Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Assistant Secretary Kris Ablan by Aljo Bendijo, Radyo Pilipinas


BENDIJO:  coverage cut

SEC. ANDANAR:  Oo, galit si President noon. At marami pang mga batas ang kailangan talagang i-review ng DOJ at ng Office of the Solicitor General at ito ay nagpapakita lamang ng malasakit ng ating Pangulo.

ASEC. ABLAN:  Secretary Martin may posibilidad ba na mag-create na talaga ng Department of Water?

BENDIJO:  Department of Water.

SEC. ANDANAR:  Isa iyan sa mga pinag-usapan, isa iyan sa i-prinisinta ng NEDA na magkaroon ng Department of Water, pero ito ay pag-aaralan pa ng ating Pangulo.BENDIJO: At iyong weak El Niño natin hopefully by June yata papasok na iyong tag-ulan. By that time sana, sir eh mas marami na tayong mapopondong tubig.

SEC. ANDANAR:  Actually, maganda iyong plano ni General Velasco ng MWSS, dahil long term plan talaga, Aljo iyong plano ni General, the administrator. Hindi lang para sa termino ni Presidente iyong plano, kung hindi para sa mga susunod pa na mga Pangulo, iyong pagsasaayos ng mga dam ng ating bansa. Halimbawa na lamang itong sa Angat, ito ay magkukumpuni sila, at the same time ay i-improve din nila itong dam dito para mas maraming tubig ang puwedeng i-release sa Metro Manila.

Daily din naman siyang nagbibigay sa akin ng reports at makikita natin na mula noong March 7 hanggang noong April 2 ay kung nasa mga 70% lang iyong water service availability dito sa buong Metro Manila, ngayon naman ay nasa 98.82% na. So, basically bumalik na talaga sa normal iyong supply ng tubig sa Metro Manila.

Mayroon lang mga critical areas na sinusuportahan pa rin na gamit iyong mga water tankers. As of April 2, iyong sa Bilibiran sa Rizal; sa Barangay San Jose, sa Rizal; Barangay Pasong Tamo sa Quezon City; Barangay Matandang Balara sa Q.C.; Barangay Sta. Lucia sa San Juan, Barangay Hagdang Bato Itaas sa San Juan; Barangay San Jose sa Rizal; Barangay Dahalig, sa Antipolo City; sa Barangay Kasiglahan 1-C, Rodriguez, Rizal; Kasiglahan 1-Kll, Rodriguez, Rizal at Kasiglahan 1-B, Rodriguez, Rizal. But apart from that ay okay naman ang supply ng tubig.

BENDIJO:  At nagbigay naman ng assurance ang Palasyo, Secretary with all due respect, na kung magtayo tayo ng mga panibagong mga dams, halimbawa ng Kaliwa dam ay sisiguraduhin natin na pabor sa Pilipinas, na kung saka-sakaling pumasok man ang China to construct that dam. Hindi pa man eh, iyong mga onerous contract talagang tinututukan ng Presidente ano, sa interest ng taumbayan lalo na ng mga Pilipino, hindi tayo madedehado diyan. Sa lahat ng mga kontratang ipapasok ng gobyerno dito sa build, build, build projects.

SEC. ANDANAR:  Tama iyan. Kailangan iyong mga sinisingil sa mga users ng tubig ng MWSS, ng Maynilad, ng Manila Water, dapat kung ano yung sinisingil iyong talagang pinaggagastusan lang ng water utility company. Hindi iyong sisingil ka ng isang bagay na hindi naman pinaggagastusan ng water utility. For example, iyong water treatment, sana hindi sinisingil iyong water treatments rates or yung fees sa mga end user kung wala naman water treatment na ginagamit, something like that ano.

Walang pinagkaiba ito doon sa IDPs doon sa independent purchase  na,  for example nagbabayad tayo ng kuryente, doon sa kuryente na hindi natin ginagamit,  isa iyon sa mga issues na halimbawa  lamang na puwedeng baguhin doon sa contract.

BENDIJO:  Okay, so nagbigay yata ng kautusan ang Pangulo through MWSS, walang sisingiling tubig lahat ng mga water concessionaires sa buong buwan ng Marso, tama po ba, Sec?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko nabasa iyon.

ASEC. ABLAN:  Pero, Sir Aljo, Sec. Martin, at least ang isang magandang kinalabasan nito is Manila Water itself apologized, inamin nila na sila ay nagkasala. So kaya iyong sinabi mo sir Aljo na talagang hindi sila mangongolekta this Mach or April, isang positive result po iyan.

BENDIJO:  Parang nagkakaroon yata sila ng public consultation about that na baka bibigay iyong Manila Water, kasi iyong Manila Water talaga iyong tinamaan talaga dito eh. Iyong Maynilad hindi naman.

ASEC. ABLAN:  Manila Water po, iyong under Ayala group.

SEC. ANDANAR:  Pero sana lang  ‘pag  iyong mga ganyan, iyong humihingi ng paumanhin, eh sana iyong araw na iyon na nangyari mismo, nagkaaminan na,  hindi na iyong pinaabot pa sa Kongreso. ‘Di ba, parang kailangan munang imbestigahan ng Kongreso, kailangan magalit ni Presidente para aminin iyong pagkakamali. Alam mo noong first day pa lang, second day pa lang ay si General Velasco mismo nagsabi sa akin na mayroon talagang isang water treatment facility na hindi natapos iyong Manila Water, pero hindi nila inaamin. Kumbaga they were still hiding that fact, tapos kailangan pang magkaroon ng congressional hearing para mangyari iyan. So, I think that’s quite irresponsible.

BENDIJO:  At Nakausap ko nga iyong Manila Water diyan, si Jeric Sevilla, Sec at Asec. Sinasabi nila, kasi ang problema natin siyempre iyong Manila Bay nililinis natin iyan – isa sa mga siyempre, iyong contributory diyan iyong mga informal settlers na nakatayo diyan sa kung sana-saan – mga estero, diyan sa… Sabi nila maglalagay daw sila ng napakalaking parang septic tank, common para sa lahat, ‘ika ko, nasaan na po? Iko-construct pa namin, bilis-bilisan ninyo, sir!  Kasi medyo pumalpak na kayo rito sa tubig eh, eh binabalikwasan ng pamahalaan eh.

SEC. ANDANAR:  Hindi ba kaya nga ito prinayvatized eh, itong water utilities para mabigyan ng magandang serbisyo ang ating mga kababayan. Tapos kailangan pang humantong sa ganito na hindi naman kailangang humantong kung talagang naging responsible lang.

BENDIJO: May nagrereklamo daw ha, text ba iyon o tawag, wala pa rin daw tubig sa Barangay 11 at Tibagan sa san Juan City, 48 hours na. Naku, ano ba yan!  Iyong Barangay Addition Hills sa Mandaluyong, na check na ba iyon? Walang tubig din sila doon.

SEC. ANDANAR:  Dapat ma-check iyon Aljo, baka mamaya maging subtraction hills na iyon. Baka mag-alisan iyong mga tao doon.

BENDIJO:  Pero sa amin ha, sa Cainta, Taytay area diyan eh wala kaming tubig, bandang gabi na, tulog. Mas okay iyon: Bandang alas-siyete ng gabi; magbubukas alas-tres ng madaling araw. Dati wala talaga iyan, pero ngayon talagang nasu-supply-an na kami ng tubig diyan sa Cainta, sa Eastern part ng Greenwoods ikot na ng Cainta, ito na lang problema. So, any concern sa inyong mga kababayang nakikinig ngayon sa atin pong palatuntunan, nandito po si Secretary Martin Andanar, si Asec. Kris Ablan – eh lalo na iyong tubig ha – i-text n’yo sa amin para kaagad ay matugunan.

Iyong ano naman, Secretary, any news about the, iyong pagpirma ng Presidente sa budget natin for 2019?

SEC. ANDANAR:  Alam mo bago natin pag-usapan iyan. Gusto ko munang i-congratulate ang mga kababayan natin dito sa Manolo Fortich, Bukidnon, kasi kagagaling ko lang doon at ako ay nag-deliver ng aking speech, kasi they are celebrating their 102nd founding anniversary.

BENDIJO:  Congratulations.

SEC. ANDANAR:  Dito sa Manolo Fortich, Bukidnon at ito rin ang magiging location ng ating bagong government strategic communications training facility, Aljo at Asec. Kris, dito sa Manolo Fortich at ito ay inaprubahan na ni Secretary Dominguez, in principle, at ni Secretary Abuel ng DBM. So magkakaroon sa wakas ng training facility ang ating mga information officers sa buong Pilipinas, hindi lang national government, Aljo at Kris, pati iyong mga LGUs. Kasi mayroong mga information officers so, pag nangyari na ito ay magkakaroon na ng training facility. And this training facility will have community radio station, community TV station, a Philippine News Agency at Philippine Information Agency, tapos sa social media newsroom. And magkakaroon siya ng dalawang classrooms,[unclear], tapos mayroon din siyang dormitory that will fit 60 people. Dito sa Manolo Fortich and it will sit to a 2 hectare property na sa loob mismo ng state college ng Manolo Fortich, Bukidnon.

ASEC. ABLAN:  Looking forward to the groundbreaking, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Oo, talagang—I am really looking forward to this. This is a major project of President Duterte na, you know, for so many years ilang administration na walang ano, parang walang masyadong premium na nilalagay sa communications eh sa government agencies, sa ating byurokrasya. So, it’s about time that we put premium to communications, at talagang kailangan ang lahat ng mga information officers, mula executive branch hanggang local government unit. So, this training facility is actually a compliment to the Mindanao Media Hub, Aljo, na malapit ng i-launch din, i-unveil. Kasi basically mga 95% tapos na iyong Mindanao Media Hub diyan sa Davao City.

So it’s a huge state of the art media facility na sinimulan din sa termino ni Presidente Duterte. At makikita ninyo doon na talagang nagbibigay na ng importansiya ang gobyerno pagdating sa government communications. So, why do I say compliment, kasi magkakaroon tayo ng state of the art media facility sa Davao, tapos aakyat sila ng Bukidnon para mag-training. So nandiyan lahat, may facility ka na for training at mayroon ka ring real world  operations ng telebisyon at radio, Philippine News Agency, PIA t iyong social media operations ng gobyerno.

So, we are very excited about this and papasalamatan din natin ang Chinese government for donating a hundred million pesos para dito sa project na ito at malalaman natin kung iyong 100 million pesos na ito na grant ay manggaling sa – kasi ang Department of Finance iyong pipili ng grant eh – but the Chinese government has already offered a hundred million para itayo ito.

BENDIJO:  So, kasali na diyan iyong mga equipment, na state of the art equipment diyan, Sec?

SEC. ANDANAR:  Yes. Ang mangyayari kasi nito, Aljo: So mayroon kang dalawang classrooms; mayroon ang auditorium;  tapos mayroon kang TV laboratory na gumagana, na may transmitter; mayroon kang radio laboratory;  mayroon kang Philippine News Agency – iyung wire news laboratory; mayroon ka ring laboratory for Philippine Information Agency, para doon sa on the ground communications; saka iyong social media laboratory.

So, lahat ng ito, the radio station will be broadcasting in Bukidnon, the TV station will be broadcasting in Bukidnon, since Manolo Fortich is just near Mount Kitanglad – second tallest mountain that we have in the Philippines – makakalagay din tayo ng antenna doon. So, malakas iyong broadcast.

BENDIJO:  So, papano iyan, all over the Philippines ba, Sec ang..? sana ‘no!

SEC. ANDANAR:  Iyong broadcast? Hindi, baka Bukidnon-wide lang iyong broadcast. So, para lang, halimbawa, mayroon kang mga taga-Surigao Del Sur, mga taga-Capiz, kung saan-saan galing, at least nakikita nila kung paano talaga nag o-operate iyong–

BENDIJO: Eh ang importante dito ay marating natin iyong mga liblib na lugar. Halimbawa, diyan sa Mindanao pagdating sa government information. Sec, iyong mga liblib na barangay diyan sa Mindanao na hindi pa naabot ng pagbo-broadcast, para iparating sa inyong impormasyon iyong mga magagandang balita mula sa gobyerno, maiparating na.

ASEC. ABLAN: Idagdag ko lang ‘no, sir Aljo. Na ito talagang vision ni Sec. Martin is talaga to strengthen government communications; kung mapansin mo noong 2016, 2017, 2018 ang pinatibay natin ay iyong infrastructure talaga. So, kaya nandiyan si Director General Bong Aportadera,  inayos niya iyong Radyo Pilipinas…

BENDIJO:  Ang ganda na.

ASEC. ABLAN: …And then nandiyan din iyong PTV. Iyong next phase ng plano ni Sec. Martin is investing on human capital pagdating sa communications. Kaya natin ginagawa iyong training facility diyan sa Manolo Fortich, Bukidnon.

BENDIJO:  Para magkaroon tayo ng mga de kalidad na mga future broadcasters na ma utilized ng gobyerno pagdating sa information coming from the government, maya-maya mga trainings tayo, iyon ang ginagawa ng PCOO ngayon, ‘di ba, Sec?

SEC. ANDANAR:  Tama, tama. At human capital is very important. I mean aanhin mo iyong magandang radio station mo o equipment/transmitter kung hindi naman well-trained ang mga tauhan o kulang ang tauhan. So we are preparing not only those who are already in the media, but the information officers nationwide. So, that pag humarap sila sa TV alam nila kung ano ang gagawin, pag humarap sila sa radio station, alam nila kung ano ang gagawin. At kung well-trained sila, alam nila kung ano iyong mga do’s and don’ts and this is very important for government information officers para mas madaling mai-communicate ang mensahe ng gobyerno – local government or national government.

Let me just add also that mayroon tayong programa, Aljo at Kris, ang tawag natin ay Radio Rehabilitation. So mayroon tayong 27 Radio Pilipinas stations nationwide, so we are hoping that by May, eh masimulan na natin isa-isa. Halimbawa sa Butuan City, ang gagawin natin doon sa RP doon, babaguhin natin iyong studio, kasi luma na iyong studio eh. Palagay tayo ng mga bagong soundproof panels, palagay tayo ng dalawang brand new microphone, dalawang brand new headphones, mic arms, lamesa and also a back-up transmitter.

Kasi mayroon tayong mga radio stations, for example in Calbayog, AM station Aljo, pero hindi gumagana kasi sira iyong transmitter, hindi siya nare-repair agad, kasi iyong transmitter eh 1960’s pa, 1970’s, wala nang piyesa na binibenta, So, kung bibilhan mo ng piyesa talagang pahirapan, hinahanapan talaga sa lahat ng sulok ng mundo kung saan mayroon pang piyesa na ganoon at kinakarne na lang, sina-salvage iyong piyesa para magamit lang.

So, for example, that one in Calbayog hanggang ngayon still not broadcasting, the same way Naga, the same way in Legazpi na medyo mahina rin iyong transmitter. Kasi sa Legazpi, tsinek ko iyong kanilang transmitter, Aljo nasa 1964 or ‘67 pa ginawa eh, tubo pa iyong gamit eh.

BENDIJO:  Matanda pa sa atin ito, Sec ah. Dapat i-upgrade na.

SEC. ANDANAR:  Hindi tulad nung kung nasaan ka ngayon, may makakarinig sa iyo, so okay lang di ba.  Tapos eh, sabi ko nga, kailangan din ng back up transmitter – FM transmitter,  para kahit papaano, pag walang AM transmitter eh  puwede  ka pa rin, nakakapag-broadcast ka pa rin, emergency broadcast, gamit iyong transmitter. So, hopefully, we will be able to give back up transmitter.

BENDIJO:  With this 27 RP stations ano na pong mga—ilan na po ang naumpisahan para i-rehab natin, naumpisahan dito, Sec?

SEC. ANDANAR:  Wala pa, hinihintay pa natin iyong mga gamit, Aljo eh. Pero  iyon nga, iyong Chinese government ay nag-donate ng 15 million pesos para sa mga projects na ito, kasama iyong Radyo Pilipinas, kasama rin iyong PNA at ibang mga private radio stations in the Philippines na bibigyan ng  computer, mga ganoon ba. So, I think this will be a very good project also for us this year.

BENDIJO:  So, ibig sabihin niyan, parang Radyo Pilipinas dito sa Manila ang magiging set-up niyan kumpleto, social media, mayroon din tayo lahat, etc, ganito kaganda ang gagawin na din na studio sa—ito ire-rehab natin iyong 27 RP stations nationwide.

SEC. ANDANAR:  Opo, ire-rehab po natin iyan at tayo mismo, ako mismo pupunta doon Aljo, at para mangasiwa doon sa pag radio-rehab ng radio booths ng Radyo Pilipinas sa mga lugar na kailangan na talagang i-rehabilitate.

BENDIJO:  How about the signal of PTV 4 sir, naayos na ba natin, napaganda na, makakarating na sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas, sa Mindanao, Visayas so far?

SEC. ANDANAR:  Merong mga lugar tulad ng Cotabato, dito sa may Marawi. I think dito rin sa may Zamboanga Del Sur. Maraming mga lugar na nilagyan na ng relay stations. Sa Metro Manila, either you buy a hundred kilowatts transmitter or you set up the old transmitter in Antipolo para mas mataas. So, iyon ang pinag-aaralan ng mga engineers and so far ang gusto ng mga engineers ay dalhin sa Antipolo, sa ibabaw, para at least iyong 40 – 50,000 watts mo ay katumbas ng 100,000 watts kasi nga tinaas mo lang iyong elevation niya.

So, mayroon ding inaayos na transmitter dito sa may Tagaytay para umabot din sa Batangas. So, nag-i-improve naman iyong ating signal.

BENDIJO:  Dati may nagsabi sa akin niyan, Sec. Why not eh, kapag pumasok na iyong third telco, itong Mislatel gaganda na talaga ang serbisyo ng WiFi sa atin. Maglagay  tayo ng mga monitors sa mga liblib na mga barangay, kasi napakaganda po ng Facebook live streaming ng Radyo Pilipinas, PTV 4, pag hindi nakarating doon sa mga free channels nitong PTV, mapapanood nila tayo doon, Sec. Any information na nakarating sa inyo diyan about that suggestion? 

SEC. ANDANAR:  Well, that’s possible. We can talk to Mislatel, kapag nagbukas na itong third telco. Wala namang problema iyan sa Mislatel, I think more than anything, iyong kanilang gusto talaga ay suportahan iyong mga projects ni Presidente. Bukod diyan sa pagpapalakas ng internet at pagpapalakas ng signal ng cellphone, I’m sure that extending their services to help Radyo Pilipinas also cover areas wherein we are not heard or seen, should be easy for them.

BENDIJO:  Oo, iyong mga  barangay  halls, sa mga munisipyo, iyan lagyan ng malaking monitor doon at kung maganda naman ang WiFi, iyon ang mga sinasabi nila na para naman makita at mapanuod nila at siyempre  kung anong mga magandang  balita from the Duterte administration, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Oo. Alam mo ang dami talagang mga barangay na liblib, mga islands, low lands, island barangays na hindi talaga nararating ng signal ng cellphone o hindi nararating ng internet, so, that’s a very good suggestion. Kung saan pupunta iyong Mislatel, kasi ang gusto ng Mislatel pumunta sa mga lugar na walang cellphone at internet signal, sasama doon sa kanila.

BENDIJO:  Kay Asec. Kris Ablan, kumusta po ang Radyo Pilipinas at PTV diyan sa GenSan? I’m sure malinaw kasi kapatid ko nanunuod sa akin araw-araw eh.

ASEC. ABLAN:  Maganda ang signal dito, mabilis ang internet dito. May dagdag lang ako, Sir Aljo and Sec. Martin. Puwede nating kausapin ang DICT sa kanilang free public WiFi program na tawag ay People Connect. So, magbubukas sila ng mga free public WiFi sa mga select rural areas sa Pilipinas at puwede nating ipakita sa kanila na kapag nagbukas sila ng computer, ang unang lalabas ay PCOO, Radyo Pilipinas saka PTV.

BENDIJO:  Yes, maganda iyan. Kasi lahat ngayon, sir hindi naman nanunuod ng TV, nandoon na sa cellphone, tablet at saka computer.

SEC. ANDANAR:  Puwede iyan, kay Asec. Kris na ipa-champion natin ang project na iyan at suportahan natin.

For example, what is happening right now, Aljo, your broadcasting where you are sa Quezon City, tapos nasa GenSan ngayon si Kris at ako naman ay mobile ako ngayon at nag-uusap tayo through Skype. So, I don’t know if—well, I can see you on my cellphone through Skype, I don’t know if you can see me sa video.

BENDIJO:  Yeah, ang linaw ah, kita sir. 

SEC. ANDANAR:  [Dialect]. So, ga-dagan ang sakyanan, kit-an ra gihapon ko nimo at the same kit-an gihapon ka nako (So, tumatakbo ang sasakyan, nakikita mo ako at the same nakikita din kita). I think, I mean this third telco project if done properly, we can all be doing video conferencing wherever we are and this is basically what we are doing is video conferencing. 

BENDIJO:  Okay, so sabi nga ni Secretary Rio, by October eh mayroon ng mga subscribers iyong Mislatel, Sec, that’s a good news, at least may mapagpipilian, punta na tayo doon sa kabila.

SEC. ANDANAR:  I’m subscribed to both globe and smart, so it will be good to subscribe also to Mislatel, para kung saang area na wala iyong globe or smart, di nandoon iyong Mislatel vice versa, eh iyon talaga iyong gusto ni…

ASEC. ABLAN:   At saka Sec. Martin, Sir Aljo, mayroon ng mobile telephone portability. So, iyong telephone number mo ngayon, pag lumipat tayo sa Mislatel, iyon pa din iyong telephone number natin.

BENDIJO:  So Halimbawa, galing ako smart, lilipat ako sa Mislatel, ganun pa rin number ko? Iyon!

ASEC. ABLAN:  Yes.

BENDIJO:  So, habang-buhay mo na iyan, dala-dala mo.

ASEC. ABLAN:  Kaysa naman uulit-ulitin mo naman kontakin iyong contact list mo na bago na naman iyong number mo, at least, dahil sa bagong batas, puwede nang magkaroon ng mobile telephone portability.

SEC. ANDANAR:  I was just saying Aljo na sabi ni Kris iyong Mobile Portability Act, so ang mangyayari dito, kasi iyong globe 0917, tapos 0916, tapos iyong smart 0918. So ibig sabihin nito, Kris, kahit naka-0918 ka ay puwede ka nang mag-Mislatel pero 0918 pa rin iyong number mo.

ASEC. ABLAN:  Yes, sir.

BENDIJO:  So nagbigay naman ng assurance si Secretary Rio, DICT na any information regarding yourself, iyong mga sensitive information, halimbawa nandoon ka smart totally deleted, will be deleted kung ikaw ay lilipat doon sa kabila. Mas maganda iyan di ba? Eh para ma protektahan din ang pribadong impormasyon at mapuputol na kung anumang… subscriber ka before ng smart, ngayon Mislatel ka, nandoon ka na sa Mislatel, hindi na puwedeng gamitin iyan ng smart. Maganda iyang batas na iyan ha.

SEC. ANDANAR:  Eh, maganda iyan, as long as you are not doing anything funny on the phone, wala namang problema iyon eh.

BENDIJO:  May lumabas nga sir, nag-viral nga.

Nakausap ko nga si Secretary Liboro, si Commissioner Liboro ng National Privacy Commission, iyan ang sabi nga nila importante talaga Aljo itong media platforms, social media platforms, nandoon ang buhay, doon ka na bibili, nandoon na lahat. Pero maging responsible sa kung anuman ang gagawin mo diyan. Halimbawa sa Facebook account mo, sa messenger, wag kang basta-basta na lang mag-reveal ng information mo. Mayroon na tayo ha, may departament0 na tayo, Sec ano, kay Commissioner Liboro. Kung anumang mga paglabag sa pribadong buhay mo at impormasyon, isumbong ninyo kaagad iyan sa National Privacy Commission.

SEC. ANDANAR:  Maganda iyan, maganda iyan. Masipag iyan si Commissioner Liboro, sa DOST pa lang iyan, masipag na iyan eh. Hangga’t narating na niya iyong kaniyang opisina diyan sa National Privacy Commission. So, marami talagang magaganda, Aljo at Asec Kris ang nangyayari sa ating lipunan ngayon sa ilalim ni Presidente Duterte. Maraming mga napirmahang mga batas: Dati-rati ay hindi masyado, kumbaga, hindi pinapakialamanan ng mga pulitiko dahil natatakot sila; ngayon nandiyan na nga, napirmahan na itong mga batas na may kinalaman halimbawa, sa ating rice tariffication. Tingnan mo naman ay bumaha na iyong mga bigas sa merkado. Hindi na siya monopolized na kung sino lang iyong ina-approved ng National Food Authority. Bumaba na rin iyong, actually, wala na ngang bayad iyong—actually wala na ngang bayad iyong irrigation ng mga magsasaka na mayroong walong ektarya pababa. Libre na rin iyong ating edukasyon sa state universities and colleges. Napakadaming batas talaga – iyong maternity leave ay nadagdagan na, Aljo, dati 60 days paid ngayon 106 days paid.    

BENDIJO:  Iyong Universal Health Law.

SEC. ANDANAR:  Iyon, isa pa iyon.

BENDIJO:  Magandang batas din iyon.

SEC. ANDANAR:  Puwede mo nang dagdagan ang anak mo, Aljo. Si Kris puwede pang magdagdag si Kris Ablan.

ASEC. ABLAN:  Puwede, puwede. 

SEC. ANDANAR:  Oo, kasi libre pa edukasyon tapos iyong maternity leave nadagdagan na ng ilang araw na bayad ka; tapos pati iyong husband, puwede rin…

BENDIJO:  Husband puwede rin ‘no, oo.

SEC. ANDANAR: …Humingi ng paternity leave. Tapos ang hinihintay na lang talaga natin itong federalism.

BENDIJO:  ‘Yun, federalism, oo.

ASEC. ABLAN:  Oo nga Sec., anong update natin dito sa federalism?

BENDIJO:  Any update sa federalism sir, kasi iyon yata ang gusto din ng mga kapatid nating MNLF na ituloy na lang itong plano talaga ni Presidente, federalism. Any update about that, Sec.?

SEC. ANDANAR:  Mayroon tayong meeting, nagpatawag ulit ng meeting—nagpatawag si Secretary Año ng panibagong meeting, either—I think it’s going to be next week na iyong meeting. At ito nga ay para pag-usapan iyong patuloy na kampanya ng gobyerno para ma-educate ang ating mga kababayan tungkol sa pederalismo.

But you know if you ask me, maraming mga kababayan natin lalung-lalo na sa mga regions ang pabor dito sa pederalismo. Ang problema lang kasi Aljo at Kris, the reality is that tapos na ng Commission na gawin iyong federal constitution draft at sinubmit na sa Lower House. In fact the Lower House, they have their own version at malaki iyong chance na pumasa. Pero kailangan natin ng dagdag na mga kakampi sa Senado – that’s really the reality of it ‘no.

So kung madagdagan ang mga allies ng mahal na Pangulo sa Senado ngayong darating na Mayo, malaki iyong chance na pumasa itong federalism at maging ganap na batas or maybe umabot doon sa plebisito para i-ratify, ‘di ba Kris.

ASEC. ABLAN:  Yes. Sana nga dumagdag talaga, kasi sir dito sa GenSan saka sa South Cotabato, ang tanong talaga nila is ‘ano na ba nangyari sa federalism; kasi lahat na nga ng gusto nila nagawa na ni President Duterte wala pang midterm, pero iyong federalism, iyon ang hinihintay nila.

BENDIJO:  ‘Ayun. Pero nagsimula na tayo ‘di ba magpa-disseminate ng information about federalism Sec. ‘no, – sa PCOO?

SEC. ANDANAR:  Oo, nagsimula na tayo diyan… diyan sa Radyo Pilipinas, sa PTV pero kailangan pa talagang dagdagan iyong effort. At ito ‘yun eh, after May elections kung maraming manalo na nasa koalisyon ni Presidente, then mas malaki talaga iyong chance. Pero sa ngayon pa lang ay nagplano ng meeting ulit si Secretary Año doon sa lahat ng miyembro ng Task Force on Federalism, parang pag-usapan muli kung ano iyong mga next steps na gagawin in the coming weeks.

BENDIJO:  ‘Ayun, so doon lang tayo sa Senate nagkakaproblema dahil kinakailangan natin ng mas marami pang kaalyado diyan ‘no. Pang-ilan si Kuya Bong Go, number two na ba?

SEC. ANDANAR:  Number two.

BENDIJO:  Number two. Baka maging number one na ‘yan sa mga susunod na ano…

SEC. ANDANAR:  Ay hindi ako magtataka, oo kasi araw-araw… halos araw-araw ‘no talagang nangangampanya iyong mama, talagang napakasipag talaga. At nari-realize naman ng mga kababayan natin iyong malasakit talaga ni Presidente Duterte through Secretary Bong Go, iyong kaniyang mga Malasakit Centers. At pati si Presidente ay masipag din na nangangampanya para sa kaniyang ticket for the Senate. So I wouldn’t be surprised na maraming lulusot doon sa ticket ni Presidente.

BENDIJO:  Si Bato din ‘di ba umaakyat na rin, number 7/number 6 si Bato. Basta’t pumapasok na sila sa top 12 – magandang balita ano Sec., opo.

SEC. ANDANAR:  Oo. Si Francis Tolentino rin ay pumapasok na. Dito na siya sa may 12, 13, 14 ‘no. So konting sipag pa, konting ikot pa sa buong Pilipinas, I think he has a bigger chance this time than in 2016.

BENDIJO:  Okay, sige. Parting words na lang tayo Sec at Asec tungkol dito sa mga magaganda pang mangyayari sa atin sir ‘no, napakaraming pag-uusapan pero ito munang mga gustong marinig ng taumbayan.

SEC. ANDANAR:  Bukas Aljo mayroon akong The Presser dito sa Muntinlupa, gagawin dito sa City of Muntinlupa, sa kanilang auditorium at ang magiging guest ko dito ay si Secretary Art Tugade para pag-usapan, Aljo at Kris, ang mga proyekto ng DOTr dito sa south area ng Metro Manila. At mayroon din tayong kasamang Undersecretary ng DPWH para pag-usapan din itong mga nangyayari sa south area ng Metro Manila, mga projects na kasama sa Build, Build, Build ni Presidente Duterte.

At ang good news dito, itong The Presser ay dadalhin natin sa iba’t ibang mga lugar dito sa Metro Manila, sa south, sa north, dito rin sa west, sa east para malaman din ng mga media, local media, ng area kung ano iyong mga pagbabago, kung ano iyong mga dapat abangan na mga proyekto ng gobyerno.

ASEC. ABLAN:  Maganda iyan Sec. Anong oras po tomorrow at saka live streamed po ba iyan?

SEC. ANDANAR:  No, this is not live streaming kasi may problema iyong signal doon sa area. Pero we will take The Presser at mayroon din namang mga media doon, and then we will replay it sa, either PTV or sa Facebook page ng PTV at sa Facebook page ng Radyo Pilipinas at Facebook page din ng Presidential Communications.

BENDIJO:  ‘Yan sige, maganda ‘yan. At marami, marami… actually isa-isahin natin, hindi kaya isang oras Sec., daghang kaayo mga magandang balita. Actually iyong DOST, nakausap ko iyong DOST, iyong train nila ngayon ginagamit na ha. Iyong train alam mo ‘yun, hybrid electric road train, iyong mga automatic guideway system. Ay naku sabi nga nila, puwede nating gamitin ito, i-utilize natin para hindi na tayo mag-i-import pa ng tren. Gawang Pilipino talaga ‘to, DOST po.

SEC. ANDANAR:  Tama…

BENDIJO:  Initiative po ‘yan ng Pangulong Duterte pa rin ‘no, sa mga magagaling na mga Secretaries ‘no, ng mga alter egos ng Presidente. Anyway message na lang Secretary and Asec bago tayo magpaalam.

ASEC. ABLAN:  Ako, dapat Sec. Martin, Sir Aljo next time invite natin si Secretary Dela Peña ng DOST, kasi madami pong programa na maganda ang DOST.

BENDIJO:  Oo, totoo po ‘yan. Sige invite natin dito, Sec.

SEC. ANDANAR:  Oo, invite natin. Invite natin si Sec. Boy at madalas kong kausap si Sec. Boy sa Cabinet. In fact, he presented sa Cabinet last year upon my prodding, sabi ko i-present mo kaya iyong mga bago ninyong mga imbensiyon diyan sa DOST. And then he did, and the President was so happy to see all of the inventions. So ngayon nga, maganda rin iyong ugnayan ng DOTr at ng DOST. So iyong sinasabi ni Aljo na mga bagon na—

BENDIJO:  Oo, iyong kulay blue. Papuntang ano ‘yun, papuntang Laguna – Los Baños pabalik dito sa Muntinlupa. Malamig, malamig ho iyong aircon sa loob sabi. Gusto ko ngang sumakay eh. Baka ngayong weekend, try ko lang, i-try ko. Pati MRT malamig na rin iyong aircon ha, ‘di ba, nag-viral din sa social media. Masaya ang mga tao ngayon!

ASEC. ABLAN:  Saka, Aljo, pati na iyong Dalian trains gumagana na eh.

BENDIJO:  Ah gumagana na? Iyon ba iyong palpak na binili noong nakaraang administrasyon?

ASEC. ABLAN:  Iyong palpak na nabili [laughs] noong nakaraan, napagana na.

SEC. ANDANAR:  [Laughs]

BENDIJO:  ‘Ayan, eh ginawan natin ng paraan. Anyway thank you so much Secretary Martin Andanar, maraming salamat, sir.

SEC. ANDANAR:  Salamat Aljo. Salamat Kris, mabuhay ka.

BENDIJO:  Okay. Secretary Martin Andanar…

ASEC. ABLAN:  Salamat Sec., salamat Aljo.

BENDIJO:  Okay, si Asec. Kris Ablan din. Thank you so much mga kaibigan.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource