SOTTO: Magandang umaga, kasama natin ang Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo. Good morning…
SEC. PANELO: Good morning.
SOTTO: Magandang umaga Secretary, si Ali Sotto po saka si Arnold Clavio. Live po tayo sa DZBB.
SEC. PANELO: Good morning po. Good morning, good morning Ali and Arnold…
SOTTO: We were just going to ask you about… nalipat na ba iyong pamamahala noong Hotline 8888 po sa Office of the President, Secretary?
SEC. PANELO: Ang alam ko kay Secretary Martin iyon.
SOTTO: Martin Andanar magha-handle?
SEC. PANELO: Iyon ang alam ko. From the very start, alam ko sa kaniya iyon.
SOTTO: Oo… So iyong kahapon, nagsalita kasi ang Pangulo na he threatened to shutdown PLDT kung hindi magdadagdag ng linya para iyong ating mga kababayan ay makatawag, makapagsumbong, mag-complaint sila against corruption/incompetency sa pamahalaan.
CLAVIO: Kasi experience doon, laging busy, parang ganoon…
SEC. PANELO: Laging busy kasi marami talagang tumatawag. Siguro kailangan na magdagdag ng lines diyan eh.
SOTTO: Oo. Ang balik naman, sa pananalita naman ni Mr. Manny Pangilinan kanina, according to the agreement, 20 to 40 lines lamang ang commitment nila. But set aside that one, talagang magdadagdag daw sila ng mga trunk lines din to address iyong mga complaints ng ating mga—and then what happens po doon sa mga tawag na iyon? Because I understand dati, under the management and administration ng Civil Service Commission ito before inilipat sa Office of the President. Ano po iyong protocol doon sa—‘pag mayroon pong nakatanggap ng complaint mula sa ating mga kababayan?
SEC. PANELO: When you make a complaint, ire-relay agad nila doon sa particularly agency concerned or kung sino iyong inirereklamo, [unclear].
SOTTO: Kapag—of course kapag katiwalian ang reklamo, siyempre dadaan din naman sa due process. So, sino na po ang ano—iyong concerned agency na po ang mag-iimbestiga at magsasampa ng complaint o iyong—at saka iyong nagsumbong, kailangan ng cooperation noong nagsumbong?
SEC. PANELO: Initially, nire-refer iyon sa—kung ang reklamo sa Mayor halimbawa, ibibigay sa DILG. Kung ang reklamo naman sa particular department eh ibibigay iyan sa head. ‘Pag hindi pa kuntento, ire-refer ngayon sa Philippine ano… iyong Anti-Graft Commission.
SOTTO: Okay. Maiba tayo ng topic, dalhin ko na rin sa… iyong sinabi ninyo nga na hyperbole iyong sinabi ng Pangulo dahil nga hindi na rin nakadalo si Bishop Ambo (David) doon sa kaniyang award, si Randy na lamang po ang tumanggap noong award ni—
CLAVIO: Eh kasi nga may threat kay Bishop David?
SOTTO: Serious investigation of the threat?
CLAVIO: Kasi mayroon namang bilin ang Pangulo, huwag saktan ‘di ba, iyong mga pari’t obispo?
SEC. PANELO: Dapat imbestigahan iyan kung totoo. Pero ako, tingin ko gawa-gawa lang iyang mga threat na iyan.
SOTTO: Parang siguro, kung mayroong President Duterte supporter po ano na nakuha siguro iyong number ni Bishop…
SEC. PANELO: [unclear], pero kami, iyong mga supporters ni Presidente, alam na nila iyong style ni Presidente na nagbibiro siya eh. Kaya nga sinisisi ni Presidente iyong mga opposition at critic kasi pinapangalandakan nila na seryoso si Presidente, na nananakot, [unclear]. Ang katotohanan, alam naman nilang hindi eh. He has been that way, that style, nagbibiro… lahat naman kasi binibiro niya.
SOTTO: So dahil nga sa pahayag niya, then he received a text from Cardinal Tagle, so mayroong linya ng communication between the Cardinal and the President?
SEC. PANELO: Actually he texted Mr. Bong Go.
SOTTO: Ah, si Bong Go po ang nakatanggap po noong text ni Cardinal?
SEC. PANELO: Oo, pinabasa kay Presidente.
SOTTO: Oo, pinabasa… And then—so iyong pahayag ng Pangulo na personal niyang laban ito at huwag gagalawin, huwag sasaktan iyong mga pari at obispo – was in reaction to that text dahil umabot na sa punto na nakakatanggap na ng banta sa buhay.
SEC. PANELO: Yes, definitely [unclear] ni Presidente iyong [unclear] ‘di ba. He is known to be outraged by any irregularity, criminal conduct, any behavior that goes against the ethics…
CLAVIO: Okay. Natanggap ninyo na po iyong resignation ni Arnel Ignacio?
SEC. PANELO: Yeah, alam ko na iyon…
CLAVIO: Okay. Sayang naman ano… Ito eh, sabi niya marami daw siyang nasakripisyo na eh gusto niyang bumalik sa dati.
SEC. PANELO: Siguro nga, baka nahirapan…
CLAVIO: Thank you, Secretary.
SOTTO: Maraming salamat po.
SEC. PANELO: Good morning, Arnold. Good morning…
CLAVIO: Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)