MR ARCENA: Magandang gabi Luzon; maayong gabii Visayas at maradyaw karadyaw na gabii sa mga taga-Mindanao. Ako po si JV Arcena…
ASEC. ABLAN: At ako naman si Asec. Kris Ablan
MR ARCENA: At ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo. At pag-usapan po natin Asec. Kris ngayong gabi, iyong nakalipas lamang ho na eleksiyon noong Monday ‘no. Ikaw, kamusta ho ang iyong experience noong Monday?
ASEC ABLAN: Umuwi ako ng probinsiya namin JV, bumoto ako. Ikaw alam ko, ini-explain ko sa mga listeners natin ay umuwi ka ng Siargao para bumoto din. Kasama din natin si Sec. Martin ‘no, so kumustahin din natin siya mamaya kung kumusta ang kaniyang pagboto diyan sa Muntinlupa.
MR ARCENA: Oo. Nasa linya ho ng telepono si Secretary Martin Andanar. Good evening, Sec.
SEC. ANDANAR: Hello JV, good evening, Kris good evening din, kakarating ko lang galing Beijing dahil um-attend tayo ng conference or dialogue of Asian civilizations, the first time na nagkaroon ng ganitong klaseng komperensiya sa Beijing, China. At napaka-engrande ng kanilang conference dahil kagabi mayroong Asian Film and Television Week launching kagabi, tapos iyong mga guest doon sina Jackie Chan, sila ni Zhang Ziyi at mga sikat na mga direktor galing Japan at iba pang mga bansa.
ASEC. ABLAN: Nakakainggit nga iyong post ni Sec. Martin eh, kasi kasama niya iyong crush ko noon, si Zhang Ziyi. Hindi si Jackie Chan, hindi ko crush si Jackie Chan [laughs].
MR ARCENA: Idol ko naman si Jackie Chan.
SEC. ANDANAR: Pero alam mo ano eh, it was very surreal kasi bago nagkaroon ng launching, nandoon muna kami sa isang holding room tapos nagkaroon ng maikling meeting with the Minister, iyong Minister ng Publicity ng China. Tapos, talagang arms-length lang iyong layo namin ni Jackie Chan, talagang hindi ako makapaniwala nasa harapan ko lang; at noong kabataan ko hanggang sa pagtanda ko pinapanood ko iyong kaniyang mga… mga Drunken Master, lahat, mga Shaolin nandoon siya… bagong pelikula niya.
And then, iyon nga si Zhang Ziyi ay nandoon din. Iyong kaniyang Crouching Tiger, Hidden Dragon, pati iyong Rush Hour ‘di ba? It was really surreal that they were just there in front of us and kung ano man iyong usapan. And the night before, nagkaroon ng isang engrandeng carnival, it was like a concert na in-organize nila at nandoon din iyong mga artista – kumanta pa si Andrea Bocelli – tapos, that morning ay iyon nga, iyong opening noong Asian conference or dialogue of Asian civilization at nandoon si President Xi Jinping.
So it was a very good conference, dahil pinag-usapan iyong iba’t ibang mga civilizations sa Asia at kung papaano nga ito—kung papaano itong civilizations sa Asia ay mag-merge, magkakaintindihan. I mean the importance of believing that no civilization is dominant over the other. Tapos iyong kailangang bukas ang ating isipan sa iba pang mga magagandang ideya, traditions and culture, so iyong mga ganoong bagay pinag-usapan.
So one of the takeaways there was, gustong tumulong ng bansang China na gumawa ng pelikula about Datu Padulay – iyong Datu, it was a Pilipinas Datu, mga 1300’s na nagpunta ng Shandong, China tapos namatay siya doon. So nagkaroon siya ng pamilya doon, ngayon mayroon na siyang basque doon, mayroong siyang statue and all; tapos iyong kaniyang mga descendants nandoon pa rin. Meaning, before the Spaniards even arrived in our country, ay mayroon nang trading relations ang China at Pilipinas; and during that time, we were called the ‘Kingdom of the East’ kasi hindi pa naman tayo Philippines eh, hindi pa dumarating iyong Espanyol. So they want to produce that film with the—with any good director that will be interested in the Philippines.
ASEC. ABLAN: Maganda ‘yan, naalala ko ‘yan Sec. Martin noong pumunta tayo ng China, nabisita natin ‘yang… sa may Nanjing, doon nila pinakita; may parang museum doon iyong fleet, tapos nakasama nga doon iyong Datu. So maganda kung magkaroon ng pelikula niyan ‘no.
SEC. ANDANAR: Oo. In fact noong panahon ni President Ferdinand Marcos, parang mayroon nang prinoduce noong panahon na iyon eh. Pero luma na, siguro kailangan nang bagong production dahil alam mo ngayon 4-K na iyong…
So anyway, doon tayo sa mas relevant sa atin sa Pilipinas.
ASEC. ABLAN: Iyong eleksiyon.
SEC. ANDANAR: Eleksiyon, oo eleksiyon [laughs]. I believe Kris, napaka-interesting noong halalan sa inyo sa Ilocos Norte, may bagong Mayor kayo ‘di ba, sa Laoag?
ASEC. ABLAN: Yes Sec., so maganda. This election really, is an election where there are many upsets po and surprises ‘no. Binilang ko po ‘yun Sec., so mga 24 ano; ang daming mga incumbent na mga Mayors, Governors, Congressmen ang napalitan ng bagong mukha ‘no, fresh faces, so fresh leadership. Sa siyudad namin ng Laoag, nanalo nga ang dati naming Governor, si Michael Marcos Keon bilang City Mayor at na-dislodge niyan po iyong aming incumbent na si Mayor Chevylle Fariñas.
And then of course, everyone knows naman na nag-back out si Congressman Rudy Fariñas for Governor, so ang aming bagong Governor ay ang anak ni Senator-elect Imee Marcos na si Matthew Marcos-Manotoc.
SEC. ANDANAR: Wow! Talagang napakasuwerte ng grupo mo Kris dahil nanalo lahat iyong mga kasama noong ikaw ay Board Member pa sa Ilocos Norte.
ASEC. ABLAN: Oo nga, Sec. Eh sa Muntinlupa naman po Sec., you voted in—sa Alabang po ba kayo bumoto?
SEC. ANDANAR: Doon sa Alabang, oo dito sa may Pedro Diaz High School at ang nanalo dito iyong incumbent pa rin, si Mayor Fresnedi—
ASEC. ABLAN: Wala naman pong problema sa paggamit ninyo ng VCM, Sec.?
SEC. ANDANAR: Noong una lang, nagkaproblema iyong—kasi 5:30 ako pumila eh, so isa kami sa mga first ten na nakapila doon.
MR ARCENA: Aga…
SEC. ANDANAR: Hindi pumasok iyong balota sa VCM kasi lukut-lukot [laughs], iyong unang botante lukut-lukot. So sabi huwag ninyong lukutin iyong balota, hindi papasok ‘yan. Pero ‘yung nanalo iyong incumbent; iyong incumbent Vice Mayor natalo, napalitan ng dating Vice Mayor, si Simundac; tapos ang Congressman namin ngayon ay si Ruffy Biazon pa rin. Medyo hindi masyado exciting ang ano dito sa Muntinlupa, unlike mga… halimbawa sa Pasig ‘di ba?
ASEC. ABLAN: Yes…
MR ARCENA: Sa Maynila…
ASEC. ABLAN: Sa Maynila, sa San Juan…
SEC. ANDANAR: Oo, sa San Juan… although iyong sa San Juan naman expected na iyon dahil matagal na ring pinaghandaan ni Francis iyong mga halalan diyan. Tapos konti lang iyong agwat noong kanilang diperensiya noong dati eh, noong 2016 ‘di ba, si Francis saka si Mayor Guia Gomez. Ano pa bang mga upset?
MR ARCENA: Sa Maynila, si Erap natalo ni Isko.
SEC. ANDANAR: Sa Manila, tama, si Isko Moreno na ang bagong Mayor, Mayor Isko Moreno na. And then… although prior to the victory, I think mga two months before mayroon nang perception na mananalo si Isko ‘di ba; sa mga surveys lamang na siya. Upsets… iyong sa Zamboanga Del Sur, natalo si Cerilles, lahat sila talo – si Governor Cerilles, si Congressman saka si Vice Governor.
MR ARCENA: Sa Cebu City rin Sec., si Mayor Tommy Osmeña – tinalo ng Vice Mayor niya.
SEC. ANDANAR: Oo si Labella, si Labella nanalo; tapos panalo si Mike Rama for Vice Mayor. Pero grabe rin iyong kampanya nila doon, mga kaibigan natin doon at alam naman natin na talagang mortal enemies si Secretary Mike Dino pati si Mayor Tommy Osmeña.
MR ARCENA: Sa Makati, si dating Vice President Binay tinalo ni Kid Peña, for Congress.
ASEC. ABLAN: Natalo ni Vice Mayor Kid Peña.
SEC. ANDANAR: Oo… Eh iyon, hindi natin in-expect iyon dahil siyempre si VP na iyong tumakbo eh. Eh sabi nga ni Senator Nancy na nakaapekto rin iyong kanilang gulo sa pamilya doon sa mga nangyari, dahil si VP ay hindi masyadong nangampanya sa sarili.
MR ARCENA: Oo, kinampanya si Mayor Abby.
ASEC. ABLAN: Sa national din Sec. ‘no, ang laki ‘no, ni isang Otso Diretso hindi nakapasok sa top 12, and so talagang mayroong magandang mandate si President Duterte though the HNP na mga candidates, lahat pumasok po.
MR ARCENA: Oo… Saan mo sir ina-attribute itong magandang performance ng administration candidates sa senate race?
SEC. ANDANAR: Number one, attribute natin kay Presidente Duterte, kasi talagang makikita mo na sa—kahit saan mo silipin sa survey niya, mataas talaga iyong pag-solve ng poverty. Ang satisfaction rating ng mga kababayan natin, adult Filipinos, 81% kay Presidente so siyempre it rubs-off on the candidates also ‘di ba. At siguro ano na rin, pangalawa iyong sobrang dumi ng propaganda noong mga kalaban natin sa pulitika, propaganda laban kay Presidente, sa pamilya niya, sa mga kandidato niya… palagay ko nakaapekto rin iyon eh; palagay ko nainsulto ang masang Pilipino doon sa pinagsasasabi ng mga kalaban natin.
Kasi obvious na obvious naman talaga Kris at JV na napakadaming ginawa ni Presidente, napakahaba ng listahan – mula doon sa libreng edukasyon sa mga state universities and colleges, hanggang doon sa pagbibigay ng libreng gamot, pagdating sa mga PWDs libreng PhilHealth, Universal Healthcare Law, libreng irigasyon. Napakadaming ginawa ni Presidente, and yet ang puna sa kaniya ay grabe pa rin sa oposisyon, parang walang ginawang maganda – at iyon naman ay nararamdaman ng mga kababayan natin.
Palagay ko, although we have to be magnanimous in victory, kailangan din sigurong isipin na rin ng mga kalaban natin sa pulitika kung saan sila nagkamali sa kanilang mga strategy at siguro, iyong tipong pagbigyan naman, pakinggan naman ang puso ng masang Pilipino.
MR ARCENA: Yes, oo. At kung napansin ninyo nga Sec. ‘no, may mga viral or mga nagte-trend sa social media, iyong mga tinatawag natin na vote-shaming ‘no, na parang pinapahiya—I mean, parang minamaliit iyong mandato ng atin pong mga—mayorya ng mga Pilipino.
SEC. ANDANAR: Oo, grabe iyong vote-shaming. Naglabas ako ng aking statement diyan eh, na si Bato Dela Rosa, Senator-elect Bato iniinsulto nila ‘di ba. Kung titingnan mo talaga, ba’t mo iinsultuhin iyong tao eh PMA graduate ‘yan eh. In the first place, hindi ka papasa sa PMA kung hindi ka matalino. Pangalawa kung wala kang grit, hindi ka tatagal sa PMA. So kumbaga, tama na iyong pang-iinsulto natin sa ating kapwa. It’s time to move forward, it’s time to really heal at ayusin ang mga problema ng bansa natin, ituloy iyong mga pagbabagong nagawa niya, na ginawa ni Presidente Duterte.
MR ARCENA: Sec., nasa linya rin po ng telepono… makakasama rin po natin si Senator-elect ‘no, Francis Tolentino. Good evening po sir, live ho kami dito sa studio kasama si Asec Kris Ablan at si Secretary Martin Andanar.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Ay, magandang gabi po. Magandang gabi rin kay Secretary Martin Andanar at sa lahat ng inyong tagasubaybay.
SEC. ANDANAR: Congratulations! Congratulations Senator-elect.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Ay, salamat po.
SEC. ANDANAR: Well deserved. Alam kong dapat 2016 pa lang ay senador ka na, pero mayroon talagang Diyos, ‘ika nga may Diyos talaga.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Tama po, tama po kayo.
MR ARCENA: Sir, ano po ang mensahe ninyo ngayon po sa atin pong mga kababayan, sa tiwala pong binigay nila sa inyo. Kasi noong una ho talaga, kung napansin ninyo sa mga survey, isa ho kayo sa mga talagang nakaka-surprise iyong ipinakita hong performance pagdating ho dito sa eleksiyon. Kasi noong nakita ho namin sa survey, medyo nasa 12 to 13 pa ho kayo na number. Pero sa resulta, lumalabas ho na nasa 8 or 9 ho kayo ngayon.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Siguro—unang-una pasalamat muna ako sa Panginoon, tapos kay Pangulo, sa pagtitiwala dahil lagi niya po akong ini-endorso. So pagkatapos po ng proclamation siguro, dapat eh magkaisa-isa na uli, hindi lamang po sa national level pati iyong sa lokal natin na marami pong maiigting na labanan. At tingnan na lang po siguro natin kung ano iyong tamang direksiyon ng ating bansa, at siguro suportahan si Pangulo at ang direksiyon po na ginagawa ng pangkasalukuyang administrasyon dahil last three years na po ito. Kung dadaanin po sa pagtutunggali uli, tapos na ho ang eleksiyon eh; nagdesisyon na po ang taumbayan, eh dapat po siguro ang susunod na hakbangin eh iyong pagkakaisa para… ang dami pa hong nakalatag na gagawin ng administrasyon.
ASEC. ABLAN: Senator – Tol, si Asec. Kris po ito ng PCOO, first of all po congratulations.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Ay, salamat po.
ASEC. ABLAN: Nasabihan na po ba kayo kung kailan na po iyong inyong proclamation ng Comelec? Is it this weekend Senator?
SENATOR-ELECT TOLENTINO: May pasabi iyong abogado ko, pero wala pa akong text muling natanggap ngayong hapon. Pero may sinabing… tama kayo, weekend daw – ngayon.
MR ARCENA: Sir, ano po ang paghahanda ho ninyo ngayon bilang Senator-elect o bilang bagong halal na senador natin?
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Una muna siguro iyong pisikal ko, nagpa-checkup ako kanina kasi matagal-tagal na akong hindi nagpapa-checkup. Tapos siguro, pasalamatan ko muna iyong talagang tumulong at pagkatapos po siguro, mentally eh ihahanda ko na rin iyong sarili ko; basahin ko iyong rules of the Senate at saka iyong mga nasa likuran ng adbokasiya ko lalung-lalo na sa local government at saka environmental aspect ng legislation. So, may mga reading materials naman po ako na nakahanda na pero hindi ko pa nasisimulan dahil pagod na pagod pa ho ako eh. Kung tutuusin eh… matagal-tagal ho ito!
SEC. ANDANAR: [Laughs] Dahil alam mo, talagang nakita ko Senator Tolentino – Francis ay noong habang nangangampanya, kasi inuutusan ako ni Presidente. Kung saan-saan, nakikita ko si Senator Tol ay grabe, talagang… halos parang hindi na natutulog, pagod na pagod na iyong itsura. Pero alam mo naman…
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Opo, dalawang beses po tayong nagkasakit.
SEC. ANDANAR: Ay, dalawang beses kang nagkasakit during the election?
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Opo, at during the campaign na-survive ko lang iyon kasi mga medication… Awa ng Diyos natapos, oo….
MR ARCENA: Halata nga po, sa boses po ninyo ngayon Senator parang medyo namamalat pa ho kayo.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Medyo po…
SEC. ANDANAR: Pero talagang well deserved. I’m very happy for you Senator Francis.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Salamat po, Sec. Martin. Salamat po.
SEC. ANDANAR: We’re very happy, lalo na sa Cabinet, kaming lahat talagang tuwang-tuwa kami sa inyong dalawa ni Secretary Bong Go, dahil kahit papaano madadagdagan ang kakampi ni Presidente sa Senado.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Ay, ipaabot ninyo po iyong pasasalamat ko sa mga… dati kong mga kasama sa Gabinete.
SEC. ANDANAR: May isang tanong lang ako kay Senator Francis, JV at Kris ‘no, bago ko ibigay sa inyo. Ang sistema ba sa Senado, kapag bago ka na senador, can you actually demand a chairmanship of any committee? And if you were to have your own—to choose your own committee, na ikaw maging chairman, ano pong committee iyon Senator?
SENATOR-ELECT TOLENTINO: By tradition kasi, kokonti lang naman kami, beinte kuwatro o beinte tres nga, nakakulong pa iyong isa, so lahat po ‘yan mabibigyan ng chairmanship. Ang huling dinig ko ay at least minimum dalawa. So siguro kung ngayon papipiliin ako, baka local government saka environment siguro iyong pipiliin ko na maging chairman.
MR ARCENA: Sir, kung si Senator-elect Dela Rosa ay priority niya iyong pagpapatupad o pagsusulong na maibalik nga po iyong death penalty, kayo naman po, ano po ‘yung tututukan ninyo sa inyong pag-upo sa Senado?
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Ay, marami po tayong nilahad noong kampanya pero karamihan po dito eh sang-ayon din sa mga legislative proposals ng Pangulo. Noong kampanya po, sinabi ko ‘yung Department of Disaster Management; eh si Pangulo, 2016 pa namin pinag-uusapan ‘yan. So kabilang po iyon, at iyong nangyari at nangyari nitong kampanya at nangyayari pa ngayon, iyong El Niño na nararanasan natin, eh tinuturing ko pong kalamidad ‘yan na nagdulot din ng water crisis.
So mayroon po tayong inisyatibo diyan para pagsama-samahin po ‘yung mga existing government agencies kagaya po ng MWSS, National Water Resources Board at marami pang iba, nang sa ganoon po hindi na maulit po itong ganitong pagkukulang sa tubig na may epekto rin sa ating agrikultura. So marami po na… lahat po ‘yan nalahad ko naman noong—
SEC. ANDANAR: May naalala lang ako na gusto kong itanong kay Senator Tolentino. Senator sa lahat po ng mga senador ngayon na nakaupo, ikaw lang iyong may experience talaga sa traffic management.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Opo…
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong ipapanukala sa Senado; are you going to push for the emergency powers? Ano po ba—yes, go ahead po.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Ay, oo nga po. Tama po, nabanggit ko iyon noong campaign na kung kinakailangang ire-file iyong emergency powers, gagawin po natin ‘yan. Pag-uusapan namin ni Pangulo, kasi maliit po ‘yung perception dati na tungkol sa procurement lang ‘yan eh. Para po sa akin, tingnan ninyo sa kabuuan pati iyong schedule ng pasok sa pribado, sa eskuwelahan, puwede naman pong maging flexi hours, schedule ng mall operations… marami pa hong iba.
So hindi lang po sa procurement na siguro na-divert iyong atensiyon kaya nagkaroon ng mahabang debate, halos tatlong taon na na-pending iyon. So willing po akong ire-file ‘yan nang sa ganoon po eh makita nila, ito talaga iyong kailangan at maging siguro, pagbabago ng mandato na rin noong MMDA, kung papaano mas magiging epektibo sila para tumulong maibsan ang traffic ho sa Metro Manila. At siguro, iyong paliwanag ko diyan ay naintindihan noong marami nating kababayan lalung-lalo na sa Metro Manila.
MR ARCENA: Senator Francis, marami ho iyong mga—ngayon pa lang, marami ho iyong mga nag—may mga nangangamba, may mga… minority lang naman ‘to, iyong mga criticisms na ‘to na nagsasabi na dahil majority nga po, I mean, lahat naman halos ng senator-elect natin ay talagang kaalyado po ng administrasyon; may mga criticisms na baka daw magiging rubberstamp iyong Senate – ano ho ang inyong reaksiyon dito, Senator-elect?
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Eh masyado namang ano, iyong criticism nila kaagad. Ang sinasabi ko po, iyong Senado should be viewed as an institution. Hindi ho dapat tingnan iyong individual members, at iyong Senado bahagi lang po iyon ng legislature – nandoon pa ho iyong Lower House. So in relation to the Executive Branch, Supreme Court… nandoon talaga iyong separation of powers, pero hindi po ibig sabihin na sinunod namin iyong ganito ay ganoon na. Gaya ko po, eh marami pa hong… marami hong initiative si Pangulo na pareho kami eh.
So noon pa ho ‘yan eh talagang… ito ‘yung sinasabi ko, na maraming national problems na may local solution at nagkataon lang na na-elevate kami, pareho kaming Mayor, na-elevate kami sa national position, talagang pareho iyong—marami kaming parehong pag-iisip, parehong sinusulong. Nabanggit ko iyong Department of Disaster Management pati iyong revival of ROTC, so marami hong pareho kami. But hindi po ibig sabihin naging rubberstamp ako, nagkataon lang talagang pareho iyong aming ideyolohiya tungkol po dito.
MR ARCENA: Iyon, oo. Pero alam mo Asec. Kris, Sec., ang laki ho talaga ng naitulong iyong pag-portray ng Pangulo sa kaniya bilang ‘action man’. Kasi kung napansin ninyo iyong mga ads ni Senator-elect Francis Tolentino, ‘di ba puro lahat mga disasters iyong pinupuntahan niya? Siya iyong talagang nauuna pagdating sa mga disaster, kaya ang laking tulong iyong ganoong klaseng kampanya.
At iyon nga po, tulad nga po ng sinabi ni Senator-elect Tolentino, sana ‘no, maayos na itong problema sa traffic, iyong pagki-create ho ng isang department para sa disaster resiliency ‘di ba? Ang laki hong tulong iyon.
ASEC. ABLAN: Yes. Asahan ko JV iyong sinabi ni Senator-elect Tolentino na ire-revive niya iyong pagkakaroon ng emergency powers, kasi nga ‘yan iyong matagal nang hinihintay nating mga taga-Metro Manila ‘no dahil sobrang sama na talaga ng traffic natin. So hopefully, mayroon tayong bagong kakampi sa Senado in the form of Senator-elect Francis Tolentino who will really push for the granting of emergency powers to the President.
MR ARCENA: Oo, iyon.., panghuling mensahe ho Senator-elect Francis bago tayo mag-break.
SENATOR-ELECT TOLENTINO: Ay, maraming salamat pong muli sa mga sumuporta noong nakaraang halalan. Maraming sala—pasalamat ako kay Pangulo uli dahil napakalaki po ng endorsement niya sa akin. Sa ating mga kababayan, sa ating—sa Panginoong Diyos na laging nakagabay sa atin, sa mga guro na talagang nagtrabaho nang napakatagal, sa media malaking tulong ninyo po, hanggang ngayon nakatutok pa ang sambayanan sa magiging final outcome lalo doon sa 11, 12, 13. So maraming salamat po, at sana po patuloy nating tutukan itong mga kaganapan sa Senado para nang sa ganoon eh malaman ng ating mga kababayan kung ano ba talaga ang nai-deliver ng mga kandidato nitong nakaraang halalan.
Salamat po sa inyong lahat, si Francis Tolentino po ito. Magandang gabi po, salamat sa pagkakataong ito.
SEC. ANDANAR: Congratulations kay Senator Tolentino.
MR ARCENA: Muli, congratulations – iyan po mga kababayan, si Senator-elect Francis ‘Tol’ Tolentino.
SEC. ANDANAR: So, dalawang Caviteño ang senador.
MR ARCENA: Oo. Nakita mo ba Sec. iyong 99% ng Caviteño, 99.5% ng Caviteño ang—ito naman ay hindi si Senator Tolentino kundi si Senator Bong Revilla iyong binoto. Tiningnan ko iyong stats, talagang majority, I mean 99.5% ng mga Caviteño ang binoto si Senator—I mean si—
ASEC. ABLAN: Returning Senator Bong Revilla. And then may panibagong senador ang Cavite ngayon, si Senator-elect Francis Tolentino na medyo ano nga ‘no, parang may sakit nga talaga iyong boses niya ‘no. So sana magpagaling po siya, magpahinga po siya para pagdating sa proklamasyon ay maganda iyong ano, pag-proclaim sa kaniya.
MR ARCENA: Nakakatuwa lang ‘no na lahat ng Cabinet members na tumakbo ‘no, si SAP Bong Go, si Senator-elect Tolentino at saka si—part of the family ng Duterte administration – si Senator-elect Bato Dela Rosa nanalo. Isa lang yata hindi nanalo sa PDP Laban ‘no, si Dong Mangudadatu.
SEC. ANDANAR: Talagang reality talaga sa Philippine elections iyong [choppy line] iyong popularity ‘di ba. So siyempre late na nag-start si Congressman Zajid Mangudadatu kaya siguro ganiyan din iyong naging resulta.
ASEC. ABLAN: Oo. Pero next time po baka puwede, kasi kailangan talaga natin nang mas madaming senators na galing sa Mindanao.
SEC. ANDANAR: Oo. Eh baka sa round two, baka puwede na. Siyempre sikat na siya ngayon, nasa mga 80% na iyong kaniyang popularity.
MR ARCENA: Pero nakakatuwa doon Asec. at saka Sec. ‘no, dalawa sa mga senator-elect natin ay from Davao region, nadagdagan pa iyong mga taga-Mindanao.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)