MR. PALO III: Nandito na po iyong ating guest mula po sa PCOO, Secretary Martin Andanar. Good morning.
SEC. ANDANAR: Hello, good morning Leo…
MR. PALO III: Maraming salamat po sa pagpaunlak mo sa aming tawag ngayon.
SEC. ANDANAR: Siyempre, alam mo naman every Saturday ‘pag gini-guest ninyo ako dito ibang tuwa ang aking nararanasan…
MR. PALO III: [Laughs] Ibang tuwa ah…
SEC. ANDANAR: Ibang klase… talagang natutuwa talaga ako, and as a matter of fact you make my day [laughter]…
DIR. BELTRAN: Sec., kasama po namin si Ms. Pia Morato po.
MR. MORATO: Hi, Sec. Mart!
SEC. ANDANAR: Ay, si Pia Morato. Alam mo si Pia Morato siguro namamaga na ang dila niyan kasi madalas naming mabanggit dito, napag-uusapan namin dito sa ExeCom kagabi… ManCom ngayon.
MR. PALO III: Ah ganoon ba…
SEC. ANDANAR: Hindi, kasi ganito eh… sabi ko sa ExeCom, iyong mga Usecs at ngayon sa ManCom, sa lahat ng mga agencies ng gobyerno sa Communications, na si Pia Morato ay mayroon akong bagong assignment sa kaniya. Sabi ko kailangan siya na iyong maging mukha at boses ng, number one, iyong ating fight against fake news, iyong mga tsismis…
MR. PALO III: Congratulations! Yehey…
MR. MORATO: Thank you, Sec. Martin for the opportunity po…
SEC. ANDANAR: Oo, tapos mayroon pang dagdag so dalawang trabaho na. Pero of course mai-increase-an din siguro ang suweldo nito…
MR. PALO III: Wow! Akala ko 2-in-1 [laughs]…
SEC. ANDANAR: Oo, puwede ring 3-in-1…Hindi, pero puwera biro. Number one is she will be the face and the voice of our Dismiss Disinformation Campaign, at nabanggit ko na nga doon sa lahat ng heads of agencies – PIA, PNA, PTV and Radyo Pilipinas, lahat… sa meeting dito sa Batangas. And then pangalawa, dahil si Ms. Pia ay reservist – she’s nationalistic and a patriot at nakikita ko ‘yan sa kaniyang mga posts sa Facebook at iba pang mga social media, pati Viber… so sabi ko kailangan si Pia na rin iyong maging mukha at boses natin sa ating ‘Laging Handa’ na programa.
MR. PALO III: Tama, puwede…
SEC. ANDANAR: Everytime na mayroong bagyo o mayroong mga delubyo, si Pia Morato ang makikita ninyo na leading the PCOO to those areas na kailangan ng presence ng government communications.
MR. MORATO: Matatakot ang bagyo nito…
DIR. BELTRAN: Oo, may dumating na anghel…
MR. MORATO: Thank you so much, Secretary Martin.
MR. PALO III: Congratulations, grabe… Eh ano tawag namin ngayon sa kaniya? Director na? Ano ba, Asec.? Usec.? Ano ba? Nalilito ako eh…
SEC. ANDANAR: Basta tawagin ninyo lang siyang ‘Pia’ [laughter]…
MR. MORATO: Ganoon na lang nga, sir…
SEC. ANDANAR: Oo, Miss Pia…
MR. PALO III: That is part of the accomplishments of PCOO, pero gusto namin malaman ngayon diyan… ano bang mga accomplishments mo diyan sa iyong meeting with your group…
DIR. BELTRAN: ExeCom and ManCom…
SEC. ANDANAR: Well, ang ginagawa naman natin dito ay nag-a-update tayo kung ano na naging—mayroon ding mga continuous updates ‘no sa mga nangyayari sa PCOO, sa executive body at sa mga agencies; and nakikita natin na at least, as far as the media is concerned ay tuloy pa rin naman iyong ating objectives – number one is promoting media policies that are good for the media, having media engagement and looking for media solutions.
And last week, kagagaling lang ako ng Digos, sa Davao Del Sur and prior to that I was in Nueva Ecija, in Bulacan… I was also in Pampanga and in Imus, Cavite tapos Cebu, Dipolog ang sa Dapitan meeting all of the media organizations. At maganda naman iyong reception sa atin at palakas ng palakas ang ugnayan at iyong tulay ng gobyerno at ng media because we have this government media bridge policy. So tuluyang nating ginagawa ito—
MR. PALO III: Continuing iyon.
SEC. ANDANAR: Continuing and by next week also iyong ating press freedom caravan will be in Surigao City and Butuan City and at the same time mayroon din tayong isang delegation na ipapadala kasama po iyong Armed Forces of the Philippines at lahat po ng miyembro ng Executive Order 70 or iyong National Interagency to end the communist violence, insurgency ‘no at sila ay pupunta sa Bosnia, sa Brussels and sa Switzerland at ka-meeting nila iyong United Nations and EU. So… and then we are well represented kasi nga ipapadala din natin iyong ating press freedom caravan doon para ipaliwanag kung ano iyong mga policies natin sa ating bansa pagdating sa media and also the numerous enacted laws na maintindihan ng mga Europeans kasi these laws, these policies have inherent European values into it.
MR. PALO III: Maganda rin ito kasi ito iyong… para malaman ng iba na wala naman talagang EJK sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Tama, tama. So iyon ang gagawin natin, alam mo naman ang PCOO is the Chairman of the Communications sa EO 70 and we just continue what we are mandated to do at kung ano iyong mga order sa atin ni Presidente Duterte.
MR. PALO III: Eh itong last Cabinet meeting eh may marching order bang panibago si Presidente sa iyo?
SEC. ANDANAR: Well, mayroong request iyong Department of Health na i-assist namin sila sa kanilang vaccination program dahil nga naapektuhan masyado iyong immunization program ng gobyerno doon sa isyu ng Dengvaxia and you know, I mean that’s really the negative effect, ito iyong naging masamang epekto ng isyu ng Dengvaxia dahil naapektuhan din iyong iba pang mga immunization program – sa measles, doon sa… marami, maraming sakit pneumonia, sa mga sakit na puwede namang maiwasan dahil sa immunization.
MR. PALO III: Wala bang in-order si Presidente sa DOJ na kasuhan na iyong mga dapat kasuhan, sila ang may kagagawan nito eh?
SEC. ANDANAR: Ang kay Presidente ay narinig ko na he will help DOH Secretary Duque na manumbalik ang tiwala ng taong bayan sa Department of Health Immunization Program at si Presidente mismo ay tutulong dito sa communications, mayroon siyang sasabihin na I think in the one of the coming events. And mayroon ding program na inilatag na si Secretary Duque at iyong PCOO naman is here to actively support to Secretary of the Department of Health and to deliver the things that we can deliver sa PCOO.
MR. PALO III: Sa Manila Bay cleanup kanina napag-usapan namin din iyan. Kasama din ba… Kasama daw ang PCOO dito dahil ang sinasabi ko dito, kulang din ng… I mean, i-i-input talaga sa utak ng mamamayang Pilipino na itong Manila Bay cleanup eh hindi lang ito para sa interagency kung hindi tulungan at tigilan muna iyong mga negatibong mga balita at the same time ipagbawal iyong ipagbabawal doon, kung ano dapat ipagbawal. So gagawin din ito ng PCOO?
SEC. ANDANAR: Oo kasi alam mo, like for example itong radio station na Radyo Pilipinas Uno, ito ay isang himpilan ng gobyerno na bukas ito sa lahat ng government agencies, iyong ating PTV ganoon din, iyong ating Philippine News Agency and for the first time in history ‘no, in a very long time already na nakikita natin na because of the Comprehensive Communications Committee na sinet-up natin at mas mabilis na ngayon iyong pag-disseminate ng balita ng sabay-sabay within the government network.
