Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Townhall Meeting Consultation with Farmers and Fisherfolks of Occidental Mindoro

Location Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro

Q: Ano po ang tugon ng pamahalaang nasyonal sa power outages po sa Occidental Mindoro?

PRESIDENT MARCOS: Sa ngayon ay nagka-problema nga dahil hindi, isang planta bumagsak, alam mo ‘yun dahil sabay, sunod-sunod ‘yan, sunod-sunod nag-trip, kung tawagin. Pero dahan-dahan namang bumabalik.

So, ang power supply natin ay sapat naman. Nagkaka red and yellow lang tayo na alert pero sa kasalukuyan, nakikita namin, dahan-dahan bumabalik sa normal na naman ‘yan. Maaayos na natin ‘yung mga naging problema, ‘yung technical problem dun sa mga planta.

At maraming nakikita ko sa news, eh baka mayroon daw nag-sabotahe. Pinag-aralan din namin ‘yan, wala naman.

Talagang, mabigat lang talaga ang load. Hindi kinaya ng ano tsaka nagka-technical problem, may piyesa run na kailangan palitan, kayat ‘yun ‘yung ginagawa ngayon, binabalik ng dahan-dahan.

So far naman, mayroong kaunting, ‘yung mga iba nag power outage, pero ‘pagka-naayos natin ito, ‘pagka naayos natin ‘yung mga nag-trip na power plant at saka mga substation, eh babalik na naman tayo sa dati. Thank you.

Q: Magandang hapon po, Mahal na Pangulo.

PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.

Q: Marami po kayong tinitingnang paraan para masiguradong na stable ang supply ng kuryente rito. ‘Yung mag-tap ng mga probinsyang malalakas ang kuryente, solar energy, alin po dito, Mr. President ang pinakamabilis, at how soon will it happen?

PRESIDENT MARCOS: Ang pinakamabilis, solar. Dahil ang solar, wala, basta’t kung mayroon kayong solar cell ay pwede nang gamitin kaagad ‘yun. Kailangan, so ‘yun talaga ang pinakamabilis.

Pero ‘yung long-term solution natin diyan hindi lamang ang solar kasama ‘yung – solar, ‘yung wind, ‘yung hydro, ‘yung geo – lahat ng ating makuhanan ng power ay pinag-aaralan natin at pinapatibay natin na sistema.

Pero ang sa Mindoro both Oriental and Occidental, ang long-term solution is ‘yung submarine cable para makabit na sa grid dahil ‘yun ang problema dito. Hindi pa nakakabit sa grid. So, maglalagay na tayo ng submarine cable para dito, specifically sa Mindoro para ‘yung mga ibang lugar naman na sobra ang kanilang, mayroon silang excess capacity na tinatawag, hindi nagagamit, sayang. So, ‘yun, ‘yun ang pwede nating pag lipat-lipat kung saan ang pangangailangan.

Q: Sir, kanina you have personally witnessed ‘yung devastating effect of El Niño sa mga sakahan. Paano sir titiyakin ng gobyerno ‘yung food security sa gitna po ng El Niño?

PRESIDENT MARCOS: Well, kung ang pag-uusapan natin ay bigas, sapat naman ang ating supply. Hindi kailangang mag-alala ang tao. ‘Yung mga area. Sa katotohanan, ‘yung mga area na may patubig, tumaas pa ‘yung ating naging ani, ‘yung tons per hectare natin.

Pero syempre, marami pa. Kagaya dito, siguro mga 50 porsyento lamang ang irrigated at so, ‘yung iba talagang nahihirapan. Dito sa Occidental Mindoro, ang calculation namin, one percent lamang nung mga irrigated lands ang naapektuhan ng El Niño na talagang kailangan ng tulong.

Pero ‘yung mga naiwan na hindi, na hindi irrigated ay ‘yun talaga ang kailangan namin. Kaya, ang pinapaspas namin ‘yung ‘pag lagay ng solar pump at saka pati na ‘yung dam na pinaplano ng NIA at para ‘yung supply ng tubig ay mapalawak natin ‘yung irrigable land kasi basta’t irrigated kahit na may ganito, kahit na may El Niño pwede pa rin.

Pwede pa rin, tapos marami tayong binigay, marami tayong dinadala na post-harvest facilities para imbes na ginigiling pa ‘yung palay, malayo pa ang dinadalhan, kung saan-saan pa dinadala kaya dito na gagawin para mayroon sa gastos, mayroon sa malaki ang kikitain ng farmer.

Q: Thank you, sir!

Q: Dahil naka emergency power supply po kami ngayon, mayroon po bang chance na mas mapabilis po ‘yung pag-release po ng power supply agreement para makablik na sa dating –

PRESIDENT MARCOS: ‘Yun ang, kasi nasa gitna tayo ng negotiations ng ERC tungkol diyan sa presyuhan ng kuryente. ‘Pag natapos ‘yun, then special case naman kasi talaga ang Mindoro sa power, decades old problem na ‘yan e – kaya’t pagka natapos ‘yun malaman na namin kung paano ‘yung pwedeng gawin dito baka makapag bigay ng subsidy – baka makapag approve ng subsidy para sa Mindoro provinces.

Q: Sir, how do you feel about the sentiments of First Lady Liza Marcos over Vice President Sara Duterte. Will it affect your working relationship with the Vice President? And also, your reaction to suggestions that it’s timely that she’d be replaced in the cabinet?

PRESIDENT MARCOS: Why? I don’t see the reason behind that. But, well, first of all, my first reaction is ‘what a lucky husband I am’ that I have a wife na very protective sa akin na kahit na may nakitang hindi magandang sinabi tungkol sa akin ay ‘yan talagang she gets very upset at – I guess, we cannot blame her. It will not affect our working relationship with the Vice President, Secretary of Education. I think that, she, also, as a wife, understands how the First Lady feels when you have to sit there and listen to these attacks that are being made against your husband.

But mag-uusap kami ni VP Sara, kami ni Inday Sara, wala naman, mag-uusap kami tungkol diyan. ‘Wag na masyadong dibdibin at ‘yung hindi naman siya ang nag-sabi tungkol sa kung ano-ano. Kaya’t madali naman siguro na, madali naman sigurong plantsahin lahat itong naging isyu na ito.

Q: Sir, sa meeting po natin, you will assure the Vice President that she will not be replaced as DepEd Secretary? She will –

PRESIDENT MARCOS: I don’t need – she doesn’t need my assurance. She knows that. She knows that. Any of the cabinet secretaries will be replaced ‘pag hindi na nila ginagawa ‘yung trabaho nila. All the other things don’t, are not part of the discussions, ‘pag hindi na kaya, eh nagka-sakit sabihin mo na, eh di papalitan ka namin, o hindi talaga marunong o corrupt ‘di ba? Tatanggalin ka talaga namin. Eh hindi naman ganun si Inday eh, hindi ganun si Inday Sara.

Q: Will you talk to the Vice President to patch things up? Not to –

PRESIDENT MARCOS: I don’t think we need to patch anything up. I think she understands, as I said, as a wife herself, she understands the sentiments of the First Lady. Our conversation will be, precisely that, kasi you know, I am sure you understand how she feels because she – alam ninyo, ang First Lady hindi sanay sa pulitika ‘yan eh.

Kami manhid na kami diyan sa mga insulto na kung ano-ano, personal na insulto, policy, lahat manhid. Siya, hindi siya galing sa political family kaya’t siguro si Liza still has to learn na magpalampas ng kaunti sa ibang masasakit at maiinit at maanghang na salita. Ok. Alright, Salamat!

— END —

Resource