LEO: …workaholic Secretary ng Pangulong Duterte, walang iba ang ating guest natin ngayon, Secretary Martin Andanar. Sir, good morning. Maayong buntag.
DIR. VINCI: Hello po…
SEC. ANDANAR: Hello, good morning Director Vinci; good morning, Leo; good morning sa lahat ng ating mga tagapakinig sa Radyo Pilipinas. Maraming salamat muli sa pag-guest ninyo sa akin sa programang ito [laughter]…
LEO: Sir maganda naman pagka lagi ka naming guest. Actually kahit papaano nalalagyan ng laman iyong aming programa, ‘ayan…
SEC. ANDANAR: Well, alam mo napakaganda ng buong linggo dahil you know, bukod doon sa trabaho na ginagawa ni Presidente, mayroong mga bagong activities tulad noong launching sa Bulacan ng mga kandidato, isa iyon; tapos iyong Valentine’s Day of course kasama natin si Presidente doon sa concert ni Sergio Mendes at kahit papaano nakapagpahinga si Presidente with his wife, Ma’am Honeylet Avanceña; and then, iyong nabanggit ninyo kanina – ito pong turnover ng mga donation ng Chinese Embassy or the People’s Republic of China worth 50 million of broadcast equipment. Pero iyong dinonate, iyong tinurn-over noong nakaraang – kailan ba iyon, Wednesday ba iyon..?
DIR. VINCI: Noong Wednesday po, Feb. 13…
SEC. ANDANAR: …Wednesday, oo, Feb. 13 was just a part and partial of the entire donation. Dahil iyong tinanggap po ng Philippine News Agency at iyong tinanggap po ng Radyo Pilipinas ay ano pa lamang iyon – that was only 50% of the entire donation. So meaning, mayroon pang mga donation na ite-turnover ni Ambassador Zhao sa mga darating na linggo para naman sa OSEC Media ng PCOO.
DIR. VINCI: Wow, yehey!
LEO: Mayroon pa?
SEC. ANDANAR: Opo. So napakaganda po ng ginawa ng China, kasi number one, nag-donate po sila ng mga iMac, iyong mga Mac na computer para po sa editing ng Philippine News Agency. At mayroon din sila dinonate na teleprompter, tapos mga camera, tapos 81 smart phones, oo…
LEO: Sir, iyong 1 akin… iyong 80 kanila na…
SEC. ANDANAR: Oo, puwede sige… Hindi, kasi iyong 81 na smart phones kasi… alam mo Leo at Vinci, ang ating mga reporter kasi sa probinsiya, iyong mga PNA reporters ay you know, wala talaga silang gadget/technology.
LEO: Oo, totoo ‘yan…
SEC. ANDANAR: So itong magandang cellphone na ito na smart phone ay advanced po ito at puwede nang gumawa ng report, puwedeng mag-video, puwedeng mag-audio… marami kang magagawa sa smart phone na iyon. Tapos iyong camera niya iyong Leica, I think it’s the Huawei P20 ba iyon?
DIR. VINCI: Iyong may Leica po, P20
SEC. ANDANAR: Oo P20 iyon, napakagandang ng—talagang high-tech talaga iyong mobile phone na iyon. So ganoon din po sa Radyo Pilipinas, mayroong iMac na binigay, mayroong mga ilaw, mga cameras, mayroong mga binigay mic arm na top of the line, mayroon ding audio console na talagang top of the line lahat ng binigay nila. So we are very happy and we’d like to thank the Chinese Embassy for donating all of these broadcast equipment na kailangan talaga ng Radyo Pilipinas at kailangan din po ng Philippine News Agency.
Alam mo iyong ginagamit ng Philippine News Agency na teleprompter halimbawa, sarili ko iyon, dinonate ko iyon sa kanila.
DIR. VINCI: Oo nga daw po Sec.
LEO: Binanggit ko na dito, sabi ko ang yaman-yaman nitong Andanar na ‘to… nagpapahiram tatlong taon sa gobyerno…
SEC. ANDANAR: Hindi, noong simula kasi… kasi gusto kong umarangkada na, halimbawa Radyo Pilipinas tapos luma iyong mga computer nila, so nag-donate ako ng halos… I think more than—siguro mga 8 computers dinonate ko diyan eh sa Radyo Pilipinas; nag-donate din ako sa iba pa, at I think PNA may ibinigay din ako.
So anyway, of course iyong mga dinonate ko naman ay iyong mga simpleng desktops lang na powerful, pero iyong dinonate ng China iMac talaga eh – Mackintosh talaga iyong binigay nila.
LEO: Ilan iyon sir, ilan?
SEC. ANDANAR: Well ang tinurn-over natin was 2 for PNA and 2 for Radyo Pilipinas.
LEO: Hindi pala ako makahirit, konti lang…
SEC. ANDANAR: Ang halaga ng isa three hundred thousand eh…
LEO: Oo, mahal ‘yun.
DIR. VINCI: Iyong pinaka-top of the line po na…
LEO: Top of the line iyon, ang ibig sabihin.
SEC. ANDANAR: So nasa three hundred thousand iyong halaga, tapos mayroon pa silang ido-donate na mga walo or sampu dito sa OSEC Media naman, so—
DIR. VINCI: Thank you po…
SEC. ANDANAR: Oo, napakadami talaga. Vinci, ang dami mo nang gamit sa OSEC Media.
DIR. VINCI: Opo [laughs]…
SEC. ANDANAR: Ang dami mo nang gamit…
DIR. VINCI: Salamat po…
SEC. ANDANAR: Oo, mayroon silang ibibigay Vinci na… mayroon silang drone na ibibigay.
DIR. VINCI: Wow! For better shots po sa mga location…
SEC. ANDANAR: Oo, tapos iyong Sony na camera na bago… siguro mga walo ‘ata iyon ibibigay sa inyo so.., anyway talagang napakasuwerte talaga natin because of this donation.
DIR. VINCI: Maraming salamat… Pero Sec., iyong napag-usapan namin kanina, baka mamaya intrigahin na naman tayo eh, baka sinasabi: “O magdo-donate si China, ano kayang kapalit?”
LEO: May kapalit… may kondisyon ba o kapalit, ano ‘yan?
DIR. VINCI: Linawin po natin Sec. po…
SEC. ANDANAR: Well, wala hong kapalit ito. Ito’y tulong lamang nila, just the same na nagbigay sila ng dalawang bilyong pisong grant sa bansa natin na—
LEO: ‘Pag sinabi mong ‘grant,’ ano ibig sabihin noon?
SEC. ANDANAR: Walang kapalit…
LEO: No strings attached…
SEC. ANDANAR: No strings attached, grant ‘to. Kasi iba naman iyong grant iba pa iyong soft loan: iyong soft loan, ‘yan ‘yung mababa ‘yung interes; so ito grant – libre. So mayroong binanggit [choppy line] bilyon this year, tapos ang mamimili ng—iyon nga maganda doon eh, kasi dahil sa grant na ito ay puwede nang mag-propose ang mga departamento ng mga projects sa Department of Finance.
So halimbawa sa atin, isa sa mga projects na inaprubahan sa atin ni Secretary Dominguez ay iyong pag-setup ng National Strategic Communications Training Center. Kasi wala pa hong training center ang buong Pilipinas, ang gobyerno ng Pilipinas pagdating sa communications; even the Development Academy of the Philippines, mayroon silang communications training pero wala silang center na talagang naka-focus sa communications.
LEO: Ang ganda noon…
DIR. VINCI: Ang galing…
SEC. ANDANAR: Yes. So and hopefully—
LEO: Sir pagkatapos ng panahon ni Presidente, doon mo ako dalhin ha? [laughs]
SEC. ANDANAR: Oo naman, puwede naman ‘no. Oo puwede, sige.
LEO: Ganda noon… parang na-excite ako bigla. Ang ganda kaya noon…
SEC. ANDANAR: Oo kasi—tapos iyong magiging location nito somewhere in Bukidnon na iyong average temperature nasa 18 degrees.
LEO: Oo, parang Baguio doon eh…
SEC. ANDANAR: So at least, ito talaga ay magiging training center facility na puwedeng ipadala iyong mga information managers ng gobyerno, iyong mga Chief Information Officers, etcetera… puwedeng ipadala doon para mag-training – hindi lang naman national government pati local government.
And isa pa na magandang balita, ay habang naglalakad kami ni Ambassador Zhao sabi niya magdadagdag daw siya ng 15 million more donation this year.
DIR. VINCI: Wow, grabe napaka-generous po… maraming salamat po.
LEO: Kita mo naman ah… Tapos kung makapagsalita kayo against China ganun-ganun na lang ha, ang mga negatibo diyan ah…
SEC. ANDANAR: So iyong plano ko nga, kasi alam mo naman mababa lang iyong capital budget ng PBS saka ng PNA, ang balak ko ay to purchase mga laptops for all of the PNA regional bureaus nationwide.
DIR. VINCI: Regional na…
SEC. ANDANAR: Oo. Tapos, also to purchase powerful desktops para sa lahat ng Radyo Pilipinas nationwide, na mga brand new.
DIR. VINCI: Wow…
LEO: Napakasuwerte naman ng ano ngayon… Alam mo bakit nasabi ko ito Secretary? Pasensiya na kung putulin kita bigla
SEC. ANDANAR: Opo, opo…
PALO: Sa panahon kasi ni PNoy – you know who is this – bumili sila ng laptop para sa sarili nila.
DIR. BELTRAN: Naku!
PALO: Para doon sa kanilang strategic ek-ek na wala namang nangyayari. Iyan tuloy… Ewan ko kung sinibak ni Digong—ni PNoy iyon o whatever? Kilala mo naman siguro iyon, kung ano na nangyari doon. Ito hindi, dadalhin talaga sa mga regional—
DIR. BELTRAN: Pagagandahin.
PALO: This time around operational lahat ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Oo eh ang balak ko nga is that ‘pag-ikot ko sa buong bansa. Halimbawa pupunta ako ng Butuan City, may dala akong bagong laptop para sa PNA, may dala akong bagong desktop para sa Radyo Pilipinas, bagong mikropono so, para talagang maramdaman nila na iyong mga bagong equipment ay nakakarating sa kanila, kasi ang luluma, ang mga microphones nila ayaw ang luluma. Tayo sa Metro Manila masuwerte dahil maganda iyong ating studios, pero sa probinsiya talaga daw talaga ay kailangan nila ng tulong—
DIR. BELTRAN: Yes po, napaka-dependent pa po nila sa Radyo. Sec., two weeks ago po galing po ako ng ano… Iyong Radyo Pilipinas natin sa Batanes, ang desktop po nila Windows XP pa po. [laughs].
SEC. ANDANAR: Windows XP pa? Sana pinicturan mo.
DIR. BELTRAN: Mayroon po ako, Sec.
SEC. ANDANAR: Oo, i-Viber mo sa akin. Alam mo magandang project… Siguro kung iyong Windows XP kung luma na iyon mas lalong luma siguro iyong kanilang mikropono.
DIR. BELTRAN: Opo, sir.
PALO: Sigurado dynamics lang.
DIR. BELTRAN: Tapos lahat po ng tao doon nakikinig po sa atin kaya very dependent po sila sa RP.
PALO: Lahat ng mga nakikinig ngayon, Secretary sa buong Pilipinas, sa RP1 aabangan ka niyan ‘pagdating.
DIR. BELTRAN: Oo, aabangan kana, Sec. Mart.
PALO: May dala itong laptop, may dala itong desktop.
SEC. ANDANAR: Ang plano ko nga sana ay simple makeover eh. So halimbawa iyong studio i-makeover iyong studio tapos lagyan ng bagong mikropono, bagong console tapos bagong computer at iikutin natin iyong buong Pilipinas, lahat ng may Radyo Pilipinas para maramdaman talaga nila na hindi lang iyong Metro Manila iyong ginagawa at Davao, kung hindi buong Pilipinas talaga ay mayroon tayong makeover – so puwede tayong mag-makeover series.
PALO: Iyon oh. Maganda iyon, maganda iyon!
DIR. BELTRAN: Totoo po.
PALO: Sabihin na nating hindi iyon para for media mileage whatsoever. Ito po ay isang magiging legacy po ng PCOO at ng Pangulong Duterte – hindi lang po siyempre kay Secretary Andanar – ito po ay isang ligasiya ng Pangulo talaga na ang lahat ng impormasyon na dapat makarating sa ating mga kababayan up to the far-flung areas ay marating talaga at malaman nila na, ‘Ah, may ganoon naman pala eh. Bakit hindi natin naaabot iyan? Bakit noong mga nakaraang administrasyon…’— totoo naman – eh iyong mga nakaraang administrasyon ay hindi nakakarating, ‘di ba? Totoo iyon! Hindi ako… Kasi ako mamamahayag ako, alam na alam ko iyon ‘di ba?
SEC. ANDANAR: So iyon ang mga projects natin, Leo for this year tapos iyon nag-usap na kami ni Maki tungkol diyan kung paanong gagawin dito sa Pilipinas at of course kasama na rin natin iyong Philippine News Agency, palakasin talaga natin iyong kanilang operation by giving them new tools, new technology para naman eh madagdagan iyong dangal ng trabaho.
PALO: Kasi parang ano iyan eh, parang katulad din ng kasabihan iyan eh, ‘Aanhin mo iyong kabayo kung wala namang damo?’ Aanhin mo iyong damo kung walang kabayo, parang ganoon lang.
SEC. ANDANAR: Aanhin mo iyong damo kapag patay na iyong kabayo.
PALO: Parang ganoon ‘di ba? Eh huwag lang iyong damong nakakaano – iba na iyon. Pero, Sec., kidding aside kasi sabi nga nila although mga taga Malacañang Press Corps naman ay lahat naman ng nangyayari, iyong aktibidad eh nakakarating din naman ang mga impormasyon sa kanila although natatabunan ako minsan dahil nga sa dami nga po ng mga nangyayari ngayon dahil election period at campaign period. Ikaw daw ay umiikot din sa mga lalawigan at dinadala mo ang mga adhikain ng Pangulong Duterte – baka daw nangangampanya ka rin? [laughs].
SEC. ANDANAR: Hindi naman ako kandidato so hindi ko na po kailangang mangampanya. [laughs]. Alam mo ang mahalaga dito ay… Mayroon kasi tayong… mayroon kaming project nila Vinci – iyong Press Freedom Caravan, so kailangan ng Press Freedom caravan, nandiyan iyong FOI, nandiyan iyong Presidential Task Force on Media Security at iyong ating government media bridge policy. Iyon ang pinapalakas natin, iyong tulay ng media at ng gobyerno para mas madali po iyong nation building na tinatawag natin, eh kailangan maganda po iyong relasyon.
So kaya tayo po ay umiikot sa buong bansa at kinakausap natin iyong mga media organization. Eh siguro nakikita ninyo naman sa aking mga social media post iyong mga… galing lang akong Surigao City, kausap ko iyong media doon, mga kaibigan natin, sila ni Jules Lerie Go, sila Dodong Bermudez, napakadami nating kaibigan doon. At galing din tayong Butuan at kausap natin na mga 75 media men and women doon sa Butuan at galing din sa Agusan del Sur iyong iba at Norte.
So iyan naman ay bahagi ng ating lakad, ng ating programa ng Press Freedom Caravan just to update everybody na galing na din akong… This year lang ha, galing na din ako ng Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Cavite, Dipolog, Dapitan, Cebu, Digos. Iyon po iyong mga lugar na pinuntahan natin at marami pa kaming schedule nila ni Director Vinci, in fact, puno iyong aking schedule hanggang second week of May.
DIR. BELTRAN: Sunod-sunod po iyan.
SEC. ANDANAR: Oo sunod-sunod iyong schedule
DIR. BELTRAN: Tinutuhog na nga ni Sec., paminsan kapag nasa isang lugar siya may katabing bayan, pupunta na rin siya doon.
PALO: Kaya ko nilinaw iyon Director Vinci, dahil baka mapagkamalan si Secretary Andanar na nangangampanya para sa mga kandidato ng Pangulo, kasi bawal iyon ‘di ba bilang Secretary, kaya ito po iyong kampanyang ginagawa niya, kakaiba. Para malinaw lang oh ‘di ba? Ito po ay para sa mga… to bridge the gap doon sa mga media people around the Philippines and maybe around the world na sa pamamagitan ng ating social media eh dito nakikita iyong galaw ng PCOO – hindi kasi alam ng iba ito.
SEC. ANDANAR: Well, tama ka around the world kasi, itong Press Freedom Caravan ay dinala natin sa Bangkok ‘di ba? And ngayon nandoon din sila ngayon sa Brussels—Bosnia muna tapos Brussels, tapos Switzerland. So ito ay para naman kausapin iyong mga European media, for example marami silang tanong about the Press Freedom sa Pilipinas—
PALO: Iyong EJK na naman, iyan.
SEC. ANDANAR: Eh dinadala natin iyong Press Freedom Caravan para maintindihan nila, para maliwanagan sila sa kaso ni Maria Ressa. So iyon ngayon ay nandoon si Usec. Joel Egco at nandoon si Asec. Kris Ablan, si Usec. Badoy para ipaliwanag kung ano talaga iyong nature ng kaso ni Ms. Ressa at kung bakit walang kinalaman ang Duterte administration dito dahil maliwanag naman na ito ay kaso between a private individual, a private businessman in the name of Wilfredo Keng at si Miss Ressa at ang kaniyang Rappler.
PALO: Secretary, parang ano lang, kaunting information on the matter. Kasi parang, if you may, ‘di nga noong kinasuhan po si… Ang Rappler itself at saka si Maria Ressa ng tax evasion, if I’m not mistaken, tama ba iyong dinig ko sabi nila, hindi naman sila media. Now that inaresto po si Miss Ressa doon sa NBI dahil sa kaso naman ni Keng, actually this is criminal case kung titingnan mo, the cyber libel so bakit ho sinasabi nila na hindi sila media tapos ngayon parang sinisikil ang pamamahayag nila – ano ba talaga? Which is which? Sino ang sinungaling natin nito?
SEC. ANDANAR: Well, ito iyong mga ironies of their arguments that paradox ng kanilang mga argumento na they are not media, now—
PALO: Biglang naging media.
SEC. ANDANAR: Now, ang kanilang press freedom diumano ay—
PALO: Nasisikil.
SEC. ANDANAR: Ay nasisikil, paradox ironies of their arguments. Pero what is really important here is that we have thousands of media workers in the Philippines. And if you ask every media worker, “is there a chilling effect?” I don’t think so. Kung tatanungin mo iyong Cagayan De Oro Press Club, National Press Club, Butuan Press Club, Surigao Press Club, I don’t think they will, because the fact that Ms. Ressa and all of her colleagues sa Rappler—
PALO: Don’t ever ask me.
SEC. ANDANAR: Ah okay.
PALO: Nakaupo ako dito, mahirap na, baka iba pa masabi ko eh. [laughs].
SEC. ANDANAR: So iyon na, alam naman natin na mayroon silang advocacy, sila ni Miss Ressa, they have their own policies in their own company. So you know we respect that but to say that this administration is killing a press freedom is really wrong and it is the one disinformation for the country.
So dapat lang siguro iyong mga international media, bago sila maghusga ay pumunta sila dito; kausapin nila mismo iyong mga mediamen dito. Number two, my question is, have you even contacted Mr. Keng? Si Wilfredo Keng kinausap ba nila at kinuha ba nila iyong kaniyang panig – kasi kung hindi nila kinuha, they are not working as really objective journalists. So they’re already actually violating iyong journalists’ code of ethics.
LEO: Eh, maging resourceful ka…
SEC. ANDANAR: Hindi lang iyon, that they should ensure that the other side of the story ay marinig and at the same time, that if there are substantive errors, that it should be corrected. For example iyong Associated Press, I think they corrected their story about Ms. Ressa’s arrest – so iyon ang mga bagay na… alam natin na mayroong mga political agenda, mayroon din silang sariling mga adbokasiya pero not to the extent of destroying the government of the Philippines; na mayroon tayong isang move na para masikil iyong ating press freedom, which is completely wrong.
At the reason why na mayroon tayong Presidential Task Force on Media Security, is precisely to ensure, to guarantee the safety of our journalists because the President respects, believes in the freedom of the press.
LEO: Hindi, actually—kaya Secretary natanong ko ‘yan kanina doon sa premise ko, dahil sinasabi nila hindi sila media. So, paano sila tutukan ng Presidential Task Force on Media Security kung hindi naman pala sila media?
DIR. VINCI: Saklaw pa rin po ba sila Sec.? Oo…
LEO: Ano ba talaga?
DIR. VINCI: Will they still be covered po?
SEC. ANDANAR: Basta tayo sa gobyerno, we consider Rappler as media, an online media. I think their defense during that time to defend themselves from the case or from the decision of SEC na to nullify their business, kasi nga mayroong investors from outside the country. Alam naman natin na ang media sa Pilipinas, sa batas natin kailangan 100% Filipino-owned, as in 100%. So hindi ko alam, siguro that was one of their alibis.
But anyway, nandito na tayo sa kaso ni Ms. Ressa at iyong kay Wilfredo Keng, so I would really advise the international press to get the side of Wilfredo Keng na you know, this guy is a businessman; I only got wind of the story when I—noong sumabog na itong istorya; 2012 nasaktan siya sa sinulat ng Rappler at ni Ms. Ressa at iyong si reporter, si Mr. Santos ba iyon, iyong reporter?
LEO: Hindi ko kilala eh [laughs]…
SEC. ANDANAR: Tapos—well correct me if I’m wrong, don’t quote me on that pero may isang reporter pa. At pangalawa ito ay na-republish noong 2014, at iyon nga nireklamo ito ni Mr. Keng; at ito’y sinumite niya sa DOJ, at iyong DOJ naman ay binigay sa korte – and the court found probable cause to arrest Ms. Ressa.
Now alam mo kami sa—as a Co-Chairman of the Presidential Task Force on Media Security, napakadami nating mga libel cases na nasusundan, okay. Now you know, the law is no law that actually gives priority to mediamen who are rich or poor or – wala. It is no—the law does not discriminate a person. It does not discriminate a person. So whether you are a reporter of Rappler or a big news organization in Manila, and you’re a reporter of a small news organization in Jolo, Sulu or in Cagayan De Oro, Zamboanga or in Capiz, Aklan… pare-parehas lang po iyong karapatan ng manunulat at broadcaster.
So I’ll cite you an example Leo and Vinci: In 2016, it was June when the President announced that he was going to appoint me as a Secretary of the PCOO. Now a few weeks after that, mayroon akong libel case na isinampa sa akin, and even if I was already announced as the incoming PCOO Secretary, and even if I was working in a big network like TV5, I still have to travel all the way to Laguna, to Pagsanjan if I’m not mistaken to face my accuser and to clear may name, to go to the court.
LEO: Ahh… Bakit hindi namin alam iyon? [laughs]
SEC. ANDANAR: Well you know, hindi naman kailangan sabihin. Alam mo, I am proud to have been accused of libel, because sabi nga nila it’s a badge of honor for every journalist and every broadcaster. So it happened during that time na papasok na ako sa administrasyon ng Pangulong Duterte. But then again, I still went there and defended myself. So what I’m saying is that, Ms. Ressa is no exception to the rule – lahat tayo, kahit sinong… sikat ka, kahit sinong Poncio Pilato—
DIR. VINCI: Kahit ang Secretary ng PCOO…
SEC. ANDANAR: Kahit Secretary – you are not above the law. So you are given all of the leeway and you are given all of the legal remedies that you can get: get a lawyer and go to the legal process and fight your case – iyon lang naman ‘yun eh.
But to say that this is against press freedom, and to say that it is an upfront to press freedom is a big mistake dahil hindi totoo ‘yan.
LEO: O ‘ayan ha… Eh walang harassment na naman, ‘yan ang mga words nila eh – harassment at kung anu-ano pa…
SEC. ANDANAR: And another thing Leo and Vinci, it was the judiciary that decided on the case. The Judiciary is an independent branch of government, and with the three branches of government – the Executive, the Judiciary and Legislative – the Executive does not hold any control over the Judiciary, nor do we hold any control over the Legislative, hindi ito naintindihan ng mga manunulat eh. And then they will just conclude na Duterte administration…
I mean, this is—this principle of governance is the principle of governance that originated in the west, in Europe, in the United States… dapat alam nila ‘to na wala tayong control over the Judiciary at sa Legislative. So if the Judiciary decides na Ms. Ressa indeed committed libel, then it’s their decision – it’s not our decision.
PALO: Kasi parang ano ‘no, parang one way lang, ‘di ba puwedeng two way? Kasi sa panahon ng… ‘pagpasok pa lang ni Presidente sangkatutak na iyong banat ng kalaban. Sabihin na natin iyong mga media people – iyong mga kritiko. Banat nang banat, ngayong bumabanat si Presidente ayaw ninyo? Parang ganoon eh, iyon ang ibig kong sabihin pero hindi ba puwedeng may demokrasya tayo sa pagsasalita? Eh kayo ang dami ninyo sangkatutak kayo samantalang si Presidente nag-iisa lang ‘di ba? So mali ba na sabihin na, ‘Itong Rappler, itong ABS… gumaganun siya, itong Inquirer.’ So ibig sabihin kapag sinabing ganoon eh, iyan ay pagsikil na? Harassment na ng gobyerno? Kasi iyon naman ang… Iyan lang ang isa sa nakikita ko kung bakit itong mga kumakampi, sabihin na natin na pati iyong mga international media at sinasabing kasi nga ang gobyerno ni Duterte is against media, parang ganoon eh. So, tingnan ninyong mabuti.
SEC. ANDANAR: Hindi against the media eh, hindi ba nila tinitingnan na may PTFOMS, na pinoprotektahan iyong ating mga media worker. Hindi ba nila naisip na after more than 30 years na ipinaglaban itong FOI, it’s only under this time na may FOI. Why is FOI important for the media? Because the media fights for public access to information and the FOI traces the right to information as inscribed in the Constitution. At mayroon tayong government media bridge policy na kinakausap natin iyong ating mga kasamahan sa mga regions. This was never done during the past administrations, na umiikot po iyon PCOO doon sa buong Pilipinas hindi lang para inspeksiyunin iyong ating mga agencies kung hindi pati rin kausapin ang ating mga media men and women.
PALO: Kasi parang hindi ko ma-gets iyong laging pinangangalandakan na checks and balances eh. So ibig bang sabihin wala ng karapatan iyong gobyerno sa mga bagay na ganito na parang kapag ka kritikal ka kay Presidente, hindi siya puwedeng maging kritikal sa iyo. Parang mali yata ‘di ba, one sided lang?
DIR. BELTRAN: At parang nasabi na agad na si Presidente ay hindi for press freedom, parang ganoon iyong pinalalabas kasi.
PALO: And the fact na you are an international, sabihin natin ang totoo. Ang Rappler kasi… let’s say mga 6 million ang viewer or reader all over the world, parang ganoon eh. So alangan namang… kayo ang dami ninyong… nanonood sa inyo, si Presidente ilan lang, sa Pilipinas lang.
SEC. ANDANAR: At saka isipin natin na talagang… Sabi nila—ano iyong sabi ng Rappler, we are weaponizing the legal system? Pero ito iyon eh, mayroon tayong press freedom, okay? Tayong mga mamamahayag may press freedom tayo. May karapatan tayong sabihin kung anong gusto nating sabihin, responsively. At the same time mayroon ding karapatan si Juan, si Maria, si Lito, si Manang Inday para ipaglaban din ang kanilang sarili through the libel law and through the slander law, okay? So ganoon lang naman iyon eh. If we have a write to speak, we have freedom of expression, freedom of the press, mayroon ding karapatan iyong nasaktan natin na kasuhan tayo. Ganoon lang naman iyan eh. So mayroon tayong legal process, ibig sabihin mayroong limitasyon iyong ating freedom of the press, mayroon limitasyon kapag iyong nasaktan natin ay kinasuhan tayo at kapag sinabi ng—
PALO: Guilty ka.
SEC. ANDANAR: Mamamahayag ay talagang nag-commit ng libel, then that already is the limitation of our freedom of the press then – nakasakit tayo and then we have to pay a bit – kasi mayroon tayong naagrabyado na tao. Eh lahat tayo may karapatan. We just need to work within the legal system ‘no. Iyon ang ginawa ni Mr. Keng.
DIR. BELTRAN: At nabanggit ninyo din po, Sec., ‘di ba po the fact na naririnig pa po si Miss Ressa sa ibang mga platform, sa iba’t-ibang platform ay kumbaga may freedom pa rin po siya.
PALO: Iyon nga ang inaano ko diyan eh, parang iyon nga, sabi nga ni Secretary kanina—
DIR. BELTRAN: I-quote natin si Sec.
PALO: Ironic kasi dahil the fact na naging fact checker sa FB, eh siya rin pala iyong… fake news din pala – ano ba? Paano ba nangyari iyon na naging fact checker ang isang fake news, nagpe-fake news din. Hindi ko maintindihan iyon, Sec.
SEC. ANDANAR: Well, marami naman tayong… Alam mo sa ating legal system, maraming abogado and there’s so many opinions also so pagalingan na lang ng abogado kung sinong mas magaling – abogado ba ni Ms. Ressa o iyong abogado ni Mr. Keng – so silang dalawa. So you know, and then let’s just observe what will happen in the next few weeks kung papaano maglalaban-laban ang dalawa sa husgado. But this is a very interesting case kasi iyong kaso ng pribadong individual na before this administration ay isinampa na niya ay sinisisi sa administrasyon, para bang iyong kamatayan ni Andres Bonifacio ay sinisi mo sa administrasyong Duterte, so napakalayo naman noon.
PALO: Ito ha tanong lang, si Mr. Keng ba kaibigan ni Presidente?
SEC. ANDANAR: Hindi, hindi nga kilala ni Presidente eh.
PALO: Kaibigan mo ba iyon?
SEC. ANDANAR: Hindi ko rin kaibigan.
PALO: Kaibigan ba ni SAP iyon?
SEC. ANDANAR: Hindi ko alam pero ako hindi ko kaibigan. Hindi ko—malamang kung hindi kaibigan ni Presidente eh hindi rin kaibigan ni—
PALO: Alam mo naman tayong mga mamamahayag kapag nalaman na kaibigan eh, kaibigan kasi iyan kaya ganoon. [laughs].
SEC. ANDANAR: Hindi, hindi nga alam ni Presidente na inaresto si Ms. Ressa. So anyhow, on another topic basta tayo naman ay patuloy lang na nakatutok on the ground, nagtatrabaho lang tayo para mapaganda natin iyong ating mga ahensiya at mayroon akong good news dahil iyong Mindanao Media Hub ay malapit na pong matapos.
PALO: Wow, kailan iyan? Mayroon na ba? May target date?
SEC. ANDANAR: Ang target is in last week of March or first week of April ay mag-unveiling na si Presidente. This will be very exciting for everybody, lalung-lalo na sa government media.
PALO: Puwede ba akong mag-janitor doon?
DIR. BELTRAN: Ang ganda noon, ang laki.
PALO: Nakita ko iyong plano eh kaya sabi ko, puwede ba akong mag-janitor doon, Sec.? Ano lang manager ng janitor?
SEC. ANDANAR: Huwag lang janitorial service. Kailangan mo munang dumaan sa procurement.
PALO: Grabe, ang tindi, ang tindi. Hay naku. Well, Sec., again, thank you for your time at alam kong busy. Baka may idadagdag ka pa? Mayroon pa ba bukod doon?
SEC. ANDANAR: Well, belated happy Valentines sa inyong dalawa.
DIR. BELTRAN: Belated happy Valentine’s po!
PALO: So hindi ka ba aalis, diyan ka lang ba at may itatanong pa sana ako mamaya maya, magbe-break lang tayo in a while kung—
SEC. ANDANAR: Mayroon lang akong isa pang meeting pero once again, thank you so much for guesting me.
PALO: Nagpapasalamat naman ho kami at lagi ka po naming… paborito ka nga ho namin ngayon. Akala ho nila nagbabayad ho kayo sa amin dito eh kaya ganoon. Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Salamat po, salamat po. Mabuhay po!
DIR. BELTRAN: Sec., maraming salamat po.
PALO: Thank you so much, Sec.
SEC. ANDANAR: Salamat. Salamat.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)