So ilalabas ng PNA, ilalabas din sa PTV, ilalabas sa Radyo Pilipinas, ilalabas doon sa Presidential Communications, sa RTVM, sa social media and then makikita mo na sobrang aggressive din iyong Philippine Information Agency sa ‘pagpapakalat ng mga balita na galing sa national government. So we are working in one direction, one voice, one government and I’m very happy that this is really happening in our two years and eight months of hard work para magkaroon ng harmony sa government communications mechanism ay talagang nangyayari na ngayon.
MR. PALO III: Ang dami ng trabaho talaga ng PCOO, Secretary ano, malinaw eh; hindi ba iyan dahilan kaya nag-walk out si Presidente? Ito na nga, ayaw ko na nga si Andanar ang daming ginagawa eh. [laughs].
SEC. ANDANAR: Hindi naman, hindi naman. Siguro na-frustrate lang si Presidente doon sa mechanism ng land conversion kasi napakadaming mga requirements, iyong mga requirements eh sobra sampu—
MR. PALO III: So iyon ang dahilan kung bakit nag-walk out siya?
SEC. ANDANAR: Eh siguro na-frustrate kasi sabi niya, if this is the case I will not be able to solve this problem on my term and nor will the next President be able to solve the problem also of land conversion. Kasi sa sobrang daming kailangan hingian ng paalam para ma-convert mo iyong isang lupa. So that’s really frustrating and in Davao City, they do things differently and unique in Davao City.
MR. PALO III: Correct.
SEC. ANDANAR: Kaya iyong mga ganitong klaseng land conversion ay hindi ganoon katagal ang hinihintay ng isang company o iyong isang tao na gustong ma-convert iyong isang agricultural land into non-agricultural land.
MR. PALO III: So puwede ko bang sabihin na… safe bang sabihin na mukhang hindi nakumbinsi ni Secretary Castriciones ang Presidente sa mga paliwanag niya?
SEC. ANDANAR: Malinaw na sa Cabinet, hindi sinisisi ni Presidente si Secretary Castriciones, Secretary John at sinabi ni Presidente iyon, ‘This is not your fault, it really the entire system, the entire bureaucracy.’ So kaya mayroon siyang itinatag na parang Task Force para nga ma-solve itong problema ng land conversion and this will take years and years to convert land ay one month pa lang ay na-solve na iyong problema.
MR. PALO III: Ang mahalaga hindi siya nag-walk out dahil sa dami ng ginagawa mo nga, iyon ang mahalaga doon. [laughs].
SEC. ANDANAR: The Cabinet meeting finished at 1 a.m.
MR. PALO III: Grabe.
SEC. ANDANAR: Ang dami din kasing mga inatupag si Presidente, kinausap niya iyong mga ‘stakeholders’ ng mga rice industry, before that.
MR. PALO III: Well, again, Secretary thank you for your time at sa pagtugon po sa aming tawag dito sa Cabinet Report sa Teleradyo at sana hindi ka magsawa na sagutin ang aming tawag.
SEC. ANDANAR: Hindi naman, ako ang dapat magpasalamat dahil nabibigyan ninyo ako ng pagkakataong [overlapping voices].
DIR. BELTRAN: Pinanindigan na ni Sec. [laughs].
SEC. ANDANAR: Sige kita-kita tayo next week pero sa Surigao iyong mga kababayan ko sa Surigao at saka sa Butuan. See you next week and hopefully we will have a very successful press freedom caravan. Salamat! Mabuhay kayong tatlo!
MR. PALO III: Again, thank you so much, Secretary.
DIR. BELTRAN: Thank you so much, Sec., sana makasama ka po namin dito sa studio.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)