ALEX: Secretary Martin, good morning, sir. Si Alex Santos po.
SEC. ANDANAR: Hello Alex, good morning.
ALEX: Good morning, sir. Okay all set na po at mukhang ang Malacanang po ay all support po dito kay Secretary Bong Go para ho sa kanya pong pag-attend, pagdalo ho niya sa imbestigasyon po dito sa Senado, sir?
SEC. ANDANAR: Tama ka, Alex. Malacanang is supporting the Special Assistant to the President at tayo po ay pupunta doon sa Senado for surely to support Bong Go at ganundin po si Harry Roque at iba pang mga kalihim na sasabayan po at sasamahan si SAP Bong Go.
Ngayon, kami po ay naniniwala na this is the perfect day for SAP Bong Go to show the entire Philippines, the entire world na siya po ay inosente at wala po siyang pinakialaman dito sa proyektong ito.
ALEX: Secretary Martin it was the President po ba mismo nagsabi sa kanya na umatend ka diyan, para bigyang linaw itong isyu na ito?
SEC. ANDANAR: Opo. Ang Pangulo po ang nagsabi na… hindi lang umatend, kung hindi ang mag-request sa mga senador lalong-lalo na kay Senator Gringo Honasan na hindi executive session. Kailangan ito ay isang full and open hearing para makita po ng lahat na wala pong tinatago si SAP Bong Go.
ALEX: Are we expecting na meron pong isisiwalat po dito si Secretary Bong Go na hindi pa ho alam ng atin pong mga kababayan with regards po dito sa deal na ito sa mga barko, sir?
SEC. ANDANAR: Lahat po ng katotohanan ang dala-dala is SAP Bong Go sa Senado mamaya. In fact, kung meron mang mga isisiwalat, kung meron mang mga bago, iyon ang aabangan natin, sapagkat alam naman natin ang Philippine Navy at ang Department of National Defense ay meron ding ipiprisinta mamaya.
ALEX: Kapag may mga ganito pong mga hearing po ba, Secretary Martin, ang kawawa po dito iyong Philippine Navy, sir, dahil parang naantala iyong pagbili po natin ng mga barko na which is very important para po sa ating… sa seguridad po ng ating bansa, sir?
SEC. ANDANAR: Alam mo eksakto iyong punto mo, tamang-tama talaga Alex, dahil hindi lang sa naantala, kung hindi nakakalimutan nating mga Pilipino na itong frigate acquisition program ay napakahalaga, napaka-earth shaking at historical na proyekto ng Armed Forces of the Philippines. Dahil alam mo, Alex, wala tayong frigate eh, wala talaga tayong frigate at ngayong magkakaroon ng isang barkong pangdigma na may kakayanan na magpalipad ng surface to air, mga turpido, etc ay talagang napaka-high tech po nitong barko na ito. Kumbaga, matagal na nating pinagtatawanan itong mga makalumang, mga second hand na barko na dino-donate lang sa atin—
ALEX: Iyong mga hand me over lang, hindi ba, sir?
SEC. ANDANAR: Oo. As a matter of fact, Alex, this administration, the Duterte administration and the previous administration agree that this is such a earth-shaking deal project for the Philippine Navy at nakakalungkot lang dahil nakakalimutan natin iyong kahalagahan ng proyektong ito at wala naman talagang problema dito sa project na ito, kung hindi iyong malicious report lang na lumabas.
ALEX: Ayun. Iyong sinasabi po ninyong malicious report, parang merong nagbigay ng maling kahulugan doon po sa ginawang marginal note or pirma ni Secretary Bong, sir?
SEC. ANDANAR: Actually, wala ngang pirma si Bong eh, wala naman siyang sinulat. Ito ay marginal note ni SND. Si SND nakalimutan niya rin na kung sino ang nagbigay, etcetera at nagkamali nga siya na it would be assumed that si Bong ang nagbigay sa kanya noong diumano’y white paper.
Mamaya Alex magkakalaman, kaya abangan po natin ang hearing sa Senado, 9:30 nandoon na po lahat—mga alas-siyes simula na po ito, it’s going to be live in all stations.
ALEX: Si President Duterte po ba… siya rin po ay manunuod po ba dito sa gagawin pong hearing, sir?
SEC. ANDANAR: Hindi ko sigurado, kasi alam mo iyong oras na iyan alas-diyes eh ang Presidente naqgpapahinga pa eh, ang bundy clock niya. Pero he will be informed about the situation and about the hearing. I’m sure that nandoon po iyong kanyang mga aide para bigyan siya ng impormasyon at kung anuman iyong mga updates.
ALEX: Maiba po tayo, Secretary. I understand, ang Davao station po natin ang PTV ay mukhang meron po yatang gagawin pong parang pasimulan iyong bagong complex po doon, sir?
SEC. ANDANAR: Opo. Ngayong araw na ito ay mag-kick off na po iyong ating… unang-una, iyong National Information Convention kung saan ay lahat po ng mga information officers sa buong Pilipinas ay dadalo po doon para umatend ng three-day conference. Ito po ang pinakamalaki at kauna-unahang information conference ng gobyerno at marami din pong mag-a-attend, more than 1,500, Alex, ang pupunta doon.
So it’s a showcase of PCOO at lahat ng mga ahensiya sa ilalim nito at magkakaroon po ng mga plenary session and the people of Davao City and the information officers will get a first hand peek kung ano ang magiging itsura ng Mindanao Media Hub. It’s going to be the first hub in Mindanao na naka-focus talaga sa ating communications ng gobyerno at ito po ay magiging… pinaka-high tech din na media hub sa atin ngayon.
ALEX: By the way, Secretary. Ano po ba ang main objective po nitong information convention na gagawin po sa Davao, sir?
SEC. ANDANAR: Ang main objective po talaga nito ay para ma-update iyong skills ng ating mga information officers sa gobyerno. At number two, kailangan po nating maipakita sa buong Pilipinas at para maiparamdam natin sa kanila na napakahalaga ng kanilang trabaho na pag-disseminate ng wastong impormasyon. Tapos ay para po maramdaman ng ating mga kababayan na talagang ang gobyerno ay ginagawa ang lahat para ma-quell itong mga misinformation, disinformation at meron po tayong ginagawa sampu ng ating mga kasamahang information officers para labanan po ang fake news.
ALEX: Iyon. Okay, with that Secretary Martin. Thank you so much, sir, sa inyong oras po sa DWIZ. Thank you, sir.
SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, Alex. Salamat po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)