Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Erwin Tulfo)


TULFO: (RECORDING CUT) … nagulantang dito sa balita na itong Facebook, itong Asia-Pacific Division nila, tinap ang Rappler at Vera Files na kilala namang anti-Duterte ito para doon sa fact checking daw program.

SEC. ROQUE:  Oo, isa na ako doon sa nagulantang dahil ako mismo ay nabiktima ng fake news niyang Rappler na iyan, doon sa sinabi ko daw na bawal daw ang mga Pilipino mag-scientific research. Nakakabahala po talaga iyan. Nakakabahala po talaga.

TULFO: Oho. Ano hong plano ngayon nito, sir, hindi po ba magpuprotesta kaya ang gobyerno or somebody to tell Facebook, baka hindi nalalaman ng Facebook na itong dalawang agencies na ito ay anti-Duterte, lalo na ang Rappler. Alam naman ho natin, kung naalala ninyo, sir, iyong may nagwala na sugarol sa Resorts World na nanunog, sabi ng Rappler ay ISIS ito. Eh hindi naman pala ISIS kung hindi sugarol lang. Eh sila rin, fake news din naman sila. Papaano ito, sir? Papaano kaya natin maipaparating sa Facebook na ang pinagkukuha nila ay anti-Duterte ito at biased ang mga ito, sir?

SEC. ROQUE: Dapat talaga ay putaktihin ng lahat ng mga DDS ang Facebook at sabihin mali ang napili nila na mag-vet ng fake news dahil sila nga ang gumagawa ng fake news. At dami naman natin dito sa internet, mga DDS ‘no, sa tingin ko ay masa-shock din ang management ng Facebook at makikinig sa atin.

Pero sa akin, ang tingin ko, ang solusyon diyan ay tayo ang gumagamit ng Facebook, tayo ang magreklamo; hindi tayo dapat pumayag diyan.

TULFO: All right. Moving on, sir, isa pa hong nagre-react itong mga Dilawan, doon sa sinabi po ng Pangulo na ipapahuli niya itong ICC na ito kapag tumungtong sa ating bayan. Wala raw karapatan ang Pangulo na ipahuli itong ICC na ito na mag-imbestiga dito sa ating bayan, sir.

SEC. ROQUE: Eh di magdemanda sila kung gusto nilang magdemanda. Kung may nilalabag na batas ang Presidente, magdemanda sila. Pero sa tingin ko wala. Kasi sa ating batas, sa ating lokal na mga awtoridad lang ang dapat magpatupad ng batas dahil, unang-una, maski tayo po ay sumapi diyan sa ICC, ang sabi natin hindi dapat manghimasok ang ICC kung hindi pa napapatunayan na hindi gumagana ang mga domestic na ating mga institusyon, na gumagana naman sa ngayon.

Iyong mga nag-iingay-ingay diyan, ay naku, usual suspect na naman talaga iyan. Wala namang mabuting sinabi kay Presidente iyan, pabayaan mo silang mag-ingay. Huwag na nating banggitin ang mga pangalan nila, gusto atang sumikat.

TULFO: Ay sisikat pa. Sir, panghuli na lamang. Ito, hindi ho maganda. May kumakalat sa media, sa YouTube na may nanakawan na naman na kababayan natin diyan sa NAIA. Ano ho ang instruction ng Malacañang dito sa NAIA?

SEC. ROQUE: Boljak, boljak na naman iyan kung sino ang responsable diyan sa nakawan na iyan. Alam ninyo naman ang Presidente, lalung-lalo na ang OFW, huwag ninyong lalapastanganin iyan dahil parang nilapastangan ninyo na ang Presidente dito. Boljak na naman po iyan.

TULFO: Sir, hindi kaya sinasadya na ito? Kasi baka talaga para masira ang administrasyon dahil ayaw …galit na galit ang Pangulo pero patuloy na ginagawa. Hindi kaya sinasadya ito? Nananadya na, Secretary?

SEC. ROQUE: Baka naman hindi. Let’s give them the benefit of the doubt. Pero kung nakawan na naman iyan, naku nakita ninyo naman ang reaksiyon ng ating Pangulo. Hindi po papayagan iyan dahil ang ating mga OFWs, iyan po ay mga bayani ng ating bayan.

TULFO: Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Magandang umaga po, sir.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Erwin. Salamat po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

 

Resource