Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III with PCOO Director Vinci Beltran


DIR. BELTRAN: …walang iba kundi ang heartthrob of the Cabinet, Secretary Martin Andanar. Hello po, good morning, Sec.

MR. PALO: Good morning Sec. and welcome…

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po. Salamat po sa pag-invite ninyo sa akin dito… Vinci at Leo, at sa lahat ng tagapakinig ng Radyo Pilipinas Uno. Congratulations po at kayo’y number 6 na sa survey. Balita ko ay zero kayo noon – betlog, [laughs] tapos nag-number 8, number 7 – ngayon number 6 na. At isa pong karangalan—

Congratulations nga pala sa NRCPO Press Club. Ginunita nila ang kanilang ikatlong anibersaryo kahapon dito sa Quezon City Sports Plaza or sports club… at tayo po ay nandoon para samahan ang ating mga kaibigan, sila Mother Lily Reyes—

MR. PALO: Siya ang President doon…

SEC. ANDANAR: Nandoon din po ang ating NCRPO Chief na si General Eleazar. Congratulations po at salamat po doon sa parangal, binigyan ako ng parangal – distinction. Nagulat ako Pare, binigyan ako ng—alam mo everytime na nabibigyan ako ng parangal ng mga organisasyon na media, it’s really emotional all the time for me. Iba iyon ‘pag galing sa mga kabaro mo eh ‘no, so kaya nagulat ako, and at the same time very memorable kasi kahapon, was the 9th anniversary of the Maguindanao Massacre…

MR. PALO: Sabay iyon eh…

SEC. ANDANAR: Oo, sabay. So sabi ko nga… kinukuwento kasi ni General Eleazar na dapat iyong 3rd anniversary celebration was supposed to happen 2 weeks ago. Eh kaso na-postpone nang na-postpone kasi busy nga si Gen. Eleazar, ang dami niyang sunod—President Xi Jinping dumating, preparation for the state visit of the Chinese President. Eh sabi ko may dahilan ‘yan, ang Diyos ay gumagawa ng mga paraan kung bakit—at palagay ko, ang dahilan nitong 3rd anniversary na ginawa ngayon on the 23rd of November 2018, eh para mag-coincide siya doon sa Maguindanao Massacre na 9 years na.

DIR. BELTRAN: Nakita po namin bumisita po kayo doon mismo po.

MR.PALO: Kasama si Usec. Joel Egco… and si Toto Mangudadatu nandoon din.

SEC. ANDANAR: Si Governor… nandoon din iyong mga kapatid niya, anak niya nandoon din at… iba Pare ‘pag nandoon ka eh, talagang mararamdaman mo—

MR.PALO: Ramdam mo… Just imagine mo 32 na mga kasamahan natin, mga kabaro mismo namin eh parang ang sakit kasi noon eh. Imagine mo kung ikaw nandoon… iyong pamilya mo.

SEC. ANDANAR: Iyong… the world stood still during that day on November 23, 2009 noong nangyari… na tayo Leo, si Weng, mga kasamahan natin dito, we were—si Vinci nag-aaral pa noong time na iyon.

DIR. BELTRAN: Opo… pinapangarap ko pa pong maging parte ng media noong panahon na iyon kaya affected din po.

MR. PALO: Pero sabi ni Weng binabago mo raw eh… May tanong ako, hindi mo sinasagot.

DIR. BELTRAN: Kanina bago dumating si Sec. may gusto kang itanong na directed talaga… sa mga COS

MR. PALO: Kasi iyong mga COS daw maraming nagtatanong… hindi lang sa PCOO main, sa lahat ng under ng PCOO. Eh iyong iba may 13th month na, may 14th month pa… eh paano naman daw iyong mga COS?

SEC. ANDANAR: Hello Secretary Ben Diokno… [laughter], ano po ba iyong directive nila? [laughter]

MR. PALO: Kidding aside, wala talaga silang… iyong mga COS?

SEC. ANDANAR: Alam mo—hindi, alamin ko kay Secretary Ben. Si Secretary Ben talaga iyong nagbibigay ng directive kung ano iyong dapat. Alam ni Vinci ‘yan…

  1. PALO: Pero may lumabas na news ah, na COS must be given also bonus…

DIR. BELTRAN: Ah, iyon po ‘yung for 2019, abangan po natin iyong for December.

  1. PALO: Ah sa 2019…

DIR. BELTRAN: Opo… iyong sa December, abangan natin.

SEC. ANDANAR: Nabasa ko iyon, nasa Singapore ako noong lumabas iyong balita na ‘yan eh. So anyhow, balikan natin… iyong Maguindanao Massacre kasi, ito ‘yung napaka—hindi, kasi napakaimportante—this is a day of mourning for the entire—

MR. PALO: History, actually that’s history. Part of history na…

SEC. ANDANAR: Oo, hindi lang ng buong Pilipinas dahil may namatay kundi ng buong media industry. Kasi noong time na iyon, doon nakita natin na namayagpag iyong impunity, iyong hindi pagsunod sa batas. Ang batas ay nilalagay sa sariling mga kamay iyong mga time na iyon. Para lang sa mga nakikinig ngayon na during 2009, iyong mga sanggol pa, you know ang nangyari kasi noon… si Governor Toto Mangudadatu na Vice Mayor noon ng Buluan ay kumakandidatong Gobernador ng Maguindanao…

MR. PALO: Correct. And then iyong misis naman ni Toto—

SEC. ANDANAR: Ang nagdala ng Certificate of Candidacy sa Shariff Aguak, doon sila papunta. Tapos hinarang sila doon sa may Ampatuan District ‘no, dito sa—munisipyo ng Ampatuan sa Maguindanao.

MR. PALO: And because that time, parang talagang personalidad sila that time eh… kaya ang media naka-cover talaga, coverage dahil ito iyong lalaban eh sa mga Ampatuan – so sumama.

SEC. ANDANAR: Sumama… Eh ngayon hinarang. Noong pagharang doon sa highway… eh mayroon kasing mga checkpoints ‘yun – mga militia, hinarang doon and then nagkaroon ng konting commotion—hindi lang konti, malaking commotion actually. Tapos binitbit sila doon sa Sitio Masalay, and this is about… siguro mga 1 kilometer, 1.5 kilometers away from the highway. Pagdating nila doon ay mayroon nang naghuhukay…

MR. PALO: Planado na nga eh…

SEC. ANDANAR: Planado na, may mga backhoe na lahat, etcetera… doon sila niratrat – limampu’t-walo katao ang niratrat. Hindi lang iyong tatlumpu’t dalawang mediamen, mayroon pang mga sibilyan, iyong asawa ni Toto, iyong kaniyang pinsan, mga kamag-anak niya at supporters. So—even iyong mga by-chance eh huminto lang doon sa—

MR. PALO: Nasali…

SEC. ANDANAR: Oo nasali…

  1. PALO: Kasi no choice eh, magiging witness sila eh.

SEC. ANDANAR: Eh hinarang ka, binraso, pinatay sila tapos doon nilibing. Ito iyong anecdote diyan… mayroong isang chopper na umiikot, nag-inspect. Ang nakasakay doon kapatid ni Toto Mangudadatu, Vice Mayor siya noon, Governor na siya ngayon. Ngayon umikot iyong chopper, at dahil nakita noong mga—iyong mga maglilibing sana doon sa mga minasaker, nagtakbuhan ngayon, hindi tinapos iyong paglibing sa limampu’t walo. Alam mo ba kung sino may-ari noong chopper na iyon?

DIR. BELTRAN: Sino po?

SEC. ANDANAR: Si Mayor Rodrigo Roa Duterte… sa kaniya iyong chopper.

MR. PALO: That time ha…

SEC. ANDANAR: Oo. So ibig sabihin, this is really personal to President Duterte. Kung hindi dahil sa chopper ni President Duterte—

MR. PALO: Hindi madidiskubre…

SEC. ANDANAR: Eh baka nalibing na, hindi na mahahanap kung nasaan iyon, wala na. O so dahil doon sa chopper… At ito na nga fast forward 2016, June 30 naging presidente, nanumpa… at ginawa ni Presidente ang Administrative Order No. 1 creating the Presidential Task Force on Media Security. Maraming nagsasabi ha, “Ah wala namang kuwenta…” Pero ito po—excuse me mga negatrons [laughter], excuse me…

Ang sabi kasi ng CPJ, in 2009 noong nangyari iyon, 2010 ay dineklara ng Committee to Protect Journalists (CPJ) ang Pilipinas as the second most dangerous country for journalists in the world – at ang tagal nating number 2 tayo parati. Pagdating ni Presidente, may AO 1… Usec. Joel Egco… tayo, magkasama tayo pati iyong Justice Secretary, pati iyong PCOO ay for the last 2 years ay nag-improve na – from number 2, ngayon number 5, oo… So ibig sabihin, our country is safe now.

Now ito ang dapat tingnan natin… ang sukatan po ng CPJ is every 9 years, 9 years.

MR.PALO: Ah! So malalaman natin this very year o next year?

SEC. ANDANAR: Hindi, ganito ‘yun… so ibig sabihin 2009, 2018 ngayon so ibig sabihin pasok pa rin iyong treinta’y dos na namatay. So by 2020 lagpas na tayo, so hindi na tayo masasama doon sa most dangerous country. Pero ito ang good news – bago pa mangyari niyan ay nag-anunsiyo na si Prosecutor Fadullon na maaring magkaroon na ng promulgation by first quarter of 2019.

MR. PALO: Yes, ‘yan actually ang inaasahan ng mga pamilya ng mga mamamahayag na naiwan, na inaasahan nila ‘yan and they will—sana daw, dito this time around ay iyong totoong hustisya na, kasi ang tagal eh, sobrang tagal na talaga.

DIR. BELTRAN: Tapos with regards po to PTFOMS talaga, hindi po natin puwedeng maliitan kung anuman iyong nagawa ng PTFOMS. Kasi ano iyon eh, any collective action… makita mo na may isang ahensiya o may isang istraktura na nakalaan para sa safety ninyo, malaking bagay iyon eh.

MR. PALO: Yes… Saka this time around, hindi ito iyong parang… “Eh hindi kilala ‘yan, hindi natin imbestigahan ‘yan…” Hindi, dito this time around kahit nga iyong awayan lang na parang personal, iniimbestigahan pa rin ng PTFOMS. Hindi, totoo ‘yun, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Kahit ano, kasi ganito iyon eh, media killing ‘di ba? Dapat kasi ang sukatan diyan, media related iyong pagkapaslang sa’yo. Mayroong mga 19 na mga media—18 to 19 na mediamen ang namatay mula June 30, 2016 hanggang ngayon; 19 iyong bagong kaso – 3 or 4 doon sa 19 ang media related.

Mayroong mga ibang kaso, halimbawa iyong kapatid iyong sumaksak or nagpapatay or—

MR. PALO: Anong kinalaman noon sa trabaho?

SEC. ANDANAR: Walang kinalaman sa trabaho…

MR. PALO: ‘Yan ang sinasabi ko…

SEC. ANDANAR: Iyong pamilya, iyong may away sa pulitika, sa lupa, etcetera… or mayroong—basta iba-ibang kaso, hindi media related.

MR. PALO: Yes. Kasi kadalasan ganoon eh, parang away lang pala doon sa barangay, away lang pala doon sa kapit-bahay o ‘di kaya… kung mayroong anggulo kasi na let’s say, katulad ko komentarista, babanatan ko si ganito; and for the next couple of hours ay mayroon akong banta, mayroon akong text, mayroon akong ganiyan… so makakasama iyon doon sa related. Pero iyong away lang na personal, naku wala talaga ‘yan… hindi kasama dapat pero isinasama pa rin.

SEC. ANDANAR: Well, hindi sinasama ng ibang mga grupo—o ng sa investigation, at iyong ibang mga grupo naman ay pilit pa ring—

MR. PALO: Pinapasok na…

SEC. ANDANAR: Pilit sinasabi na walang ginagawa ang gobyerno. Pero alam ninyo nagsalita na nga iyong CPJ eh, nagsabi na nag-improve na iyong standing natin Vinci…

DIR. BELTRAN: Yes po. At saka kung dati siguro basta makabilang na lang, ngayon malaking bagay iyon na may investigation…

MR. PALO: Hindi, ito in fairness sa ano Director Vinci… in fairness kina Sec. Andanar saka siyempre sila ang kasama doon, co-chair sila eh – ang PCOO, ang DOJ sa PTFOMS. In fairness sa kanila, hindi katulad dati kasi hindi talaga iniimbestigahan kapag halos wala nang—hindi na kasama eh sa ano—kunwari inimbestigahan ng pulis, pero hindi katulad nito na mayroon talagang agency na humahawak.

Sabi ko nga kay Usec. Joel eh, eh how about iyong mga dati iniimbestigahan pa rin? “Pare, hindi namin pinapakawalan ‘yan, lahat iniimbestigahan namin.”

DIR. BELTRAN: Nakatutok sila…

MR. PALO: Oo. Hindi katulad dati, eh sabihin na natin panahon ni Noynoy… wala, hindi iniimbestigahan ‘yan, bale-wala na iyon; kunwari lang parang ganoon. Sorry ha, pero dinadaanan lang iyon, ang kinukuha lang nila iyong talagang related lang, ganoon lang.

SEC. ANDANAR: Talagang ano… talagang iyong Maguindanao Massacre ay hindi siya naging yearly event under PTFOMS, dahil araw-araw ay mayroong ugnayan ang PTFOMS sa mga pamilya ng naging biktima ng Maguindanao Massacre. At aside from that, dahil napaka proactive ng PTFOMS, ni Usec. Joel Egco… gumawa rin sila ng ganito – Media Handbook, do’s and don’ts para masiguro na hindi ka masasaktan o pamilya mo. Handbook on Personal Security Measures for Media Practitioners – The Dos and Don’ts of How to Protect Yourself and Your Family. This is the first handbook in the world na nagsasabi na kung anong dapat gawin ng media. Pero siguro mamaya ‘no after the—

MR. PALO: ‘Yan ba ay libre sa lahat?

SEC. ANDANAR: Libre, libre ‘to sa lahat ng media. Kaya nga—

MR. PALO: Kahit hindi media puwede ba humingi?

SEC. ANDANAR: Ah puwede. Kahapon nga nandoon ako sa General Santos, bago iyong NCRPO kagabi, nasa GenSan ako at nakipag-meet ako sa SOCSARGEN ha, SOCSARGEN na press club, so ang dami nila at nag-turnover tayo nito. At noong the day before yesterday, nandoon tayo sa Maguindanao, doon sa Ampatuan mismo at nag-turnover din tayo ng mga personal handbooks sa mga media men and women na present during that time.

Wherever I go Leo at Vinci, even doon sa Papua New Guinea, iyong mga international media… nagulat nga sila: “This is the first time I’ve seen this. I’ve never come across with the personal security measure handbook for media practitioners…”

MR. PALO: Pero ito ba practically, parang let’s say puwede ba sa ibang bansa iyong—

SEC. ANDANAR: Ay hindi naman…

DIR. BELTRAN: Applicable po ba siya?

MR. PALO: Applicable ba ‘yan o para sa Pilipinas?

SEC. ANDANAR: Hindi, para ‘pag sila’y pumunta ng Pilipinas—oo applicable siyempre. Pero ito’y binibigay ko rin sa kanila para at least mayroon silang—

MR. PALO: Alam nila…

SEC. ANDANAR: Alam nila na—

DIR. BELTRAN: Puwedeng guide po nila kung gusto po nilang gumawa ng nakaakma po sa kanila…

SEC. ANDANAR: Oo, and also to inform them na the PTFOMS, which is the first Presidential Task Force on Media Security in the world; hindi lang in the Philippines, in the world na ginagawa natin sa Pilipinas ito.

DIR. BELTRAN: Wow! Sobrang laking development po niyan, kasi iyon nga po ano… correction po doon sa—hindi po ako baby noong 2009, pero pinangarap ko po kasi ring talaga maging part ng media. Pero kaya po medyo matagal bago po ako talagang bumalik sa track na iyon, kasi po 2009 estudyante po ako noon, medyo na-disillusion po ng—

SEC. ANDANAR: Ano, kinder?

DIR. BELTRAN: Hindi naman po… college po, tapos communications student po ako noon, gusto ko po media. Kaso 2009 po, second year/third year po ako noon, naiba po iyong track ko dahil po doon sa Maguindanao Massacre, parang medyo natakot po ako…

SEC. ANDANAR: At least nandito ka na ulit… back on track! Sabi nga ni Martin Nievera: You’re on the right track… Si Joel baka puwede ninyong tawagan, may oras tayo mamaya…

MR. PALO: Mamaya si Usec. Joel… Actually ang part po ng ano natin ngayon Sec., bilang guest… ang topic namin dapat ngayon is about TESDA, kaya—

SEC. ANDANAR: Ay, mahalaga ‘yang TESDA na ‘yan.

  1. PALO: Pero binigyang-daan talaga namin iyong guesting mo ngayon… Kaya sa pagbabalik po namin—

SEC. ANDANAR: Sir, pasensiya na po… Secretary Lapeña, pasensiya na po…

MR. PALO: Magbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo…

[COMMERCIAL BREAK]

MR. PALO: At balik na po tayo sa ating talakayan… katulad ng sinabi ko kanina, bukod po sa guest namin ngayon ay may guest pa rin po tayo sa kabilang linya ng ating komunikasyon… si Secretary Isidro Lapeña mula po sa Technical Education and Skills Development Authority ay nasa linya na natin. Secretary Lapeña, magandang umaga…

SEC. LAPEÑA: Magandang umaga sa inyo Secretary Martin, Vinci at saka sa lahat ng tagapakinig ng inyong programa. Magandang umaga po sa inyong lahat.

DIR. BELTRAN: Good morning po…

MR. PALO: Ito po ang Radyo Pilipinas 1—Uno Secretary, at guest ka namin sa kabilang linya, guest din po namin dito sa studio si Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Good morning po Sec. Lapeña, good morning…

SEC. LAPEÑA: Good morning po, Secretary Martin…

SEC. ANDANAR: Ako muna unang magtatanong, okay lang? Sec. Lapeña, medyo mabigat iyong mga datos… iyong utos sa atin ni Presidente, atas sa atin ni Presidente lalo na sa TESDA sapagkat paulit-ulit na sinasabi ni Presidente na kailangan iyong mga kababayan natin na walang trabaho, lalung-lalo na iyong mga rebelde na bumaba na at gustong bumaba ay kailangan ma-capacitate sila. At binibigay po sa inyo, sa inyong poder ang responsibilidad para po matulungan iyong mga gustong mag-reintegrate sa ating lipunan. So ano po iyong inyong plano para diyan, Secretary?

SEC. LAPEÑA: Tama, Secretary Martin. Ang ating Pangulo ay binibigyan niya ng prayoridad iyong ating mga kababayan na nasa kabilang panig – iyong mga gustong manumbalik sa mainstream ng society – ng priority, na mabigyan ng kaukulang training at magkaroon ng hanap-buhay, ng productive livelihood. At ito naman talaga iyong dapat mangyari, at saka sa umpisa pa lang dapat ‘yan na iyong ginagawa natin – na dahil kasi ang root cause ng… itong problema ng communist insurgency ay iyong poverty, ang number one na root cause niyan ay of course poverty, illiteracy… nandiyan iyong ating injustice, nandiyan iyong corruption, nandiyan iyong mga problema diyan eh.

And then, since poverty is the number one root cause ng communist insurgency, ito iyong palaging issue na sinasabi ng ating mga kapatid na nandidiyan sa kabila – sa CPP-NPA – na problema. So ito iyong dapat na i-address nga naman ng ating gobyerno, at iyong problema ng poverty results to not only sa problema ng communist insurgency – actually sa peace and order na in general. Iyong mga kababayan natin ‘pag graduate ng high school at hindi makakaya ng formal education, ang ibig sabihin iyong maka—iyong pera na panggastos para sa pag-aaral nila para kumuha ng kurso, iyon ‘yung ating target Secretary Martin, ito ‘yung lower strata ng society natin Secretary, na dapat ma-target ng gobyerno.

At ang number one na nasa forefront diyan will be iyong TESDA; one of course is the TESDA, dahil kasi ito iyong magbibigay ng training, ng skills para—skills development para sa mga kababayan natin na hindi na makakayang mag-aral sa kolehiyo. And in fact, this is even more effective dahil iyong mga skills natin ay—iyong mga kababayan natin may skills, sila iyong mga nauunang nabibigyan ng trabaho ng mga ‘employers’ natin dito sa bansa.

DIR. BELTRAN: Secretary, ano po ang mga courses na napaplano po ninyong i-offer dito po sa mga—kumbaga galing po, magbabalik po sa atin.

SEC. LAPEÑA: Ah, iba-iba iyong mga kurso na nandidiyan na, iyong nasa programa na… at we want to improve this further, expand it at saka—but we are going to give a priority sa mga kababayan natin na nasa lower strata of society, sa hinterlands kasi nandidiyan iyong problema eh. And when we are able to provide productive livelihood sa mga kababayan natin sa hinterlands, then hindi na sila makaisip pa na ma-attract o sumama sa mga nag-recruit sa kanila sa mga probinsiya o sa mga hinterlands sa…

MR. PALO: Secretary, maaring naririnig tayo ng mga nandiyan nga sa paligid lang at walang permanenteng address. Eh ano ho ba ang requirements nila bukod sa—siyempre balik-loob muna ‘di ba, magbalik-loob muna sila—sana nakikinig sila sa atin ngayon ‘no, i-surrender nila iyong kanilang mga armas… Ano ba ang requirements pa para sila ay makapasok sa inyo, sa TESDA?

SEC. LAPEÑA: Well, iyong mga nagbabalik-loob na mga kababayan natin, iyong ‘pag gusto nilang magbalik-loob is iyon ‘yung number one na consideration diyan. And then ang ating AFP, ang ating Department of Defense ay mayroon silang mga requirement of course that goes with that. But—and besides given priority para sa mga training nila, para masama sila sa training… at gagawin pa natin sa TESDA is iyong ibibigay naming training sa kanila iyong angkop sa kanilang mga kabuhayan doon sa lugar-lugar nila at magkaroon agad sila ng hanap-buhay pagkatapos ng training, at magkaroon sila ng produktibo na hanap-buhay sa kani-kanilang lugar. Kung gusto pa nila, baka puwede pa nga silang maging OFW later on… they will qualify – those things are provided by TESDA.

SEC. ANDANAR: I have a question Secretary Sid, na—well one—two questions actually. Tama ba na iyong mga komunista sa Pilipinas ay considered as terrorist? Kasi iyon ang nakikita ko sa mga report eh, terrorist group…

SEC. LAPEÑA: Iyon ang naging classification nila Secretary, na although—ang importante naman diyan eh kung ano ba talaga iyong kanilang intensiyon, na ano ba iyong kanilang mga hinaing na dapat na bigyan ng solusyon, ano iyong mga issues and concern nila. At ang isa naman diyan na sinasabi nila ay iyong poverty na dapat nga i-address, dahil naghihirap iyong mga kababayan natin sa bukid at – of course that is the main reason. Tapos ang isa pa diyan, iyong mga illiteracy ng mga kababayan natin sa bukid, tapos injustices, corruption… and ito naman iyong ina-address ng ating Pangulo – ng administrasyong Duterte eh.

In fact kung napapansin ninyo, sa umpisa pa lang ng panunungkulan ng ating Presidente, in-offer niya iyong mga departamento na nag-a-address ng problemang ito kagaya ng Social Services, iyong Labor, iyong DAR… ang ating Presidente ay talagang sinsero diyan na mabigyan ng solution iyong mga problema na sinasabi nila na iyon ang reason kung bakit iyong ating mga kapatid na nandidiyan sa kabilang panig ng CPP-NPA ay makumbinsi natin na manumbalik dito sa ating—sa mainstream society.

SEC. ANDANAR: In connection to that question Secretary Sid, kasi kung classification is terrorist… I’m just thinking about those who are back in the mainstream at nag-reintegrate na nga sa lipunan natin, mayroon sa kanilang gustong mag-OFW eh. Papaano po maki-clear iyong pangalan nila doon sa NBI, sa Immigration… kasi siyempre titingnan ‘yan ng mga employers sa abroad eh, baka ma-blacklisted na ‘yang mga ‘yan.

SEC. LAPEÑA: May proseso naman diyan Secretary Martin eh, na kaya kung makapanumbalik na sila sa gobyerno, siyempre ipa-process sila para maalis sila doon sa listahan ng terrorist list na ‘yan. At kasi ‘pag lalabas sila at magbalik-loob at i-process natin sila, bigyan ng training at maging qualified na sila sa trabaho dito sa bayan natin at saka sa ibang bayan, then government will help them. Makikita naman natin diyan kung talagang nanumbalik na sila—

MR. PALO: Sinsero, seryoso…

SEC. LAPEÑA: O sinsero, na kung seryoso na magbalik-loob na sila sa atin – iyon naman ang gusto natin. Eh kasi—alam mo ako mismo, ayaw ko iyong—I’ve been in the service for so many years, 34 years in the service in fact, at apat na dekada na ‘yan na nasa gobyerno na ‘to, nasa PNP at problema na iyang insurgency na ‘yan na dapat mabigyan ng priority concern ng gobyerno – at ‘yan ang ginagawa ng ating Presidente, ng administrasyong Duterte ngayon, Secretary.

PALO: Alam mo, Sec., itatanong ko lang sana ito sa iyo eh. Hindi ka ba nahirapan, iyong from BOC to TESDA, eh mukhang magkakaiba ho ang responsibilidad ngayon ah?

SEC. LAPEÑA: [laughs]. Alam mo iyong aking pinag-aralan, iyong aking experience as Secretary, it’s—iyong experience ko sa serbisyo is about dealing with the insurgency problem, insurgency problem natin. Ang aking doctorate, iyong PhD ko is about this problem kaya alam ko iyong solution—

PALO: Perfect pala iyong tanong mo, Sec. Andanar ‘no?

SEC. ANDANAR: [laughs].

SEC. LAPEÑA: Iyon ang aking naging dissertation eh. At how to solve iyong root causes na iyan, iyon talaga ang solution eh. Iyong solution na iyan, iyan ang number one na dapat na mabigyan ng konsiderasyon, at tamang-tama at nabigyan naman ako ng oportunidad a
ng ating Presidente na manilbihan bilang TESDA. Kasi perfect iyan eh, because it’s about providing livelihood actually, konektado iyan eh. Iyong training, kaya nga iyong programa namin sa TESDA, hindi lang training kung hindi ita-tie up namin iyan sa mga corporate businesses na nangangailangan ng employment para ‘pag grumaduate iyong mga—na makatapos iyong—itong mga nagte-training eh magkaroon na rin sila ng hanapbuhay, ng productive livelihood.

DIR. BELTRAN: Secretary, hindi naman po sa pag-highlight ng stigma ‘no, pero iyong sa plano po ba ninyo kapag itong mga—kumbaga magbabalik-loob, sila po ay magkakaroon ng special class na para lang sa kanila o ihahalo ninyo po sila doon sa mga regular TESDA students po?

SEC. LAPEÑA: Well, initially we will be doing that as a group. We will try to integrate them with the other trainees para magkaroon ng feeling na they are part of the society na.

PALO: Akala ko kasi may kautusan si Presidente, iyong ROTC ibalik daw [laughs], baka ituro iyong ROTC.

SEC. LAPEÑA: Alam mo maganda iyong idea na iyon Secretary Martin, kasi iyong ROTC is a means to—it’s about discipline kasi eh, may kakaunting training on ROTC and a simple discipline will be developed in that – so iyon ang isang magandang purpose diyan.

PALO: Baka sagutin ka, Sec., ng NPA na, ‘Eh sanay na kami, natuto na kami diyan.’

SEC. LAPEÑA: Wala, pero iba na ang orientation nila kasi.

PALO: Na-train na kasi.

SEC. LAPEÑA: Ang topic eh para sa buong bayan eh, para sa mamamayang Pilipino.

SEC. ANDANAR: I understand, Secretary Sid na iyong ROTC na balak ibalik ang main focus or purpose diyan sa ROTC ay hindi lang iyong pakikipaglaban o may giyera kung hindi pati iyong mga disaster preparedness.

SEC. LAPEÑA: Iyan magkasama and then of course nandidiyan iyong discipline na [overlapping voices]— character development, patriotism, nandiyan na iyan – number one

PALO: Kasi noong panahon—nag-ROTC ka ba? Noong ROTC time kasi—

SEC. ANDANAR: Puro dakpok nga inabot ko.

PALO: Naku sa tangkad mong iyan nadadakpok ka. ‘Pagkahirap-hirap noon.

SEC. LAPEÑA: Hindi naman ganoon iyon eh.

SEC. ANDANAR: Hindi kasi, General Sid, eh doon ako nag-ROTC sa UP-Los Baños eh. Eh napakalaki ng—napakalaki ng kanilang field. Diyos ko po, tapos eh nataon pa na malapit ng mag-summer so tuyong-tuyo na iyong lupa, maalikabok. Hindi, pero tama si Secretary Sid, na talagang number one diyan ay iyong patriotism na tinuturo.

PALO: Totoo iyan.

SEC. ANDANAR: Nationalism, iyon ‘yun eh, iyong mga tinuturo. So—

PALO: Mas mainam iyon eh, nakikita iyong disiplina talaga ng bata. Iyong lalaking bata, diyan nakikita iyong paano niya mahalin iyong bansa at saka hindi.

SEC. ANDANAR: Kailangan lang natin maglagay ng mga measures na hindi siya—

DIR. BELTRAN: Maabuso.

PALO: Mawala na iyong pang-aabuso, mga ganoon.

SEC. ANDANAR: Naalala mo iyong kaso ni Mark Welson Chua, UST, ‘di ba?

PALO: Dahil doon nawala ang—naging ano eh—

DIR. BELTRAN: Naapektuhan iyong buong programa.

PALO: Ito rin kasi iyong minsan—pasintabi sa mga mambabatas ha, itong si Secretary Andanar malapit ng maging mambabatas ito eh. Sabi ko nga, pasintabi sa mga mambabatas, kayo naman kasi tingnan ninyo munang mabuti din bago ninyo tanggalin iyong isang bagay, palibhasa ba Marcos time, ROTC eh nandiyan. Huwag naman sana agad-agad, tingnan ninyo kung ano iyong makakabuti sa bansa at makakabuti sa isang tao. Kasi noong panahon na iyon, ROTC, kung may ROTC ka parang ano ka eh, nandoon nakapasok sa utak at isipan mo na ako ay isang Pilipino eh. Ako ay—

SEC. ANDANAR: Dugong Maharlika.

PALO: Ipagtatanggol ko ang bansang ito, hindi ako kailangang maging barumbado eh, parang ganoon eh ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Iyan ang alam na alam ni Secretary Sid iyan. So sa palagay mo, Secretary Sid, kailan itong ROTC uusad diyan sa Kongreso?

SEC. LAPEÑA: Hindi ko masasagot iyan at delikado tayo diyan. Pero I think marami naman sa mga mambabatas natin na nakikita naman nila iyong purpose, iyong intention ng ating Presidente when he is—when he recommended that; at talagang maganda iyan, iyong ganiyan.

PALO: Alright, Sec., doon tayo sa TESDA, sa mismong TESDA na. Marami na rin kasi na mga training center, pero iyong ibang training center eh medyo kulang sa mga kagamitan.

SEC. ANDANAR: Sa buong Pilipinas?

PALO: Oo sa buong Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Ilan ba lahat? Ilan ba lahat Sec. Sid, iyong facilities sa buong Pilipinas?

SEC. LAPEÑA: Well, we have 16 regional offices at karamihan diyan may mga training facilities aside from—iyong mga accredited na mga vocational schools.

PALO: Training centers.

SEC. LAPEÑA: Oo training centers. I don’t have the exact number yet but I intend to visit all of these in a short period of time. In fact, I have visited the two regional offices pa lang – three, bale. Region 12 at saka Region 11 and then I was supposed to visit ARMM, also in Cotabato City but—at saka iyong Region 1 but all of these, I want to see iyong mga regional offices natin at saka training facilities natin on the ground. I want to see them personally. At siguro mga another month, I will have a good assessment of what we have on the ground but right now, these facilities are operating and performing well as reported to me by the regional directors when we had a command conference and we will have a corporate planning next week. And we—it’s all in the intention of improving iyong ating mga operations at saka iyong ma-maximize kung ano iyong ating resultant na goal, na gusto nating ma-achieve at ito iyong aming pag-uusapan next week, Secretary.

PALO: Alam mo, Sec., kasi may mga galing ng probinsiya, kaya ko tinatanong iyong complete facilities ba iyong labing anim na iyan dahil iyong iba, mga nasa probinsiya, talagang pumupunta pa dito sa main para—kasi sa main eh kahit papaano kumpleto eh.

SEC. LAPEÑA: Ang magandang situation is, if we are able to provide iyong mga facilities, mga equipment doon sa mga regions. Iyan ang magandang situation na dapat ang TESDA ay ma-achieve. Of course, right now we have a lot of—iyong mga ni-report sa atin, that needs to be achieved but of course it needs funding at ito iyong aking ihahabol nga kung puwedeng magkaroon pa ng supplemental budget na maidagdag.

PALO: Dapat lang. Actually, Secretary Andanar, Secretary Sid, ano eh—ang ano ko nga dito ‘di ba mayroon tayong CCT, Secretary?

DIR. BELTRAN: Conditional Cash Transfer.

PALO: Eh parang—aminin natin o hindi pero parang ang karamihan ho kasi sa ating mga kababayan, sa halip na magtrabaho parang naghihintay na lang na dumating itong—

DIR. BELTRAN: Parang allowance?

PALO: Doon sa mga allowances nila sa mga bangko. Eh hindi ba parang—hindi natin sila puwedeng i-direct na lang sa TESDA, iyong mga magulang na wala naman talagang ginagawa eh mag-training sa TESDA nang pagkatapos nila diyan eh hindi na sila aasa pa sa CCT, para mabawas-bawasan naman iyong bigat, iyong burden ng gobyerno na bigyan nang bigyan ng pera itong mga ito.

SEC. LAPEÑA: I agree fully with you, Secretary on that aspect. Kasi instead na iyong pong ibibigay daw na pera pero in the form of training at saka pagkatapos ng training eh livelihood. That will be a better arrangement, dahil matuto sila na mag—iyong kanilang pera na tatanggapin nila as suweldo eh they will value that, kasi may kasamang pawis at may kasamang ano iyan eh, iyong effort from their part. But with the training of course eh kasi ang problema sa mga—ang problema ng mga kababayan natin ay hindi iyong—kahit gusto nilang magtrabaho, hindi nila alam kung ano iyong gagawin nila, so that’s where the TESDA comes in.

PALO: Kaya tuloy parang parasite nakadikit na lang sa gobyerno at wala ng gagawin kung hindi kumain nang kumain, parang ganoon lang.

DIR. BELTRAN: Pero kapag dinaan sa TESDA mutual iyan, may maibabalik sila.

SEC. LAPEÑA: Yeah, we will reach out with the appropriate government agencies on that aspect—

PALO: DSWD.

SEC. LAPEÑA: DSWD yes, para instead na pera lang na ganiyan, isama na natin iyong training.

PALO: Kasi kung ako man ‘di ba? Parang—‘di ba Secretary kung ako man, kunwari kayong dalawa eh binibigyan ko every day ng 50 pesos tapos wala naman kayong ginagawa ano ba? Parang—

SEC. ANDANAR: Hindi mayroon kasi sa DSWD, mayroon ding mga conditions iyan eh. Ang alam ko isa sa mga conditions sa pamilya na tumatanggap ng Pantawid ay kailangan mag-aral iyong mga bata. So ang ibig mong sabihin—

PALO: Kasama talaga iyon—iyong mga magulang ba na—

DIR. BELTRAN: Palalaguin iyong pera hindi lang as is—

PALO: Ang iba eh—sa totoo lang ha, subukan mong pumunta sa mga depressed areas, makikita mo iyong mga magulang sa halip na iyong limang daan para sa kanila. Nandoon nagsusugal, kung anu-ano ang ginagawa.

DIR. BELTRAN: Ibang klaseng pagpapalago.

PALO: Tapos iyong para sa mga anak nila—

SEC. ANDANAR: Kara krus?

PALO: Oo ‘di ba? Iyong pera na para sa mga anak nila, kinukuha pa nila iyon. Sa halip na—

SEC. ANDANAR: Hindi basta ganito, ang mahalaga diyan ang ating, Secretary sa TESDA ay PMAer, General; may chain of command iyan eh. Uutusan niyan lang si General…[laughs].

SEC. LAPEÑA: Tama iyan at saka with my 34 years of experience sa Philippine National Police, actually I started with the Philippine Constabulary eh, and then Philippine National Police. Ito na iyong aming—iyong problema na ina-address, of course on the—we are more on the right-hand effort, pero actually we already have the left-hand effort also that time.

Ang ibig sabihin niyan iyong right-hand effort is the military operation and the left-hand effort, ito iyong providing them iyong mga solutions sa mga problema doon sa bukid na ikabubuti ng kabuhayan ng mga kababayan natin sa bukid. At it’s now four decades, actually five decades na grumaduate ako ng 1973 at 2011 na. It’s the same problem that we are encountering.

So ang ating nakikita dito is iyong ating effort natin sa pag-address ng mga root causes na iyan especially poverty – and TESDA will be playing very big role there dahil konektado ito sa pagpo-provide ng livelihood sa mga kababayan natin doon sa bukid – eh dapat diyan ang ating bigyan ng priority para hindi na maging subject ng recruitment ng mga CPP-NPA, iyong mga kuwan natin. At saka kung nakikita naman ng mga kapatid natin sa kabila na—iyong CPP-NPA na maganda naman iyong ginagawa natin na programa para sa mga kababayan natin, they might just as well join us, para sama-sama na tayo sa—

PALO: Actually, Secretary tuwang-tuwa dito iyong mga party-list representatives.

DIR. BELTRAN: Dahil?

PALO: Makakatulong sa kanilang mga kababayan. Sa kaliwang grupo.

SEC. LAPEÑA: Kasi iyan naman din ang gusto nila. Mabigyan ng magandang kabuhayan iyong mga kababayan natin na nasa bukid. So pagtulong-tulungan na lang natin iyan. At ito naman iyong mandato na ibinigay sa atin ng ating Presidente na i-prayoridad iyong mga training that will lead to productive livelihood ng mga kababayan natin sa bukid, especially iyong mga—kaya nga nabanggit ninyo ang mga nagbabalik loob.

SEC. ANDANAR: Alam mo talagang it cannot be overemphasize iyong napakaimportanteng role ni Secretary Sid Lapeña and I’ve always believe from day 1 na he is the right person for TESDA. Kasi naiintindihan ni Secretary Sid iyong insurgency, hindi lang ng mga CPP-NPA-NDF, iyong mga nagre-reintegrate ng mga kasamahan natin, kaibigan natin sa Moro Islamic Liberation Front—

PALO: Iyan isa pa iyan.

SEC. LAPEÑA: Tama oo, tama.

SEC. ANDANAR: Sec. Sid, ano ba iyong—just from the top of your head, ano iyong pinaka-in demand na trabaho ngayon sa Middle East or ano iyong pinakakailangan talaga natin ng mga qualified na mga technical workers?

SEC. LAPEÑA: Well, dito sa ating—iyong domestic needs natin, ang malakas ay iyong marami na nag-e-enroll is on the—iyong sa tourism related na mga training and then you have iyong itong requirement na mga workers because of the build, build, build. And then of course iyong mga others diyan na kailangan naman doon sa mga specialized skill sa abroad. Kasama na diyan iyong IT, iyong mga pagka-mekaniko—

PALO: Welder.

SEC. LAPEÑA: Yeah, welder. Yes, iyan mga [overlapping voices].

PALO: Tama ba ako pinakamalaking suweldo ang welder?

DIR. BELTRAN: Sa ibang bansa?

PALO: Iyong TIG welder ba tawag doon?

SEC. LAPEÑA: Yes at saka hindi kailangan college graduate ka diyan, para matuto ng welding. At saka marami diyan kapag mga babae pa, maraming mga—

DIR. BELTRAN: Babaeng welder.

SEC. ANDANAR: So I heard you right, mga babae—bakit in demand iyong babaeng welder?

PALO: Hindi sila ano—hindi nanginginig.

DIR. BELTRAN: Ganoon ba iyan?

SEC. ANDANAR: Totoo?

PALO: Hindi pasmado. Joke!

DIR. BELTRAN: Ano po ang edge po ng mga kababaihan na welder?

PALO: Pero kadalasan ganoon.

SEC. LAPEÑA: I think they are more—maano sila when it comes to procedures, maingat sila sa ganiyan. And then, once na you have been doing it properly, overtime, on a daily basis, magiging expert ka niyan. So iyong paghawak mo ng mga equipment diyan eh makikita mo na safe at saka tama na pamamaraan. Iyon ang mga nangyayari diyan eh, of course ang mga kalalakihan naman eh they can do that pero—

PALO: Sabi ng Weng Hidalgo, masinsin daw kasi iyong babaeng welder.

DIR. BELTRAN: Masinsin naalala mo?

SEC. LAPEÑA: Kaya ang sinasabi ko nga eh, iyong pagdating sa procedures they excel, kasi pinapakinggan nila ng husto iyong mga instruction, ano ba iyong mga dapat gawin, mga procedures.

PALO: Hindi matigas ulo, ganoon?

SEC. LAPEÑA: Ay pare-parehas ang abilidad ng lalaki at saka babae sa pagwe-welding, pare-parehas iyan.

PALO: Hindi kasi nabalitaang ko, Sec., ha. Imagine mo sa Canada pero itong TIG welder kasi puwede sa ilalim ng tubig eh, sa ilalim ng dagat nagwe-welding sila. Imagine mo iyong 400,000 a month ‘di ba, ganoon ang suweldo.

DIR. BELTRAN: Ang laki ha.

PALO: Tapos libre pa ano, iyong pamilya puwede mo pang dalhin sa Canada, ganoon ang trabaho nila.

DIR. BELTRAN: Secretary?

SEC. LAPEÑA: Yes, Ma’am?

DIR. BELTRAN: Secretary, mayroon po ba kayong scholarship?

SEC. LAPEÑA: Ano?

DIR. BELTRAN: Scholarship po ang TESDA—

PALO: Parang mag-aaral yata si Ma’am Vinci.

DIR. BELTRAN: Ikaw.

SEC. LAPEÑA: May mga ganoon, oo. May mga scholarship, yes. And of course may mga criteria rin iyan. Maybe one of these days we will give you iyong mga kuwan namin, iyong mga—those things that our people, the public should know about TESDA kung papaano mag-apply. Dahil kasi kapag may mga nakakausap ako, ang daming nagtatanong eh, ang daming interesado. Actually—kasi ang sinasabi ko sa kanila, you need not become a college graduate, a graduate ng isang kurso to get employed. In fact mas marami pa nga iyong graduate sa mga skills development na na-employ kaagad kaysa iyong dumagdag doon sa formal course—

PALO: At yumaman.

SEC. LAPEÑA: Yes, yes, tama. Kaya in demanda iyong skills development and in fact in other countries that’s the trend now, iyong skill mo ang tinitingnan, hindi iyong kurso mo.

SEC. ANDANAR: Doon lang sa Australia, Sec. Sid eh, iyong mga graduate ng TAFE, ang tawag nila TAFE.

DIR. BELTRAN: Iyon po iyong parang counterpart po ng TESDA.

SEC. ANDANAR: …ng TESDA, oo TAFE, iyong…

SEC. LAPEÑA: Sandali lang, Secretary Martin at tatapusin ko lang—okay, I will continue—

PALO: Naku, baka naman mas importante iyan Secretary, baka… NPA ba iyan, ano ba iyan?

SEC. LAPEÑA: Iyong alin po, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Sige Sec. Sid, we will have to let you go. We know you’re busy, thank you so much for your time. Mabuhay ka and God bless you and your family. Good luck po sa inyo sa TESDA. Nandito lang po ang PCOO sa inyong likod kung mayroon po kayong kailangan na i-publish sa government media or sa online ng iba’t ibang social media ng gobyerno, we will help you po.

SEC. LAPEÑA: Oo, kailangang-kailangan namin ng inyong assistance Secretary Martin, especially in informing mga kababayan natin lalo na sa bukid, mayroon tayong TESDA na makapagbibigay ng training at that will land them in an employment.

MR. PALO: At Secretary, advice ko lang, open line ka lang sa lahat ng media, okay ‘yan – ibigay mo lahat ng information.

SEC. LAPEÑA: Yes. Thank you so much…

MR. PALO: Thank you so much Secretary.

SEC. LAPEÑA: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, sir.

DIR. BELTRAN: Salamat po…

MR. PALO: ‘Ayan, Secretary Sid Lapeña. Secretary, matanong ko nga sa’yo, hindi ba sumagi sa isip mo na maging Secretary ng TESDA rin noon?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi… hindi ko linya iyong TESDA.

DIR. BELTRAN: Kayo po kuya Leo, ginusto mong maging welder?

MR. PALO: Oo! Hindi, marunong ako mag-welding eh.

SEC. ANDANAR: Hindi, kasi nag-ECE ‘yan eh… iyong wini-welding niya iyong mga maliliit na mga electronics, oo. Pero iyong mga welder, napakataas ng suweldo nila sa Australia. Alam ko mga nasa—noong time na nandoon ako, nasa mga 40 dollars an hour iyong kanilang suweldo.

MR. PALO: Hindi, iyong sa Canada na sinasabi ko kanina… iyong 400,000 na iyon, neto ‘yun as in. Wala nang bawas doon sa tirahan nila… wala na.

SEC. ANDANAR: Wala nang tax, wala na lahat, bawas na? Grabe ‘no…

MR. PALO: Oo, nagtaka nga ako sabi ko ganoon kalaki?

SEC. ANDANAR: Hindi kasi ano eh, iyong—napakahirap noong trabaho ng welder…

MR. PALO: Ang trabaho naman noon is nasa ilalim ng tubig sila, nagwe-welding ng mga ano, sa barko, oo; iyong piping papuntang—iyong oil…

SEC. ANDANAR: Sus, napakahirap noon…

  1. PALO: Oo, medyo mahirap.

SEC. ANDANAR: Delikado iyong trabaho na iyon.

MR. PALO: Actually masarap nga daw eh sabi sa akin, dahil wala kang gagawin eh… kung minsan hindi ka nagtatrabaho sa ibaba dahil wala namang nakatingin…

SEC. ANDANAR: [Laughs] Everytime na nandoon ka, ‘pag tapos na iyong trabaho, bubutasin mo ‘no [laughter] para tuluy-tuloy iyong trabaho.

MR. PALO: Well, mamaya babalikan natin si Secretary Martin Andanar ang ating guest, ano nga ‘yon?

SEC. ANDANAR: Special guest…

MR. PALO: Magbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo.

[COMMERCIAL BREAK]

MR. PALO: Anyway, balikan natin si Secretary Mart, ‘ayan…

SEC. ANDANAR: Special guest…

DIR. BELTRAN: From one secretary to another…

MR. PALO: Hindi, kasi sabi nga ni Weng kausapin natin si Sec., alamin natin iyong mga lakad niya…

DIR. BELTRAN: Sunud-sunod iyong mga lakad niya, iyong mga nakaraang lakad niya saka iyong mga upcoming…

MR. PALO: Sa Papua New Guinea… ‘ayan, ang daming ano nito eh – kaya nga po naging guest po namin siya ngayon. Kasi lagi po siyang wala…

SEC. ANDANAR: Hindi, ganito kasi… sa sobrang haba, ang haba ng nilakad ko, parang inikot ko na iyong buong Pilipinas [laughter]…

MR. PALO: Hindi, naintindihan naman namin Sec. Kami nga’y humahanga sa’yo dahil kahit papaano—sabi ko nga kay Vinci, eh kahit naman kami nandito lagi eh nakakapanayam pa naman din namin kayo, kahit na nasa labas – by phone patch… Eh sabi ko nga, itong ‘yung isa sa mga pinakamasipag na Gabinete ng Pangulo, at the same time heartthrob pa – san ka pa?

DIR. BELTRAN: Hindi napapagod…

SEC. ANDANAR: Napapagod ako ‘no… napapagod ako [laughs]… Hindi, ganito ‘yun… so—nagpunta tayo ng—iyong 33rd ASEAN kasama si Presidente, at siyempre inasikaso natin ang movement ng media, hindi lang ng Malacañang Press Corps pati iyong international media. At siguro maalala ninyo na binuo natin iyong Office of the Global Media International Affairs, at bago pa man na nangyari iyon ay mayroon akong private trip sa Hong Kong at kinausap ko na iyong mga Chinese media sa Hong Kong—

MR. PALO: Buti nagkaintindihan kayo [laughs]…

SEC. ANDANAR: Oo, kasi mayroon akong interpreter.

DIR. BELTRAN: Wow, parang beauty pageant…

SEC. ANDANAR: Basta magkasama kayo sa isang restaurant, sa isang hapag-kainan ay magkakaintindihan na kayo ‘di ba – iyon ang importante doon.

MR. PALO: Can you name some of the entities, media…

SEC. ANDANAR: Oo, nandoon iyong Phoenix Television – Hong Kong; tapos nandoon din ang CCTV as usual; Xinhua, iyong China radio international; Wen Wei na pinakasikat na diyaryo doon; at iyong Philippines-Hong Kong TV, oo iyong hawak ni Jun Cañete… And after that ay pagbalik ng Pilipinas ay miniting (meeting) naman natin iyong iba’t ibang mga international media, tapos sa Singapore nga. And then after the ASEAN trip ni Presidente, kami’y nagtungo ng Papua new Guinea.

DIR. BELTRAN: Kamusta po ang Papua New Guinea? Ano po ba ang ano…

SEC. ANDANAR: Eh malaki, napakalaki ng Papua New Guinea ha. Alam mo ba na 5 times bigger than the Philippines ang Papua New Guinea, and it has a border and then on the other side is Indonesia. It is the last frontier of the world sabi ng maraming dalubhasa na talagang… there are more than 800 tribes in Papua New Guinea.

Kasi ganito iyon eh, ‘di ba dati interconnected lahat ng bansa dahil hindi pa natutunaw iyong yelo ‘di ba? So iyong mga galing Africa, kasi doon naman tayo galing eh… naglakad nang naglakad nang naglakad… From Africa all the way to South East Asia hanggang Indonesia flat ‘yan, talagang flat lang ‘yan. So iyong mga Nomads noon na naglalakad, alam nila kung saan sila papunta, kasi flat makikita mo eh, straight, straight ‘yan eh. And yet pagdating mo ng beyond Indonesia, magsisimula na iyong curve noong mundo, that’s 17 miles of Earth. So sabi nila, na iyong mga tumungo ng Papua New Guinea, Australia… napunta ng mga—Fiji, tapos nagpunta diyan sa New Zealand… iyong mga dumiretso doon, ito iyong pinaka-adventurous sa lahat ng mga—

DIR. BELTRAN: Ang layo ng narating nila…

SEC. ANDANAR: Hindi lang sa malayo, hindi nila makita kung saan sila papunta kasi 17 miles iyon na naka-curve eh. So, kaya pagdating mo doon sa Papua New Guinea, iyong Port Moresby iyong kanilang capital… maganda iyong Port Moresby, para siyang Australia, iyong design… kasi Australians ang gumawa eh, even iyong mga roundabout… even iyong mga sidewalks, lahat, as in ganoon iyong design. And then of course iyong China pumasok na rin doon, nag-invest nang marami…

MR. PALO: Pero ang daming nating mga Pilipino roon oh…

SEC. ANDANAR: We have 40,000 Filipinos… And ang Filipinos doon sa Papua New Guinea are—

MR. PALO: Professionals…

SEC. ANDANAR: Yes, correct.

MR. PALO: Iyon ang maganda doon.

SEC. ANDANAR: So halimbawa iyong pharmacy nila, iyong manager Pilipino, nakatayo lang doon.

DIR. BELTRAN: Wow! Matataas ang posisyon…

SEC. ANDANAR: So malamang nagtrabaho na sa mga Mercury Drug dito sa atin, saka boss na dito. Iyong mga nagtatrabaho sa mga coffee shop doon, iyong general manager, Pilipino rin… puro mga executives iyong mga Pinoy doon sa Papua New Guinea.

MR. PALO: Uhum… Okay, balikan ko lang iyong sinabi mo kanina, you talked to them, iyong mga mediamen, iba-ibang outlet—so ano iyong naging ano natin, purpose natin?

SEC. ANDANAR: Okay naman, kasi iyon nga binuo natin itong Global Media Affairs International. Iyong International Affairs Office kasi matagal na iyon sa PCOO, kaya marami na tayong mga kasunduan na pinirmahan – Cambodia, sa China, sa Russia… Mayroon din tayong mga paparating na mga proyekto and MOUs sa Thailand, matagal na ito; pero itong Global Media kasi ito iyong bago, so pinagsama natin ‘yan.

Okay naman, nakausap natin iyong mga taga-Financial Times doon sa ano—ah, Wall Street Journal doon sa Papua New Guinea, and of course we continue to introduce to them iyong mga policies ng gobyerno – making it easier for them also to access. So si JV nandito, nandito rin si Julie – silang dalawa iyong partner, oo sa opisina na ‘yan.

Kaya the next stop would be Thailand, kasi nag-Hong Kong na ako, tapos sa trip sa Singapore sinama natin, pati ang Papua New Guinea, so ngayon iyong Thailand naman. Kasi there are four media hubs in Asia…

DIR. BELTRAN: Iyon po ‘yung nabanggit ninyo po noong ating Senate Budget hearing po ‘no, iyong mga ‘Representatives’ po…

SEC. ANDANAR: Oo… So the four major hubs in South East Asia including Asia would be Hong Kong, Singapore, Thailand and Manila.

MR. PALO: So ibig ba sabihin nito sir, maglalagay tayo ng mga media attaché sa bawat ano?

SEC. ANDANAR: Media representatives… oo, representatives… mga consultant, oo. Kasi—

MR. PALO: So mayroong New York, mayroong Washington, mayroong ganoon…

SEC. ANDANAR: Mayroon tayong Hong Kong—

DIR. BELTRAN: Mga residents na po iyon, Sec.?

SEC. ANDANAR: Well, yes residents but Filipino citizens, mayroon ding iba Filipinos pero citizen na ng bansa nila. Hinahanapan lang namin ng ano, kailangan legal, kailangan legal kasi lahat eh. So ang uunahin natin iyong Hong Kong, Singapore, Bangkok, mayroon na tayong kausap sa Europe, sa Paris, mayroon tayong kausap doon na stringer din natin sa PTV. So at least—basta lahat sila nasa media.

PALO: Naalala ko tuloy iyong stringer na iyon si Buddy Bernardo na gusto kang kausapin pala, nasa UK din iyon eh.

SEC. ANDANAR: Puwede, kausapin natin.

PALO: Gusto niyang mag-stringer din; gusto niya actually mag-report, walang bayad daw. Sabi ko, sige, wala palang bayad eh.

SEC. ANDANAR: Kasi si Dick Villanueva, sa Paris naman iyon.

PALO: Eh si Buddy is nasa United Kingdom.

SEC. ANDANAR: Saan ba si Buddy noon? Saan ba siya?

PALO: Bombo Radyo, basta radyo Bombo.

SEC. ANDANAR: Basta buddy.

PALO: Ano siya eh, si buddy is Congress that time.

SEC. ANDANAR: Ah puwede, anong trabaho ni Buddy ngayon? Siguro gusto niyang bumalik sa dati niyang trabaho.

PALO: Alam mo sa totoo, tayong mga nasa broadcast ganoon talaga eh, parang—

DIR. BELTRAN: Hinahanap.

PALO: Hinahanap talaga ng katawan natin iyan eh, kapag nawala parang kulang ang mundo eh.

SEC. ANDANAR: Oo parang kulang iyong—parang iyong kaluluwa mo hindi mapakali.

PALO: ‘Di ba ikaw, kita mo panay ang man cave mo kaya ganoon ka eh.

SEC. ANDANAR: At saka ito, itong mga interview.

DIR. BELTRAN: Itong mga ganitong guesting ho.

SEC. ANDANAR: Ako, sinisiguro ko talaga iyong mga guesting na talagang sinasagot ko, na pupuntahan. O ‘di ba? So—masarap maging guest eh.

DIR. BELTRAN: Ano ba iyong sinabi ko, sa Lunes po ha, papasok pa rin ako.

PALO: Pero sir, kidding aside, seryoso na ito ha.

SEC. ANDANAR: Oo seryoso tayo, kanina pa naman tayo seryoso.

PALO: PCOO is PCOO, so may mga lumulutang na there will be another one for Press Secretary and at the same time Spokesman. How true is it na lumulutang iyong pangalan ni Gilbert Remulla?

SEC. ANDANAR: Ah tinanong na ako ni Henry Uri diyan.

DIR. BELTRAN: Ano po ba ang katotohanan?

SEC. ANDANAR: Hindi sabi ko nga kay Henry, first time kong narinig iyong balita na iyon. Pero kung totoo man iyong balita na iyon, very qualified si Gilbert.

PALO: Oo naman.

SEC. ANDANAR: Oo kasama naman natin sa media iyan at bukod sa pagiging media man ay… siya ay naging Congressman, at the same time mayroon siyang mga executive positions sa kanilang family business at talagang matalino naman iyong tao.

PALO: Abogado si ano—

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi abogado si Gilbert, si Crispin ang abogado.

PALO: Si Crispin pala ang abogado?

SEC. ANDANAR: Si Governor, si Gov, oo. Pero of course he will be a very good addition kasi talagang—

PALO: So hindi pa confirm iyan?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi.

DIR. BELTRAN: Wala pa pong confirmation ng kahit na ano po?

SEC. ANDANAR: Wala, oo. Puro kuwento lang ito.

DIR. BELTRAN: Para sa mga nakikinig.

PALO: Hindi, kasi gusto kong maging malinaw iyon, kasi sabi nga mawawala ang PCOO at magiging OPS, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: At the same time, oo tama naman iyan, talagang iyon ang plano. At the same time, si Presidente kasi naniniwala na importante ang abogado, iyong talagang Spokesman.

PALO: So abogado talaga?

SEC. ANDANAR: Oo kailangan—Ako, personally ano eh, talagang—

PALO: Hindi, ganoon din naman sa aming mga taga Malacañang Press Corps. Si JV alam niyan, mas maganda na abogado talaga ang sumagot.

SEC. ANDANAR: Kahit panahon pa ni PNoy abogado. Panahon ni GMA—well, hindi yata abogado si—abogado ba si ES Ermita?

PALO: Oo. Ah hindi, A’yer siya—

SEC. ANDANAR: A’yer, tapos—

PALO: Abogado, hindi no? Si Bunye, abogado iyon

SEC. ANDANAR: Si Bunye, abogado; Jess Dureza, abogado.

PALO: Ang mga deputy, hindi naman?

SEC. ANDANAR: Si Ric Salud, hindi naman?

PALO: Si Ric, hindi.

SEC. ANDANAR: So… Afable, hindi iyon abogado?

PALO: Hindi naman.

SEC. ANDANAR: But you know, really, it helps so much if you have a legal background.

DIR. BELTRAN: Iyong pag-check ng legality ng mga sasabihin mo.

SEC. ANDANAR: Oo iyong ‘pag Spokesman ka.

PALO: Pero iyong sinasabing ang Spokesman at ang OPS Secretary iisa lang? So magiging isa na lang talaga?

SEC. ANDANAR: Well, iyon ang plano, kasi na kay Presidente na iyon kung—

DIR. BELTRAN: Hiwalay pa rin?

SEC. ANDANAR: Kung ito ay pipirmahan niya o hindi, basta kami naman ay sumusunod lang sa atas ni Presidente.

PALO: So ano lang ito? Parang hindi pa talaga ito totally magaganap, iyong magiging OPS kasi ang alam ko, from the start pa lang noong pumasok ang Duterte administration, iyan ang isa sa ano mo eh, ikaw ang may gusto nito na ibalik sa OPS.

SEC. ANDANAR: It’s one of the three major policies na talagang tinulak ko na para pumasa: Una iyong FOI, tapos iyong AO1, task force for media security. Iyong pangatlo ito na bumalik nga siya sa Office of the Press Secretary. So if ever na—kaya nga ako pinag—

PALO: Kaya lang ang problema dito, ang OPS dito at the same time iyong Spokesman eh pinag-isa kasi so parang—

DIR. BELTRAN: Parang mabigat—medyo mabigat po iyan kung saka-sakali—

PALO: Hindi ba dapat hiwalay? Kasi iba talaga ang Spokesman eh, dapat hiwalay iyon kung saka-sakali.

SEC. ANDANAR: Na kay Presidente na iyon kung talagang itutuloy na magkaisa o isang tao lang iyon o dalawang tao. Kaya—kasi, do you remember when we came in, iyong utos ni Presidente sa akin is to dismantle the PCDSPO, dismantle natin iyon. Sabi niya, kasi gusto ni Presidente isa lang nagre-report sa kaniya. Kaya si Secretary, kaya si Spokesperson Abella was an Undersecretary of mine – hindi siya naging Secretary. And the reason naman na naging Secretary si Harry Roque was because siyempre Congressman siya eh. Pinay-rate (pirated) natin siya from Congress to Malacañang.

DIR. BELTRAN: Cabinet level.

SEC. ANDANAR: Kailangan naman eh at least kahit papaano commensurate doon sa kaniyang stature.

DIR. BELTRAN: Inalisan…

PALO: So ibig sabihin parang ang dating, ‘pag Spokesman ka, you are not a Cabinet rank, dapat?

DIR. BELTRAN: Hindi, noong panahon ni Usec. Abella.

PALO: Pero this time around, Secretary na talaga—

SEC. ANDANAR: Secretary, kasi after naman kay Harry, wala namang naisipan na puwedeng pumalit at iyong—the first person in mind of the President was Sal Panelo. Eh Sal Panelo is already Secretary.

DIR. BELTRAN: Secretary level na.

SEC. ANDANAR: Pero ang ano, iyong Chief Presidential Legal Counsel, iyong position ni Secretary Sal talagang Spokesman din iyan. Nakalagay doon sa kaniyang EO na isa sa mga trabaho niya ay Spokesperson ni Presidente. So walang bago, walang bago doon.

DIR. BELTRAN: Parte talaga ng trabaho niya.

PALO: Pero ito last na lang. Bago kasi—name the tune na daw eh oh.

SEC. ANDANAR: Ay sus, salamat po.

PALO: Ito seryosong seryoso pa rin ito eh.

SEC. ANDANAR: Ay sige diretso lang iyan.

PALO: Saan pupunta at saan tutungo si Secretary Andanar at this if and when?

SEC. ANDANAR: Eh hindi naman natin masabi kung ano iyong plano ni Presidente. Eh tayo naman ay—we serve at the pleasure of the President wherever he feels I should go, then doon ako pupunta. Kung gusto niya na tuloy pa rin iyong serbisyo ko, like what he said during the interview na I should stake around, then I will just be around. Now kung wala namang opportunities then—

PALO: Ang hirap kasi ng around na iyan eh, baka around the world ka eh, mahirap iyan ha.

SEC. ANDANAR: Oo mahirap iyon ha.

DIR. BELTRAN: Ibang parte ng world.

SEC. ANDANAR: Hindi, I think the President. I think naman ako, personally, I’ll be more effective in the Philippines sa ngayon, sa ngayon ha. Mahirap naman sa around the world. Number one, mayroon pa akong anak na high school tapos alam kong mami-miss ninyo ako.

PALO: Family man kasi talaga ito, isa sa hinahangaan ko sa taong ito.

DIR. BELTRAN: Malaking bagay sa career iyong iniisip nila ang family.

PALO: Well, again thank you so much, Secretary at—

SEC. ANDANAR: Salamat po sa inyong invitation.

PALO: After how many Saturdays. Ilan na ba, ilang Saturdays?

SEC. ANDANAR: Today is the 46—47.

DIR. BELTRAN: Uy, nakapag-cabinet report siya ng bongga.

SEC. ANDANAR: Pang ilang episode na ba ito? 47? 46?

PALO: 46.

SEC. ANDANAR: Salamat po after noong—

PALO: Sa next guesting daw? [laughs].

SEC. ANDANAR: After noong first guesting ko po. I’ll see you on the hundred—

PALO: Walang ganoon.

DIR. BELTRAN: Next week sana nandito ka.

SEC. ANDANAR: Hindi, puro phone patch naman eh, kaya nga may telepono eh.

PALO: Ah okay okay. Pero mananatili naman daw ang Cabinet Report sa Teleradyo.

DIR. BELTRAN: Sec. Mart bago tayo magtapos, iyong FOI po sa Wednesday. FOI awards po sa National Museum Auditorium Wednesday po iyan. Support tayo sa mga kasama natin.

PALO: Well, again it’s another Saturday, another day. It’s another week end, it’s 24th of November 2018. Maraming salamat sa ating mga co-pilot, ito po si Leo Palo III.

DIR. BELTRAN: And Vinci Beltran.

SEC. ANDANAR: Secretary Martin Andanar.

PALO: At ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource