Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Guest DOST Secretary Fortunato de la Peña by Leo Palo III and Weng Hidalgo (Radyo Pilipinas)


PALO:  Pero bago diyan Sec., papasukin ko muna iyong… maraming scholar, maraming scholar ito eh [laughs]… Ang heartthrob ng Cabinet ng Pangulo… oo, hindi ko alam kung papayag ka – Secretary Martin Andanar, Partner…

SEC. DE LA PEÑA:  Tanggap po namin iyan…

SEC. ANDANAR:  Hello, good morning. Good morning, Sec. Boy…

SEC. DE LA PEÑA:  Good morning, Sec. Martin

SEC. ANDANAR:  Leo at si Weng, good morning.

HIDALGO:  Good morning, sir.

SEC. ANDANAR:  Alam mo si Sec. Boy de la Peña iyong pinakasuki natin sa PCOO doon sa ipinamamahagi natin na Cabinet Information Grid, oo… So every morning kaming dalawa ni Sec. Boy iyong nag—siya iyong nagte-“thank you”, ako nagyo-“you’re welcome” sa kaniya. And gusto ko lang sabihin sa iyo Secretary Boy na the entire News and Information Bureau of the Presidential Communications Operations Office, they are all aware that you appreciate their hard work, iyong kanilang monitoring ng news at analysis. It really means a lot; it means a lot to all of us especially to the unsung heroes of the News and Information Bureau na everyday ay nagte-“thank you” ka. At ikinuwento ko sa kanila iyon parati, paulit-ulit para ma-inspire sila.

SEC. DE LA PEÑA: Napakalaking bagay talaga noong analysis.

PALO:  O hindi ba… Sec., si ano kasi kanina eh…biniro kita eh. Si Sec. napakadaming scholar. Ikaw ba ilan ang scholar? [laughs]

SEC. ANDANAR:  Alam mo dalawa lang ang scholar ko [laughs]. Wala akong I-AHON sa PUTIK Foundation [laughs], wala hong ganyan.HIDALGO:  Ano ba iyan, nasa field of science ba iyang dalawang scholars mo o nasa art? 

SEC. ANDANAR:  Oo… Iyong dalawang scholar ko, iyong isa iyong anak ko high school tapos iyong isa, magka-college na. Pero you know, let me just point out to everyone—by the way, good morning to everyone who are listening to Radyo Pilipinas, Cabinet Report to Facebook and to our usual 738 A.M. frequency at iba’t ibang mga frequencies nationwide, kasama na po iyong mga affiliate stations ng RP1. Good morning po sa inyong lahat.

And let me just point out that kami ni Secretary Boy ay we are perennially just a few seats apart sa Cabinet. And last—I think it was the last Cabinet meeting or the previous one na in the last Cabinet meeting that Secretary Boy gave an extensive Power Point presentation sa lahat ng mga imbensiyon ng—

SEC. DE LA PEÑA:  Innovation…

SEC. ANDANAR:  Oo, innovations/inventions ng DOST. Mayroon silang invention sa pag-solve sa ating traffic sa Metro Manila—

PALO:  Uhum, pati iyon ha…

SEC. ANDANAR:  Sa ating transportation mula Manila hanggang sa—oo, iyong mass transit. So really, talagang kinilabutan ako noong nag-present si Secretary Boy because doon natin nalaman na napakadaming mga kababayan natin, mga scientists natin na innovative at can solve really our problems in the Philippines. At for the first time or maybe just a few times ‘no, few times ay si Secretary Boy po ay pinalakpakan ng buong Cabinet, kasi bihira pong pumalakpak iyong Cabinet eh, kapag may nagre-report. Pero kay Secretary Boy de la Peña ay nagpalakpakan po, at of course in appreciation also sa hard work ng Department of Science and Technology.

SEC. DE LA PEÑA:  Ang maganda doon Sec. Martin, iyong offer ng Pangulo na papuntahin sa kaniya iyong mga scientist na responsible for those breakthroughs and he wants to meet them and he wants to give his personal appreciation to them. So we are organizing it in cooperation with the OP.

HIDALGO:  Ito’ng maganda iyong salamander amphibious tricycle; puwede ito sa baha. Oo ito maganda nga, nasa internet.

SEC. DE LA PEÑA:  Iyon pong iba niyan ay mga imbensiyon ng ating mga kababayan na hindi naman namin pinondohan; so sa sarili nilang sikap. Ang tulong na lang na ginagawa namin, kapag tapos na ano, so it can be a chain of assistance na from financing their application for patent to prototyping, to producing a few models para mai-test sa market.

HIDALGO:  Oo. Sana maganda ito, kasi alam mo naman perpetual problem sa atin ang baha, so puwede diyang jet ski, puwede siyang pangbaha, puwede siyang by land lang, oo…

SEC. DE LA PEÑA:  Iyong Batasan State University mayroong ginawa, ang tawag nila ‘TOAD’. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng T-O-A-D, pero parang ganoon din, parang ganoon na puwede sa tubig, puwede sa…

HIDALGO:  Dapat ibenta iyon sa Malabon… sa Bulacan…

PALO:  Oo nga, hindi biro. Marikina, mga ganoon…

SEC. DE LA PEÑA:  Yes…

PALO:  Sec. pero, napasok bigla iyong ganiyan eh… may mga ganiyang imbensiyon and so on and so forth. Naalala ko two or three years or four years ago, may mga imbensiyon for example: tubig ang gasoline – bakit hindi iyon lumabas, bakit hindi natuloy?

SEC. DE LA PEÑA:  Eh papaano po, ang aming pagtulong siyempre kailangan mo ring i-disclose sa amin ang kung ano ba iyong technology ‘no. So—kasi halimbawa iyong tubig na naging fuel ay puwede lang iyan kung mabi-breakup iyong hydrogen doon sa ano… Pero ang nasirang si Mr. Dingel ay ayaw niyang magkaroon ng disclosure; so sabi naman namin, hindi kami puwedeng magpakawala ng pera kung hindi namin alam kung ano iyong tinutulungan namin.

Pero maraming nagkainteres ano, may mga venture capitalist na lumapit sa kaniya; iyong iba pina-facilitate din ng DOST noon. Pero hindi namin alam kung bakit at the near point of agreement, nagwi-withdraw siya.

PALO:  Bakit, Sec.?

SEC. DE LA PEÑA:  Hindi ko na po alam iyon, hanggang sa nakamatayan na nga niya.

HIDALGO:  Eh ano naman itong—bago ba ‘to sir, iyong Dazo Water Fuel Hydrogen? Si ano naman po ang gumawa…

SEC. DE LA PEÑA:  Basta po nagagawang hydrogen ay totoo iyan. Pero iyon pong pag-breakup ng tubig into its component na maglalabas ng hydrogen is a very expensive process.

HIDALGO:  Noli Dazo ang gumawa…

SEC. DE LA PEÑA:  Oo, very expensive process.

HIDALGO:  Saka iyong hydrogasifier, iba rin ito?

SEC. DE LA PEÑA:  Iyong mga gasifier ay ano na iyon, common na iyon, oo.

HIDALGO:  Oo, baka iyon kasi maging solusyon sa pagtaas ng gasolina.

SEC. DE LA PEÑA:  Alam po ninyo, ang pinakamagandang solusyon kung magagamit natin iyong mga waste-to-energy technologies. So hanggang ngayon po, hindi pa malinaw ang stand ng ating… well, iyong ating nangangasiwa noong ating Clean Air Act ano, kung puwede na ba iyon o hindi. Kasi very particular sila na ayaw nila ng burning ano, pero may mga technologies po iyong waste-to-energy na pyrolysis ang ginagamit, nag-a-apply ka ng heat pero wala talagang burning.

Kaya kami, we strongly advocate for waste-to-energy technologies kasi sa tingin namin dalawa agad ang maso-solve mo diyan: iyong waste at saka iyong energy, oo. So sana mapabilis ang mga decision kung saan mang level, sa DENR at kung kinakailangan nang i-revise iyong Clean Air Act para lang—. Kasi ano po eh, ginagamit na sa halos lahat ng developed countries iyong waste-to-energy. Eh tayo namomroblema pa dito sa tambak ng basura. 

HIDALGO:  Pati itong self-charging car…

SEC. DE LA PEÑA:  Iyon pong nakaraang National Invention Contest and Exhibition ay mayroong isang nanalo na waste-to-energy at kakaiba nga lang – iyong energy niya ay hindi iyong gas na nagiging kuryente ano o iyong heat na naiko-convert sa kuryente. Pero iyong kaniya naman ay nagpo-produce siya ng gases, then nagkakaroon siya ng distillation; ang final output niya ay ano tawag dito… mayroon siyang diesel—kerosene, kerosene na napo-produce. At nagulat ako noong sabihin niya na mayroon na siyang nabentang limang unit na nasa Angat, Bulacan. I thought it was the LGU – “No, it was a private company who bought the five units from me because he was earning money out of it. 

HIDALGO:  Ito po, si Dr. Leonardo Gasendo ba iyan?

SEC. DE LA PEÑA:  Ah, hindi ko po alam kung ano…

HIDALGO:  Iba?

SEC. DE LA PEÑA:  Oo.

HIDALGO:  Mayroon kasi siya din iba eh, kaya daw iyong—iyong self-charging car niya, kayang magbiyahe pabalik-balik, from New York to L.A.

PALO:  Wow, ang layo noon ha…

HIDALGO:  Kaya nga eh…

SEC. DE LA PEÑA:  Eh siguro baka nasa America iyan, kasi New York to L.A. ang example niya; kung dito iyan, siguro eh from Batangas to La Union. 

PALO:  Malayo-layo iyon ha…

SEC. DE LA PEÑA:  Pero iyon po ang isang nakikita natin—other than the renewable energy na ating sinusubukan, hanggang ngayon marami pa rin tayong tinutulungan na mag-develop noong mga mini-hydro kasi time tested na po iyan, oo.

PALO:  Sec., may tanong ka ba? Secretary Mart Andanar…

SEC. ANDANAR:  Actually ang tumatakbo sa isipan ko ngayon ay iyong kahalagahan Sec. Boy ng patent ano, sa bansa natin. First of all, gaano ba kadali magpa-patent ng isang invention or innovation, and the second question is, is this really the best way para mabenta iyong isang invention, is to patent it?

SEC. DE LA PEÑA: Well, number one, first of all, linawin natin ang Intellectual Property Office ay isang agency ng Department of Trade and Industry and I know they are trying very hard to improve on the speed of processing patent applications. I know because they also invited me to Chair a committee there. And siyempre kailangan iyon sa ating Ease of Doing Business ano. Ang tingin ko mahalaga iyong patent if you really want to make sure na walang mag-infringe sa iyong Intellectual Property. Kami sa DOST iyong mga tinutulungan namin, nire-require muna namin na ang first stage ng assistance ay makakuha ng patent, kung kinakailangan kami na po ang kumukuha noong mga patent lawyers para tumulong sa kanila at gumastos doon. Sa tingin namin importante ito.

Pangalawa, pero iyong desisyon—actually may mga inventors na hindi masyadong very concern about patenting kasi mabilis silang mag-develop ng mga bagong versions ano. So in other words, bago makopya iyong kanila, nakagawa na sila ng mga bagong versions na mahirap ng habulin ng competitors but to me I still think the Intellectual Property Protection is important.

HIDALGO: Pero kamusta po iyong suporta dito sa mga Filipino scientist?

SEC. DE LA PEÑA: Well, kami they need to apply ano, oo. So mayroon naman kaming iba’t ibang stages ng assistance kagaya ng nabanggit ko, from patenting to prototyping, to limited market production. And nandiyan iyong lahat noong aming research and development institute at iyong mga affiliated universities to help them in the technical aspects.

HIDALGO: Kasi mayroon akong nalaman na invention din ng isang Filipino. Kasi hindi ba problema—isang problema satin ngayon iyong basura eh. So, mayroong nagre-recycle ng basura, ginagawa siyang bricks…

SEC. DE LA PEÑA: Ah, oo.

HIDALGO: Mayroong ganoon eh—dinudurog iyong basura tapos ginagawa siyang semento.

SEC. DELA PEÑA: Ay si Senator Cynthia Villar has a project na iyong mga plastic ay nire-recycle niya, pero mas madaling intindihin iyon, ginagawang school chairs.

HIDALGO: Sana iyong mga LGU ano, suporta niya, medyo may kamahalan pero investment iyon at least hindi kana araw-araw nagtatapon sa dumpsites?

SEC. DE LA PEÑA: Siguro ang huli ko na lang gustong banggitin is iyong kinararangal natin na noong April 15 to 21, nagkaroon ng International Exhibition and Competition sa Geneva, World Intellectual Property Office. We sent three entries, pinili lang natin, isa sa agriculture, isa sa health at isa sa engineering. Iyon pong entry natin sa health iyong Dengue Diagnostic kit ay nanalo ng gold, okay. And ngayon ay commercial na siya kasi nanalo siya sa bidding sa DOH at mayroon ng mga international partners na interested – invention ni Dr. Raul Destura ng UP College of Medicine.

LEO: Ano po itong invention na ito?

SEC. DE LA PEÑA: Dengue Diagnostics, so kahit sa first 12 hours pa lang ng pag-onset ng Dengue made-detect na. Hindi kamukha noong araw na ako, anak ko ika-anim na araw ko na nalamang dengue iyon. By the time I knew it, ICU na siya. Ngayon mas mabilis na at saka mas mura. Pangalawa, iyong nanalo naman ng hindi lang basta gold – Jury gold. Iyong Smart Technology Surface ni Dr. Nestor Tiglao ng UP College of Engineering, ito iyong ordinary surface na ganito, mayroon lang siyang ilalagay diyan na mga gadgets, ay puwede ng maging intelligent surface. So puwede ka ng magsulat diyan na puwedeng ma-record sa computer or—

HIDALGO: Ang galing.

LEO: Okay iyon ah.

HIDALGO: Parang sa ano lang iyan sa avengers iyong ginagawa ni ano—

SEC. DE LA PEÑA: Iyon ang hindi pa commercialized, iyon iyong pinagtutulung-tulungan namin pati ng UP College of Engineering.

SEC. ANDANAR: Now, the reason why I opened that question on patent, Leo at Weng, and Sec. Boy or Dr. Boy, kasi mayroon po kasing pag-aaral na lumabas sa Forbes Magazine na ang nakasulat po doon sa American Standard po or American formula for success ay ‘Start-ups’ or iyong kanilang mga invention, plus patent, equal jobs and economic growth and one of the readings na I was able to go over, this was a few months back, ang sinasabi na ang measurement ng economic success ng isang bansa can also be attributed to the number of patents or the number of inventions.

And iyong China nga ay mas marami na silang patent ngayon kaysa Amerika. Iyon po iyong—now I guess may follow up question is that, mayroon bang senyales, Sec. Boy na tumataas, dumadami iyong mga inventions sa ating bansa na napapa-patent at nasusuportahan natin, because I ask that question, because siyempre mayroon na tayong mga kuwento na narinig na iyong mga imbentor natin, iyong mga inventions nila kinukuha ng Malaysia, kinukuha ng Singapore, kinukuha ng Amerika.

SEC. DE LA PEÑA: Well, sa totoo lang iyong growth ng—iyong statistics natin, iyong growth noong number of patent applications and approvals ay napakababa po ng growth. Kaya kami sa DOST mayroon kaming isang specific program na iyon man lang mga sinuportahan naming researches ay mapuwersa namin talaga na i-disclose nila at makapag-file ng patent. Kasi po iyong ibang researchers ang gusto nila ma-publish kasi lalo na sa University iyong publication means promotion. Eh kung na-publish hindi na po siya puwedeng i-patent within a certain period of time, oo. Kaya kung minsan iyon ang aming dilemma din na kung paano sila mako-convince na kung mayroon talagang potential for commercialization ay i-patent.

Ang pangalawa namin ngayon tinitingnan, alam mo nakakatuwa, dito lamang sa Philippines Science High school mula noong nagkaroon sila ng Grades 11 and 12 ay tumaas ang number ng mga products and technologies that were develop by our students. So kinukuwento ko nga kanina kina Leo, na as of kahapon iyong meeting namin doon sa Philippine Science High School, there were 166 potentially patentable products of students na ngayon ay aming pinagbuhusan ng panahon at pansin, dahil sa tingin namin puwede silang pakinabangan.

So totoong-totoo iyong sinabi na mataas iyong correlation, Sec. Martin noong statistics on patent applications and registrations in our economic level of development. Ang mahirap kasi iyong nagdaan tayo sa panahon na iyong mga researchers natin gusto nilang magkaroon ng ganoon nga, publications after that wala na itatago na. Ngayon eh bago namin aprubahan iyong projects, pinabibilang namin sa kanila, ilang patents ang puwedeng ma-produce ng project na iyan.

SEC. ANDANAR: Actually, mayroon akong gustong i-share, Sec. Boy na isang Filipino invention. Now, itong Filipino invention na ito ay isang anti-smoke belching device. Now, unang-una hindi ako naniniwala kasi ang sinasabi sa akin noong Engineer, na si Engineer Elvis Selisana. Sabi niya sa akin kapag kinabit mo itong apparatus na ito sa kotse mo, sasakyan mo, unang-una mawawala lahat ng usok, almost magiging Euro 4 or Euro 6 iyong sasakyan mo. Tapos pangalawa sabi niya, iyong isang magandang effect nito ay mababawasan iyong konsumo ng sasakyan mo by 30 percent. So mayroon akong diesel na sasakyan na 2009 pa, eh sobrang mausok. Binigay sa akin ng misis ko, sabi niya, ‘sa iyo na iyan, sobrang usok, hindi ko na kaya.’

HIDALGO: Baka naman kasi mahuli siya [laughs] na smoke belcher.

LEO: Sec., naka-monitor po siya, nasa Boston po. Ito po oh, nakikita ko.

SEC. ANDANAR: Hindi [laughs]. Pero ganito iyong—napaka-interesting ng tanong na ito. Na-experience ito, Sec. Boy dahil iyon nga sobrang usok ng sasakyan, pinapasok ko sa casa sa pagawaan and then after one week mausok na naman. And it’s been like that for the next—for the last ten years ‘no. So sa madaling salita eh sabi ko, ‘Sige na nga subukan ko.’ So nilagyan ko nitong, ang tawag ‘Seco-green Tech’. Pinakabit ko doon, and then true enough, Sec. Boy, nawala iyong itim na usok after—siguro kapag—noong kinabit nabawasan after one week completely wala na. Ngayon wala na, ilang buwan na walang usok talaga.

PALO:  Ah, okay…

SEC. ANDANAR:  And then pangalawa, naging—

SEC. DE LA PEÑA:  Efficient…

SEC. ANDANAR:  Efficient, fuel efficient siya; iyong diesel—diesel kasi siya eh, mas naging fuel efficient siya; and then mas bumilis iyong hatak noong sasakyan. So actually sinasabi ko lang, because I’m really…this is really a testament to Filipino—

SEC. DE LA PEÑA:  Ingenuity, oo…

SEC. ANDANAR:  Oo ingenuity, so kinabit ko doon sa isang van ko; mayroon akong van na de-otso iyong makita. Kinabit ko, ganoon din iyong nangyari – 30% less na iyong konsumo niya. So sabi ko, actually I just didn’t have the time to show you during the Cabinet pero ipakita ko sa iyo iyong technology, talagang grabe… talagang kikilabutan ka kasi gawa ng Pilipino ito. Ang Pilipino na ito ay former Marine Chief Engineer – sa barko, tapos ang ginawa niya dito Sec. Boy ay in-apply niya sa ordinaryong sasakyan iyong kaniyang technology.

SEC. DE LA PEÑA:  Good, good… Eh kung siya ay in the market na, eh di, well and good. Kung may kailangan pa siyang tulong and then we can take a look.

HIDALGO:  Oo, sana mai-promote siya hindi ba…

SEC. DE LA PEÑA:  Kahit promotion man lang, oo…

SEC. ANDANAR:  Yes. I think Sec. Boy, kailangan niya pa ring i-present sa DOST at although nasa market na siya, because mayroon siyang pinakita sa akin na mga dokumento because he was based in Malaysia for quite a long time, sa Kuala Lumpur. And then actually, doon niya nakuha iyong kaniyang mga permit, doon sa Malaysia; at iyong parang TESDA nila sa Malaysia, in fact they were willing to buy the technology, kasi gusto ng Malaysia na sila na iyong mag-develop, sila na iyong mag-market. Pero hindi siya pumayag at umuwi siya ng Pilipinas para nga dito ibenta, gusto niya dito sa Pilipinas. Just imagine kung lahat ng mga bus o lahat ng mga diesel na sasakyan ay makabitan ng ganiyang klaseng technology, eh malaking tipid sa gasolina, sa diesoline; at the same time, ay magiging Euro 4/Euro 6 compliant iyong sasakyan with just that one gadget…

PALO:  Regardless of anong model ano.

SEC. ANDANAR:  Oo…

SEC. DE LA PEÑA:  Iyan, maganda iyan. And hindi naman siya—wala siyang ina-add na additive doon sa fuel kung hindi may gadget lang na ikinakabit.

SEC. ANDANAR:  Walang ina-add Sec. Boy eh. Ang nakita ko, kinabit niya lang doon sa engine compartment malapit sa dashboard, tapos bago iyong gasolina pumasok doon sa makina, dadaan muna doon, tapos mayroon din siyang parang hose na dumadaan doon sa radiator.

SEC. DE LA PEÑA:  So iyong kaniyang gadget nakaka-improve ng combustion, so iyon ang ano, oo… Titingnan natin, we will take a look.

SEC. ANDANAR:  Oo, kasi… Iyong explanation niya kasi, iyong mga sasakyan natin, kahit anong sasakyan diyan, kapag sa gabi, kapag pinaparada mo na at hindi naman full tank iyon usually kasi nagamit mo na, nagkakaroon ng moisture. So iyong moisture na iyon, talagang bababa doon sa pinakailalim ng tangke, tapos eventually siyempre saan pupunta iyong moisture na iyon, kung hindi didiretso sa makina. So our engine sabi niya, are really designed to get busted after a few years kasi dahil nga doon sa… hindi mo mapigilan iyon dahil talaga sa moisture. So what this gadget does is that removes that moisture and actually inaalis niya iyong moisture na iyon bago pa man makapasok sa makina.

SEC. DE LA PEÑA:  Okay. So ibigay mo na lang iyong aking contact Sec. Martin, and then we will assign a group to look into this – if he is interested, oo.

HIDALGO:  Kailangan pong ipa-patent iyon?

SEC. DE LA PEÑA:  Palagay ko patented na iyon eh, hindi siya magbebenta nang hindi pa siguro patented. But I guess, it will really be more of promoting kung talagang mapatunayan natin na maganda ang ano… Ang ibig sabihin naman ng promotion namin, we help them get into publicity, but we really do not endorse. Oo…

PALO:  Eh si Secretary Mart puwede, kasi siya mismo nakaranas eh.

SEC. ANDANAR:  Hindi rin puwede…

PALO:  [Laughs] Dapat dinocu (docu) mo…

SEC. ANDANAR:  Hindi, iyong sa akin kinukuwento ko lang kasi it’s my personal experience, so kinukuwento ko lang.

HIDALGO:  Puwedeng i-share iyong testimonya niya.

PALO:  Hindi pala puwede, Secretary?

SEC. DE LA PEÑA:  Eh puwede siyang maging advertisement, palagay ko.

PALO:  Oo, puwede…

HIDALGO:  Bukod sa puwede siyang maging commercial model…

SEC. DE LA PEÑA:  Nakita ko sa magazine iyong advertisement ni Congressman Nograles na nagte-take siya ng MX3 eh… 

PALO:  Puwede, puwede siguro… 

SEC. ANDANAR:  [Laughs] Hindi kasi sa akin ano ha, sa akin ganito lang ano… I’m very particular with it kasi number one nawala iyong usok, naging Euro 4… so para sa environment… 

SEC. DE LA PEÑA:  Tapos bumaba pa iyong konsumo, oo… 

SEC. ANDANAR:  Oo. So imagine kung si Leo Palo mayroon ding ganiyang gadget sa makina niya, di mas malaki ang natipid ni Leo from Pasig all the way to Malacañang, pabalik-balik ‘yan. 

HIDALGO:  So isa lang iyan sa mga invention nga ng ating mga kababayan. Mayroon pa dito, iyong water purifier that can clean anything – even swamp water.

SEC. DE LA PEÑA:  Marami na po iyan, kaya pinapa—kami na gumagastos para i-testing, oo. Kasi ang aming—

HIDALGO:  Magagamit siya doon sa mga areas na walang tubig.

SEC. DE LA PEÑA:  Iyon nga, hindi naman kami puwedeng mag-endorse nga, so we just help them get the proper test so that they can show proof na ganoon ang outcome.

HIDALGO:  Itong lamp that can make electricity out of any liquids…

SEC. DE LA PEÑA:  Eh, siguro po eh napakarami niyan… hindi ko na sasagutin lahat.

HIDALGO:  Ang dami nga eh, sana lang mabigyan talaga ng chance iyong mga Filipino scientists.

SEC. ANDANAR:  Ito may tanong ako – sa UP Diliman mayroong monorail diyan, parang monorail…

SEC. DE LA PEÑA:  Oo, DOST project iyan.

SEC. ANDANAR:  Oo, DOST project iyan. Eh halos araw-araw Sec. Boy, I ply the Zapote-Alabang route at sobrang traffic talaga sa Zapote-Alabang road. Now, siyempre nai-imagine ko na mayroong monorail sa gilid tapos—para mabawasan iyong traffic. Now ano iyong proseso, ano ba dapat gawin ng gobyerno; is it national government, local government who will go to DOST para ma-apply iyong same technology? For example Zapote-Alabang o diyan sa may Marikina highway – ano ang dapat gawin?

SEC. DE LA PEÑA:  Ito ay open na nga, kami nga nakikiusap na i-consider ng mga ano, kasi nga after having developed the product, well, iyong case namin doon sa UP, iyon kasing agreement doon sa previous administration ay gagawin iyong project within the UP Campus in a very short span lang para lang masubukan talaga kung magagamit iyong Automated Guideway Transit. Pero ang nakalagay doon if UP decides to make use of it, we will leave it to them, donate it; if not, UP would like that we dismantle. So ang desisyon so far ng UP ngayon, ay we have to dismantle.

But of course the vehicle on top is usable ano, iyong nakapatong doon na talagang AGT. Kung mayroong interesadong LGU ay sabihin lang sa amin, kasi ino-offer namin nang walang cost iyong transfer ng technology; mayroon pa kaming ipo-provide na services ng ating mga local engineers sa Metals Industry Research and Development Center to help in the actual implementation. Iyon din ang ginagawa namin doon sa PNR train at saka doon sa hybrid road train ngayon, na iyong dalawa na iyon very promising kasi ang PNR sabi nila, basta makuha ninyo iyong certification for safety, okay na; so ngayon, test-run pa kami hanggang makaabot ng 5,000 kilometers.

Iyong pangalawa, iyong hybrid road train mas maganda ang chances kasi nagpirmahan na kami ng—Panay railways na gusto nilang i-adopt, kasi tinanggal na nila iyong mga riles, gagawin na lang nilang road train track iyong kanilang dating ruta. Pero dito sa Automated Guideway Transit, puro feasibility studies lang ng I think tatlong local governments ang ginawa, pero wala namang follow up afterwards. So iyan, either i-transfer mo, implement mo sa isang local government unit na gustong magtayo niyan or puwede rin siyang bilhin or i-adopt—o bilhin actually ng isang private company, iyong technology if they want to put up a privately operated railroad… parang monorail system, oo.

PALO:  Pero Sec., bakit ayaw ng UP?

SEC. DE LA PEÑA:  Eh ang ano daw, they are designing UP to be a walking campus, oo…

HIDALGO:  Sabagay maraming tumatakbo/naglalakad diyan.

SEC. DE LA PEÑA:  Parang ayaw nilang masira iyong environment-friendly atmosphere.

PALO:  Hindi naman iyon ano hindi ba, wala namang usok iyon…

SEC. DE LA PEÑA:  Eh hindi, iyong mga dadaanan ng ano, siyempre oo…

HIDALGO:  Para naman hindi mawalan ng trabaho iyong mga naikot/talky hindi ba, nandoon pa rin…

PALO:  Gaano kahaba iyon Sec., iyong monorail?

SEC. DE LA PEÑA:  Alin, iyong existing?

PALO:  Iyong route, oo.

SEC. DE LA PEÑA:  Ah hindi, iyong route noon kasi noong plinano iyon, iikot siya.

PALO:  Ah iikot siya sa buong ano…

SEC. DE LA PEÑA: Iyong ikot talaga pero hindi doon sa kalsada kung hindi sa likod ng mga buildings. Oo, mahaba din siya, I think it’s about 7 kilometers kapag inano mo talaga iyong buong UP eh.

HIDALGO: Puwede naman kasi iyong mga tumatakbo doon lang naman sa loob eh.

SEC. DE LA PEÑA: Sa loob, oo.

LEO: Bakit ayaw nila? 

SEC. DE LA PEÑA: Eh desisyon iyon ng UP 

LEO: Hindi, Mr. President narinig ninyo ba ako? Alam na. Kailangan eh, kasi sayang din, parang bakit ayaw nila? Dahil lang doon ang rason? Parang ang babaw naman yata ng rason. 

SEC. DE LA PEÑA: Hindi at saka siguro may iba silang planong ruta na hindi akma doon sa ano, iyon ang kahirapan naman kasi, nagpalit ng Presidente ang UP, nagpalit ng Secretary ang DOST, kung minsan iyong ganoon—

SEC. ANDANAR: Iyong challenge diyan din na nakikita ko, Leo and Secretary Boy is dito halimbawa, lagyan natin ng monorail dito sa may Muntinlupa, iyong national highway, maraming jeep na nagpa-ply diyan eh. Kapag nilagyan mo ng monorail diyan na tulad noong sa UP ay siguradong mababawasan ang pasahero ng mga jeepney. So ano iyong mga pag-aaral na ginawa ng DOST para doon sa sustainability or para din matulungan iyong jeepney driver kasi siyempre mawawalan sila ng trabaho eh, ano iyong mga naisip diyan? 

SEC. DE LA PEÑA: Ewan ko kung ano iyong kaalaman noong feasibility study ko included iyon pero most likely hindi included kung ano iyong gagawin doon sa mga driver. Ngayon mayroon kaming isang other potential route actually iyong intersection ng lower Bicutan papunta doon sa Lakeshore Development ng Taguig na sabi ko, pupuwede iyan dahil kung diretso iyong biyahe, hindi mo masyadong maapektuhan iyong biyahe noong mga tricycle dahil iyong mga tricycle malalapit eh. Pero kung isang straight mula doon sa Bicutan interchange hanggang doon sa Lakeshore Development area na parang ginagawa nilang tourist area, mas less objectionable iyon to—iyong mga namamasada ng malalapit lang ano. But of course mayroon kaming isang naging problema doon, iyong right of way sa harap noong Polytechnic University of the Philippines na just across DOST ay sila ayaw nila na daanan sila so – actually maraming ganoong problema – iyong mga right of way problems. 

LEO: Dapat ano ‘no—wala dapat ma— 

SEC. DE LA PEÑA: Ang DOST walang ngipin doon sa parte na iyon. 

LEO: Iyon ay dapat kapag sinabi ng DOST its ano, parang order na rin ng Presidente. Para ano, wala na— 

SEC. DE LA PEÑA: Hindi, it’s really the line agency involved na ano.

SEC. ANDANAR: DOTr. 

SEC. DE LA PEÑA: Kasi hindi naman kami talaga ang—

LEO: Hindi kasi parang— 

SEC. DE LA PEÑA: Transportation department. 

LEO: Hindi kasi parang—

SEC. ANDANAR: Kailangan kasi, Leo palagay ko, Secretary Boy, kasi iyong tren naman kailangan din ng driver iyan eh. 

SEC. DE LA PEÑA: Yes, oo.

SEC. ANDANAR: Kailangan diyan ng mga cleaner, kailangan din ng maintenance. So siguro dapat pag-aralan din ng— 

LEO: Ah hindi ba maintenance free iyan, sir? [laughs]. 

SEC. DE LA PEÑA: Pero ano siya, environment friendly kasi hybrid siya, diesel and electric, oo.

SEC. ANDANAR: Oo so kailangan mo ng—siguro kailangan ng DOTr na pag-aralan din kung ilang trabaho ang malilikha ng isang riles in a locality para ma-estimate kung ilang jeepney driver ang mabibigyan ng trabaho, ilang konduktor ang mabibigyan ng trabaho. 

SEC. DE LA PEÑA: Alam mo, Sec. Martin, kung minsan it only takes parang political will to implement something. And natatandaan mo kahit noong una, eh sabagay bata ka pa, hindi ka pa siguro—baka kakapanganak mo lang noong itinayo iyong LRT sa Maynila. Eh ganiyan din naman katakot-takot na objection, hindi ba, noong itayo ang LRT. 

LEO: Aba may political will ang Marcos that time. 

SEC. DE LA PEÑA: Noon na talagang mapaandar, ang daming nag-o-object, hindi lamang iyong mga namamasada pati iyong mga buildings sa tapat kasi kapag ka dinaanan ka noon apektado kayo. 

LEO: At eventually tingnan ninyo naman ang nangyari, ang ganda na. 

HIDALGO: Puro LRT, MRT projects na. 

SEC. DE LA PEÑA: Pero ang LRT na iyon hanggang ngayon, ang pinaka-most efficient running. 

LEO: Yes, totoo iyan. 

HIDALGO: Kasi ang traffic nga naman talaga doon sa—iyong sa baba ng LRT iyong sa line 1 na iyon kaya— 

LEO: Kung ako ang nakikita ko sa monorail na iyon kung ako si Presidente, tatawagin ko si Secretary Andanar, tatawagin ko si Secretary Tugade, tatawagin ko si Secretary Boy, ipatupad iyan, makakatipid tayo diyan, sarili  natin iyan. 

SEC. DE LA PEÑA: Ang amin kasing—ang hangad namin ay mag-create tayo ng local industry for mass transportation. Hindi habang panahon tayo mag i-import. 

LEO: Correct, iyon ‘yun eh. Alam mo maganda iyong monorail na iyon, saan? Try natin sa Cebu.

HIDALGO: Isa pa doon, traffic din doon.

LEO: Ang sikip kasi doon eh. 

SEC. DE LA PEÑA: Medyo nagkakaroon sila ng kaunting diskusyon doon tungkol sa road train at saka MRT, oo. 

HIDALGO: Napunta na sa transportation iyong usapan natin. Sir, may tanong po dito iyong abolition of the Technology Resource Center noong naglabas kayo ng notice to the public. Bakit po siya in-abolish? 

SEC. DE LA PEÑA: Hindi po kami ang nag-abolish noon. Alam po ninyo, for a long-long time, ang TRC is under the Office of the President. All of the sudden in—I don’t know, I think it was April or July 2007 in a program where our speaker was President Arroyo. We were caught by surprise when she announced that she is transferring TRC to DOST. It was never under us eh. So we have to take it, ano. Iyong TRC, Technology Resource Center ay naging TLRC, Technology Livelihood Resource Center tapos binalik sa TRC.

So noong nasa amin na punong-puno na ng mga loans na hindi bayad. So okay lang, we took it upon ourselves to be place it under us. Eh nagkaroon lang ako ng problema later on, itong mga DAP. So iyon-iyong isa sa mga GOCCs na ni-line up for abolition under the administration of President Aquino. Nagtataka lang kami kasi iyong huling-huling bago na matapos iyong term, it was the only one that was abolished ‘no among so many that were I think— 

HIDALGO: Pero iyong mga tao, in-absorb ng DOST? 

SEC. DE LA PEÑA: Iyong mga tao, we had to retire them because they—wala ng operations and we retain some kasi ang instruction sa amin ng board na nag-a-ano diyan under the DOST will liquidate. So in other words nandoon kami sa stage na number one na two billion ang utang na dapat ibalik sa DOF – advance ng gobyerno kasi korporasyon eh, in-advance ng gobyerno – pero mayroon kaming isang libong titulo ng lupa. 

HIDALGO: Oo isang libo— 

SEC. DE LA PEÑA: Na puwedeng maging pera, kasi ito iyong mga na foreclosed dahil sa mga utang na hindi bayad. Ang problema namin, karamihan doon hindi pa naililipat ang titulo sa TRC. So iyon ang aming pinagkakaabalahan ngayon dahil iyong iba nailipat na, iyong iba hindi pa. Iyong iba ay— 

LEO: Kino-contest pa siguro? 

SEC. DE LA PEÑA: Hindi mayroon ibang nagbabayad pa eh, mayroong ibang nagbabayad pa. So ayaw naman ng DOF na mag-turnover kami partially, ang gusto ng DOF, tapusin naming lahat bago namin i-turnover – so iyon ang aming ginagawa. 

LEO: Naku baka mamaya eh along the way eh— 

HIDALGO: Pero nahabol naman itong mga umutang na ito? 

SEC. DE LA PEÑA: Mayroon pong mga cases na halimbawa iyong mga magulang ay namatay na tapos iyong mga heirs eh gusto nilang ma-recover iyong property, mayroon yatang prosesong ginagawa, dahil pinapa-bid pa rin eh. 

LEO: Ano namang mga malalaking may-ari na nakita ninyo diyan na dapat unahin? 

SEC. DE LA PEÑA: Hindi ko na matandaan eh, iyong ibang mga lupa eh agricultural eh. 

LEO: Agricultural ah. 

HIDALGO: Sana maganda mapakinabangan pa iyong— 

SEC. DE LA PEÑA: Pero natitiyak ko na maayos namin iyan basta pabayaan lang kaming asikasuhin iyong mga legal problems. Siyempre nakakaabala rin sa amin pero komo in-assign sa amin, we have to do it. 

HIDALGO: Ang bilis ng oras oh, 11:23 na. Sec. Mart nandiyan ka pa ha, huwag kang aalis, itong segment na ito para sa iyo talaga ito. 

LEO: May segment talaga dito, Sec., mayroon kaming segment dito.

Sec., may tinatanong si Secretary.

SEC. DE LA PEÑA: Sabi ko, Sec. Martin, kasama ba ako sa Israel?

SEC. ANDANAR: Aba, ay kung gusto mong sumama, ako hindi ako kasama eh.

SEC. DE LA PEÑA: May notice ako na baka kasama ako. 

SEC. ANDANAR: Palagay ko dapat kasama kayo dahil maraming—

 SEC. DE LA PEÑA: Mayroon yatang pipirmahan na science agreement.

SEC. ANDANAR: Maraming innovations doon, maraming innovations doon sa Israel. Pero hindi ako makakasama dahil mayroon akong private trip, Secretary. 

LEO: Sana kasama ka.

HIDALGO: Sana nga makasama si Sec. Boy para makita lahat iyong mga puwedeng dalhin dito sa Pilipinas na technology. 

SEC. DE LA PEÑA: Ay nawala na iyong maga ng paa ko.

SEC. ANDANAR: Alam ninyo sa Israel kaya nilang magtanim ng kung anu-anong tanim at ipatubo sa disyerto, hindi ba, Sec. Boy? 

LEO: Well, it’s almost ano—12:30 na nga pala. Tapos na tayo tama, ibig sabihin tama na. Let’s go na. Well Sec., baka mayroon kang parting words sa ating mga kababayan nakikinig ngayon?

SEC. DE LA PEÑA: Well, ako ay natutuwa at nagkakaroon ako ng pagkakataon na ma-i-share iyong mga developments naman sa aming departamento on Department of Science and Technology. Siguro ang isa kong hamon ay iyong ating mga kabataan na talagang may interes at may kagalingang sa science and mathematics to try our scholarship program. Ito po ay magde-deadline na this coming middle of September and the exam will be given in October. Alam po ninyo mataas na ang aming stipends – 7,000 a month na ngayon at marami pang iba na benepisyo. So sa mga kabataan lalo na sa mga mahihirap na pamilya ay sikapin po natin.

HIDALGO: Oo, i-grab po natin iyon kasi malaking tulong din iyan para sa mga magulang.

LEO: Lalo na iyong mga matatalino, kailangang kailangan ninyo ito. Napakaano niyan. Secretary Mart.

HIDALGO: Maraming salamat sa iyo, Sec. Mart ha nag-stay ka.

SEC. DE LA PEÑA: Sec. Mart, thank you, thank you.

SEC. ANDANAR: Maraming-maraming salamat, Sec. Boy at—

LEO: Ano pakiulit nga, ang dating sa akin chickboy eh. [laughs]. 

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Sec. Boy at sana umpisa pa lang ito. This is just the beginning, mayroon tayong magandang Philippine Information Agency, ASEAN Theater diyan sa floor na iyan at sana ma-invite namin iyong ibang mga inventors ninyo para makapag-exhibit kahit papaano. At tuloy po ang suporta ng Radyo Pilipinas sa Department of Science and Technology. Mabuhay po kayo, Sec. Boy na napakabait po.

SEC. DE LA PEÑA: Maraming salamat at mabuhay ang PTV4. At iiwanan ko din thru email itong aming mga ibang frames ng technology na baka magka-interes kayo. Sabihin ninyo lang kung alin.

HIDALGO: So paalam na tayo.

LEO: Thank you so much, Ms. Weng.

HIDALGO: Thank you din Kuya Leo at sa mga kababayan natin, maraming salamat.

LEO: Thank you din sa ating mga engineers, sila Rolly, Richard, si Engineer Rene, ang ating IT. IT natin si..?

HIDALGO: Alvin.

LEO: Siyempre si KK na nandito, masakit na ang ulo.

HIDALGO: Sa susunod na Linggo ulit.

SEC. DE LA PEÑA: Thank you, thank you, Ms. Weng and Leo.

HIDALGO: Thank you din po.

LEO: Thank you sir.

SEC. DE LA PEÑA: Huwag kayong magsawa sa amin.

HIDALGO: Happy weekend everyone.

LEO: At siyempre sa ngalan po ng ating partner nasa kabilang linya, Secretary Martin Andanar, ito po si Leo Palo at ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource