Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Adrian Ayalin & Zhander Cayabyab (Suhestiyon, Reaksiyon, Opinyon – DZMM)


Q:  At ito nagbabalik na si Secretary Panelo. Secretary opo nga po eh, promotion po iyong nangyari po kay Lapeña ano po? 

SEC. PANELO:  Well, kasi alam naman nating lahat kahit na graft infested iyong office na iyon pero he remains clean at marami siyang in-institute na reforms. Katunayan iyong koleksiyon ng Bureau of Customs eh napaka… na-surpass niya iyong mga previous records. At saka alam din ni Presidente na iyong mga paninira sa kaniya, iyon ay likha ng mga sindikato ng droga na kasabwat iyong mga corrupt diyan sa loob ng Customs. Kaya to spare him from the vilification, eh na-advance iyong announcement ng kaniyang promotion – dapat ‘yan next week pa sana eh.

Q:  Ah next week pa pala… 

SEC. PANELO:  Na-advance pa iyon, kasi dapat next week pa ang announcement ng lahat ng replacements—

Q:  Bakit ho kaya? 

SEC. PANELO:  Pero nga dahil siya sinisiraan nang husto, eh alam mo si Presidente ano ‘yan eh, malambot ang puso niyan; ayaw niya iyong mga miyembro ng Gabinete niya ay sinisiraan tapos naaapektuhan iyong mga pamilya. Kaya nilipat niya na para wala nang…

Q:  Wala nang usap-usap… 

SEC. PANELO:  Wala nang usap-usap, inilipat niya kaagad. Although matagal na—iyon ang intensiyon niya mula’t sapul.

Q:  Secretary, sa bago pong Customs Chief, kay Rey Guerrero, ano po ba iyong kumbaga marching orders ni Pangulong Duterte—  

SEC. PANELO:  Ay ganoon pa rin – get rid of the corruption there. In fact kaya nga tinanggal na niya iyong mga ulo eh.

Q: Sa tingin ninyo po magagawa ni Guerrero itong hindi nagawa ni Lapeña? 

SEC. PANELO:  Hindi, actually si Lapeña naman ay marami siyang nagawa. Alam mo ang naging issue lang sa kaniya iyong latest na pagpalusot ‘di umano. Pero tandaan ninyo na iyong—kung nakalusot man iyon, eh hindi dahil sa kaniya na pinalusot niya – kundi dahil iyong mga taong nagmamanman ay pinalusot.

Q:  Iyong mga nasa ilalim po ‘no… 

SEC. PANELO:  Nasa ilalim eh. Alam mo ‘yan nga ang nagiging problema eh, either iyong mga taong nasa taas ang nagpapalusot o iyong mga nasa baba na hindi alam ng nasa taas o kaya nagkukutsabahan sila – iyon ang nagiging problema natin sa mga departamentong known for corruption.

Q: Sir sa palagay po ninyo, parang command responsibility lang iyong pagkakaalis sa kaniya sa Customs? 

SEC. PANELO:  Hindi, iyong hindi naman siya actually eh. Gaya ng sinabi ko, nakaano na siya, scheduled na siyang ma-promote to the Cabinet member – at doon sa TESDA. Kasi hindi ba alam na ni Presidente na kung sino ang mga tatakbo roon. In fact sinabi na niya sa atin iyon, sa kaniyang speech na noong magpa-file ng mga resignation, binalasa na niya – mayroon na siyang mga taong nasa isip at ‘inaantay niya lang iyong proper time. In fact noong kausap ko siya three nights ago, sinabi niya—kasi tinanong ko, “Kailan mo Mr. President i-a-announce?” Sabi niya, “Next week, i-announce ko na lahat.

Q:  Pero kinausap po ba ni Presidente si Lapeña noong bago pa po nangyari itong pagtatalaga sa kaniya? Kasi ang inisip ko lang po ay TESDA, medyo malayo po iyon sa Customs; siyempre kailangan din naman pong paghandaan iyon. Ano po ba iyong nangyari noon before i-announce ni Presidente?  

SEC. PANELO:  Hindi ko alam kung nag-usap sila. But you know, iyong sinasabi ninyong malayo… hindi malayo iyon. Lahat ng posisyon sa Gabinete, kung ikaw ay may… nagkatutubong talinong tinatawag at mayroon kang integrity, kaya mong patakbuhin ang isang departamento or ahensiya o opisina, iyon lang naman ang hinihingi ni Presidente eh – integrity at saka competence. And competence will have to base iyong… kung ikaw ay academically prepared at kung may karanasan ka. Hindi ba sinasabi niya, “Oo gusto ko mga military,” walang cheche-bureche… ‘pag binigyan mo ng instruction ginagawa kaagad. Iyong mga hindi military, oh… katakut-takot na argumento, katuwiran dito… kung anu-anong mga excuses; ang mga military ginagawa kaagad nila.

Q:  Ay ganoon ho ba, medyo madali silang sumunod? [laughs] 

SEC. PANELO:  Madali, kasi alam nila na iyon ang dapat sundin. Kasi… sinasabi nga ni Presidente iyong mga military, hindi susunod ‘yan nang hindi naaayon sa batas – kasi ang training nila… eh ang kanilang loyalty ay sa Saligang Batas. And also this President is a lawyer, he knows his law. Sinasabi niya, “I know my limit, I know may law. Alam ko ang hindi puwede at alam ko ang puwede.” Kaya ‘pag inutos—[PHONE LINE CUT]

Q:  Secretary Panelo… ‘Ayun, subukan natin uli ah…

Secretary Panelo, you were saying nga po iyong mga sundalo ay iyon nga… kasi medyo nababatikos din dahil—

Q:  Parang nagiging militarisasyon ang Gabinete… 

SEC. PANELO:  Hindi, hindi totoo iyon. Eh pinapaliwanag naman ni Presidente iyon, na ang mga military has been trained to follow orders; pero ang training din nila you follow orders na sang-ayon sa Saligang Batas o sa batas. At itong Presidente, alam niya rin kasi abogado siya, kaya hindi siya mag-uutos nang hindi naaayon sa batas. Kaya sabi niya mas gusto ko itong mga military at hindi na maraming mga excuses na kasi mahirap gawin ‘yan… sir, ganito ‘yan… Mga military ano na kaagad, gumagawa na sila ng paraan para gawin iyong pag-uutos ng nag-uutos sa kanila.

Q:  Opo. Balik po tayo Secretary Panelo kay Guerrero kasi, ‘di ba iyon nga ang BOC saka PDEA nagkaroon ng konting bangayan/sagutan – hindi nagkakaroon ng pagkakaunawaan. Pero sabi nga ni Presidente mag-usap kayo, kayo ay magtrabaho lalo na I think si PDEA Director General Aaron Aquino sinabi niya na baka ang Pilipinas ang una na mananalo sa war on drugs. So ngayon ba inaasahan natin na mas may kooperasyon ang BOC at PDEA, at hindi mag-aaway at least in public?  

SEC. PANELO:  Unang-una—teka muna, hindi naman sila nag-aaway. I don’t think na nag-aaway.  Ang naging posisyon ng PDEA mula’t sapul ay may laman iyong magnetic lifters ‘di ba?

Q:  Opo… 

SEC. PANELO:  At ang sinasabi naman ni Lapeña – Isidro Lapeña, eh walang ebidensiya doon – at iyon din ang sinabi ni Presidente, “Walang kayong hard evidence. Show me hard evidence and I will believe you.” So hindi naman sila nag-aaway, sinasabi lang nila para sa kanilang pananaw, iyong kanilang pag-iimbestiga – iyon. Kaya nga hindi ba nagsalita ako at ganoon din ang sinabi ni Presidente na, assuming that would be true na mayroon ngang shabu, ay gawin na natin. Kung iyon ang predicate mo, ‘di gawin mo ang lahat para ma-stop mo, makuha mo iyong kumakalat na shabung nakaalpas.

At noong si Commissioner Lapeña naman, noong pinaliwanagan siya ng DPWH na iyon palang mga magnetic lifters mula’t sapul was designed precisely to conceal objects – hindi para mag-lift. Or in other words may lead eh, so ibig sabihin kaya siya naniwala na ah baka… baka na napalusutan kasi hindi makikita sa x-ray. Oh… so wala namang away actually. Iyon ang kanilang pananaw na—eh madaling sabi, ever since naman they go hand-in-hand kaya walang problema sa ano eh, sa pagtutulungan.

Q:  Whatever it was po – away, diskusyon or argumento… basta iyon nga po, iyong nangyari kay Lapeña at kay Aquino noon, ay ano po inaasahan natin ngayon sa bagong pamunuan ng BOC? 

SEC. PANELO:  Eh ‘di ganoon pa rin, they will be working hand-in-hand in eradicating the drug menace in the country – kasi iyon ang marching orders ni Presidente eh, we need to stop at all cost.

Q:  Sir ano iyong sinabing freezy o freeze muna sa BOC, iyong mga commissioners? 

SEC. PANELO:  What do you mean freeze?

Q:  May utos po ang Pangulo eh, na parang sisibakin lahat ng mga commissioners, ganoon po ba?    

SEC. PANELO:  O ‘di ibig sabihin niyan eh ‘di iyong mga ginagawa niya muna ngayon, stay put muna kayo diyan. Iba muna gagawa ng mga trabaho ninyo… 

Q:  Parang status quo, ganoon ba sir? 

SEC. PANELO:  Hindi status quo, ‘pag sinabi mong status quo, ‘di doon pa rin siya. Ibig sabihin—

Q:  So, papalitan? 

SEC. PANELO:  Papalitan muna.

Q:  So parang may free hand si Customs Chief Guerrero—  

Q:  Na siya ang pipili… 

SEC. PANELO:  Oo siyempre, dahil siya ang bagong hepe. Pero tandaan ninyo si Lapeña maraming in-institute na reforms. The fact alone na na-surpass niya iyong previous records ng collection. He’s already a walking testament to the efficiency of this administration sa BOC.

Q:  At kaya rin naman nga siya ay na-promote ni Presidente. Sir, kamusta itong— 

SEC. PANELO:  Saka kasi bilib si Presidente talaga diyan. Alam mo sabi ko nga, galing ako sa isang grupo ng mga abogado at nagbigay ako ng pahayag doon. Wala pa akong nakausap, maniwala kayo… wala pa akong nakausap sa lahat ng mga nakakakilala dito kay Lapeña na nagsabi sa akin na hindi matinong tao ito. Lahat sila, wherever he went during his career, talagang matinong-matino – kaya bilib na bilib si Presidente dito kaya nga siya nilagay doon. Kaya nakikita niya, “Ah, kailangan ko ‘to sa TESDA dahil para linisin iyong problema sa TESDA, siya naman doon.

Q:  Opo, iyon naman ang ayusin niya. Ah maraming salamat po, Secretary Panelo. 

SEC. PANELO:  Salamat din, maraming salamat.

Q:  Si Secretary Salvador Panelo, ang Presidential Spokesperson. 

### 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource