Gitnang Luzon, doon sa talagang lugar na kung saan sila nangingisda na napakatagal na panahon. At siyempre po pangatlo, iyong mayroon tayo kahit papaano ay parang peace of mind din na wala tayong kaaway. At dahil wala tayong kaaway, pupuwede na tayong mag-focus sa mga ibang bagay na importante para sa ating mga kababayan lalung-lalo na iyong ating laban sa kahirapan, laban sa korapsyon, laban sa droga.
MERCADO: Pero hindi naman natin pinakakawalan o pinamimigay o kaya inaabanduna ang ating posisyon?
SEC. ROQUE: Kagaya ng sinabi ng ating Presidente, sa kaniyang termino, ni isang inch ng Philippine territory ay hindi mawawala. Pero sa ngayon po ay isinasantabi po iyong usaping teritoryo para doon po sa mga ibang bagay-bagay na makakabuti sa ating bayan, at ito nga po iyong hanapbuhay.
MERCADO: Maraming salamat. Thank you very much, Secretary Harry Roque, for explaining to us itong isyu na ito. Maraming salamat.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO – PND (Presidential News Desk)