RIGONAN: Pero nasa linya muna natin ang Kalihim ng Presidential Communications Operations Office o PCOO – na-miss natin ‘to, Secretary Martin Andanar. Sec. Martin, magandang umaga, belated Happy Valentine’s Day sa’yo.
SEC. ANDANAR: Hello, at post Valentine’s Day Milky…
RIGONAN: Oo nga, post Valentine’s Day. Kamusta ka na Sec. Martin?
SEC. ANDANAR: Okay naman, good to hear your voice again…
RIGONAN: Oo nga at makikibalita—actually may tsismis kami sa’yo. Kamusta iyong concert kagabi sa Solaire?
SEC. ANDANAR: Naku, napaka-romantic ang mga awitin ni Sergio Mendes—
RIGONAN: Sergio Mendes…
SEC. ANDANAR: Oo, ni Sergio Mendes at ang pinaka-highlight para sa amin ‘no, kasi nandoon iyong mga Cabinet officials eh; nandoon si Secretary Ben Diokno, nandoon sila Secretary Tugade, Mark Villar, kasama iyong mga partners/mga asawa, myself at Secretary Sonny Dominguez present din doon, sino pa ba? Si Secretary Mon Lopez, Secretary Mike Dino – kasama iyong mga partners.
RIGONAN: Parang may Cabinet meeting sa Solaire pala kagabi Sec. Martin…
SEC. ANDANAR: Oo meeting… oo parang Cabinet meeting. Si Secretary Lorenzana and wife… Well after a very long day yesterday from the Cabinet retooling session, parang ano ito eh… reorientation sa mga Cabinet members, at sa mga bagong Cabinet members. Iyon naman ang we capped the night with that concert, Valentines concert. At of course siyempre pa, nandoon si Ma’am Honeylet Avanceña and then after a few songs ay sumunod po si Presidente Duterte para…
RIGONAN: ‘Ayun… Paborito ba ni Pangulong Duterte iyong Sergio Mendes?
SEC. ANDANAR: Hindi ko tiyak, pero ang alam ko ang paborito niyang kanta iyong Mc Arthur’s Park, iyong mahabang kanta, oo Mc Arthur’s Park iyong kanyang—
RIGONAN: Oo, iyong ang haba-haba ng—may instrumental sa bandang dulo, parang hindi matapos-tapos.
SEC. ANDANAR: Parang ang hirap i-memorize noong kanta na iyon [laughs]…
RIGONAN: Oo, kasi ang alam ko may paborito dito si former President Noynoy, si PNoy.
SEC. ANDANAR: Ah, ganoon ba?
RIGONAN: Oo pinapanood niya ito, Sergio Mendez and… dati Brazil 66 at Brazil 77 ‘to ‘di ba dati?
SEC. ANDANAR: Oo, Brazil 66. In fact iyong kaniyang—iyong asawa ni Sergio Mendez, iyong sa Brazil 66 na singer nandoon pa rin, front act pa rin. So makikita—
RIGONAN: Ah, front act pa rin siya…
SEC. ANDANAR: Oo, silang dalawa and then mayroong bagong singer na babae tapos iyong mga musicians niya halos mga bago na iyong mga musicians, mga bata. Oo, except with the base player…
RIGONAN: Oo. Nagtatanong ang Malacañang Press Corps, ano ba ang Valentine’s gift ni Pangulong Digong kay Ma’am Honeylet.
SEC. ANDANAR: [Laughs] Hindi ko alam kung anong niregalo ni Presidente…
RIGONAN: Hindi mo alam [laughs]…
SEC. ANDANAR: Pero magandang Valentines gift din iyong date ‘di ba, iyong kagabi.
RIGONAN: Oo, iyong magkaroon ka ng ilang oras, ‘ayan… ‘Di ba you have to make time…
SEC. ANDANAR: Oo, kasi galing pa si Presidente doon sa Bulacan eh tapos dumiretso doon sa Parañaque area para manood ng concert. And then pagkatapos noon ay diretso na rin siyang bumalik ng Malacañang.
RIGONAN: Oo. Secretary Andanar samantalahin ko iyong pagkakataon tutal nasa linya ka na.
SEC. ANDANAR: Opo, sige po…
RIGONAN: Ito, mainit iyong ginawang pag-aresto kay Maria Ressa ng Rappler although siya ay nakapagpiyansa na. Ang kinakabit ngayon noong ilang mga… siyempre iyong mga sumusuporta at iyong mga kasamahan din natin, iyong ilan sa media na ito daw ay pagkitil/atake sa press freedom – ano po ang opinyon dito ng PCOO?
SEC. ANDANAR: Iyan ay napaka… malaking kamalian, napakamaling opinyon, isang malaking maling opinyon. Sapagkat kami naman sa PCOO at bilang Chairman ng Presidential Task Force on Media Security ay napakadami naming mga cases na ganito, na kinasuhan ng libel iyong mga kasamahan natin sa trabaho. So iyong case ni Ms. Ressa ay hindi nag-iisa ‘yan, it was just one of the many cases ng libel.
Now if you ask me, a person who was accused of libel has the right to defend herself or himself, goes to the same judicial process, at ganoon din po iyong partido na ang pakiramdam nila ay aggrieved sila or sila ay na… you know, naagrabyado – they also have the right to file a case and to hire their own lawyer.
The case of Ms. Ressa is no different from the case of reporter perhaps in Zamboanga or in Tawi-Tawi or in Butuan City or in Capiz – pare-parehas lang hong karapatan niyan. Wala hong tinitingnan na social status ang batas natin, at lalung-lalo na hindi po discriminatory iyong batas natin.
So it is just one of those cases, and kung iyong nangyari po kay Ms. Ressa na kinasuhan siya ng isang pribadong individual na Mr. Wilfredo Keng ay puwede rin pong mangyari sa atin, Milky. In fact nangyari din sa akin iyon, 2016 in-announce na ni President iyong pangalan ko na i-a-appoint niya ako, kinasuhan pa ako ng libel; nagpunta pa ako ng Pagsanjan, Laguna; I have to defend myself. Wala hong kinalaman ang social status itong kasong libel, at lalung-lalo na, wala hong kinalaman ang administrasyong Duterte dito because this is purely a case between Ms. Ressa and Mr. Keng.
RIGONAN: Uhum… Inuugnay din itong si Mr. Wilfredo Keng kay Pangulong Duterte, ano po ba ang pagkakaalam ninyo, kaibigan niya ba ito, kakilala? Kasi iyon din ho ang gustong—sinasabi na baka ginagamit itong negosyanteng ito para atakihin daw ng gobyerno ang ilang organisasyon natin sa media.
SEC. ANDANAR: Sinabi na po ni Presidente Duterte ‘yan – na hindi niya kilala si Mr. Keng. Wala hong koneksiyon si Mr. Keng sa Malacañang; hindi kilala ni Presidente. Mr. Keng was just acting on his own, kasi ang pakiramdam niya ay naagrabyado siya doon sa artikulo na nilabas ng Rappler noong 2012 at ni-republished online noong 2014 – iyon po ‘yung reklamo ng pribadong negosyante, pribadong indibiduwal na si Mr. Keng.
RIGONAN: Oo. Kaya pumasok itong kaso na ito under the cyber law ‘no? Tama ba iyon Secretary Martin, kasi na-republished…
SEC. ANDANAR: Opo, nasa online po ito saka na-republished po ito at—alam mo marami kasing interpretasyon ‘yan Milky, iyong mga abogado, iyong mga experts diyan sa interpretation of the law and unfortunately for Ms. Ressa ay iyong interpretasyon na it was republished ang naging basehan ng korte.
RIGONAN: Uhum. On that note Secretary Martin Andanar, maraming salamat. Magandang umaga sa mga taga-PCOO.
SEC. ANDANAR: Thank you so much Milky, mabuhay ka, mabuhay po ang DZRH.
RIGONAN: Magandang Umaga. Secretary Martin Andanar, ang hepe ng Presidential Communications Operations Office.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)