Interview

Cabinet Report sa Teleradyo – Radyo Pilipinas by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Mr. Leo Palo III with guests NEDA Secretary Ernesto Pernia and DOF Assistant Secretary Tony Lambino


PALO:  At siyempre kumusta kayo kabayan, ito po ang… again, Cabinet Report sa Teleradyo kasama natin siyempre pa mula sa linya or sa ating another communications… ‘Ayan kumusta kayo kabayan, ito po si Leo Palo III minus… at Cabinet Report sa Teleradyo, patuloy ninyong mapapanood sa PNA at tuwina’y mapapanood Biyernes iyan ng gabi.

So samahan ninyo po ako dahil solo tayo ngayon, pero hindi tayo pababayaan ng may-ari po ng programang ito, walang iba kundi si PCOO Secretary Martin Andanar na matagal na nating naging… sabi ko nga eh ‘guest’. Pero ngayon hindi na siya magiging guest, pero nawala lang iyong signal, balikan natin in a while…

At mamaya-maya ay makakapanayam natin, makakasama natin ang mga nasa ekonomiya, ‘ayan – mga economic managers ng Pangulo mula po sa National Economic Development Authority, siyempre pa Secretary Pernia at sasamahan tayo ni Assistant Secretary Tony Lambino mula naman po ‘yan sa Department of Finance – ‘ayan, mamaya ‘yan.

Pero bago iyan, eh papakilala ko muna sa inyo, hindi na ito guest ngayon dahil siya na po iyong magpoprograma at siya nawa [laughs] hindi mag-a-absent ito sa Cabinet Report sa Teleradyo – siyempre walang ibang heartthrob ng Cabinet ng Pangulo, Secretary Martin Andanar. Magandang gabi, Secretary Mart…

SEC. ANDANAR:  Hello Leo, magandang gabi at sa mga nanonood sa atin sa Cabinet Report, live tayo sa 738 Radyo Pilipinas Uno, at tayo po’y napapanood sa ating mga Facebook pages ng PCOO, lalung-lalo na dito sa RP1. Live tayo sa TV? Hindi yata ano…

PALO:  Ah hindi naka-live, okay lang. Well, parang mas naiinggit ako diyan sa lugar mo, parang ang ganda ng lugar mo sa lugar ko ha… Nang-iinggit ka ba? [laughs]

SEC. ANDANAR:  [Laughs] So nakikita mo ako ngayon ha…

PALO:  Oo, kitang-kita kita ngayon. Nakikita mo ba ako?

SEC. ANDANAR:  Hindi kita nakikita dahil wala kang camera… Kung naipasok nila sa Skype iyong video na nanggagaling sa’yo…

PALO:  Ah, so mayroon pang problema pala iyong ano… Anyway technical problem naman ‘yan, eh hindi naman talaga maiiwasan sa pagkakataong ito. Pero Sec., kumusta ka na? Nami-miss kita eh…

SEC. ANDANAR:  Maayos naman, alam mo tayo ay trabaho lang… kahapon ay naging abala tayo sa bilateral meeting with President Duterte and of course iyong bisita po ng ating mahal na Pangulo na si Prime Minister Mahathir Mohamad, at naging maganda naman ang pag-uusap ng dalawang lider. Of course tayo, na-star struck pa rin tayo kay Dr. Mahathir sapagkat alam naman natin na—I think Dr. Mahathir is 93 years old, at siya talaga iyong naging arkitekto ng Malaysia, kung bakit ang Malaysia ay ganiyan ka-asensado, progresibo… iyan ay dahil kay Dr. Mahathir.

At ilang termino siyang retired, at bumalik sa pagka-Prime Minister; tinalo niya iyong dating Prime Minister Razak. At the age of 92, siya na ‘ata iyong pinakamatandang leader ng isang estado sa buong mundo.

PALO:  Well siyempre eh naroon ka at tama ba ako, if I’m not mistaken eh iyong mas guwapo sa iyo ang siyang Ambassador ngayon to Malaysia?

SEC. ANDANAR:  [Laughs] Lamang lang sa akin ng isang paligo. Well, actually tama ka Leo, my father, si Papa Wency, he is the Special Envoy of the President to Malaysia and he is serving another year in Malaysia as the Special Envoy of the President. At ang aking ama ay malapit kay Anwar Ibrahim ‘no, ito ‘yung husband ng member of—no, si Anwar is also a member of parliament already if I’m not mistaken. The wife is a member of parliament, at sinasabi nila si Anwar Ibrahim na ang susunod na Prime Minister dahil ‘yun ang usapan nila ni Prime Minister Mahathir, iyong coalition. Kaya nagkaroon ng coalition, kaya nanalo si Prime Minister Mahathir dahil nagkaroon ng coalition ang partido niya at iyong… of course, iyong mga kasamahan ni Anwar.

PALO:  ‘Ayun… Well congratulations ha, kay sir… Ambassador Wency na ngayon, Ambassador na tawag ko eh, sanay ako sa ‘Secretary’ or ‘Usec’. Usec., tama ba?

SEC. ANDANAR:  Oo, Usec. si Papa before kay Pangulong Aquino—Pangulong Aquino he was a Governor, Pangulong Cory Aquino and then naging PCA Chairman; tapos panahon ni President Arroyo ay naging Undersecretary siya ng DILG. Ngayon naman sa panahon ni Presidente Duterte ay Special Envoy to Malaysia.

PALO:  ‘Yun, kita mo naman ha… Well nataon lang ano, na sabi ko nga akala ko totally magkaibigan nang husto si Ambassador Wency at si Prime Minister kaya sabing ganoon, “Halika muna, bisita ka muna sa amin bago ako pumunta diyan,” [laughs] parang ganoon…

Well Sec. actually, ang ating topic for today ay may kaugnayan po doon sa napakagandang balita – ito po ‘yung inflation rate na sadyang gumanda ha, naging 3.8 mula po sa napakataas na 4.–something, eh mukhang isang hudyat ito doon sa mga economic plans and advocacy ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte of course. At hindi tayo pababayaan dito, dahil si Secretary Pernia ng National Economic Development Authority ay kasama na natin sa linya, doon sa other line of communication natin.

Secretary Pernia, magandang gabi po…

SEC. PERNIA:  [choppy line]…

PALO:  So, naririnig mo ba Secretary Mart, si Secretary Pernia?

SEC. ANDANAR:  Yes. Secretary Ernie, magandang gabi po sa inyo sir…

SEC. PERNIA:  Oo, magandang gabi Sec. Mart.

SEC. ANDANAR:  Thank you so much for making it, I know you’re busy, it’s a Friday, you should be dating your wife [laughs]…

SEC. PERNIA:  [Laughs] Yeah, okay… I’m on my way home, I’m in a car on my way home…

PALO:  Pasensiya na kayo Secretary kung nanggugulo kami sa’yo, pero kailangan talagang maibalita ito sa ating mga kababayan, itong magandang balitang ito. Pero direktamenteng tanong mula sa akin: Ano po bang ibig sabihin ng pagbaba po ng inflation rate o itong 3.8% na naitala ng Philippine Statistics Authority; Ano po ang mapapala nito – ng isang ordinaryong Juan Dela Cruz?

SEC. PERNIA: Okay, ang ibig sabihin diyan ay kung ang ginagastos mo noong January ay… No, no last year pala, kung ang ginagastos mo last year ay 100 pesos pagbili, ngayon sa February 2019 nagtaas by 3 pesos and 80 centavos, in other words naging 103 pesos and 80 centavos.

PALO: So ano ang epekto nito sa ‘ika nga ay laman-tiyan ng isang ordinaryong mamamayan, Sec.?

SEC. PERNIA: Well, ang epekto diyan ay bumaba at pagtaas ng bilihin. Tumaas pa rin, kasi ang mga bilihin naman talaga ay hindi naman iyong bumaba, tumataas naman talaga iyon, usually tumataas pero ang pagtaas ay maliit lang compared with January 2019. Kasi 4 pesos and 40 centavos ang pagtaas ng bilihin noong January 2019 compare to January 2018 [unclear].

PALO: Parang ano eh, kaya ko naitanong ito paano iyong magiging… paano nito naapektuhan iyong pamumuhay ng mga tao at ng merkado?

SEC. PERNIA: Well, hindi naman po malaki ang pagpiit ng pagtaas ng presyo ng… especially mga  mahihirap [inaudible].

PALO: Sec. Ernie, saglit lang ha, balikan ka namin kasi medyo sayang iyong nababanggit, medyo putol-putol lang iyong linya, tatawagan ka namin ulit ha, balikan ka namin, in a while lang, Sec., ha balikan ka namin. Alright, sandali lang, balikan natin si Secretary Ernie. Sec. Mart? Medyo ano eh—

SEC. ANDANAR: Oo, sayang medyo napuputol iyong line of communication natin. So bagaman ay 3.8 nga iyong inflation rate, bumaba ito mula doon sa 4.4 ‘di ba the last time, prior to that, 5.1 and 6.7. Ang ibig sabihin nito ay very healthy iyong ating macroeconomics, iyong microeconomics, iyong mga polisiya ng ating mahal na Pangulo ay effective para nga ma-mitigate itong pagtaas ng inflation sa ating bansa.

Para sa mga kababayan natin na mga nagtataka, ano ba itong inflation rate na ito. Ito po iyong ibig sabihin nito, kapag mataas po halimbawa 6.1, 6.7, 7.0 ibig sabihin nito ay tumataas din iyong presyo ng mga pangunahing bilihin sa ating merkado tulad ng pagkain, bigas, gulay, karne. Iyon naman ay ayaw nating mangyari kaya ginawa lahat ng ating economic managers: kasama si Secretary Ernie Pernia, kasama rin sila ni Secretary Sonny Dominguez, sina Secretary Ben Diokno na ngayon ay governor na ng Central Bank.

Sila iyong nag-manage nito at sinikap nila na bumaba nga iyong inflation rate by putting some interventions, iyong mga measures para halimbawa ay bumaba iyong presyo ng bigas. And one way of doing that is strengthening the agricultural sector sa pamamagitan ng Department of Agriculture.

PALO: Sec., nasa linya na ulit si Secretary Ernie Pernia. Secretary Pernia, pasensiya na po ha.

SEC. PERNIA: Yeah, yeah.

PALO: Pasensiya na po ha. Alright, nagpapaliwanag na ngayon si… Hindi ko alam magiging economic manager din yata itong si Secretary Martin Andanar. [laughs].

SEC. PERNIA: Yeah, marunong rin iyon.

PALO: Well, naputol kita kanina Sec., dahil sabi ko nga iyong linya natin, nagpapaliwanag ka on the matter iyong paano naapektuhan iyong pamumuhay ng isang tao at ng merkado.

SEC. PERNIA: Iyon nga, mas maliit ang pag-impact sa mga presyo ng binibili ng mga tao. So ma-feel naman iyon sa… lalo na iyong low income households.

PALO: Doon maano ‘no—

SEC. ANDANAR: Gusto kong itanong, Leo kay Secretary Ernie. Gusto kong tanungin si Secretary Ernie para maintindihan lang ng ating mga kababayan na pinaliwanag ng mga ekonomista na posible pa raw bumaba ito dahil tayo ay nasa election season.

PALO: Yes.

SEC. ANDANAR: So ibig sabihin nito ay siguro maraming gumagastos na politiko or maraming… well, lumalabas talaga iyong pera ng bayan. How true is this, Secretary Ernie na nakakatulong itong elections—?

SEC. PERNIA: No, no, no. Ang elections spending makaka-stimulate iyon sa ekonomiya natin. So iyong demand… you know, iyong demand component ng GDP natin ay mas mataas. Pero at the same time kung kulang iyong mga bilihin sa election spending then tataas ang presyo, kasi supply and demand eh. So iyon ang ano, kailangan sapat palagi iyong supply para hindi tataas ang presyo masyado.

PALO: So ganoon din pala iyon ano, sa supply and demand din pala. Kasi ang isusunod ko sanang tanong sa kaniya iyong madalas na dahilan or factor ng pagtaas ng inflation rate, ito rin pala iyon, kasama pala iyon doon. So maituturing ho bang lumalago iyong ekonomiya kapag mababa ang inflation?

SEC. PERNIA: Yeah, kasi ang inflation kasi… Ang ano kasi natin, ang GDP natin kung hindi price suggested—[line cut]

PALO: Yes, Sec.? Nawala yata ulit si Secretary Pernia – iyan nawala nga! Nawala na naman, Sec., ikaw naman talaga ang tatanungin ko dahil ikaw ang economic manager ngayon eh. Secretary Martin Andanar [laughs].

SEC. ANDANAR: Baka maniwala iyong mga kababayan natin.

PALO: Malay mo, wala tayong budget Secretary ngayon.

SEC. ANDANAR: Iyan naman ay napag-aralan natin sa Asian Institute of Management, iyong ekonomiya, iyong small businesses, medium enterprises, large enterprises and how basically inflation affects the prices in the market in our… Kasi alam mo iyong merkado kasi natin ano ito eh, it’s a liberal market. Meaning mayroon talagang kompetensiya, hindi naman ito kontrolado ng ating gobyerno since we liberalized the market, meaning may kompetisyon talaga.

Therefore kung hindi maganda iyong polisiya ng ating gobyerno pagdating sa ekonomiya o pagdating sa negosyo ay naapektuhan talaga, hindi lang iyong mga consumers, kung hindi maging iyong mga negosyante mismo. So isa sa mga mitigating factors dito para hindi na maulit pa iyong problema natin sa supply ng bigas ay iyong rice tariffication. Kaya pinirmahan ni Presidente iyan.

So para maintindihan ng mga kababayan natin kung anong ibig sabihin nitong rice tariffication, ibig sabihin nito ay inaalis nito sa NFA iyong monopoly na pag import o pagbigay ng permit sa mga importers ng bigas sa bansa natin. So binubuksan ito at binibigyan ng pagkakataon lahat ng mga negosyante na gustong mag-import ng bigas sa bansa natin. Therefore—it’s simple, if you flood the market with rice supply bababa iyong presyo, so law of supply and demand, ganoon lang iyon.

PALO: Sabi ko nga eh talagang related iyong rice tariffication sa economic issues eh ‘no pagdating dito.

SEC. ANDANAR: Oo naman and of course, Leo at the same time we need to also consider na since mayroong tariff o mayroong tax, may levy na nakukuha doon sa mga nag-i-import ng bigas, malaking bahagi dito at binanggit nga ni Secretary Manny Piñol na automatic 10 billion pesos ay mapupunta sa kaban ng gobyerno. So itong 10 billion pesos ay ire-reinvest ng gobyerno sa ating magsasaka.

PALO:  Magsasaka mismo, doon nila dadalhin iyong mga seeds, iyong mga traktora and so on and so forth…

SEC. ANDANAR:  Farm-to-market road… So iyong pangamba ng mga magsasaka na lugi sila dito, ay eventually mararamdaman nila na iyong rice tariffication at iyong tariff na nakokolekta ng gobyerno na babalik sa kanila ay magiging rason kung bakit mas magiging competitive sila sa mga rice farmers ng Vietnam or ng Thailand in the long run.

PALO:  Uhum. Well kaya nga tinatanong ko kanina iyong pagtaas at pagbaba, iyong kanina kasi hindi lang nasagot na agad-agad ni Secretary Ernie Pernia, dahil sabi ko nga, maituturing bang lumalago iyong ekonomiya, ‘yan ay kapag bumaba. Eh maituturing din bang ano, ibig kong sabihin kapag mataas na inflation, ibig bang sabihin eh – na tag-hirap? O ‘di ba, ‘yan ang mga ano eh, both sides of the ano eh, ah issues.

SEC. ANDANAR:  O siyempre kapag tumaas iyong inflation, tataas iyong bilihin at iyong mga kababayan natin, lalung-lalo na iyong mga nasa fringes of the economy, iyong mga mahihirap nating mga kababayan ay… since tataas iyong presyo ng bilihin like bigas, mas kokonti iyong kanilang take home pay na matitipid o magiging savings nila. So, kaya ginagawa lahat ng ating gobyerno na bumaba talaga iyong inflation at maging kumbaga, controllable in a way that, para matulungan po natin ang mga kababayan natin sa mga pang-araw-araw na bilihin.

PALO:  Alright, nagbabalik uli si Secretary Pernia. ‘Ayan, Secretary Pernia…

SEC. PERNIA:  Yeah…

PALO:  ‘Yun… Ano bang telecom company ang ginagamit mo ha? [laughs]

SEC. ANDANAR:  Okay. Sec. Ernie, looks like iyong PDP, iyong Philippine Development Program ninyo ay really is way on track ‘no. Ngayon na 3.8 na iyong inflation, at well within the 1% to 4% na target ng inyong—

SEC. PERNIA:  At 2 to 4 percent ang ‘target’.

SEC. ANDANAR:  Yes. So, what are the other indications or indicators Sec. Ernie na nakikita ninyo na talagang this year will be a boom year for the Philippine economy?

SEC. PERNIA:  Well iyong ano natin, iyong unemployment rate bumaba as [choppy line]… ang unemployment rate natin compared with last year na 5.3%. Malaking bagay na rin iyon kasi malaking number ang pinag-usapan natin dito eh.

So—at saka the other thing, the more significant is the underemployment rate – meaning iyong may trabaho na pero naghanap pa rin ng additional work kasi kulang iyong kita nila: So iyong underemployment rate natin bumaba from 18% to 15% – malaking pagbaba. Kasi ang underemployment rate natin, dati mga… in the 20s iyon eh, 25%, 22% ang underemployment rate natin, ngayon 15% na lang. At saka iyong inflation rate natin, dating double digit iyon sa previous administration. Ngayon single digit na lang, 5.2% last January.

SEC. ANDANAR:  I have two more questions Sec. Ernie, and the first one is that… it concerns the report ng Bloomberg na ang Philippine Peso ay ang pinakamalakas na pera o salapi noong nagdaang Pebrero. Kasi remember, tumaas iyong presyo ng dolyar, naging 1 is to 54, tapos ngayon bumalik sa 1:51 something… Ano po ang rason nito Sec. Ernie, bakit bumaba at bakit nasabi ng Bloomberg na malakas ang pananalapi, malakas ang piso ngayon?

SEC. PERNIA:  Kasi humina ang dollar reserves versus the pesos kasi lumaki ang trade deficit ng US, so iyong dollar nila humina. Humina iyong dollar nila kasi lumaki iyong trade deficit – meaning mas humina ang export nila versus import. So iyon ang kuwan diyan… Pero at the same time, because of our slow—humina iyong inflation rate natin, naka-strengthen din iyon ng peso. So on two fronts, ano: iyong US front, iyong dollar humina; lumakas iyong peso natin kasi humina ang inflation natin.

Kasi remember that last year, inflation rate natin na umabot sa 6.7%…

PALO:  Oo, ang taas sobra…

SEC. PERNIA:  Oo, talagang mataas. Ngayon parang ano, naging half… naging cut in half.

PALO:  So Sec. ibig sabihin, ngayong bumaba na sa 3.8, iyong posibleng ano… posibleng ang palitan ng dolyar sa peso ay talagang bababa rin?

SEC. PERNIA:  Less pesos na versus dollar…

PALO:  Uhum… so mga magkano kaya iyan babagsak?

SEC. PERNIA:  Ah yes… Well 51 ngayon, I think it’s 51.40, 51 pesos and 40 centavos… So kung bumili ka ng dolyar, then iyon na lang ang ibayad mo instead of 54. Kasi kung maraming dolyar binibili mo, malaking bagay din iyon eh maski maliit lang ang diperensiya—hindi naman kalaki masyado ‘no, mga 2 pesos lang naman iyon eh, 2 pesos difference, 2 pesos 15 centavos. Pero kung bumili ka ng—Mga negosyante, when they buy dollars malaki iyon, in the billions, in the millions… so malaking savings iyon in terms of cheaper dollar cost.

SEC. ANDANAR:  Okay. So iyong pagbaba ho ba ng presyo ng—or noong value ng US dollars, can this also be attributed sa trade war nila ng People’s Republic of China, Sec.?

SEC. PERNIA:  Okay, that’s one cause… kasi ano nga, hindi maka-export—kasi humina ang export ng US to China, hindi na ganoon. Nag-counter ang China by also raising import tariffs on US goods. At saka major consumer ang ano eh, major importer ang China sa US goods especially soy beans ‘di ba, iyong mga agricultural products. So, kaya tumaas ang deficit, humina ang exports compared with imports ng US.

SEC. ANDANAR:  Ah, okay. So ibig sabihin nito, mas alkanse ang Amerika, lugi ang Amerika sa—?

SEC. PERNIA:  Ah yeah, yeah, yeah… In fact humina rin ang growth rate ng US economy – I t used to be 3.8%, naging 2.2 na lang eh.

SEC. ANDANAR:  Hmmm. So, lugi pala sila dito sa trade war na ito Sec. Ernie?

SEC. PERNIA:  Humina rin ang growth rate ng China, pero starting from a high level of 7%, now 6.9 – humina to 6.6 ang growth rate ng China economy.

SEC. ANDANAR:  ‘Yan malinaw na. Iyong isang tanong pa Sec. Ernie na gusto kong tanungin sa’yo, siyempre magkasama tayo doon sa Cabinet meeting… marami kaming nagulat na noong in-announce ni President. Ang pagka-announce kasi Leo ganito eh, sabi ni Presidente, to paraphrase: “I think there is one Cabinet member here who does not”—

SEC. PERNIA:  I think belong…

SEC. ANDANAR:  Belong to the Cabinet, and he should not be here in the first place,” parang ganoon [laughs]. So nagtinginan lahat, akala may sisibakin, may tatanggalin [laughs]…

SEC. PERNIA:  No, no… Kasi alam mo before the Cabinet meeting, I was called to this small meeting – caucus. We were talking about ano nga, sinong maging next Central Bank Governor. At saka—then when we decided na si Diokno na, sabi niya: “Okay, i-drama ko ito,” sabi ni Presidente [laughs]. “I-drama ko ito, sabihin ko… o may isang Cabinet secretary dito na dapat wala dito…” [laughs] Talagang pinagdrama niya…

SEC. ANDANAR: Eh nagtinginan tuloy lahat ng Cabinet Secretary.

PALO: Eh siyempre parang sisibakin talaga ang dating eh. [laughs].

SEC. PERNIA: Parehas doon kay Sueno remember, kay Sueno?

SEC. ANDANAR: Oo Sueno iyan, iyong nagkaroon ng… siyempre nagalit si Presidente noon, talagang galit na galit siya noong panahon na iyon. I guess relevant to this topic about Secretary Ben Diokno, matagal kayong nagkasama as members of the economic team.

SEC. PERNIA: Oo at saka matagal kaming nagkasama ni Ben sa UP, kasi co-faculty members kami sa economics eh.

SEC. ANDANAR: Okay, how do you feel about the fact na siyempre nakasanayan natin si Secretary Ben as the DBM Secretary, lahat ng build, build, build na mga programa kasama siya, kasama kayong dalawa sa pag-formulate ng ating economic policy, kayong tatlo ni Secretary Sonny Dominguez and then now, of course, he leaves the Cabinet and joins the Bangko Sentral ng Pilipinas. So how do you feel about the move of Secretary Ben Diokno to Bangko Sentral? And number two, ano iyong mga inaasahan mong reporma na gagawin ni Secretary Ben sa Bangko Sentral?

SEC. PERNIA: Ang ano kasi ni Ben talaga, number one objective is to accelerate economic growth. Kaya his first action I think will be to ano, not directly lower interest rate, iyong tinatawag natin na policy interest rate but to lower reserve requirements ng mga bangko, meaning instead of 18 percent mag reserve requirement ang bangko sa Central Bank, in other words ma-menos iyong loanable funds by… you know, by 18 percent ngayon, because dini-deposit sa Central Bank iyon eh.

I think he wants to lower it further – siguro to 16 percent, ganoon. Parang more funds will be available in the economic system for investment and consumption spending – iyan ang ano diyan. So it’s essentially the same as lowering interest rates eh. Kasi ngayon ang policy interest rate natin is to, lending to banks by Central Bank is 4.75 percent eh, tinaasan iyon ‘di ba by 175 basis points in the past two years by Central Bank. Pero… Kaya gusto niyang… tinatawag na i-loosen iyong monetary policy.

SEC. ANDANAR: And the first question is how do you feel about it, na si Secretary Ben ay iyon nga iniwan na tayo sa Gabinete at nasa Central Bank na.

SEC. PERNIA: Well, he deserves it naman. Well, I think he is better prepared than me for example kasi wala kasi akong… bago lang akong experience sa gobyerno. Diokno has been around and—

SEC. ANDANAR: When you say that he is better prepared than you, Sec. Ernie, does it mean na ino-offer din sa iyo iyong puwesto?

SEC. PERNIA: Well, I was also asked in any way.

PALO: Sec., pasensiya kana ha, ako kasi Malacañang Press Corps member din, tanong ko na sa inyo ito diretso. Kiliti lang ito, eh nailipat bigla si Secretary Diokno sa Bangko Sentral. So ligtas na ba siya doon sa isyu dahil, ‘di ba, sa ating budget eh mukhang gusto talaga siyang dikdikin doon sa mga imbestigasyon?

SEC. PERNIA: [unclear] I don’t think the President appointing him in [unclear] position was a way of getting him out of the heat ng Congress ‘di ba iyong mga Congressman sila [inaudible] iyong dalawa, they are really… you know what do you call this, excruciating him or you know parang talagang pinag-pinpoint eh.

PALO: Pinag-initan eh.

SEC. PERNIA: Pinag-initan pero hindi naman iyon… hindi naman kino-consider ni Presidente iyon. Ang kino-consider talaga niya is Ben Diokno has the experience in government, long experience and then also… You know budgeting and doing monetary policy is you know… related naman iyon eh. At saka si Ben Diokno, fiscal economics siya, public economics ang tawag diyan eh, iyon ang ano niya sa specialization. So tamang tama naman si Ben doon. At saka I think he deserves naman to be there. So walang ano, walang konsiderasyon iyong… he was really, pinag-initan siya doon sa Congress.

PALO: Sir, last na lang talaga bago kita pakawalan. Sinong papalit sa kaniya bilang bagong Secretary ng Budget? Mayroon bang napag-usapan?

SEC. PERNIA: Ang pinag… ni-recommend ni Ben Diokno and I agree with the recommendation is si Janette Abuel. Janette Abuel is the most senior and most seasoned Undersecretary sa DBM ngayon at maganda ang ano niyan background.

PALO: So confirm iyan sir ha? Janette Abuel.

SEC. PERNIA: Abuel, Janette Abuel.

PALO: Confirm iyan ha?

SEC. PERNIA: Well, as officer-in-charge, I don’t know kung i-confirm ba siya as Secretary –pero ganoon naman palagi eh, ‘ikaw muna iyong officer-in-charge.’ Ano siya… Bar top notcher, number one iyon sa Bar, number three sa CPA and then dalawang Master’s degree, one from Lee Kuan Yew school sa NUS, National University of Singapore and also from Australia, another degree in public policy – so very qualified itong si Abuel at saka very nice person, very approachable, madaling kausapin ito, Sec. Mart eh.

SEC. ANDANAR: Sec. Ernie, last na talaga ito. Ito din last question ko. Kasi during the time of Governor Espenilla, parang our strategy was more on the side of the fiscal policy: iyong collection of taxes, pinapalaki natin ito and then you mentioned earlier, now it’s monetary kasi bababaan iyong interest rates para tumaas iyong ating reserves.

SEC. PERNIA: Oo.

SEC. ANDANAR: Does this change the plan of the entire economic team?

SEC. PERNIA: Yeah. Well, we are doing well in terms of fiscal, si Sonny Dominguez, he’s the one handling the fiscal side of the government, collection of taxes, collection of Customs duty. We are doing well there at sa ano naman monetary side [LINE CUT].

SEC. ANDANAR: Naku, nawala.

PALO: Naputol yata. Well, kung narinig man ako, Secretary Ernie Pernia. Maraming, maraming salamat sa pagkakataon at nabigyan kami ng panahon dito po sa pagpapaliwanag, may kaugnayan pa rin po dito sa inflation rate at siyempre dito lang ninyo narinig, may bago ng Budget Secretary – OIC, Janette Abuel.

SEC. ANDANAR: Hindi matagal ng binanggit iyon, hindi ka nagbabasa, ikaw naman.

PALO: Sabi ko na eh, hindi, wala naman eh. [laughs]. Well, sandali lang Secretary ha, Sec., diyan ka lang, diyan ka lang, makinig ka, hindi ko alam kung alam mo rin ito eh, kanina ko pa alam ito pero puntahan ko muna si Raquel Bayan, may balita mula sa Palasyo ng Malacañang.

[NEWS REPORT]

PALO:  Well iyan ha, sino ba papalit naman kay General Balutan? Ano ba alam mo Secretary dito? Ikaw, hindi ka nagsasabi…

SEC. ANDANAR:  Hindi, hindi ko rin alam… hindi ko rin alam na mangyayari ito ngayong araw na ito. Of course, ang Presidente naman natin ay mayroon siyang mga desisyon na tinatago niya sa sarili niya at noong makumpirma siguro ay iyan ang naging desisyon ng ating mahal na Pangulo. Pero ito ay isang katunayan na—o patunay Leo, na tuluy-tuloy pa rin iyong anti-corruption drive ng ating gobyerno.

Kasi kung makikita mo ‘di ba, even sa corruption index ng Transparency International ay umangat ng labingdalawang puntos ang Pilipinas, the highest since 2013 – at ito ay dahil sa program ni Presidente na patuloy na tinatanggal, sinisibak, dinidisiplina ang mga taong-gobyerno na pinapasok itong ganitong klaseng gawain na korapsyon. Alam naman natin na korapsyon talaga ay isa sa mga malaking sanhi ng kahirapan ng ating bansa.

At anyway congratulations sa Presidential Anti…

PALO:  Anti-Corruption Commission… at sa pagbibigay nila din ng award kay Secretary Martin Andanar, kala mo makakalusot ka ha [laughs]…

SEC. ANDANAR:  Salamat po sa PACC, sina Greco Belgica kaibigan ko ‘yan at si Chairman Dante Jimenez matagal ko nang kaibigan ‘yan, broadcaster pa lang tayo… at salamat sa commendation. Kasi everytime mayroon silang mga press conference, kung mayroon silang nire-report ay 101% ang suporta ng PCOO para bigyan sila ng magandang media coverage.

PALO:  Alright, nasa linya natin ngayon Sec. si Assistant Secretary Tony Lambino… kakanta muna siya ng ‘Anak ng Pasig naman kayo’… tama ba? [laughs]

ASEC. LAMBINO:  Hello Sec. Martin, good evening po.

PALO:  Paraiso daw pala, Paraiso…

SEC. ANDANAR:  Hi, Tony… it’s good to have you. Congratulations sa magandang presentation mo sa Cabinet noong Monday, it was very—

ASEC. LAMBINO:  Ay salamat po, Sec. Martin…

PALO:  O kita mo naman ha… Asec., kakanta ka ba nga muna bago tayo magkuwentuhan dito, kakanta ka raw ng ‘Paraiso’?

ASEC. LAMBINO:  Ano pong kakantahin natin?

SEC. ANDANAR:  Alam mo hindi lang sa magaling kumanta si Asec. Tony, magaling din mag-piano – very talented itong napakabatang Assistant Secretary natin. And I wouldn’t be surprised that one day, he will be Secretary of the Department of Finance.

PALO:  Wow…

ASEC. LAMBINO:  Ay naku, salamat po. I’m happy serving in the current capacity.

PALO:  Ganiyan talaga ang mga taga-Cagayan De Oro eh, nagtuturuan lang ‘yan sila, sila-sila lang ‘yan [laughs]…

SEC. ANDANAR:  Kanina Asec. Tony, kanina lang kausap namin si Secretary Ernie Pernia at napag-usapan nga namin kung ano iyong kaniyang expectation kay Secretary Ben sa Central Bank. At nabanggit niya na he is expecting Secretary Ben or Governor Diokno to implement reforms on the monetary policy of the country – isa doon iyong pagpapababa na interest rates, iyon ‘yun Leo ‘di ba sinabi niya?

PALO:  Yes, kasama iyon…

SEC. ANDANAR:  Oo. So alam natin na kayo sa Department of Finance, you’re heavy on the fiscal policy, you improve the collection of taxes at napakaganda na ng estado. How do you see this expectation ni Secretary Ernie affect the fiscal policy of our country, kasi parang ngayon, monetary ang gusto niya mangyari?

ASEC. LAMBINO:  Opo. Well binabantayan naman po talaga ng Monetary Board ang macro-economic conditions natin, and they are looking at many factors and marami ho silang researchers na napakagaling diyan sa Bangko Sentral. Kaya po kung ano po iyong desisyon pagdating sa policy rate, ay base po iyan sa ebidensiya na titingnan po nila as a body. Kung sakaling ang desisyon po nila ay in the direction that Sec. Ernie said, that would make more resources available, more funding available for enhanced investment. Pero hindi pa po malinaw kung iyon na nga ba talaga iyong magiging option nila.

PALO:  Okay…

SEC. ANDANAR:  Para lang sa kapakanan ng ating mga tagapakinig Asec. Tony, kapag binaba iyong interest rates ng bangko, ano ang epekto nito sa ordinaryong Juan or small business or micro-businessman?

ASEC. LAMBINO:  Opo. So pagdating sa mga maliliit na negosyante, at kailangan po talaga nating suportahan ‘yan dahil ang micro, small and medium enterprises ang nagbibigay ng trabaho sa 63 or 64 percent ng ating mga manggagawa. ‘Yan po ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon na umutang at better rate para mag-expand ng kanilang operations; at ‘pag nag-expand ng kanilang operations ay maari pong makapag-hire pa po sila ng mas maraming manggagawa – ‘yun po iyong isa sa mga maaring epekto nito. Para naman ho sa malalaking negosyo, ay ganoon din po ano, the cost of borrowing will be lower kaya po mas magkakaroon ng insentibo na mas mag-expand ang operation.

PALO:  Hmm. So ito may tanong dito, anu-ano daw iyong mga ginagawa ng inyong departamento, ang Department of Finance, ‘yan ay upang masiguro daw na hindi tataas ang presyo ng bilihin at serbisyo kasabay nga nitong inflation rate na 3.8%?

ASEC. LAMBINO:  Yes. Actually team effort po ‘yan among the economic managers, kasama po ang DBM, ang NEDA, ang DTI, kasama rin po as an advisor ang BSP pagdating ho sa mga economic policies. At ang ginagawa ho talaga ay sinisiguro na dumami ang supply ng mga key agricultural products tulad po ng karne, tulad ng isda, ng vegetables at saka lalung-lalo na po ang bigas dahil po ang bigas ay isa sa mga pinakamabigat sa consumption basket. Ang mga lower income families, gumagastos po iyan ng up to 20% ng kanilang budget sa bigas.

Kaya po itong Rice Tariffication Law na pinirmahan ho ni Presidente Duterte noong February 14 – para ho siyang Valentines gift sa mamamayang Pilipino – iyan po ay makakatulong, unang-una sa ating mga magsasaka dahil iyong import tax, iyong taripa na makokolekta, and that will be a minimum of 10 billion pesos per year regardless of how much tariff is collected, pero kung mataas po sa 10 billion ang makokolekta ay naka-earmark po iyan para sa agricultural modernization lalung-lalo na sa rice sector natin.

Pangalawa para sa mga consumers, bababa rin po ang presyo ng bigas nang mga dalawa hanggang pitong piso bawat kilo – iyan po ay mabuti para sa higit isangdaang milyong Pilipino. At pangatlo, bubukas po ang ating import regime kaya po mas marami na po ang mga negosyante na puwedeng makilahok sa rice industry. At dahil po diyan, ay mas maibabahagi ang magandang performance ng—or ang improved performance ng rice trade dito sa Pilipinas; mas marami ho ang puwedeng kumita nang maganda pagdating sa kalakalan ng bigas.

PALO:  So far Asec., ito ‘yung pinakamababang naitalang inflation rate ‘di ba, mula March 2018 eh—

ASEC. LAMBINO:  Opo. Since kuwan po, I believe January of 2018 itong 3.4% po noong inflation. Noong February po, it was 3.9 at ngayon po, ngayong February 2019 ay 3.8 po tayo.

PALO:  So asahan pa po ba natin na magtutuloy-tuloy ito?

ASEC. LAMBINO:  Ang inaasahan po natin ayon sa estimate ng Bangko Sentral, ay ang ating average inflation for 2019 ay within the target range na 2 to 4 percent. Mayroon pong mga estimate na 3.2 to 3.5 percent for the whole year. So parang umakyat-baba ng konti, pero overall ay downward trend po ang ating inflation rate.

PALO: Well said, Asec., thank you so much sa time baka Secretary mayroon ka bang ihahabol?

SEC. ANDANAR: Gusto ko ng magpahinga si Asec. Tony kasi alam mo he is—

PALO: Weekend nga, pa-weekend na.

SEC. ANDANAR: And he is a young father, kailangan mag-alaga pa ng bata.

ASEC. LAMBINO: [laughs]. Salamat po, Sec. Martin, but of course always available for you kapag may update po tayo. Pero mayroon po ako sanang ibabahaging isa, Sec. Martin and Sir Leo, kung okay lang?

PALO: Yes, Asec., go ahead.

ASEC. LAMBINO: May nasabi ho kasi si Secretary Dominguez recently na I think is very important. Ito pong Philippine Online Gaming Operation, itong tinatawag na POGO, libo-libo po kasi iyong mga foreign workers na nandito sa Pilipinas ngayon at nalaman po natin na marami po ang hindi nagbabayad ng income tax kaya po  nagbuo ng grupo ng working group si Secretary Dominguez among various agencies, kasama po ang Department of Justice, Bureau of Immigration, kasama po ang DOLE, ang Department of Labor and Employment pati po ang PAGCOR dahil ho marami pong mga lisensiya ng mga POGO ang nanggagaling sa PAGCOR pati po iyong mga special economic zone dahil marami pong POGO ang nag-o-operate diyan. Para po malaman talaga natin, ilan ba talaga ang mga foreign workers na nagtatrabaho sa POGO, sinu-sino sila at paano ho natin kokolektahin ang income tax and the reason why that is so important is because it’s unfair to the Filipino worker na nagbabayad po ng income tax regularly.

PALO: Well, again, thank you so much for your time, Assistant Secretary Lambino and happy, happy weekend sa iyo.

ASEC. LAMBINO: Sir Leo, Sec. Martin, salamat po.

SEC. ANDANAR: Thank you so much, Tony.

PALO: Uy Secretary ha, may susunod tayo na bagong programa – Youth for Truth: usaping pangkabataan at mga gustong maging bata diyan tulad ko. Ano ba iyon? Bakit kasama ako dito?

SEC. ANDANAR: Hindi, maganda iyong Youth for Truth kasi napag-uusapan diyan iyong mga issues ng mga kabataan at isa diyan iyong fake news kasi dapat magkakaroon sila ng isang dismiss disinformation na segment na pag-uusapan lang iyong mga disinformation, misinformation or fake news na kumakalat sa ating lipunan. So isa iyan sa mga issues na pag-uusapan nila.

PALO: Sinesenyasan ako dito, akala siguro niya sasabihin kong ngayon na, eh wala naman akong sinabing ngayon na, March 15 pa, next Friday, wala akong sinabi ha.

SEC. ANDANAR: Aabangan ko iyan kasi alam mo itong Youth for Truth maganda iyan kasi binibigyan ng boses ang mga kabataan sa radyo.

PALO: Maga kabataan katulad natin.

SEC. ANDANAR: Well, siguro kabataan tulad mo 20 years ago ‘di ba? So—

PALO: Walang laglagan, pambihira naman ito oh.

SEC. ANDANAR: Hindi biro lang, alam ko naman na isip bata ka pa rin.

PALO: Young at heart ako.

SEC. ANDANAR: Young at heart and the…

PALO: Tama na. [laughs].

SEC. ANDANAR: O sige. [laughs]. Hindi ganito, magandang partnership iyang programa na Youth for Truth ng PBS—

PALO: Yes.

SEC. ANDANAR: Nang ating host na si Director Vinci Beltran, si Pia Morato at National Youth Commission—

PALO: Si Nicole—

SEC. ANDANAR: Si Pia Morato at iyong mga nasa Youth Commission.

PALO: Si Nicole Namuco, kasama si Nicole.

SEC. ANDANAR: At iba pang mga youth organization sa buong Pilipinas, magandang programa, abangan ninyo po iyan.

PALO: 8 to 9 iyan, 8 to 9.

SEC. ANDANAR: Kailan magsisimula ito?

PALO: March 15 pagkatapos ng Cabinet report iyan. Anyways pala Secretary, ano ko na ito… I’ll take this opportunity na rin na magpaalam sa mga kasamahan natin, mga nanonood sa atin, mga kababayan natin dahil medyo loaded na ako masyado. Eh nagpapaalam na po ako sa Cabinet Report at ako ay napapanood na… I mean naririnig sa programang Mabuhay Pilipinas kaya ikaw na dapat lagi dito, huwag ka ng guest nang guest ha. [Applause].

SEC. ANDANAR: Siyempre may palakpak iyan para sa iyo.

PALO: Ayos ah.

SEC. ANDANAR: Hindi, imbitahin mo ako. Kaya nga sabi ko eh, ayusin talaga itong communication, itong nangyayaring Skype messaging natin, conversation. Biro mo nandiyan ka sa studio, ako nasa studio ko sa bahay, nag-uusap tayo, napakaklaro ng ating linya ng telepono ‘di ba? In fact, alam mo ba Leo, iyong sound ng conversation natin gamit iyong internet protocol ng Skype ay parang nasa loob ka rin ng studio.

PALO: Oo, pakiramdam ko nga nandito ka lang eh.

SEC. ANDANAR: Oo, you sound very much you’re inside my own home office and I think sabi mo nga na parang nandiyan din ako sa tabi mo.

PALO: Correct.

SEC. ANDANAR: This is the reason why, kaya alam mo iyong mga network katulad ng CNN, iyong ginagamit nilang Skype na, hindi mo napansin kapag nag-i-interview sila sa mga host o iyong mga guest nila, Skype iyong ginagamit.

PALO: Well, iyan po ang mga pagbabagong nangyayari dito po sa PCOO, lalo na ng PBS, kasama na diyan siyempre ang PTV4, ang PNA, PIA, ang NIB, of course ang RP1, RP2, FM1, iyan FM2 so thank you so much, Secretary for the opportunity and siyempre sa lahat ng mga nanonood sa atin sa Cabinet Report sa Teleradyo. Totoong teleradyo na dahil talagang napapanood ninyo na via channel 4 ang programang ito. So next episode at sa March 15, it will be Secretary Andanar sitting here siyempre and Asec. Kris Ablan?

SEC. ANDANAR: Kris Ablan.

PALO: And Pia Morato.

SEC. ANDANAR: Yes and marami silang aabangan sa bagong Cabinet Report kasi ire-reformat din natin ito bukod sa segment natin na pinag-uusapan natin iyong mga activities ng mga Cabinet Secretaries at ng PCOO, nandiyan din iyong legacy ni Presidente for the last three years or the legacy niya for the next three years as a President. So dahan-dahan nating ilalahad ang lahat ng mga nagawa ni Presidente, napakadami. At Pangatlo, mayroon tayong public service, mayroon tayong tutulungan na mga OFWs.

PALO: Well, with that it’s 1 minute to go, maraming, maraming salamat ulit, Secretary Mart at thank you so much sa pagkakataong ito at nabigyan ninyo ako ng pagkakataong maging katuwang dito sa programang ito. Well, maraming salamat dahil napagbigyan din ng pagkakataon dito po sa RP1 na maglingkod sa Mabuhay Pilipinas every morning iyan, 6 o’clock in the morning, daily po iyan.

SEC. ANDANAR: Congratulations ha sa bagong programa mo, Mabuhay Pilipinas.

PALO: Thank you so much, Secretary. Well, again, maraming salamat sa ating mga nasa technical side, thank you so much kay… sino bang nandiyan, ang dami ninyo eh. O ‘di ba? Thank you so much siyempre ang ating executive producer kasama na si Keri and Weng Hidalgo na kitang kita ang kita, ‘di ba? Ang ganda ng programa niya kanina, Sec., ha baka hindi mo lang alam.

SEC. ANDANAR: Nagulat nga ako, bakit parang si Weng itong nagsasalita.

PALO: Alright, again. This is Leo Palo III.

SEC. ANDANAR: Ito po naman si Secretary Martin Andanar.

PALO: At ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource