Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Mr. JV Arcena, PCOO Global Media and International Affairs Chief, Cabinet Report sa Teleradyo, Radyo Pilipinas


MR. ARCENA: Good evening po Sec. at welcome po dito sa Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. ANDANAR: Good evening, JV at good evening sa lahat ng nanonood at nakikinig sa atin dito sa Radyo Pilipinas Uno 738 at sa social media, ganoon din po sa PTV at sana po ay nasa maayos kayong kalagayan ngayong gabi na ito ng Biyernes, the end of the workweek.

And we have a very bright weekend that is waiting for us. Ako naman ay nandito sa Cebu ngayon dahil kahapon nagkaroon kami ng isang activity sa Carcar City kung saan ay dinala namin ang Rehabinasyon – ito po iyong rehabilitating the nation project of the PCOO and Duterte Government.

Dito po ay ipinakita natin sa mga local government units at sa mga stakeholders dito po sa Carcar kung ano po ang mga accomplishments ng PDEA, DILG, PCOO, sa larangan ng war against hard drugs and narcotics at ibinibigay po natin sa kanila ang ‘yung real numbers, real stories at real solutions.

Tapos, kanina naman ay nag-shooting kami – nag-shooting kami ng apat na episode para sa ating bagong proyekto JV, iyong Duterte Legacy podcast. So far ay nakaka-walong episodes na tayo. Nakabangko na kaming walo kasi kailangang mabilis kasi marami tayong—

MR. ARCENA: Congratulations, sir! Talagang walo!

SEC. ANDANAR: Hindi kasi ‘di ba ang dami nating proyekto—

MR. ARCENA: Opo.

SEC. ANDANAR: And yet, limited lang ‘yung tao natin so, kaya kailangan we have to work efficiently and effectively—

MR. ARCENA: Yes, sir.

SEC. ANDANAR: Para magampanan din natin iyong iba pang mga assignments na mayroon tayo. So, tonight I will be flying back to Manila and then tomorrow will be another working day for me kahit na weekend.

[END OF INTERVIEW]

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource