Interview

Cabinet Report sa Teleradyo by Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar with PCOO Director Vinci Beltran and Director Nino Padilla (Radyo Pilipinas)


SEC. ANDANAR: Magandang, magandang, magandang umaga Luzon Visayas at Mindanao. Kayo po’y nakikinig dito lamang sa Radyo Pilipinas 1 – Uno, number one. Kami po ay 738 sa inyong mga talapihitan. Ito po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar, once again ito po ang inyong programang Cabinet Report sa Teleradyo – every Saturday, at ngayon po ay ika-dalawa sa buwan ng Hunyo dos mil disiotso. At kasama po natin ngayong umaga na ito, walang iba kundi si Director Vinci at si Director Niño; so dalawang Director ito, kapag nagkamali pa tayo ewan ko na lang ha, dalawang Director.

Good morning, good morning… Kumusta.

DIR. BELTRAN: Good morning Sec. Good morning, Direc Niño…

SEC. ANDANAR: How was your week, kayong dalawang? Ikaw muna Director Vinci…

DIR. BELTRAN: Okay naman po, inaayos natin iyong admin ng PCOO at talagang pinalalakas natin iyong ating opisina. At tinataasan din natin iyong morale noong mga tao natin, iyan iyong isa po sa sinasabi ko sa mga tao po natin.

SEC. ANDANAR: Kailangan taasan ang suweldo kung gusto pataasin ang morale [laughs].

DIR. BELTRAN: Naku [laughs]… Sa ngayon po ginagawa natin ng paraan na iyong mga non-monetary po muna na benefits. Kahapon po, nabigyan po ng award iyong ating employees’ organization from Civil Service, sila po ay certified na po na puwedeng tumanggap ng CNA.

SEC. ANDANAR: Very good, talaga namang… Alam mo si Director Vinci, napakabata pa nito. Sa mga nakikinig sa mga radyo at walang TV o wala sa internet, napakabata pa nito… siguro mga twenty plus lang ito eh ‘no…

DIR. BELTRAN: Twenty six po.

SEC. ANDANAR: Oh twenty six, see? Twenty six… teka, saan ba iyong microphone ni… Hindi ko marinig si Niño. Oh Director Niño, kumusta naman ang linggo mo?

DIR. PADILLA: Magandang umaga pala sa ating mga tagapakinig. Mukhang na-miss ko ito ha.

SEC. ANDANAR: Matagal ka na bang nawala sa radyo? Mga ilang linggo na?

DIR. PADILLA: Sa probinsiya… mga siguro mga dalawang buwan. Pero dito sa Manila mga… siguro dalawang taon din.

DIR. BELTRAN: Ang tagal na…

SEC. ANDANAR: Two years na rin, almost two years…

DIR. PADILLA: Almost two years nawala tayo sa radyo, nakaka-miss din tuloy iyong radyo. Once tasted, always wanted daw eh…

SEC. ANDANAR: Well, lalo na kung bago iyong equipment mo, bago iyong mikropono…

DIR. BELTRAN: Iyon nga po eh, napansin mo…

DIR. PADILLA: Iyon nga… ayaw kong hawakan eh, baka maano—mukhang… kung nakakaalam sa mga gamit na iyan, iyon iyong Ferrari ng mga mixer.

SEC. ANDANAR: Ito, napakamahal nito. Pinaghirapan talaga ito nina Bong Aportadera, Carlo Villo at mga kasamahan natin dito sa Radyo Pilipinas, sa Philippine Broadcast Service. By the way, speaking of Philippine Broadcast Service, nais ko lang pong batiin ang ating mga managers mula sa dalawampu’t pitong istasyon nationwide, na sila po ay mayroong conference ngayon sa Tagaytay, at pinag-uusapan nila kung anong—papaano ba papaasensohin ang Radyo Pilipinas; paano baguhin iyong programming, i-adjust… para makahabol doon sa, number one, sa mga…

DIR. BELTRAN: Mainstream po…

SEC. ANDANAR: Mainstream, private media; at number two, para din paano mai-apply iyong mga bagong technology at paano mag-adjust, lalo na ngayon sa mundo ng social media. Okay. Galing ako doon kanina, kaninang umaga at kinausap ko sila.

DIR. BELTRAN: Wow, naku kagagaling ninyo lang pala doon. Pero, speaking of social media at pagbati po Sec., batiin po natin si Usec. Lorraine Badoy, happy birthday po.

SEC. ANDANAR: Happy birthday kay Undersecretary Lorraine Badoy. She is now—ah, she just turned 40 [laughs]. Hindi, actually si Usec. Lorraine, mayroon siyang isang surprised party yata kahapon… kahapon at mayroon tayong mga pinadalang mga video messages from myself and the rest of the PCOO. Pero Lorraine… si Lorraine is a very talented and she’s a very valued deputy or Undersecretary ng Presidential Communications Operations Office.

And speaking again of social media, nais lang po nating batiin lahat ng mga nakikinig/nanonood po sa atin dito sa ating Facebook page ng Radyo Pilipinas, Facebook page ng Presidential Communications Operations Office, Facebook page ng inyong lingkod – Martin Andanar, sila po ay nanonood ngayon, iyong ating mga listeners coming from all over the world. At iyon nga sinasabi ko doon sa mga kasamahan natin na mga managers, na we need to realign our programming na kailangan pati iyong mga viewers and listeners natin sa social media ay nakakausap din natin.

As a matter of fact, ang mundo ng radyo… Director Vinci at Director Niño, alam mo naman ito Niño – ang mundo ng radyo ay lumiit during the time of music television, MTV, hindi ba? During the time of CNN, during the time of television itself, during the 90’s… we saw the tail end of the golden age of radio. Hanggang sa talagang naging… kahit ba konting irrelevant – until such time na umusbong naman ang social media, hayun. So ngayon na may social media na, nabigyan ng bagong plataporma ang ating radio, AM at saka FM, na umalagwa muli sa pamamagitan ng social media.

DIR. PADILLA: Ang lalim noon ha, ‘umalagwa’…

SEC. ANDANAR: Eh alam mo naman eh [laughs]… So ngayon, kapag ikaw ay nasa radyo, live ka na sa social media, live ka sa Facebook page, and you can instantly talk to your listeners, oo. Kaya napakahalaga nito ngayon, sabi ko nga sa mga managers natin doon sa Tagaytay na this is the second golden age of radio – sa pamamagitan ng social media.

DIR. PADILLA: Ang suwerte ngayong mga age na ito sapagkat iyong interactivity ng listeners, puwede mo na lang i-text kaagad; iyong mga opinyon mo diretso mo sa mga anchors…

DIR. BELTRAN: Real time…

DIR. PADILLA: Oo. Dati talaga maghihintay ka kung sinong tatawag, kung kailan ibababa ng isang listener na kumuha pa ng telepono at bumabati niyan. Ngayon agad diyan sa Facebook—

DIR. BELTRAN: Sunud-sunod, sabay-sabay…

DIR. PADILLA: Diretso, sabay-sabay oo… Correct, oo.

DIR. BELTRAN: Pero Sec. Mart at saka Direk Niño, napapanood rin po tayo sa PTV4…

SEC. ANDANAR: Iyon naman… iyon ang maganda diyan hindi ba? Bukod—para sa mga estudyante natin, I don’t know if they have a monitor already… do you already have a monitor? They can hear? Can you hear what we’re saying? Oh yes, oh mga taga-University of Caloocan ha. Good morning sa lahat ng mga taga-University of Caloocan. Ang kanilang kurso ay Office Administration, tama ba?

STUDENT: Yes po, Office administration.

SEC. ANDANAR: Office administration…

DIR. PADILLA: Kung hindi ako nagkakamali, ang dati nilang presidente is Doc. Cesar Chavez… Oo, hindi ba tama?

DIR. BELTRAN: Tama ba? Tama daw…

SEC. ANDANAR: Ah, si Doc. Cesar Chavez… kilala ko iyon.

DIR. PADILLA: Oo. Magandang umaga, Doctor Cesar Chavez.

SEC. ANDANAR: Iyon iyong number one ngayon sa DZRH hindi ba, nationwide. Iyon ang pumalit kay… the legendary Joe Taruc. At nandito po sila ngayong umaga, mga taga-University of Caloocan and by the way, weekly po every Saturday, usually si Vinci ang kanilang punong abala, most of the time si Director Vinci; but every Saturday para po sa kapakanan ng ating mga manonood at mga tagapakinig, mayroon po kaming programa dito sa PCOO kung saan ini-invite po namin iyong mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila para mag-observe sa government media.

So this week, ang nakatoka ay ang University of Caloocan and we would like to welcome you warmly and also greet you a very good morning. Mayroon silang dalawang representatives dito sa aming studio ngayon, si Rianne Cabana at si…

DIR. BELTRAN: John Ray N. Lalaguna…

SEC. ANDANAR: Lalaguna… ah parang dalawang beses na ‘Laguna’

DIR. BELTRAN: Laguna, Lalaguna [laughs]…

SEC. ANDANAR: Parang mayroong, anong tawag doon? La la la la Lalaguna [laughs] Welcome, welcome sa programang Cabinet Report sa Teleradyo Rianne at John.

RIANE: Thank you po sa pag-imbita po sa amin dito. First time po namin dito, thank you very much po

JOHN: Thank you po, Secretary Andanar to give chance sa mga estudyante po na maka-experience po dito.

DIR. BELTRAN: Uy, huwag kang iiyak [laughs]…

DIR. PADILLA: Classmate ba kayo, ni Director Vinci? Mukhang ka-classmate eh [laughs]… Mukhang kaklase eh… [laughs]

SEC. ANDANAR: Oo, parehas silang mukhang bata. Bata pa naman si Vinci, 26 lang iyan.

DIR. PADILLA: Tapos tayo professor, ikaw iyong Dean…

SEC. ANDANAR: Oo [laughs]…

DIR. BELTRAN: Kaya nakaka-relate pa naman po tayo sa mga estudyante kapag nag-interview-interview po sila.

SEC. ANDANAR: Oo. Alam mo—hindi, ako bata pa ako… talagang pinaputi ko lang talaga ito [laughs] para magmukhang matanda [laughs]… So ang inyong kurso ay Office Administration, ano ba ang trabaho na inyong inaabangan pagkatapos ng inyong kolehiyo? Or what job are you preparing for?

JOHN: Sa tingin ko po, clerical job po and being a court stenographer po sa korte po.

DIR. BELTRAN: Stenographer…

DIR. PADILLA: Court stenographer, ang hirap niyan… oo.

SEC. ANDANAR: Ano ba ang gamit ng ano—ano bang… bago na ba iyong mga stenograph natin? Ano bang mga… bago na ba iyong technology? Electric na ba or manual pa rin?

JOHN: Iyong iba po Secretary, manual po tapos iyong iba po gumagamit na po ng steno machine.

SEC. ANDANAR: Steno machine… Anong steno machine, ano iyon? Parang…

DIR. BELTRAN: Ano itsura noon?

DIR. PADILLA: Maliit na parang calculator hindi ba?

JOHN: Yes po.

SEC. ANDANAR: Calculator?

DIR. PADILLA: Parang calculator, ganoon [laughs]…

DIR. BELTRAN: Calculator…

SEC. ANDANAR: Tapos may mga letra doon sa calculator? Ah…

DIR. BELTRAN: Ita-type na lang…

SEC. ANDANAR: Hindi naman mukhang escalator? [laughs]

DIR. PADILLA: Hindi… [laughs] Kung malaki iyon, generator iyan [laughs]…

DIR. BELTRAN: Okay. Ikaw Rianne, anong gusto mo after graduation?

RIANE: Ano po… mostly po kasi ano po, gusto ko pong magtrabaho sa government po, mag-serve po sa public.

SEC. ANDANAR: Wow…

DIR. BELTRAN: Wow… Kanina may sinasabi ka eh, gusto mo maging?

RIANE: Another po, maging DJ po…

SEC. ANDANAR: DJ… so anong—halimbawa DJ ng mga musika, ganoon?

RIANE: Puwede rin po. Puwede rin po sa ano… iyong nagpapasaya po ng maraming tao.

SEC. ANDANAR: Mayroon ka bang mabilis na music diyan? Tapos i-intro ngayon ni Riane… gamitin mo iyong headphones mo para marinig mo. Bigyan mo kami ng isang mga sikat na awitin.

DIR. BELTRAN: Iyong pang-millennial po…

DIR. PADILLA: Pang-millennial – Dear Tiya Deli…

SEC. ANDANAR: [Laughs] Ano bang paborito mong kanta muna? Anong mga alam mo?

RIANE: Sa totoo po, hindi po ako magaling magkabisado ng lyrics…

DIR. BELTRAN: Iyong title lang…

SEC. ANDANAR: Hindi naman kita pinapakanta… pinapa-intro lang kita ng kanta…

RIANE: Ano na lang po, ‘Perfect’ na lang po by Ed Sheeran.

SEC. ANDANAR: Mayroon ba tayo noon, ‘Perfect’ by Ed Sheeran? Wala pa… Sige habang naghahanap sila ng kanta para kay Riane… so ang mga bisita po natin once again ay mula po sa University of Caloocan. They are taking up Office Administration. Napakahalaga po ng isang Office Administrator – at iyan ngayon ang trabaho ni Director Vinci… ang administration ngayon ng PCOO…

[Plays the song ‘Perfect’] Hindi, kailangan simula—o bago magsimula iyong kanta…

DIR. PADILLA: Intro-han niya…

DIR. BELTRAN: Bago magsimula iyong intro mo ha…

SEC. ANDANAR: Bago mag—para ma-intro muna ni Riane… O sige, ito example ha… sample lamang ito, tingnan natin kung puwede bang maging DJ si Riane ng 104.3 FM 2 or 87.5 FM 1. Sige intro mo… 1, 2, 3…

RIANE: Magandang, magandang umaga po sa inyong lahat, sa ating mga tagapakinig. Ngayon po, magpapatugtog po kami ng isang awitin para po sa lahat ng taong umiibig. Ito po ay ‘Perfect’ by Ed Sheeran.

DIR. BELTRAN: Wow…

SEC. ANDANAR: Iyon oh… [Plays the song ‘Perfect’]

DIR. PADILLA: Tapos na po iyong usapin… iyong ikakasal pasok na [laughs]…

SEC. ANDANAR: Puwede na… puwede ka nang mag-DJ ha. Kung wala pang opening sa DJ, anong puwedeng trabaho ibigay natin sa kaniya?

DIR. PADILLA: Office administrator muna eh…

DIR. BELTRAN: Oo nga, sa office mo na [laughs]

SEC. ANDANAR: Alam mo puwede mong gawin, Riane. Ito ginagawa ko ito eh kasi DJ din ako once upon a time. Ginagawa ko ay mayroon akong Facebook page tapos may Facebook live ako tapos nilalagay ko doon iyong—mayroon akong maliit na ganito, maliit lang tapos kino-connect ko sa laptop ko. And then I play the music that I like tapos nagdi-DJ-DJ-yan ako doon. Iyon ang puwede mong gawin—

DIR. PADILLA: Hanggang ngayon ginagawa mo iyan.

SEC. ANDANAR: Hanggang ngayon kasi kung iyon ang passion mo, kung iyon ang magpapasaya sa iyo, kahit na office administrator ka at the same time puwede kang maging DJ hindi ba?

DIR. PADILLA: Correct.

SEC. ANDANAR: Mas maganda office administrator mas malaki suweldo, kapag DJ maliit lang ang suweldo. Okay?

DIR. BELTRAN: Pagsabayin mo na. [laughs].

SEC. ANDANAR: Okay so siguro kapag—mayroon kasi tayong mga guest maya-maya at we are expecting the Secretary of Education si Secretary Leonor Briones, si Ma’am Ling makakausap po natin siya at pag-uusapan po natin ang kanilang ginagawa kasi pasukan na eh, malapit na iyong pasukan, mayroon silang brigade eskuwela.

DIR. BELTRAN: Last week nasa Boracay sina Asec. Kris tapos nakapanayam niya sina Secretary Roy Cimatu para doon sa updates on the Boracay. After that po second half noong show natin nakausap natin via phone patch si Secretary Briones. Iyon po.

SEC. ANDANAR: So ngayon iyong continuation—

DIR. BELTRAN: Continuation. Kulang na kulang po dahil ang dami pong information na kailangan ng mga mag-aaral.

SEC. ANDANAR: And during that time last weeks while nasa Boracay iyon ang pinag-uusapan ninyo ‘di ba iyong rehabilitation ng Boracay, ako naman ay nasa Surigao City.

DIR. BELTRAN: Yes po.

SEC. ANDANAR: Dahil nagkaroon ng isang Dragon Boat Festival, international competition ng Surigao City. First time sa Mindanao na ginanap doon. And mayroong mga 22 to 26 teams, national teams and then local—nati0nal teams and then mayroon ding mga dayuhan na sumali. Mayroong taga Canada, mayroong taga Hong Kong, mayroon ding taga Malaysia and China na sumali. And very successful and I would like to congratulate Surigao City Tourism at si Surigao City Mayor Ernesto Matugas—

DIR. BELTRAN: Congratulations.

SEC. ANDANAR: Dahil sila iyong—oo ibang klase talagang matigas na matigas ang paninindigan ni Matugas pagdating sa palaro doon sa Surigao. Hindi kasi alam mo kung bakit? Ganito lang kasi iyon, ang Surigao Del Norte is known for international surfing hindi ba? Siargao.

DIR. BELTRAN: Yes, Siargao.

SEC. ANDANAR: Tapos mayroon din silang international fishing doon sa Pilar, sa Siargao din. Ngayon naman, international dragon boat competition.

DIR. PADILLA: Kung ating matatandaan, Director Vinci, Secretary; itong dragon boat racing internationally, known tayo niyan. Iyong panahon pa nila Colonel Cabunoc, hindi ba nanalo ang dragon boat team natin sa ibang bansa.

SEC. ANDANAR: Magaling tayo mag bugsay (magsagwan) hindi ba?

DIR.PADILLA: Bogsay-bogsay, kilig-kilig diyutay.

SEC. ANDANAR: Oo hindi ba? At sinubukan ko ha. Sinubukan kong mag-ano—magsagwan—

DIR. BELTRAN: Kinaya ninyo po ba Secretary?

SEC. ANDANAR: Muntik na malunod iyong dragon boat, oo. Oo kasi siyempre ang bigat ko eh tapos—

DIR. PADILLA: Hayaan mong mag-balance tayong dalawa.

SEC. ANDANAR: Mag-balance tayo eh baka malulunod na iyon kapag dalawa. [laughs]. Sobrang napakasaya pala noong sport na iyon dahil—

DIR. BELTRAN: Grabe rin ang training po nila doon eh hindi ba?

SEC. ANDANAR: It takes team effort to win.

DIR. BELTRAN: Yes.

DIR. PADILLA: Ito ba iyong drum?

SEC. ANDANAR: Depende, puwede ring walang drum kung gusto mo.

DIR. PADILLA: Hindi iyong may drum na—hindi sila nagsagwan—

DIR. BELTRAN: Iyong susundan nila—

DIR. PADILLA: Iyong sinusundan nila—

SEC. ANDANAR: Depende, alam ko sa Hong Kong ganoon may drum eh.

DIR. PADILLA: Pero ito isa lang? Isang tao lang?

SEC. ANDANAR: Isang tao lang na nagbibigay ng kumpas kung anong dapat gawin tapos sabay-sabay na kayong magsasagwan. Bugsay sa Bisaya, sabay-sabay kayo.

DIR. BELTRAN: Congratulations ha, for the first time.

SEC. ANDANAR: For the first time. So tatlong international competitions na mayroon ang Surigao Del Norte, iyan ay ang international surfing, international fishing at international dragon boat.

DIR. PADILLA: Iyong international fishing, Sec., anong buwan ito?

SEC. ANDANAR: Fishing? I think it was last month nangyari, May din nangyari—April or May tapos ngayon last week of May, iyong international dragon boat and then September iyong international surfing competition.

DIR. PADILLA: Palakihan ng isda o paramihan ng isda?

DIR. BELTRAN: Ang fishing…

SEC. ANDANAR: Kailangan malaki iyong mga tuna na—

DIR. BELTRAN: Ang sarap talaga niyan sa—

SEC. ANDANAR: Puwedeng-puwede ka doon pare. [laughs]. Bahug sa tuna.

DIR. PADILLA: Mas masarap doon sa Siargao, iyong panga.

SEC. ANDANAR: Kapag ikaw iyong ipinain ko doon malaki ang makukuha ko, balyena.

DIR. PADILLA: Malaki ang makuha ko. Basta malaki ang pain, malaki din ang makukuha.

SEC. ANDANAR: Kapag ang ipinain natin doon si Weng Hidalgo, dahil payat siya eh. Payat din ang makukuha mo.

DIR. PADILLA: Ang magandang kuwan doon eh masarap pala doon sa Siargao, iyong panga hindi ba? Inihaw na panga.

DIR. BELTRAN: Tuna.

DIR. PADILLA: Hindi na dilis.

DIR. BELTRAN: Nag-expect naman kami doon iyong malalaking isda.

SEC. ANDANAR: Tumatawa tuloy itong si Carl Love, Arlyn Abrenica, Andrea Lee. Ito iyong mga nakikinig sa atin sa Facebook page.

DIR. PADILLA: Teka sa Cebu nakikinig pala ang nanay ko, nanood nanay ko.

DIR. BELTRAN: Hello.

DIR. PADILLA: At saka si Konsehal Richie Martinez, kapatid ko.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa mga nakikinig na pamilya namin dahil wala hong ibang nakikinig pamilya lang natin—

DIR. BELTRAN: [laughs]. Hindi naman.

SEC. ANDANAR: Hindi at saka mayroon pa dito, mayroon pa tayong mga kasamahan mula sa Caloocan.

DIR. BELTRAN: Marami po tayong tagapakinig na mga kababayan natin sa ibang bansa po.

SEC. ANDANAR: Correct.

DIR. BELTRAN: At saka si Director Pebbles po nagtatampo na hindi ko daw binabati. Hi Director Pebbles. [laughs].

SEC. ANDANAR: Dapat si Director Pebbles iyong kabalanse mo sa dragon boat, oo kayong dalawa. O ikaw, si Pebble sa likod si Noby tapos—

DIR. PADILLA: Ang taga-tambol si kuwan—

SEC. ANDANAR: Ah si Melvin, siya iyong piloto ko. Para iyong dragon boat paganon.

DIR. PADILLA: Iyong drum kailangan maliit—parang si Leo Palo na.

SEC. ANDANAR: Si Leo Palo taga palo.

DIR. PADILLA: Kumusta ka pala Leo?

SEC. ANDANAR: So iyon nga nangyari po, bukod doon sa—sorry mga puro kalokohan na itong pinag-uusapan natin dito. Pero nagkaroon din tayo ng isang programa actually soft-launching sa Surigao. Ito po iyong programa na ‘dismiss disinformation.’

DIR. BELTRAN: Yes po.

SEC. ANDANAR: Itong dismiss disinformation para sa mga estudyante natin dito. Ito iyong programa ng PCOO para labanan ang fake news, labanan ang disinformation, labanan ang misinformation. Layunin po nito na turuan iyong mga kabataan ng mga wastong pamamaraan kung papaano maiwasan iyong pag-share ng maling impormasyon, dahil napaka… Alam mo napakalaki ng epekto nito sa ating lipunan. Lalo na kayo sa Tagaytay na mga pulitiko, kapag mayroong kumalat na maling balita—

DIR. BELTRAN: Sira na agad. Madaling makasira po.

DIR. PADILLA: Ito kasi minsan ang mga netizens, Secretary, ito iyong minsan na—potential cyber assassins.

DIR. BELTRAN: Tama. Baka pag—parang bomba iyan eh.

DIR. PADILLA: Oo ang reputasyon mo ang pinatay doon eh.

DIR. BELTRAN: Tama.

DIR. PADILLA: Pinaghirapan mo for how many years buong buhay mo, papatayin ka lang ng isang post, wala na.

DIR. BELTRAN: Tama.

SEC. ANDANAR: Iyong pinaghirapan mo ng buong buhay mo tapos biglang—halimbawa may nagsabi na, nasaan ba iyong—bakit nawala iyong—ah break tayo. Halimbawa si Niño, kapag sinabi mong si Niño ay—

DIR. BELTRAN: Babaero—[laughs].

SEC. ANDANAR: Hindi bawal iyan. Fake news kaagad iyon.

DIR. BELTRAN: Fake news iyon.

SEC. ANDANAR: Ilang taong pinaghirapan ni Niño na ayusin or maging malinis iyong kaniyang reputasyon. Ilang taon iyan tapos, sasabihin mo lang babaero, sasabihin mo lang na mahilig magpaaral, iyong mga ganoon. Hindi naman totoo iyan so fake news iyan. So iyon ay ikasisira ng reputasyon ni Niño, fake news iyon, unfair naman para kay Niño iyon.

DIR. BELTRAN: Kaya dapat ho i-dismiss iyon, hindi totoong—

DIR. PADILLA: Maliban kung totoo. Eh hindi unfair iyon.

SEC. ANDANAR: Maliban kung totoo.

DIR. PADILLA: Nasira iyong ‘bad image’ mismo.

DIR. BELTRAN: Bad image?

SEC. ANDANAR: So kaya iyon po iyong layunin ng ‘Dismiss Disinformation’. And we are going around the Philippines para i-promote itong dismiss disinformation. Hopefully makasama ka namin Vinci. Pero si Vinci is very busy here in PCOO, alam ko. Pero siguro sa Tagaytay baka puwedeng ikaw na ang in-charge doon.

DIR. BELTRAN: Yes po.

SEC. ANDANAR: We will go around and mayroon tayong mga training na mga youth at mayroon tayong grupo na inilunsad, ito po iyong tawag natin, ‘Youth for truth.’ Okay? Youth for Truth para sa katotohanan at susunod natin na pupuntahan ay Bohol, sa Tagbilaran.

DIR. PADILLA: Actually may leg word na tayong sinisimulan at nagkokonsulta tayo sa mga kaibigan din nating mga media man. And then they are very willing, very kuwan na—iyong parang supportive kung sa—itong adbokasiya ng ating office at pinangunahan ng inyong lingkod, Secretary Andanar, na tutulong sila doon kasi sila mismo sa mainstream media ay parang nabiktima din at ayaw na ring paniwalaan, kunyari kung may mga website sila, mga website nila parang kino-clone din eh. Ang galing.

DIR. BELTRAN: Oo ang gagaling nga eh, kamukhang-kamukha.

DIR. PADILLA: Kamukhang-kamukha tapos iba iyong kuwan pala eh, iba pala iyong mga data na nilalabas nila. Nakakasira iyan sa reputasyon, hindi lang sa iyong sumulat, pati na rin sa network.

SEC. ANDANAR: Correct, si Riane mayroon ka bang experience na fake news na kumalat sa inyong eskuwelahan?

DIR. BELTRAN: O kaya ikaw ba ay nakapag-share ng fake news?

SEC. ANDANAR: Oo ikaw ba ay nabiktima ka na ba?

RIAN: To be honest po hindi po ako active sa media po eh.

DIR. PADILLA: Social media?

SEC. ANDANAR: Naku papaano ka magiging DJ? Hindi anyway mayroon ka bang mga kaibigan na naging biktima ng fake news, tsismis sa inyong eskuwelahan? Baka mayroon kayong puwedeng maikuwento?

RIAN: Wala po ako eh.

DIR. PADILLA: May kaibigan ka bang pinatay sa social media?

RIAN: Wala pa naman po.

JOHN: Siguro po Secretary iyong sa amin po. Fake news lang po minsan iyong sususpendihin daw po iyong klase pero hindi naman pala.

DIR. BELTRAN: Naku nauso iyan, oo nga.

DIR. PADILLA: Example, lalo na kapag may exam ano.

JOHN: Opo, final exam po namin.

DIR. BELTRAN: Tapos shinare ninyo na announcement kunwari ng admin. Naku po.

SEC. ANDANAR: So na-share mo?

JOHN: Opo.

SEC. ANDANAR: Iyon ang problema, ang tawag doon ay disinformation kasi talagang kinoncoct (concoct) iyong istorya, ginawa iyong istorya para lang makapanlinlang ng kababayan natin at iyon nga, noong sinabi na walang pasok pero mayroon naman pala. Sino kayang may kagagawan noon? Siguro hindi nag-aral.

DIR. BELTRAN: May exam hindi nag-aral.

SEC. ANDANAR: Hindi nag-aral, sabi niya walang pasok ho bukas iyon pala mayroon pala.

DIR. BELTRAN: Naku maging maingat tayo malapit na po iyong pasukan at saka tag-ulan. Baka mamaya kaunting ulan lang suspended na—

DIR. PADILLA: Aambon lang wala ng pasok. Basa na iyong black board. Eh nag-away si Ma’am at saka iyong mister niya, walang pasok. Lahat iyan may mga reason eh.

SEC. ANDANAR: Sa amin sa Surigao dati doon sa mababang paaralan—doon sa Pilot Elementary School talagang literally nababasa iyong black board. Totoo iyan.

DIR. PADILLA: Anong kulay ng blackboard ninyo?

SEC. ANDANAR: Green. [laughs]. Iyon ang matindi. Ibang klaseng blackboard, green ang kulay.

DIR. PADILLA: Tapos ngayon ang blackboard is white pa rin.

SEC. ANDANAR: Oo nga pala, bakit nga ba blackboard ang tawag, green naman ang kulay. Eh dapat eh, iyan ay itanong natin kay Ma’am Ling Briones.

DIR. BELTRAN: Mamaya, mamaya.

SEC. ANDANAR: Secretary Briones bakit ang blackboard tawag black eh green naman?

DIR. BELTRAN: Green naman.

DIR. PADILLA: Ang tagal na naming pinag-ano iyan—

SEC. ANDANAR: Pinagtalunan.

DIR. BELTRAN: Nagdebate na. Ni-research ninyo na ba iyan?

DIR. PADILLA: Pati iyong kuwan, find x and y. Nahanap mo ba si X?

SEC. ANDANAR: Okay, kung saan-saan tayo napupunta nito. Pero break muna tayo. Okay? Ang oras po natin sa buong Pilipinas ay alas onse y bente nuwebe na po ng umaga. Sa pagbabalik po ng Cabinet report sa Teleradyo ay makakausap natin si General Albayalde—Oscar Albayalde ang hepe po ng Philippine National Police. Diyan lang po kayo.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: …Cabinet Report sa Teleradyo, ang inyong lingkod Martin Andanar, kasama po si Vinci Beltran… Beltran at si Padilla! Iyon ha, Padilla and Beltran – parang magandang tandem iyon ha, Beltran-Padilla. Maganda iyon ha…

DIR. PADILLA: Eh iyong Andanar at Niño?

SEC. ANDANAR: Ni-Andar… Oo nga ano, mag-isip tayo ng… Pero alam mo ang pinakamagandang tandem talaga? Pagpasok ng ating guest sasabihin ko sa inyo kung anong magandang tandem. Ang ating guest po ngayon ay si PNP Chief Oscar Albayalde. Pag-uusapan natin ang preparasyon ng Philippine National Police dahil pasukan na, malapit na. Sa Lunes na ba ang pasukan? Monday na? Monday na ano, oo…

DIR. PADILLA: June 4…

DIR. BELTRAN: Siya raw po ay nasa Batanes ngayon para sa isang misyon, kaya po phone patch po tayo.

SEC. ANDANAR: Naku! May signal kaya sa Batanes ngayon? Sana may signal ngayon sa Batanes para makausap natin si General Albayalde. And we are also expecting Secretary Ling Briones para pag-usapan ang pasukan, kung ano iyong mga preparasyon, kung ano iyong mga… the usual, kung ano iyong mga challenges at kung ano iyong mga paraan para ma-hurdle ng Department of Education iyong mga challenges. Usually ang mga challenges naman niyan iyong kakulangan ng classroom, hindi ba?

DIR. BELTRAN: Tama po…

SEC. ANDANAR: At iyong… hindi basa iyong blackboard [laughs], kasi summer ngayon. Kundi iyong… marami ring mga estudyante na minsan nagrereklamo na humihingi ng fees, iyong mga… pero wala, walang dapat fees kapag public school eh. Alam mo noong ako ay active pa sa broadcast, parati—taon-taon iyong ang reklamo, Niño…

DIR. BELTRAN: May naniningil po…

DIR. PADILLA: Iyong walang classroom, na ikaw ay tuturuan lang, may blackboard doon sa lilim ng mangga – iyon. Iyon iyong usual eh. At saka iyong teacher na maglalakad ng dalawang oras… iyong mga dati. Pero ngayon kaya, ano ang preparasyon diyan? Pero pasalamatan din natin iyong mga PTA secretary, Parents-Teachers Association na sumali sa Brigada, kasi walang bayad ito at dala-dala nila mga walis tingting…

DIR. BELTRAN: Mga pintura…

DIR. PADILLA: Oo, mga pintura… Sila mismo ang nagtatrabaho sa mga classroom ng kanilang mga anak.

SEC. ANDANAR: Talagang… para lamang tulungan ang DepEd na linisin iyong mga eskuwelahan, pinturahan iyong mga classrooms para pagpasok ng mga estudyante, they have a very conducive place to study.

DIR. BELTRAN: Yes, para ganadong-ganado.

DIR. PADILLA: Ito lang isang nagpapatunay na buhay pa pala ang ‘Bayanihan’ natin mga Pilipino.

SEC. ANDANAR: Iyon, I like your smile when you say that ha [laughs], iyong buhay na buhay iyong bayanihan. Uy welcome muna natin iyong ating mga estudyante, by the way speaking of students, nagkaroon din tayo ng mga estudyante na pinadala natin sa People’s Republic of China.

DIR. BELTRAN: Yes…

DIR. PADILLA: Iyong isa dito, kababalik lang.

SEC. ANDANAR: Siguro mas maganda kung invite natin siya dito para mapag-usapan natin kung ano iyong mga naging experience.

DIR. BELTRAN: At ano rin ba iyong mga natutunan niya doon sa kaniyang… two weeks, tama ba?

DIR. PADILLA: Pinakanta ka ba ng Filipino song doon na ‘Bahay Kubo’ in Chinese?

SEC. ANDANAR: Pinakanta ka ba ng ‘Anak’…

DIR. PADILLA: In Chinese?

SEC. ANDANAR: O i-introduce mo Director Niño iyong ating estudyante na kararating lang kagabi… fresh na fresh pa. Amoy ano pa, China… amoy peking duck [laughs], amoy pancit canton.

DIR. PADILLA: Oo, pinasalubungan niya ako ng chopsticks. Walang iba mga kaibigan, ito ay isa sa mga napakamaraming binibigyan natin ng tsansa, ng PCOO at sa pamamagitan ni Secretary Martin Andanar; at ito ay two weeks na study tour doon sa China, iyong mga journalists natin. Walang iba galing pa ito ng Cebu, from DYRZ Cebu – Romeo Marantal.

ROMEO MARANTAL: Magandang umaga po, Secretary at Director.

SEC. ANDANAR: So ano naman ang ginawa ninyo sa Beijing? Mga two weeks ano?

ROMEO MARANTAL: Beijing po. Limang araw din po sa Jianxi Province.

SEC. ANDANAR: Ahh… So ano iyong—itong kurso na in-offer ng Chinese government sa government media? Ano naman ang mga natutunan ninyo doon? Ano iyong nakita ninyo, baka puwede mong ikuwento sa amin.

ROMEO MARANTAL: Ang dami pong magagandang mga tinuturo nila, lalo na po sa pagkakaroon ng kung anong klaseng media ang nasa kanila at dito sa atin sa Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Malaki ba iyong pinagkaiba ng technology? I understand, high-tech doon sa China.

ROMEO MARANTAL: Ang technology nila doon, napaka-high tech talaga… maliban lang po sa amin, doon sa Cebu, medyo down pa talaga iyong ano, iyong mga technology nila. Iyong sa China ang ganda na, halos lahat high-tech.

DIR. BELTRAN: Ano pa iyong mga inaral ninyo po doon? Ano ba iyong mga lecture, mayroon po ba?

ROMEO MARANTAL: Mayroon po. Ibang—klase-klase po iyong mga propesor nag-lecture sa amin, galing po sa iba’t ibang media outlet ng China.

DIR. BELTRAN: So mga media practitioners ang mga naging ano ninyo, lecturers?

SEC. ANDANAR: Hindi lang radyo, halo-halo?

ROMEO MARANTAL: Hindi lang po radyo, pati TV po.

SEC. ANDANAR: TV, pati print? Print mayroon din? At bukod diyan ay napuntahan ninyo iyong kanilang malalaking studio.

ROMEO MARANTAL: Yes. Iyong mga studio nila doon ang lalaki kahit po saan, ang gaganda pa ng mga ano nila…

DIR. PADILLA: Noong mga host? [laughs]

ROMEO MARANTAL: Isa na rin iyon [laughs]

DIR. BELTRAN: Isa na rin daw. Kinonfirm naman niya…

SEC. ANDANAR: Ano iyong pinaka… talagang magarbo, pinaka-bumilib ka na istasyon na napuntahan ninyo?

ROMEO MARANTAL: Lahat po ang ano talaga… lahat ng radio station nila at saka sa TV, at saka sa print media nila, ang gaganda ng mga ano nila…

SEC. ANDANAR: Napuntahan ninyo rin iyong news agency nila?

ROMEO MARANTAL: Opo.

SEC. ANDANAR: Naku, napakalaki ng—

DIR. PADILLA: Ano ito, government agency? News agency?

SEC. ANDANAR: Puro gobyerno ba napuntahan ninyo o mayroon ding private?

ROMEO MARANTAL: Mayroon ding private

SEC. ANDANAR: At ito ba ay in-expect mo na ganito ka-high tech pala ang sa China or hindi mo in-expect na ganoon ka-high tech?

ROMEO MARANTAL: Hindi ko in-expect na ganoon pala sila ka high-tech.

DIR. PADILLA: Ikaw nag-a-anchor ka rin sa probinsiya, so may mga nakita ka na mga kagamitan na wala—ngayon mo lang nakita sa broadcast?

ROMEO MARANTAL: Opo…

DIR. PADILLA: O tingnan mo. Nagulat siya na puwede daw mag-stand upper doon sa area.

ROMEO MARANTAL: Iyong may ano sila, puro isla doon, puwede kang mag-stand upper na ang sa background mo, parang nandoon sa area…

SEC. ANDANAR: Ohh…

DIR. PADILLA: May teleprompter, iyong green na kuwan… ano tawag doon?

DIR. BELTRAN: Chroma?

SEC. ANDANAR: Chroma, pero iyong mga bagong chroma na…

DIR. BELTRAN: Iyong talagang kayang gayahin iyong background, akala mo nandoon ka talaga.

DIR. PADILLA: Parang kung nandito ka sa studio, parang nandoon ka sa Iraq, parang ganoon…

SEC. ANDANAR: Ang galing. Iyon ang fake news.

DIR. PADILLA: Iyon ang fake… [laughs]

SEC. ANDANAR: Kailangan mong sabihin na, Itong nasa likod po na napapanood ninyo ay chroma lang po ito, display lang po ito… nandito ho talaga ako sa Pilipinas. Hindi mo puwedeng sabihin, “reporting from Iraq”.

DIR. PADILLA: Hindi mo puwedeng sabihin na by location ito, iyong reporting from Iraq, oo nga ano… Pero magandang mga technology na puwedeng i-invest.

DIR. BELTRAN: Bukod sa media exchange, iyong tungkol doon sa media, mayroon din ba kayong cultural exchange na nangyari doon?

ROMEO MARANTAL: Mayroon din po, ang ano nila—iba-iba kasi iyong culture nila at saka sa atin.

DIR. BELTRAN: Nakakain ka ba ng maayos sir?

ROMEO MARANTAL: Nakakain naman po, noong una naninibago iyong pagkain namin

.

SEC. ANDANAR: Oo ganoon talaga doon hindi ba?

ROMEO MARANTAL: Oo ganoon talaga doon.

SEC. ANDANAR: Nauuna iyong—

DIR. PADILLA: Prutas—

SEC. ANDANAR: Nauuna iyong ulam bago ang kanin. So ilang ulam ang ibinigay sa inyo?

ROMEO MARANTAL: Ang dami po nilang ibinigay siguro mga 14 na ano—

SEC. ANDANAR: 40 na 41?

ROMEO MARANTAL: one four.

DIR. PADILLA: Wow! Isang ulam lang okay na sa atin iyon eh.

SEC. ANDANAR: Tapos ako kanin, pagdating sa dulo busog kana.

ROMEO MARANTAL: Busog na. [laughs]. Hindi ka na kakain ng kanin. At saka ang parang hospitality nila napakaganda ng ipinakita nila sa amin.

SEC. ANDANAR: Talagang mainit na mainit ang kanilang pagtanggap sa inyo. So parang ayaw mo ng umuwi?

ROMEO MARANTAL: Parang ganoon na nga.

DIR. PADILLA: Iyong mga host daw nila, sabi, eh napanood ko rin iyong documentary ni Direct Felipe. Parang iyong ibang host nila ayaw silang bitawan, umiyak daw—

ROMEO MARANTAL: Umiyak na iyong pag-alis namin, umiyak talaga.

DIR. BELTRAN: Saglit pa lang iyon ha.

DIR. PADILLA: Ano tears of joy?

ROMEO MARANTAL: Kasi iyong grupo namin, medyo napalapit sila sa amin.

DIR. PADILLA: Nag-iyakan kayo?

ROMEO MARANTAL: Nag-iyakan sila. [laughs].

SEC. ANDANAR: Umiyak ka rin siguro?

ROMEO MARANTAL: Hindi, hindi.

SEC. ANDANAR: Sabihin mo na, aminin mo na. Baka naman mayroon kang napusuan doon?

ROMEO MARANTAL: Wala-wala. Na-a-amaze lang ako sa ipinapakita nila at saka iyong sa lugar na pinuntahan namin.

SEC. ANDANAR: Anong napuntahan mo na lugar na scenic na talagang bumilib ka sa ganda?

ROMEO MARANTAL: Iyong sa Lu Xian, Mt. Lu Xian. Iyong mga view nila doon napakaganda talaga. Tapos kung paano nila ginawa iyong papunta sa bundok na ginawaan talaga nilang parang tulay, iyon talagang—

SEC. ANDANAR: Tulay papunta sa bundok? Iyong Great Wall napuntahan ninyo?

ROMEO MARANTAL: Oo napuntahan din po.

SEC. ANDANAR: Gaano ka-great ang Great Wall?

ROMEO MARANTAL: Great talaga. [laughs]. Ang titibay pala ng mga structure nila.

DIR. PADILLA: Ginawa sa bato.

DIR. BELTRAN: Ang tagal na noon.

SEC. ANDANAR: Alam mo iyong Great Wall of China iyon daw iyong man made na bakod na makikita mo sa space—

DIR. PADILLA: Outer space. Correct.

SEC. ANDANAR: Outer space makikita mo.

DIR. PADILLA: Kasi kapag ikutin mo daw iyon parang… ilang beses maiikot. Basta ang haba daw—pang ilang gate ka?

ROMEO MARANTAL: Iyong naakyat namin is pang labing dalawa, kasi iyong pang-13 isinarado rin kasi medyo maulan.

DIR. BELTRAN: Ah delikado na—

ROMERO MARANTAL: Tapos hindi mo na makikita iyong sa ibaba.

DIR. PADILLA: Puwede paggawa kayo doon sa Tagaytay, Direct Vinci eh.

DIR. BELTRAN: Nagpagawa ng Great Wall.

DIR. PADILLA: Oo hagdanan mula Manila hanggang Tagaytay. At ano pa iyong sa print, ano iyong mga machines nila?

ROMEO MARANTAL: May ipinakita din silang robot na nandoon na lahat iyong ano—

DIR. BELTRAN: Aba robot na.

ROMEO MARANTAL: Kahit i-ano mo iyong pinakamatagal na panahon na gusto mong makita—

DIR. PADILLA: Na diyaryo?

ROMEO MARANTAL: Na diyaryo, makikita doon sa robot na iyon.

DIR. BELTRAN: Wow robot. Marami kang nakitang robot doon?

ROMEO MARANTAL: Hindi iyong ipinakita lang nila muna iyong isa na muna sa ano lang nila—

DIR. PADILLA: Ah ma-retrieve iyong past issues?

ROMEO MARANTAL: Iyong baby cloud na tinatawag nila.

DIR. PADILLA: Baby cloud, come here. [laughs]. Paano ang utos noon? Baby cloud, give me issue number one.

ROMEO MARANTAL: Iyong date po ita-type sa kaniya, sa monitor niya tapos lalabas lang iyong mga sinaunang mga ano—

DIR. PADILLA: Mga issues. Pero ang tanong ko iyong pag-print doon ano ba? Kapag galing computer print tapos fold iyon na?

ROMEO MARANTAL: Iyon na.

DIR. PADILLA: Ang bilis ah.

DIR. BELTRAN: Ganoon high-tech na. Hindi na iyong pabalik-balik?

DIR. PADILLA: Paano iyong kanilang mga printer doon, eh hindi mayroong—

ROMEO MARANTAL: Hindi naman ipinapakita sa amin iyong ano nila.

SEC. ANDANAR: Hindi kasi siyempre ang daming characters ng ano ng Chinese, hindi ba?

DIR. PADILLA: Mandarin.

SEC. ANDANAR: Matalino iyong kanilang robot.

DIR. PADILLA: Matalino.

SEC. ANDANAR: Kasi kayang mag ABC, kaya ding mag-Chinese character. Genius.

DIR. PADILLA: Anong pangalan ng robot, Baby cloud?

DIR. BELTRAN: Baby cloud.

SEC. ANDANAR: Iyong papa cloud ganoon din?

ROMEO MARANTAL: Gagawa pa sila. [laughs].

DIR. PADILLA: Hindi ginawa na kasi may baby eh.

ROMEO MARANTAL: Hindi lang din siguro ipinakita.

DIR. PADILLA: Kasama iyong batik-batik doon. [laughs].

DIR. BELTRAN: Ang galing naman.

SEC. ANDANAR: So Beijing tapos nagpunta kayo ng isang probinsiya pa?

ROMEO MARANTAL: Opo.

SEC. ANDANAR: Ano iyong probinsiya ulit?

ROMEO MARANTAL: Jiangxi province.

SEC. ANDANAR: Jiangxi…

DIR. BELTRAN: Ano naman ang mayroon doon?

ROMEO MARANTAL: Ang karamihan naman doon—pumunta din kami sa mga farmers nila. Ang gaganda ng mga bahay, parang mga milyonaryo.

SEC. ANDANAR: Ang mga farmers?

ROMEO MARANTAL: Iyong mga farmers nila.

DIR. PADILLA: Ano iyong mga agricultural product nila?

ROMEO MARANTAL: Iba’t ibang klase iyon, may mga gulay at saka prutas.

DIR. PADILLA: Anong mga gulay iyon, Lettuce ganoon?

ROMEO MARANTAL: Mahilig sila kangkong ganoon?

SEC. ANDANAR: Mga leafy.

SEC. ANDANAR: Cauliflower.

ROMEO MARANTAL: Doon ako bumilib sa mga farmers.

SEC. ANDANAR: Ano-ano?

ROMEO MARANTAL: Iyong mga farmers nila doon ako bumilib talaga. Kasi dati po ang sabi nila 5 years, dati noong 5 years hindi ganoong kaganda iyong ano nila, after 5 years iyon parang mga mansion na iyong mga bahay doon.

DIR. BELTRAN: Wow. Sa kanila ano, talagang puwedeng propesyon mo iyong agriculture.

SEC. ANDANAR: Hindi kasi ang daming kumakain doon eh. One billion—ilan ba una 1 billion—500 million ba? Ano ba iyong—

ROMEO MARANTAL: At saka sa isang ano—iyong population na nila doon hinggit lang isang daan na tao.

DIR. BELTRAN: Doon sa lugar na iyon?

ROMEO MARANTAL: Doon sa lugar na iyon.

SEC. ANDANAR: Isang daang milyon?

ROMEO MARANTAL: Hindi isang daan lang mahigit. Siguro 140 plus yes.

DIR. PADILLA: Sa farm?

ROMEO MARANTAL: Oo iyong mga tao doon.

DIR. PADILLA: So ibig sabihin very mechanical na iyong kanilang—mechanized iyong kanilang farming?

ROMEO MARANTAL: Ganoon na po. High-tech na rin iyong mga gamit nila.

DIR. BELTRAN: May robot din? Wala naman.

DIR. PADILLA: Baka kasi si Papa cloud nandoon.

DIR. BELTRAN: Si baby carabao. [laughs].

DIR. PADILLA: Robot iyong baby carabao.

SEC. ANDANAR: Okay so kagabi kayo umuwi?

ROMEO MARANTAL: Noong 31.

SEC. ANDANAR: And sabi mo nag-iyakan kayo ng mga Chinese hosts ‘no, and ano naman ang mga take home ninyo dito sa Pilipinas after the two weeks study sa China na ibinigay ng People’s Republic of China. Ano naman iyong mga take away, mga take home, ano iyong puwede mong ibahagi sa mga kababayan natin?

ROMEO MARANTAL: Ang masasabi ko lang na magsuportahan na lang po iyong China at saka Pilipinas sa mga… anong mga projects na ibibigay nila sa atin.

DIR. PADILLA: So puwede mo ng re-echo ito doon sa mismong network mo, doon sa station, sa ibang mga reporters kung ano ang natutunan mo.

SEC. ANDANAR: Iyon very good, talaga namang—Pangatlo na kasi ito.

DIR. BELTRAN: Pangatlong batch.

SEC. ANDANAR: This is the third batch of Filipino government media personnel na ipinadala natin sa Beijing. At ito libre ito lahat ‘no. Libre walang gastos, wala kayong ginastos. Actually hindi lang government kasi private media eh.

DIR. BELTRAN: Private media rin.

SEC. ANDANAR: So talagang ganoon po ka-aktibo, ganoon ka-aggressive ang Chinese government sa pagtulong din sa ating mga kasamahan sa media industry.

DIR. BELTRAN: At sana nga talaga ay magawan natin agad ng pag re-echo noong pagturo dito naman—kasi sila iyong ipinadala, ang purpose din natin noon maibalik nila o madala nila dito iyong natutunan nila.

DIR. PADILLA: Iyon magaling kasi isa lang ang ipinadala natin sa network at kung sampu sila doon sa network na mga reporter ire-echo nila iyon doon.

DIR. BELTRAN: Oo lahat sila marunong na.

DIR. PADILLA: Oo kasi may mga modules ito eh na ibinibigay sila. So ire-echo, i-discuss ninyo doon na iyon gagaling.

SEC. ANDANAR: Mahigit bente kayo hindi ba? Nagpunta ng—

ROMEO MARANTAL: Bente dos.

SEC. ANDANAR: Bente dos, siguro na-miss ninyo talaga iyong pagkaing Pilipino rin after two weeks ‘no?

ROMEO MARANTAL: Opo, siguro naman mas masarap pa rin sa atin.

SEC. ANDANAR: Kasi iyon ang nakasanayan hindi ba?

ROMEO MARANTAL: Oo nakasanayan natin.

SEC. ANDANAR: Pero nakakain ka ba ng Shanghai rice doon?

ROMEO MARANTAL: Ano po?

DIR. BELTRAN: Shanghai rice.

ROMEO MARANTAL: Ewan ko kung anong—

DIR. BELTRAN: Hindi na niya alam.

ROMEO MARANTAL: Fried rice mayroon.

SEC. ANDANAR: May pinagkaiba ba doon sa fried rice natin iyong Chinese—

ROMEO MARANTAL: Magkaiba talaga.

SEC. ANDANAR: Anong masarap?

DIR. PADILLA: Doon?

ROMEO MARANTAL: Iyong sa atin. [laughs].

DIR. BELTRAN: Sanay siya sa lasang Pinoy.

SEC. ANDANAR: Iyong Shanghai rice kasi sa atin medyo in-adjust na iyan para sa panglasa ng Pilipino.

DIR. PADILLA: Doon sa kanila eh iyong parang tsuriso bilbao iyong Chinese kuwan—

SEC. ANDANAR: Bilbao naman is Spanish, bilbao eh.

DIR. PADILLA: Hindi iyong parang Chinese tsuriso eh napanood ko na ito.

SEC. ANDANAR: Hindi iyong—ano ngang tawag doon?

DIR. PADILLA: Tsuriso. Chinese sausage?

SEC. ANDANAR: Chinese sausage.

DIR. PADILLA: Chinese sausage oo. Pero iyong mga monggo doon hindi naman tsina-chopstick doon?

ROMEO MARANTAL: Hindi naman, sir [laughs]…

SEC. ANDANAR: Kaya pumayat eh…

DIR. BELTRAN: Naabutan ko pa iyan eh, dumalaw po iyan eh [laughs]…

DIR. PADILLA: Mantakin mo, labing apat na course na kuwan, main dish… hayun labing apat, so iba-iba iyon – gulay, baboy, manok… iyon.

SEC. ANDANAR: Binusog kayo ng inyong Chinese host.

ROMEO MARANTAL: Binusog kami, hindi lang sa pang-katawan pati sa pag-iisip.

DIR. BELTRAN: Wow! O kung nakikinig sila o nanonood, anong message mo sa kanila? Baka maiyak ka rin ha [laughs].

ROMEO MARANTAL: Hindi [laughs]…

SEC. ANDANAR: Ganito, nanonood ngayon si President Xi Jinping… anong sasabihin mo sa kaniya?

ROMEO MARANTAL: Salamat sa pag-imbita…

DIR. PADILLA: Chinese, Chinese…

ROMEO MARANTAL: Hindi ako marunong noon [laughs]…

DIR. PADILLA: May isang anchor pala ha, kamukha ni Presidente. Nagpa-picture silang lahat akala nila si Presidente.

ROMEO MARANTAL: Iyong si ano, sa… si Emil. Kamukha talaga ni ano…President Xi.

SEC. ANDANAR: President Xi, ganoon ha… Aba okay ha, puwede nang mag-double. O sige, nanonood ngayon si President Xi, nasa harapan mo mismo. Ano ang mensahe mo kay President Xi Jinping?

ROMEO MARANTAL: Ang ano ko lang po… maraming salamat sa pagtanggap sa amin, at saka sana po hindi lang iyong last na invitation, sana marami pa ring mga katulad namin na media na iimbitahan din nila sa kanilang bansa.

SEC. ANDANAR: Very good. First time mo ba na nakatanggap ng ganitong klaseng scholarship?

ROMEO MARANTAL: Yes po, first time po.

DIR. BELTRAN: Congrats…

DIR. PADILLA: Pasalamatan mo rin iyong kaharap mo, si Secretary Andanar.

ROMEO MARANTAL: Nag-post na nga ako eh, sa Facebook eh.

SEC. ANDANAR: Ipakita nga ako, naiyak nga ako eh [laughs].

ROMEO MARANTAL: Saka sa iyo, Boss… maraming salamat.

DIR. PADILLA: Inutusan lang tayo ni Secretary…

SEC. ANDANAR: Talaga naman oh, talagang nagbobolahan na tayo dito. Cannot be reached si General Albayalde…

DIR. PADILLA: Mahirap iyong signal doon.

SEC. ANDANAR: Alam mo mahirap talaga sa Batanes eh.

DIR. BELTRAN: Oo, sa mga islands. Last week po nahirapan din kami sa signal sa Boracay naman, so talagang mahirap sa signal, opo.

SEC. ANDANAR: Talaga? Baka naman hininaan nila iyong kanilang mga… power nila sa cell sites kasi wala nang—

DIR. BELTRAN: Puwede po, namang tao…

SEC. ANDANAR: Kasi dati alam mo iyong Boracay… noong bago magsara ha, that’s one of the best places to… hindi, wala namang surfing doon. Ang bilis talaga ‘no…

Nasa linya na po ng ating telepono – salamat sa Diyos at may linya na po, mayroon na po tayong signal – si Director General Oscar Albayalde, ang Head po ng Philippine National Police. Good morning po sir, kasama natin sa si Director Vinci at Director Niño.

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Yes Sec. Martin, magandang tanghali po sa inyo.

SEC. ANDANAR: It’s good to talk to you once again, General Albayalde. Alam mo magkasama kami ni General Albayalde doon sa Bureau of Customs noong nagkaroon ng wrecking ng mga sasakyan, oo the other day; at ngayon ay magkasama na naman tayo.

Sir mabilis lang bago—habang kayo ay mayroon pong signal. Pag-usapan lang po natin General iyong seguridad ng mga estudyante at iyong paghahanda po ng Philippine National Police sa darating na pasukan po.

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Yes Sec., iyon pong inyong Philippine National Police ay handang-handa po dito sa parating na pasukan ng ating mga estudyante sa mga iba’t ibang mga paaralan. Ang gagawin po natin diyan ay magtatalaga tayo at least na dalawang pulis kada eskuwelahan o iyong tinatawag na maglalagay po tayo ng Police Assistance Desk. Of course, maliban pa po iyan doon sa mga security personnel na ikakalat po natin in every cluster of schools, para po ma-ensure natin iyong katahimikan at iyong seguridad ng ating mga magulang at saka iyong mga papasok na estudyante.

DIR. PADILLA: Okay. Chief, magandang umaga sir. Si Director Niño Padilla po ito.

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Yes sir, opo…

DIR. PADILLA: Sir, balita namin may binalasa dito sa may Quezon City o sa NCR mismo. Sinu-sino po iyong mga bagong papalit sa mga hepe ninyo sa iba’t ibang mga himpilan ng pulisya dito?

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Actually marami po Director, mayroon pong—kadahilanan po diyan of course iyong mga magre-retire ‘no, kagaya po ng Police Regional Office XII, iyong Regional Director diyan ay magre-retire na, so minabuti na rin po natin na pinalitan. At dito sa NCRPO ay itinalaga na lang po natin siya as… doon sa Civil Security Group, iyong CSG – iyan po ay national scope kagaya ng CIDG. At marami pa po iyan, pati po iyong mga promotables natin na senior officers ay itinalaga na rin natin bunsod na rin po doon sa mga maraming magre-retire na key officers natin.

DIR. PADILLA: Uhum. Magdadalawang buwan na po kayo sa panunungkulan General, sir… kumusta po ang buong hanay ng PNP at kumusta rin pamumuno ninyo?

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Ah unang-una, ganiyan pa rin po at napakataas ng morale ng ating Philippine National Police dahil nga po doon sa suporta na nakukuha natin sa administrasyon ni Pangulong Duterte. At I think, very much motivated iyong ating mga pulis para magtrabaho, lalong-lalo na po dito sa anti-criminality and anti-illegal drugs effort na ginagawa natin. At alam naman po ng ating mga kapulisan, lalong-lalo iyong mga commanders on the ground na mayroon po tayong pinapatupad na magde-deliberate ng kanilang mga performance – iyan po ang isang dahilan kung bakit mayroon din tayong ginawang reshuffle; kasama po iyong lahat ng dahilan na iyan para po makuha natin o mailagay natin iyong the right person at the right position.

SEC. ANDANAR: Talaga naman General Albayalde ay napabilib mo talaga kami, dahil kayo ay nasa Batanes ngayon. Napakalayong lugar niyan, at ang alam ko ang Batanes is one of the most peaceful places or islands in our country. Pero kayo, talagang nagpunta kayo diyan para siguro inspeksiyunin ang ating kapulisan diyan, General?

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Yes, tama po ‘yan. Actually ito po ang first province na declared na drug free. Ito pong first year anniversary po nila, and at the same time mayroon po kasing dinonate (donate) na lupa iyong Basco, Batanes government na patayuan ng police station natin. So tayo po ay nagpapasalamat doon sa mga liderato ng Province of Batanes na binibigyan iyong ating mga kapulisan ng kanilang mga suporta. At nagdala na rin po tayo ng mobile cars dito na dalawa pa, para po mapanatili iyong zero crime incident nila sa Batanes.

SEC. ANDANAR: Zero crime incident… ang galing, ang galing.

DIR. BELTRAN: Ang ganda naman, sarap pumunta doon.

SEC. ANDANAR: Vinci, mayroon ka bang tanong kay General?

DIR. BELTRAN: Yes po. Hayan General, si Director Vinci po ito, nakausap ninyo na po last time.

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Yes… Yes, Director.

DIR. BELTRAN: Yes po. Na-miss po namin kayo noong Real Numbers event po… Moving forward, ano pong plano po natin diyan sa Real Numbers?

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Well unang-una, maganda po actually ang naging resulta, kung pagmasdan ninyo, wala na po iyong mga kumakalat na mga news o disinformation na iyong mga ganito ang mga namatay dito, na ganito karami iyong namatay. So I think the public is well informed now. Kaya po tahimik na at alam po ng publiko kung ano talaga ang nangyari at kung ilan talaga ang sinasabi nilang neutralized sa mga police operations at hindi na po iyong bloated na mga figures. At I think mas naiintindihan po ngayon ng ating publiko at kaya kami ay nagpapasalamat dito sa real numbers natin.

SEC. ANDANAR: Alam mo maganda ring mapag-usapan at napag-usapan namin ni General Albayalde during the wrecking of the motorcycles and vehicles at the Bureau of Customs iyong posibilidad na baka puwede nating pangalanan iyong mga gangsters na involve dito sa droga, kung ito ba ay 14k, ito ba ay dragon etcetera, bamboo at hindi ba General iyon ang napag-usapan natin para at least malaman ng mga kababayan natin. Kasi usually kapag mayroong napapatay na halimbawa isang drug pusher o drug lord eh sinisisi kaagad sa kapulisan. Pero mayroon namang tinatawag na drug or iyong gangster war, gang war. Hindi ho ba General?

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Yes tama po iyan Sec., actually mayroon na po akong direktiba sa ating P/DG na makipag-coordinate sa PDEA para nga po iyang sinasabi ninyo at maintindihan ng ating mga kababayan kung gaano pa talaga or iyong mga kone-koneksiyon ng mga—or ibang grupo na nag-o-operate dito sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Kaya mas lalo pang paiigtingin itong real numbers by creating itong real stories na gagawin natin at—

DIR. BELTRAN: Naku level up.

SEC. ANDANAR: Level up so sa pamamagitan ng PDEA at Philippine National Police sa leadership po ni General Albayalde ay mabibigyan na tayo ng talagang pagkakataon na puwede nating i-cover or gawan ng istorya iyong mga nahuhuli nila ni General. Iyong hindi lang statistics general ba, kailangan may istorya talaga iyong statistics. Kailangan nagkukuwento iyong numbers General?

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Tama po iyan at mawala po iyong pagdududa ng ating mga kababayan na puro street pushers lang daw po ang nakukuha natin. At maliwanagan na rin kung papaano po iyong—kung papaano iyong flow ng—or kung papaano nakakalusot at kung sino-sinong grupo dito dahil marami-rami pong grupo iyan, mayroon po tayong tinatawag na triad ‘no iyong kung anu-anong koneksiyon, mayroon pong mga South African connection, mayroon pong Mexican connection. Kaya tama po iyong suhestiyon na iyan, Sec.

SEC. ANDANAR: Alright, bago natin pakawalan si General Albayalde because we know that he is busy in Batanes right now. Balikan natin iyong sa preparasyon sa pasukan?

DIR. PADILLA: Pasukan.

DIR. BELTRAN: Pasukan.

SEC. ANDANAR: Ngayong darating na Lunes ano. Okay, General ano lang. Let’s just give words, your words of ano, words of wisdom. Iyong security—

DIR. BELTRAN: Habilin.

SEC. ANDANAR: Habilin kung ano iyong mga dapat nating gawin, bantayan or baka mayroon kayong mensahe para sa kapulisan sa darating pong pasukan. And even words of comfort na talagang ang ating mga estudyante, ang ating mga magulang ay hindi mag-aalala ngayong darating na Lunes, because of the hard work of the Philippine National Police?

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Yes sa atin pong mga kababayan lalong-lalo na po iyong mga magulang natin na maghahatid sa mga eskuwelahan baka makakita po tayo ng mga pulis na nakatalaga sa mga iba’t ibang eskuwelahan na just in case magkaroon po kayo or kailanganin iyong tulong ng ating mga kapulisan, huwag po tayong mag-atubili na lumapit sa iba’t ibang mga police desk na itatalaga natin. Dahil iyong ating mga police po, ako ay—hinihikayat natin ang ating mga kapulisan na magserbisyo ng taos puso sa ating mga kababayan, lalong-lalo na po itong pasukan ‘no. Let’s just ensure the safety of our children and students pati iyong mga faculty. And of course ine-engganyo natin iyong mga Commanders on the ground na makipag-coordinate sa iba’t ibang mga principals, sa mga iba’t ibang mga schools na kanilang kinasasakupan. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Thank you so much, General Oscar Albayalde, hepe po ng Philippine National Police. Thank you for your assurance sa ating publiko. Mabuhay po kayo sir. Thank you po.

PNP CHIEF DIR. GEN. ALBAYALDE: Maraming salamat po. Magandang tanghali po. Mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: Iyon so si General Albayalde talagang mayroon na siyang words of comfort, assurance para sa ating mga estudyante lalong-lalo na sa mga magulang—

DIR. BELTRAN: Para sa mga magulang—

SEC. ANDANAR: Na huwag masyadong mag-alala.

DIR. PADILLA: Kasi sa mga three years ago or four years ago maraming napapabalita iyong mga estudyante na pauwi ay talagang ninakawan ng mga cellphone at kinuha iyong kuwan, kinuha iyong mga kagamitan at pinapatay pa, kung hindi…

DIR. BELTRAN: Isinasakay sa van, iyong mga ganoong kuwento. Pero ngayon mas handa na ang PNP para sa pasukan.

SEC. ANDANAR: Kapag si Niño, si Niño lang ang delikado noong bata pa.

DIR. PADILLA: Bakit?

DIR. BELTRAN: Bakit naman po Sec.?

SEC. ANDANAR: Eh kasi kinukuhanan ng baon iyong kaniyang classmate.

DIR. BELTRAN: Totoo ho ba iyan?

DIR. PADILLA: Tinago lang.

SEC. ANDANAR: Ninanakawan ng ulam.

DIR. PADILLA: Tinago lang, tinago.

SEC. ANDANAR: Anong ulam mo? Anong ulam mo? Itlog. Ah sa iyo na iyan. Anong ulam mo? Porkchop. Ah ito na sa iyo na iyong itlog. [laughs].

DIR. BELTRAN: Nambu-bully pala.

DIR. PADILLA: Hindi ah.

DIR. BELTRAN: O dismiss, dismiss natin.

DIR. PADILLA: Humihingi lang.

SEC. ANDANAR: One for you, two for me. Ah ganoon lang iyon. Pero anong kapalit niyon? Si Niño kasi ay very studious iyan noong bata. So anong kapalit noong pag gagawin mo iyong homework ng classmate mo, anong kapalit porkchop?

DIR. PADILLA: Maliit naman. Hindi nasa loob ako ng kuwan—malapit sa kanila iyong tahanan ko.

SEC. ANDANAR: Hindi ba nagseminaryo ka?

DIR. BELTRAN: Yes.

DIR. PADILLA: Oo doon sa loob.

SEC. ANDANAR: Tapos?

DIR. PADILLA: Takal iyong pagkain doon, takal.

SEC. ANDANAR: Sa seminaryo?

DIR. PADILLA: Tinakal oo.

SEC. ANDANAR: Eh balita ko kaya ka na hindi lumabas dahil nauubusan ng pagkain sa kusina eh.

DIR. PADILLA: Iba iyon. Iba-ibang rason.

SEC. ANDANAR: Ano bang pagkain sa loob ng seminaryo?

DIR. PADILLA: Hindi, takal nga eh.

SEC. ANDANAR: Oo takal nga.

DIR. BELTRAN: Paanong takal po? Ano po iyong—

SEC. ANDANAR: Takal na kanin?

DIR. PADILLA: Oo isang kanin mo ganoon? Tapos mamaya—share kayo doon sa ulam.

SEC. ANDANAR: Anong ulam usually?

DIR. PADILLA: Depende eh, may gulay, isda ganoon. Maraming pagkain pero pagkatapos kapag umalis ka eh kuwan, kapag tapos kumain madaming trabaho.

SEC. ANDANAR: Trabaho?

DIR. PADILLA: Trabaho.

SEC. ANDANAR: Anong trabaho ang ginagawa ninyo?

DIR. PADILLA: Farming.

SEC. ANDANAR: Ah farming. Tapos?

DIR. BELTRAN: Farming.

DIR. PADILLA: Farming tapos aral.

DIR. BELTRAN: Oo nga.

DIR. PADILLA: Praying.

SEC. ANDANAR: Magdasal. Ilang beses—anong oras kayo nagdadasal?

DIR. PADILLA: Umaga, tanghali, gabi.

SEC. ANDANAR: Anong oras sa umaga?

DIR. PADILLA: Pagkagising ko alas singko ganoon.

SEC. ANDANAR: Magdasal na kayo?

DIR. BELTRAN: Ang aga.

SEC. ANDANAR: Sa seminaryo iyon talagang—

DIR. PADILLA: Sa kuwan… Anong tawag dito? Simba.

DIR. BELTRAN: May simba din.

DIR. PADILLA: Minsan extension pa iyon ng tulugan ang pagsimba.

SEC. ANDANAR: Anong nangyari?

DIR. BELTRAN: Bakit ninyo ginawang extension—

DIR. PADILLA: We are sleeping with the Lord.

DIR. BELTRAN: Wow.

SEC. ANDANAR: Anong nangyari? [laughs].

DIR. PADILLA: I just appreciate the beauty of nature.

SEC. ANDANAR: Ah okay, na-in love ka kaya ka lumabas?

DIR. PADILLA: Break na daw oh.

SEC. ANDANAR: Oras natin alas dose y singko na po ng tanghali. Magbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo. Dito lamang po sa Radyo Pilipinas-Uno.

[COMMERCIAL BREAK]

DIR. PADILLA: Balik po tayo sa Cabinet Report…June 2, 2018. Magandang tanghali po bayan, Sec., at may kakapanayamin po tayo ngayon, na maski Sabado nagtatrabaho po ito.

SEC. ANDANAR: Very hardworking. One of the most hardworking Cabinet member – walang iba kundi si Ma’am Ling Briones, ang ating Secretary po ng Department of Education. At talaga namang kahit Sabado nabanggit mo na nga, ay nandito pa rin, talagang binisita pa tayo dito sa Visayas Avenue.

DIR. PADILLA: Correct.

SEC. ANDANAR: This is the first time mo Ma’am Ling dito live sa—welcome sa among bagong studio Ma’am Ling. Maayong udto (magandang tanghali).

DIR. BELTRAN: Daghang salamat. Maayong udto.

DEPED SEC. BRIONES: Daghang salamat, maayong udto. Dako akong kalipay nga naka anhi dinhi, nakabisita kaninyong tanan, pati na sa mga nagapamati sa inyong programa (Maraming salamat, magandanag tanghali. Masaya ako na nakapunta dito, nakadalaw sa inyong lahat, pati na rin mga nakikinig sa inyong programa).

SEC. ANDANAR: Daghang salamat Ma’am Ling sa oras. Kasama din natin si Director Vinci…

DIR. BELTRAN: Hello po. Ma’am, ako po iyong kausap ninyo last week. Kami po ni Sir Leo iyong napagsabihan ninyo na bakit kami hindi naniniwala may FB page kayo [laughs]

SEC. ANDANAR: [Laughs]

DIR. PADILLA: Uy, friend ko siya ha… friend ko siya.

DEPED SEC. BRIONES: May Twitter pa, may fan page pa…

DIR. PADILLA: Wow…

SEC. ANDANAR: At si Director Niño Padilla, Ma’am…

DIR. PADILLA: Maayong udto. Maayong udto.

SEC. ANDANAR: Alam mo sa loob ng Cabinet, kapag nagka-Cabinet si Presidente, siyempre maraming nagsasalita. Pero kapag talagang very serious na iyong pinag-uusapan, kapag nagsalita na si Ma’am Ling, tahimik lahat… nakikinig. Oo, talagang propesor na propesor… nakikinig lahat at teacher na teacher. Tapos si—pati si Presidente, tatahimik talagang nakikinig lang kay Ma’am Ling. Kaya we are very proud, happy that… talagang you really give us so much wisdom in the Cabinet Ma’am Ling.

DEPED SEC. BRIONES: Maraming salamat. Siguro dahil ako ang pinakamatanda, boses lola na ako [laughs]. Eh sa ating society, sa ating lipunan, kapag nagsalita si lola, nakikinig lahat – ang anak, ang apo – ang apo sa tuhod pa nakikinig din. Oo, sa ganoon…

SEC. ANDANAR: Okay. Pag-usapan natin ngayon Secretary Ling Briones ang ating pasukan na darating na ngayong Lunes ‘no, sa June 4.

DIR. PADILLA: A-kuwatro ng Hunyo…

SEC. ANDANAR: Oo, talaga namang lahat ng mga magulang ngayon ay abalang-abala na.

DIR. BELTRAN: Balik eskwela…

DEPED SEC. BRIONES: Tama iyon abalang-abala, excited na. Pero lalo na iyong mga bata, sila ang pinaka-excited dahil pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon, papasok na sila sa school at magkikita-kita na sila ng mga kaibigan, ng teacher at saka lalabas na sila ng bahay.

SEC. ANDANAR: Ako, noong estudyante ako sa Pilot Elementary School sa Surigao City, siyempre bago iyong lapis… excited ako bago iyong lapis ko, bago iyong aking mga libro…

DIR. BELTRAN: School supplies, notebook, uniform…

DIR. PADILLA: Iyong pencil case de-pindot pa…

DEPED SEC. BRIONES: Iyong uniform, bago…

SEC. ANDANAR: Uniform… Iyong aking notebook pa noon Ma’am Ling, iyong—

DIR. PADILLA: Artista?

SEC. ANDANAR: Si ano, Lilet…

DIR. BELTRAN: [Laughs] Uso pa iyon…

DEPED SEC. BRIONES: Nilalagay mo lang sa likod ng bulsa ng pantalon mo [laughs].

SEC. ANDANAR: Oo iyon. Tapos iyong mga kaklase ko naman na mga babae, mga Aga Muhlach iyong kanilang mga…

DIR. PADILLA: Tapos iyong ballpen mo, Kilometrico

SEC. ANDANAR: Kilometrico! [Laughs]

DIR. BELTRAN: Ano po iyon?

DIR. PADILLA: Hindi mo inabutan iyon, Kilometrico?

SEC. ANDANAR: Hindi naabutan…

DIR. PADILLA: Ikaw kapag mag-sign ka ng kuwan, mahirapan kang mag-sign sa mga documents ng gobyerno, hanapan mo muna ng Kilometrico – ibig sabihin, hindi ka talaga magsa-sign talaga. Walang Kilometrico ngayon eh, walang Kilometrico. Pero si Ma’am Ling talaga, for how many years po kayo naging teacher, Ma’am?

DEPED SEC. BRIONES: Ah more than 50 years na, kasi nag-umpisa akong nagturo sa UP, I was still in my 20s, mga 21 years old. Eh ngayon 77 na ako, so lahat na grado napagturuan ko na.

DIR. BELTRAN: Sa ano po iyan, NCPAG po ‘yan? National College…

DEPED SEC. BRIONES: National College of Public Administration nagturo ako, undergrad at saka master at saka doctoral.

DIR. PADILLA: Ano iyong pati simbahan po; nagtuturo din kayo sa simbahan?

DEPED SEC. BRIONES: Yes, Sunday school, Daily Vacation Bible School…

DIR. BELTRAN: Balita po namin Sec., kumakanta po kayo eh…

DEPED SEC. BRIONES: Ganoon naman talaga, maraming Pilipino, halos lahat ng Pilipino.

DIR. BELTRAN: Opo. Pero kayo po ay miyembro ng choir po?

DEPED SEC. BRIONES: Yes, President ako ng Manila Concert Choir.

SEC. ANDANAR: Wow! Mayroon ba kayong… usually na usual concert? Mayroong mga…

DEPED SEC. BRIONES: Ah yes. Halimbawa ngayong June 10 magkaroon kami ng repeat concert, kasi mayroon kaming Bataan Day Concert. Mayroong repeat concert this June 10, doon naman sa teatro ng GSIS. Ito ay libre dahil sponsored ito ng GSIS.

SEC. ANDANAR: So bukod doon sa UP, sa Sunday school, alam ko Silliman hindi ba, kayo din naging—

DEPED SEC. BRIONES: Yes. Bago ako naging Secretary of Education, naging Chairman ako ng Board ng Silliman University.

SEC. ANDANAR: Dumaguete…

DEPED SEC. BRIONES: Pero ito ay ginive-up ko noong ako ay naging Secretary kasi hindi iyan pinapayagan.

SEC. ANDANAR: Napakaganda ng educational system ng Silliman University.

DIR. BELTRAN: Yes, opo…

SEC. ANDANAR: At saka Ma’am ito ha, ako ay nagtataka lang ‘no… iyong mga estudyante ng Silliman, napakagaling mag-English, parang mga Amerikano. Ano bang sistema ng edukasyon ng—o ano ba iyong culture na sinusunod ng mga teacher doon?

DEPED SEC. BRIONES: Ah kasi naging kasanayan na, na ang mga teacher nagsasalita sa English, tapos sumusunod naman iyong mga estudyante. Tapos sa history kasi ng Silliman University, mga Amerikano ang nag-setup ng University – kaya naging kasanayan na nag-e-English iyong mga teacher. Noong naging Pilipino na ang mga opisyal at mga teacher, tapos mga estudyante nandiyan, naging kasanayan na na Ingles ang ginagamit.

SEC. ANDANAR: Ahh… Hindi, maganda iyong Silliman University.

DIR. PADILLA: Parang may karatula pa nga yata doon noong huli akong bumisita – “English please” parang ganoon yata ang kuwan…

DEPED SEC. BRIONES: Parang ganoon, pero maski wala iyang karatula na iyan, doon mo maririnig. Kasi ngayon sa ating kabataan, maski ako, hinahalo natin iyong English at saka Tagalog, o Bisaya. Kung sa Silliman, iyong magsalita ka ng English, walang halo. Pero kapag magsalita ka ng Bisaya, wala ding halo.

DIR. BELTRAN: Straight dapat…

DIR. PADILLA: So, bawal ang jejemon…

SEC. ANDANAR: Bawal ang saksak-sinagol [laughs]

DEPED SEC. BRIONES: Oo, saksak-sinagol sa loob siguro ng campus. Pero sa labas iyong mga bata, kung anong gusto nila gamiting salita.

DIR. PADILLA: So kapag bumili kang fishball doon, “Can you please tusok-tusok the fishball?”

DIR. BELTRAN: [Laughs] Halo iyan, hindi puwede…

DIR. PADILLA: Oo, “Can you please tapak-tapak the break?”

DIR. BELTRAN: [Laughs] Puwede…

SEC. ANDANAR: Kailangan diretso… Papaano diretso mo kapag bumili ka ng fishball?

DIR. PADILLA: Fishball… Can I buy the fishball? [overlapping voices] stick of fishball?

DIR. BELTRAN: Pasado po ba, Ma’am? [laughs]

SEC. ANDANAR: How many fishballs do you want? [laughs]

DIR. BELTRAN: Pasado po ba?

DEPED SEC. BRIONES: Puwede na [laughs].

DIR. PADILLA: Ano iyong pinaka—ito, maraming mga teachers natin na nakikinig at nanonood ngayon, at ano ang payo ninyo—una muna, ano ang pinakamahirap sa pagtuturo?

DEPED SEC. BRIONES: Ang mahi—hindi naman mahirap talaga ang pagtuturo—

DIR. PADILLA: Kasi passion…

DEPED SEC. BRIONES: Una, naniniwala ka sa tinuturo mo. Eh kung nagtuturo ka lang dahil nasa libro, eh wala kang gana or walang… iyong sinasabi mo ano, passion. Kailangan talagang naniniwala ka sa tinuturo mo – kung anong sinabi sa libro, ikaw mismo naniniwala ka niyan. At hindi lang namin tinatawag nating ‘truth’ dahil sinabi ng libro, pina-memorize ng libro ay gagawin mo at iyon din ang ituturo – hindi iyan umuubra; kasi makikita ng mga bata kung naniniwala ka sa tinuturo mo.

DIR. BELTRAN: Secretary ganitong panahon po, ano po ang pinagkakaabalahan ng isang guro; iyong kapag malapit nang magbalik-eskwela?

DEPED SEC. BRIONES: Ang pinagkaabalahan ng guro ay siyempre iyong estado ng school, kaya mayroon tayong Brigada Eskwela. Dahil dalawang buwan iyan, hindi ginagamit iyong mga school rooms, o di siguro hindi na malinis, oo – at saka kailangan, may mga minor repairs. Pero ang kagandahan nitong Brigada Eskwela, ay iyong buong komunidad sumasali – iyong mga parents magdatingan sila, mga civil society groups, church groups—

DIR. PADILLA: Na sila mismo nagdadala ng mga walis…

DEPED SEC. BRIONES: Panglinis…

DIR. PADILLA: Oo, panglinis… mga pintura – libre.

DEPED SEC. BRIONES: Yes, libre. Umabot ng over a billion iyong nare-raise namin in terms of value ng mga pinamimigay ng mga iba’t-ibang mga organisasyon at mga bata—

SEC. ANDANAR: At saka iyong oras na ginugugol ng mga volunteers, iyon ang mahalaga diyan.

DEPED SEC. BRIONES: Yes, volunteers, iyan… oo.

DIR. PADILLA: May nakikita rin akong mga teachers sa mga ganitong mga panahon ha, Saturday tapos Monday iyong pasukan, sila na mismo nagde-decorate sa kanilang mga classroom – nilalagyan ng mga mapa… magagaling eh.

DEPED SEC. BRIONES: Tama iyan, kasi ang mga teachers para sa kanila, parang pangalawang bahay nila iyong classroom; para rin sa mga bata. Halimbawa galing ako sa Marawi ‘no, kasi nag-Brigada Eskwela kami doon sa Marawi. Iyong mga bata mismo na gustong bumalik sa school, tumulong sila sa pagpintura ng tinatawag nating temporary learning spaces, so may feeling sila na kanilang bahay iyon. at saka nakakatuwa, kasi iba’t ibang kulay mga kurtina, iba’t ibang style kasi ang teacher ang namimili. At saka kadalasan pa, ang teacher mismo gumagastos siya ng sarili niyang pera para mapaganda lang. Kasi kung tayo naman, if we spend eight hours/ten hours sa ating classroom, at saka doon tayo pinupuntahan ng ating mga bisita, eh gusto natin presentable kaya kaniya-kaniyang pagandahan ng classrooms ang mga teachers.

SEC. ANDANAR: Pangalawang bahay at pangalawang magulang ang mga teacher.

DIR. PADILLA: Correct. Sumbungan kadalasan ng mga kabataan, lalo na sa love life…

SEC. ANDANAR: Ganoon ba iyon?

DEPED SEC. BRIONES: Totoo ‘yan…

DIR. BELTRAN: O totoo daw [laughs]

DEPED SEC. BRIONES: Totoo iyan, at saka ano… minsan sa stage ng isang bata, mas naniniwala siya sa teacher niya kaysa…

DIR. PADILLA: Iyong formative stage.

DEPED SEC. BRIONES: Yes. Sabihin, “Ayaw ni teacher iyan. Magagalit si teacher niyan. Bawal kay teacher iyan, ang magkalat. Bawal kay teacher na nagsasagot-sagot…” iyong mga ganoon. Napakalaki ng influence ng teacher sa bata.

SEC. ANDANAR: Lalo na ngayon Director Niño at Director Vinci, Ma’am Ling na napakadami nating mga OFWs, iyong mga kababayan na mga magulang hindi ba?

DIR. BELTRAN: Tama…

SEC. ANDANAR: So kapag nasa abroad ang magulang, eh sino iyong magulang noong bata? Di iyong teacher, teacher…

DEPED SEC. BRIONES: Teacher, totoo iyan. At saka ‘pag bigayan na ng grado halimbawa, at saka kung ang bata may problema, ang teacher ang magko-contact ng parents at sasabihin na iyong bata may ganitong problema, siguro dapat tulungan. So kung minsan sumbungan ang teacher ng pupil, kasi kung mala—tama ka Martin kung halimbawa malayo ang parents, oo, abroad ba o nagtatrabaho, iyong bata nagsusumbong, nagsasabi sa teacher kung ano iyong mga concerns at mga problema.

DIR. PADILLA: Alam mo kapag lumaki na itong bata at naging successful, ang pinakamasarap na makuha ng mga teacher niya noon – iyong babalik iyan at magsabi ‘salamat po’. Napakasarap iyan.

DEPED SEC. BRIONES: Totoo iyan. Napakadaming… halimbawa maging senador na o ma-presidente man, o malaking tao na sa international, usually hindi ba, una magpasalamat sa Diyos, sunod magpasalamat sa suporta sa pamilya, pangatlo magpasalamat sa teacher sa Grade 2, Grade 1… Hindi nila malimut-limutan at saka may istorya sila tungkol sa teacher nila.

DIR. PADILLA: Kaya nga kapag bumalik ako sa Cebu ha, sabihin ko sa mga teachers ko doon, “Thank you ho sa kurot ninyo. Napatino ninyo ako.” “Salamat sa pagkusi nimo nako… Wapa ako kusi-a… wala na [unclear] (Salamat sa pagkurot mo sa akin. Kung hindi pa ako nakurot, wala [unclear]).”

DEPED SEC. BRIONES: Iyong kurot pa naman, iyong maliit na kurot, iyon ang pinakamasakit.

DIR. BELTRAN: Alam ni Ma’am… [laughs]

DIR. PADILLA: Oo, iyong kurot dito… iyong dito sa patilya. Iyong parang i-isa ka nang ganoon… Tapos dati kasi, Ma’am Ling iyong stick na maliit na kapag pinapalo-palo ka, parang ang kati na masakit… aray, aray.

DEPED SEC. BRIONES: Pero ngayon hindi na iyan ginagawa, bawal na iyan ngayon dahil ang mga parents ayaw nila at ang lipunan ayaw din.

SEC. ANDANAR: Eh noong estudyante ako ay napa-squat ako eh. Hindi, kasi maingay kami sa likod eh. Squat, ganoon.

DIR. PADILLA: Uso pa ba iyong talkative ka tapos, ‘Martin Andanar 1, Niño Padilla 1.

SEC. ANDANAR: I will never be late again.

DEPED SEC. BRIONES: 100 times.

DIR. BELTRAN: Uso pa naman iyan.

DIR. PADILLA: Balik tayo sa Marawi, Ma’am Ling. Itanong ko lang Secretary kasi maraming mga na-displace din doon na mag estudyante last year. Ano pong status nila, iyong mga Grade 5 noon at na-displace sila, ngayon Grade 5 pa rin. Paano ho iyan?

DEPED SEC. BRIONES: Kasi ang mga bata noon, last year noong nagkaroon ng siege, ang sabi namin dahil nag-evacuate sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, tatanggapin sila maski saan sila pupunta. Kung saan nag-e-evacuate iyong parents nila, tatanggapin sila, may record o wala. Pag sasabihing, “Grade 5 ako”, tatanggapin sila ng Grade 5. So karamihan sa kanila—umabot iyon ng mga 30,000 na mga bata. Mayroon sa Laoag, mayroon sa Baguio, may sa Visayas, may sa Cebu ang laking community niyan. Ngayon nagbubukas na tayo ng eskuwelahan, nagbabalikan na ang mga taga Marawi, mayroon ibang mga parents na nakakita na ng trabaho at saka naka-settle down na sila kung saan man sila pumunta.

DIR. PADILLA: So nag-evacuate?

DEPED SEC. BRIONES: Kaya ang sabi ng ibang parents gusto nila, halimbawa, pumunta ang bata, nag-enroll ng Grade 5 eh ngayong grade 6. Gusto nila tapusin na lang ang—ng anak nila kung saan man sila napupunta. At saka allowed iyon.

SEC. ANDANAR: Bago tayo mawala sa PTV dahil magtu-12:30 na, naka-live kasi tayo sa PTV Ma’am Ling.

DEPED SEC. BRIONES: O yes, yes.

SEC. ANDANAR: Ang tanong lang, gaano na—gaano kahanda ang DEPED at ilang estudyante ba ang in-expect natin na papasok this coming Monday?

DEPED SEC. BRIONES: Ang ine-expect natin so far, anong projected enrollment natin ay about 27.7 million na mga bata. (overlapping voices). Kaya ang ginawa natin para mapabilis ang enrollment ay may pre-enrollment, January pa nag-umpisa na ang enrollment. Kasi sa IPC puwede namang mag-enroll electronically so karamihan ng mga bata ngayon naka-enroll na. Pero iyong hindi, puwede pang humabol until the end of the month. So we are expecting 27.7 million, from Kindergarten iyan to Senior high school.

DIR. PADILLA: Wow, no payment?

DEPED SEC. BRIONES: Wala, walang bayad iyan. At iyong mga PTA halimbawa boluntaryo iyon, hindi pinipilit ang parents at mga bata.

DIR. PADILLA: And DEPED is armed to the teeth para—

DEPED SEC. BRIONES: Ah yes kasi humahabol na kami sa classrooms, mga learning resources at saka iyong upuan, iyong mga seats. In the case of Marawi, dahil 69 plus schools ang talagang natamaan ng husto, 49 ang medyo puwede pang maayos, iyong 20 plus ay hindi na talaga puwedeng magamit. Talagang totally shattered na. Puno na ng butas ng bala, wala ng bubong and so on. So gumagawa tayo ng temporary learning shelters para sa mga bata. Ang mga batang Marawi sabay sa ating papasok, ayaw nating—sabihin natin, tayo umpisa na tayo June 4, sila maiiwan muna, hindi kailangan sabay para iyong mga bata hindi sila feeling left-out.

DIR. BELTRAN: Yes.

SEC. ANDANAR: O para sa mga viewers natin sa PTV, mawawala na po iyong Radyo Pilipinas ngayon 12:30 pero puwede po kayong lumipat sa 738 am or sa Facebook pages po ng Radyo Pilipinas one—

DIR. BELTRAN: PCOO.

SEC. ANDANAR: Ang Facebook page ko, Martin Andanar at sa iba pang mga Facebook pages ng RP, doon sa RP 2 also na live tayo.

DIR. PADILLA: Okay balikan natin. So ready na po ang Marawi for this school year 2018.

DEPED SEC. BRIONES: At nagtutulungan kami sa ARMM department—May sarili silang Department of Education. Pero iyong overall curriculum lahat sa atin pa rin.

DIR. PADILLA: Logistics lang naman ang hindi ganoon ka-stabilize.

DIR. BELTRAN: Itong mga temporary learning centers, ano pong itsura po nito Ma’am, conducive naman po ito?

DEPED SEC. BRIONES: Ah maganda iyong temporary learning centers, mas maganda pa kaysa United Nations. Kasi iyong United Nations, tolda iyon hindi ba? Iyong sa atin talagang structure.

DIR. PADILLA: So may blackboard?

DEPED SEC. BRIONES: May blackboard, may bubong, may bintana.

DIR. BELTRAN: Iyong tinatanong ninyo kanina?

DIR. PADILLA: May tinatanong sila kasi ilang taon na raw kaming nag-aral eh iyong blackboard ay kulay green bakit nagkaganoon ho iyon?

DEPED SEC. BRIONES: Aba ay siguro hindi—eh iyong mga teacher ngayon maski may chalk allowance sila pero hindi kailangan nila gamitin kasi marami sa kanila eh gumagamit na naman ng LCD.

DIR. PADILLA: Wow ha high-tech.

DIR. BELTRAN: Iwanan na daw natin iyong tanong na iyan, LCD na.

DIR. PADILLA: Kasi dati iyong mga teacher, iyong chalk talaga nakaka-tisis daw nakaka-TB? Iyon ang problem nila.

DEPED SEC. BRIONES: Yes. Pero hindi sila tinatanggalan ng chalk allowance, ganoon pa rin iyong chalk allowance maski hindi sila gumagamit ng chalk. Nasa kanila na iyon.

DIR. PADILLA: Iyong mga teachers diyan na kuwan—kasi may pondo naman ng LCD ganoon sa lahat?

DEPED SEC. BRIONES: Yes kasi mayroong tinatawag na MOOE. Alam naman natin sa lahat ng opisina at the level of the principal, at the level of the school at saka iyong MOOE ay depende sa laki ng eskuwelahan at depende sa dami ng mga estudyante, etcetera. So may mga teacher ngayon na ayaw ng gumamit ng chalk, LCD na at saka iyon naman mas lalo na sa college at saka sa high school. Wala na iyon sa kapanahunan natin, lalo na sa akin. [laughs].

SEC. ANDANAR: Alam mo mayroon akong tanong kay Ma’am Ling. Mayroon bang epekto Ma’am Ling iyong advent of technology, LCD, laptop etcetera sa penmanship ng isang estudyante?(overlapping voices)—

DIR. PADILLA: Iyan magandang tanong iyan.

SEC. ANDANAR: Oo, the way that we right, cursively iyong mga ganoon ba. Mayroon bang epekto?

DEPED SEC. BRIONES: Sa aking karanasan mayroon, kasi noong bata pa tayo talagang practice tayo ng alphabet at saka iyong mga letra pina-practice ng husto. Eh ngayon iyong bata na—iyong mga bata natin by the time na grade 3 or grade 4, gagamit na iyan sila ng computer. This year nag-umpisa na tayo. Ilang bilyon ba ang bibilhin nating mga computers for elementary and high school. Kasi ang pangarap natin na dadating ang panahon na iyong mga bata hindi na magdadala ng school books at saka school bags, ang learning ano nila lahat nasa tablets na.

DIR. BELTRAN: Oo nga nauso na iyong tablet. Ang galing.

DEPED SEC. BRIONES: At saka hindi lang sa private school, sa public school.

DIR. BELTRAN: Wow.

DEPED SEC. BRIONES: So bibili tayo ng ilang bilyon na laptop at mga ano—

SEC. ANDANAR: So mayroon talaga. Anong mga counter measures na dapat gawin natin para at least hindi mawala iyong art of penmanship, the art of handwriting.

DEPED SEC. BRIONES: Matagal na at saka iyong kumukuha ng abogasya, nagpa-practice sila ng handwriting para mabasa. Pero ngayon automatic na rin—

DIR. PADILLA: Multiple choice na.

DEPED SEC. BRIONES: Oo multiple choice, iba’t-ibang klaseng technology na rin ang ginagamit maski sa mga examinations. Pero tama ka baka mapagkamalan tayong lahat na mga doctor dahil—

DIR. PADILLA: (overlapping voices).

DEPED SEC. BRIONES: Mga pharmacist na iyong makababasa ng ating handwriting.

DIR. PADILLA: O hindi ba mga stenographer.

DEPED SEC. BRIONES: Yes, yes oo. Dapat mayroon tayong panahon din na mag-practice ng handwriting na ginagawa natin dati.

DIR. BELTRAN: Okay. Medyo nag-cheating po ako, medyo sumilip po ako. Briefly po bago po tayo—habang papatapos na po tayo. Ano po iyong inyong naka-prepare?

DEPED SEC. BRIONES: Kasi gusto ko lang ibalita na sa last Pulse Asia survey, ang rating ng Department of Education ay 84 percent.

DIR. PADILLA: Wow napakalaki noon ha.

DEPED SEC. BRIONES: 84 percent ang rating, tapos ang awareness sa head ng agency approval rating is also very high.

SEC. ANDANAR: Pinakamataas actually.

DEPED SEC. BRIONES: Pinakamataas actually iyong education.

DIR. BELTRAN: Wow.

SEC. ANDANAR: 84 percent.

DIR. PADILLA: Mula noong naging journo tayo ngayon lang ako nakakita ng ganoong porsiyento, 84.

SEC. ANDANAR: Ganoon kataas ang approval, satisfaction rating ng—

DIR. PADILLA: Ng DEPED.

SEC. ANDANAR: Ng DEPED, oo. Puwede ng mag presidente si Ma’am Ling. Puwede na.

DEPED SEC. BRIONES: Oo nga. At saka ano maraming word tayo na hindi tatanggapin ng publiko, ang senior high school program. Pero napakataas rin ng acceptance rating sa senior high school.

DIR. BELTRAN: Na tinutukan ninyo po.

SEC. ANDANAR: Ito last question before we go. I think—kasi mayroon ng susunod sa atin na programa. Ma’am Ling, ano iyong naging epekto ng K + 12 o K to 12? Eh kasi mayroon na tayong mga grumaduate ng—

DIR. BELTRAN: ng Senior high.

SEC. ANDANAR: Mayroon bang marked improvement doon sa papasok na graduate ng K to 12 sa kolehiyo.

DEPED SEC. BRIONES: Iyong pumasa ka K to 12 natin sa senior high school 1.2 milli0n iyan. Tapos 68 percent, karamihan talagang gustong pumunta sa kolehiyo. May advantage sila dahil may two additional years sila. At saka strong sila sa trigonometry, sa calculus, sa math and science and English, kasi iyong senior high school English at saka math ang focus; Para sa mga nasa mga 31 naman percent na gustong magtrabaho. Pero alam mo Martin iyong nag-decide ng magtrabaho sila dahil gusto nilang mag-aral. Gusto nilang i-finance ang pag-aaral nila. Nandiyan pa rin sa atin iyong value ng education. Iyong mga pumasa naman, karamihan sa kanila mayroon na silang national certificate galing sa TESDA.

So karamihan sa kanila hindi pa nag-graduate may trabaho na. Napakataas ang rating ng—kasi kasama sa curriculum iyang tinatawag nating immersion. So usually kapag mag-immerse ka sa isang kumpanya, ang tendency ng kumpanya kukunin ka kasi pipiliin nila iyong pinakamahusay at saka hindi na sila gagastos mag-train dahil nandiyan na, high school graduate na at saka equivalent iyan kasi to college. Akala natin kasi iyong high school graduate ngayon kagaya ng high school graduate noong dati, noong panahon natin. Eh hindi two years older sila, two years more mature, two years training in math and science for those who go to the University. And two years immersion and actual work for those who want to find jobs.

DIR. PADILLA: Ang frame of thought ng Filipino students ngayon, kung dati mag-aral ka para makapagtrabaho. Ngayon magtrabaho ka para makapag-aral.

DEPED SEC. BRIONES: Oo mayroon for about 31 percent ng ating graduwado. Iyong iba naman diretso kasi libre naman ang college education sa state colleges at saka sa local government colleges.

SEC. ANDANAR: Talaga naman—

DEPED SEC. BRIONES: Kapag government.

SEC. ANDANAR: Only under the Duterte administration.

DIR. BELTRAN: Yes.

DIR. PADILLA: Correct at talaga naman.

SEC. ANDANAR: Ma’am gustuhin man namin na humaba pa iyong usapan natin pero wala na po tayong oras. Thank you so much for your time, for working still on a Saturday.

DEPED SEC. BRIONES: Ako, I cannot tell the difference between Saturday or Sunday.

SEC. ANDANAR: Because you enjoy your job.

DEPED SEC. BRIONES: Even sa gabi, ako pa ang—‘Anong oras na ba ngayon?’

DIR. BELTRAN: Nawawala na sa oras.

DEPED SEC. BRIONES: Alas does na, midnight na Ma’am. Para kaming mga Cinderella sa opisina kung minsan.

SEC. ANDANAR: Rest assured Ma’am that the PCOO and then the entire government media is behind DepEd, behind your leadership at kung ano pa iyong puwede naming i-disseminate sa ating mga kababayan ay huwag po kayong mag-atubiling ibigay sa akin like itong nabanggit ninyo po ngayon na 82 percent—

DIR. BELTRAN: 84 percent approval rating—

SEC. ANDANAR: Vinci iyong talagang resulta ng survey na iyan. Para we can story ____.

DEPED SEC. BRIONES: News Pulse Asia.

SEC. ANDANAR: Para we can storify it Ma’am. So iyan na muna ang ating Cabinet Report sa Teleradyo. Ang oras po natin—

DIR. PADILLA: Alas dose kuwarenta na.

SEC. ANDANAR: Naku overtime na tayo.

DIR. PADILLA: Overtime.

SEC. ANDANAR: Ito po ang inyong lingkod Secretary Martin Andanar kasama po—

DIR. BELTRAN: Director Vinci Beltran.

DIR. PADILLA: [unclear] kanunay, Niño Bonito Padilla.

SEC. ANDANAR: Niño Padilla and of course our special guest, Ma’am Ling Briones, Secretary po ng DepEd. Mabuhay po kayong lahat and see you again next week.

DEPED SEC. BRIONES: Daghang salamat, maayong buntag. Maraming salamat. Magandang umaga sa inyong lahat. Thank you.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource