MR. PALO: Narito po ang guest natin mula po diyan sa lalawigan ng Region X… Okay, ang representante po ng Region X [laughs]… nasa linya po natin si siyempre pa ang partner natin at ang heartthrob pa rin ng Gabinete ng Pangulo, siyempre pa Secretary Martin Andanar, magandang morning, maayong buntag sir.
SEC. ANDANAR: Hello, maayong buntag Leo and si Vinci Beltran…
DIR. BELTRAN: Hello po…
SEC. ANDANAR: Salamat at tumawag kayo ngayong Sabado, alam mo paminsan-minsan lang kayo tumawag, pero okay lang iyon. Pero anyway, kidding aside I just arrived from Cagayan De Oro, from Region X, oo kagaya ng sinabi ni Leo na ako ang inyong reporter mula sa Region X. So kaninang umaga ako dumating, last night I was there…
DIR. BELTRAN: Kamusta po ang biyahe ninyo po sa Cagayan De Oro, Sec.?
SEC. ANDANAR: Napakaganda ng biyahe natin dahil kagabi kasama ko si Usec. Joel Egco, nag-turnover kami ng mga Task Force on Media Security manual for the media. And itong manual ho na ito ay isang taong pinaghirapan ng PTFOMS, Department of Justice, PCOO – at iyon finally, mayroon na pong manual para sa seguridad ng mga media. Do’s and don’ts ito, kung kayo’y nate-threaten, anong dapat gawin etcetera. At ito nga ay tinurn-over natin sa Cagayan De Oro Press Club—and by the way ha, ang Cagayan De Oro Press Club celebrated its 67thyear kahapon. Ito ang pinaka-oldest… the oldest press club in the Philippines
MR. PALO: Nakita mo ba iyong pangalan ng tiyuhin ko?
SEC. ANDANAR: Sinong tiyuhin mo?
MR. PALO: President ang tiyuhin ko diyan, Napoleon Palo…
SEC. ANDANAR: Ah, founder ba siya?
MR. PALO: Oo kasama ‘yan, Napoleon Palo, naging president ‘yan diyan.
SEC. ANDANAR: Ang galing oh, talagang…. Hindi alam mo ano eh, kasi iyong mga Palo, mga hard-hitting journalists… Okay, just to give you a sense of history ng Cagayan De Oro Press Club, ito po iyong mga founder diyan: si Senator Nene Pimentel at si—iyong mga buhay pa ha; Senator Nene Pimentel at si dating Mayor Ruben Canoy, oo. Tapos itong press club na ito ay tinayo nga noong 1951, tapos noong panahon ng martial law… alam naman natin Senator Nene Pimentel saka si Ruben Canoy ‘di ba mga vocal ‘yan ‘di ba – lalo na si Senator Nene, vocal ‘yan.
So… kaya iyong Cagayan De Oro Press Club, they are known to be critical of the government whether kung administrasyon ka or ikaw ay nasa oposisyon, talagang balanse ‘yan at kinakatakutan iyong Cagayan De Oro Press Club.
MR. PALO: Mas ano daw eh, mas matapang pa kaysa NPC.
DIR. BELTRAN: Talaga…
SEC. ANDANAR: Ang NPC is only 66 years, itong Cagayan De Oro Press Club is 67 years kaya kinongratulate (congratulate) din sila ni Usec. Joel Egco na dating Presidente ng NPC; at ako naman ay… I was honored to be conferred an Honorary Membership ng Cagayan De Oro Press Club. O kaya salamat po sa Cagayan De Oro Press Club.
MR. PALO: Hindi lifetime? Lifetime member [laughs]…
SEC. ANDANAR: ‘Pag lifetime member kasi walang bayad ng dues eh [laughs]… Hindi pero… pero just the same, pinapasalamatan ko po iyong Cagayan De Oro Press for giving me this honor na maging Honorary Member. Alam ninyo, I dedicate this to my grandmother and grandfather, iyong aking Lola Lily at aking Lolo Ed. And sabi ko nga kagabi, they must be watching from above happy and thanking the Cagayan De Oro Press Club – kasi nga, dito na rin ako namulat sa Cagayan De Oro eh, namulat ako sa trabaho ng pamamahayag at broadcasting. So I’m basically… I was inspired by the broadcasters and the journalists in Cagayan De Oro – kaya thank you po, Cagayan De Oro City.
DIR. BELTRAN: ‘Ayan… congratulations uli.
MR. PALO: Congrats ha… Eh sila ba diyan ay—nababalitaan na ba nila iyong mga kaganapan dito sa Maynila, lalung-lalo na iyong national ID system? Nasa linya kasi natin iyong ating National Statistician and Civil Registrar General…
DIR. BELTRAN: Ng PSA…
MR. PALO: Oo, si Dr. Lisa Grace Bersales. Dr. Liza good morning, kasama po natin si Secretary Mart Andanar mula sa Cagayan De Oro…
USEC. BERSALES: Good morning Secretary Mart and Leo and Vinci. Thank you for inviting me to participate in your conversation.
SEC. ANDANAR: Good morning, Usec. Bersales. Nasa Manila na ako Leo, kanina ako dumating.
MR. PALO: Ah, nakarating na pala sa Manila…
SEC. ANDANAR: Ma’am Usec., mayroon po akong magandang balita sa’yo…
USEC. BERSALES: Ano iyon Secretary Mart?
SEC. ANDANAR: Kasi two days ago, kasama ko iyong top level management ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, at doon in-announce ko sa kanila na kung puwede we can work together, tulungan po natin ang ating project na National ID System, at iyong PSA tulungan natin para mas lalong maipaliwanag natin sa publiko kung ano iyong mga advantages nitong National ID System, at sila po ay pumayag, ma’am.
DIR. BELTRAN: Wow, tutulong po sila sa information drive po kumbaga po Sec…
USEC. BERSALES: Secretary Martin salamat po sa inyo talaga, we need all the help we can get from media and of course sa PCOO para po talagang maintindihan ng lahat, ano ba itong national ID. Thank you Secretary!
SEC. ANDANAR: Of course, anytime po – anytime…
DIR. BELTRAN: Usec, ano po ba ang updates ngayon sa National ID system po?
USEC. BERSALES: ang atin pong pinaka high-level committee or council sa National ID ay— ito ‘yung ating Philippine Identification System Policy and Coordination Council, nag-meeting po kami kahapon at na-approve ‘yung balak natin na mag-start na ng tinatawag natin na proof of concept for the Philippine Identification System. Sa layman’s term, ito po ‘yung ite-test na po natin iyong nagawa namin na design for the Philippine Identification System. O ito po ay gagawin natin for six months, starting January, ite-test po natin ‘yung ginawa na namin na design and ang partner agency po natin ay PhilPost, siya ‘yung maging registration center. Ang target po namin ay mag register ng mga… at most mga one million, although sinabihan kami ng Council na kung hindi namin magawa talaga ang one million, okay lang. Kasi, this is testing process naman.
So magre-register na po kami, through the proof of concept in January of the first group of people/citizen to have their capture of their information into our Philippine Identification System. At napili po namin ‘yung mga kasama po sa unang grupo ‘yung mga nasa Unconditional Cash Transfers ng DSWD. Pero isasama na po namin ‘yung mga iba nating mga kababayan na nahihirapang kumuha ng ID; ito po ‘yung mga Indigenous People (IP) at saka ‘yung mga nakatira sa mga medyo malalayong lugar. ito po ‘yung tinatawag natin na mobile registration. So, ‘yung iba po, pupunta soon sa mga PhilPost na facilities, pero ‘yung iba ite-test namin ‘yung tayo mismo ang pupunta sa kanila at dadalhin natin ‘yung ating mobile registration.
So, iyan po ‘yung pinaka important na activity Leo and Vinci, Sec Mart. Alam ninyo na ito siguro, magpo-proof of concept tayo to test our design of the System that we have now; it will happen in January but we hope to launch it in December. And after we test this design, mag-aano na po tayo, ‘yung pinaka-final o pinaka-procurement ng full System, gagawin po namin sa June. So gusto ko lang po i-announce na next year pa po siya mangyayari.
DIR. VINCI: Usec., sa pagkuha po nitong ID, kasi ang gusto nating ma-address dito, kumbaga, ang daming required na ID para kumuha ng ibang mga… para sa iba’t-ibang mga proseso, pero para makuha itong national ID, hindi ba kailangan din ng ibang ID rin?
USEC. BERSALES: Thank you so much for asking that Ma’am Vinci. Marami po tayong puwedeng i-submit para makuha ‘yung ating ID card. Pero lahat po tayo ire-register natin sa Registry ng National ID. kung gaano kabilis natin, makuha ‘yung ID card natin will depend on the document that we will submit:
So, ang number po will be our birth certificate and supporting paper from PSA. So, kung ‘yan po ‘yung ating isa-submit mas mabilis po tayong mabibigyan ng ID card.
Ang other one is, puwede din na instead of birth certificate, mag-submit po tayo ng any government issued ID card na mayroon siyang feature like… may picture at saka may signature.
Pero po kaming listahan ng mga accepted, mayroon po kaming listahan na ipapalabas. Kasi hindi naman lahat ng ID, ia-accept namin.
Third po, ‘yun ‘yung ia-address natin na gusto nating unahin ‘yung mga walang government issued ID: so, the first is what we call the introducer system, through an affidavit (by a barangay captain or a disinterested party)
MR. PALO: Iyong printing niyan, sino ba, ang APO din ba?
USEC. BERSALES: Iyong printing po ay pinag-uusapan pa po namin, at siyempre po that will require procurement also.
MR. PALO: Ah okay, akala ko sa APO din… hindi pala sa APO.
USEC. BERSALES: Iyong APO… APO is one of our possible partners…
MR. PALO: Ay Secretary, possible lang pala kayo…
SEC. ANDANAR: Hindi, ang alam ko kasi diyan ano eh… tatlo kasi iyong government—
USEC. BERSALES: Kasi po, we have to follow—ay sorry po Secretary, sige po.
SEC. ANDANAR: I was just going to say Usec. na mayroon lang tatlong government registered na mga printers or agency – at ito iyong Bangko Sentral, ito iyong National Printing Office at iyong APO Production Unit. So kung anuman iyong magiging desisyon ng PSA, would revolve around the three plus kung sino man iyong partner na technology na gagamitin ng PSA. But it has to go through those three government-registered agencies for printing.
MR. PALO: Ano iyon Secretary, magbabayad ang PSA sa inyo, ganoon?
SEC. ANDANAR: Ah—
USEC. BERSALES: Opo, Leo… if I may answer that also Secretary Mart ‘no. Tama po kayo, kaya sinabi kong APO is one of the possible kasi kailangan pa po naming mag-usap. So Secretary, that’s another discussion that we need to do for our proof of concept kasi po we have to go through… alam naman po natin we have to go through our procurement law. Tama po si Secretary, for government entity we have three: APO, NPO and BSP.
MR. PALO: Ano bang under ng PCOO Secretary, NPO and APO ba?
DIR. BELTRAN: Parehas, oo…
SEC. ANDANAR: NPO and APO… Pero ito kasing project… ito, magandang legacy ito kay Usec. Bersales, talagang ako’y natutuwa; I’m very happy for you ma’am na talagang sa panahon ni madam, talagang alam po naman natin na si Usec. Bersales ay very qualified, very intelligent, kaya nga National Statistician siya eh. At itong ganitong klaseng mga pagkakataon na may mga bagong polisiya na nagiging batas at mai-implement natin ‘tong National ID System, ay walang ibang pinaka-qualified kundi si Usec.
Going back to the printing, kailangan talaga tamang proseso, kailangan aboveboard lahat, kailangan talagang dumaan sa procurement dahil napakalaking halaga ang involved dito, hindi ho ba Usec.?
USEC. BERSALES: Yes, Secretary Mart. Iyong atin pong final po na ipo-procure next year ay 1.4 billion pesos po ang worth noong procurement and we have an indicative budget for the whole implementation of the Philippine Identification System of about 30 billion pesos. Pero gusto ko lang pong i-clarify na indicative budget pa lang po siya, mapi-firm up po siya after the proof of concept na gagawin natin in the coming six months.
So Secretary Mart aside from the communications strategy, we have to meet again to discuss naman iyong printing for the proof of concept—
SEC. ANDANAR: Opo, wala pong problema… Kasi itong National ID System, this is very important, not only because malaki iyong scope nito, buong bansa. Pero we’re talking about the information of every Filipino, so iyong—
MR. PALO: And this is the future, Secretary…
SEC. ANDANAR: Oo, saka iyong security hindi ho ba ma’am, security ng information papaano, kung anong klaseng technology, kasi may mga nababahala na baka iyong kanilang impormasyon ay ma-leak or ma-hack. ‘Di ba iyong Facebook nga, na-hack iyong Facebook eh, kaya kailangan talaga ay iyong high security printing technology, iyong pinakamataas talaga ang dapat gagamitin dito, iyong mga parang ginagamit sa mga passport ng UK, ng Pilipinas, ng America na hindi maha-hack.
DIR. BELTRAN: Ayun… sana nga ay makuha ng PCOO.
USEC. BERSALES: Sir Martin, gusto ko ring dagdagan iyong sinabi ninyo about legacy, Sir Leo and Ma’am Vinci… napaka—nakalagay po talaga sa isip namin na this national ID will actually be the legacy of the President, that is why we really want this to be successful and—so we really need all the help and the support of everyone. And again, I would like to thank PCOO for all the help that it has been giving us. But we are also—on board with us is the National Privacy Commission that has always been, you know, monitoring us as to the privacy and security issues and features of the national ID; and of course the DICT that has committed to help us on the IT platforms, interoperability… kasi talagang importante po itong national ID para mabigay natin sa ating mga kababayan iyong tinatawag nating ‘ease of doing business’.
So parang ang dami pong—although napakasimple noong national ID, just to provide identity… but the use of the national ID is revolutionary for our people – na with this one card – ID card, na mapadali naman iyong buhay ng mga Pilipino para makuha iyong serbisyo ng gobyerno at ng mga private sector… Mapadali ang buhay ng mga Pilipino sa pag-transact.
SEC. ANDANAR: Iyong convenience na pinag-uusapan, iyon ang mahalaga dito. Pero Usec. Bersales, ma’am ano po ba iyong mga example na government transaction na talagang siguradong kailangan or puwede nang gamitin iyong National ID System?
USEC. BERSALES: Thank you, Secretary. Number one diyan of course, iyong access to social protection, so PhilHealth services and consequently, hospital services. The other is, iyong atin pong—iyong transaction natin with BIR, transaction natin with… iyong sinabi ko na PhilHealth, NBI
MR. PALO: NBI…
USEC. BERSALES: NBI… even po Comelec is on board. So the national ID can be used as an identification card when we participate in election. Another po, ay naku importante po ito – iyong financial inclusion na ngayon po para tayo makakuha ng—maka-open ng bank account kailangan natin ng dalawang government issued ID; magiging isa na lang po ang hihingin ng mga bangko, and this will be monitored by Bangko Sentral. ‘Pag may national ID tayo, dapat puwede ka nang mag-open ng bank account.
DIR. BELTRAN: Usec., may nagtatanong lang po. Paano daw po iyong sa mga OFWs po, paano po sila makakakuha?
USEC. BERSALES: Ay, maraming salamat. So kasama po namin sa pagplano ang Department of Foreign Affairs, kasi po iyong mga kababayan natin na nakatira sa labas, magta-transact sila with the Consulate offices. So iyong DFA kasama po natin sa pagplano para paano makakuha ng Phil ID iyong mga kababayan natin nakatira abroad.
Pero moving forward, ang balak po namin ay ipo-propose po namin sa POEA na sana iyong mga OFW natin bago sila lumabas ng bansa para magtrabaho sa labas ay makakuha na sila ng National ID.
PALO: Iyan ha, sa mga OFWs na nakikinig. Pero puwede na rin silang ano—parang hindi na umuwi? Sa pamamagitan na lang ng kahit na anong agency doon?
DIR. BELTRAN: Na nasa—
USEC. BERSALES: Opo, sa ano po sila pupunta sa DFA—
PALO: Ah sa DFA lang?
USEC. BERSALES: — sa Consulate, sa DFA, kung saan po sila kumukuha ng mga birth certificate, kung saan sila nagpa-file ng marriage—kumukuha ng marriage license kapag nagpakasal sila abroad, doon din po sila pupunta. So dito po sa mga konsolada ng ating DFA, doon po sila pupunta.
PALO: Alright, doon sa mga may senior citizen ‘di ba? So kung kumuha sila ng ganitong klaseng ID, makikita ba kung sila ay senior citizen?
USEC. BERSALES: Opo, Sir Leo. So ang vision uli ay hindi na natin kailangan ng senior citizen card eventually.
PALO: Ah, okay, oo tama.
USEC. BERSALES: For senior citizens to avail of all of the privileges, then a national ID is what they can show. Ibig sabihin—
PALO: Ano may kakaibang kulay ba para sa kanila? May ano ba—special?
USEC. BERSALES: Parang wala, wala pa kami, Sir Leo, wala pa kaming final na desisyon doon sa itsura noong ating Phil ID, pero kung ako iyong tatanungin ninyo, ayaw natin ng tinatawag na possible discrimination ‘no. So for me, dapat pare-pareho din iyong itsura noong ating card whether you are IP or your citizen or not, but that is just my personal opinion. The National ID Council will eventually have to approve the design of the card and we will get all of your suggestions of course. Ah isa pa palang puwede kong idagdag na magiging use ng national ID. We are going to discuss this with the Bureau of Immigration na gayahin natin iyong mga abroad, iyong mga ibang country na kapag ang isang citizen or resident ‘pagbalik niya sa bansa noong biyahe niya abroad, puwede na niyang i-tap na lang sa mga RFID terminals iyong kaniyang national ID—
PALO: Kita mo, ang galing ha, bilis.
USEC. BERSALES: Na hindi na kailangang pumila doon sa BI for the passport. So iyon nga iyong mga possible uses pa pati ng ating national ID.
SEC. ANDANAR: Talagang ano ‘no, talagang limitless pala ito. Pero ang tanong ko po, Usec., anong taon po ba dapat o ilang taong gulang ang isang tao para maging compulsory ang national ID?
USEC. BERSALES: Sec. Martin, ang plano natin po ay upon birth. So upon birth kapag na-register ang baby, ang kaniyang birth automatically po magge-generate po ang PSA ng national ID number.
SEC. ANDANAR: Wow.
USEC. BERSALES: Tapos—so ibig sabihin upon birth may national ID number na ang baby. Pero siya po ay pupunta sa registration center to capture biometric and all other information. Ang naisip po namin 5 years old ang una, tapos siya po mag-enroll sa K to 12. At the next capture will be maybe age of majority – maybe 18, para po mag-mature na iyong kaniyang biometric, ika-capture na ulit.
SEC. ANDANAR: At iyong mga gustong magpa-naturalize, maging Filipino, it is the only time that they can have a national ID kapag sila ay Filipino citizen na?
USEC. BERSALES: Siguro, Sec. Martin kung sila ay resident, mayroon na po silang national ID pero ang nakasulat doon, siya ay resident alien. Pero kapag na-naturalize siya, eh ‘di papalitan po natin iyong kaniyang information at bibigyan siya ng bagong ID na nakasabi na Filipino na siya.
PALO: Alam mo, Secretary Mart at Usec. Bersales, may naano lang ako, bigla kong naisip ito eh.
DIR. BELTRAN: Ano?
PALO: Kapag ka pumasok at pumasa ang federalism, hindi kaya magkakaroon tayo ng problema dahil siyempre iba’t ibang ano o iba pa rin? Okay pa rin iyon kahit na may—Walang problema?
USEC. BERSALES: Okay pa rin iyon, Sir Leo, kasi iyong atin pong national ID, wala naman siyang… wala siyang information whether ikaw ay resident ng federal government or whatever, address lang naman ‘yung nandoon.
PALO: Naisip ko kasi sa Amerika ‘di ba may mga state-state eh.
DIR. BELTRAN: May mga state.
PALO: So baka ‘ka ko may state ID from New York, from Boston o ‘pag sa Manila naman may city federal state ka ng Manila and Cebu, magkakaiba ‘di ba? Para malaman kung taga saan ka talaga.
USEC. BERSALES: Oo so actually, Sir Leo, dahil sa national ID natin nakasaad diyan iyong address, maka-capture na ng national ID.
PALO: Makakalusot pa din?
USEC. BERSALES: Opo, and then if you change address, you can always go back to the registration center of the national ID to update your information of your address.
PALO: Kaya pala ayaw ito ng mga kaliwang grupo—
DIR. BELTRAN: No permanent address address [laughs].
SEC. ANDANAR: Hindi natural iyan kasi siyempre kapag ikaw naman ay namundok ‘di ba? Mas madali kang mahuli ngayon kasi kapag dumaan ka sa checkpoint, hanapan ka ng national ID, wala kang ID—
PALO: Patay ka.
SEC. ANDANAR: Oo siyempre ganoon talaga. I mean—it’s one of the reasons why, na heavenly invested din dito ang National Security Administration —
PALO: Yes.
SEC. ANDANAR:, ang NSA, sina Secretary—
PALO: Esperon.
SEC. ANDANAR: Hindi ho ba Usec. Bersales?
USEC. BERSALES: Tama po kayo, Sir Mart, nakipag-meeting na po kami sa kanila on—you know ensuring security concerns. Isa pong—sa meeting namin ay iyong pag-recruit din po namin ng aming mga tao sa national ID na we have to be very careful kung sino iyong na-recruit namin na ma-ensure iyong security and confidentiality ng atin pong database. Isa pa pala, Sec. Martin, Sir Leo, Ma’am Vinci, as to the use of the national ID, makakatulong po siya during disasters.
Kasi kapag tayo ay may national ID madali na rin pong mag-access iyong ating mga kababayan sa relief, disaster relief kasi makita lang nila iyong national ID nila, nandoon iyong address nila, malalaman na sila pala ay nasa disaster affected area. Unlike iyong nangyayari sa atin, recently like sa Marawi, kailangan pang magpa-register iyong mga tao to show na taga Marawi sila para makapasok sila. Also, in the case of Boracay, ‘di po ba para makapasok iyong residents’ ng Boracay, kailangan din muna nilang magpa-register para ma-make sure na talagang taga Boracay sila. If we have the national ID, wala na po tayong problem during disasters na ma-identify kung sino iyong affected specifically na citizen ng mga lugar na ito.
PALO: Basta ang alam ko lang namomroblema dito iyong mga kriminal, iyong mga organized crime group, iyong NPA, iyong mga terorista, ito lang problema talaga nilang matindi—
DIR. BELTRAN: Pero para sa lahat—
PALO: Nakausap ninyo na ba sila, Usec.?
DIR. BELTRAN: Pero para sa lahat ‘no, mas marami ang makikinabang kaysa sa iyong—talagang magtatago para maka—
SEC. ANDANAR: Lalo na ngayon, Vinci na talamak iyong mga ISIS, iyong nag-alisan iyong mga ISIS doon, maraming mga foreign terrorist fighters na nagsi-uwian mula doon sa Syria ‘di ba mayroon sa Pilipinas, mayroon din sa Indonesia, Malaysia and we need to stop these elements and the national ID system is one of the best ways to at least control the number of people, the number of tourists, iyon mga ano ba—iyong mga dayuhan na pumupunta sa bansa natin, para malaman natin na itong turista ba na ito ay talagang pupunta dito para mamasyal o para mamundok din. So iyon ang mga dahilan na—kaya importante talaga itong national ID.
PALO: Sa test na iyan, Secretary, ano iyan eh, parang ito subok pa lang, testing the water. Pero katagalan niyan kapag nag-go na, swipe-swipe na lang. Iyong pulis kukunin iyong ID mo ‘di ba? Ibibigay sa iyo, isa-swipe pak, pagka-swipe ganiyan, titingnan. Biglang—
DIR. BELTRAN: May sabit—
PALO: Kapag iyan may sabit iyong ID mo, biglang magsha-shout sa radyo iyon, ‘May kriminal ako dito.’ [laughs].
SEC. ANDANAR: Totoo iyon, so mako-caution ‘di ba? In fact, kung nakabiyahe ka—pagpunta mo ng NAIA Terminal 3, Usec. Bersales., iyong mga pasaporte natin ay puwede ng basahin ng passport reading machine—
USEC. BERSALES: Yes, opo.
SEC. ANDANAR: Na ikaw mismo, iyong talagang—‘di ba iyong wala ng maga-a-assist sa iyo na immigration officer, ikaw lang.
PALO: Oh ‘di ba?
DIR. BELTRAN: Mas mabilis po.
PALO: Well, magandang balita ito sa lahat dahil—isama na natin ang NPA na ayaw magpakita at nagtatago nang tago. Sa lahat ng terorista, eh para ho sa inyo ito. Hindi naman kami nananakot eh.
SEC. ANDANAR: Leo, may tanong lang ako, Leo at Vinci kay Usec. Bersales.
DIR. BELTRAN: Yes po.
SEC. ANDANAR: Uulitin ko siguro hindi ko narinig, ewan ko lang kung napag-usapan na, iyong—kasi nabanggit kasi iyong unang area na kung saan ito susubukan. Kung saan tayo magpa-pilot—
PALO: Sa mga CCT daw—
SEC. ANDANAR: Saan-saan?
PALO: Sa mga Conditional Cash Transfer beneficiaries.
SEC. ANDANAR: Oo—hindi pero marami iyan eh, buong Pilipinas iyan eh.
PALO: IPs.
SEC. ANDANAR: Buong Pilipinas iyan.
USEC. BERSALES: Secretary Mart, Sir Leo and Ma’am Vinci, iyong mga unang-una pong na-identify namin ay National Capital Region, Cordillera Autonomous Region at saka CALABARZON. Pero sinabihan po kami, ang instruction din po ng ating National ID Council ay i-expand naman natin sa ibang region. So kapag nalatag po namin talaga iyong very clear implementation nitong ating proof of concept, ipapa-announce po natin ulit, dito sa inyong program din po at saka sa tulong ng KBP na sinabi ni Secretary Mart, iyong announcement kung saan specifically iyong mangyayari iyong ating proof of concept at specifically kung sino iyong mga grupong ito, iyong naikuwento ko ngayon, iyon pa lang po iyong mga plano pero kapag nalatag na po namin—alam ko iimbintahin ninyo ho ulit ako dito Secretary Mart…
PALO: Walang problema po basta nandito ka sa live—Joke, joke.
USEC. BERSALES: Opo, para malaman ho ng ating lahat ng kababayan kung saan at sino ang unang makakapasok sa ating national ID registry.
SEC. ANDANAR: Sa lahat po ng more than 50 Radyo Pilipinas stations kasama iyong mga affiliates natin—
PALO: Iyong live natin.
SEC. ANDANAR: PTV, lahat ng PTV sa buong Pilipinas pati iyong Philippine News Agency pati po iyong ating Philippine Information Agency ay nasa likod ninyo po, Usec. Bersales para po sa inyong information.
USEC. BERSALES: Thank you so much, Secretary Mart.
PALO: Nasa akin po iyong kung magkano ha. Ay joke lang po. [laughs].
DIR. BELTRAN: May bill agad; hindi pa puwede iyan.
PALO: Libre po iyon, libre.
USEC. BERSALES: Sir Leo, nakakatakot ka talaga magbigay ng information.
PALO: Libre po.
USEC. BERSALES: Salamat at na-mention ninyo iyon, Sir Leo, iyong atin pong pag-register at ang atin pong pagbabago sa mga datos—Philippine Identification System, libre po iyon.
PALO: Walang bayad.
USEC. BERSALES: Iyon pong ID card libre din po iyon. Ang gobyerno po ang magpa-fund, kaya ako po proud na proud akong magsabi nito na, this Philippine Identification System is fully Filipino, kasi po nag-commit po talaga ang government natin to fund this at saka iyong mga nagde-design nito ay ating mga—talagang mga Pilipino. Pero humihingi din po tayo ng advice sa lahat ng puwedeng magbigay ng advice.
SEC. ANDANAR: Ma’am, mayroon po akong—well, simpleng tanong na naman. I’m just curious ‘no, kasi—‘di ba sa mga ids, Leo, Vinci, mayroong mga numbers iyan ‘di ba, 000, 543, Sino po iyong 0001, sino po iyong pinakaunang Philippine ID?
USEC. BERSALES: Naku, Secretary Mart, marami pong salamat tinanong ninyo po ako.
PALO: Letter A, Andanar. [laughs].
USEC. BERSALES: Iyong pag-generate po ng number, random po siya. Ibig sabihin hindi natin maa-identify kung sino iyong number one kasi iyan po iyong ating promise sa ating—
DIR. BELTRAN: Ah hindi po siya sunod-sunod?
USEC. BERSALES: Oo, because that is part of the security feature of Philippine Identification System, where your number should not identify you.
PALO: Yes, oo.
USEC. BERSALES: Unlike iyong other numbers natin, if you will notice. Iyong number natin for example ako sa GSIS, naa-identify kung ano iyong birthday ko from my number eh. So our national ID will not in any way have any code there that will identify us. So sabi ko nga po, as much as we really want the President to have the ID number one, we will not do it because we don’t want him to be identified through his number. So—
PALO: Maganda—talagang ano ‘no secured.
USEC. BERSALES: Wala din pong vanity number. So wala pong request, ‘Puwede ba iyong number ko ay 14344 something?’ Hindi po, wala po; wala pong vanity numbers kasi randomly generated po siya.
DIR. BELTRAN: Usec., huling mensahe ninyo na po sa mga kababayan natin lalo po doon sa mga hanggang ngayon ay may hesitation po.
USEC. BERSALES: Marami pong salamat sa ating mga kababayan kasi base po sa mga survey na nilabas yata noong SWS, malaki po iyong acceptance noong ating paggawa ng Philippine Identification System at marami pong sumusulat sa akin na kailan po ba siya puwedeng kumuha ng kaniyang ID.
So nagpapasalamat po kami sa magandang acceptance. At iyong po naman, iyon nag-aalala tungkol sa security nila at confidentiality nila na imo-monitor sila, kayo po ay makakaasa na susundin po namin ang rule of confidentiality, Data Privacy Act. Lahat po naman tayo ay protected with the new law – Data Privacy Act. And we will do our best na iyong sinabi ni Secretary Mart na the latest IT technology will be used to make sure that we have the good IT infrastructure.
So makakaasa po kayo na ito po ay para sa kagandahan nating lahat, ng buong Pilipinas pero noong indibidwal na Pilipino na tayo po ay—revolutionary po actually itong national ID na ito eh, kasi nga sinabi ko kanina makakatulong po talaga siya na magiging mas madali po tayong makipag-transact sa gobyerno at saka sa private sector.
PALO: With that—
USEC. BERSALES: Ang request ko lang, Sir Leo puwede po bang—
PALO: Yes.
USEC. BERSALES: Kasi lahat po excited. Puwede po bang humingi lang ako ng understanding ng lahat, na tayo po ay 106.6 million Filipinos. So hindi po natin mabibigyan lahat ng 106.6 million ng ID card in one year. So tayo po ay pipila, we will provide everyone with this ID in 3 to 4 years. Pero uunahin po natin sa pila iyong mga kababayan na na talagang walang kahit na anong identity card.
PALO: Alright, with that Usec., thank you for your time dito sa RP1 at thank you po sa mga paliwanag. Nawa naintindihan ng ating mga kababayan at siyempre mayroon pa namang pagkakataon na maipaliwanag pang muli ang inyong legasiya dito po sa national ID system. Thank you so much.
DIR. BELTRAN: At tulong po ang PCOO. Thank you po.
USEC. BERSALES: Thank you very much.
PALO: Nandiyan pa si Secretary ‘no?
DIR. BELTRAN: Hello, Sec. Mart?
SEC. ANDANAR: Nandito pa, nandito pa.
PALO: Kasi hinahabol namin si ano, si—
DIR. BELTRAN: Representative.
PALO: Ang author din nito – si Congresswoman Sol Aragones.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)