Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Nimfa Ravelo (DZBB – Saksi sa Dobol B)


Event Radio Interview

RAVELO: Sir, bakit ang dami po ninyo? Ito po ba ay request ni Presidente? Bakit ang dami ninyong Cabinet members dito?

SEC. ROQUE: Wala, wala pong nagre-request sa amin. Pero siyempre nagpapakita kami ng pagkakaisa dito kay SAP Bong Go. Sa aking personal na sitwasyon, kasama ko po talaga sa Palasyo ito, kapit… ka-opisina ko at alam ko namang napakatinong tao ito. So ito ay pagpapakita ng suporta at pagpapakita ng mensahe na wala pong tinatago ang administrasyon ni Presidente Duterte.

RAVELO: And is it also because po nakikita ninyo na ang target din dito not really Bong Go kung hindi si Presidente?

SEC. ROQUE: Sa amin ay malinaw naman po na nagdeklara na si Senator Trillanes na ang talagang gusto niyang… ang pinapahiwatig niya ay diumano si Presidente ang nasa likod ng lahat ng ito. So kaya naman po ay dapat ipakita sa lahat na wala nga pong tinatago, at ngayon po, tanging katotohanan lamang ang isisiwalat ni Secretary Bong Go.

RAVELO: Pero, sir, siyempre itatanong mamaya—pero iyong marginal note kasi ni Secretary Lorenzana iyong nag… iyon ang sinasabing… doon nag-ugat kasi binanggit niya si Secretary Bong Go.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, si Secretary Lorenzana ang sasagot diyan, na hindi naman talaga siya sigurado kung saan nanggaling iyong note na iyon. At pangalawa po, lilinawin nga na noong lumabas iyong letter na iyon ay tapos na ang bidding, mayroon ng nadeklarang nanalo sa bidding at iyong bidder ay naisulat na rin kung ano ang isu-supply niya na combat system. Kasi iyong binili, isang buong frigate, hindi lang naman patse-patse ang binili diyan.

So makikita natin lahat iyan maya-maya lamang.

RAVELO: Salamat po. Si Secretary Harry Roque.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource