PALO: Secretary Sal Panelo, good morning, sir.
SEC. PANELO: Good morning, Leo.
PALO: Kumusta po kayo?
SEC. PANELO: Okay. Thank you.
PALO: Sec, ito, diretsuhin ko na. Ano po ang magiging implikasyon ngayon, dahil sabi ko nga, ako tuwang-tuwa ako dito dahil kahit ako [ay] nagmumura ako sa mga walang pakundangang pakialamero sa ating bansa lalung-lalo na sa isyu ng …kung anu-ano pa man, lalo na sa foreign issues natin, itong International Criminal Court, tayo na po ay tuluyan nang nakakalas dito sa sinasabing tanikala nilang walang kakuwenta-kuwenta.
SEC. PANELO: Unang-una, wala namang [distorted signal] from the very start. Pangalawa, iyong sinasabi nga nila na magkakaroon [distorted signal] kung wala na tayo sa ICC, eh walang katotohanan din iyon. The fact alone na nagsasalita sila ng mga ganiyan tapos wala namang nagdedemanda [distorted signal]. Wala pang nademanda ritong peryodista, broadcaster na naging kritiko ng administrasyon. Iyong nangyari kay Ressa, wala namang kaugnayan iyon sa kaniyang pag-exercise ng freedom of expression. So lahat ng mga ito, walang batayan.
PALO: Puro lang ano ‘no, puro lang haka-haka at ginagamit na lamang against the President?
SEC. PANELO: At saka isa pa, nakakalimutan nila na iyong mga krimen na nasa jurisdiction ng ICC ay mga krimen din iyon dito sa atin. So hindi nila puwedeng sabihin na wala tayong remedyo. Ang gagawin lang nila, eh di maghain kayo ng demanda; ang ating hukuman ay isasagawa naman iyong kanilang tungkulin na naaayon sa batas. Magkakaroon ng bista o trial iyong mga dinemanda nila.
Pangalawa, nakakalimutan nila na ang ating huridikatura, sistemang huridikatura sa atin ay malusog. Natatandaan mo na isang presidente ang idinemanda at nakulong at na-pardon. Isang presidente nakulong din at naabsuwelto. Maliban pa diyan, mayroon din isang presidente na pinatalsik natin. Sa madali’t sabi, ang Pilipino ay mayroong pamamaraan upang tanggalin sa posisyon ang sinumang nag-aabusong opisyal dito sa ating bansa.
PALO: At hindi ang ibang bansa?
SEC. PANELO: Oo, sapagkat—ito ngang ICC na ito, hindi ba ito ay kilala sa paghahain ng mga political prosecutions laban sa mga halal na lider ng ibang bansa. Pati nga ang Amerika nagre-react na sa kanila ‘di ba, at hindi sila bibigyan ng visa, iyong mga nandiyan sa ICC. Hindi ba nasa diyaryo kahapon, winarningan ng [US] gobyerno na kayong mga nandiyan sa ICC, kapag kayo ay … itutuloy ninyo iyong mga ginagawa ninyo na lumalabag sa soberenya ng isang bansa, hindi kayo makakakuha ng visa dito sa aming gobyerno. Oh di ba nandoon silang lahat sa Amerika, papaano sila—
PALO: Dapat pala diyan, Secretary, ay buwagin na. Tama iyong word ng Pangulo noong nakaraang mga panahon, ‘Wala namang kuwenta itong ICC na ito, buwagin iyan.’
SEC. PANELO: Hindi nga ba ay wala namang gusto nang maging miyembro niyan; mga dating miyembro ay kumakalas.
PALO: Bakit nga ba nabuo iyan, Secretary? Just educate our listeners and viewers today, bakit binuo itong ICC na ito? Para saan ba talaga iyan?
SEC. PANELO: Nabuo iyan dahil doon sa … natandaan mo iyong World War 2nd—
PALO: Oo.
SEC. PANELO: Na hindi nila napu-prosecute iyong mga … iyong nangyari doon sa Germany, at mga ibang heads of state na hindi napaparusahan—
PALO: Iyon iyong mga diktador na mga bansa.
SEC. PANELO: Iyon ang dahilan. Pero sa atin, hindi naman uubra iyon dahil iyong kasaysayan natin nagpapakita na hindi maaaring ang isang opisyal na nag-aabuso ay hindi maparusahan.
PALO: Isa pa itong ano, United Nations din. Ano ba ito, dapat bang buwagin na rin dahil parang wala yatang ginawa itong Human Rights Commission ng United Nations kung hindi punahin nang punahin ang bansa natin?
SEC. PANELO: Iyan na yata ang sakit ng mga iyan eh.
PALO: Pare-pareho lang yata iyong ano nito eh, parang purpose. Sino bang nagbuo ng mga ito para mamuna lang nang mamuna tapos wala naman palang nagagawa? Although, sabihin na natin, United Nations, kung may mga pangyayaring sakuna or whatever ay nagtutulungan. Pero sa isyung pagpapatalsik, sa isyung kung anu-ano pa mang pakikialam sa soberenya ng bansa ay mukhang iba na yata ang usaping iyon?
SEC. PANELO: Oo nga. Sa ibang banda ay mayroon silang nagagawa pero sa punto sa paglabag sa karapatan ng mga bansa, eh number one sila diyan.
PALO: Oh kita ninyo, parang ano ‘no, sila mismo ang lumalabag, numero uno, doon sa isyu ng human rights. Well, ang ano nito, Secretary, ngayong nakakalas na tayo sa ICC, anong statement ng Palasyo o ng Pangulo mismo dito?
SEC. PANELO: Mayroon na akong pinalabas na statement diyan, na unang-una, hindi tama iyong kumalas eh. Never naman tayong nasa ilalim ng hurisdiksyon ng ICC. And even assuming na kumalas nga tayo, wala rin silang magagawa. Kapag sila ay nagpatuloy sa kanilang pagbabanta, na magpapatuloy ang ginagawa nila eh bina-validate lamang o pinapatotohanan lamang nila na totoo ngang nakikialam sila sa soberenya ng ibang bansa.
PALO: So, it doesn’t mean pala na kumalas tayo?
SEC. PANELO: Eh unang-una, hindi ba ang posisyon ni Presidente, paano mo sasabihin na nasa ilalim, under ng ICC, eh iyong Rome Statute na lumikha ng ICC ay hindi na-enforce, hindi nabigyan buhay dito sa ating bansa sapagkat iyong ating Saligang Batas, ng ating mga batas, ay nagre-require ng publication. Bago ang isang batas na maging effective kailangan lumabas sa isang newspaper of general circulation o kaya sa Official Gazette, eh never nangyari iyon. So, ibig sabihin, we were never under its jurisdiction.
PALO: Saka hindi natin kinikilala, iyon ang malinaw doon.
SEC. PANELO: Kahit hindi nga eh, kahit na sinabi mong in-approve ng Senado iyan, pero basic nga iyong… hindi nga nailabas, kaya walang jurisdiction.
PALO: So, wala talaga.
SEC. PANELO: Kaya iyong letter natin na kumakalas, hindi actually letter na kumakalas iyon, more on courtesy sa kanila, sinasabi sa kanila na ‘excuse us, hindi kami nasa ilalim mo mula’t-sapul.’ Iyon ang ipinapa-alam namin sa inyo.
PALO: Ito talagang media kung anu-ano ang pinaggawang istorya, sabay ganun eh ‘no. Hindi naman pala ganoon ang word na dapat gamitin, parang let them know na we are not yours. May sarili kaming mundo, kaya hindi ninyo kami hawak sa leeg, kumbaga, iyan ang ano diyan, iyong ICC na ito.
Well, Secretary, today, ano ang maari naming asahan, mukhang walang aktibidad si Presidente Monday and Tuesday?
SEC. PANELO: Hindi naman, meron—sino ang nagsabing wala?
PALO: Ah, baka private meetings ano.
SEC. PANELO: Marami siyang ginagawa.
PALO: Hindi kasi sa amin wala eh.
SEC. PANELO: Iyon lang pagbabasa ng mga reports ng bawat departamento eh, will take the whole day.
PALO: Si Presidente, last ano, Friday mukhang hindi naka-attend doon sa PDP-Laban, masakit daw ang ulo kaya hindi nakadalo.
SEC. PANELO: Nag-migraine siya, kaya after mga tatlong oras eh naka-ano uli siya.
PALO: Pero naka-attend naman siguro siya sa Araw ng Davao ano?
SEC. PANELO: Hindi, nasa bahay lang siya. Pero nagtatrabaho. Kaya nga sabi ko nga sa iyo, maraming babasahin, maraming pinag-aaralan.
PALO: Secretary, dalawang pahabol lang. Itong “krisis,” ayokong sabihing krisis eh wala namang krisis talaga, kung hindi shortage lang. Wag namang krisis, pangit pakinggan. Shortage sa tubig, eh may sinasabi po itong MWSS Chair Velasco. Parang sinasabi niya… kulang na lang ang intindi ko, parang ill-advised ang Pangulo tuloy na buksan daw hanggang 150 days itong mga bypass, bypass sa dam. Anong take ng Malacañang doon?
SEC. PANELO: Eh, di ba, unang-una, sinasabi ng mga nakaka-alam iyong Angat Dam iyon ang pinagkukunan ng tubig ng dalawang concessionaries. Iyong Maynilad ay wala namang problema doon sa supply nila, ba’t naman iyong Manila Water eh mahina ang daloy ng tubig. So, iyong sinasabi na (garbled). In other word, hindi totoo na merong shortage, ibig sabihin mukhang mismanagement lang iyon.
PALO: Iyon, mismanagement. Eh may mga appointee diyan ang Malacañang na parang kung makasagot pa sa social media mayabang pa eh. Eh alam n’yo na kung sino iyong mga binabanggit ko dine, hindi naman si Velasco, pero iyong regulatory commission chief yata eh ang daming sinasabi. Eh dapat eh kastiguhin itong mga ganitong tao sa halip na magpakumababa at sabihing ‘may ginagawa na kami, wag kayong mag-alala,’ eh mukhang mas lalo pang nanggigigil tuloy ang taumbayan sa ginagawa niyang ano, nagpost-post pa kasi sa facebook, a certain Patrick Ty, if I am not mistaken.
Anyway, Secretary tataasan na naman ang gasoline. P1.50 ang itataas, siguro bukas ito mag-i-start na naman. Ano ba ang ano ng Palasyo dine?
SEC. PANELO: Eh, iyon namang presyo ng gasolina eh hindi ba aakyat, bababa, so sanay na tayo doon, hindi naman tayo naapektuhan nung matagalan, dahil short lang naman iyong nangyayari, lagi namang meron tayong mga kalakaran na bumabalik sa dating presyo. Ginagawa ng pamahalaan ang mga measures upang ma-neutralize natin ang masamang epekto nito.
PALO: Last and not the least, medyo bumaba daw iyong kasiyahan ng tao batay doon sa rating na lumabas ulit, bilang ng mga Pilipino daw na masaya at kuntento sa buhay, bahagyang bumaba daw, bakit kaya—ano sa tingin mo, Secretary?
SEC. PANELO: Alam mo iyong kasiyahan ng tao, depende sa tao rin iyan, personal din iyan sa tao eh. Na kahit na iyong mga mayayaman, hindi sila masaya kung meron silang pangyayari sa buhay nila na tinamaan sila, di ba. So, depende sa sitwasyon siguro sa personal sa buhay ng isang tao.
PALO: Katulad kay Secretary masaya ngayon, mamaya malungkot iyan, mamaya galit na iyan, kasi mag-i-interview na naman kami sa kanya mamaya.
SEC. PANELO: Hindi naman, iyong interview palaging welcome sa akin. Hindi ba palagi tayong masaya sa press briefing.
PALO: Well, Secretary, baka meron kang pahabol na statement para sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon at nanunuod sa atin?
SEC. PANELO: Okay na, nasabi ko na iyong dapat kong sabihin.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)