Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Angelo Palmones and Henry Uri (DZRH – ACS Balita)


ANGELO: Do you share that view na ito raw po ay nagiging advantageous militarily sa China to understand ang sitwasyon sa Benham Rise?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ang Benham Rise po ay wala pong issue. Ang Benham Rise, hindi po iyan kasama sa West Philippine Sea. Hindi po iyan pinag-aagawan ng kahit kaninong bansa. Lahat ng daigdig kinikilala po iyan na ang Benham Rise ay kaparte po ng extended continental shelf ng ating bayan. So hindi ko po maintindihan kung anong military advantage na sinasabi nila, dahil malinaw na malinaw naman po iyong ating sovereign right diyan sa Benham Rise.

Pangalawa, hindi lang naman po Tsina ang binigyan ng pagkakataon na mag-conduct ng scientific research diyan. In fact, may mga kumpaniya na taga-Amerika, dose po yata. Ang pinakamarami pa rin ngayon ay mga Amerikanong pinayagang mag-research. Mayroong mga taga-Japan…

HENRY:  Nawawala si Secretary.

SEC. ROQUE:  Hindi naman tayo nagbibigay ng special na kumbaga, special treatment.

HENRY:  In other words, Secretary, wala—

SEC. ROQUE:   … datos kasi nasa akin pa iyong datos (unclear). Maya-maya po lalabas iyan.

HENRY: Linawin na natin, so walang exclusive sovereign rights ang Pilipinas diyan po sa Benham Rise?

SEC. ROQUE: Mayroon po. Mayroon po tayong tinatawag na sovereign rights na exclusive right to explore and exploit. At bukod pa po doon, dahil mayroon tayong sovereign right diyan, tayo lang ang pupuwedeng mag-scientific research, tayo lang ang puwedeng maglagay ng submarine cable at tayo lang ang pupuwedeng gumawa ng mga artificial islands diyan sa Benham Rise. Pero dahil exclusive iyan, ibig sabihin kaparte rin ng soberenya kung papayagan natin iyong mga ibang bansa.

At ang paulit-ulit na sinasabi ko ngayon po, hindi lang mga korporasyon na taga-Tsina ang binigyan natin ng ganitong pribiliheyo; marami na po tayong binigyan ng pribiliheyo. Pinakakaunti nga po ngayon ang Tsina. Ang Tsina po ay parang dalawang may application, isa ang na-grant natin kung ikukumpara mo iyan doon sa bente na na-grant na natin para sa mga Amerikano.

HENRY: So atin lang iyan pero puwede tayong magpapasok ng iba for research purposes? Pero hindi lang iisa ang pinayagan natin, maraming bansa tayong pinayagan?

SEC. ROQUE:   Tama po. Kaya nga po hindi ko po maintindihan kung ano ang kontrobersiya diyan. Alam mo naman pong kapag mayroong naghahangad ng isyu, gagawa’t gagawa ng isyu. Pero ang totoo po ay malinaw na malinaw po iyan na… dahil napakadami namang pagkakataon diyan at napakalaki rin ng Benham Rise ay hinayaan natin na maraming kumpaniya sa iba’t ibang bansa na mag-aral diyan.

HENRY: Baka kasi ang ispekulasyon diyan ay China na naman ang ating pinapayagan ng esklusibong—

SEC. ROQUE:   Pinagbubulaan ko po iyan. Hindi lang Tsina ang pinayagan natin diyan. Nandito po ngayon sa akin ang datos—ay kaya lang wala pong internet ngayon kaya hindi ko mabuksan.

ANGELO: Sec., ganito: Are we going to benefit from that research? Puwede ho ba nilang i-share iyong resulta po ng kanilang pag-aaral sa atin?

SEC. ROQUE: Hindi po “pupuwede” kung hindi “dapat” nilang i-share. Dalawa po iyong palatuntunan natin: Unang-una, dapat kasama ang Pilipino diyan sa conduct ng scientific research; at pangalawa, dapat po i-clear sa Pilipinas iyong resulta ng kanilang scientific research.

ANGELO: Kapag sinabi ninyo kasama ang Pilipino, physically kasama iyong mga researcher natin?

SEC. ROQUE: Physically dapat po mayroong mga Pilipinong mga siyentipiko na kasama diyan sa pag-aaral.

HENRY: Anumang makikita ay dapat ibabahagi rin sa atin?

SEC. ROQUE: Opo, opo.

ANGELO: Actually pala, makikisakay tayo sa  resources nila.

SEC. ROQUE: Opo. Alam ninyo po ang mga pinapayagan natin ay mga scientific research; hiwalay po iyong pangangalap at paghahanap ng tanging yaman, okay. Ngayon po isa sa pinag-aaralan nga nila na UP pa ang nagku-conduct together with Chinese – mga Chinese scientist – ay something about tidal flows.

So makikita natin na mayroon naman talagang mga nais maintindihan ang ating mga scientists, at hindi naman palaging lamang naghahanap ng tanging yaman diyan. Kinakailangan talaga nating i-put up ang proseso dahil napakalaki niyan at hindi tayo siguro kung ano mga tanging yaman na mayroon diyan.

HENRY: Secretary, ano ang garantiya na itong research na ito ay hindi mauuwi sa pangangamkam?

SEC. ROQUE: Kasi po walang basehan ang pangangamkam. Pati ang Tsina kinikilala na mayroong tayong sovereign rights diyan sa Benham Rise.

ANGELO:  At least malinaw na. Sec., ang sabi po ng Office of the Ombudsman ay hindi namin ipatutupad iyang utos na iyan ng Executive department. Ang sabi naman ng Civil Service Commission, ‘teka muna, sundin ninyo muna iyon dahil masamang… bad precedent iyan  kapag hindi ipinatupad ng Ombudsman. Ano ho ang susunod na hakbang natin dito?

SEC. ROQUE: Well, tama po ang Civil Service Commission. Ang sa amin po, kung ang tingin ni Over-all Deputy Ombudsman na mali ang desisyon ng ating Office of the President, siya ay pumunta sa hukuman. Iyon po iyong talagang dapat na gagawin at hindi po puwedeng babalewalain na lang. Dahil alam ninyo naman po, ang Office of the President, bagama’t sinasabi natin na mayroong equality between three branches of government, tanggapin mo o hindi ay pinakamakapangyarihan po iyan. At ang Presidente naman ay hindi para ipangalandakan kung gaano ang kapangyarihan ng kaniyang opisina dahil siya ay naniniwala pa rin doon sa tinatawag na rule of law.

HENRY: Anong sabi ng Pangulo doon sa pagkabanggit ni Ombudsman Morales na ayaw niyang ipatupad iyong desisyon ng Office of the President?

SEC. ROQUE:  Sa totoo lang po, naghiwalay kami ni Presidente noong Marawi. Pinapunta niya po ako dito sa Ilocos Norte, at siya naman po ay may aatendang affair sa Davao kasama ang mga katutubo, iyong indigenous community. So hindi pa po kami nakakapag-usap.

HENRY: So hindi pa nakakarating sa kaniya itong bagay na ito?

SEC. ROQUE: Siguro po nakarating na sa kaniya. Pero alam ninyo naman—ang pagkakakilala ko kay Presidente, siguro ngumingiti-ngiti lang iyon at tatahimik. Pero ang posisyon po ng Palasyo ay kaparte po ng due process, binigyan namin ng sampung araw itong si Over-all Deputy Ombudsman na sumagot. Kapag hindi siya sumagot, magdedesisyon naman po ang Office of the President.

HENRY: What would be the possible decision?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. Pero siyempre kapag hindi siya sumagot, hindi maku-controvert iyong mga alegasyon laban sa kaniya. At sa ngayon po ay mayroon mga finding na mayroong prima facie na siya po ay nagkasala.

ANGELO: Okay. May bagong findings dito sa isyu ho ng Rappler. Ito pala ay may MOA with DepEd. At ang sinasabi nila, being a news organization, partner sila ng DepEd sa pagti-train ng mga mag-aaral sa campus journalism and workshop. Tapos may exclusive contract sila sa DepEd. Puwede ba iyon?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam ang ganyang kontrata na iyan. Pero sa akin po, ang isyu ng Rappler, malinaw na malinaw sa akin na ito po’y fund raising, ito po’y tungkol sa pera. At ang sabi ng SEC, iyong kaniyang fund raising ay labag sa ating Saligang Batas.

Ang amin lang naman po, kung ikaw ay isang mamamahayag, kritiko ng gobyerno, nagsasabi na nagtataguyod ng Saligang Batas at ng mga batas ng bayan ay dapat una kang sumunod sa Saligang Batas at sa ating mga batas.

ANGELO: Oo. Kasi kung iligal iyong kanilang existence, teka muna, mayroon daw silang exclusive contract sa DepEd para sa coverage ng Palarong Pambansa. Aba, teka muna …

SEC. ROQUE: Iyan po iyong ating iniiwasan. Kaya sabi ng Saligang Batas, hindi naman si Presidente ang nagsabi nito, na hindi dapat payagan ang anumang dayuhan doon sa mass media kasi grabe iyong magiging impluwensiya ng mga dayuhan sa ating mga kababayan kung hahayaan natin ito. Ito pala, itong kontratang ito ay talaga parang magiging propaganda arm sila ng mga dayuhan, in this case, Amerikano po.

ANGELO: Sec., teka muna, ang magbabayad ng kanilang mga air ticket … kasi kung exclusive contract ano ha, ang magbabayad ng kanilang hotel, ang magbabayad ng kanilang mga ticket, ng kanilang mga gastusin doon ay nanggagaling sa buwis ng bayan.

SEC. ROQUE: Kaya nga po. So dayuhan na sila, babayaran pa ng taumbayan.

ANGELO: Precisely. Teka muna, unfair na unfair naman iyan sa mga Filipino media outfit.

HENRY: Hindi at saka sa procurement act, puwede ba iyong exclusivity?

SEC. ROQUE: Kinakailangan po nagbi-bidding iyan; hindi pupuwedeng binibigay lang dahil parang consultancy po iyan. Sa 9184, ang Government Procurement Act, hindi lang naman po mga bagay, pati iyong serbisyo ay sakop po niyan. Dapat nagkaroon po iyan ng bidding.

ANGELO: Naku, pakisilip nga ito, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat sa impormasyon po.

HENRY: Magkano ang pinag-uusapang kontrata riyan? Mayroon na bang pinag-usap diyan?

ANGELO: Hindi binanggit pero ito ay nanggaling sa mismong depensa ng … sa mismong pleadings ng Rappler.

HENRY: Pero CHEd iyan, panahon ni?

ANGELO: Armin Luistro, Secretary Armin Luistro. Anyway, maganda matingnan din ho ito dahil… aba, teka muna, dayuhang kumpaniya tapos pinapasuweldo… ang expenses nila ay nanggagaling sa taumbayan. Hindi naman po yata patas iyon, Secretary.

SEC. ROQUE: Opo, opo. Titingnan po talaga natin iyan.

ANGELO: Secretary, maraming salamat. Magandang umaga po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource