SEC. PANELO: [Recording starts] reckless… Well, that action could provoke armed hostilities between the two countries. And if that happens, then all these natural resources can no longer be utilized, used and taken advantage of by the very people he wants to protect – that is his rational; that is why he’s so angry. Hindi niya maintindihan, “Ba’t hindi ninyo ako naiintindihan? Kayo na nga… ginagawa ko na nga iyong trabaho ko.” So in other words, it was a righteous indignation.
Q: [off mic] Sir, but to some interpreted as a violation of the Constitution – this open disregard of the constitutional provision.
SEC. PANELO: Not really. In fact, if you will analyze what he is saying, that is precisely in obedience to the command by the Constitution to him to serve and to protect the people. All the provisions of the Constitution emanate from that particular provision – that a primordial function of a government, the government which he heads now, is to serve and to protect the Filipino people. Iyon ‘yung sinasabi niya.
He is even going beyond that provision. Kaya sinasabi niya, “I’m looking for the welfare of the 110 million Filipinos. Ano ba kayo, ba’t ‘di ninyo ako maintindihan? Ginagawa ko na nga, nagsasakripisyo na nga ako, tapos sasabihin ninyo pa i-impeach ninyo ako. Ano ba kayo? Nag-iisip ba kayo?” ‘Yan ang punto lang ni Presidente.
Q: [off mic] Hindi iyon pag-transgress doon sa—
SEC. PANELO: No, definitely. In obedience nga to the provision – ‘serving and protect the Filipino people.’
Q: [off mic] Sir, what do you say now to what he revealed last night, in your terms ‘no. It seems na tali-kamay natin sa China because of what do you call—first, what do you call that Xi Jinping statement to him that it will—we are courting trouble if we try to dig oil. How would you describe that?
SEC. PANELO: But you know, he was speaking the truth when he whispered to the President na, “Huwag na muna ngayon kasi baka lang magkagulo.” Kasi nga naman, kung pipilitin mo, ibig sabihin how do you enforce it? ‘Di siyempre, when you enforce it, you will have to bring your armed ships to the area and that will necessarily trigger, precipitate hostilities from the other side. O, ‘di nagkagulo ngayon. Mabuti nga iyong nag-uusap silang parang magkaibigan, “Huwag na nating pag-usapan ‘yan, magtulungan na lang muna tayo.”
Q: [off mic] So… trouble equals war ‘no?
SEC. PANELO: O define—hindi ba ganiyan naman ang mangyayari pagka… Halimbawa nagkabarilan doon, may namatay; siyempre gaganti iyong isa. O, eh ‘di gaganti rin iyong kabila, o eh talagang magkakagiyera tayo.
Q: [off mic] So sir papaano na ‘to, looking forward? ‘Di wala na tayong magagawa—hindi na tayo makakapalag sa China?
SEC. PANELO: Ah hindi… No, hindi rin, eh magkakaibigan na nga eh. Nag-uusap na nga bilang magkakaibigan. So what we cannot get from the arbitral ruling through force or enforcement, we can get through friendly negotiations.
Q: [off mic] Paanong magkaibigan sir, eh konting kanti, away?
SEC. PANELO: Anong—what do you mean konting kanti?
Q: [off mic] Konting agitation away agad, giyera agad. Paanong kaibigan? How deep is that friendship?
SEC. PANELO: Anong alam mong kanti? Hindi ko makita ‘yan, ano bang…
Q: [off mic] Hindi, parang dapat wala nang threat of war—
Q: [off mic] How deep is that friendship? Bakit parang konting palag lang… war agad?
SEC. PANELO: Ah, teka muna. Ang problema, hindi kasi natin tinitingnan na from the very start ang Chinese government, sinasabi nilang amin ‘yan. Kumbaga, tayo ang nakikialam sa kanila. Ilagay mo rin iyong sarili mo doon sa kabila, eh tayo ngayon siyempre nagre—“Hindi, may ruling na kami.” “O, eh iyong ruling na iyon hindi naman sa amin valid ‘yan. As far as we’re concerned, we did not participate in that,” iyon ang kanila eh. Kumbaga sa punto nila, tayo ang aggressor nga rito eh. Sa punto naman natin, “Hindi kayo, kasi may ruling kami.”
Sa madali’t sabi, para huwag muna tayo magkagulo o ‘di ‘yun munang puwede nating pagkasunduan; saka na lang tayo mag-away later on.
Q: [off mic] Will the President talk to the National Security Council as suggested by Senator Richard Gordon about the incident in Recto Bank?
SEC. PANELO: Unang-una, iyon ay ginagawa mo lang iyon kung mayroong crisis. Wala naman tayong crisis eh. Ang gusto nga nila, magkaroon tayo ng crisis, iyong mga kritiko. Kasi by pursuing their line of aggressive isolationist policy, eh talagang magkakaroon tayo ng crisis. Eh ngayon wala eh, maganda nga ang usapan. Nakita mo, ang ganda ng trade relations natin; nadadala na natin sa pakiusapan through diplomatic channels – iyon ang pinupunto ni Presidente.
Q: [off mic] Sir, what happens if another Chinese vessel passes through the Philippine EEZ?
SEC. PANELO: Hindi ba ang sinasabi, ‘Ah kung passes through lang, wala namang problema iyon because they have innocent passage.’
Q: [off mic] So kung mangingisda, sir?
SEC. PANELO: Ay… hindi ba sinabi ni Presidente hindi mangyayari iyon kasi sinabi nga nilang hindi nila gagawin. Kumbaga, may usapan na doon.
Q: [off mic] Sir, iyong sinabi ni Presidente na dati na parang daplis lang iyong nangyari doon sa mga mangingisdang tinamaan noong Chinese vessel. [unclear] ba ‘yung laman ng report ng—
SEC. PANELO: Eh siguro iyon ang basis niya, kasi lumalabas doon sa mga kuwento rin ng mga… iyong visual. Hindi ba nagpunta roon sila Secretary Piñol saka sila Secretary Al Cusi; kitang-kita doon sa vessel na iyong dulong-dulo lang. Tapos siguro pinagtanongtanong nila saka naimbestigahan din ng Coast Guard, lumalabas noong makita nila finally ha dahil malapit na… dahil ang pagkakadinig ko, dim lang iyong light so hindi makikita. Iniwasan ng vessel daw, parang papuntang kanan and then iyong boom ang tumama doon sa dulo ng vessel ng mga Pilipino. Kumbaga, talagang aksidente.
Q: [off mic] So that’s according to the… investigation of Coast Guard and MARINA?
SEC. PANELO: Hindi, iyon ang—hindi, hindi ko pa alam iyong final report ng Coast Guard. But I am—it’s an educated guess that—the basis of the President might be, kasi sinabi niya, “Mayroon na akong initial report.” O baka may initial report, baka iyon ang sinasabi rin doon.
Q: Sir, ano ang reaksiyon ng Malacañang doon sa gustong palitawin ng mga kritiko na ang kinakalat kasi nila na Pangulong Duterte is iyong para bang iyong ginawa niya sa Canada at saka iyong pagvo-voice out niya ng…?
SEC. PANELO: Gaya ng sinabi kanina, iba iyong sa Canada. Iyong sa Canada established iyong facts na binabastos tayo. Dahil anim na taon na, hindi nila ginagawan ng remedyo iyong problema iyon. Pero dito sa China, iyong incident sa Reed Bank, hindi nga natin alam ang facts, kaya ang sinasabi ni Presidente, imbestigahan natin, lalung-lalo na may dalawa kayong version bago tayo makagalaw, iyon ang kaibahan.
Q: Sir, iyon pong kagabi na medyo he was incensed, he was very angry. Ang interpretation ng iba, is that the President is scared of the impeachment.
SEC. PANELO: No, definitely. How can a President be scared with impeachment? An impeachment is a number’s game, eh super majority nga iyong sa Kongreso. Baka sa Committee of Justice eh wala na kaagad iyon. Gaya ng ipinaliwanag ko, ano iyon, he was incensed because he cannot understand why these people who are against his policies cannot understand and even visualized that what he is doing is for the good of the country. Papakamatay na nga iyong mama, hindi pa nila ma-appreciate, kaya siya inis na inis.
Q: Despite all they are saying impeachable offenses of the President, he’s leaning, doon sa allies niya sa Congress and sa Senate, na hindi siya mai-impeach, is that right?
SEC. PANELO: Palagay ko iyong members of Congress, marami na akong nakausap eh, alam nila iyong ginagawa ni Presidente, hanga nga sila eh. Otherwise madali lang naman, alam mo naman ang mga pulitiko, pag ayaw nila ang isang tao, makikita mo kaagad eh sa lahat ng body language nila.
Q: Iyong impeachment, confidently weak.
SEC. PANELO: Of course, it will not. Unang-una nakalagay doon, culpable violation. How can he even be violating? He’s even going beyond the provision. The provision says you protect the mineral, the maritime, ang ginagawa niya nga as he says it “ano ba kayo hindi lang nga iyon ang pinoproteksyunan ko, iyong buong Pilipinas nga eh, kasi hindi natin magagamit iyong gusto ninyong i-protect ko kung wala na tayong lahat, iyon ang punto niya.
Q: So, malakas ang loob sir, ng Presidente, because he has kumbaga the majority?
SEC. PANELO: Malakas ang loob ng Presidente, because alam niya na tama ang ginagawa niya and Constitutionally feasible.
Q: Puwede bang i-disregard iyong section and then you just say, you’re implementing the Constitutional provision.. [indistinct]?
SEC. PANELO: Alam mo, when you read a provision of the Constitution, you cannot read them in isolation – you have to refer them to provisions, kailangang magre-reconcile sila – hindi naman puwede. Kagaya nga ng sinasabi ko, bakit ba nauuna? Nauuna iyong sinasabing, the primary function of the government is to serve and to protect the people, iyon ang pinaka-basis, kaya lahat ng succeeding provisions ire-relate mo, ibabalik mo uli sa kanya. Eh ang iba kasi, binabasa lang nila in isolation – “oh, ano iyon violation,” – tingnan mo muna iyong primary, iyong pinanggalingan, iyong source.
Q: Sir, pinapatanong niya iyong pag-aalis kay Secretary Piñol sa Department of Agriculture, may kinalaman daw ba iyon sa banggaan nung?
SEC. PANELO: Ah, hindi, wala, wala. Hindi ba ipinaliwanag ni Presidente kagabi, nagkakaproblema sila diyan sa BARMM, kasi hindi gumagalaw, tapos walang timon. So sinabihan niya si Secretary Piñol, tulungan mo muna ako dito, pero ano pa rin, qualified di ba kausapin niya muna si Mr. Murad, kasi baka naman hindi pumayag, eh kung hindi pumayag, di hindi naman siya siyempre aalis.
Q: He is not corrupt but I see he’s talkative, ano ang ibig sabihin noon, sir?
SEC. PANELO: Hindi, malakas lang, kasi di ba komentarista dati iyon sa boxing. Ibig sabihin he enjoys the trust and confidence of the President.
Q: How about the other Cabinet Secretaries?
SEC. PANELO: Wala, di ba wala naman siyang sinabi kagabi.
Q: Five, sir.
SEC. PANELO: Hindi ninyo narinig iyong huling sinabi niya.
Q: Secretary, sinabi ni Pangulo kahapon, meron siyang limang cabinet post.
SEC. PANELO: Iyon ang huling sinabi niya, pero nung paalis na siya, sinabi niya, wala.
Q: He was [indistinct]
SEC. PANELO: Binawi – sino ba iyong nakarinig, binawi niya eh?
Q: Pero hindi. Alam mo naman si sir [unclear]
SEC. PANELO: Binawi niya, di Antayin na lang natin – absolute discretion niya naman iyon eh, all of us.
Q: Sir, [unclear] ba iyong relationship ni Sec. Piñol at ni Sec. Dominguez?
SEC. PANELO: Hindi, lahat naman kami, lahat good relations iyan; if we disagree, concerted policies, pero walang personalan iyon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last, doon sa China. Hindi ba, sir, dangerous iyon that China has threatened us (unclear)
SEC. PANELO: No. Hindi naman siya nag-threaten. Sinasabi—kumbaga, nagbigay lang siya ng future na baka may mangyari, hindi ba? Kasi kapag sinabi mo na huwag na muna natin pag-usapan iyon baka mamaya ay magkagulo pa tayo doon. Pag-usapan na lang muna natin iyong ating pagkakasunduan.
JOSEPH MORONG/GMA7: The President said its war; it comes from the mouth of our President.
SEC. PANELO: Kasi nga, hindi ba—magaling nga itong Presidente ninyo. Alam na niya kaagad ang mangyayari. Sentido kumon will tell us na kapag talagang in-enforce mo iyon aggressively, magri-react iyong isa; magkakamatayan talaga doon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Bakit wala naman, sir, nangyayaring ganoon between Vietnam and China?
SEC. PANELO: Na ano?
Q: Na war. Marami nang fishing vessels—
SEC. PANELO: Ano bang tawag mo doon kapag nagkakabarilan?
Q: No, fishing vessels, sir, ng Chinese—
SEC. PANELO: Kapag iyan nag-escalate—hindi. Ang war, nag-i-start sa maliit, hindi ba? Eh bakit mo pa papaumpisahin sa maliit kung puwede namang hindi ka na mag-umpisa.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, hindi threat iyong interpretation ninyo roon, iyong kay Xi?
SEC. PANELO: Ako ang tingin ko, more on ano iyon, payong kaibigan.
Q: So it’s a warning, sir?
SEC. PANELO: No. Parang—
Q: [OFF MIC]
SEC. PANELO: It’s a—hindi warning. I think the Chinese President was being also practical. I don’t think he also wants that to happen; kaya nga he wants to avoid it also, which is the better way in dealing with problems or conflicts. Palaging dapat talagang pinag-uusapan.
Q: Pero, Secretary, ito iyong ginagamit ng Pangulo na kapag daw in-assert natin aggressively iyong 2016 Hague ruling, magkakaroon ng war.
SEC. PANELO: Exactly! Iyon nga—
Q: And you’re saying, Secretary, na hindi ninyo siya bini-view as a war threat kung—
SEC. PANELO: Hindi. Kumbaga, kasi—alam mo, si Mr. Xi personally admires our President. Bilib talaga siya. So ang ginagawa niya, pinapayuhan niya, ‘Huwag na tayong pumasok diyan.’ Dahil siyempre iyong Presidente ng China, Presidente lang iyon pero magri-react iyong taumbayan niya, oh di mapupuwersa rin siya. Ayaw niya iyon.
Q: So how would you reconcile the President’s statement, sir, na during his term ay iri-raise niya iyong 2016 Hague ruling natin kung mayroon pa lang ganitong warning from Chinese President Xi Jinping?
SEC. PANELO: Hindi. Hindi ba sinabi nga niya saka na natin pag-usapan iyon. Sinabi rin ni Mr. Xi iyon ‘di ba, ni President Xi, ‘Huwag na natin munang pag-usapan iyan. Magtulungan muna tayo lahat ng bagay na puwedeng maitulong.’ Tandaan mo, kaya lang—ang naging umpisa kasi niyan, hindi ba, bumibili tayo ng armas sa Amerika na hindi naman tayo nakakuha. Nagkaroon tayo ng problema, bumibili tayo ng armas sa China, binigyan tayo nang walang bayad; ganoon din ang Russia. Wala ngang hinihingi sa atin eh.
Q: So, sir, doon sa sinasabi ni President Xi Jinping na huwag muna nating pag-usapan iyan, and the President agrees with that statement. So are we saying that China is dictating on us—
SEC. PANELO: No. You know, when you’re friends and you give some suggestions, you are not dictating. Kapag sinabi mong dictating, iba ang dating noon. Pero kung magkakaibigan kayo—
Q: Magkakaibigan, sir, pero iniwan ang mga mangingisda natin sa dagat.
SEC. PANELO: Oh ayan, isa pang problema. Uulitin ko: Ang naging problema, I think, of that Reed Bank incident is we assumed kaagad na itong vessel ay Chinese government, hindi ba? Eh kung private vessel lang iyon, pareho rin natin, bumangga iyong ating private vessel tapos binabanatan ang Pilipinas, sasabihin nila, “Excuse me, eh private vessel. Kaming bahala diyan. We will investigate and then we will make them accountable.” Eh tayo, karamihan nag-react kaagad, “Oh bakit iyong Chinese…” “Excuse me, hindi naman kami iyon. Ano ba kayo? Imbestigahan namin iyan. We will not allow it,” hindi ba iyon din ang sabi ng Ambassador.
JOSEPH MORONG/GMA7: Don’t you know, that’s kind of dangerous for our government—
SEC. PANELO: That?
JOSEPH MORONG/GMA7: Because that will be showing that maybe we’re kind of ignorant—
SEC. PANELO: On?
JOSEPH MORONG/GMA7: Of the strategy of China of using Chinese militia.
SEC. PANELO: Unang-una, iyong militia na iyan hindi pa nga natin alam kung—like for instance, iyong sinasabi nilang militia, di ba tinanggi ni Ambassador Zhao iyan. It’s not militia. Sinasabi nila fishing vessel iyon. At saka iyong sinabi niya na… sinabi niya na by next month wala na iyan kasi tapos na ang fishing season, nawala nga.
Q: Sir, last point. You think now, especially in line of what President Xi said, yung arbitral ruling talaga is useless?
SEC. PANELO: Ah hindi rin. You know why? Kasi nagagamit natin eh. Hindi ba nagagamit natin, “Hoy, amin iyan sabi ng arbitral ruling, kaya nandito kami.”
Q: Sabi ng China—
SEC. PANELO: Oh sabi niya, “Hindi, amin din iyan,” kaya may conflict. O kaya mayroon ka ngayong bargaining leverage. Kung wala iyon, wala tayong…wala…wala kang ibibigay na, “Anong basis ninyo bakit kayo nandito.” Kaya hindi rin useless. Kaya lang, ang problema nga ay iyong enforcement. Kaya nga ayaw din ng Amerika, ayaw din ng United Nations. Kaya nga wise nga itong mama eh, si Presidente, “Oh sige, tingnan natin. Kaibigan ko kaya ito.” Kita mo, ang dami na nating nakukuha.
JOSEPH MORONG/GMA7: So the President is keeping his enemies closer to him?
SEC. PANELO: He is making his enemies friends so that both sides will mutually gain benefit from whatever they have.
JOSEPH MORONG/GMA7: You just called China an enemy, sir. [laughs]
SEC. PANELO: Ano, ano?
Q: [laughter]
SEC. PANELO: Sabi nga natin ‘di ba, sabi ni Presidente: “We are friends to all, enemies to none.” But even enemies, we can be friends if that will be to our advantage.
Q: Sir, may assurance ba na wala nang mangyayaring little or big maritime accident, sir, sa West Philippine Sea?
SEC. PANELO: Since may nangyari ng insidente, I’m sure both sides will be avoiding occurrences of this nature. All right, now I can go to the airport.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)