Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live-Radyo Pilipinas)


SEC. ANDANAR: Hello, good morning Erwin at good morning po sa lahat ng nakikinig sa iyo. 

ERWIN: Oo. Yesterday, sir, I was watching the Senate inquiry, may mga punto naman iyong mga mambabatas natin pero may mga punto na hindi ko naman nagustuhan kasi para naman silang hindi pa nakarinig ng balita na walang katotohanan. Fake news is balitang walang katotohanan.

Sir, diretsahan na ho tayo, pasensiya na ho kayo. Magalit na kayo sa akin bilang kaibigan ninyo. Pero tayo minsan sa buhay natin at—hindi nga siguro minsan, maraming beses na, nakakarinig na tayo ng mga fake news, hindi lang natin pinaniniwalaan at hindi natin pina-process.

Fake news is fake news sir, hindi ho ba? Panahon pa ni Eva iyang lintik na God damn it na fake news na iyan, na fake news si Eva noong demonyo. Sabi ng ahas, ‘Kainin mo iyang mansanas magiging mas matalino ka pa sa Panginoong Diyos.’ That was a God damn fake news, Secretary. Ewan ko ba sir, mabuti na lang wala ho ako doon, kung nandoon ako tumayo ako sir, pinagsasampal ko iyang mga buang na iyan.

But anyway sir, what can you say about this? Parang ang tinatanong yata sa inyo, ‘How can we avoid this fake news, Secretary?’ 

SEC. ANDANAR: Alam mo number one, Erwin, ito kasi dapat maintindihan ng mga kababayan natin. Ang PCOO ho ay napakadaming ahensiya under it, more than a thousand employees, nandiyan po iyong PTV, nandiyan po iyong Radyo Pilipinas, nandiyan po iyong PNA, nandiyan po iyong PIA. Hanapin po nila iyong malicious fake news na isinulat dito sa mga platform na ito.

Number two, ang isyu po kay Mocha, kasi halos two-thirds noong inquiry about Mocha. 

ERWIN: Iyon, iyon lang ang gusto nilang gantihan. Hindi lang nila magantihan—hindi ka nila madiretso, ‘di sana sinabi na nila, ‘Papuntahin mo si Mocha dito at latiguhin natin.’ And ganito na lang siguro sir, sana nag-suggest kayo sir, ‘Ganoon ho ba your honors, ganito po kaya ang gawin natin, i-public lashing natin, latiguhin natin si Mocha Uson sa Luneta para makaganti kayo.

Gusto lang gumanti ng mga buang na iyan, Secretary. Paikot-ikutin pa ako ng mga—tinabuan na ako ng buhok sa kili-kili. Diyos ko po, huwag na nga. 

SEC. ANDANAR: Kaya nga iyong ating opening statement was… that’s scholastically about fake news. Dahil ang fake news naman talaga ay—is not limited to political bickering o iyong pag-aaway sa pulitika— 

ERWIN:  Correct. 

SEC. ANDANAR: Nandiyan po iyong ginagamit ng mga ISIS iyong fake news— 

ERWIN:  Correct. 

SEC. ANDANAR: Nandiyan po rin iyong mga naglalabas ng kanilang mga kung anu-anong mga produkto na peke naman— 

ERWIN:  Exactly. 

SEC. ANDANAR: So iyong sa akin, and then after a while ay umiikot lang kay Mocha iyong istorya. So—ang sinasabi nila na si Mocha ay isang Assistant Secretary, dapat hindi siya nagsasalita ng ganoon— 

ERWIN: Dapat disiplinahin mo, iyon ho ang mga sinasabi. Sana raw dinidisiplina, hindi ho ba? Susmaryosep. 

SEC. ANDANAR: Kaya nga. Ang problema kasi dito ay pati iyong mga supporters kasi ng—natin doon sa DDS ay nagagalit sa akin bakit hindi raw ako nagalit etcetera. Kapag nagalit ako, pinagalitan ko ang mga media na nandoon, ang mga negative na blogger ay sasabihin naman nila na, ‘PCOO is suppressing press freedom,’ kinabukasan. Sasabihin naman nila na, ‘PCOO is suppressing freedom of expression.’ Now, that’s why we wanted to stand on moral high ground sapagka’t alam naman namin na mayroon kaming argument na as far as PCOO, as far as the agencies are concerned under PCOO ay napaganda na po natin ito. Mocha Uson Blog is not an agency of PCOO. 

ERWIN: If you are an official—okay, linawin lang natin Secretary, sa programang ito iyong Mocha Uson Blog is not an official… ika nga page of the PCOO. Ganoon po ba? 

SEC. ANDANAR: It’s not an official page of the PCOO, the Mocha Uson Blog is not a news organization, wala ho iyan sa General Appropriations Act, wala hong budget iyan, etcetera kaya— 

ERWIN: So ibig mong sabihin personal ni Asec. Uson iyong Mocha Uson Blog? Personal niya iyon? 

SEC. ANDANAR: Personal. So if they judge the PCOO, they should not judge it based on what comes out of that blog.

I-judge nila iyong ginagawa ninyo diyan sa Radyo Pilipinas, iyong ginagawa sa PTV. Bakit iyong PTV number 4 na ngayon? Dati napakalayo number 8. Bakit iyong Radyo Pilipinas number 7? Bakit iyong mga FM station natin minsan nagna-number 1 na sa affinity. Iyon ang i-judge nila. At huwag nila—ang problema kasi inikot-ikot nila, binabalik nila kay Mocha because they know that… of course, kapag si Mocha ang pinag-uusapan maraming clicks ang nangyayari sa internet. And to me ay dapat pala naging ano na lang siya, naging hearing about Mocha, hindi hearing about sa—‘di ba? 

ERWIN: Dapat si Mocha Uson ang inimbita, hindi si Secretary Martin Andanar. 

SEC. ANDANAR: Oo iyon nga. Tapos tinatanong ko kung anong—sinasabi ko naman na kinakausap ko si Mocha at sinasabi niya, although that is her private blog, at the same time. So the reality, the elephant in the room really is that si Mocha is a very unique person, a unique public servant kasi mayroon siyang five million followers. At iyong ibang mga pulitiko nasasaktan ‘pag binibira ni Mocha. Iyon naman ang reality noon.

Mayroon ba silang reklamo sa PTV, Radyo Pilipinas, PNA, PIA? Wala naman. Because as far as I’m concerned, all of the 1,000 workers of PCOO are doing a good job and they’re working very hard to build this institutional and to… to institute this reforms para mas lalong tumagal pa at umasenso pa iyong ating government media.

Alam mo after 1,2,3… 3 years, 4 years wala na kami dito, pero ang PTV, ang Radyo Pilipinas, ang PNA, ang PIA nandiyan pa rin kaya dapat ito iyong dapat pinagtutuunan natin.

Is PCOO really spreading fake news? Of course not. Hindi naman—Mocha Uson blog to begin with, hindi siya part of PCOO. Number two, it’s not a news organization. 

ERWIN: So what are you saying sir? Iyong lumalabas doon kay Mocha Uson is personal na niya iyon, hindi naman talaga iyon sanctioned ng PCOO because it is not under PCOO iyong personal account. Kasi lahat naman tayo, ‘di ba Sec., kahit ikaw mayroon kang personal mo na account sa Facebook. Ako mayroon akong personal na Facebook account. Dapat iyon po ang hahabulin nila, hindi iyong official account ng PTV, ng RTVM, ‘di po ba, PCOO. Kung doon lumabas ay iyon siguro ang puwedeng pagalitan nang pagalitan ng gobyerno o ng mga mambabatas. 

SEC. ANDANAR: Oo iyan. Tapos mayroon pang argumento na, ‘Panahon na ba para isara ang blog ni Mocha?’ Okay, granting na isara ninyo ang blog ni Mocha. There are 1.5 million public servants in the country and I bet you most of them, they have their own Facebook pages and Twitter din. Oh ‘di isara ninyo rin lahat. Isara… kung isasara natin iyong isang public servant oh ‘di isara na natin lahat iyong Facebook natin, lahat ng mga public servants.

ERWIN: Exactly. 

SEC. ANDANAR: Di ba, all for one, one for all. 

ERWIN: Tama. 

SEC. ANDANAR: Pati mga Senador, pati iyong mga Congressman lahat pati iyong kay Presidente isara na natin ganoon. 

ERWIN: Tama ho kayo. I mean, I agree with you. Talagang naging target na ho, ako ay natawa na sinasabing inquiry on fake news. Sana sinabi na lang nila, ‘Senate hearing on Mocha Uson,’ hindi po iyong fake news. 

SEC. ANDANAR:  We went there inside to talk about fake news, to give our— 

ERWIN:  Idea, proposal. 

SEC. ANDANAR: Proposal or idea, our position. Iyon talaga, we went there as formal as we could be. We went there as professionallyas we could be. As technocrat, wala naman kaming—hindi kami pumunta doon para sa circus dahil ayaw namin ng circus. Kanya nga maraming nagagalit sa amin na mga bloggers, bakit ninyo hindi nila hindi nilabanan, kasi nga we stand on moral high grounds.

 ERWIN: Tama, I agree with you Senator—Secretary Martin Andanar. Anyway, Sec., maraming salamat sir ha. Thank you for your time with us this morning. Nasa likod mo kami, Secretary. 

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, mabuhay ka partner. 

ERWIN: Thank you po. 

                                                                                                                ###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource