ATTY. STA. MARIA: Magandang umaga sa’yo, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Atty. Mel. It’s good to hear your voice and talk to you again.
ATTY. STA. MARIA: Magandang umaga. Martin, ano nga ba, ipaliwanag mo nga sa ating mga kapatid kung ano ang biyaya na makukuha dito sa nationwide information network system na ito?
SEC. ANDANAR: Okay. There are three things, Atty. Mel, that is very good about the Government Satellite Network which is basically an information network. Number one, lahat ho ng barangay sa buong Pilipinas kapag nag-avail nitong Government Satellite Network receiver ay magkakaroon po sila ng three to six mbps internet na libre. So therefore, iyong signal ng internet kahit na wala ho kayong cellphone signal sa inyong mga barangay o ito po ay island barangay or internal barangay ay magkakaroon po kayo automatic ng internet sa pamamagitan po ng satellite. So this solves the problem of the communications gap between the Executive branch of government and the local government units – mas madali na ang komunikasyon.
Number two, alam naman po natin na talagang pagdating sa mga delubyo, pagdating sa mga kalamidad, bagyo, typhoon ay talagang tayo po ay Route 66 or Highway 54 ng bagyo. So kapag bumabagyo ho, kapag nabugbog na iyong poste ng kuryente, kasama doon maapektuhan iyong kawad ng kuryente pati iyong kawad ng komunikasyon. So therefore, nawawala po iyong kuryente, nawawala rin iyong komunikasyon; minsan tutumba din iyong mga cell sites. Pero si barangay captain kapag mayroon po siyang government satellite receiver, ang gagawin niya, ipapasok niya sa loob ng bahay niya iyong receiver tapos kinabukasan ilalabas niya, and then turn on his generator kung walang kuryente at automatic he can already communicate with the national government.
And number three, pagdating po sa communication, coming from the Executive branch, from DILG for example or from DOH or from Malacañang, ay diretso na po puwedeng makipag-communicate ang ating national government down to the barangay level. So ang mangyayari po dito ay mayroon po tayong communication access or hotline between the barangay chairman, DILG Secretary or to any secretary for that matter, and even the President. Sapagka’t ang Government Satellite Network, ito po ay hindi one-way communication tulad po ng mga direct to home satellite TV, kung hindi puwede rin po silang magpadala ng signal sa pamamagitan ng internet protocol.
ATTY. STA. MARIA: Alam mo, Martin, napaka-exciting itong gagawing ito kasi parang liliit ang Pilipinas dito ‘di ba. Parang pinagkakabit-kabit natin at napakabilis na ng pag-uugnayan ng mga… ng from north to south, ika nga, kasi dahil dito sa sitwasyon na ito. Kailan ito ma-accomplish? At uumpisahan na ba ito?
SEC. ANDANAR: Well, naumpisahan na po iyong ano … mayroon pong nagpadala ng unsolicited proposal. Meaning, ito po ay, number one, hindi na ho proof of concept kung hindi talagang concept na ho talaga na gumagana ho.
Number two, no cost to the government iyong infrastructure kasi iyong satellite ay available na. Ito po ay Korean satellite na umiikot sa space. And then, alam mo naman kapag gusto mo ng isang satellite, kailangan mo pang mag-apply ng license that will take two to four years bago ka malagyan ng satellite. So mayroon na pong available.
Now, ang target po natin ay ngayong June 2018. It is very ambitious sapagka’t ang plano natin ay 42,000. Pero alam po natin, Atty. Mel, na mayroon na ring mga barangay na mayroon na ring internet connection.
But the beauty about this Government Satellite Network is that you have a receiver, and in that receiver, you have the government television – PTV, then you have Radyo Pilipinas, 1, 2, 3, 4, FM 1, 2 tapos mayroon ka ring Philippine News Agency TV, weather channel. At kung gusto mong magtayo pa ng mga bagong channel, for example we plan to set up an all-point bulletin board channel ng gobyerno, posible din. Infinite ang possibility.
Now, para sa ating mga commercial cable network, do not worry because we are not here to compete with you. We are just serving the government institution. Hindi po ito available sa ating mga private citizens.
ATTY. STA. MARIA: At ang manpower nito ay siguro dapat tuturuan ninyo itong mga iba’t ibang mga barangay natin sa paggamit nito?
SEC. ANDANAR: Opo. Alam mo, very good question, Atty. Mel, because very simple ang pag-install nito. Parang nag-install ka lang ng Cignal o Cignal disc. I-install mo lang doon, tapos i-orient mo lang iyong maliit na satellite disc and then you have a receiver, and then ikabit mo sa TV mo na may camera. So kung may camera iyong TV mo which we really encourage sa lahat ng barangay, kung gusto kang kausapin ng gobernador mo at sampu ng iyong mga kagawad ay puwede na, makikita kayo through teleconferencing.
ATTY. STA. MARIA: So ibig sabihin, Secretary Martin, hindi ito nakasalalay sa mga kable na napuputol, sa mga kuryente, ganyan ba?
SEC. ANDANAR: Opo, tama po kayo, Atty. Mel. Ito po ay satellite based kaya bagay na bagay ho sa ating terrain, sa ating topography, sa ating environment kasi tayo ay dinadaanan ng signal 1, 2, 3, 4 na mga bagyo. So kahit na malakas po iyong hangin ay ipasok mo lang iyong satellite disc, tapos kinabukasan you will still have the means to communicate to the national government kung talagang masama po ang nangyari sa inyong lugar.
So it is a very good project. And actually, iyong national broadband network kasi, it will take a couple of years, two years to three years. So ito po ay pa-roll out ng June. Automatic mayroon na hong internet agad even the farthest barangay of our land.
ATTY. STA. MARIA: Ito ba, sabi mo nga, Secretary Martin, it’s a Korean firm who made this unsolicited proposal?
SEC. ANDANAR: It’s a Filipino company, but the satellite is a Korean-owned satellite.
ATTY. STA. MARIA: Ang ibig sabihin po ng unsolicited proposal sa batas natin ay iyong pangunahing nagmungkahi na kumpleto na ang ano… ‘di ba, Martin, na kumpleto na ang rekados at parang ihahain na lang. Hindi kamukha iyong nagbi-bidding-bidding na nagmumungkahi ng iba’t iba, at mayroon ng mga plano na sinasabi, ‘Ito plano namin. Sinong pinakamataas sa inyo?’ Ito iyong, ‘Ito ang tingin namin,’ di ba parang ganoon? Sila ang nag-concepualize?
SEC. ANDANAR: Opo. Unsolicited proposal, turnkey solution. Ibig sabihin, nandiyan na ho iyong technology, nandiyan na, kumpleto na ho. Tapos no cost to the government, meaning, hindi ho tayo magpapalipad pa ng spaceship papuntang space para maglagay ng satellite doon. Existing na po ang satellite even the infrastructure on earth existing na po. A turnkey solution, ilalagay na lang ho at ready na po, mayroon na pong signal for your TV, for your radio at mayroon na rin pong signal for your internet.
ATTY. STA. MARIA: All right. Martin, kailan tayo magbi-breakfast? [Laughs]
SEC. ANDANAR: Iyon ang una kong sasabihin sana sa’yo. [Laughs]
ATTY. STA. MARIA: ‘Di bale, bising-busy ka.
SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. We can meet very soon. In fact, I think we can meet later. Hindi breakfast pero dinner siguro. [Laughs]
ATTY. STA. MARIA: Maraming, maraming salamat sa’yo, Martin. Secretary Martin Andanar.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Atty. Mel. Mabuhay ka. Mabuhay po ang Radyo Singko. Thank you po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)