SEC. ANDANAR: Magandang – magandang – magandang umaga buong Pilipinas. Live na live po ang Cabinet Report dito sa Boracay Island, at tayo po ay napapakinggan sa lahat po ng talapihitan ng Radyo Pilipinas mula po sa Radyo Pilipinas Metro Manila hanggang sa halos limampung mga Radyo Pilipinas radio stations nationwide. At siyempre pa, tayo din po ay naka-live sa ating Facebook account ng Presidential Communications Operations Office, live din po tayo sa Facebook ng Radyo Pilipinas at mga Facebook pages po ng Philippine Information Agency.
Ngayong araw po na ito ay mapalad po tayo dahil bukod sa tayo ay nakakapag-live dito sa Boracay mismo – on the second day of the reopening – eh kasama rin po natin ang ating mga napakahalagang panauhin. Unang-una, babatiin ko muna ng happy birthday ang ating Secretary ng DILG, si Secretary Ed Año – Happy Birthday Sir!
SEC. AÑO: Thank you, Secretary Martin, maraming salamat.
SEC. ANDANAR: Welcome po sa programa. And of course kasama ko rin po ang DPWH Secretary – Secretary Mark Villar.
SEC. VILLAR: Salamat…
SEC. ANDANAR: At kasama ko rin po ang Undersecretary ng DENR, si Usec. Sherwin Rigor…
USEC. RIGOR: Magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Ito ay napaka… at least ‘no, stress reliever ito para sa inyong tatlo dahil noong inanunsiyo ng ating mahal na Pangulo na sarado na nga ang Boracay noong April 26, 2018 ay napakadaming… siyempre may mga nagreklamo, mayroon din namang sang-ayon. Pero at least ngayon noong nakita ko, papunta ako rito ay napakalaki ng pagbabago. Kumusta naman… Ang DILG, kumusta naman ang inyong assessment, Secretary Ed?
SEC. AÑO: Ah unang-una masaya kami Secretary Martin, kasi nagbunga na iyong anim na buwan na talagang sakripisyo ng lahat ng mga ahensiya under sa Boracay Interagency Task Force, at nakikita natin iyong reaksiyon ng mga mamamayan ng Boracay, iyong mga turista na happy sila sa naging resulta ng ating pag-rehabilitate. Hindi man kumpleto pa ito, dahil kailangan talaga dalawang taon pero significantly eh nalinis natin iyong dagat, naging maaliwalas, nakapag-widening tayo ng road and at the same time talagang maganda na iyong level ng water dito sa dagat ng Boracay, ma-enjoy na ng mga turista.
SEC. ANDANAR: Oo. Dumako naman tayo dito sa DPWH. Napakahirap ng trabaho ninyo sapagkat iyong hamon ay iyong i-expand iyong mga kalye – ‘Di ba from 5 to 12 meters? At hindi lang iyon… iyong gigibain mo iyong mga structures; eh alam mo naman eh fully developed/commercialized halos na iyong more than half of the island. So this means, ay hindi lang iyong sa kalye na mga easement ang gigibain mo, maging iyong sa harap mismo ng beach. So, tell us your experience Mark.
SEC. VILLAR: Yes… Napaka-challenging Mart, dahil noong pumasok ang task force may mga structures pa sa road; karamihan po ng mga structures ay nag encroach na sa main road kaya iyong dating right of way kung may 12 meters, nagiging 4 meters/5 meters na lang at napakakitid ng mga kalye. Kaya… actually napakabilis ng aksiyon ng buong task force dahil nagiba kaagad iyong mga structures na nag encroach sa right of way, na-clear.
And we were only given 6 months kaya during rainy season pa. So kailangan ilipat iyong concessionaire, iyong Boracay Water, Boracay 2B, iyong mga existing structures kailangan gibain at iyong mga utilities kailangang ilipat, iyong mga poste. So marami talagang challenges para ma-clear iyong right of way.
Pero ako naman po, natutuwa naman ako at ngayon halos karamihan ng mga works ay tapos na, 80%. Lalo na sa ilalim, iyong pag-install ng mga tubig, iyong drainage dahil nadoble iyong capacity noong drainage. So na-install na ‘yan, ang tatapusin na lang namin iyong concreting ng road. So konti na lang, halos tapos na… baka in one month – more or less one month, tapos na ang works sa road.
SEC. ANDANAR: Nakita ko nga kung gaano kaganda na iyong mga kalye na natapos. It’s already comparable to the streets of Bali, we were there 2 to 3 weeks ago with the President noong nakita ko kung gaano ka-well maintained and managed iyong Bali. Of course we’re talking about sustainability here Usec. Sherwin; nabanggit ni Secretary Mark iyong mga drainages natin dito sa Boracay. Drainage is one thing, but what’s goes to the drainage and that is another. So iyong waste treatment, water treatment… gaano kabigat ang hamon para mapasunod mo lahat ng mga resort dito?
USEC. RIGOR: Opo. Ang ginagawa po namin is we consolidate the effort from the DILG at saka DPWH. Before po kasi, iyong declaration of cesspool, lahat po kasi ng mga waste water discharge natin are gearing towards seaward kaya po nagkakaroon po ng compounded Coliform buildup doon sa dagat. Ngayon po, with the collaboration po ng DPWH during their digging doon sa drainage natin, we discovered na marami pong naka-diretso doon sa old drainage. So nagkabit po sila ngayon ng very – very rigid na pipe na hindi basta-basta mabubutas. Kami naman po sa DENR, sinisiguro po namin na hindi na po nila maibubutas iyon at we require them na magkaroon po ng sewerage treatment plant sa bawat establishments.
SEC. ANDANAR: Oo. Ano iyong pananagutan noong mga nahuli ninyong mga resorts na diniretso sa dagat iyong mga drainage nila at walang waste management o walang treatment ‘no?
USEC. RIGOR: Well tatlo po ‘yan: one, if na-discover po natin, mayroon po karampatan na penalty at parusa against iyong environmental laws; second, sa DILG naman po, iyong permit to operate and other legal documents na hindi sila mapapag-open o mabibigyan na magbukas; tapos third po, is they will remain closed subject for the compliance po noong lahat noong requirements po ng DENR, DILG at DOT.
SEC. ANDANAR: Oo. Napag-usapan natin kung papaano pinapatupad iyong batas at kung ano iyong mga parusa Sec. Ed ‘no. Alam natin na it really takes so much political will bago ito nangyari, itong sa Boracay. Biruin mo ilang mga administrasyon na nagdaan at ngayon lang nangyari ito sa ilalim ni Pangulong Duterte. And that political will goes beyond fixing the infrastructure but iyong sa local government, iyong pulitika dito, iyong napabayaan ang Boracay — ano iyong masasabi mo at ano iyong naging reaksiyon ng mga local government unit leaders dito, noong nakita nilang talagang seryoso pala talaga?
SEC. AÑO: Alam mo kasi Secretary Martin, noong una mayroon na talagang mga attempt na i-rehabilitate iyong Boracay, noong previous administration pa. Kaya lang, kulang noong political will. Iyong local government unit at that time gustong i-implement, pero hindi nasuportahan ng national. In fact iyong dating mayor, sunud-sunod na nakasuhan at binully-bully siya noong mga may-ari dito ng malalaking establisyimento. So iyon ang ipinakita natin, na we will enforce the rehabilitation, no one is above the law – kahit sino pa siya, dapat susunod sa batas, sa ordinansa at iyon ang pinakita natin.
Madali lang maglatag ng sewerage at saka ng kalsada, pero ang problema iyong right of way at kung papaano mo mapapaalis iyong mga tao – iyon ‘yung pumasok iyong interagency task force at iyong ating local government unit, ang Philippine National Police, ang mga representative ng ano… ‘pag nag-conduct sila ng inspection, susunod diyan ay ‘show cause’ and then demolition. And that, ‘pag sinabi nating demolition – demolition talaga. Wala iyong mag-a-appeal siya rito… lalapit siya kay ganito… no! ‘Pag sinabi nating you are for demolition, idi-demolish ka talaga namin kahit sino ka pa.
Kaya ang nangyari dito, iyong iba noong nakita nilang seryoso, nag-self-demolish na rin sila, nagsunud-sunod na. Nakita nila na seryoso pala ‘tong government. In fact, noong una ang dami talagang opposition, even sa Cabinet hindi lahat ay common stand. Siyempre, maraming lobbying. But when the President decided, “I will close Boracay,” everyone you know, we stepped uniformly backing the President – and that’s what we need. And with that, the rest is easy. Ang maganda talaga rito, napakita dito na hindi puwedeng magpalakad si ganito kay ganito – wala lahat iyan, no sacred cow – kaya lahat naipatupad natin nang maayos.
SEC. ANDANAR: I really noticed that Secretary Ed, kahit nga iyong mga establishments dito na ang mga may-ari ay mga oligarch, eh talagang wala… talagang binuldoz ninyo, talagang nawasak.
SEC. AÑO: Yes…
SEC. ANDANAR: Pero this concept of self-demolish ay napakaganda nito, kasi at least alam nila kung—kasi maingat ka eh. Kung idi-demolish mo iyong sarili mong establisyimento ay iingatan mo ang pag-demolish na hindi magiba lahat ‘di ba? Unlike kung ipaubaya ninyo sa hindi may-ari ay talagang bahala na. So at least kahit papaano ay marami ang sumunod and that also goes to the easement sa harapan mismo ng dagat.
SEC. AÑO: Yes…
SEC. ANDANAR: Paano Sec. Ed iyong mga resort na halos wala nang lupang natira?
SEC. AÑO: Well noong una kasi, alam naman nila na mali iyong ginawa nila eh. At sila, kumita na rin sila sa mga ginawa nila na ganiyan; it’s about time na iyong environment naman iyong pagbigyan mo. So kami, together with the DENR, sinukat iyong twenty-five plus five (25 + 5) minarkahan – lahat iyan gigibain and, in fact, sabi nga—nabanggit mo, ‘pag nag-self-demolish sila, nakakapaggawa pa sila ng architectural design para hindi masayang iyong gigibain.
And also in line with that, iyong local government units ‘no, officials… nagkaroon kami ng investigation – labingpitong government officials ang pinaylan (file) natin ng cases – administrative. And the other day, ay na-implement natin iyong preventive suspension ni Mayor Cawaling at naiupo na natin iyong vice mayor bilang acting Mayor. Another indication or another proof na we have this political will.
SEC. ANDANAR: Balikan natin iyong sa mga structures Secretary Mark. Gaya noong nabanggit ko kanina, I was so impressed pagpasok ko, parang nasa Guam iyong you know, iyong kalye tapos iyong the way that the infrastructure, the sidewalks were designed. Alam kong ano eh, I mean you guys are into real estate, alam ninyo kung papaano pagandahin ang isang lugar. What was the inspiration sa design ng kalye, design ng mga poste at design noong mga sidewalks?
SEC. VILLAR: Well una po ang importante dito, dati kasi napansin ko na ‘pag may mga kalye walang sidewalk. So wala talagang walking area para sa mga pedestrians. So, pagdating sa ganitong island dapat talaga walking eh kasi environmental tayo dito. At hindi lang ‘yan, dapat mayroon ding bike lane. So noong dinesign (design) po iyong 12-meter right of way, ginawa namin na mas malapad iyong kalye, 3 meters, para may area na puwede nating lagyan ng bike lane, at the same time iyong dalawang—kailangan may medyo malapad na sidewalk. So from zero, naging 2 meters both sides.
SEC. ANDANAR: Zero – 2 meters…
SEC. VILLAR: Yes zero, dati karamihan ng mga areas walang sidewalk, so ang ginawa namin—ang ginawa ng task force, 2 meters per side ang lapad ng sidewalk. So ang layo talaga ng design sa dati, at the same time iyong mga tinanim na Anahaw, kaya iyon ang very known, as a native plant natin and very symbolic sa atin iyong Anahaw. Kaya kung mapansin ninyo, doon sa areas na paglabas ng Cagban Port, puro Anahaw naka-plant doon. So it’s really… may attention sa aesthetics and definitely ang goal naman natin is gawing world-class ang Boracay, so even in terms of infrastructure magiging world-class.
SEC. ANDANAR: Ano naman ang plano dito sa harapan, sa may beachfront mismo. Alam ko sa ibang bansa – magpunta ka ng Dubai, magpunta ka ng Bali, pumunta ka ng Guam or sa Amerika ‘no – iyong pagdating sa public beach eh puwedeng maglakad din iyong mga tao. Kasi before ano eh, dahil nasasakop na ng mga resorts, kapag nagha-high tide ay hindi ka na makalakad. So anong plano ninyo doon sa nagawang sidewalks—
SEC. VILLAR: Well, kung makita ninyo po sa Bulabog site, eh iyon ang—magandang model din iyan eh, dahil iyong DILG, DENR kinlear (cleared) nila iyong—kasi dati naka-encroach na iyong mga establishments halos hindi mo na makikita iyong beach. Eh noong pumasok ang DILG, DENR, na-clear iyong buong easement, so nakapaglagay kami ng roadway there. So ang nangyari may beach, may road and then ‘paglampas mo sa road, doon lang iyong commercial. So iyon ang magiging model sa Bulabog Site kasi sa tingin ko kaya pang i-implement doon eh. At ang maganda doon, iyong sidewalk facing na mas malapit sa beach, ginawa naming 3 meters. So parang esplanade talaga ang dating, kaya nga napakaganda rin ng model sa Bulabog site. Mayroon pang mga stations for—iyong mga electronic jeepney, mayroon ng station, may flares. Magandang model iyan para sa future development, and in fact iyon ang magiging plano natin sa Bulabog side.
SEC. ANDANR: Kapag nakapunta po kayo doon sa Boracay ay talagang makikita ninyo kung ano iyong sinasabi ko at iyong ating producer naman ay magro-roll ng mga video sa mga pagbabago dito sa Boracay. Pero nandito na tayo eh, Usec. Sherwin ‘no, kapag gumanda iyong infrastructure, kapag gumanda iyong kalye, kapag naayos na iyong imburnal, kapag sumunod iyong mga tao, dadagsain ka talaga ng tao. Ang tanong ko ngayon iyong carrying capacity ng Boracay, “ano ba talaga ang carrying capacity ng Boracay, because we’re expecting this to call the people, at least to double the people who will visit Boracay.
USEC. RIGOR: Opo, opo. Iyong carrying capacity po natin is science-based computed. Iyan po ay base doon sa swimmable area, iyon pong swimmable area natin at saka iyong inland natin at any given time 19,000 tourist po ang puwedeng ipasok, for an average of 3 days po per tourist. So, mayroon po tayong dapat na 6,400 in/out. So may arrival na 6,004, mayroon tayong departure 6,004.
Now, ano iyong mga solutions natin later on kapag po iyan ay gusto nating i-expand iyong carrying capacity? One is to extend the coastal line at saka iyong beach usage. Iyan po iyong sinasabi ng DPWH natin na they are doing their job sa Bulabog to extend iyong bay walk at saka po iyong road. That’s another beach site na puwede pong gamitin ng tao, ma-extend po iyong ating swimmable area. Second, iyong mga swimming areas po natin sa mga hotel, swimming pool. So instead po na mag si-swimming sila doon, mag si-swimming po sila dito. So eventually po magkakaroon tayo ng graduated adjustment. Pero of course itong ganitong pagkakataon, guided muna tayo dito sa ating 19,000 at any given time at 6,400 na in/out, departure/arrival noong tourist natin per day.
At second po doon, we maintain iyong ating mga compliant hotels. Sa ngayon po we have 115 compliant hotels as accredited po ng ating DOT. And numbers are still going on and they are trying their best to be a compliant.
SEC. ANDANAR: Okay, on the same topic, pero tatawid tayo ng isla, doon tayo sa Caticlan.
USEC. RIGOR: Yes.
SEC. ANDANAR: Kasi may airport tayo diyan.
USEC. RIGOR: Correct.
SEC. ANDANAR: And I understand mayroong isang terminal na ginagawa pero hindi pa tapos ‘di ba? Iyong parang—for—is it international terminal ba iyong gagawin diyan? Kasi mayroon akong nakitang parang—
USEC. RIGOR: Reclaimed area.
SEC. ANDANAR: Iyong reclaimed area, na gagawa ng airport.
USEC. RIGOR: Ah iyon pong hindi pa tapos na airport?
SEC. ANDANAR: Now, ano bang plano diyan, Usec.? Ito ba ay tuloy-tuloy na mangyayari ito at once na natapos itong terminal, itong airport na ito, of course dadami na naman ang mga eroplano from—perhaps different parts of the country. I don’t know kung international ba ito? Mayroon bang mga lilipad mula sa ibang bansa?
USEC. RIGOR: Well, both po eh, kasi iyong design po ng airport is a small international airport pero it will service po iyong local natin and then later on, magiging international. Ang impact po nito, of course, dadami po iyong ating tourist, pero with encouragement of inclusive growth – not only tourist coming here all in Boracay – we also wanted to encourage the inclusive growth along the coastal lines of Kalibo gearing toward sa Buruanga. So iyon pong ganoon na strategy will also distribute the tourist. Kasi hindi lang po ang jump off coming Boracay. Before po kasi ang jump off, you go to Boracay and then you hop on to other island. With the help of the Malay—with the help of the provincial government, they are trying to put up an integrated terminal po doon sa Island Jetty Port as jump off sa mga ibang neighboring islands; from there magkakaroon tayo ng distributions of tourist.
SEC. ANDANAR: So the distributions of these to different tourist spots within Aklan – within Aklan? That’s very good to hear. Alam ninyo Sec. Año, kapag pinag-uusapan ay tourism and then you have 1 to 2 million tourists a year na inaasahan sa Boracay; at least the history will tell us na 2 million tourist dito sa Boracay, perhaps more in the coming months or years to come. Iyong security po natin, nagkaroon po ng kaunting kontrobersiya dahil mali po iyong naging—parang hindi po naging maganda iyong headline ng isang pahayagan. Pero ano po iyong assurance ng DILG pagdating po sa seguridad ng mga turista natin?
SEC. AÑO: Well, unang-una, iyong ating tourism police kinapacitate (capacitated) natin iyan, tinrain (trained) natin iyan para akma talaga iyong kanilang role sa pag-safeguard at pag-ensure ng safety ng ating mga tourist. Karamihan ng mga tourist natin nanggagaling sa South Korea, Japan, may kinreate (created) tayong separate desk diyan para sa mga Korean at Japanese ‘no, and now even Chinese. So meaning to say, as our tourism industry grows bigger, the more that we put additional police officers to ensure their safety.
Dito sa Boracay ime-maintain natin iyong Boracay island security task force na kung saan, ito together with some other agencies like coast guard ay mayroon silang additional capacity to ensure the safety. Mula noong isinara natin iyong Boracay, nag-function na ito. And I’m happy na marami silang accomplishment. There were even about 5 wanted personalities they arrested here in Boracay, even drug users and drug pushers, during the entire ano ha, closure. So meaning to say may problema na iyong Boracay even before the closure. And now nakita na natin ito, we are adding additional police personnel here.
SEC. ANDANAR: Iyong nabanggit po ni Secretary Romulo-Puyat – Berna, na Boracay should not really be—talagang puro party-party lang ‘no. Alam ninyo kapag party, kapag puro party, beach party, kaakibat niyan droga eh.
SEC. AÑO: Yes.
SEC. ANDANAR: Mga party drugs ‘no. So ano po ang magiging polisiya ni Secretary Año specifically dito sa Boracay dahil alam natin ang Boracay is a crown jewel of beach tourism in the country. Pagdating po diyan sa party drugs, iyong pagpupuslit ng mga droga dito po sa Isla, ano po ang inyong—
SEC. AÑO: Sa mga guidelines na inilabas natin: unang-una iyong partying ipinagbabawal na natin si beach. Kung magpa-party kayo doon na lang sa hotel kung saan kayo nag-i-stay. No drinking, no smoking in the beach. Bawal na rin maglagay ng chairs, massage bed. Dapat the beach should be for those who would like to swim, gusto nilang mag-sunbathing doon. So, very few, very specific, ipatutupad natin lahat ng ordinances na iyan.
And then iyong carrying capacity, i-observe natin iyan doon pa lang sa pagpasok sa port, may screening na doon. Kaya nga ini-encourage—sabi nga ni Secretary Berna Puyat, huwag kayong papasok sa Boracay as much as possible kung wala kayong reservation sa accredited hotels, kasi kawawa naman baka ma-stranded kayo or wala kayong makuhang accommodation.
Now if for example dumating ka sa hotel—sa Boracay, wala kang accommodation, mayroon namang mga establishment doon for walk-in, on first come first serve basis. So doon pa lang pagpasok doon sa Malay Port, ma-screen na natin doon, mache-check na rin natin iyong mga taong pumapasok pati iyong mga sinasabing relatives or visitors of Boracay residents. Kasi hindi pupuwede na ang mga turista ay tutuloy sa residences, iyong parang tinatawag na Air BNB; dapat doon lang sa accredited hotels.
Ite-train natin iyong mga residente mismo ng Boracay para tumulong sa pag-maintain ng peace and order. So—kasi ito dapat ownership eh, kanila ito – so dapat sila iyong mag-alaga ng island pati na rin sa kalinisan. Mayroon tayong kalikasan warriors and volunteers under the DENR at saka ng PNP, sila iyong tutulong para siguraduhing malinis ang ating shoreline ng Boracay.
SEC. ANDANAR: Secretary Villar, 6 months kasi iyong naging rehabilitation eh, pero alam ko iyong public works na kailangang gawin sa buong isla ng Boracay ay imposible ang 6 months. Sa inyong timeline, kailan matatapos iyong lahat ng pagkukumpuni ng mga kalye, pag-aayos ng mga drainage system dito sa Boracay?
SEC. VILLAR: Well, mayroon kaming ginagawa, iyong first phase. Ito iyong prinariorities namin dahil ito iyong pinaka-congested, ito ang pinaka-busy na area, iyong galing sa Cagban Port going to station 1, pero—up to station 2 at this point. Iyon ang prinarioritize (prioritized), itong first phase, 4 kilometers, tapos kinumpleto din namin iyong circumferential road – so iyon ang unang priority this year.
Now, of course noong nagsimula kami, that was April, siyempre iyong proseso ng gobyerno—hindi naman kailangang—ang dami pang kailangang gawin. Kailangang gibain muna iyong mga structures, kailangan ilipat muna iyong mga utilities. So—at rainy season pa, so marami ring mga challenges pero despite that confident naman ako, natutuwa naman ako at substantially completed na lahat ng mga infrastructure projects. Talagang hindi natulog ang mga tropa sa DPWH para ma-meet itong deadlines, kasi siyempre gusto namin na matapos iyong, significantly, ang infrastructure projects pagdating ng October 26. And I was quite happy that 80 percent natapos na rin. Karamihan ng mga major works ay natapos. So ngayon naman, we can expect that approximately that time, period of one month, tapos na iyong mga infrastructure projects, within the year. So at least by December we can—magandang maganda na, malinis na—
SEC. ANDANAR: By December.
SEC. VILLAR: By December, pero ngayon pa lang 80 percent na, ano na lang kami—finishing touches na lang kami sa aesthetics.
SEC. ANDANAR: Medyo bitter/sweet ang ating karanasan dito sa Boracay. Bitter dahil alam nating napabayaan at kahit papaano mayroon ding mga naapektuhan na mga hanap-buhay, mga negosyo; pero sweet siya dahil the Philippines, 7,100 islands, ito talaga ay isang tourist destination, napakadaming mga tourist spots na puwede pang pakinabangan at puntahan ng mga turista. Sec. Mark, ano iyong mga lessons dito sa Boracay na natutunan ng gobyerno sa palagay mo na dapat i-apply din sa mga – Siargao, Palawan, Bohol – in terms of public works?
SEC. VILLAR: Ako, dalawang bagay lang ang sa aking pinakaimportante: leadership and teamwork. Iyong leadership ni Presidente, sinabi niya, he had the political will na isara iyong Boracay. Nakita niya na kailangan na kailangan at naging cesspool na rin ang Boracay. Kung hindi niya shinut down ang Boracay, mahirap ding magtrabaho eh kasi siyempre pagdating sa rules, pag marami pang tao mahirap ding magtrabaho. So kaya namin—in the form of civil works perspective, kaya namin na-accomplish iyong 80 percent in less than 6 months dahil sa desisyon ni Presidente – so that’s were leadership.
At iyong teamwork, definitely, itong mga paglinis ng tubig, itong paggawa ng mga drainage at structures, hindi kaya kung walang tulong ng DILG, DENR, lahat po ng—Department of Tourism, kung walang teamwork hindi talaga—kung hindi nila kinilear iyong mga right of way, hindi talaga matatapos iyong mga civil works in such a short span. I mean, ako, this is testimony sa leadership ni Presidente dahil napakaikli po ng 6 months for infrastructure to rehabilitate—but substantially nag-succeed ang government, that’s because of the teamwork and the leadership ng ating Pangulo – si Pangulong Duterte.
SEC. ANDANAR: Thank you, Sec. Mark. Last few questions. Usec. Sherwin, you were there during the—I think last two Cabinet meetings and then in-explain ninyo iyong sitwasyon sa Boracay tapos napag-usapan doon sa Cabinet iyong panukala na magkaroon ng isang authority dito sa Boracay. Puwede mo bang ipaliwanag sa publiko kung ano iyong authority na iyon, ano iyong posibilidad na mangyari iyong authority na iyon at gaano kahalaga iyong tourism authority or iyong management authority ng Boracay?
USEC. RIGOR: Iyon pong pamunuan natin ngayon po eh—are gearing towards—of creating or pagbubuo po ng isang tourism authority na related po iyong ating mga tourism zone; the purpose of that po is to have run it by a professional council or committee or authority para po mayroon po tayong full time 24 hours that manages it, pagdating po sa tourism at itatahi-tahi po niya in consolidation sa lahat po noong mga batas sa bawat sangay ng ating departamento para hindi lang po part siya ng isang LGU. Para po—ehemplo po niyan BGC, BCDA, iyong CDC – iyong Clark, iyong PPMC, iyan po ay mga eco-zones, so iyong formula po niyan parang eco-zone pero tourist zones po siya ngayon focusing on the tourism industry or tourism related.
Ang kagandahan po nito, mayroon po tayong tao o grupo na magbabantay, na mag-aasikaso araw-araw po niyan. Hindi lang po—kasama dito ang ibang ahensiya ng gobyerno. Napakaganda po nito kapag po ito ay nabuo kasi po iyan rin po ang clamor noong mga business establishment dito and even po iyong mga turista. Kasi mayroon na po silang puwedeng tanungin, ‘Oh ano bang dapat naming—or regulasyon natin.’ Before po kasi we have different sets of regulation for the different agencies involving tourism management.
SEC. ANDANAR: Thank you so much, Undersecretary Sherwin at Secretary Mark Villar, maraming salamat sa inyong panahon. Of course, I leave the last words sa ating birthday boy, si Secretary Ed Año. Secretary Ed, baka puwede mong i-invite iyong ating mga listeners, ang ating mga viewers, anong i-e-expect nila sa Boracay? Bakit nila kailangang—puwede na silang bumisita sa Boracay at ano ang kanilang aasahan dito?
SEC. AÑO: Well, unang-una, Boracay is not just the jewel of the Philippines but the jewel of Asia. It’s one of the most beautiful tourist spot in the whole world. And iyong sampung taon na nagkaroon ng degradation, sa 6 months ay napakapag-rehabilitate tayo. Kailangan makita ninyo iyong kaibahan ng Boracay 6 months ago at it is for you to enjoy the nature and the beauty of Boracay. But of course still marami pa tayong gagawin, iyong ating mga negosyante na nandito, pinapakiusap natin iyong hindi pa compliant, mag-comply kayo. Kailangan compliant tayo and we will enforce the law to everyone para sisiguraduhin natin na ligtas ang lahat ng pupunta dito sa Boracay at you get for what you pay for. So welcome to Boracay.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Secretary Ed Año at happy birthday sa iyo. Secretary Mark Villar, Undersecretary Sherwin Rigor, maraming salamat. Kayo po ay nakikinig sa programang Cabinet Report sa Teleradyo – ito po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Puwede ninyo pong panoorin iyong ibang mga prinoduce ng RTVM at ng Presidential Communications Operations Office na mga kuwento o mga package reports sa pamamagitan po ng PCOO na Facebook page, iyong Presidential Communications Operations Office. Puwede rin po kayong pumunta sa RTVM na Facebook page. Puwede rin po sa RP1 o Radyo Pilipinas Uno at sa Philippine Information Agency at Philippine News Agency.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)