Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo (Ted Failon – Failon Ngayon/DZMM)


FAILON: Sec. Sal, salamat sa panahon, sir.

SEC. PANELO:  Good morning, Ted.

FAILON: Sec. Sal, number one, ang tanong po ng grupong Bayan, at ilan po siguro sa mga nakikinig din sa atin, gaano kaseryoso ang Pangulong Duterte dito ho sa kaniyang utos na ito na i-review ang mga kontratang pinasok ng pamahalaan sa mga pribadong kumpaniya?

SEC. PANELO: … ganoon siya kaseryoso.

FAILON: Ito ho bang order na ito ay papaano po niya sinambit? Papaano niya sinabi?

SEC. PANELO: Well, he directed Solicitor General, pati ang Secretary ng Department of Justice to review all contracts entered into by the government with private corporations and/or with government… or the government.

FAILON: Opo. Nagbigay ho ba ng taning ang Pangulo dito?

SEC. PANELO: Well, immediately. Kaya nga si Secretary Guevarra, ayon sa kanya nag create na siya ng team to make the study.

FAILON: Opo. Sinu-sino ho kaya ang kalahok sa team na ito na binabanggit ninyo?

SEC. PANELO: Siyempre iyong mga abogado ng gobyerno. You must remember na iyong sinasabing kailangan mayroong bahagi ang publiko, eh kaya nga inihalal ninyo iyong Presidente eh, siya ang kinatawan ng publiko; at iyong kung sinuman iyong inatasan niya ay kumakatawan sa kaniya.

FAILON: Gaano kalawak po, sir, ang pinag-uusapan nating mga kontratang ito? Ang tanong po nila Ka Nato kanina, ito ba ay makakasakop doon sa mga previous administration?

SEC. PANELO: Sa lahat, pati iyong ngayong administrasyon.

FAILON: When you say lahat, kapag pinag-usapan natin ang—

SEC. PANELO:  Previous ang present.

FAILON: Opo. So ngayon, sir, ito hong Manila Water is under fire. Ang kaniyang kontrata ay na-extend earlier doon sa kaniyang expiration, so 2009 po iyon. Pati po iyon ay masasama sa review?

SEC. PANELO: Siyempre kasama iyon.

FAILON: All right. Sec. Sal, abogado po kayo ‘no, so sa ilalim po ng prinsipyo na tungkol po sa kasagraduhan ng mga kontratang ito, papaano po kaya iyon, kung saka-sakali po, how do you go about it kung may makita ang review panel na ito na klarong mga probisyon na disadvantageous nga iyong kontrata sa publiko?

SEC. PANELO: Eh klaro rin naman iyong doktrina na iyong mga kontratang iyan pertains to… against public policy, against the law, against the Constitution eh puwedeng baliktarin.

FAILON: Sa usapin po, sir, ng timing naman daw. Ang sabi po ng grupong Bayan kanina, maging sa kanilang press statement, na-timing na halalan at iyong sinasabi na transparency na baka naman daw kinalaunan ay, you know, ito’y pressure lamang sa mga negosyante?

SEC. PANELO: Eh ang problema naman sa kanila, mga kritiko eh – sala sa lamig, sala sa init. Kapag wala kang ginawa, nangangantiyaw silang wala kang ginagawa; kapag may ginawa ka naman, tatanungin, bakit ngayon lang.

Ang mahalaga, kaya inorderan ni Presidente iyan sapagkat natuklasan niya na ang isang kontrata noong panahon ni Presidente Ramos, eh pati iyang gobyerno ay pinagbabawalang makialam sa terms ng contract. Kaya tayo natalo doon sa Maynilad na kaso eh, pinagbabayad tayo ng 3.5 billion sapagkat iyong na-delay yata iyong implementation ng kontrata, at ang may kasalanan daw ay ang gobyerno kasi nakialam ang gobyerno kaya’t pinagbabayad tayo ng 3.5. Kaya nagalit si Presidente; hindi pupuwede ito, sabi niya.

Hindi maaaring ang gobyerno ay tatanggalan mo ng karapatang makialam. Puwede niyang pakialaman lahat iyan bilang Presidente sapagkat ang kaniyang tungkulin ay hindi lamang pagsilbihan ang bayan, kung hindi bigyan ng proteksiyon ang interes ng sambayanan.

FAILON: Sir, dito ho sa binuo pong task force ngayon kaya ng DOJ, ika ninyo, mayroon ba kayong impormasyon kung saka-sakali po na ano ang magiging proseso po kaya nito? Kung iyong kontrata po ay existing and then may nasilip po sila, ano iyan, anong paraan legally ang gagawin ng gobyerno to stop the contract or perhaps re-negotiate? Papaano po kaya?

SEC. PANELO: Well, I think that question should be addressed to Secretary Guevarra. But, as a lawyer, kapag mayroong problema ka sa kontrata and the contract ay mayroong fraud o kaya naman iyong intent ng partido na pumasok sa kontrata ay hindi nakalagay doon, eh puwede kang mag-file ng rescissions ng kontrata. At puwede rin naman na pag-usapan between the parties na amyendahan nila iyong kontrata.

FAILON: Regardless po ‘no kung kailan nadiskubre iyong sinasabing fault doon sa contract?

SEC. PANELO: Yes.

FAILON: All right, sige po. Sec. Sal, ito ho maihabol ko lang: May bullet proof glass doon sa pinuntahan ni Presidente sa Malabon. Nagkaroon ng mahigpit na seguridad para sa kaniya nga pong kaligtasan. First time ‘no na mayroong salamin sa kaniyang harapan. Gaano po kaseryoso itong banta sa buhay niya?

SEC. PANELO: Well, bilang Presidente … alam mo naman itong Presidente natin, lahat ay binabangga. Marami siyang binangga – komunista, mga rebelde, mga drug lords, marami eh – kaya natural lamang na magkaroon ng pagbabanta sa kaniyang buhay. At trabaho naman ng PSG iyon, dahil kung siya lang ang masusunod, kita mo naman itong Presidenteng ito, wala siyang pakialam kahit barilin pa siya.

In fact, during the Presidential campaign, ‘di ba pinagbawalan siyang mangampaniya doon sa unahan ng stage. Dapat nangangampaniya lang siya doon sa hindi siya makikita ng isang sniper. Pero ang ginawa niya, pumunta siya doon mismo sa harapan eh. Hinamon nga niya, “Sige, barilin mo ako ngayon kung gusto mo.” Pero sabi niya nga, hindi ako nasusunod diyan; ang PSG, trabaho nila iyan.

But I understand, parang … kasi iyong lugar yata, masyadong maliit, masikip. Madaling sabi, kung mayroon mang magtatangka ay madali, madaling gumawa ng kaniyang kabuktutan. So ang PSG, sinecure (secure) nila iyong area.

FAILON: Sir, doon po sa pahayag ng Pangulo na iyong kaniyang campaign against illegal drugs, klaro ho sa kaniyang mukha ‘no, sa kaniyang mga salita iyong kaniyang frustration. Sa gitna po naman niyan, iba ang sinasabi rin po ng mga naatasan niya na mangampaniya kontra iligal na droga. What’s the real score, sir?

SEC. PANELO: Ang ibig sabihin lang ni Presidente, napu-frustrate siya kasi nga despite lahat ng ginagawa niya ay may nakakapasok pa rin; pero tama rin iyong sinasabi ng mga law enforcement, nakakapasok nga pero nahuhuli namin – so on their part, successful. Si Presidente naman ay napu-frustrate kasi pasok pa rin nang pasok. Kumbaga hindi nadi-discourage iyong mga ulupong. In a way, iyon ang punto ni Presidente.

FAILON: Opo. May binanggit po sa speech na dahil daw po sa sabwatan pa rin ng mga taga-PNP?

SEC. PANELO: Well, hindi ba, hindi natin maaalis iyan. If you remember, ‘di ba mayroon ding mga miyembro ng PNP na involved sa illegal drug industry. Alam ni Presidente iyan, ‘di ba naglabas nga siya noon ng mga listahan niyan – nung mga kasama diyan. Ilan bang heneral ang tinanggal niya dahil involved diyan.

FAILON: Opo. Sige po. So, Sec., saan po mag-i-i-spend ng Holy Week ang ating Presidente?

SEC. PANELO: Eh palagi naman siyang nasa pamilya niya basta mga holidays. Birthdays, holidays, palagi siyang nasa kaniyang bahay at kasama niya ang kaniyang pamilya.

FAILON: Last point, sir. Doon po sa binanggit din niyang mayroon daw ho siyang … actually, binabantayan po ng marami iyong sabi niya, next week ay mayroon na naman akong sisibakin. Ano ho ang nangyari doon?

SEC. PANELO: Ia-announce niya next week. Binanggit niya rin iyon kagabi during the meeting with some businessmen, na he will be firing another official next week.

FAILON: Another official, isa lang?

SEC. PANELO: Parang iyon ang narinig ko sa kaniya kagabi.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource