SEC. ANDANAR: Good morning po.
MERCADO: Welcome home.
SEC. ANDANAR: Thank you so much. I’m glad to be home and—naglalakad nga ako sa corridor sabi ko, “This looks familiar.” [laughs]
COSIM: Nagbabakasyon ka lang naman eh ‘di ba? Bakasyon, mahaba-habang bakasyon. At tatlong taon na ang iyong bakasyon.
SEC. ANDANAR: Three years na and [laugh] I’m glad…
MERCADO: Alam mo mayroon akong payo sa iyo eh. Mayroong mga app ngayon na lumalabas iyong litrato mo tapos patatandain. Pero huwag mo nang gawin iyon [laughter]… by being in the government will make you old.
SEC. ANDANAR: Pero alam mo Senator at Cheryl, ang ginawa ko noong Monday, nagpakulay ako ng buhok – after three years. Kasi puti na talaga iyong buhok ko eh, sabi ko…
COSIM: Parang hindi ko naman nakitang pumuti…
SEC. ANDANAR: Pumuti talaga.
COSIM: Mabilis talaga iyong pagputi.
SEC. ANDANAR: Hindi naman kailangan iyong… ah, puwede na [laughs]. Hindi na kailangan ng… that’s one way—
MERCADO: Okay. What are we expecting for Monday?
SEC. ANDANAR: Kung titingnan kasi natin historically sa mga speeches ni Presidente sa first SONA, second and third… the first SONA mga 1 hour and 30 minutes; the second SONA was 2 hours; and the third SONA was about 48 minutes iyong third SONA. Now because, sa third SONA the President really stuck to the speech. Humaba lang naman dahil doon sa agawan ng mace [laughs] sa Kongreso.
MERCADO: Iyong leadership sa—
COSIM: Yes, na-delay. Oo, na-delay.
SEC. ANDANAR: So kung average ang titingnan natin, I would say about between 45 minutes to 1 hour and 20 minutes kapag sumunod si Presidente doon sa speech lang mismo at wala nang adlib, palagay ko matagal na ang 50 minutes.
COSIM: Iyong ngayon, iyong darating.
SEC. ANDANAR: Sa ngayon.
COSIM: Oo. Pero sigurado na rin bang walang ano, coup na mangyayari?
SEC. ANDANAR: Well alam mo ano ‘yan eh, noong last na tinanong si Presidente diyan sabi niya he is very confident na si Congressman Alan Cayetano ang magiging Speaker of the House.
COSIM: May kinalaman diyan ba kung bakit ano—although nagbigay na ng sagot ano, iyong kaniyang mga anak, lalo na siyempre ang hinihintay, ang laging nasa tabi ano, parang kumbaga’y First Lady ni Pangulong Duterte, eh ang kaniyang anak na si Mayor Inday Sara. Hindi makaka-attend this time.
SEC. ANDANAR: Oo, hindi makaka-attend this time kasi mayroong—
COSIM: Gynecological issues, health issues daw. Pero ang sinasabi ay may kinalaman dito sa pagpili ng susunod na Speaker.
SEC. ANDANAR: Sa palagay ko naman hindi. Palagay ko talagang mayroong—
COSIM: Siyempre hindi mo naman aaminin ‘yan sa amin [laughs]. Inipit talaga eh, inipit ha [laughs]…
MERCADO: Ang problema—sandali, kasi alam mo naman nasa media tayo eh. Tayong mga sultador, gusto natin—we really like to read conflict, gusto natin magsasabong ang mga tao.
COSIM: Hindi naman, tinatanong ko lang eh. Pero—o sige, puntahan ko itong—bago iyong nilalaman. Iyon nga, bago iyon ano, iyong sa… iyong magtutugtog ang Philharmonic ‘di ba? – Philharmonic Orchestra – Kaninong ideya iyon?
SEC. ANDANAR: It was the idea of Direk Joyce at—kasi mula noong nag-cover ako as media, wala pa akong experience na mayroong orchestra. So ngayon, mayroon, so kakaiba ‘yan and at least it sets the mood also and also—kasi it’s a State of the Nation Address, it’s being watched all over the Philippines and all over the world na maraming OFWs, it’s also time to showcase our talents through Philippine Philharmonic Orchestra.
MERCADO: Pero iyong proseso ng pag-call to order ng session, walang music iyon?
SEC. ANDANAR: Wala naman.
COSIM: Siguro iyong before, informally—
SEC. ANDANAR: Entrance, entrance oo.
COSIM: Iyong entrance… Kasi mayroon pang nakalagay na isa sa kakantahin or tutugtugin iyong paboritong kanta ni Pangulong Duterte na “Ikaw”.
SEC. ANDANAR: Well, that’s possible. Well it’s possible, kasi marami namang lull moments while waiting for the President. At habang pumapasok ang Presidente, iyong kanta ni Freddie Aguilar and then iyong national anthem.
MERCADO: Sa isang banda baka nga tama iyon eh, you know sa akin maganda. Kasi nagko-cover naman tayo ng ano, eh minsan pare-pareho lang ‘yan, iyong nakikita natin, naglalakad lang iyong mga ano… napupunta na sa bihis ng mga babae, napupunta sa kung saan-saang mga extraneous na mga issues. Eh mabuti nga siguro kung ano eh, we can just have music and then watch them while waiting for the arrival of the President. And pagdating naman ng speech niya, wala namang music ‘yan eh hindi ba? Maganda iyong sabi ni Cheryl kanina, iyong—
COSIM: Cymbal…
MERCADO: ‘Pag may emphasis – may cymbal [laughs]…
COSIM: Baka ‘pag nadala ng bugso ng damdamin si Pangulo, ‘pag nagmura, biglang mag-aano iyong cymbals para kasi live ‘di ba, bawal iyon… iyon ‘yung pinaka-stinger niya.
MERCADO: Baka nga it might be the most watched SONA in the country.
SEC. ANDANAR: Pero you know, itong idea na mayroong orchestra… it showcases the talents of the Filipino; the same way that palagay ko ‘yung rumarampa, iyong mga magaganda iyong mga damit, kung Filipiniana lang talaga, exclusive Filipiniana, it’s about time that we really showcase what we have and what our fashion designers can create. Kasi sa ibang bansa Ka Orly, kasi ngayon na-experience ko na rin iyong mga na-experience mo na bumibisita sa Thailand, iyong mga ASEAN countries, they’re very proud of their national dress; at ‘yun talaga ‘yung sinusuot nila even during normal business hours. Sabi ko ba’t—sa atin hindi naman kasi Filipiniana iyong suot ng mga nasa Makati… Pero siguro, it’s about time that we promote—
COSIM: Lalo na kung ikaw ay nasa government ano, parang si ano, Secretary Puyat ‘di ba? Lagi siyang naka-Filipiniana, parang lokal na produkto ng ano… Si Congresswoman Loren Legarda, I’m sure expected. Sana ganoon, hindi kailangang bongga na hindi na makalakad sa gitna ng red carpet. Pero at least man lang, iyong material na gagamitin ay sariling atin.
SEC. ANDANAR: And ‘di ba, kasi even kung ganoon iyong puwedeng—kung mayroon kasing mga fashion—in fact iyong asawa ni CabSec Karlo Nograles nagtayo ng tindahan, ng kaniyang… parang boutique ‘no, at iyon ang kanilang pino-produce; nagki-create sila ng mga Filipiniana pero pang-office, dapat dumami iyong ganito.
So palagay ko during the SONA, iyong rumarampa na mga congresswomen o ‘yung mga congressmen at iyong mga bisita, it’s time for us to showcase what we really have ‘no, not just to look at them na, “Wow, ang ganda-ganda ng mga damit, red carpet…” pero talagang ipagmayabang natin iyong sariling atin.
MERCADO: Mayroong bang something that we can expect? Mayroong bang… you know, sa tingin mo there will be some—very important pronouncement that can be seen as talagang critical in the next second half of the presidency of…
SEC. ANDANAR: Ang sa akin kasi, iyong mahalaga iyong Duterte legacy for the next three years, and any president would like to showcase his legacy. Now the President’s legacy for the next three years or the entire six years would be: Number one, iyong kaniyang poverty alleviation program which really is to bring down poverty rate from 21% to 14%. And improving our economy and uplifting it to upper middle class status by the end of his term;
Number two, of course iyong Build, Build, Build Program/infrastructure program kasi after six years kailangang mayroong makita ang mga kababayan natin eh, kailangan may makita iyong bagong pangulo. Sasabihin na, “Ito, ginawa ito ni Presidente Duterte. Ah ito, ginawa ito ni Aquino. Ito, ginawa…” So para mas ma-pressure iyong bagong president na to really raise the bar higher;
And thirdly, iyong peace and order because you can never have really complete progress without peace and order; at mayroong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, and this is a cornerstone policy of the President na tapusin talaga ang insurgency sa—
MERCADO: Tayo na lang sa buong mundo ang mayroong ganito.
SEC. ANDANAR: Yes, and you know that well. Kaya… these are the three policies, ito ‘yung tatlong nakikita natin for the next three years na tututukan talaga ng administrasyon. Now kung mayroong iba pang idi-discuss si Presidente off script, like for example he mentioned about giving a lecture—
COSIM: Oo, iyong constitutionality.
SEC. ANDANAR: Oo, iyong sa West Philippine Sea… iyon ang kaabang-abang sa media [laughs]. Dahil kung mayroon mang sasabihin si Presidente about the human rights—the United Nations Human Rights Council decision, then iyon ang aabangan natin.
COSIM: Pero doon sa draft na isinumite natin kay Pangulong Duterte, wala iyong mga bagay na iyon?
SEC. ANDANAR: Wala, wala…
COSIM: More of iyong mga nagawa at iyong mga gusto pang magawa the next three years. Bago natin ipagpatuloy Sec. Mart ang ating talakayan, mag-break lamang po tayo… Kasama pa rin po natin dito sa studio, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Marami pa po tayong gustong pag-usapan sa darating na SONA at iba pang issue po sa administrasyong ito.
[COMMERCIAL BREAK]
Kasama pa rin po natin si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office…
Balikan po natin Sec. ano, itong lalamanin nga ng speech ng Pangulo. Kasi nagkaroon na ng ilang pre-SONA tapos bawat agency ‘yan ‘di ba, standard iyon na magsa-submit ng kanila ring mga agenda, tapos sino ang nag—okay, iko-collate ‘yan…
SEC. ANDANAR: Puwede ka nang mag-gobyerno [laughs]…
COSIM: Iko-collate ‘yan, tapos titingnan kung sino… Who decides kung ano ‘yung mga isasama sa speech? Kasi naalala ko, may nakausap din ako na, “Alam mo Cheryl, kami rin sa mga iba’t ibang ahensiya, hinihintay din namin kung anong isasama ni Pangulo sa kaniyang sasabihin. Dahil kahit na isang salita lang ‘yan o isang phrase na galing sa aming ahensiya ang mabanggit niya, aba’y nagso-SONA party na kami.” So, ganoon pala iyon kakritikal ano, kahit sa iba’t ibang ahensiya rin.
SEC. ANDANAR: Oo, siyempre. Kasi ‘pag binanggit ni Presidente iyon, equivalent to policy na iyon and ito ay bini-vet ng Presidential Management Staff, so kinokolekta nila lahat ng mga contributions ng bawat departamento. Pero minsan hindi na rin, sila na rin iyong naglalagay kung ano ‘yung sa palagay nila ay mahalaga na mabanggit ni Presidente. Pero, ito ay dumadaan sa isang Cabinet Assistance System, iyong CAS, so nandoon iyong mga undersecretaries at dini-discuss.
So last week, marami akong natanggap na emails galing sa PMS para i-check ko kung tama ba ‘yung pagkasulat. And then after that, hindi ka pa nakakasiguro kung isasama sa speech ‘yan.
COSIM: Oo, checking lang the facts… para kung anuman ang piliin doon eh maayos, tama iyong mga detalye.
MERCADO: Pero kung pag-iisip mo, ang SONA is a chance for the President to give the legislative agenda, “Ito ang aking agenda para sa session.” Ito, I’ll give you a specific example… kaya ang katanungan ko eh, pina-follow up ninyo ba iyong mga binabanggit ng Pangulo, itong huling tatlong taon? I’ll give you specific example. I know this because advocacy ko ‘to eh, iyong National Land Use Policy, National Land Use Law… binanggit, tatlong beses nang binabanggit.
Ako, noong ako’y nasa Senado pa ‘yan ay pinaglalaban ko hindi nangyari, twenty years ang lumagpas. Ito, tatlong beses kong nadidinig… mayroon bang katanungan ang Pangulo—ang Malacañang, “Hoy binanggit ko na ito, tatlong SONA na ito eh hindi ninyo pa pinapasa.”
SEC. ANDANAR: Well noong huling interview kay Presidente last week, binanggit niya ulit – na ito’y kaniyang priority agenda, iyong National Land Use—
MERCADO: Pero tatlong beses na, hindi pa pinapasa.
SEC. ANDANAR: So kung ngayong ano, pang-apat na… this coming SONA. Sa palagay ko, kasi specifically he really mentioned it eh. Sa palagay ko ay this time, in this Congress—
MERCADO: Kasi bago na rin ang mga congressman…
SEC. ANDANAR: Oo. With Speaker Cayetano there—
COSIM: At saka masasabi nating stronger iyong kaniyang ano ‘no—oo, mas pakikinggan.
SEC. ANDANAR: Kasi ilang beses kasi Ka Orly at Cheryl na sa Cabinet, kapag iyon ang napag-uusapan, talagang 30 minutes to 1 hour; kahit na wala doon sa agenda, iyon talagang kinakausap niya iyong DAR Secretary kasi talagang—lahat, lahat ng mga—kasi ang daming… sa bureaucracy ang daming dinadaanan. Oo so iyon, so I think that will really be a priority of this administration, this Congress.
COSIM: Baka kailangan Sir Orly na kasama ka doon…
MERCADO: I’ m a recovered politician. I retired already. It’s better to be the heckler than the heckled.
COSIM: Pero at least o ‘di ba, naririnig ninyo na pinag-uusapan kaya lang medyo kulang pa ng push…
MERCADO: Pinag-uusapan na, gusto mo pang ipasa. Sobra ka naman!
COSIM: Kaya nga, exactly.
SEC. ANDANAR: Pero apart from the National Land Use Policy, nandiyan din iyong Package 2 ng TRAIN. Kasi very ambitious iyong ating infrastructure program, at siyempre kailangan mo nang source of fund, hindi naman puwedeng babanggitin mo lang pero wala kang source of fund. Otherwise, kung hindi maipapasa iyong Package 2 at Package 3 ay hindi natin mararating iyong upper middle class status sa ating bansa. Kasi siyempre mayroon ka nang paghuhugutan ng pera para ilagay sa proyekto para umikot iyong ekonomiya.
MERCADO: Alam mayroong isa pang ano eh, talagang tinututukan – iyon bang sa korapsiyon. Isa sa pinakaimportanteng susi iyong bank secrecy law na talagang buksan, magkaroon ng batas na talagang will allow para hindi na protektahan iyong ano… Kasi—
SEC. ANDANAR: Pati dollar account daw? [laughs]
MERCADO: Oo, lahat. Para makita kung talagang sinong gumagawa ng ano…
SEC. ANDANAR: Oo. Hindi lang iyong peso, pati dollar.
MERCADO: Oo, napakaimportante.
SEC. ANDANAR: Alam mo Ka Orly at Cheryl, one of the first policies that we championed at the PCOO when we came in 2016, at napakasuwerte namin, talagang pinansin ni Presidente ay iyong ginawa niyang Executive Order No. 2, the creation of Freedom of Information. But the thing is, it can only go at a certain level kasi nga Executive Branch lang siya eh. So our challenge to Congress is to really pass this. Kasi ‘pag naipasa mo itong FOI sa Kongreso at Senado, then effectively buong gobyerno bubuksan mo, transparency and it’s also one of the crucial keys to ending corruption in our country – na FOI, kailangan mo talaga ‘yan.
MERCADO: Para ‘yung janitor sa Customs, hindi na puwedeng magtago ng pera na janitor ka tapos eh… na milyun-milyon ‘yung iyong bank account.
SEC. ANDANAR: Speaking of the Bureau of Customs, last night I was at the meeting with the President and around 41 Bureau of Customs officials. Doon, diretsahan na sinabihan ni Presidente—actually hindi naman sabon, hindi naman galit… kinausap tapos konting lecture. Tapos sinabihan ni Presidente na, to paraphrase it, “Walang samaan ng loob. Ako’y nandito lang for three more years, trabaho ko ito. I will file formal charges against you sa Ombudsman, and with a prayer for your suspension but you will have your day in court. And hindi ko kayo sisisihin kasi mayroon naman din kayong… ‘pag kumuha kayo ng abogado at depensahan ang sarili ninyo, because that is your right. Pero talagang hindi ko papayagan na ito’y tumuloy pa. And this is a message to the entire bureaucracy and the entire government.” Tahimik sila, nakaganoon lang…
MERCADO: Walang sumagot? Walang ano…
SEC. ANDANAR: I left earlier, so hindi ko alam kung nagkaroon ng dialogue afterwards.
COSIM: Okay. Iyong TRAIN 2 sabi ninyo nga ay iyon ang inaasahan na papasa. Death penalty, are they going to push for this; mayroon pa, itong federalism – did he really gave up on that? Pero sabi nga niya, “Kung gagalawin ninyo ang Konstitusyon eh gawin ninyo na, mag-Cha-Cha na kayo.”
SEC. ANDANAR: Kasi ang basehan ko sa federalism ay kung ano ang sasabihin ni Senator Bong Go, kasi sila iyong magkasama parati ni Presidente. At sabi ni Senator Bong Go na medyo malabo na iyong federalism. Sabi niya, malabo nang pumasa ‘yan. Pero ang sabi naman ni Speaker Cayetano, ni Congressman Cayetano na pag-amyenda sa Saligang Batas—I’m not sure if it’s the entire Constitution—
MERCADO: Baka economic provisions lang.
SEC. ANDANAR: Economic provisions lang ang gagalawin. At sa death penalty naman, sinabi ni Senator Bato at ni Senator Go na they will push for it. Pero hindi ko pa naririnig mula kay Presidente na it will be his priority agenda this year – at least this year hindi ko narinig na sinabi niya.
COSIM: May kasiguruhan na ba tayo—sabi nga natin, iyong draft will be submitted to the President today, iyong draft. Pero iyong siguradong lalamanin na nito na ilang mga [unclear]..
SEC. ANDANAR: The draft is about 95% done. Later, at 4 o’clock, mayroon kaming presidential briefing para makita ni Presidente at i-edit niya iyong buong speech. At the same time, iyong blocking, kung anong gagawin doon sa Kongreso, kung ano iyong plano ngayon ni Director Joyce. So mamayang hapon, I will message you kung ano iyong [LAUGHS]
COSIM: Talaga ha, message me ha.
SEC. ANDANAR: I will message you kung ano iyong talagang—but you know, the President has always been very involved doon sa speech right from the first one, all the way to the third one. And I see no difference this time around. I think he will be also personally involved sa pag-edit.
COSIM: Paano nangyayari? Nakakailang edit kayo or paano …
SEC. ANDANAR: Marami. Hindi ko mabilang, pero napakadami.
COSIM: With the President, kapag nasa harap na niya, paano siya?
SEC. ANDANAR: Marami rin, marami rin. Babasahin niya, parang, “Tanggalin mo iyan. Ito palitan mo,” isusulat niya ngayon. Tapos, “Okay—
COSIM: Babasahin niya ulit iyan tapos iba na naman, “Teka,” ganoon. So hanggang Sunday, hanggang last minute talaga…
SEC. ANDANAR: Even kahit Monday, sa Monday na, mayroon pa ring changes, may mga pahabol pa, mayroong tatanggalin. So kung ikaw iyong nasa isang departamento, “Sana hindi maalis iyong …”
COSIM: Oo, kasi sa unang draft, “Uy, kasama.” Tapos sa susunod, “Parang natanggal eh.”
SEC. ANDANAR: Kasi during this time, Cheryl, I’m very popular sa mga Cabinet members.
COSIM: They fish ano.
SEC. ANDANAR: “Andyan ba iyong sa akin?” Sabi ko “Andoon, binasa.” “Inalis ba?” “So far hindi pa.”
COSIM: Hindi pa. Hindi mo rin masiguro ‘no, hanggang sa last minute.
SEC. ANDANAR: Hindi masiguro, oo.
COSIM: Na-imagine ko, Ka Orly, iyong teleprompter operator, kapag nag-adlib na iyong Pangulo, dapat talaga iyong operator ano, by heart ay alam din niya iyong speech ng Pangulo.
SEC. ANDANAR: Pero magaling ang taga-RTVM kasi matanggal na nilang ginagawa. From Tita Cory all the way to today, talagang they know what to do.
COSIM: They know na kung paano. Hindi, pero ang Pangulo natin ay ma-adlib.
SEC. ANDANAR: Minsan hindi nagbabasa ng teleprompter.
COSIM: Ayun, ayun, tama.
SEC. ANDANAR: So talagang alisto ka. Kailangan talagang kahit hindi binabasa ang teleprompter at iyong binabasa ay iyong script, iyong hard copy, kailangan talagang hindi ka natutulog sa pansitan.
MERCADO: Gaano kahaba ang estimate mong magiging speech niya ngayon?
SEC. ANDANAR: Well, based on the last three SONAs, siguro mag-a-average tayo between 45 to one hour and 20; Kung talagang diretsong babasahin iyong speech, siguro mga 45 to 50 minutes.
COSIM: Pero nag-stick lang yata siya sa kaniyang speech last year dahil nga late na nag-start at saka medyo bad mood na siya noon, parang hindi na siya—
SEC. ANDANAR: Hindi naman. Talagang he told us that he will follow the entire—
COSIM: Oo, hindi siya ganado noon.
SEC. ANDANAR: Hindi, ganado siya, in fact during our rehearsal the night before, talagang ganadung-ganado siya. And talagang—kasi that was the first, if I’m not mistaken, SONA, na nandoon ang director o nandoon mismo si Joyce. Because the last two SONAs, I don’t think nandoon si Director Brillante Mendoza – pero last year, nandoon si Direk Joyce.
COSIM: Sa rehearsal?
SEC. ANDANAR: Oo. So, masuwerte rin si Direk Joyce kasi siyempre napapakinggan niya iyong speech, ‘di ba.
COSIM: Alam niya iyong shots.
SEC. ANDANAR: Kasi hindi naman binibigay iyong speech.
MERCADO: Hard copy, wala?
SEC. ANDANAR: Wala, wala talaga. Kahit sa RTVM, wala silang natatanggap.
MERCADO: Last minute lang.
SEC. ANDANAR: Last minute lang. Kaya kapag nag-release, piecemeal din. Kapag nag-release sa media, talagang by paragraph niri-release kasi mabilis din iyong transcriber.
COSIM: Ito ba iyong sinasabing nag-leak din dahil iyong Cabinet … iyong may isang istasyon na parang—
SEC. ANDANAR: Panahon ni PNoy iyon.
COSIM: PNoy pala iyon. Akala ko—sorry.
SEC. ANDANAR: Panahon ni PNoy iyon, noong nauna iyong codes.
COSIM: Mayroon na sila talagang kopya. So this time ay … ano pa bang kakaiba na ma-expect natin? Iyon nga, iyong sinasabi na iyong kaniyang pagli-lecture, anong ramdam mo diyan?
SEC. ANDANAR: It’s possible kasi magaling si Presidente nag-lecture eh.
COSIM: Kasama ba sa speech?
SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. Pero—
COSIM: Doon sa draft na parang may singit na isyu?
SEC. ANDANAR: Wala. It’s up to him kung anong gusto niyang gawin. Pero you know, just to talk about also the pre-SONA. Kasi what is good, a good practice that I think we have initiated was the pre-SONA. Kasi last year, kaming dalawa ni CabSec Jun Evasco, we initiated a pre-SONA. Nagkaroon kami ng ilang pre-SONA dito sa Metro Manila, at iba-ibang clusters ang nag-i-explain kung ano iyong accomplishments nila. Tapos pinagpatuloy namin ni CabSec Karlo Nograles this year. So there was one in PICC; there was one in Waterfront, Cebu. And two days ago, dito sa SMX Davao City.
And ang galing, Ka Orly, kasi nai-explain ng bawat Cabinet Secretary, ng head noong cluster, kung ano iyong kanilang accomplishments. Kasi ‘di ba, kaysa mag-agawan kayo kung ano iyong isusulat doon sa SONA speech ‘di ba, ngayon nai-explain ninyo. At iyong tao naman, ang mga kababayan natin, ang aabangan na lang nila kung anong plano ni Presidente for the next 12 months or the next three years.
COSIM: So, parang puwede nang napaiksi, naalis nang konti puwede nang ma-edit iyong mga accomplishments kasi nai-report na. So more of ang nagiging focus tuloy ng SONA na mismo, sa araw ng SONA ay iyong mga agenda for the next three years or the next year.
SEC. ANDANAR: Ini-imagine ko nga, Cheryl, kung ako iyong nasa media, mas madali na rin para sa media. Kasi nasa pre-SONA, binanggit na lahat eh, lahat ng mga accomplishments. So kumbaga pagdating sa mga graphics, makakapaghanda na iyong media sa graphics.
SEC. ANDANAR: Congratulations, 25 years!
MERCADO: Franchise ng TV5.
COSIM: So additional 25 years. Kinu-compute nga namin eh, ilang taon na tayo noon, sana nandoon pa. Pero kinu-compute ko, 70 years old na ako.
MERCADO: Ako mga 110 lang.
COSIM: Magkasama pa rin tayo.
MERCADO: Wala ka bang balita sa iba pang network kung—
SEC. ANDANAR: Wala naman akong balita kasi alam mo itong franchise, for example TV5, eh lahat naman ng franchise ay dumadaan sa Kongreso. So talagang gumalaw iyong franchise ng TV5 sa Kongreso at nag-lapse kaya ito ay basically approved by the President. And I’m not so sure with ABS-CBN. I think it’s in Congress still, right now. So the ball is in the court of the lower house.
COSIM: Parang sinasabi mo, “Eh kami naman sa Malacañang ay hihintayin lang namin iyan makarating sa amin at saka doon pa lang magdi-decide.”
MERCADO: Pero in the real world may dynamic iyan. Hindi puwedeng ano eh, kasi stay polite ka lang. Kahit na sabihin na talagang karapatan mag-file para sa prangkisa, may mga dynamics po iyan, malalim-lalim ang pinaghuhugutan niyan.
SEC. ANDANAR: At the end of the day, the franchise is owned by the government. Nasa gobyerno iyan kung anong desisyon, kung ibibigay ba sa’yo ang prangkisa o hindi, pero sa Kongreso magsisimula iyan.
MERCADO: Papaano naman iyong mga oposisyon, iyong mga malawakang pagkilos?
SEC. ANDANAR: Alam mo, Ka Orly, taun-taon naman ay mayroong pagkilos na patalsikin, i-impeach, iyon naman ang advocacy ng makakaliwa, iyon naman ang advocacy ng militante. So just let them be, mayroon silang karapatan to peaceably assemble.
MERCADO: And now, hindi na nila lagyan ng mga barriers iyon.
SEC. ANDANAR: Ay hindi na.
MERCADO: Kanina kausap namin si General Albayalde.
SEC. ANDANAR: Wala na. We’re coming from an 85% approval rating sa Pulse Asia; and SWS naman, 80% trust rating. So this is the highest ever of a Philippine President on his fourth year.
MERCADO: Middle of his term.
COSIM: Kapag off cam natatanggap ni Pangulo iyong mga ganitong balita, paano ang reaksiyon niya?
SEC. ANDANAR: Hindi siya nagri-react eh, parang hindi nagre-react si Presidente.
MERCADO: Parang poker face eh.
SEC. ANDANAR: Oo, trabaho lang sa kaniya eh. Pero siyempre kami sa Cabinet, masaya kami kasi ibig sabihin ay tama ang ginagawa namin; pero si Presidente, wala. Parang wala, trabaho lang iyan, trabaho lang tayo. Ganoon lang.
But then again, what I can say is that, sa kabila ng maingay na oposisyon at mga militante, nararamdaman talaga ng mga kababayan natin iyong pagbabago. Otherwise, hindi naman sila magboboto doon sa survey or hindi naman nila sasabihin na we’re satisfied, we trust the Presidente. At the end of the day, it’s really the people who will decide. So okay lang, I mean, it inspires all of us to work harder. Kasi, Cheryl, alam mo, three years na lang ang natitira eh.
MERCADO: Mabilis iyan. Isang kisap-mata lang iyan.
SEC. ANDANAR: Oo, mabilis. Sabi nga, Ka Orly, two years na lang talaga kasi on the third year, naka-focus na—
COSIM: Wala na, busy na.
SEC. ANDANAR: Busy na, naka-focus na sa eleksyon. Sabi ko nga, two years that we should implement all of the projects whether matapos man siya o hindi, but we should really implement.
COSIM: Masimulan man lang.
SEC. ANDANAR: Oo, masimulan. Kasi ano iyan eh – for example, itong Skyway – sinimulan iyan, I think, panahon ni GMA tapos tuluy-tuloy kay PNoy, and then, this administration matatapos. As long as masimulan, masimulan mo iyong subway, kahit isang istasyon lang, pero alam mo na the next administration ay itutuloy talaga iyan.
MERCADO: Pero mas mabilis matatapos iyong subway kasi wala ng right of way masyado sa ilalim eh. Iyan talaga ang pinakamasakit ng ulo, it’s the right of way, pinakamagastos pa. Naiskwatan na, kumita pa rin sila tapos nababalam pa iyong mga proyekto.
SEC. ANDANAR: Kaya doon din ako bilib sa naging sistema ng infrastructure cluster, si Sec. Art Tugade, Sec. Villar, sina Sec. Sonny kasi talagang nagtulungan sila para ma-solve iyong right of way isyu ng Skyway na iyan. So na-solve na, tapos na, talagang dire-diretso na iyong construction.
Mayroon tayong project from Manila to Sorsogon na tren, at hopefully ay masimulan na rin iyan. At iyon sa … actually na-ground break na iyong from Tutuban all the way to Clark, so it’s already moving – that project. So hopefully, the last three years, the last two years ay ma-implement na iyong dapat ma-implement.
COSIM: So kailangan talagang mas trabaho, mag-double time ano po. So far, maliban sa SONA, kumusta ang evaluation naman ni Pangulo sa kaniyang Cabinet team? Aba’y magkakaroon ba ng changes, a little revamp or—
MERCADO: Or a big revamp?
SEC. ANDANAR: Masaya naman si Presidente based on the last interview. Tapos, nagbigay nga siya ng … iyong top three: Sabi niya si Mon Lopez, Mark Villar pati si Sec. Art Tugade iyong top three niya. Pero masaya siya sa performance ng lahat. And then during the last Cabinet meeting, I remember noong papasok siya, sabi niya, “There will be some minor changes pero I’ll just discuss it later on.”
COSIM: When is later on?
SEC. ANDANAR: During that Cabinet meeting pero hindi na niya na-discuss kasi sobrang daming napag-uusapan.
COSIM: So it must be really minor na hindi talaga ganoon ka-urgent para i-discuss.
SEC. ANDANAR: Yeah. So it could happen this week; it could happen during the SONA or it could happen after the SONA. Pero alam mo, importante dito na dapat bawat Cabinet member or political appointees na malaman, na isa-isip na we all serve at the pleasure of the President.
COSIM: Any time you can go.
SEC. ANDANAR: Yeah, I can go.
COSIM: Baka puwede kasing ililipat lamang sa ibang … parang may iba akong gustong trabahong ipagawa sa’yo.
SEC. ANDANAR: Or talagang wala. Pasalamat ka na pinagbigyan ka ng pagkakataong makapagsilbi sa bayan.
COSIM: Eh ikaw Sec, gusto kong tanungin si Sec. Ikaw Sec, saan ka pupunta? May pupuntahan ka bang iba o mananatili sa PCOO? Kasi aminin natin, nandiyan iyan, nakalagay—diretsuhin ko na ha. Lumalabas naman sa balita eh na sinabi parang may gustong ibang ipagawa sa’yo si Pangulo – kumbaga, mayroon kang ibang pa-project-kin.
SEC. ANDANAR: Assignment.
COSIM: Assignment, oo.
SEC. ANDANAR: Well, again, Cheryl—
COSIM: Napag-usapan ninyo na iyon?
SEC. ANDANAR: Ni Presidente?
COSIM: Oo.
SEC. ANDANAR: Hindi pa naman.
COSIM: Hindi pa?
SEC. ANDANAR: Hindi pa naman pero—
COSIM: So may alam ako na hindi mo alam?
SEC. ANDANAR: [LAUGHS] Basta kung saan tayo i-assign ni Presidente, kung sa palagay ko ay kaya kong gawin, eh di trabaho lang. Ang importante ay nagpapasalamat ako kay Presidente na binigyan niya ako ng three full years of serving him, the country and the PCOO – kakaibang experience. Sabi nga ni Ka Orly, parang naka-full throttle ka eh.
MERCADO: The other thing is that, isa sa mga lagi kong binibigay na advice ay never develop attachment sa public office or to a title. Be ready to leave it the moment you are sworn in para mabilis kang makakaimpake.
SEC. ANDANAR: Tama, tama. In fact, I don’t have enough …I don’t have a lot of personal items in my office.
COSIM: Parang gusto mo nang umalis.
SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. Kasi in 2015, in-interview ko si Ka Orly sa podcast ko, iyon ang napag-usapan namin. So that really stuck to me. Kaya iyong office ko, it’s just a normal … photographs, iyong mga … basta wala masyadong gamit, na you can just pack and go. Ganoon lang, walang attachment.
Pero, of course, one of the minor things that I instituted sa PCOO was to institutionalize also some of the things that we did not have before sa PCOO. For example, simple lang ito, walang mga photographs iyong mga past press secretaries. Unlike sa DND kasi, talagang malakas iyong byurokrasya din doon eh, nandoon lahat ng past secretaries. And it’s part of tradition or what you call history in the bureaucracy, because if you don’t have a sense of bureaucracy, kapag wala iyan, then mahirap iyong continuity; hindi mo alam. So those are the small things that we did, apart from, you know, pagpapaganda ng istasyon, pagpapalakas ng transmitter, ng radyo, pagbuo ng Mindanao Media Hub.
COSIM: Ano pa ang panghuli na lamang na you want na mabago at maiwan sa PCOO?
SEC. ANDANAR: So we have the Mindanao Media Hub. It’s a state of the art media facility. I also would like to envision Visayas Media Hub. Basically in principle, that’s approved already. And the last, if given the chance, the last institutional reform that I would like to implement is the first government strategic communications training center. Kasi wala pa talaga iyong gobyerno—ang DAP nagtuturo pero wala talagang facility na just for communications, turuan iyong bawat information officer. At aprubado na ang panukala, inaprubahan na ni DOF Secretary Dominguez, at nasa DBM na. So hopefully next year we can—
COSIM: Oo, pero totoo kailangan iyon kasi ang daming mga ahensiya na nangangapa sila or hindi tama.
MERCADO: Walang mahabang plano. Napakaimportante iyan.
COSIM: Iyong pag-communicate sa media para din klaro ‘di ba.
MERCADO: Thank you very much, Secretary Martin Andanar.
SEC. ANDANAR: Thank you.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)