Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo by Henry Omaga-Diaz (Omaga-Diaz Report – DZMM)


OMAGA-DIAZ:  Sa pagkakataong ito, nasa linya po ng telepono si Secretary Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel, magandang hapon po, Sec.

SEC. PANELO:  Good afternoon, Henry.

OMAGA-DIAZ:  Kasama po natin si Ms. Maria Ressa dito sa ating himpilan at si Mr. Raymund Villanueva ng NUJP.

SEC. PANELO:  Hello, Maria…

OMAGA-DIAZ:  Kasi you were quoted as saying na ang nag-a-abuse ng power is not Malacañang but rather Maria Ressa. Of course eh nasa inyo po iyong makinarya ‘ika nga ‘no, ng buong gobyerno, and even NUJP saying na nagkakaroon ito ng chilling effects sa mga mamamahayag, itong pag-aresto kay Maria Ressa. So, how do you react to this?

SEC. PANELO:  Unang-una, gaya ng sinabi ko na sa ilang mga pahayag, walang kinalaman ang kalayaan ng pagpapahayag sa pagkakademanda kay Maria. Unang-una, isang pribadong indibiduwal ang nagdemanda sa kaniya. Sa aking pananaw, iyon ay assertion lamang ng isang mamamayan sa kaniyang karapatan na sa kaniyang pananaw ay nilabag ni Maria kaya siya idinemanda. Wala kaming kaugnayan diyan sa taong ‘yan; ‘yang pangyayaring ‘yan ay nangyari noong hindi pa presidente si Pangulong Duterte; hindi niya kilala ‘yan, ni hindi niya ka-acquaintance ‘yan at walang kaugnayan absolutely iyong sinasabing on assault on freedom of expression.

The fact is, kung totoo iyong sinasabi ni Maria ‘di sana tumahimik na siya at iyong Rappler ay hindi na naglalabas ng mga publication. Another thing, si Presidente gaya ng sinabi niya na kahapon, marami na ang sumira sa kaniyang pagkatao; noong alkalde siya, ngayong presidente siya… subalit kailanman ay hindi siya nagdemanda ng libel kahit na kanino. Kasi nga ang training niyan, abogado ‘yan eh, he believes in that.

At saka iyong nirereklamo naman ni Maria gaya ng mga pinahayag ko na, iyong iregularidad na sinasabi niya, hindi naman totoong iregularidad – perception niya lamang iyon. Kasi sinasabi niya bakit daw iyong demanda sa kaniya na ang kaniyang—una, pag-serve daw sa kaniya ng warrant ng pulis, bakit daw walang information sheet. Eh hindi naman po requirement ng pulis iyon o NBI na maglalagay ng mga dokumento doon. Ang tinatanggap lamang ng mga pulis ay order sa hukuman na may kasamang—o ‘yun nga, iyon nga mismo, iyong warrant of arrest at dinidirektahan sila na ipatupad ang mandamiento de arresto.

Now she complains – nagrereklamo din siya…“Eh ba’t naman ako inaresto ng hapon?” Eh unang-una, iyong warrant of arrest wala naman nakalagay doon na aarestuhin ka ng umaga o sa makalawang araw… iyon ang gusto niya eh. Sapagkat ang nakalagay lang doon, arestuhin siya at dalhin sa hukuman para sumagot doon sa demanda sa kaniya.

Pangalawa, iyong bawal—actually hindi nga bawal, kaya lang they’re from the past. Ise-serve mo ng Biyernes ng hapon iyan kasi kinaumagahan Sabado walang hukuman, but it doesn’t apply anymore nga, sapagkat mayroong tinatawag na ‘night court’ – so puwede kang mag-apply. So it was served on a weekday.

Number three, sang-ayon sa kaniyang abogado noong dose pa daw… noong 12 pa raw nila alam, in fact nagpunta nga daw sila sa hukuman eh para mag-file ng bail pero wala daw iyong judge. Eh pero alam mo Henry, kahit na walang judge iyong hukuman eh maraming courts, kung saan man naka-pending iyon – kung sa Quezon City, Makati… maraming branches. So kung wala, hindi puwede doon, you can file that in any branch of the court noong araw na iyon.

Now, ‘di isinerve sa kaniya ng hapon so, mayroong gabi – night court. Ang reklamo na naman niya Maria, “Eh hindi ako binigyan. May conspiracy…” Eh gaya ng sinabi ko, alam mo kasi nag-file sila sa night court na Metropolitan Trial Court – hindi iyon ang hukuman na nakabinbin iyong kaniyang kaso. So, you will not expect that court to know the records of your case kaya trabaho ng abogado niya dalhin ang lahat ng dokumento para malaman ng hukuman kung papaano siya pipiyansahan. Eh walang—eh hindi dala, walang information… iyon ang hinahanap ng court, paano nila malalaman?

So iyong mga sinasabi niyang mga iregularidad Henry, hindi totoo lahat iyon. Perception niya lang iyon.

 HENRY: Okay, Secretary, si… bigyan natin ng time mag-react si Maria. Maria?

MARIA RESSA: I respect the opinions of Secretary Panelo, I’ve heard them, I responded to them. Ang dami pong mali especially – let me leave it like this. Kasi I feel like we’re getting lost in the details, and the details don’t matter but the big picture does, right. And the big picture is that anim na beses na po akong nagpiyansa sa loob ng dalawang buwan – hindi po regular iyon. At again while I respect, Secretary Panelo’s views, we can counter every single one of them pero parang waste of time po ito sa mamamayan. I will say that what we want to do is to continue doing our jobs. To please, Secretary Panelo, I would love to have our reporter back in the Presidential Palace, kasi po Constitutional din po iyon.

HENRY: Banned pa rin ba si Pia?

MARIA RESSA: Banned pa and every Rappler reporter across the country where President Duterte appears. Nothing written, but every time it happens. Again, I respect the position that is their—I always have, I have reported for more than 30 years under many different administrations. I will say there are many irregularities and I think that these are the ones that need to be addressed. I guess, my last point here is I always point that abuse of power and the weaponization of the law, ang laki-laki po ng powers ng gobyerno at kapag tinutok po ito sa isang mamamahayag, wala po kayong depensa.

HENRY: Ah, Raymond?

REYMOND: Iyon nga sasabihin ko nga sana eh, kung walang masamang tinapay ang Palasyo sa Rappler bakit nga hindi makapag-cover ang mga Rappler reporters sa lahat noong events na nandoon ang Presidente. Kuwan lang ba iyon, dahil ayaw lang? Puwede bang ganoon sa ilalim ng demokrasya?

HENRY: Okay, Secretary?

SEC. PANELO: Alright. Iyang sinasabi ni Maria na she respects my views. Excuse me, Maria that is not even my view. My response to you is what the law says, kung ano iyong sinasabi ng batas tungkol sa pag-aaresto dahil kapag sinabi ko na  iyong rule of law na sinasabi mong i-observe, eh in-observe nga iyon sa iyo kasi binigyan ka ng karapatan na sagutin ang demanda sa iyo, nagkaroon ng preliminary investigation. Binigyan ka rin ng karapatan na iyong hukuman pag-aralan kung may probable cause at ginawa naman ng hukuman iyon.

Sa madaling sabi, ang lahat ng pagdedemanda at lahat ng pagdinig sa kaso mo ay ginawa nang ayon sa batas. Sinasabi mo na anim na buwan kang nagpiyansa, eh kung anim na demanda ang isinampa sa iyo eh talagang anim na buwan ka ngang magpipiyansa. Now, tungkol naman doon sa Rappler, si Pia. Alam mo kahit na nga si Pia hindi makapasok sa Malacañang pero lahat ng katanungan ni Pia na pinadadala sa news briefing kahapon, lahat ng… ilang beses na, sinasagot namin iyon. Lahat ng events napapanood niya at nagbibigay siya ng articles, she writes news about it. So walang nabago doon.

MARIA RESSA: Pero dapat po nandoon siya hindi ba?

SEC. PANELO: Teka muna Henry. Pagdating naman doon sa sinasabing weaponization, eh siya nga ang gumagamit ng batas kasi iyong Freedom of Expression at Freedom of the Press ginagamit niya ngayon laban sa gobyerno just because dinemanda siya: Gusto niyang magkaroon ng special treatment, like ayaw niyang pagsilbihan siya ng warrant nang sinasabi ng batas kahit na anong oras puwede siyang… Gusto niya “ah, hindi dapat kinabukasan,” that’s special treatment. Eh ang batas eh dapat pare-pareho lang sa lahat ng tao.

HENRY: Okay, Secretary, siguro ang tanong dito iyong weaponization maging… sa journalist or sa batas eh as against iyong katotohanan, ano ba talaga kasi ang katotohanan. Well, anyway, Secretary, wala na tayong panahon. Siguro may part 2 tayo para mas mahaba. Maraming, marami hong salamat, Secretary Panelo sa inyong panahon na binigay po sa amin. Thank you, sir.

SEC. PANELO: Salamat, Henry. Salamat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource