Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Jaymark Dagala and Rolly Gonzalo (DWIZ – Balitang Todo Lakas)


Event Radio Interview

ROLLY:  Secretary Martin, si Lakay at si Jaymark. Good morning.

SEC. ANDANAR:  Ay good morning Lakay at Jaymark. Good morning sa lahat ng nakikinig sa atin.

ROLLY:  Mukhang well-rested kagabi at mukhang okay ang aura. Itong si Secretary Martin ay sanay na sanay sa paggising sa maaga ito.

JAYMARK:  At una muna, Sec, congratulations nga pala ha, sapagkat iyong inyong ibinalita kahapon ay mukha talagang makapagbibigay sa atin ng mas maraming oportunidad sapagkat iyong kumpiyansa ng ating mga dayuhang negosyante ay mukha talagang patuloy sa pagtaas.

SEC. ANDANAR:  Oo nga. Kagabi during the Cabinet meeting, bago ako mag-report kay Presidente ay kinongratulate ko nga siya. Sabi ko congratulations dahil number one ang Pilipinas bilang best country to invest in batay nga doon sa US News [& World Report]. At ang sabi ng Pangulo, “hindi, hindi ako iyan.” Tapos nagbiro pa siya, “inyo na iyan, lahat sa akin iyan.”[Laughs]

But anyway, siyempre tuwang-tuwa po lahat ng mga miyembro ng Gabinete, sapagkat… biro mo, daig pa natin iyong mga bansang France, at iyong iba pang mga bansa, Indonesia, pati iyong Thailand. ‘The best country to invest in this 2018.’So ito po ay isang panalo para sa lahat ng Pilipino.

JAYMARK:  Siyempre inaasahan din natin diyan, iyan na iyong magiging susi para tuluyan ng maging reality iyong news na iyan from that report, tuluyan ng pumasok… sana nga tuluyan ng pumasok at dumami na iyong oportunidad natin dito na hindi na mangailanganan pang mangibang-bansa iyong ating mga kababayan, Sec, ano?

SEC. ANDANAR:  Oo. Of course, ito po ay napakagandang opportunity at lalung-lalo na, na iyong attribute na ginamit ay number one iyong entrepreneurship, economic stability, favorable tax environment, innovation, skilled labor, technological expertise, dynamism and campaign against corruption.

So ito po ay sumasalamin  sa magagandang  polisiya ng ating gobyerno at nabanggit mo nga Jaymark na one of these days ay siguro hindi na natin kailangang magpadala pa ng mga OFWs sa abroad para… at iwan iyong kanilang mga pamilya.

ROLLY:  Secretary, meron bang mga particular na mga lugar na binanggit diyan sa report, mga lugar?

SEC. ANDANAR:  Well, iyong number 19 ay iyong France, tapos 20 Chile. 19 France, nandiyan din iyong Brazil—

ROLLY:  Secretary ang tanong ko, meron bang mga partikular na mga lugar sa Pilipinas na binanggit?

SEC. ANDANAR:  Ay wala pa. General ito. Buong Pilipinas actually iyong binabanggit dito na the best country to invest in this 2018.

JAYMARK:  Sa ibang paksa naman, Sec. Iyong tanong nga ni Lakay kanina bago ko naputol, itong tungkol doon sa Government Satellite Network. Kumusta ito, ito ba ay nai-launch n’yo na o ilo-launch pa lang?

SEC. ANDANAR:  Ito ay actually in-introduce ko sa Gabinete noong Disyembre at inaprubahan ni Presidente, tapos ito ay ilulunsad natin ngayong darating na Hunyo 2018, iyan po iyong ating target date.

At tatlong bagay lamang kung bakit maganda itong Government Satellite Network:

Number one, iyong mga barangay natin na wala pang cellphone signal at internet signal ay sa pamamagitan ng Government Satellite Network ay magkakaroon po ng sariling internet iyong Barangay Hall. Linawin natin para sa gobyerno lang ito, so iyong Barangay Hall at iba pang mga government agencies.

Number two, alam naman natin na ang bansa natin ay isang archipelago na dinadaanan ng bagyo, dilubyo, lahat na lang ng malalakas na hangin ay dumadaan sa atin. At kapag nagtumbahan na iyong mga poste ng kuryente kung saan nakakabit iyong mga linya ng komunikasyon at kuryente ay ang Government Satellite Network ay mananatili pa rin. Sapagkat ito po ay satellite, sapagkat ito po ay antenna lamang at siyempre ang gagawin ni Kapitan ay itatago lang iyong maliit na satellite disc at ilalabas ulit kapag wala ng bagyo.

Pangatlo, ay mas madali po para sa ating national government to communicate with the  local government in the 42,000 barangays, vice versa at puwede rin po nilang kausapin ang ating Pangulo o ang Sekretaryo ng DILG at iba pang mga kalihim ng iba’t-ibang departamento.

JAYMARK:  Iyon. So linawin lang natin, Sec, sa mga barangay lang ito, for official transactions only.

SEC. ANDANAR:  Oo. Ito po ay pang-gobyerno lamang, pang LGU, pang-barangay, siyudad, provincial government, kasama rin po ang mga government agencies. Ito po iyong sinibersyuhan ng Government Satellite Network.

ROLLY:  Very good job.

SEC. ANDANAR:  Thank you po.

ROLLY:  Sec, bago ka namin pakawalaan. Iyong ating Telco na pangatlo. Ano ba ang latest doon?

SEC. ANDANAR:  Well, of course, ito po ay minamadali pa rin ng DICT. So ang inaasahan pa rin natin ay ngayong buwan ng Marso… March, April, May ay makapasok na itong dayuhan na kumpanya na magtatayo ng ikatlong Telco. Alam naman natin na isinoli na rin ng grupong MVP Group of Companies iyong bandwidth hindi ba na kanilang… itong CURE ibinalik ng libre ha, hindi sila naningil ng 3 bilyon. Kaya tuwang-tuwa kagabi sa Cabinet meeting si Presidente at si Finance Secretary Dominguez dahil walang babayaran ang Pilipinas na para doon sa CURE license o iyong bandwidth na gagamitin.

So we are very optimistic na ito ay mangyayari, but of course, they are very well dependent on the third player na papasok, na mag-i-invest ng more than 300 billion pesos.

JAYMARK:  Mukhang maraming nagbi-bid diyan, India, China, meron pa bang iba, Sec?

SEC. ANDANAR:  Iyong alam ko ay iyon pa lamang… pati Korea.

JAYMARK:  Talagang inaasahan natin iyan, Sec., sapagkat minsan talagang kapag lalo na sa atin, kumbaga sa mga interviews, pagka nagkakaroon ng putol-putol. Lalo na si Secretary Roque, mukhang madalas ding mabiktima ng paputol-putol na linya.

SEC. ANDANAR:  Lalo na pag umiinit na iyong usapan, maganda na iyong punto  biglang napuputol ano. Nakakabitin, hindi ba?

ROLLY:  Iyan ang mahirap mangyari iyong nabibitin.

SEC. ANDANAR:  Ay, alam mo ang sarap-sarap na ng usapan…  talagang nandiyan ka na sa kalagitnaan ng kasarapan ng usapan, biglang mawawala.

ROLLY:  Sec., thank you again for joining us.

SEC. ANDANAR:  Salamat, Jaymark at Lakay. Good luck sa election sa National Press Club. Good luck.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource