SEC. PANELO: Good morning, Mike.
ENRIQUEZ: Oo. Long time no hear, long time no see. Napapanood ko na lang kayo sa TV at nababasa ko kayo sa kung saan-saan.
Ganito itong usapan ngayong umaga, pinag-uusapan, itong narco-list. Ano ba talaga ang pupuntahan nito? Ilalabas ba ito? Ano ba? Sino ba ang maglalabas nito? Saan po ba talaga patungo itong usapin na ito dahil papalapit na po nang papalapit ang eleksiyon, Secretary eh?
SEC. PANELO: Siguro by next week ilalabas na iyan ni DILG Secretary Año.
ENRIQUEZ: So sigurado na iyon?
SEC. PANELO: Definitely, yes.
ENRIQUEZ: May okay na ito ni Presidente?
SEC. PANELO: Oo. Alam mo, Mike, kailangan tingnan natin iyong problema ng droga, ito ay masyadong napakalaki na nagbabanta itong sirain ang buong lipunan natin, unang-una, iyong pamilya, tapos sila pa ang hahawak ng (signal garbled) o ang mga (signal garbled). May problema tayong malaki diyan, dahil sinasabi ng well-meaning individuals, mga kaibigan din natin sila, kahit kalaban, they are well-meaning na baka naman sinisira ninyo iyong right to presumption of innocence.
Pero alam mo, Mike, iyong individual right as against the people’s right to know, to be informed, this a Constitutional provision. Kailangan ibabalanse natin, ano ba ang mas mahalaga iyong karapatan ng isang tao, kahit iyong mga kandidato which they have waived, alam mo sa tingin namin ni Presidente winaive na nila iyon. Kasi by running you expose yourself to fair game, pumasok ka diyan eh so bubuksan lahat ang mga involvement mo sa lahat ng mga iregularidad.
ENRIQUEZ: Kakalkalin lahat sa wikang Tagalog.
SEC. PANELO: Of course. In other words, they take that risk and effectively they have waived the right to the presumption of innocence. Pangalawa, ‘di ba kung totoo na hindi sila kasali at nailagay ang pangalan nila at sa feeling nila nasiraan sila, eh mayroon naman tayong hukuman, they can go there and vindicate, eh mayroon batas tayo eh. Pero sa ngayon since iyong problema sa droga has reached the level of national security eh iyong endangerment ng ating bayan at ng sambayan ay kailangan bigyan natin ng atensiyon. At iyong mga botante they have the right to be informed, hindi na tayo mag-aantay. Sinasabi nila, ‘Bakit hindi muna kayo magdemanda?’ Eh alam mo iyong demanda gagawin iyan kapag sapat na. Eh kung magdedemanda ka, katagal-tagal pa iyang proseso, alam mo naman dito sa ating bayan. Meanwhile, iyong mga kandidato na involved diyan eh baka manalo na sila oh ‘di lalong nagkaproblema tayo.
ENRIQUEZ: Opo. Ganito po, Secretary, alam ko naitanong na ito sa inyo ng limang milyong beses. Pakitugon nga sa kapakanan ng mga nanonood at nakikinig ngayong umaga. Mayroon pong mga nagsasabi na imbes ilabas iyan, kasuhan na lang itong mga ito, itong mga pulitiko; o pangalawa, ilabas iyong listahan at – hindi pa doon nagtatapos – kasuhan sila. O ano naman po ng ang tugon ninyo diyan kung napag-usapan ninyo na iyan ni Presidente, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi. Kagabi ang sabi sa akin ni Secretary Año naka-ready na iyong mga pa-filan niya – administrative, pati criminal. As I said earlier, hindi na tayo mag-aantay na bago mo ilabas iyon eh kakasuhan mo pa kasi nga matagal ang proseso ng kaso sa ating bayan. Baka nga tapos na iyong termino ni Presidente at iyong mga susunod na Presidente nakabinbin pa diyan—
ENRIQUEZ: Totoo po iyon eh abogado kayo alam ninyo iyon.
SEC. PANELO: Yes. Meanwhile, kung hindi natin ilalabas iyan at iyong karapatan ng taong malaman nila any matters of concern that affects their lives and welfare ay mawawala iyong tungkulin na inaatang sa mga opisyales ng gobyerno – iyong tungkulin na ipaalam sa taong bayan ang anumang bagay na makakaapekto sa kanilang buhay at sa kanilang kalusugan.
ENRIQUEZ: Okay, ano naman ang tugon ninyo doon sa mga nagsasabi na—alam ko alam ninyo na rin ito, sa mga nagsasabi na—teka muna, nakita ninyo na ba iyong listahan, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi pa, hindi pa. Wala ka doon—
ENRIQUEZ: Hindi ko kayo tatanungin ng blind item.
SEC. PANELO: Definitely wala ka doon, Mike. [laughs]
ENRIQUEZ: Ay susmaryosep naman ito sumagot. Bakit ganoon? Hindi naman ako kandidato at saka hindi ako nagdodroga. Ha?
SEC. PANELO: Tayong dalawa wala doon definitely.
ENRIQUEZ: Ganito, Secretary, ang tanong kasi eh, kaya ko natanong iyon eh mayroon pong mga nagsasabi na baka magamit iyong… hindi iyong listahan kung hindi iyong pagpapalabas nung listahan—o pareho na, iyong listahan at iyong pagpapasapubliko ng listahan laban sa mga kandidato na hindi kaalyado ng administrasyon. Kaya ko tinanong kung nakita ninyo na iyong listahan. Ano ba iyon may mga taga administrasyon din ba doon sa listahan na iyon, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi ako magtataka kung mayroon din na kandidatong nasa administrasyon, eh kasi wala namang kinikilala iyong listahan. Kung sa imbestigasyon ng PDEA, ng law enforcement agencies nandoon—alam mo, Mike, iyong sinasabi nila ‘baka magkamali.’ Alam mo mahirap ding magkamali, tandaan mo iyong ilang… mahigit isang libong listahan, ‘di ba ang nagreklamo doon eh isang tao lamang na nagkamali? Nag-apologize pa nga siya. O eh doon na lang sa statistics na iyon. So iyong likely na magkamali hindi kasi maraming sources eh, iyong surveillance, masyado ng modern ang technology natin; tapos iyong mga sumuko, tanda mo, Mike, maraming sumuko ‘di ba? At iyon ang nagbibigay ng impormasyon, marami ring naaresto, iyon din ang nagbibigay ng impormasyon. Kaya validated iyong mga nasa listahan.
ENRIQUEZ: Okay, sige po, Secretary. Kailan sa susunod na linggo ilalabas iyong listahan? Ano ba ang hinihintay natin para mailabas iyan?
SEC. PANELO: Eh inihahanda nga iyong mga ipapa-file na administrative sabi ni Secretary Año kagabi sa akin.
ENRIQUEZ: Ah so ang sinasabi ninyo, paglabas noong listahan sa isang linggo eh—
SEC. PANELO: Kasabay na ang pag-file.
ENRIQUEZ: Kasabay iyong pagsasampa ng kaso? Ganoon ba iyon?
SEC. PANELO: Yes.
ENRIQUEZ: Aasahan po namin iyan, Secretary. Ibabalita po namin iyan.
SEC. PANELO: Definitely.
ENRIQUEZ: Okay, sige po, Secretary, nagpapasalamat po kami at tinanggap ninyo ang tawag namin ngayong umaga at sinagot ninyo ang mga tanong. Sana madalas pa ito lalo na habang papalapit ang eleksiyon 2019, Secretary?
SEC. PANELO: Palagi akong naghihintay sa mga ano mo eh hindi mo naman ako tinatawagan.
ENRIQUEZ: Tingnan ninyo, ayaw ko naman kayo ay tanungin kasi parati ninyong sinisingit na, ‘Huwag kang mag-alala Mike hindi ka kasama doon sa listahan.’ [laughs] Joke! Secretary, salamat ha.
SEC. PANELO: Maraming salamat for having me. Thank you.
ENRIQUEZ: Good morning, good morning po, mga kapuso. Si Presidential Spokesman, Secretary at Attorney Salvador Panelo.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)