Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Dexter Ganibe & Johnson Manabat (Pasada Sais Trenta-DZMM)


 

DEXTER: Hayan na partner. ‘Di manggaling mismo sa Tagapagsalita ng Pangulo… si Secretary Harry Roque. Magandang hapon ho sa inyo, Secretary Roque. Si Johnson and Dexter sa Pasada Sais Trenta nina Vic Lima and Karen Davila. Good afternoon ho.

SEC. ROQUE: Magandang hapon, Johnson at Dexter. Dexter ang lakas mo talagang rumaket, nandiyan ka na naman.

JOHNSON: Oo nga, kaya nagmamadali hong umalis ng Malacañang kanina.

DEXTER: Secretary, good afternoon.

JOHNSON: Secretary, iyon hong mga tanong doon ho sa anggulo ng… saan ba ayaw ng Pangulo ng babae? Sino ba iyan, sa posisyon ba ng Ombudsman o ng Chief Justice?

SEC. ROQUE: Alam mo ganito na lang ang sasabihin ko ha. Alam mo ang Presidente, talagang palabiro iyan sa kaniyang pananalita. Pero ang dalawang tinalaga niya sa posisyon, ang Kalihim ng Department of Tourism at ang Comelec Commissioner, parehong babae. Si dating CA Commissioner Inting na ngayon ay Comelec Commissioner, at siyempre si Secretary Berna Romulo-Puyat ay babae. So ito po ay ebidensiya na hindi po tutol ang Presidente sa pagtatalaga sa kababaihan sa gobyerno, at iyan na lang po ang bibitawan kong salita diyan kasi mahirap eh. Alam mo ang Presidente hindi mo alam minsan kung nagbibiro o seryoso, kasi iyan talaga anyo niya, tatanggapin na natin siya. Pero let his actions speak for themselves; ang dalawang latest appointment po niya, parehong kababaihan.

DEXTER: At saka Secretary, noong nakaraan lang iyong acting—acting ba o OIC na, sa DSWD?

SEC. ROQUE: Correct! At saka iyong Acting Secretary ng DSWD po, babae rin pala, pinalitan niya si Acting Secretary Leyco. So tatlo na pala iyong—iyong huling tatlong pinaka-latest niyang appointment ay puro babae po.

JOHNSON: So kung mayroon ho palang babatikos sa Pangulo, na wika nga eh ‘bias’ sa mga babae, eh hindi ho pupuwede iyong anggulong ganoon.

SEC. ROQUE: Hindi po, kasi iyan naman po ang aktuwasyon ng Presidente, iyan po ang katotohanan. So iwan na po natin diyan, at iwanan na natin kung ano talaga ang sinabi – tingnan na lang natin ang mga gawain ng ating Presidente.

DEXTER: So ibig sabihin Secretary, iyong pagbanggit niya na—kasi iyong sinabi niya na, ‘lalo na babae’ sabi niya sa bandang dulo, parang inihabol niya lang iyon eh. Maaring paano lang iyon—

JOHNSON: Biro lang din…

DEXTER: Parang biro, parang hindi seryoso.

SEC. ROQUE: Tingin ko po biro. Kasi kung papansinin ninyo, right after that nagbiro siya at tinanong niya si AC Nicholls ng CNN—

JOHNSON: Ah, abogado siya…

SEC. ROQUE: “Abogada ka ba, gusto mo ikaw Ombudsman?” Oh ‘di ba ho, anong ebidensiya niyan? Iyan po ay nagpapatunay na nagbibiro siya. So palabiro talaga ang Presidente, kasi alam mo, naintindihan ko ang Presidente, kapag ikaw presidente kailangan seryoso ka lalo na iyong pinanggalingan niya, official visit ng isang Prime Minister. Siyempre naman medyo napapagod ka din, ilang oras ka rin na pormal, so kailangan ka namang mag-express din ng iyong sarili; kailangan naman aliwin mo din ang sarili mo. So ako, naintindihan ko iyong mga ginagawa ng Presidente, dahil buong hapon na po, wala siyang ginawa kundi iyong ceremonial duty niya as president in receiving the Prime Minister of Papua New Guinea.

Pero iyan po malinaw po: tatlong latest appointees’ niya, puro kababaihan. Let the President’s actions speak for themselves, at sa tingin ko nga po itong mga roster ng ombudsman, ang vetting po ha… ito naman, hindi ko sinasabi na ito ay katotohanan, ang vetting baka nga po babae ang susunod na ombudsman. Dahil ang sabi ng mga nakakausap ko sa lahat ng listahan diyan, eh may malakas daw diyan na babae na malapit na malapit kay Presidente at pinaniniwalaan ni Presidente dahil sa kaniyang kakayahan bilang isang abogada.

JOHNSON: So hindi naman ho ibig sabihin na iyong shortlist na isa-submit ng JBC, kung may kasama man doong babae eh etsa-puwera kaagad? Hindi ganoon?

SEC. ROQUE: Hindi po, hindi po, hindi po talaga. Dahil tingnan ninyo naman oh… alam mo sa totoo lang, ang dami hong nagla-lobby para maging Secretary of Tourism, at karamihan po lalaki – pero ang tinalaga po niya ay babae.

JOHNSON: Oo. Eh tinatanong ho ni Charlie, sino daw ho iyong nagla-lobbying iba?

SEC. ROQUE: Ay naku hindi po bale, kasi may na-appoint na eh [laughs].

DEXTER: Saka Sec., doon sa sampung nag-apply mukhang iisang babae lang iyong nabasa ko sa mga nandoon.

JOHNSON: Edna Batacan.

DEXTER: Oo, Edna Batacan.

SEC. ROQUE: Oo. Pero hindi ninyo po iyan pupuwedeng burahin, dahil iyan po ay tumayong abogado mismo ng Presidente sa kaniyang mga kaso. Hindi, mayroon pa pong isa – si Atty. Lizada.

JOHNSON: Ah, ng LTFRB.

SEC. ROQUE: Recommendee, oo, recommendee ng CBCP – nagulat ako doon ha.

DEXTER: Ah, bago lang…

SEC. ROQUE: CBCP nag-endorso, at ito nga po si Atty. Lizada oh… napakalakas din po tingin ko na kandidato iyan kung sila po ay papasa sa pagbusisi ng Judicial and Bar Council.

JOHNSON: Opo. Iyon ho namang banggit ng Pangulo na si Secretary Bello since siya ho ay aplikante rin sa JBC na posibleng maging next Ombudsman, biro lang din—

DEXTER: New labor—

SEC. ROQUE: Ay biro naman po iyon. Bakit naman made-demote ang Secretary to labor attaché, eh alam ninyo naman—sabi ko nga po eh iyong mga oras na iyon, oras na ang binilang ng Presidente sa kaniyang ceremonial role as President of the Republic, doon sa pagtanggap sa Prime Minister ng Papua New Guinea. Eh inaaliw naman siguro niya iyong sarili niya kaya nagbibiro siya ng ganoon.

JOHNSON: Secretary, mayroon na ho bang bagong appointments ang Pangulo since mayroon hong pinag-resign at gaya na lamang ho sa DOJ at saka sa DPWH, mayroon na ho bang kapalit?

SEC. ROQUE: Wala pa po at tayo naman po ang unang-unang nagsasa-publiko ng mga appointments ‘no at kayo po sa Malacañang Press Corps ang unang-unang nakakakuha ng appointment paper.

DEXTER: Iyan. Sec., ito may pinapatanong si ano—speaking about Malacañang Press Corps, naka-monitor sila. Agree ba siya sa sinabi ni Senator Lacson na premature iyong resolution on quo warranto?

SEC. ROQUE: Well, ang posisyon po talaga ng Presidente, hinahayaan niya ang mga Senador na gawin ang katungkulan nila. Pero kung ang tanong ninyo po ay agree siya eh nirerespeto rin po natin ng matindi si Senator Lacson at tingin po natin ay may basehan din iyong sinasabi ni Senator Lacson, wala pa namang—kumbaga wala pang K na magreklamo ang ating Senado kasi wala pa pong naita-transmit na impeachment complaint sa kanila. So siyempre po walang pinagkakait na kapangyarihan kapag wala pang nakakarating na articles of impeachment sa Senado.

JOHNSON: Secretary, kayo ho ay mayroon naman ng nabanggit na pahayag doon ho naman sa isyu ng pagpa-file ng petition sa Supreme Court ng ilang opposition Senators kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute na ang sabi ninyo ay ‘Good luck.’ Pero ang Pangulo ho ba, ano bang pahayag ng Pangulo doon?

SEC. ROQUE: Ganoon din po dahil siya po ay isang abogado, naniniwala po siya na hindi po pupuwedeng certiorari ang maging remedy sa foreign relations dahil kinikilala po ng hukuman na ang Pangulo po talaga ang Chief Architect of Foreign relation.

JOHNSON: As we speak, Secretary, tayo ho ba ay nakakalas ng talaga sa Rome Statute? Hindi ho ba at mayroong isang—

DEXTER: May isang taon.

SEC. ROQUE: Tayo po ay nagbigay ng notisiya na sa ating desisyon na kumalas, iyan po ay na-receive na ng United Nation.

JOHSON: So after one year pa tayo formally makakakalas, ganoon ho ba?

SEC. ROQUE: Well ang sa akin po ay naideposito na po iyong instrument of withdrawal. Bahala na po kung anong ibig sabihin noon.

JOHNSON: Alright. Sige ho, Secretary, may tanong ka pa ba Dexter?

DEXTER: Ito dahil wala kaming briefing bukas—

JOHNSON: Bakit?

DEXTER: [laughs]. Dahil Friday.

JOHNSON: Ah walang Friday briefing talaga?

DEXTER: Iyong kasamahan natin sa Malacañang Press Corps naka-monitor na iyan sa iyo Secretary, tinatanong – kasi kanina kung na-monitor ninyo Sec – nagsalita si ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno doon sa IBP rin at may hamon siya na magbitiw na si Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Well, ako po ay ayaw ko na pong magkomento diyan at tingin ko po ang Presidente ayaw na ring magkomento dahil kahapon tinanong din naman siya sa ambush interview ninyo tungkol kay Chief Justice Sereno, hindi naman po siya nagkomento, hayaan lang po natin siya at hayaan na natin siyang manahimik bilang isang pribadong indibidwal.

DEXTER: Iyan.

JOHNSON: Secretary, maraming salamat ho sa oras—ay sandali lang ho at mayroong pahabol na tanong ang amin hong mga kasamahan dine. Ang Pangulo ho ba ay nasaan ngayon, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, ang—nakita ko rin po iyong kaniyang larawan na kasama niya ang pamilya niya dahil uma-attend siya ng graduation ng apo.

JOHNSON: Oho, ere ho, mayroon na ho pa lang pahayag ang opisyal ng DPWH na… ito ba iyong pinagbitiw ng Pangulo, Sir Charley?

DEXTER: Si Asec., ho ba?

JOHNSON: Binabatikos ho ang Palasyo ngayon dahil hindi naman daw ho siya corrupt, eh bakit daw ho nakasama siya sa pangalan ng listahan ng Pangulo?

DEXTER: Si Asec. Umpa.

JOHNSON: Umpa.

SEC. ROQUE: Well, entitled po siya sa kaniyang opinyon pero mayroon na pong imbestigasyon ang DPWH mismo, mayroon po tayong ebidensiya at hindi naman siya pupuwedeng magpilit na manatili sa puwesto dahil siya po ay naninilbihan at the pleasure of the President. So puwede niya pong gamitin lahat ng ebidensiya na mayroon siya para hindi po siya malitis sa kasong kriminal.

DEXTER: Iyon.

JOHNSON: Secretary, salamat ho sa oras po ninyo.

DEXTER: Thank you very much sir.

JOHNSON: Good afternoon.

SEC. ROQUE: Salamat po. Magandang hapon po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource