Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Dexter Ganibe (Tandem-DZMM)


DEXTER:  Nasa linya na ng ating komunikasyon si Secretary Harry Roque, ang Presidential Spokesperson. Good morning, Secretary Roque. 

SEC. ROQUE:  Good morning Vic, maganda ngayon ang hairdo mo at kamukha mo si Dexter. 

DEXTER:  [Laughs] Napatawa mo ako doon Secretary ha. Ginugulo namin ang iyong Saturday vacation, pero may good news ka bang baon ngayon Secretary sa ating listeners? 

SEC. ROQUE:  Well, sa Malacañang naman po ang Presidente natin, hindi naman po manhid sa mga pangyayari. Talagang walang gusto po na ganitong kataas ang presyo ng langis. Kaya ngayon po ay tatlong bagay ang kaniyang pinag-utos – unang-una iyong DTI na magmasid at talagang hulihin iyong mga negosyante na lumalabag sa suggested retail price. Kasi ang dami ring nagsasamantala sa ngayon, talagang napakataas ng bilihin, pero ito po siguro mga 70% nagsasamantalang mga negosyante. Mayroon po iyang fine at mayroon din po iyang pagkakasara. So iyan po, lahat po noong DTI surveillance team activated.

Pangalawa po, sinabi na ni Secretary Bello iyong mga regional wage board magpulong na. Tingnan kung dapat itaas iyong mga minimum wage dahil alam natin mas mataas ang bilihin, kinakailangan mas mataas ang sahod – kaya lang po may proseso, hindi na puwedeng national iyan kasi may batas po na ginawang regional. 

Pangatlo po, gumagalaw na po ang DOE ngayon para maghanap ng mas murang langis galing po sa mga non-OPEC members, kasama na po ang Russia. Gagawin po natin ang lahat para po makaangkat ng mas murang mga langis, dahil hindi naman lahat po ng oil producers ay members ng OPEC. At tinitingnan po natin iyong posibilidad na sa diesel man lang, kasi diesel po ay makaangkat tayo galing sa bansang Russia. 

DEXTER:  Uhum. Isa iyan sa mga tinitingnan ano na alternatibo, dahil—tama ba iyong pagkakaintindi ko, iyong binanggit ninyo noong nakaraan Secretary, iyong nakasaad sa TRAIN Law na kapag umabot ng P80 per barrel ang average price ng oil per barrel sa loob ng tatlong buwan ay saka pa lang automatic… automatic na ba o kailangang may isa-batas—kailangan pa ito ng ano— 

SEC. ROQUE:  Hindi po. Pang-apat po iyan, pero iyon naman po ay nasa batas na kaya wala nang gagawin ang Presidente— 

DEXTER:  So, wala nang executive issuance niyan? Automatic iyon. 

SEC. ROQUE:  Wala na po. Tatlong buwan at tumaas po ng otsenta, iyong mas mataas na excise tax sususpendihin; mayroon pa rin pong excise tax pero iyong luma, iyong mas mababa excise tax ang kokolektahin. 

DEXTER:  Hayun, so malinaw na. Pero parang ang sabi ng ilan, eh parang napakalayong mangyari na mag-average ng 80 dahil—sa loob ng tatlong buwan dahil nga napaka-liquid noong ano—I mean, ang bilis magbago ng presyuhan. 

SEC. ROQUE:  Well Dexter huwag nating ipagdasal na umabot ng 80 for three months – sana nga po bumaba. At ngayon po ang balita na kahit mataas eh bumaba, kasi iyong Venezuela nga at saka Russia eh nag-increase sila ng output at hindi sila sakop ng OPEC. 

DEXTER:  Ah, so puwede tayong kumuha doon? Pupuwede ba iyon— 

SEC. ROQUE:  Opo, dahil iba ang presyo ng—puwede po, ang price noong diesel sa Russia, ang CIS, sabihin ko na sa Pilipinas kalahati po, 25 to 27. Kaya nga lang po ang sabi, eh mas mataas iyong sulfur content, so baka kinakailangan i-process muli sa Singapore. Pero kung kinakailangan pong gawin iyan para panlaban dito sa mahal na diesel, gagawin po iyan ng pamahalaan at ina-anticipate ko po na ang DOE po at saka ang DFA gumagalaw na po, dahil hindi naman pupuwede na wala tayong gagawin habang tumataas ang presyo sa world market. 

DEXTER:  Hayan, so may mga pag-uusap nang ginagawa ngayon; may mga hakbang nang ginagawa ang Energy and Foreign Affairs. 

SEC. ROQUE:  Opo, at nakipag-ugnayan na rin po sa pribadong sektor iyong mga distribution. At sila naman po ay tutugon sa tawag ng panahon, at kung makakaangkat tayo ng mas mababang diesel, ang pangako nila, ibebenta nila sa mas mababang presyo. 

DEXTER:  Hayan, maiba tayo. May mga katanungan iyong mga kasamahan natin sa Malacañang Press Corps, galing kay Vito Barcelo. Tinatanong niya: “With regards to President Duterte’s visit to South Korea, ano ho iyong possible talks with Korean leaders, dahil ito daw ay kinumpirma na ng Korea? 

SEC. ROQUE:  Well ito po ay kalakalan pa rin, saka iyong kapakanan noong ating mga manggagawa doon sa Korea. Pero sa Lunes po, magkakaroon ng briefing at doon po sasabihin ang buong-buo kung ano iyong agenda sa pagbisita sa Korea. 

DEXTER:  Oo, ‘yan ay sa June na, first week of June. Tama, Secretary ano? 

SEC. ROQUE:  Opo. Kung hindi po ako nagkakamali, parang June 3 to 5. 

DEXTER:  Uhum… Iyon din iyong katanungan din ni Julie Aurelio ng PDI, kaugnay nga po sa trip. So iyong detalye niyan, ilalahad ninyo po sa Monday. 

SEC. ROQUE:  Sa Lunes po iyan. 

DEXTER:  Pero tuloy na po iyan ano? 

SEC. ROQUE:  Tuloy na po iyan, at tradisyunal naman po iyan, nagkakaroon ng briefing para po sa Malacañang Press Corps bago po magkaroon ng isang official visit. 

DEXTER:  Oo. Sir kuha lang kami ng sound bite doon sa naging statement ninyo sa paghingi ni—noong sinibak na Tourism Assistant Secretary Mark Tolentino – paghingi niya ng apology kay Pangulo. 

SEC. ROQUE:  Well siguro naman po ang Presidente, eh hindi po iyan naniniwala sa venggansiya. Siguro po ay mapapatawad niya kung humingi tawad, pero kinakailangan po na manindigan ang Presidente na ang lumalabag sa kaniyang directive na hindi dapat makipag-ugnayan sa kaniyang mga kamag-anak ay masisibak sa puwesto. Kinakailangan po magsilbi siyang halimbawa para walang makikipag-ugnayan sa kahit kaninong kamag-anak niya pagdating sa mga kontrata sa gobyerno. 

DEXTER:  Uhum. Sec., Transportation hindi Tourism ano, Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino nga pala. Oo, Tourism ba iyong nabanggit ko? Kasi ang nasa isip ko, manghingi ulit ako ng update ho sa inyo kung nag-submit na po ba ng report ang tatlong ahensiya ng pamahalaan kaugnay doon sa ginagawang rehabilitation sa Boracay? 

SEC. ROQUE:  Wala pa po, pero magkakapulong po kami uli ng inter-agency, again nga po ay para magkaroon ng update tayo sa ating sambayanan kung ano na ang nagawa ng isang buwan. Pero ngayon po, malinaw po ang dami na pong mga tubo na nadiskubre na dumidiretso po sa White Beach po at hindi ho doon sa likuran. 

DEXTER:  Oo. Ito’y patunay lamang iyong binabanggit ng Pangulo na parang nagiging tapunan na ng sewerage waste iyong karagatan ng Boracay. 

SEC. ROQUE:  Well nakakataas-balahibo nga po, dahil tayong lahat nanggaling sa Boracay, naglangoy tayo sa White Beach, iyon pala ang nilalanguyan natin ay diretso na sa inidoro papunta ng White Beach. 

DEXTER:  Naku, oo… Sana iyong kanilang target na mapaaga, sana mabigyan tayo ng update kung mami-meet ba iyon… iyong—kailan ba? Ang sinasabi, October? 

SEC. ROQUE:  Opo sana po, dahil lahat naman tayo sabik na sabik nang bumalik ng Boracay. 

DEXTER:  Uhum… Hayan sige Secretary, hindi na namin gagambalain ang inyong pag-e-ehersisyo ngayong umaga [laughs], ituloy mo na ulit iyan [laughs]… 

SEC. ROQUE:  Halata ba na nag-e-exercise ako [laughs] 

DEXTER:  Oo, sabi ni Ma’am Myr ongoing yata iyong routine ni Secretary eh. Sabi niya samantalahin na natin at…

SEC. ROQUE:  Tama po iyan [laughs], dahil kailangang-kailangan nang magpapayat [laughs]. 

DEXTER:  [Laughs] Anyway Secretary, ingat-ingat. Thank you very much. 

SEC. ROQUE:  Salamat po, at magandang umaga po. 

DEXTER:  Hayan, good morning. Si Secretary Harry Roque na ating ginambala iyong kaniyang pag-e-ehersisyo ngayong umaga ng Sabado. 

                                                                                                ###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource