Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Pia Gutierrez & Julius Babao (Magandang Morning – DZMM)


BABAO:  But anyway, kakausapin muna natin ang Presidential Communications Operations Office Head, si Secretary Martin Andanar is on the line. Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR:  Hello Sir Julius good morning po, at maging kay Pia… 

BABAO:  Yes, oo… Kamusta ka na Sec., medyo matagal-tagal na tayong hindi nagkikita. Matagal na…

SEC. ANDANAR:  Oo nga boss eh… napapanood na lang kita at napapakinggan. Nandito ako ngayon sa Cagayan De Oro, tayo ay nag-proxy at okay naman… okay naman tayo. Ang daming nangyari… 

BABAO:  Oo, ang daming nangyayari Sec. Ano ba talaga ang ano… siguro ilatag natin nang maayos. Kayo nagha-handle naman ng ano ‘no, kung anuman ang mga nagiging pahayag ng Pangulo sa publiko. Kamusta ba siya, kamusta ba ang kaniyang kalusugan?

SEC. ANDANAR:  Maayos naman ang Presidente, kung ano iyong sinabi ni Secretary Harry Roque ay iyon din naman ang sasabihin ko. At of course, hintayin na lang natin kung ano iyong magiging resulta ng pangalawang examination. 

BABAO:  Iyong kaniyang naging statement Secretary Martin, nagulat din ba kayo noong bigla niyang sinabi nga na siya ay nagpunta sa ospital at dinetalye niya nga iyong examination na ginawa sa kaniya?

SEC. ANDANAR:  Well hindi naman, kasi sabi naman ni Secretary Bong Go, noong I think a day or two before that, walang problema si Presidente. Dahil nag-meeting nga kami ni Secretary Bong Go kasama nina Executive Secretary Bingbong Medialdea at iba pang mga party members ng PDP, dahil napag-uusapan namin iyong lineup sa Senado, kung anong final lineup. So wala namang—ang sabi naman ni Secretary Bong Go, ano ang problema so hindi na rin ako nagulat. 

GUTIERREZ:  So Sec. Martin, kasi maraming nagtatanong ‘no kung bakit kailangan madaling araw na pumunta sa ospital itong si Presidente; kasi iyon ‘yung reason kung bakit—bakit madaling araw. Kasi apparently alas tres daw ng madaling araw dinala siya doon sa Cardinal Santos. Una, may katotohanan ba na madaling araw iyon dinala at bakit kailangan na madaling araw siya pumunta doon? 

SEC. ANDANAR:  Iyan ang hindi ko alam Pia kung anong oras, madaling araw ba o tanghali o hapon… hindi ko alam talaga. 

GUTIERREZ:  Pero in fairness naman Sec. Mart ‘no, kasi nakikita naman natin na kahit may dinadaing na sakit sa katawan itong si Presidente ay nakikita naman natin doon sa mga videos, sa kaniyang mga speech na masigla pa rin ang Pangulo at nakakapag-speech pa nga ng mga ilang oras eh. So ito bang sinasabi na Barrett’s esophagus ni Pangulo nakaka-hinder ba ‘yan? Nakikita mo ba Sec. Mart na talagang nagiging sagabal ‘yan sa pagtatrabaho ng Pangulo at kung seryoso ba itong sakit na kailangan ipaalam talaga sa taumbayan? 

SEC. ANDANAR:  Hindi ko kasi alam Pia iyong sakit mismo, pero ang alam ko lang ay noong panahon pa noong eleksiyon eh, sinabi naman niya na mayroon siyang ganoong klaseng karamdaman. And two years and three months na si Presidente sa opisina, at nakita naman natin na… just like what you said, ay masigla at nagagawa niya iyong kaniyang tungkulin. In fact, hindi nga tumigil si Presidente sa kakaikot sa buong Pilipinas eh. Noong nanalo siya tuluy-tuloy. ‘Di ba usually, mag-stay put si Presidente dahil doon lang sa kaniyang opisina – most of the presidents are like that, pero si Presidente ay tuluy-tuloy ang kaniyang pagbiyahe at pag-ikot sa buong bansa. 

BABAO:  Anong paliwanag ni Pangulong Duterte doon sa Barrett’s esophagus? Nakukuwento ba niya kung saan niya nakuha ito?

SEC. ANDANAR:  I’m not sure kung… you know if I remembered correctly, mayroong sinabi si Presidente noong kampanyahan ng 2016, na dahil sa paninigarilyo parang ganoon. Sinabi niya noon na dahil dati naninigarilyo, so iyon ang isa sa mga effect nitong paninigarilyo. 

BABAO:  Uhum… Pero wala namang cause for alarm sa publiko? Kasi siyempre alam naman natin kapag may sakit ang ating Pangulo at hindi masyadong maunawaan ng publiko kung anong uri ng sakit ito, o baka magduda ang publiko sa kaniyang kalusugan. Pero for the record, okay ang kaniyang kalusugan sa ngayon? 

SEC. ANDANAR:  Tama po kayo Sir Julius, okay naman… wala namang problema. Ako naman nagbabase rin sa kung anong nakikita ko at kung anong sinasabi ni Secretary Bong Go dahil sila naman magkasama parati. 

GUTIERREZ:  Sec. Mart payag ba si Pangulong Duterte na ilabas iyong resulta ng kaniyang medical examination? 

SEC. ANDANAR:  I haven’t talked to the President about that, at hindi ko alam kung ano iyong sinabi rin ni Secretary Harry Roque.

BABAO:  Kanina nabanggit mo na nila-lineup ninyo na iyong senatorial slate ng kampo. Mayroon na ba tayong listahan kung sino ang mga tatakbo sa pagka-senador sa 2019?

SEC. ANDANAR:  Ang nakakatiyak lang ako ay iyong mga ilan na mga reelectionist na mga nabanggit. I think si JV Ejercito, sino pa ba… si Senator Villar nabanggit din iyon, tapos kasama rin si Senator Koko Pimentel at si Senator Angara, oo. Tapos iyong iba dini-discuss pa… mga reelectionists, so idi-discuss po ‘yan. Tapos iyong mga miyembro ng PDP-Laban na maaring tumakbo, I think si Bato… tatakbo si Bato, oo; tapos si Secretary Bong Go—hindi ko sigurado eh, Secretary Bong… 

BABAO:  Pero ano ha, kino-consider niya talaga na tumakbo?

SEC. ANDANAR:  Yes, oo kino-consider ni Sec. Bong pero iyon nga, hindi pa siya sigurado. And then nandiyan si Congresswoman Pia Cayetano, and then nandiyan din si Governor Imee Marcos; tapos iyong iba ay parang wala pa, wala pang kasiguraduhan… 

BABAO:  Si Sec. Harry Roque?

SEC. ANDANAR:  Si Secretary Harry Roque ay kinakausap namin kung puwede ipagpaliban niya muna iyong kaniyang pagkandidato dahil kailangan siya sa Communications team. 

BABAO:  Ah… so iyon ang posisyon ng Pangulo ano, na talagang huwag muna siyang tumakbo.

SEC. ANDANAR:  Opo, posisyon ng Pangulo at posisyon ko rin, posisyon ni Secretary Bong Go… Kinakausap ko siya na kung puwedeng sa 2022 na lang siya tumakbo [laughs]. Kaya siguro nabanggit ni Harry—I think nabanggit ni Harry, Pia ‘di ba sa… inyong press briefing. 

GUTIERREZ:  Yes, yes nabanggit din niya. At Sec. Mart nabanggit din anim daw iyong mga Cabinet members na possible mag-file ng COC. So kung kasama doon si Secretary Bong Go, mayroon ba tayong mga ano diyan… clue kung sino iyong mga Cabinet members na isasali ninyo sa lineup? 

SEC. ANDANAR:  Well, iyong iba kasi Pia sa local eh tatakbo, so possible na si Secretary Jun Evasco tumakbong Governor of Bohol and nandiyan si Secretary Tolentino tatakbong senador; nandiyan si—or posible, si Secretary Bong Go posible… Nandiyan din si Secretary ‘Gene’, iyong TESDA, puwedeng tumakbong Governor; Secretary Dabs Mamao [choppy line] governor… Then, sino pa ba? 

BABAO:  Si Mocha?

SEC. ANDANAR: Well si Mocha, nag-usap kami ni Mocha Sir Julius, maraming nag-aalok kay Mocha na tumakbong partylist. So nasa kaniya na iyon kung gusto niyang tumakbong partylist. Sino pa ba? Mayroon pang isang Secretary na—hindi ako mabanggit ang pangalan pero maaring tumakbong Congressman. So—ano pa, Julius eh, siyempre hintayin natin, last day ng filing October 17—

BABAO: Ikaw wala ka ng plano? Kasi dati medyo may mga lumabas ding balita na plano mo daw tumakbo? 

GUTIERREZ: Senador.

SEC. ANDANAR: Ay hindi sir Julius. Never ko po talagang binalak na tumakbong Senador. Wala, dito lang ako sa background. Mahina ako sa pulitika.

BABAO: Yung kaibigang si Erwin Tulfo o iyong kapatid niyang si Mon.

SEC. ANDANAR: I think si Mon Tulfo interesadong tumakbo. At kino-consider—Buti nabanggit mo sir Julius, at si sir Mon pala ay posibleng tumakbo. Wino-weigh pa nila kung ano iyong possibility, pero yesterday I think kinausap yata ng PDP-Laban.

BABAO: So among the Tulfo brothers, ang talagang malinaw na may possibility na tumakbo ay si Mon at hindi iyong iba?

SEC. ANDANAR: Opo, opo si Mon Tulfo po iyong last, I heard siya iyong sinasabing tumakbo.

GUTIERREZ: Sec. Martin, ano iyong nagiging konsiderasyon ng PDP-Laban sa kanilang lineup sa senatorial slate? 

SEC. ANDANAR: Kasi Pia mayroon coalition eh, mayroong coalition. Siyempre kino-consider ng PDP-Laban although I’m not a member of PDP-Laban. Ang kino-consider nila iyong coalition at kung ano iyong mga napag-uusapan sa Malacañang. Kung sino iyong mga kakampi natin sa pulitika – iyon ang consideration. Tapos sa PDP Laban I think, winnability is sa consideration and nabanggit ni Senator Koko, Mon na kailangan sang-ayon siya sa pederalismo.

BABAO: Iyon ang requirement ‘no?

SEC. ANDANAR: Oo iyon ang requirement nila at marami kasing gustong tumakbo eh, nandiyan si Jiggy Manicad, si Freddie Aguilar. Maraming nabanggit, ang daming Congressman eh na mga nabanggit na gustong tumakbo pero at the end of the day, you have only 12 who can run and I think kino-consider din iyong mga kandidato ni Mayor Inday Sara and then mayroon siya sa Hugpong, mayroon din siyang sinusuportahan eh.

BABAO: Mahirap ding ano ‘no, balansehin kung sinamahan ka talagang tumakbo. Pero si Jiggy Manicad, hindi pa rin sure iyon?

SEC. ANDANAR: Hindi pa rin sure, nandiyan din pala si dating Secretary Raffy Alunan, nandiyan din si Congressman Mangudadatu na—I think si Congressman Mangudadatu ay seriously considering—

BABAO: Wala bang ano, pag-asang magbago ng isip si Mayor Sara considering kung titingnan mo iyong mga survey, very consistent na mataas siya ‘di ba? At mukhang malaki ang tiyansa talagang manalo o mag-top dito sa senatorial survey, hindi ba magbabago ang isip niya?

SEC. ANDANAR: Sir Julius I do not have an idea and I cannot speak on her behalf also pero sinabi niya noong huli na talagang tatakbo siyang Mayor sa Davao and I believed her na doon talaga siya sa Davao tatakbo.

BABAO: Well, sa pulitika kasi anything can happened ‘di ba? Kahit ang Pangulo po, sinabi niya na hindi siya tatakbo eh, biglang last minute nag-file siya ng kaniyang kandidatura.

GUTIERREZ: Oo sa pulitika natin hindi natin malalaman iyan hanggang hindi matatapos iyong filing ng COC kung sino iyong magpa-file.

BABAO: Filing will be on October 11?

GUTIERREZ: 11 na yata. Oo. 

BABAO: Iyon ang deadline.

SEC. ANDANAR: 11 to 17 ‘di ba Pia?

BABAO: Ah medyo mahaba ‘no 11 to 17.

SEC. ANDANAR: Oo eh tapos na noon pang mayroon pang—iyong switching ‘di ba? Iyong mag decide na magbigay, iyong asawa na lang tatakbo or iyong kapatid, ganoon.

BABAO: Anu-ano ba ang considerations para mabuo mo iyong magic 12 ‘no na mga candidates, medyo mahirap. Pinakikinggan ko iyong mga pangalang binabanggit mo, medyo talagang matunog ‘no iyong kanilang mga names, iyong iba naman very experienced na pagdating sa pulitika. At the end of the day sinong pipili kung sino talaga iyong malalagay doon sa listahan na iyon?

SEC. ANDANAR: At the end of the day, Sir Julius si Presidente pa rin ang masusunod. Ang partido naman, PDP-Laban ay nabanggit ko mayroon silang sariling lineup nila, pero iyong priority pa rin kung sinong pipiliin ni Presidente na tatakbo dito sa PDP-Laban kasama iyong coalition ng PDP-Laban. Mayroon silang coalition doon sa Nacionalista Party, at sa—iyon nga kino-consider din iyong mga tinataas ng kamay ng Partidong Hugpong. I’m sorry Hugpong—

GUTIERREZ: Sec. Mart si Presidente may mga naka-standby na ba na kapalit nitong mga mababakanteng cabinet position so far?

SEC. ANDANAR: Well, hindi ko pa alam kung sino iyong ipapalit doon sa mga ibang bakante, mababakante na puwesto pero iyong Office of the Press Secretary ay iyon ang inaalok para kay Harry Roque. Opo.

GUTIERREZ: Office of the Press Secretary, so ano ng magiging position ninyo niyan Sec. Mart? Anong mangyayari sa PCOO?

SEC. ANDANAR: Ako naman ay handang magsakripisyo para lamang hindi tumakbo si Harry Roque. [laughs].

BABAO: Talaga?

SEC. ANDANAR: Oo, alam mo naman. I think, Sir Julius at Pia ay I’ve already done what—I thought that I’ve already achieved my objectives for the government media tulad ng PTV, number 4 na, sa Radyo Pilipinas from zero to number 7, iyong FM natin, from zero sa rating to number one in the Philippines, iyong isang FM station ay pasok pa sa number 9, iyong ating social media ay nandiyan na rin, siguro overall iyon, sa social media parehas doon sa Facebook ng gobyerno, from not more than 400,000 before ngayon almost 4 million na. So—yeah, we have hit our objectives already. Importante kasi si Secretary Harry Roque na nasa Communications.

BABAO: So are you saying that you are leaving government, ganoon ba iyon o para bumalik sa pribadong sektor, Sec. Martin, ganoon ba?

SEC. ANDANAR: Well, kung saan ako gustong ilagay ni Presidente, eh siyempre eh kung alam ko naman na of course, Sir Julius, kung ang pakiramdam ko ay kaya naman, kaya ko naman Sir Julius ang assignment ko ay gagawin ko. Wala namang problema, karangalan ang magsilbi sa bayan, pagsilbi ni Pangulong Duterte. Kapag kinuha ako ng ABS-CBN, puwede na.

BABAO: Bakit hindi? [laughs].

GUTIERREZ: So ang mangyayari dito ay madi-dissolve ba ang PCOO? Anong mangyayari dito, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR:  Malamang Pia, kasi noong huling Senate hearing ‘di ba ay napag-usapan natin iyan with the Chairman ng Committee at JV Ejercito, at sa panukala din ni Senate President Tito Sotto. At prior to that ay nag-usap din kami ni Senator Tito Sotto na ito nga, itong pagbuhay ng Office of the Press Secretary.

Sapagkat noong 2016 – just for the record Sir Julius, ay mayroon tayong ginawa sa opisina ko na executive order proposal na reverting the PCOO, reverting to the Office of the Press Secretary. Kasi ‘di ba alam naman natin kung anong nangyari noong 2010, pagpasok ni PNoy ay binuwag ito, ginawang dalawa – PCDSPO at PCOO. Kasi existing naman talaga iyong Office of the Presidential Spokesperson base doon sa Executive Order nang panahon ni Tita Cory, 1989 at iyong tuluy-tuloy. So ang nangyari, naging tatlo na iyong Tagapagsalita ni Presidente Aquino.

So ngayon this time around, hindi lang iyong PCDSPO at PCOO iyong pag-iisahin, pati iyong Office of the Presidential Spokesperson ay isasama, parang one na lang. Iyon na iyong Office of the Press Secretary—and by the way, noong 1986-’87 iyong Office of the Press Secretary ay puwedeng isa lang, walang Office of the Presidential Spokesperson. So 1986, ’87, ’88… ’89 nagkaroon na ng Spokesperson – ngayon isa na lang. 

BABAO:  So that means magbabawas kayo ng tao?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko pa alam Julius kung ano iyong magiging latag talaga eh. Palagay ko posibleng magbabawas at posibleng magki-create din ng mga bagong posisyon tulad ng Press Attaché sa mga missions sa abroad, lalo na iyong mga trading partners natin tulad ng America, Thailand, Japan, sa London at sa Europe, Middle East. So kailangan ng—problema kasi wala tayong press attaché eh… 

BABAO:  Oo, so madadagdagan na ngayon ‘no ng mga tao sa abroad.

SEC. ANDANAR:  Well sana, iyon ang pangarap natin kasi ang problema kapag mayroong mga negative press sa—halimbawa sa UK or sa Europe, walang sumasagot doon eh. Tapos iyong ating mga embahada rin kulang iyong mga tao, so I think panahon na. Dito nga sa Pilipinas eh ang embahada ng Amerika mayroon silang press attaché ‘di ba, iyon naman talaga dapat. 

BABAO:  Okay. Isa rin sa mga malaking balita iyong resignation ni Mocha. Ito ba ay inasahan ninyo o nagulat din kayo rito?

SEC. ANDANAR:  Medyo… noong nagkaroon ng Senate hearing, nag-usap na kasi kami ni Mocha minutes before that, at doon ko nalaman na ibinigay niya iyong kaniyang resignation kay Presidente. I think a day before or two days before iyong kaniyang—October 1, iyon yata iyong petsa na binigay niya, so hindi na rin ako nagulat noong Senate hearing na iyon nga, na magre-resign siya. So I wish her luck, talagang mahal na mahal niya iyong kaniyang blog at iyong kaniyang advocacy to uphold the President. And kung mag-aartista siya ulit, magsi-singer siya ulit or… 

BABAO:  Tatakbo…

SEC. ANDANAR:  O kakandidato… o tatakbo. So maraming… Sir Julius marami kasing nag-aano sa kaniya, nag-aalok na tumakbong congresswoman sa partylist. Hindi ako magugulat kung tatakbo si Mocha dahil talagang… I think— 

BABAO:  Anong partylist ‘to? 

SEC. ANDANAR:  Ay, iyon ang hindi ko natanong kung anong partylist. Sa dami ng partylist diyan eh… ang daming partylist na puwedeng mag-adopt sa kaniya. 

GUTIERREZ:  Sabi OFW Partylist daw eh… 

SEC. ANDANAR:  Well hindi rin ako magtataka Pia kung OFW Partylist, dahil ‘di ba nakasama ka naman sa mga biyahe, ang daming fans talaga kahit saan pumupunta. 

GUTIERREZ:  Grabe, kapag siya ang tinatawag sa stage nagkakagulo iyong mga OFW. 

BABAO:  Malakas talaga ‘no sa mga OFWs.

GUTIERREZ:  In fairness talaga sa hatak niya sa mga OFWs. Pero Sec. Mart, ang mangyayari dito kahit wala na siya sa posisyon ay tuluy-tuloy pa rin daw iyong imbestigasyon ng Ombudsman sa kaniya. 

SEC. ANDANAR:  Tama, tama… 

GUTIERREZ:  So… ang napapabalita pa ay parang damay din kayo dito kasi kayo iyong immediate superior ni Mocha. 

SEC. ANDANAR:  Tama, tama, oo. Pinapagkomento ako Pia doon sa sulat ng Ombudsman, pinapagkomento ako doon sa mga naging question nila kay Mocha. So walang problema, naka-draft na naman iyong comments ko, ipa-finalize na lang. We will submit it by next week. 

BABAO:  Pero iyong mga ganoon bang mga ginawa ni Mocha… iyon bang ganoon, like iyong sa pederalismo at iyong huli nga sa mga PWDs… iyong mga ganoon ba ay dumaan pa sa inyo o diretso na sa kaniya iyon?

SEC. ANDANAR:  Sa kaniya iyon eh, kay Mocha iyon eh… kasi pagkaintindi ko ay—well, pagkakaintindi ng lahat, mayroon naman siyang sariling blog niya ‘di ba… Ang mga projects na nabigay ko kay Mocha sa PCOO ay nandiyan naman, napapanood naman natin sa Presidential Communications Facebook page at pati rin dito sa TV, sa PTV. At iyong iba na mga ginagawa ni Mocha ay parang extracurricular iyon eh, na blog niya, pati iyong si Drew Olivar, partner naman ni Mocha iyon sa labas ng PCOO.

As a matter of fact they have a radio show sa DWIZ, kaka-launch lang, hindi kasama sa PCOO. I think ngayon na resigned na si Mocha Sir Julius, mas malaya na siya sa kaniyang, sa mga concert na ginagawa. Ganoon talaga kapag artista eh… kapag ikaw ay isang artist, marami kang mga ideas na naiisip, very creative eh, so hindi talaga mapigilan. Kagaya ko nga Sir Julius, mayroon akong sariling Mancave ko eh, pero puro music lang; siguro mai-invite din kita. Eh sabihin mo sa akin kung anong paborito mong mga kanta, patugtog natin. 

BABAO:  Aba talaga ha… Pero do you feel na parang ano… Sec Martin, parang medyo nabawasan na iyong tinik ‘no on the part of sa inyong opisina na ngayong wala na si Mocha sa inyo? Na dati kasi laging ‘di ba, very controversial ang inyong office at laging nalalagay sa intriga… Ngayong wala na siya, mas makaka-focus na ba kayo ngayon sa inyong trabaho?

SEC. ANDANAR:  Hindi naman… dati pa naman ay naka-focus tayo kahit na anong batikos sa atin, nahandaan na natin ito Sir Julius [laughs] alam mo kahit sino… kahit sino ang dumali doon sa PCOO ay—or sa communications ni Presidente eh nagiging kontrobersiyal talaga. It’s not really the person ‘no, palagay ko. In my case it’s not the person, but it’s really the position at tuluy-tuloy pa rin iyong trabaho natin. Hindi matatapos iyon hanggang sa matapos iyong anim na taong termino. 

BABAO:  Iyong budget ng PCOO, okay na ba iyon? Approved na?

SEC. ANDANAR: Opo, sa Lower House okay na, idi-discuss pa ito sa Senado pero tingnan natin, siguro by that time eh, hindi na ako magde-defend ng budget. Since November na iyong susunod na hearing eh. So malamang si Secretary Roque na ang magdi-defend ng budget by that time.

GUTIERREZ: Magkano ang hinihingi nating budget, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR: Pia, nasa 1.4 billion pero let me be clear about this, it’s 1.4 billion for the entire PCOO family, meaning kasama na diyan iyong PTV, Philippine Broadcasting Service, News and Information Bureau, PIA, kasama na iyong budget ng National Printing Office, BCS and APO. So iyon kasama iyong lahat ng mga attached agencies. Ang sa PCOO, kung hindi ako nagkakamali, ang PCOO proper naman – opisina dito sa Malacañang ay nasa mga 240 million.

GUTIERREZ: Ang laki.

BABAO: Iyong mga empleyado ng PTV4, ano ba sila? Mga regular na?

SEC. ANDANAR: Mayroong mga regular Sir Julius, mayroon ding iba ay job order. Iyong total employees kasi ng buong PCOO family nasa mga 3,000 plus, iyong buong—ang PCOO proper nasa mga 180 na mga empleyado diyan, 200 kasama na iyong mga job order. Pero naglabas kasi ng circular ang DBM na starting this month ay bawal na ang mga job orders kaya pinag-e-exam na iyong mga job orders ngayon eh para mag-apply na maging regular. Ang problema kasi Sir Julius, sa byurokrasya natin sa totoo lang maraming opening ng regular Sir Julius, ang problema ang hirap pumasa sa civil service, iyon ang katotohanan diyan. Ang hirap talagang pumasa sa civil service even sa Radyo Pilipinas, doon sa Philippine Broadcasting Service, may mga opening diyan pero ang hirap pumasa kaya maraming job order.

GUTIERREZ: Tama iyan may mga kakilala ako take 2, take 3 na sa civil service hindi pa rin pumapasa eh. Sec. Mart, aside from Mocha Uson, ang naging kontrobersiyal din sa PCOO iyong iba’t ibang mga bloopers na mga staff ‘no. So mayroon ba tayong ginawa para maayos man lang iyong sistema to make sure na hindi na ito mangyayari ulit?

SEC. ANDANAR: Oo alam mo Pia, hindi naman tayo bago sa industriya ng media, kahit nga sa ABS-CBN nagkakamali pa, iyong mga—malaki na iyong ABS-CBN. Isa sa mga mataas na magpasuweldo na broadcast—na news company nagkakamali. Ganoon talaga, especially coming in at talaga kasing napabayaan ang government media, hindi naman naging—I mean kung titingnan mo lang iyong budget Pia, 1.4 billion, more than 9 agencies tapos ikukumpara mo doon sa—halimbawa, dito sa DPWH, for example or Department of Health na more than 400 billion iyong budget – so talagang wala, talagang mahirap. That’s why when I came in ay nag-focus tayo sa retraining ng tao, inayos natin iyong Philippine News Agency dahil wala eh, walang nagbabantay, iyong website niya 2013 pa yata, sobrang luma na noong kaniyang website, tapos walang social media presence, iyong mga ganoon ba. So marami tayong inayos na diyan. Even Radyo Pilipinas Sir Julius, ewan ko kung nakita mo iyong lumang Radyo ng Bayan.

BABAO: Oo, lumang-luma na.

SEC. ANDANAR: Pumunta ka sa probinsiya, Diyos ko po naka-dial pa iyong ibang computer, ibig sabihin [unclear], tatlong presidente na ang nagdaan hindi pa napapalitan, ‘di ba. So ito ay inayos nating lahat. So unti-unti ay nag-i-improve naman, naglagay na tayo ng mga editorial board para ma-vet lahat. So unti-unti ay naayos iyong sistema. I think—

BABAO: So ang makikinabang ng lahat ng pinaghirapan mong iyan ay si Harry Roque?

SEC. ANDANAR: Kung sino man iyong susunod na—pero mukhang klaro si Harry Roque iyong magte-takeover niyan. When he comes in, he has a social media, actually almost 4 million followers, mayroon siyang Radyo Pilipinas na nasa number 7 na sa Mega Manila. At FM station iyong 104.3 number 1 in the Philippines, 87.5 pasok pa sa number 9. Ang PTV number 4 na sa rating.

BABAO: Kailan, Martin, kailan papasok itong si Sec. Harry?

SEC. ANDANAR: Na kay Pangulong Duterte na iyon, Sir Julius eh, basta inilatag ko na lahat para kay Sec. Harry para hindi siya magkaproblema sa—but  at the same time, ang sabi ko naman kay Sec. Harry na nandito lang ako kung kailangan niya ng suporta doon sa broadcast, at sa social media na mga ano, aspect ng pagpapatakbo. Pero ano, itong si Sec. Harry is really capable. He’s a lawyer, he’s been around.

BABAO: Alright, thank you so much, Sec. Martin Andanar at good luck sa inyo diyan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Sir Julius at Pia, magkita tayo sa Malacañang at sa lahat po ng nakikinig dito po sa DZMM, good morning po.

BABAO: Thank you so much. Thank you so much.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource