BENDIJO: Si Secretary Martin Andanar, nasa kabilang linya ng telepono, Sec., maayong gabi.
SEC. ANDANAR: Maayong gabii, Aljo. Maayong gabii sa lahat po ng nakikinig sa atin dito sa ating programa na Cabinet Report sa Teleradyo, dito po sa Radyo Pilipinas at sa PTV, at sa lahat po ng mga social media pages ng ating departamento. Magandang gabi po sa inyong lahat, salamat po sa pakikinig at panonood.
BENDIJO: Okay. Sec., anong magandang balita mula sa Malacañang?
SEC. ANDANAR: Kahapon ay nandoon tayo sa Davao City, kasama natin ang ating mahal na Pangulo para sa selebrasyon ng Eid-al Fitr ‘no, pagtatapos ng season at Eid Mubarak nga sa ating mga kapatid na Muslim. At doon ay… magandang balita ang binitiwan ni Presidente Duterte; isa diyan iyong—mayroon kasing funding na binibigay sa ating mga kapatid na Muslim taun-taon para makapagbiyahe sila sa Mecca, ‘di ba iyong kanilang taunang pagpunta sa Saudi para sa isang religious na gathering doon; and it’s a once in a lifetime actually, ritual na kailangang gawin ng isang Muslim.
At from the budget I believe will be increased dahil naniniwala si Presidente na—ang isang Muslim kasi sabi niya, would rather be able to go to Mecca para doon sa Hajj kaysa magkaroon ng isang mansion [laughs] sabi ni Presidente, oo. Isa o dalawang mansion, that is nothing compared to being able to go to Mecca para sa isang pilgrimage. So kaya sabi niya, dahil ito ay sub-culture ng bawat Pilipino—bawat Pilipinong Muslim, binibigyan ng halaga kaya i-increase-an iyong budget para mas maraming mga kapatid na Muslim ang mapapadala sa susunod na taon.
At ang sabi ni Presidente, it will be based on a tribal batches ‘no. So ang batch will be based on the tribes that are going there to… Halimbawa mayroon kang Maranao, mayroon kang Tausug na mapapadala doon, so ‘yan ay isa sa mga magandang balita na binanggit ni Presidente kahapon.
At of course, last week ay nandoon tayo sa Nikkei 2019 sa Tokyo, Japan. I think, nagkita tayo doon ‘di ba?
BENDIJO: Nagkita tayo doon, oo Sec.
SEC. ANDANAR: Oo. So, mayroong halos 300 billion pesos na possible investments na mapunta dito sa Pilipinas para makapagtayo ng mga bagong negosyo na makapaglilikha ng mga trabaho, at ‘yan ay isang magandang balita para sa ating mga kababayang Pilipino. And then, doon mismo sa Nikkei ay nakipagpulong ang ating mahal na Pangulo, hindi lang sa mga negosyante na mga Japanese at mga parliamentarians, pati na rin sa kapwa natin mga Pilipino, mga OFWs para iparamdam sa kanila na talagang mahalaga, napakahalaga, napakaimportante… at mga bayaning Pilipino talaga iyong ating mga OFWs.
So kitang-kita mo naman siguro Aljo kung gaano sila katuwa during that time and they really waited and really… patiently listened to the President. At ang kaniyang speech ay halos tatlong oras noong time na iyon.
BENDIJO: Sa FilCom…
SEC. ANDANAR: Oo, sa FilCom. And then we had that bilateral meeting with Prime Minister Shinzo Abe; nandoon din si Presidente at doon sila nag-exchange sila ng kanilang mga ideas, mga kuro-kuro at iyong mga gusto nilang gawin para sa kani-kanilang mga bansa, of course kanilang interes iyon. And then that itself, that bilateral meeting only strengthen the relationship between the Philippines and Japan.
Then after that, nagkaroon ng isang banquet na hinost ni Prime Minister Shinzo Abe para kay Presidente Duterte at doon muli, very light ang mood, masaya. At mayroon pang jamming na nangyari, kumanta pa si Sec. Sal Panelo at isang Filipina-Japanese singer na sikat doon sa Japan; ang pangalan niya si Marlyn at kumanta sila. And then, mayroon ding Filipino-Japanese sumo wrestler na si Mr. Akira—
BENDIJO: Half Filipino, half Japanese iyon Sec. ‘no? Iyong sumo wrestler…
SEC. ANDANAR: Oo, half Filipino-half Japanese, oo sumo wrestler. At tinanong ko nga iyong kaniyang ina; iyong kaniyang ina taga-Davao pala, so Bisaya… so nagbi-Bisaya kami. Eh iyon palang rank ni Mr. Akira… kasi mayroong ano ‘yan eh ‘di ba, parang boxing lang ‘yan, mayroong flyweight, may mga super flyweight, may mga bantam… iyong sa kaniya pala, iyong kaniyang weight, iyong level ng kaniyang pagka-sumo wrestler ay mataas na, so therefore sikat na talaga siya.
And, mayroon ding mga OFWs na nandoon din sa state banquet – that was a very unique and one-of-a-kind experience na nakikita mo lahat ng mga iba’t ibang importanteng tao sa Japan. At nandoon din iyong mga representatives na OFWs—
BENDIJO: May nakausap ako doon na ilang mga OFWs Sec. ‘no at sinabi nilang, “Sana naman si Presidente ay bumisita din sa Aichi, sa Central Japan and Osaka. Kasi sa Aichi Sec., mas marami kasi doong mga Pilipino, may Toyota City doon.
SEC. ANDANAR: Oo. I understand mayroon silang fiesta, ‘di ba sa November.
BENDIJO: Opo, mayroon.
SEC. ANDANAR: Oo sa Aichi, oo nga. Well alam mo, in-announce nga ni Presidente doon sa FilCom event na marami pa siyang gustong bisitahin na mga OFWs – mga communities, kasama na dito iyong sa… dito sa may Korea, tapos sa Middle East. Kasi I understand, mayroong isang lugar sa Middle East na hindi napuntahan ni Presidente dahil na-divert iyong flight eh, from—‘di ba iyong Russia dapat tapos pumuntang Middle East, na-divert pabalik ng Pilipinas; hindi tumagal ng Russia dahil nga sa nangyari sa Marawi.
And then while we were in Japan also, isa rin sa magagandang balita, we were able to hold the press freedom caravan. Kasama natin iyong mga Japanese at Filipino press na nandoon sa—based na sa Japan; at doon sila naliwanagan sa mga press policies ng ating bansa; and then the next day, nagkaroon ng event naman iyong PCOO kasama ang Office of Usec. Joel Egco, the Presidential Task Force on Media Security at FOI at mineet naman nila iyong mga Filipino community sa Philippine embassy para ma-explain din iyong mga polisiya at masagot iyong mga tanong ng ating mga kababayan doon.
BENDIJO: So, tuluy-tuloy ang kampanya natin laban sa disinformation o pagpapakalat ng mga fake news, at ito ay talaga namang sumisira sa malayang pamamahayag, Secretary.
SEC. ANDANAR: Tama, tama, oo, tuluy-tuloy ‘yan. In fact for the next few weeks ay mayroon tayong mga events na gagawin dito sa Mindanao, sa Region X, mayroon din sa Surigao Sur; sunud-sunod, hindi titigil itong Dismiss Disinformation campaign. In fact, madadagdagan ng anu-ano – Youth for Truth – iyong mga projects natin para sa kabataan para mabigyan din sila ng media literacy program para to combat fake news. At the same time, kasama rin natin iyong FOI, Presidential Task Force on Media Security, kasama rin natin iyong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
So tuluy-tuloy ito Aljo, in fact for the next few weeks until the third week of July ay mayroon tayong aggressive na pree-SONA event. So ito’y nasa drawing board na ito at iikot tayo, Luzon, Visayas, Mindanao para ipaliwanag sa publiko kung ano iyong mga naging accomplishments ni Presidente Duterte sa nakaraang taon. Akalain mo Aljo, we are already entering the fourth year of the administration of Presidente Duterte, kasi by June 30, iyon ang end ng third year, ‘di ba. So by July 1, that’s already the beginning of the fourth year ng termino ni Presidente.
And for the next three years, ang ating magiging focus ay three major projects or three major programs of the President: Number one ay iyong Build, Build, Build, ito ‘yung mga hard legacy projects ni Presidente; Number two, nandiyan din iyong NTF ELCAC, ito ‘yung National Task Force to End Local Communist Armed Conflict; And then iyong pangatlo, itong poverty alleviation program ni Presidente. Kasi ang ating misyon at ang ating pangako noong simula ng termino ni Presidente noong June 30, 2016 ay maibaba natin iyong poverty incidence from 21% to 14% by the end of his 6-year term.
BENDIJO: Okay. So update po tayo Sec., dito naman sa programa ng PCOO, napakagandang nasimulan po ninyo sa PCOO on Presidential Task Force laban sa media killings so far and proteksiyon sa ating mga journalists dito sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Opo. Alam mo napaka-aggressive ni Usec. Joel Egco, dito sa Presidential Task Force on Media Security, ito talaga, advocacy ni Joel ito since he was still the President of the National Press Club, hanggang ngayon. So I’m really happy for him that we were able to swing this Executive order or Administrative Order No. 1 creating the task force, so tuluy-tuloy pa rin. Kaya kasama ko si Pareng Joel sa lahat ng lakad ko, kasi nga pino-promote natin lahat itong media security.
At bukod diyan, siguro update din sa PCOO, iyong Mindanao Media Hub—
BENDIJO: Ah, kamusta na po iyon?
SEC. ANDANAR: Well, Mindanao Media Hub is about 90 to 93% already finished. Alam mo, ‘pag mayroon kasing mga projects na major infrastructure tulad nito, state-of-the-art media facility, iyong pinakamatagal iyong sa dulo eh. Kasi ‘di ba, aayusin mo ‘yung façade tapos iyong finishing, iyong sa loob ng building… doon talaga tumatagal. Pero kung makakabisita ka Aljo doon sa hometown mo, sa Davao City, makikita mo na talagang napakalaki noong building. At we are expecting it, medyo na-delay lang nang konti; we are expecting it by the end of this year na ito ay ma-inaugurate na ni Presidente.
Then once that is already inaugurated, sisimulan naman natin iyong plano para sa Visayas Media Hub—
BENDIJO: Okay, mayroon din tayo. Sa Cebu ‘yan Sec. ‘no?
SEC. ANDANAR: Sa Cebu, oo. Nag-usap na kami ni Presidential Adviser for the Visayas, si Secretary Michael Dino. At sabi ni Secretary Dino na mayroon siyang one hectare na itinabi na para doon sa Visayas Media Hub – kasi gusto natin, magkaroon ng isang Mindanao Media Hub, Visayas Media Hub at magkaroon din ng Luzon Media Hub.
BENDIJO: Sa Luzon, saan banda ‘yan Sec.?
SEC. ANDANAR: Ang tinitingnan nating lugar, dito sa Clark—
BENDIJO: Sa Clark, wow! Oo…
SEC. ANDANAR: Oo, kasi ang laki ng lupain sa Clark ng gobyerno. So iyong BCDA is willing to give us one to two hectares para doon sa project na ‘yan, because it will also serve as the emergency media center kung sakaling mayroong lindol or mayroong… o anuman, mga untoward na natural calamities ay mayroon tayong at least tatlong hubs na magsisilbing emergency media hubs – Luzon, Visayas and Mindanao. So hindi mapipilayan ang information… gateway o information management ng ating gobyerno.
BENDIJO: Okay. Tuluy-tuloy ang trainings ‘no ng ating mga kapatid, iyong ating mga kaanib dito sa PCOO, sa lahat na mga media practitioners para sa ganoon ay maging de-kalidad ‘no ang pagbibigay natin ng impormasyon sa taumbayan.
SEC. ANDANAR: Yes. In fact, mayroong tatlumpu na nanggaling lang sa Beijing. Dumating sila, I believe last week and dalawang linggo iyong kanilang training, kanilang exposure doon sa iba’t ibang mga media companies doon at technology. So at least, tatlumpu na naman ang napadala doon; ito na ‘yung third batch, so halos siyamnapu na iyong napadala. Iba pa iyong mga executives na napadala natin doon, so more than a hundred already ang napa-train natin under this administration.
It will never be enough, so we will have more training. Kaya itong project natin ngayon sa Bukidnon na… well, I’m just crossing my fingers na talagang ito’y ma-approve na ng DBM. Ito ang tinatawag natin na Government Communications Training Facility. So this will be the first of its kind in the Philippines, na isang training facility na nakatutok lang, naka-focus lang mismo sa pag-train ng mga information officers na nasa gobyerno; sa local government all the way to the national government. Itong training facility na ito ay sasanayin ang mga information officers natin – sa larangan ng TV, radyo, ng pahayagan, online at news agencies – para talagang we are all in just one page, tayong lahat sa government information business ‘no.
Kung tayo’y nasa isang munisipyo halimbawa o barangay, eh kailangan iyong information officer ay well trained. So—
BENDIJO: So, puwede natin sabihing competent enough ‘no. Competitive na ang gobyerno ngayon kung ikukumpara sa mga commercial broadcast institutions.
SEC. ANDANAR: Well parang ano eh, kasi ikaw Aljo matagal ka na sa broadcast. Tapos minsan, ‘pag napapadala ka sa isang lugar, sa isang liblib na lugar, ayaw magpa-interview iyong barangay kasi number one, hindi sanay sa TV, hindi sanay sa radyo; tapos, walang karampatang training na pinagdaanan para maging spokesman ng isang barangay, so hirap na hirap tayo sa flow ng information.
So with the government’s strategic communications training facility, makakasiguro tayo na lahat ng mga information officers mula barangay all the way to the national government, to the executive level ay mayroon na silang isang facility na talagang ite-train sila – sa radyo, sa telebisyon, sa diyaryo, sa news agency, lahat. Hindi na sila matatakot ngayon pagdating sa mga panahon na kailangan eh magsalita sila dahil—halimbawa mayroong, knock on wood, na isang delubyo na nangyari, isang malakas na bagyo. Tapos dumating iyong mga reporters sa isang lugar, kailangang mayroon kaagad communications crisis center ang isang barangay, so kailangan mayroon tayong template na communications crisis management from the national all the way to the local level.
So this will be part of the training module na mao-offer ng—itong government strategic communications training facility na hopefully ay dito ilalagay sa isang malamig na lugar sa Bukidnon.
BENDIJO: Okay. So, how about our equipment? Siyempre nandoon na po tayo sa training, how about ang mga equipment natin, tuluy-tuloy naman ang upgrading natin, Secretary?
SEC. ANDANAR: Opo. Ang PBS under Director Aportadera ay mayroong ilang mga projects ngayon para i-upgrade iyong radio facilities ng PBS sa ibang probinsiya. Ang PTV as I mentioned earlier, iyong Mindanao Media Hub at patuloy na pagsasaayos noong mga sirang mga repeater, iyong mga repeater stations ng network. Ano eh, hindi titigil ito eh kasi marami pang mga istasyon—
BENDIJO: How about IBC channel 13, Sec.? Iyong 13, IBC…
SEC. ANDANAR: Oo. Iyong IBC 13, sa awa ng Diyos ay nabigyan na ng retirement iyong ibang mga naghihintay ng retirement, iyong mga retirees so okay na iyon. And then, na-turnover na iyong bagong building and si President Kat De Castro ay patuloy na naghahanap ng investor para ito ay ma-privatize na, kasi iyon naman talaga iyong pinaka-objective nito ay ma-privatize iyong IBC. So lahat ito, tuluy-tuloy itong mga projects natin at sana nga ay hindi tayo mahirapan sa deliberation sa Department of Budget and Management.
BENDIJO: Okay, sige. Message na lang Secretary sa lahat ng mga nanonood at nakikinig sa ngayon; sa mga kalambuan o development at magagandang balita mula po sa kagawaran ng PCOO under your leadership.
SEC. ANDANAR: Well, tayo po’y nagpapasalamat sa buong Presidential Communications Operations Office, sa lahat po ng mga line agencies, attached agencies sa patuloy na reporma ng kani-kanilang mga ahensiya. Tayo naman ay patuloy din na nagtatrabaho para mas mapabilis iyong mga pagbabago na gusto natin’ lahat naman ‘yan Aljo ay naka-program na ito, iyong mga gagawin natin; siguro iyong Philippine Information Agency, ito ‘yung ahensiya na siguro kailangan pang tutukan para talagang magkaroon ng lasting reforms. So, in time we still have three years to do that anyway.
Pero alam mo, ang gusto ko sa Philippine Information Agency ay kahit na kulang sa resources, nandoon pa rin iyong puso ng mga plantilla workers na talagang magtrabaho at ma-disseminate nang husto ang impormasyon hanggang sa mga barangay. And iyon naman talaga ang ginagawa ng PIA silently; iyong kung ano ‘yung galing sa national level, anong balita na naipapasa natin sa PBS, sa PNA, sa PTV, sa RTVM… iyon ay pinapasa din ng PIA sa grassroots level. So konting tiis na lang for the Philippine Information Agency, at masasaayos din natin iyong mga problema diyan.
BENDIJO: Ang ganda na ng opisina ng RTVM, Sec.
SEC. ANDANAR: Ah, yeah. Congratulations nga pala kay Director Demic Pabalan.
BENDIJO: Demic Pabalan, oo, ang galing.
SEC. ANDANAR: ‘87 pa iyong huling ano ‘yan eh, huling construction diyan eh. From ’87 all the way to about last year ay… walang nangyaring movement sa pagpapagawa ng building. Eh ngayon, parang nasa Makati ka na nagtatrabaho ‘di ba.
BENDIJO: Ang ganda oo, napuntahan ko.
SEC. ANDANAR: Maganda… Congratulations kay Demic at sa lahat ng kawani ng Radio Television Malacañang. You really deserved this facelift at upgrade ng inyong facility. At I understand na iyong kanilang mga bagong gamit ay parating na rin.
BENDIJO: Alright, sige, maraming salamat, daghang salamat Sec.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Aljo, at salamat po sa lahat ng nanonood at nakikinig po ng Radyo Pilipinas at ng Cabinet Report.
BENDIJO: Okay, thank you so much. Daghang salamat Secretary Martin Andanar, ng Presidential Communications Operations Office.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)