FAILON: Sec. Sal good morning po, sir.
SEC. PANELO: Good morning, Ted.
FAILON: Salamat po sa panahon, Sec. Sir, ito hong PCSO controversy, una po, anong pinanghuhugutan dito ho ng ating Pangulo?
SEC. PANELO: Well, sabi niya merong grand conspiracy iyong mga player/participants ng mga gaming operations; in other words, merong massive corruption, pati hukuman kasama.
FAILON: And ako ho naman ang akin diyan ay hindi ho naman iyan gagawin ng Pangulo kung hindi siya nakatanggap talaga po ng mga kumpirmadong mga reports mula sa kanyang mga tauhan.
SEC. PANELO: Correct, totoo iyon, Ted.
FAILON: So sir, ngayon po as we know, iyon pong mga agam-agam ng marami. Iyong operasyon mismo po ng PCSO and then iyong bigger picture din po, ito pong tulong ho na ibinibigay ng PCSO sa mga pasyenteng araw-araw lumalapit sa kanila; and practically, iyon pong universal health care law implementation po natin, Secretary?
SEC. PANELO: Eh gaya ng sinabi ko na noong isang araw, iyong mga request will be redirected sa PAGCOR saka sa Office of the President and other agencies at magre-respond tayo sa kanilang mga hinihinging tulong.
FAILON: But ang PCSO po kasi Sec ay may mga offices nationwide na pinupuntahan, so how do we go about that, ito pong paglapit po ng mga humihingi ng tulong? Eh itong PAGCOR po wala silang mga ganoong klaseng opisina.
SEC. PANELO: Hindi, puwede naman, as I said, iyong mga request nila will be redirected sa PAGCOR, sa Office of the President. Gagawa lang sila ng sulat o sa pamamagitan ng whatever, whatever means na makakarating sa mga binanggit kong opisina iyong kanilang mga hinaing o paghingi ng tulong.
FAILON: Sec, gaano kaya katagal, kasi po sabi ho ninyo, sa takdang panahon mag-aanunsyo po kung ano ba talagang klaseng—ano ho ba talaga ang detalye sa report na corruption na ito at mga taong sangkot at iyon nga pong posibilidad na mag-resume po ang PCSO sa kanyang operasyon?
SEC. PANELO: Sa ngayon kasi, Ted, sabi nga ni Presidente ine-imbestigahan niyang maigi para malaman niya at matukoy niya kung sino iyong mga inv0lved at i-identify niya lahat sa lalong madaling panahon. So, until such time na hindi pa natatapos ang imbestigasyon, sarado muna lahat.
FAILON: Okay. So we just have to wait for that takdang panahon. Ano bang report na tinanggap n’yo po, sir, gaano katagal ang takdang panahon?
SEC. PANELO: Si Presidente naman mabilis, nakita mo mabilis kaagad iyong order niyang ipasarado.
FAILON: Ito ho bang mga taga-PCSO, itong bago pong GM at ang Board pinatawag po ni Presidente?
SEC. PANELO: Nag-meeting si Presidente saka iyong bagong head ng PCSO bago niya ine-announce iyon, a few hours before, in fact magkakasama sila at that time.
FAILON: Okay, sige po. So abangan po namin, Sec, ito hong development po sa PCSO. Babalik pa po ba si Presidente sa Batanes?
SEC. PANELO: Sa ngayon wala pa, wala pa siyang sinasabi; meron siyang mga activities ngayon sa Palasyo eh.
FAILON: Opo, sige po. Sec. Sal, salamat po sa panahon, sir.
SEC. PANELO: Thank you Ted.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)