Interview

Cabinet Report sa Teleradyo – Radyo Pilipinas by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar with PCOO Assistant Secretary Kris Ablan & PCOO Director Vinci Beltran with guest: Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo


DIR. BELTRAN:  Hello, good evening! Ako po ito, Director Vinci Beltran mula sa PCOO. Inaantay lang natin, maya-maya po may bagong mukha po kasi ang Cabinet Report sa Teleradyo, kaya makikita natin kung sino nga ba iyong mga bago nating makakasama dito sa Cabinet Report.

So last week po, kasama po natin si Sir Leo na alam nating lahat ay mayroon nang palabas o palatuntunan tuwing umaga, tutukan ninyo po ang palabas ni Sir Leo. Last week, napag-usapan iyong inflation, nagkaroon ng interview with NEDA Secretary Ernesto Pernia at nagkaroon ng interview with DOF Assistant Secretary Tony Lambino via phone patch.

So this week, maraming mga kaganapan bukod pa doon sa mga… alam natin na talagang pumutok kagabi lamang, isa sa mga magandang pag-usapan natin iyong positive satisfaction rating ni President Duterte. So kakaiba ‘to eh, hindi lahat ng mga politiko o kahit na sabihin na nating hindi lahat ng mga pangulo ay nagkakaroon ng ganito na kataas na positive +76 satisfaction rating ‘no.

Ang sinasabi dito: ang net niya ay +66 satisfaction rating. Kaya maya-maya po, makakausap natin si Secretary Panelo, ang Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel upang mas maidetalye niya o kung ano pa ba iyong mga plano ni Pangulo at kung—sa tingin niya kasi siyempre, mayroon pa ring mga bumabatikos, mayroon pa ring magsasabi diyan, “Hindi ‘yan, bayad ‘yan,” o kung anu-ano pa. Pero hindi, titingnan natin mula mismo sa Spokesperson ng Pangulo kung ano nga ba iyong mga proyekto ng Pangulo na sa tingin natin, na tayong mga nasa gobyerno, iyon ‘yung dahilan kung bakit si Pangulo ay nagkaroon pa rin ng positibong satisfaction rating.

Kasama po natin… sabi ko nga kanina magkakaroon ng bagong mukha ang Cabinet Report; maya-maya po sasabihin ko po kung saan po ako mapupunta [laughs]. Pero sa ngayon po, kasama po natin sa studio ang host ng Cabinet Report, ‘ayan tama po ang inyong narinig, siya po ang magiging host – Asec. Kris Ablan. Hello po, good evening.

ASEC. ABLAN:  Magandang gabi Vinci, kamusta kayo…

DIR. BELTRAN:  Kamusta Asec, kamusta ang inyong trip?

ASEC. ABLAN:  Oo nga eh—

DIR. BELTRAN:  Kayo ay fresh na fresh pa po galing sa biyahe.

ASEC. ABLAN:  Oo, fresh na fresh na traffic galing South Africa—hindi, na-traffic galing EDSA. Oo, dumating tayo kaninang hapon tapos nagpalit lang, tapos dumiretso na dito. Nakalimutan ko na sobrang traffic pala ang EDSA.

DIR. BELTRAN:  ‘Ayan, bumati po tayo sa ating mga viewers… viewers po natin sa PTV, tayo po ay napapanood right after ng evening news ng PTV.

ASEC. ABLAN:  Hello sa mga nanonood ng PTV, at nakita ko rin yata si Sec. Mart ‘no, naka-phone patch yata si Sec. Mart…

DIR. BELTRAN:  Naka-Skype po.

ASEC. ABLAN:  Ah, naka-Skype siya. So sa lahat ng nanonood sa PTV pati sa live stream I think, magandang gabi sa inyong lahat. So, guest muna ako ngayon?

DIR. BELTRAN:  Yes, ‘ayan. Guest po muna kayo, pero papakiramdaman na ni Asec. Kris itong studio na ito…

ASEC. ABLAN:  Oo, tingnan natin kung mag-back out ako Vinci…

DIR. BELTRAN:  Ay hindi ‘yan, hindi po ‘yan [laughs]… Okay, so kasama po natin—okay na po ba si Sec. Martin? Hello po, good evening Sec. Mart…

SEC. ANDANAR:  Director Vinci at Asec. Kris, magandang gabi sa inyong dalawa. 

DIR. BELTRAN:  Hello po, Sec. ‘Ayan sa tulong po ng teknolohiya, makakasama po natin ngayon si Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:  May feedback…

DIR. BELTRAN:  Habang inaayos po natin iyong linya po kay Secretary Martin Andanar, Asec. Kris, pag-uusapan natin iyong satisfaction rating ng Pangulo na hindi ganoon ka-common; hindi siya iyong laging nangyayari sa mga politiko o sa mga pangulo, iyong ganoon kataas.

ASEC. ABLAN:  That’s right ‘no. At this point na in his term Vinci na magtatatlong taon na, usually at this point bumababa na iyong rating ng pangulo eh. Pero very surprising na umaakyat and nami-maintain niya iyong high rating niya.

DIR. BELTRAN:  At saka po, iyong sa trend po noong sa politics naman ‘no… kung iisipin ninyo sa mga dating administrasyon, medyo crucial kapag ikaw ay ieendorso o hindi. Pero sa term ni President Duterte, kapag ikaw inindorso, medyo mabigat iyong endorsement po na iyon. 

ASEC. ABLAN:  Oo. So makikita natin ‘yan sa resulta ng eleksiyon sa darating na May 13. Pero gaya ng sinabi mo nga Vinci, na-maintain ni President Duterte iyong kaniyang high satisfactory rating.

DIR. BELTRAN:  Uhum… So habang kino-contact po natin si Sec. Martin—

ASEC. ABLAN:  I-congratulate kita Vinci at saka ang OSEC Media, nakita ko sa Facebook… nagkaroon ng turnover ng mga bagong equipment, donation galing sa China. Mayroon bang drone na kasama diyan?

DIR. BELTRAN:  Mayroon po…

ASEC. ABLAN:  O wow!

DIR. BELTRAN:  So may mga iMac, may mga camera at saka mayroong drone… mayroon tayong gimbal, may mga lens… iyon po ‘yung importante. Iyong ibang mga OSEC Media, mayroon na rin po silang camera pero iyong lens kasi para—kahit kumbaga nasa malayo po kayo, kuhang-kuha po kayo – lalo na sa mga caravan ng FOI.

ASEC. ABLAN:  Yes, importante ‘yan ‘no kasi siyempre we have to deliver quality service to the Filipino. So masaya ako at nagkaroon ng bagong equipment ang OSEC Media, so lahat ng mga ipapalabas nito is medyo mas high quality na.

DIR. BELTRAN:  Iyon nga eh, parang mas mapu-push kami na magkaroon ng mga output na mas maganda pa. Pero alam kong kayang-kaya ‘yang ng mga OSRC Media—

ASEC. ABLAN:  Actually Vinci, maganda naman iyong pino-produce ng OSEC Media. In fact iyong FOI Office, relies on OSEC Media for some of its collateral, so nagpapasalamat kami. So ngayon mas gaganda na…

DIR. BELTRAN:  Mas gaganda pa po, pangako natin ‘yan. Pangako po namin ‘yan, at siyempre kung tayo ay nabiyayaan ng equipment, hahanap din tayo ng mga training, proper training para mas magamit nila iyong skills talaga… para magamit nang husto iyong mga equipment na binigay.

Kayo po, kamusta po iyong trip po ninyo?

ASEC. ABLAN:  Ah okay naman, nakakapagod ‘no. More than 17 hours ang trip mula Johannesburg pabalik ng Pilipinas. So nakakapagod din, pero very fruitful ang aming pagpunta sa Johannesburg kasi nagkaroon tayo ng International Conference for Information Commissioner. So ako bilang FOI Program Director ng Pilipinas, para akong ginawang Information Commissioner doon sa conference. So maganda, madami akong natutunan; madami rin silang natu—I hope na mayroon silang natutunan galing sa atin.

DIR. BELTRAN: Kayo po ay nagbahagi ng tungkol po sa ating FOI?

ASEC. ABLAN: Yes, yes, yes.

DIR. BELTRAN: Ayan kasama na po natin ngayon, Sec. Mart? Hello po, Sec. Mart.

SEC. ANDANAR: Ang problema natin ay nagkaka-feedback tayo, Vinci.

DIR. BELTRAN: Opo. So aayusin—

SEC. ANDANAR: Medyo malakas iyong feedback.

DIR. BELTRAN: Medyo malakas iyong feedback po pero—

ASEC. ABLAN: Ko?

DIR. BELTRAN: Me?

ASEC. ABLAN: Baka kapag malayo ako?

SEC. ANDANAR: If we can just converse maybe—

DIR. BELTRAN: Over the phone po, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR: On the phone para walang feedback.

DIR. BELTRAN: Okay po, sige po aayusin po ng ating tech booth po natin via phone patch na lang po si Sec. Martin. Ayan, sige po babalik po tayo, habang inaayos po iyong linya po ni Sec. Mart, para mas malinaw from Skype punta na lang po tayo sa phone patch, ituloy po natin. Kamusta po iyong biyahe ninyo, ano po iyong ibinahagi ninyo iyong sa FOI? Kasi iyong caravan po ninyo, nag-ikot na sa Pilipinas, nakaikot na rin po sa ibang bansa. Pero doon po sa Africa, ano po ba iyong inyong ibinahagi?

ASEC. ABLAN: Bale Vinci nagpulong-pulong ang lahat ng mga Information Commissioners around the world, mga singkuwenta kaming mga Information Commissioners. So hindi ako Commissioner pero parang ang tingin nila sa akin is parang Information Commissioner. At nagsi-share kami, sharing kung ano iyong mga issues at saka problems at paano namin nireresolba iyang mga issues pagdating sa paglabas ng impormasyon sa taong bayan at ang ipagmamalaki natin, Vinci is tayo sa Pilipinas kahit na Executive Order lang iyong ating FOI na policy habang sa ibang bansa madaming bansa sa Africa, mayroon silang batas, eh masasabi naman natin na maganda ang implementasyon natin dito sa Pilipinas. Kasi sa Africa, ang daming mga bansa doon na may mga FOI law pero hindi nila ma-implement-implement. Walang budget, wala silang ma-appoint na Information Commissioner, hindi nagagamit iyong batas.

So we are very proud here in the Philippines, siyempre tinulungan tayo ni President Duterte na lagdaan ang Executive Order number two para magkaroon tayo ng FOI program. So hopefully in the future magkaroon na rin tayo ng FOI na batas. So iyon, so nag-sharing kami, manghang-mangha sila kung paano natin napagawa na 100 percent iyong pag-submit ng FOI manual, hindi nila magawa-gawa sa kanilang bansa. Sabi natin ang sikreto diyan ay political will. Political will ng isang Presidente katulad ni Rodrigo Duterte pati na rin ang political will ng isang Communication Secretary na si Sir Martin Andanar and then political will din ng isang Budget Secretary na si Benjamin Diokno at napagawa natin na mag-100 percent compliance ang bawat ahensiya ng gobyerno, mag-submit ng FOI manual gamit ang performance based bonus – so iyon ang shinare natin sa kanila.

So they took notes, tayo din naman madami din naman tayong natutunan sa kanila and we’re taking notes na rin. We took notes na rin, so magandang network iyon, Vinci kasi kapag nagkaproblema tayo dito, hindi natin alam kung paano reresolbahin iyong problema. Eh puwede naman tayong magtanong sa mga nakilala natin doon sa South Africa.

DIR. BELTRAN: So iyon madami pa tayong aasahan na pagbiyahe po ninyo. Alam namin iyan pero congratulations po sa FOI kasi talagang nakikita namin. Kami sa OSEC Media sabi ninyo nga, gumagawa ng collaterals ng FOI, wala rin kami halos pahinga, Asec. Kris.

ASEC. ABLAN: Tumutulong din naman kami sa OSEC Media pagdating sa mga PCOO roadshow kasi doon na kami sanay ‘no dahil gumawa na kami ng mga campus caravan in the past so tumutulong kami sa PCOO roadshow kasi parang medyo sort of experts na kami sa pag-organize sa logistics ng venue, kung sino iyong iimbitahan, iyon.

DIR. BELTRAN: Iyon so para sa mga kababayan namin, iyan iyong dynamics namin, tulungan kami sa office sa PCOO.

ASEC. ABLAN: Yes, oo.

DIR. BELTRAN: Iyan on the line po maririnig na po natin, Secretary Martin Andanar. Hello po, Sec.!

SEC. ANDANAR: Hello, Vinci and Kris.

DIR. BELTRAN: Ayan malinaw na po.

ASEC. ABLAN: Good evening, Sec.

DIR. BELTRAN: Good evening po.

SEC. ANDANAR: Good evening, kanina kasi ay nagpi-feedback iyong ating microphone at iyong speaker kasi wala akong earphone, so we were trying to talk via Skype. But anyway what’s important is we are already live right now.

DIR. BELTRAN: Yes po.

SEC. ANDANAR: And I welcome back, Kris from Johannesburg and I know na successful iyong lakad mo based on your postings on social media. Congratulations sa iyo, Vinci, for new equipment—

DIR. BELTRAN: Thank you po.

SEC. ANDANAR: Na tinurn over natin galing sa Chinese Embassy kay Ambassador Zhao Jianhua.

DIR. BELTRAN: Thank you very much po.

SEC. ANDANAR: Alam naman natin na we are on the midterm – the President. Ang ating OSEC media is needed now more than ever especially sa paggawa ng mga communications video at audio and lahat ng mga collaterals na kailangan natin, including iyong mga digital post cards para sa legacy ni Presidente Duterte. So just like what Kris mentioned earlier napakadami ng rapport ng buong PCOO, grupo ni Kris, iyong FOI kasama po iyong Presidential Task Force on Media Security, OSEC media, of course itong himpilan na naka-ere tayo, Radyo Pilipinas, FM1, FM2 and nandiyan din po iyong—

DIR. BELTRAN: PTV po.

SEC. ANDANAR: Iyong PTV pati iyong PIA, Philippine News Agency, hindi pa nga natin na ma-maximize iyong FM stations natin eh. Pero I know that even this year we will be able to maximize it especially with all of the positive news coming your way, just like the +66 percent na pagtaas ng rating ni Presidente, satisfaction rating to be exact ng SWS survey.

DIR. BELTRAN: And malaking parte po… ako po, I’m not speaking as part of PCOO pero observation ko lang po as Vinci nakikita ko po malaking parte po dito iyong sa inyo po Sec. Martin kasi kayo po iyong isa sa… kayo as our leader iyong nagko-communicate po ng good news sa mga tao, iyong accomplishment po ni Presidente.

ASEC. ABLAN: Yes, tama iyan Vinci kasi dahil sa vision ni Sec. Mart talagang nama-maximize ang government media ‘no. It’s only under his leadership na talagang na-maximize gaya ng sinabi niya ang FM, PTV, PIA. Nakalimutan ni Sec. Mart – BCS, dahil mayroon silang bagong print publication, ang—

DIR. BELTRAN: Balitang Sentral.

ASEC. ABLAN: Ang balitang Sentral.

SEC. ANDANAR: That’s right po and I’m very proud of Bureau of Communications Services kasi they’ve really stepped up: mayroon silang bagong diyaryo na balita Sentral and bukod doon sa kanilang specialization na on the ground communications and presentation, mga exhibits and I know that within this year lalo na ngayong paparating na SONA ay ma-maximize natin lahat ng ating mga media platforms at lahat ng ating mga projects especially itong FOI at iyong Presidential Task Force on Media Security.

DIR. BELTRAN: Yes po, Sec. So later po susubukan po natin makapanayam po, Sec. si Secretary Sal, si Spokes Sal Panelo po para mas ma-discuss pa po niya iyong… kasi mayroon din pong mga batikos, Secretary doon sa… tungkol doon sa pagiging positive o high o above pa doon sa ine-expect ng iba na rating ng Pangulo. So kausapin po natin mamaya, susubukan po natin matawagan si Secretary Sal Panelo para po mag-discuss pa po noong mga iba pa pong proyekto ni Pangulo, paano ang pagtanggap natin doon sa mga kritisismo at dito mismo po sa good news po na ito. So magbe-break po muna tayo Sec. Mart, huwag po muna kayong magbababa ng inyong telepono, break po muna tayo, magbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo.

[COMMERCIAL BREAK]

DIR. BELTRAN:  Good evening, nagbabalik po tayo dito sa Cabinet Report. Kasama po natin sa linya, tulad po ng nabanggit natin bago mag-break, bukod po kay Sec. Mart, si Secretary Sal Panelo – Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel po ng Pangulong Duterte. Hello po, good evening Secretary Sal…

SEC. PANELO:  Good evening…

ASEC. ABLAN:  Good evening Sec. Sal, si Kris po…

DIR. BELTRAN:  Secretary Sal, pag-usapan lang po natin iyong tungkol po doon sa mataas na rating po ng Pangulo, ano po ang masasabi po ninyo tungkol po dito?

SEC. PANELO:  Ay hindi naman kataka-taka na ‘yon, na iyong kaniyang rating palaging mataas: ‘pagkat nakikita ng mga kababayan natin kung gaano siya nagtatrabaho; ginagawan niya ng paraan ang lahat ng mga suliranin ng mga kababayan natin.

DIR. BELTRAN:  Secretary Sal nabanggit po ninyo sa isang panayam, na ito ay sampal doon sa mga—itong survey na ito sa mga bumabatikos po sa Pangulo. Could you elaborate on that po, Secretary?

SEC. PANELO:  Oo, kasi wala na silang ginawa kundi i-criticize ang Presidente eh: Sabi nila mali ang Presidente; sinasabi nila killer ang Presidente; sinasabi nila ang pamamaraan niya ay labag sa batas… eh kung totoo ang lahat iyon eh bakit ganoon pa rin ang rating niya? Mula noong siya’y naupong presidente, hindi na halos nababago, tumataas pa.

ASEC. ABLAN:  Oo. Sec. Sal, nag-usap kami ni Director Vinci kanina na usually at this point in a president’s term, the ratings usually dip and iyon nga, high rating pa rin si President Duterte. What particular programs or projects do you think is the reason kung bakit mataas pa rin ang rating niya?

SEC. PANELO:  Alam mo, hindi lang what particular program – lahat ng programa ni Presidente na nilulunsad niya at lahat ng pangako na ginagawa niya ay iyon ang dahilan kung bakit mataas ang kaniyang rating. Siya lang yata ang presidente sa loob ng tatlong taon ang tinalo ang lahat ng mga nakaraang presidente.

Alam mo ba, one time I was asked kung anong achievements ni Presidente. Isang oras na akong nagsusulat, hindi pa ako tapos – ganoon karami ang ginawa niya.

ASEC. ABLAN:  That’s right. So ano pa lang eh… batas pa lang na pinirmahan ni President Duterte I think, na-surpass na niya iyong mga predecessors niya, hindi pa siya nakaka-complete ng first half, oo… 

DIR. BELTRAN:  So Secretary sa tingin po ninyo, ano po ang magiging epekto po nito doon po sa upcoming na eleksiyon po?

SEC. PANELO:  Well, I’d rather not say anything about it dahil alam mo labag sa amin ang magsalita either for or against. So hayaan na lang natin iyong electorate. But what is logical is kung pabor sila kay Presidente, eh it goes without saying na iyong mga gusto ni Presidente, iyong mga kandidato, eh susuportahan din nila.

ASEC. ABLAN:  And then huling tanong po, Secretary Sal. So do you think that the President, moving forward, will be able to retain the high rating up to the end of his term?

SEC. PANELO:  I think so…

ASEC. ABLAN:  That’s very good ‘no, magandang balita ‘yan.

SEC. PANELO:  Baka lalo pang tataas ‘yan…

DIR. BELTRAN:  Kayo po Secretary Sal, medyo sa inyo naman po natin idirekta iyong tanong. Kamusta naman po ang inyong trabaho, na pinagsasabay ninyo po ang pagiging Spokesperson at CPLC po?

SEC. PANELO:  Ordinaryo naman iyon… matagal akong—‘yan naman ang trabaho natin for the last 35 years, abogado ng mga kliyente – ganoon din ang ginagawa ko ngayon – the same. Nothing has changed…

ASEC. ABLAN:  Saludo kami sa inyo Sec. Sal, kasi parati ‘pag nanonood ako ng Press Briefing, talaga iyong mga tanong at sagot mo, kayang-kaya mong sagutin iyong Malacañang Press Corps, so saludo po kami sa inyo.

SEC. PANELO:  Hindi kayang-kaya iyon – alam mo iyong katotohanan mahirap na takpan eh –kung totoo ang sinasabi mo, eh talagang maliwanag.

ASEC. ABLAN:  Tama ‘yan, so—

DIR. BELTRAN:  Kamusta po Secretary Sal iyong inyo pong relationship sa ating Malacañang Press Corps? Kasi sila po ay nakikinig po, siguradong nanonood po sila sa ngayon…

SEC. PANELO:  Eh ‘di ba nakikita ninyo naman kung ano relasyon namin?

ASEC. ABLAN:  Malamang mayroong favorite si Sec. Sal, mayroon din siyang—ah, may teacher’s pet saka mayroon talagang Row 4 siguro sa kaniya.

SEC. PANELO:  Sa ngayon, okay lahat iyon… If you notice, nagtatawanan… masaya kami.

ASEC. ABLAN:  Maganda nga iyong rapport Vinci na in-establish ni Sec. Sal together with the Malacañang Press Corps. Kasi before when I was Deputy for Spokesman Ernie Abella and then I would fill in, sobrang hirap ako minsan kausapin sila. And then mapapanood mo si Sec. Sal sa Press Briefing niya, nagtatawanan lang sila. So maganda po na nakapag-establish sila ng good relationship with each other.

So mayroon ka ngang favorite doon sa Malacañang Press Corps, Sec? [laughs]

SEC. PANELO:  Hindi, lahat sila favorite ko. Lahat sila favorite…

ASEC. ABLAN:  [Laughs] Oo…

DIR. BELTRAN:  So sinusubukan po nating ma-contact po si Secretary Mart, available na po ba siya via Skype?

ASEC. ABLAN:  Oo, baka may tanong kasi Sec. Martin sa inyo Sec. Sal…

DIR. BELTRAN:  Sabi po ni Sec. Martin doon sa kaniyang interview sa TV, kung may isasama daw po siya sa impiyerno, kayo daw po iyon. Ano po masasabi ninyo doon po, Sec. Sal? [laughs]

SEC. PANELO:  Eh siguro akala niya puwede ako doon, eh bawal sa akin doon… baka siya puwede.

DIR. BELTRAN:  [Laughs] ‘Ayan po, talagang close po ‘yan si Sec. Mart, laging sinasabi kayo po ay nakakausap niya parati, lalo na po ‘pag Cabinet meeting.

ASEC. ABLAN:  Magkatabi yata sila Vinci eh sa Cabinet meeting.

SEC. PANELO:  Seatmate kami, seatmate…

DIR. BELTRAN:  Nasa kabilang linya po, Secretary Martin Andanar. Sec. Mart, kasama po natin si Sec. Sal Panelo…

SEC. ANDANAR:  Oo idol ‘yan [overlapping voices] si Sec. Sal Panelo kahit na—

SEC. PANELO:  Hello, Sec. Mart…

SEC. ANDANAR:  —broadcaster pa lang tayo, madalas natin ma-interview si Secretary Sal Panelo. At noong kampanyahan din noong 2016 ay madalas ko ding makita si Sec. Sal, napakadaming entourage niyan, nakakainggit.

SEC. PANELO:  Eh saan pa magmamana kundi sa’yo… lalo na kung nandiyan si Cecil sa tabi mo 

SEC. ANDANAR:  May problema lang iyong aking audio, kasi nagpi-feedback. Siguro kung puwedeng tawagan ako mamaya ulit?

DIR. BELTRAN:  Sec. Mart, mas malinaw na po kayo ngayon…

SEC. ANDANAR:  Opo, eh ang problema hindi ko kayo marinig eh…

ASEC. ABLAN:  O sige, mamaya na natin i-patch si Sec. Martin.

DIR. BELTRAN:  May mensahe po ba kayo Secretary Sal sa ating mga kababayan na ngayon ay nanonood sa PTV at nakikinig dito sa Radyo Pilipinas?

SEC. PANELO:  Eh ang masasabi ko lang sa mga kababayan natin, ituloy ninyo ang pagtitiwala ninyo sa Pangulo sapagkat ang Pangulo ay matapat sa kaniyang tungkulin na nakaatang sa kaniya at inuutos sa kaniya ng Saligang Batas – at iyan ay ang bigyan ng pagsisilbi at proteksiyon ang sambayanang Pilipino.

DIR. BELTRAN:  Okay po. Ready na po sa linya po, Secretary Martin…

SEC. ANDANAR:  Si Sec. Sal ba nandiyan pa?

ASEC. ABLAN:  Yes, nandito pa po. Very patient…

DIR. BELTRAN:  Yes po, very patient waiting for us [laughs]…

SEC. ANDANAR:  Hindi, alam mo talagang ano si Sec. Sal, napaka-hardworking niyan. In fact kanina… nakita ko kaninang umaga ay kami iyong nagbukas ng bangko, bagong bangko… hindi magbubukas para mag-withdraw ng pera, kundi para siya mag-cut ng ribbon… Oo. Eh si Secretary Sal pagkatapos noon dumiretso pa ng Malacañang ‘yan. Ano bang lakad ngayong gabi, Sec. Sal?

SEC. PANELO: Hindi, galing ako… pinanood ko iyong aking paboritong apo si Pia nasa school play, 4 year old.

DIR. BELTRAN: Wow.

SEC. PANELO: Kalalabas lang namin dito sa [unclear] Greenhill’s.

DIR. BELTRAN: Ang gandang makarinig ng family time ng mga opisyal.

ASEC. ABLAN: Yes.

SEC. ANDANAR: Hindi mayroon akong personal question kay Sec. Sal eh.

DIR. BELTRAN: Yes po.

SEC. ANDANAR: Si Sec. Sal kasi magaling kumanta tapos magaling mag-piano, mayroon bang nagmana sa kaniyang mga anak o apo sa kaniyang talent na tumugtog at kumanta?

SEC. PANELO: Hindi, actually ang nanay ko ang pinagmanahan namin. Lahat ng mga kapatid ko, labing dalawa kami, lahat sila kumakanta at iyong mga apo ko ganoon din, lahat sila.

DIR. BELTRAN: Wow. Si Sec. Sal ay kompositor din po eh. Noong ating PCOO Anniversary, si Sec. Sal ay kumanta, umawit ng kaniyang personal—

ASEC. ABLAN: Personal composition.

DIR. BELTRAN: Yes.

SEC. ANDANAR: Oo napakalalim niyong kanta ni Sec. Sal na kinompose niya para sa kaniyang misis ba Sec. Sal o sa anak mo?

SEC. PANELO: Hindi, actually ginawa ko iyon para kantahin ko sa wedding ni Paolo, iyong tatay nitong pinanood ko ngayon.

SEC. ANDANAR: So tuwing mayroon kayong mga activities sa pamilya, Sec. Sal, halimbawa Christmas eh pinapakanta mo lahat ng apo mo?

SEC. PANELO: Hindi, hindi ko pinapakanta, talagang kumakanta sila, pinapanood ko lang sila.

DIR. BELTRAN: Sec. Mart—

SEC. ANDANAR: Yes.

DIR. BELTRAN: Kanina po nabanggit ko po kay Sec. Sal iyong inyo pong interview sa Boy Abunda po – Bottomline, at nabanggit ko po iyong part po na inilaglag ninyo po siya, isinama ninyo po siya sa impiyerno – hindi daw po siya sasama. Pero because of that, tanungin lang po namin kayo, ano po ba ang relationship po ninyo outside the—iyong Cabinet meetings po?

SEC. ANDANAR: Normal lang kung ano iyong relationship namin ni Sec. Sal noong kami ay wala pa sa gobyerno, ganoon pa rin. I supposed iyong pagkakaibigan natin, ang pagkakaibigan namin ni Sec. Sal goes beyond politics, the same way na pagkakaibigan ni Sec. Sal kay Presidente Duterte goes also beyond and even before the President even became President.

DIR. BELTRAN: Kayo po Asec. Kris may nais po—

ASEC. ABLAN: So definitely even after the term of President Duterte, Sec. Martin and Sec. Sal will continue to be friends?

SEC. ANDANAR: Oo at siguro suportahan ko iyong pagka-Senador ni Sec. Sal.

DIR. BELTRAN: Sec. Sal, totoo po ba iyon?

SEC. PANELO: Hindi, dahil gusto ko ngang i-abolish ang Kongreso muna eh. Kung anim na taon siguro wala munang Kongreso.

ASEC. ABLAN: Ah, for federalism pala si Sec. Sal.

SEC. PANELO: Magpahingahin muna natin.

ASEC. ABLAN: Kasi nga ‘no madaming isyu, madaming problema. Naku, Sec. Sal baka mayroon po kayong update sa aming mga kawani ng gobyerno kung kailan po namin matatanggap ang aming salary differential sa SSS.

DIR. BELTRAN: [laughs]. Iyon na pala.

SEC. ANDANAR: Mukhang wala naman yatang problema doon ah?

ASEC. ABLAN: Mare-release naman po?

SEC. PANELO: I think so, sabi ng eco managers natin.

ASEC. ABLAN: So is the Palace hopeful Sec that the budget will be passed sometime soon?

SEC. PANELO: Well, alam nila ang suliranin ng ating bayan. Basta ang alam natin, iyong mga miyembro ng Kongreso alam din nila na ‘pag hindi nila ginawa ang kanilang tungkulin, the people will not take lightly on their failure to do their Constitutional task.

ASEC. ABLAN: Yes, nasabi nga ni Sec. Sal iyon.

SEC. ANDANAR: Alam mo mayroon akong gustong i-share sa ating mga kababayan ‘no, about Secretary Sal Panelo. Bagama’t si Secretary Sal Panelo ang pinaka-visible, ang pinaka-audible na mga Cabinet Secretaries ngayon ay maririnig mo talaga, mapapanood mo siya araw-araw, pero alam ninyo ba na si Secretary Sal Panelo ay never kong narinig magsalita sa Cabinet meeting. Kahit na ilang beses siyang tinatanong magsalita kana, sabihin mo na kung ano iyong mali pero mayroon siyang parating sinasabi sa akin na parang, ‘hayaan mo sila, makikinig lang tayo.’

Pero Sal ang tanong ko: Why would you rather be quite and nakikita ko nag-e-enjoy ka nakikinig eh, than being vocal inside the Cabinet meeting?

SEC. PANELO: Eh pareho lang kami ni Presidente mas gusto naming makinig. Anyway, palagi naman tayong nagsasalita, so anything that I have in mind relative to any issue affecting the land ay nasasabi ko naman sa labas eh. At saka isa pa iyong mga dini-discuss hindi naman ako ang dapat na mag-discuss o magbigay ng opinyon, ‘di hayaan na muna natin sila.

DIR. BELTRAN: Siguro si Sec. Sal ina-absorb niya lahat kasi tutal kapag eventually tatanungin din siya regarding doon sa mga Cabinet meetings.

SEC. ANDANAR: Hindi at saka bilib ako grabe iyong kaniyang absorptive capacity. Sa sobrang haba ng mga pinag-uusapan talagang hindi siya nagsasalita kahit na alam kong kaya niya iyong subject at kaya niyang mag-cross examination. Alam mo sa Cabinet kasi napakadaming cross examination doon dahil napakadaming abogado pero ganoon pa man, he is very humble at kahit na alam ko na alam niya – kaya keep it up, Sec. Sal pero paglabas sa Malacañang once humarap sa media eh alam niya at the back of his head lahat na napag-uusapan.

DIR. BELTRAN: Sec. Sal, hello po?

SEC. PANELO: Yes, yes.

DIR. BELTRAN: Sec. Sal, tanong ko lang po. May tubig po sa inyo?

SEC. PANELO: Eh sabi ko nga sa media kahapon naliligo ako, nagsabon biglang nawala ang tubig eh.

DIR. BELTRAN: Ayan apektado rin po si Spokes?

SEC. PANELO: Pero palagay ko naman by tomorrow okay na iyan. Binigyan na rin sila ng deadline ni Presidente.

ASEC. ABLAN: Oo tama, nag-issue ng statement si President.

DIR. BELTRAN: At ano ha, walang favoritism iyang kawalan ng tubig na iyan kahit si Secretary Sal ay nawalan ng tubig. So para sa mga kababayan natin, huwag kayong mag-alala hindi naman tayo pababayaan ni Presidente, may directive. Asec. Kris, mayroon po ba kayong huling tanong po kay Secretary Sal?

ASEC. ABLAN: Ako malaki iyong natutunan ko sa tidbit na shinare ni Sec. Martin na kailangan, para maging magaling ka na Spokesperson, dapat magaling ka ring makinig ng mabuti. So iyon, I will take that with me.

DIR. BELTRAN: Secretary Mart?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo naman natanong ko na lahat kay Secretary Sal Panelo lahat ng gusto kong itanong eh. Salamat sa pagkakataon na ibinigay mo sa amin, Secretary Sal, alam kong busy ka and I know it’s a Friday, that’s supposed to be with your family, it’s a Friday night so thank you so much for always offering your time unselfishly.

SEC. PANELO: You’re welcome. Hindi alam ninyo dapat tinanong ninyo si Sec. Mart kung sino si Cecil.

ASEC. ABLAN: [laughs]. Mahal po namin ang trabaho namin, Sec. Sal.

DIR. BELTRAN: Opo. [laughs]. Sec. Sal.

SEC. PANELO: Yes, yes, iyon iyong asawa niya, iyon yung other name of the wife, si Marga na nag-birthday noong… ah hindi pala nag-birthday, nalilito na ako.

DIR. BELTRAN: Kinakabahan po ako doon sa may birthday baka… [laughs].

SEC. ANDANAR: Magkikita pa naman kami ngayong gabi ni Cecil.

DIR. BELTRAN: Ayan po, Secretary Sal, maraming salamat po sa inyong oras. Thank you rin po dahil kahit Friday po at galing po kayo sa event po ng inyong apo ay—

ASEC. ABLAN: Na si Pia.

DIR. BELTRAN: Na si Pia ay napagbigyan ninyo po kami. Mag-aano po muna tayo, Sec. Sal, maraming salamat po, magbi-break po muna ang Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. PANELO: My pleasure, thank you for having me.

[COMMERCIAL BREAK]

DIR. BELTRAN: Hello, ‘ayan nagbabalik po tayo sa Cabinet Report sa Teleradyo. Kasama pa rin po natin sa linya si Secretary Martin Andanar. Hello po, Secretary…

SEC. ANDANAR: Good evening muli sa lahat ng mga tagapakinig natin dito po sa Radyo Pilipinas Uno, at sa lahat ng mga affiliate stations na nanonood po sa atin, nakikinig po sa atin; at sa ating social media pages na naka-live stream po ang Cabinet Report. And… are we live now on PTV?

DIR. BELTRAN:  Yes po, live na live po tayo.

SEC. ANDANAR:  Lahat po ng ating mga viewers ng People’s Television, magandang gabi po sa inyong lahat.

DIR. BELTRAN:  Sec., sino po si Cecil?

SEC. ANDANAR:  Si Cecil ay isang fictional character [laughs]…

DIR. BELTRAN:  Ahhh…

ASEC. ABLAN:  Ahhh… ganoon din ang sasagutin ko [laughs].

SEC. ANDANAR:  Sabi kasi ni Sal sa isang party, sa asawa ko sabi niya, “Uy Cecil, it’s nice to see you again.” [laughter] So sabi niya, “Sino si Cecil?” “Eh pinakilala ni Mart sa’kin Cecil eh…” ganoon so… Oo, so there’s one time na pauwi na kami sa bahay at sabi ni Alelee sa akin, “Sino si Cecil?” Naniwala siya [laughs]…

DIR. BELTRAN:  Naku [laughs]… ganoon ka-convincing ang ating Spokesperson.

ASEC. ABLAN:  So naging running joke na nila ni Sec. Sal forever si ‘Cecil’… 

DIR. BELTRAN:  Si Cecil na isang fictional character [laughs]…

SEC. ANDANAR:  Oo, kaya… alam mo naman eh palabiro itong si Secretary Sal Panelo.

Pero anyway alam mo, sabi ko nga sa ating mga radio anchors na nakakausap natin… ang Duterte administration ay papasok na ng kaniyang midterm. And then by June 30, three years na basically tapos three years na lang ang matitira. And this is what I always say now in my spills ‘pag in-interview ako, minsan lang tayo magkaroon ng isang Pangulo na talagang limpak-limpak ang political will, napakalalim ng balon ng political will. And let’s make the most out of it, let’s take advantage of this political will sapagkat tatlong taon na lamang ito at hindi naman natin alam kung iyong susunod na presidente natin by 2022 will be the same as President Duterte na talagang grabe iyong strength and political will.

So right now, let’s make the most out of it para at least masanay na iyong buong bayan na marami tayong mga puwedeng i-implement na mga pagbabago; para ‘pag nasanay ang taumbayan, by 2022, we will be even more prudent to vote for a president that’s somehow like President Duterte. 

DIR. BELTRAN: Kayo po Secretary bilang miyembro ng Gabinete, iyon pong +76 na satisfaction rating, may pressure po ba sa inyo na dapat ma-maintain o dapat mataasan pa ulit ito?

SEC. ANDANAR:  Alam mo napakataas na ng +76 na satisfaction; iyong sa SWS 76, iyong sa Pulse Asia 82%… and si Presidente Duterte na ‘ata ang may pinakamataas na approval at satisfaction ratings sa lahat ng mga state leaders ngayon, ngayong kasalukuyan. And in the last three years of working with the President, I think I am very confident naman na the people that we have sa PCOO are the right people to lead the entire department, sapagkat sa dami ng ating mga pagbabago na na-implement na rin… ay umasenso po itong PBS, umasenso po iyong PTV and PNA, BCS… iyong News and Information Bureau.

And then we have at least three media policies na importante: FOI, Task Force on Media Security at itong Government and Media Bridge Policy. I’m very confident na as far as PCOO is concerned, tayo nama’y nakakasabay sa mga pagbabago. At we just need to just continue to work and accomplish all of these objectives.

At kung pag-uusapan naman natin Vinci at Kris ang mga objectives: Ano ba iyong mga pangako ni Presidente? Anti-criminality, anti-drugs, nandiyan din iyong anti-corruption, peace and order. Lahat po ng ito na-deliver na po ni Presidente, iyong anti-drugs nasa P6,800 na po ang shabu from P2,000 per gram; iyong anti-corruption, umasenso po tayo ng 12 points according to the Transparency International report pagdating sa corruption index; pagdating po dito sa anti-criminality, noong 2018 ay bumaba po ng nuwebe porsiyento iyong krimen sa Pilipinas, from 530,000 noong 2017, ito po’y bumaba ng 470,000; pagdating po naman sa peace and order, napirmahan iyong Bangsamoro Organic Law, nanalo sa plebisito…at patuloy naman iyong mga localized peacetalks.

So mayroon pang isang hindi natutulak na pangako ni Presidente at na-implement – at ito iyong pederalismo. So midterm elections, the President would need enough senators in the Senate para ma-realize natin iyong federalism na pangarap po ng ating mga kababayan. 

ASEC. ABLAN: Sec. Martin, so nandiyan pa rin iyong federalism na proposal? So it’s still in the plans of the President na magkaroon talaga ng federalism sa Philippines?

SEC. ANDANAR: Opo sapagkat, Kris, nandiyan pa rin iyong DILG na head nitong Task Force Pederalismo, patuloy pa rin iyong planning, iyong mga meetings until such time siguro na sabihin ni Presidente na tama na. We still continue what we are doing. At ako naman ay naniniwala na napakadaming mga kababayan natin, I myself included, ang naniniwala sa pederalismo. Kami sa Caraga, iyon ang gusto naming mangyari.

ASEC. ABLAN: Sana nga Vinci at Sec. Mart, matuloy iyong federalism na iyan kasi sayang iyong efforts na ginawa ng consultative committee at siyempre campaign promise din iyan ni President Duterte.

DIR. BELTRAN: At iyong PCOO mismo, iyong OSEC Media ay tutulong po doon sa campaign po Secretary, ng federalism next week po, tuloy-tuloy na po iyong series po ng mga proyekto para po sa federalism.

ASEC. ABLAN: Iyong pangarap mo, Sec. Mart na ang PCOO ang maging PR agency ng gobyerno is nagkatotoo na, sobra-sobra na ngayon iyong mga pumupunta sa atin para kunin tayo.

SEC. ANDANAR: Oo nga eh talagang grabe, alam mo Kris if you really just put right people inside the bus, kung iyong mga tao na isasakay mo sa bus mo, sa jeepney ay iyong mga tamang tao ay mangyayari talaga as long as isa lang iyong kumpas at iyong objective naman natin ay para ireporma lang iyong ating mga ahensiya ay mangyayari talaga. And by the way nagpapasalamat ako kay Ambassador Zhao nga pala sa kanilang dinonate na mga gamit sa OSEC Media—

DIR. BELTRAN: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: And he promised another 50 million pesos na donation for the entire PCOO para sa mga gamit na kailangan natin and siguro bago ko ito ibaba itong telepono kasi hanggang alas otso lang tayo ‘di ba Vinci?

DIR. BELTRAN: Yes po, Secretary.

ASEC. ABLAN: Yes sir.

SEC. ANDANAR: Kanina kasi ang ni-report sa akin ni Administrator Reynaldo Velasco ng MWSS ay mayroon na silang pagkukunan ng 200 million liters per day na tubig para pangdagdag doon sa kulang na kailangan: Mayroong 50 million liters per day mula sa Maynilad Cross Border; mayroon ding 50 milliliters per day mula sa Manila Water; Cardona Treatment Plant; mayroon ding 100 million liters per day manggagaling sa mga lumang wells, sa balon ng Manila Water and it will be energized today. At mayroon din siyang update ngayon-ngayon lang na ipinadala sa akin, ang sabi niya, ‘Dalawang water border point will open today, Speaker GMA, in attendance; tapos 24 million liters per day are already available as of today at sabi niya si Mr. Ramon Ang through Bulacan water offered to Manila Water, 70 million liters per day from their San Jose Del Monte Plant. So as you can see lahat ng mga solution po na kailangan para matapos na itong water problem natin sa Metro Manila at mga karatig na lugar ay matapos na.

ASEC. ABLAN: Ayan magandang balita iyan, Sec.

DIR. BELTRAN: Ayan magandang balita na inaabangan.

ASEC. ABLAN: Maraming salamat po kay Admin Berroya at nagawan po ng sagot iyong problema natin sa tubig.

SEC. ANDANAR: Oo puwede ka ng maligo Kris.

ASEC. ABLAN: [laughs].

DIR. BELTRAN: Puwede na po tayong maligo.

SEC. ANDANAR: I am just amazed that your hair is a bit disheveled today, first time.

ASEC. ABLAN: Galing Airport sir, maliligo na ako pag-uwi sa bahay.

DIR. BELTRAN: The Airport look.

SEC. ANDANAR: Hindi kasi ako nasanay na ganiyan si Kris eh.

DIR. BELTRAN: Okay po. So Sec., nabanggit ko na po kanina magkakaroon po ng bagong mukha ang Cabinet Report? Baka kasama po sa Cabinet Report si Asec. Kris Ablan at kayo po…

ASEC. ABLAN: Dagdag lang?

DIR. BELTRAN: Dagdag?

ASEC. ABLAN: Ako si Robin, si Sec. Mart pa rin ang Batman.

DIR. BELTRAN: At ako naman po Secretary ay makikita na po ng ating mga kababayan sa bagong programa iyong Youth For Truth – iyan. So gamitin po natin ang ating boses bilang miyembro ng kabataan, kakausapin po natin iyong mga kabataan para mas magkaroon po tayo ng tamang impormasyon. We will dismiss disinformation kasama pa rin po sa kampanya ng dismiss this. Ang tutukan natin iyong mga kabataan kasi iyong kabataan sabi nga ang pag-asa ng bayan, kapag may maling impormasyon kang itinanim diyan, apektado iyong hinaharap ng ating bayan.

SEC. ANDANAR: Iyon, tama.

DIR. BELTRAN: Kayo po, Sec., message ninyo po kay Asec. Kris na kanina sinasabi ko, huwag kang magba-back out, Asec. Kris.

SEC. ANDANAR: Alam mo galawin ninyo na lahat huwag lang buhok ni Kris.

ASEC. ABLAN: Pinapanood ko si Vinci kanina, Sec., dito sa studio eh, medyo mahirap iyong trabaho sa console eh.

DIR. BELTRAN: Hindi, maaaral niya rin po iyan.

SEC. ANDANAR: Hindi, kayang kaya mo iyan. Alam mo, bago ka maging Congressman o Senator in the future, ay kailangan kayang-kaya mo mag-handle ng console.

ASEC. ABLAN: Ah o sige, sige boss gagawin natin iyan.

SEC. ANDANAR: So we will see you next week. Thank you so much for having me guys at sa lahat ng mga tagapakinig natin, abangan ninyo po ang bagong Cabinet Report sa susunod na Linggo at Youth For Truth sa susunod na Biyernes. Mabuhay po kayong lahat.

DIR. BELTRAN: Iyan po, maraming salamat po. Ako po si Director Vinci Beltran.

ASEC. ABLAN: At ako naman si Asec. Kris Ablan.

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar at kayo po ay nakikinig ng Cabinet Report sa Teleradyo.

### 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource