Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Dexter Ganibe & Robert Mano – Pasada Sais Trenta, DZMM


DEXTER:  Secretary Harry Roque, magandang hapon po. Dexter Ganibe saka si Robert Mano sa Pasada Sais Trenta.

ROBERT:  Magandang hapon, Sec.

SEC. ROQUE:  Magandang hapon po.

DEXTER:  Nabakudan na ba iyong ngipin mo, Sec.? [Laughs]

ROBERT:  Okay lang ba? Okay lang kayo, hindi ho kayo nahihirapang magsalita, Sec.?

SEC. ROQUE:  Puwede na naman tayong dumakdak. Okay na naman ang ating ngipin.

DEXTER:  Kaya lang dalawang linggo kang mawawala.

SEC. ROQUE:  Opo [laughs]…

ROBERT:  Pero papaano iyon Sec. ‘pag nawala ka, ikaw pa rin ba magbibigay ng statement o…

SEC. ROQUE:  Hindi po – mayroon po tayong OIC, dalawa po iyan – si Asec. Queenie at saka si Secretary Meynard Guevarra po, at saka ano po, iyong isa as Office of the Executive Secretary, opo.

DEXTER:  ‘Ayun. So, talagang bakasyon talaga kayo…

ROBERT:  Pahinga muna si Sec. Grabe iyong ratsada mula sa Kongreso – noong nanggaling siya sa Kongreso, ratsada na siya sa Kongreso. Nagpunta pa ng Malacañang, mas rumatsada.

SEC. ROQUE:  Oo nga [laughs]. Ibang klase po itong limang buwan na ito, parang ito iyong pinakamatindi akong nagtrabaho ng limang buwan sa buhay ko.

DEXTER:  [Laughter] Parang ilang taon na rin iyon sa puwesto ‘no. Pero Sec.—

SEC. ROQUE:  Opo, parang limang taon nga [laughs].

DEXTER:  Oo. Pero Sec., kanina may direktiba si Pangulong Duterte, at ito’y kinumpirma din naman ng LTFRB na pinapakansela nga iyong prangkisa na ng Dimple Star Bus. Pero hindi ba papasok na rin ang Semana Santa, ano po ang mensahe o direktiba ng Malacañang sa ating mga tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman dito sa pagbiyahe ng ating mga kababayan pauwi sa mga lalawigan – mapa-land transportation, air transportation man o kaya by sea.

SEC. ROQUE:  Well unang-una po, inuulit ko po iyong pakikiramay ng atin pong gobyerno doon sa naging biktima nitong Dimples Bus Line. Kanina po nanggaling nga doon ang ating Presidente, hindi na po ‘yan inanunsiyo sa media dahil gusto niyang maging pribadong bisita iyan doon sa mga naging biktima. At dahil nga dito sa karanasang ito, lalo pang paigtingin po ang order ng Presidente sa LTFRB na bantayan lahat ng ating mga bus; siguraduhin na ang mga bus ay road worthy; iyong inspeksiyon ng mga bus bago dumagsa ang mga pasahero ay pinapaigting ng ating Presidente; at gayundin iyong kampanya laban sa mga colorum, dahil ang problema diyan sa mga colorum kapag iyan ay nakaaksidente, halos walang benepisyong makukuha iyan dahil nga wala iyong mga insurance at iba pang mga requirement sa ating gobyerno.

Sa mga pantalan naman po, inatasan na ng ating Pangulo ang Coast Guard, double time po, talagang wala pong mga distilled; siguraduhin na ang sea worthiness ng ating mga barko na sasakyan ng ating taumbayan; at siguraduhin na walang overcrowding, na maaaring maging dahilan ng sakuna; at siyempre sa Kapulisan po, siguraduhing mahigpit lahat sa pagbantay. At alam ninyo naman po na nandiyan pa rin talaga iyong patuloy na banta ng terorismo. So, kuntodo alerto po ang lahat ng taong gobyerno ngayong Semana Santa.

DEXTER:  So Sec. iyong sa sea nabanggit ninyo na, sa Coast Guard and then sa Office of Transportation Security doon sa mga paliparan din iyan.

SEC. ROQUE:  Opo. Well ang panawagan ko po ay pati po doon sa mga puerto na maging mapagmatyag at siguraduhin po na walang over capacity noong ating naglalayag na mga barko dahil diyan po nagsisimula ang sakuna. Pero anyway ang panawagan po sa lahat, hindi po dapat mangyari muli si Dimples, dahil alam naman natin na kapag Semana Santa marami sa ating mga kababayan ay umuuwi at sumasakay sa mga pampublikong mga sasakyan.

DEXTER:   Medyo lumalabo iyong signal ninyo Sec., kailangan na yatang pagkatapos ng Semana Santa, nandiyan na iyong third player eh.

ROBERT:  [Laughs] Oo, si Sec. ang nag-anunsiyo noon.

SEC. ROQUE: Oo nga po, naantala talaga iyong pagpasok ng third player talaga, oo.

ROBERT:  Pero Sec., sa tingin ninyo dahil dito sa mga nangyayaring ganito ano nabubulaga na lang. Katulad kanina kausap namin si Atty. Lizada ng LTFRB, nalaman lang nila na luma na pala talaga iyong bus – naaprubahan 2009 – ito ay ni-reactivate. Sa tingin ninyo Sec., kailangan ba—napapanahon na ba na magkaroon ng imbentaryo ang pamahalaan sa lahat ng mga pampublikong sasakyan?

SEC. ROQUE:  Opo, opo. Well alam ninyo po, nagsimula na naman iyong PUV modernization program sa jeep to jeep. Inaasahan po natin magkaroon din ng similar na programa para sa mga bus. At siyempre po, bago tayo magkaroon ng modernization program, dapat malaman natin ito ba talaga ang mga bus na available pa; ano ba talaga ang kanilang edad; anong mga kondisyon nang sa gayon po ay maging responsive kung ano iyong magiging bagong programa ng ating gobyerno.

Pero ang masasabi ko lang po, talagang nakakalungkot po itong nangyari dito sa Dimples Bus Line; nalungkot po ang Presidente. Sa kaniyang binitawang salita, parang ang lahat ng taong gobyerno masiguro na hindi ito mauulit lalong-lalo na ngayong panahon ng Semana Santa.

ROBERT:  Sec. bago iyong Lenten break, may pahabol pa po ba na utos ang Pangulo sa kaniyang mga Gabinete?

SEC. ROQUE:  Well alam ninyo po ang Presidente, hindi pa ho magpapahinga. Mayroon pa siyang mga pagpupulong pa rin na gagawin. So I’m sure mayroon pa rin pong mga aktibidad ang Presidente hanggang hindi pa opisyal ng pagdating ng Thursday at saka ng Friday.

DEXTER:   Oo, kasi magbi-birthday din siya sa Wednesday.

SEC. ROQUE:  Opo.

DEXTER:   Sa Davao na siya Sec. ano? Pero hindi niya ugaling mag-ano ‘no, iyong maghanda—mag-party-party, iyong—

ROBERT:  Celebration na malaki.

DEXTER:  Oo.

SEC. ROQUE:  Hindi po, hindi po. Tahimik po ang Pangulo sa kaniyang kaarawan. Ang sabi nga po niya ay talagang matutulog lang siya buong araw sa kaniyang pamamahay kapag siya’y nagse-celebrate ng kaarawan.

DEXTER:  ‘Ayun, oo kasama iyong kaniyang mga apo. Maraming salamat Sec. Harry at enjoy your vacation.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po, at ingat po sa Semana Santa. At habang tayo po’y magbabalik-tanaw doon sa tinatawag na Maundy Thursday at Good Friday, asahan naman po natin ang Easter Sunday po. Magandang hapon po.

DEXTER:  ‘Ayan, magandang hapon. Si Secretary Harry Roque.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource