Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo by Henry Uri and Missy Hista, Coffeebreak-DZRH


HENRY URI: Nasa linya natin ang tagapagsalita ng Pangulo, si Presidential spokesperson, ang ating kaibigang si Atty. Salvador Panelo. Attorney, good morning!

SEC. PANELO: Good morning, Henry.

SEC. PANELO: Yes sir at may kasama akong beauty and brainy – ito ipapakilala ko sa inyo one of these days eh – si Missy Hista. She was then a professor in La Salle – Antipolo and she’s our FM Network supervisor but she’s my tandem now, Secretary.

MISSY HISTA: Good morning po, Secretary.

SEC. PANELO: Good morning.

HENRY URI: Ayan. Sir, ang unang tanong ko sa inyo na ngayon ay tila labo-labo na ang labanan sa House Speaker – nagkausap na ba si Presidente at ang kaniyang anak na si Paulo Duterte?

SEC. PANELO: Hindi ko alam kung nagkausap.

MISSY HISTA: So, hindi pa natin ma-confirm kung nagpulong si Pulong at si Sir Digong.

HENRY URI: Oo, wala pa, alright. Bakit— ano ang kahalagahan Secretary, na ang isang Speaker of the House ay iniendorso ng Pangulo? Bakit nila pinipilit na makuha ang endorsement ng Presidente?

SEC. PANELO: Siyempre dahil maimpluwensiya ang Presidente, gusto ng mga kandidato ay i-endorse sila para manalo sila. That’s the long and short of it. Any candidate would want the endorsement of the President because that endorsement will carry them to the Speakership – that’s the reality. But the President will not do that because he doesn’t want to ruffle the feelings of those candidates because they are all allies.

HENRY URI: So kahit sino sa kanila o hanggang sa mga sandaling ito, Secretary, ay wala pa ho talagang sinasabi ang Pangulo na ‘yun ang kaniyang manok para sa House Speakership?

SEC. PANELO: Sinasabi niya na nga na hindi siya makikialam. Labo-labo na lang kayo diyan. May the best man wins.

HENRY URI: Alright. Ilang araw na lamang. Ibig sabihin talagang saradong-sarado na, as far as the President is concerned?

SEC. PANELO: Oo, kasi alam n’yo kahit na sino naman sa kanila, as far as the President is concerned, okay kahit sino sa inyong manalo diyan. Dahil alam n’yo naman ang tungkulin n’yo bilang Speaker, bilang representative ng distrito ninyo at ang tungkulin n’yo ay ‘yung gagawin n’yo, ‘yung para sa bayan, eh pareho lang naman ako para sa bayan, eh ‘di dalawa tayo. So, it doesn’t matter, kahit sino sa kanila.

MISSY HISTA: Bakit po ba, napaka-exciting ba ng trabaho ng isang House Speaker at talagang nagkakagulo tayo? ‘Mauna – Taya,’ parang ganiyan ang dating sa ating mga kongresista. Ano po na ang pinaka-main na gawain ng isang House Speaker?

SEC. PANELO: Siguro ang tatanungin mo dapat ‘yung nagkakandidato; alam kasi posible, ‘yung dapat nilang gawin, kaya sila excited.

HENRY URI: Ano Secretary, ang magiging epekto sa Presidential Legislative Agenda kung ang Speaker ay hindi kaalyado ng Pangulo?

SEC. PANELO: Alam mo kahit hindi ka kaalyado, kung ang kaniyang pananaw sa isang bill ay makakabuti sa bansa, iyan ay—they go beyond their political partisanship. We should always give the benefit of the doubt to all members of Congress. Kaya sila nandiyan, they are representing their district and when they represent their district ibig sabihin they represent the need of their district – kung ano ‘yung para sa distrito nila, iyan ang isusulong nila.

HENRY URI: Hindi, saka Missy, Secretary, iba ang legislative at executive department talaga namang magkahiwalay ang trabaho. Kagaya ng hindi rin pakikialam ng legislative at executive sa judiciary – may separation of functions and powers ‘yan, Secretary. Baka hindi makabuti lalo naman sa paningin ng… sa konsepto ng check and balance and transparency na ang Speaker ay talagang tahasang ito’y iniendorso ng Pangulo?

SEC. PANELO: Alam mo, kahit na ‘yung Speaker hindi kaalyado ng Pangulo, kung ‘yung mga miyembro naman ay kaalyado, ‘pag nagbotohan eh ‘di kaalyado pa rin ng Presidente, hindi ba? Iba ang dynamics sa loob ng Kongreso at nakita na natin ang kasaysayan kahit na iyan ay kaalyado o hindi, iyon hong mga legislative bills ng Presidente ‘pag nakakabuti sa bayan, pinapasa nila.

HENRY URI: Ayun. Alright, pasundot lang kami ni Missy doon sa SONA, ano ho? Ilang araw na lamang ba, halos wala ng dalawampung araw ang SONA ng Presidente. July 22 is the SONA, ano ‘yung pinakamagiging highlights? Ano magiging report ng Presidente sa kaniyang SONA, Secretary?

SEC. PANELO: Hindi ko exactly alam kung anong ire-report niya basta ang alam ko lahat ng departamento hiningan niya ng input; usually naman ganiyan ang ginagawa niya every year. The way the finish product will reflect, na input – kung mayroon sarili siyang sasabihin, hindi natin alam.

HENRY URI: Ano ho ang pupuwede naman sabihin ninyo bilang tagapagsalita na bilang sagot din sa mga kritiko ng administrasyon na “halos walang pagbabago, ‘yung walang pakinabang,” may mga ganyan tayong naririnig, but as far as the Palace and your office is concerned, ano ang inyong sagot diyan?

SEC. PANELO: Walang ano ang sinabi mo? Wala silang—

HENRY URI: Walang pagbabago, oo – walang pagbagago.

SEC. PANELO: Eh ‘di ibig sabihin either bulag sila o nagbibingi-bingihan sila. Sa listahan na lang ng mga accomplishments ng Presidente, kulang ang one page ng buong text eh. Hirap na hirap nga akong i-forward sa inyo ‘yung accomplishments ng Presidente kasi I have to edit them para makapasok sa isang page para hindi doble ang— Masyado nang marami ang accomplishments ng Presidente.

HENRY URI: Pero para sa mga mahihirap, partikular – ano ang sa tingin ninyo ay baka nagkakalimutan pero napapakinabangan na?

SEC. PANELO: Ang dami, ‘di ba? Ang daming— Iyon lang pagbibigay ng free education sa mga estudyante, malaking bagay na iyon. Iyong pagtataas ng suweldo ng empleyado sa gobyerno, ordinary0ng sundalo, ‘yung ordinaryong pulis dinoble ang mga suweldo nila. Maraming bagay ang ginawa ni Presidente.

MISSY HISTA: Yes. Secretary, matutuloy na kaya, base sa mga balita po, matutuloy na kaya, mapipirmahan na ang pag-akyat ng salary grade ng mga teachers. Ia-announce ba ‘yan sa SONA, sir?

SEC. PANELO: Nakasalang na rin ‘yun eh. Ang problema doon sa mga teachers, hindi ba… saan tayo kukuha ng pondo kasi masyadong marami ang bilang ng mga guro na ‘pag ipinares mo ‘yan sa mga sundalo ay talagang napakalaki ng kailangan mong pera kaya pinaghahanapan. Eh ‘di ba sinabi na nga ng Budget chief na ginagawan nila ng paraan, hinahanapan nila para maibigay ‘yung ipinangako ni Presidente at ibibigay iyon.

HENRY URI: Alright. So, more or less may ia-announce ba sa SONA tungkol diyan sa increase sa mga teacher o—

SEC. PANELO: Henry, iyon ang hindi ko alam. You know, mahirap magsalita. Na kay Presidente iyan, it’s his call.

HENRY URI: Si Missy, tinatanong ano daw ang inyong isusuot sa SONA, kasi pa-garbohan dun, Secretary?

MISSY HISTA: Oo nga po.

HENRY URI: Isa kayo sa magarbong manamit; magandang magdala ng damit itong si Secretary.

MISSY HISTA: Nakita naman natin ang picture, naka-coat and tie ‘di ba?

HENRY URI: Ano ba ang isusuot n’yo, Secretary.

SEC. PANELO: Hindi ko pa alam eh.

MISSY HISTA: Wala pa, hindi pa nakapagpasukat.

HENRY URI: Pero kayo ba’y may… ano bang tawag doon? Couturier ba ang tawag doon?

MISSY HISTA: Yes, yes, designer.

HENRY URI: Mayroon ba kayong ganiyan?

SEC. PANELO: Hindi, palagi ang sinusuot ko, palaging off the rack. ‘Pag may nakita ako na nasa mannequin halimbawa, kasi ang katawan ko kasi pang mannequin eh.

MISSY HISTA: Pang-mannequin. Wow, sukat na sukat!

HENRY URI: Slim. So—

SEC. PANELO: Saka nagde-decide ako ng damit on the very day na isusuot ko. Kung anong makita ko sa cabinet iyon ang isusuot ko

MISSY HISTA: Very simple—

SEC. PANELO: Kung anong mapusuan ko.

MISSY HISTA: …and practical. Very practical!

SEC. PANELO: Basta kung anong magustuhan ko on that particular day.

HENRY URI: You shop your own clothes, Secretary?

SEC. PANELO: Siyempre.

MISSY HISTA: Walang personal shopper, oh my, God!  I have a personal shopper. Si Secretary wala. I will lend you mine.

HENRY URI: Sec, anong tawag rine… Pero ang Presidente sa pag— teka muna, ang Presidente nakauwi na ng Davao, tama ba?

SEC. PANELO: Hindi. Kagabi, hindi ko alam kung dumiretso siya pero, ano ba ngayon? Today is Wednesday lang naman ngayon, nandidito pa siya.

HENRY URI: Secretary, I’ll see you later – salamat po ng marami.

MISSY HISTA: Thank you.

SEC. PANELO: Thank you.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource