MR. ARCENA: So, nasa linya rin ho ng telepono mga kababayan, nasa linya si Secretary Martin Andanar na nasa Zamboanga. Good evening po, Sec.
SEC. ANDANAR: Good evening JV, sino kasama mo?
MR. ARCENA: Nasa linya rin po ng telepono si Asec. Kris Ablan po Sec., nasa Cagayan De Oro.
SEC. ANDANAR: Hello Kris, nasa Cagayan De Oro pala si Kris. Ako naman ay nasa Pagadian, Zamboanga Del Sur at tayo ay kinumbida ni Gov. Victor Yu dito po sa Zamboanga Del Sur dahil Araw po ng Zamboanga Del Sur. And at the same time, tayo po ay nag-launch po tayo ng Malasakit Center kasama po si Senator Bong Go at si Secretary Mike Dino ng Office of the Presidential Adviser for the Visayas. And it’s been a very long day kasi nagpunta rin kami sa mga nasunugan at tinulungan ng national government ang mga nasunugan dito sa Pagadian. And then tonight there is an event with the barangay officials, ng buong Zamboanga Del Sur.
And tomorrow will be another whole day, dahil tayo po ay tutungo naman sa Dipolog City para po sa isang imbitasyon ng mga media practitioners doon para magsalita po sa isang media training program na ang mga nag-attend po dito ay mga kabataan. Then afterwards, may meeting po kami sa Zamboanga Del Norte Press Club para po naman sa turnover din ng isang laptop computer na dino-donate ng inyong lingkod at ni Senator Bong Go sa ating mga kasamahan doon sa Zamboanga Del Norte Press Club.
MR. ARCENA: Napaka-hectic po Sec., ng inyo pong schedule pala diyan, at sobrang dami ninyo pong ginagawa. Balikan ko lang po sir, iyong sa Malasakit, napakagandang programa po ito ni Senator Bong Go at ng Duterte administration. Ang dami na pong nakikinabang dito, pero alam mo may mga batikos pa rin tayo. Ito ang nakakapagtaka ‘no, kahit ho ang ganda ho ng intensiyon, gustong tumulong ni Senator Bong Go, ng Duterte administration… pero bakit may mga bumabatikos pa rin?
SEC. ANDANAR: Well pulitika iyan eh, siyempre may babatikos talaga. Pero ang maganda ho dito ay iyong naibabalik ho iyong pera ng bayan sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng mga medical assistance. At ganito ho kasimple iyan, for example kanina sa provincial hospital ng Zamboanga Del Sur, ang nangyari ho ay nagbukas po ng Malasakit Center; ang Malasakit Center ay isang one-stop shop, kung ikaw po ay may sakit, ikaw ay mahirap ay nandoon ho lahat, nandoon ang PCSO, nandoon ho iyong PAGCOR, nandoon ho iyong DOH. At kung kailangan mo ng medical assistance ay bibigyan ka agad-agad ng medical assistance.
Now, if kulang ang pera mo sa pagbayad ng iyong medical bills ay iyong Malasakit Center ay mayroon po silang sariling pondo na umaabot ng mga 5 to 10 million a month, okay. So imbes na magbabayad pa iyong pasyente doon sa balance ng kaniyang bill – dahil alam mo may limit naman, may cap iyong binibigay ng PAGCOR o ng PCSO o ng PhilHealth – iyong remaining balance, babayaran ito ng Malasakit Center. So ito po ay maganda at talagang nakakatulong sa ating mga mahirap na kababayan.
MR. ARCENA: Tama po. So ngayon sir, nasa ilan na po ang Malasakit Center na naipatayo ni Senator Bong Go at ng Duterte administration po?
SEC. ANDANAR: Naku, I lost count already but mga hundred already—
MR. ARCENA: Wow, ang dami na.
SEC. ANDANAR: Kasi ang target, 137-140 for this year. So I lost count already kung ilan na iyong—pero let me get back to you on that. But what is really important is that talagang nararamdaman ng mga kababayan natin iyong serbisyo ng Duterte administration – libreng gamot, libreng pagamot; kung wala kang pamasahe, libre iyong pamasahe. Walang pinagkaiba iyan JV, lihis lang tayo nang konti ano, dito tayo sa edukasyon for example.
‘Di ba pinirmahan ni Presidente iyong free tuition law and lahat ng mga estudyante sa state universities and colleges ay libre. Last week nandoon ako sa Cagayan De Oro kung nasaan si Kris ngayon at pinuntahan ko iyong alma mater ko, iyong Xavier University. Doon ay nagtapat sa akin iyong isang Dean ng isang college, hindi ko na sasabihin kung anong college kasi sabi niya huwag daw akong magsalita. Anyway, nagtapat siya sa akin na bumaba daw iyong enrollment doon sa college nila—
MR. ARCENA: Because of free tuition.
SEC. ANDANAR: Oo, kasi kung ikaw naman estudyante, bakit ka pa mag-aaral sa isang pribadong unibersidad kung libre ka naman doon sa state university or state college. So ganoon din ho, I mean serbisyo para sa mga kababayan natin; para sa mga estudyante para mabigyan sila ng magandang kinabukasan, para matulungan ang mga magulang na hindi maghirap sa gastos ng pag-aaral ng mga anak. At the same time, libre din iyong pagamot ng mahihirap na mga kababayan natin sa pamamagitan ng Malasakit Center – so saan ka pa? Basic services, social services, basic education hanggang doon sa tertiary education ay libre… libre.
Now, kaya ako hindi nagtataka kung bakit eh ang popularity ni Presidente ayon sa pinaka-latest ng SWS at Pulse Asia ay nasa more than 80% ang trust rating at more than 85% ‘di ba, iyong satisfied doon sa performance ni Presidente sa kaniyang trabaho. So ito talaga ay bunga ng mga proyekto na ginagawa ni Presidente na he really walks the talk – he means what he says. So kung ganiyan parati then we are setting the barometer of presidential performance, ‘di ba JV, ito ‘yung Duterte legacy.
MR. ARCENA: Opo. Ito po ay mga Duterte legacy na talagang nararamdaman. Marami po ang mga benepisyaryo ang magsasalita at nagsasabi na wala ito dati, ngayon lang nila ito napapakinabangan. At partida pa lang Sec. ‘no iyong Malasakit Center, kasi si Pangulong Duterte pinirmahan din iyong Universal Healthcare, so isa pa iyon sa mga Duterte legacy na sa mga susunod na buwan ay mapapakinabangan ng taumbayan.
SEC. ANDANAR: Oo, talagang makikita mo na lahat ng mga polisiya, ng mga batas na hirap na hirap noon na ipasa sa Kongreso, sa Senado or makarating man lang sa opisina ng isang presidente para pirmahan, ay ngayon po ay nagagawa po ng administrasyong ito. This is really what the Filipinos deserve. Napakatagal na nating nagdurusa, napakatagal na nating nagsasakripisyo. Samantalang iyong mga bansang Indonesia, bansang Thailand, bansang Singapore, Malaysia, Vietnam ay napag-iwanan na tayo.
At least ngayon, makikita natin na mataas iyong level ng confidence ng mga investors na mag-invest sa bansa natin, mga foreign direct investors, mataas iyong ating credit rating na nasa BBB+, mataas ang kumpiyansa ng mga negosyante; mababa iyong inflation, nasa 1.7%; kita naman natin iyong rice tariffication ‘di ba JV, na nagresulta sa pagbagsak ng presyo ng bigas sa merkado. At hindi pa man nakakarating iyong reklamo, ay kumbaga eh iyong reklamo ng mga farmers ay hindi pa nakakalabas eh sinolusyunan kaagad ni Secretary William Dar—
MR. ARCENA: Opo, tinaas niya.
SEC. ANDANAR: Oo, at saka bibilhin niya lahat ng—o bibilhin ng Department of Agriculture lahat ng palay ng mga magsasaka. So, talagang makikita mo na itong gobyernong ito ay in touch sa mga sinasabi ng mamamayan. Iyon naman ang mahalaga doon, na hindi nalalayo ang ating national government sa kaniyang pinagsisilbihan – iyong mamamayan. Kaya nga tayo sa national/executive offices ay dinadala natin ang serbisyo, dinadala natin ang gobyerno, nilalapit natin ito sa kababayan natin sa mga kanayunan.
Last week, nandoon ako sa Cagayan De Oro para sa meeting ko with the… oo, iyong Regional Development Council, saka iyong Regional Peace and Order Council pati rin po iyong sa CORDS kung saan ako po’y in charge ng Region X. Nalalaman mo kung anong problema doon sa Lanao Del Norte, nalalaman kung anong problema sa Misamis Oriental, sa Bukidnon, sa Camiguin at pinapa-report din kami ni Presidente sa kaniya kung anong nakikita naming problema. So it’s really about bringing the national government closer to the people and bringing the services right down, right down on the ground. Hindi iyong… iyong mga Kalihim makikita mo lang nandoon lang sa mga aircon na opisina sa Maynila, hindi po. Eh kitang-kita ninyo naman na lahat kami na mga CORDS ay naka-assign sa kaniya-kaniyang rehiyon.
MR. ARCENA: At linawin lang po natin Sec., sa mga kababayan natin, baka nagtataka sila ano iyong CORDS. Ito po ay iyong Cabinet Officer for Regional Development and Security, so kayo po iyong naatasan ‘no bilang kinatawan ng official family ng Pangulo na silang tututok sa pagpapatupad ng mga programa at paghahatid ng mga serbisyo publiko ng gobyerno sa atin pong mga kababayan lalo na sa grassroots.
SEC. ANDANAR: Oo. Kaya, kapag hindi ka active eh siyempre nakakahiya kay Presidente, nakakahiya sa mga kababayan natin kapag hindi ka active sa CORDS. Kasi hindi naman lahat ng Secretary ay nabigyan ng assignment sa CORDS. I believe labingtatlo lang kaming nabigyan ng assignment.
And bukod diyan, eh of course tayo po ay nagri-reach out sa ating mga kabaro sa media kaya bukas kasama ko iyong Zamboanga Del Norte Press Club, kami po ay magkikita doon sa Dipolog para pag-usapan po ‘yung mga problema at kung ano po iyong mga solusyon sa mga problema para palakasin po iyong ating press freedom. Kaya nga po eh sa kakaikot natin sa buong Pilipinas, and then mangyayari itong panununog diyan sa loob ng Abante—
MR. ARCENA: Oo, nakakalungkot po iyong nangyari po Abante.
SEC. ANDANAR: Susmarya, iyan po naman ay… we are denouncing, kinokondena natin iyong nangyari diyan sa loob ng Abante kung saan pinasok ng mga armadong kalalakihan at sinunog pa. Buti na lang naagapan, eh nakakaawa sila ni Pareng Rey Marfil at saka iyong—
MR. ARCENA: Si Kuya Boyet…
SEC. ANDANAR: Sila Gil Cabacungan ‘no, nakakaawa. Eh kasama ko iyang mga iyan dahil ako ay mayroong column diyan sa Abante, may column. So, kaya nga sabi ko kay Usec. Joel Egco na tutukan at alamin. Pati si Presidente nagbigay ng kaniyang statement diyan, tapos si Secretary Sal Panelo pero hindi ho tayo madi-discourage sa mga ganiyang gumagawa ng mga violent acts against the media at tayo po ay nandito para tulungan po ang ating mga kasamahan sa media.
Kaya nga pinirmahan ni Presidente iyong Administrative Order No. 1 or the Presidential Task Force on Media Security. So kung sino man ho iyong gumawa noon aba’y ‘pag nalaman po namin kung sino kayo, humanda na ho kayo at iyong Presidential Task Force on Media Security, ako po bilang co-Chairman ng PTFoMS at ng ating Chairman na si Secretary Menard Guevarra at sampu ng aming mga kasamahan ay tututok ho talaga dito at talagang mananagot ho kung sino ang salarin.
MR. ARCENA: Oo. Sir, may initial na ho ba kayo na lead or result ng investigation?
SEC. ANDANAR: Sa kasalukuyan hindi muna ako makakapagsalita kasi ito ay kinaklaro pa at pinaplantsa pa at tinututukan nang husto, sinusuri nang wasto ng ating kasamahan sa PTFoMS.
MR. ARCENA: At mabuti po at mabilis din po ang aksiyon ng PTFoMS sa pangunguna ni Usec. Joel C. Egco; at sa inyo po ang instruction ay may ganitong imbestigasyon agad ‘no, na I’m sure mayroon na ho silang mga leads or mga nakuhang mga ebidensiya dito sa panununog nga po dito sa Abante. At sana, kung sinuman po ‘yung nasa likod nito ay managot at harapin iyong hustisya at iyong kaso na isasampa sa kanila.
SEC. ANDANAR: Sisiguraduhin ng PTFoMS iyan, oo.
MR. ARCENA: Sec., congratulations din pala sa PCOO dahil pumasa na sa isang deliberasyon diyan sa House iyong budget natin. Isa ito sa mga pinagkaabalahan ho ninyo this week, oo.
SEC. ANDANAR: Opo. Nagpapasalamat po tayo kay Cong. Joet Garcia, nagpapasalamat po tayo kay Cong. Ungab, nagpapasalamat po tayo sa liderato ni Speaker Alan Cayetano dahil po ito ay naipasa diyan po sa Congress nang mabilis. Tayo po ay haharap naman sa Senado para i-justify iyong budget po kung bakit kailangan ng ganoong budget na ibigay sa PCOO at sa lahat ng mga ahensiya under the Presidential Communications Operations Office.
And of course, I would like to give credit where credit is due – sa mga kasamahan po natin sa Admin and Finance, mga kasamahan po natin sa mga iba’t ibang attached agencies – na talagang nagtrabaho, talagang pinaghandaan itong budget for the Presidential Communications Operations Office. Tiyak po na kapag ito ay pumasa na sa Senado at maging ganap na budget ho na aprubado, kasama po sa General Appropriations Act ay malaki po ang maiaambag nito sa pag-level up o pag-asenso po ng ating mga ahensiya sa ilalim po ng PCOO at kasama po iyong Radyo Pilipinas at kasama rin po ang iba pang TV stations at newswire agencies tulad ng Philippine News Agency, Bureau of Communication Services at ang PCOO proper mismo at iba pa.
MR. ARCENA: Sec., ano po ang inaasahan natin, ng atin pong mga kababayan dito ho sa—lalo na dito sa budget na ito?
SEC. ANDANAR: Ang aasahan po natin sa mga—sa capital outlay halimbawa ay itong Government Strategic Communications Academy, na ito po iyong magiging akademya na magtuturo po sa ating mga Information Officers kung ano po iyong mga dapat na gawin para magkaroon po ng magandang communications strategies para po sa isang—either munisipyo, either regional office or national office.
And then asahan din po natin na iyong mga radio stations ng Radyo Pilipinas, iyong ibang napondohan ay mare-refurbish po iyong mga sira nilang transmitter at iba pang mga kagamitan. Asahan din po natin na iyong Bureau of Communication Services ay makabili po sila ng mga bagong gamit, makabili po sila ng mga printing wares para po makatulong sa kanilang operasyon. Ganoon din po sa Philippine News Agency na sa capital outlay ay makakakuha ho sila ng mas magandang budget para po naman mapaasenso nila iyong kanilang opisina, ang kanilang tanggapan para makapagserbisyo nang wasto – tulad na lamang ng, halimbawa, bagong computer para sa ating newswire agencies, bagong laptop, etcetera – marami ho eh marami ho talagang kailangan pa para ma-overhaul po natin o mareporma po natin ang ating government media agencies.
Pero ganoon pa man, of course I’m very proud of the PCOO family, kahit papaano po ay naitatawid po natin ang komunikasyon ng ating mahal na Pangulo, nakakarating po sa mga kanayunan and this explains why iyong mga media rin po sa ating mga probinsiya, sa ating mga regional offices o regional media offices ay nakakarating po sa kanila iyong balita through the Presidential Communications Operations Office and that is the reason why na kahit papaano ay malaki po ang kontribyusyon ng PNA, PIA, PTV, Radyo Pilipinas, IBC, BCS dito po sa napakataas na rating ni Presidente Duterte sa buong Pilipinas.
MR. ARCENA: At napakalaking tulong po nito Sec., lalo na sa delivery ng mga information campaigns natin, especially iyong mga upcoming natin.
SEC. ANDANAR: Oo. Well this year, kahit na wala pa hong budget ay we are using the PCOO budget wisely by coming up with communications campaigns. Kahit na wala pa hong budget, we are using what we have right now na hindi naman sapat pero ito pong Duterte legacy communications campaign which will still start this October being led by no less than JV Arcena.
So ito po ay napaka-exciting na communications campaign, because this will protect and promote the legacy of the President for the next three years, hanggang 2022. Pag-step down po ng Presidente June 30, 2022 kaya dito natin maipapako ‘yung tinatawag natin na barometro ng accomplishment, kung ano dapat ang i-accomplish ng isang presidente, kung ano dapat ang asahan nating mga Pilipino sa susunod na presidente. This is about the Duterte Legacy – it’s about setting the standard of public service.
MR. ARCENA: Bukod Sec. sa mga binanggit mo kanina, nabanggit ninyo na rin po ang Duterte Legacy… bukod ho doon sa mga sinabi ho ninyo – free tuition, universal healthcare, Malasakit… Ano pa, ano pa ‘yung mga tingin ninyo na magiging legacy ng Duterte administration?
SEC. ANDANAR: Well, nandiyan iyong Bangsamoro Organic Law (BOL), this created the Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao. Nandiyan din po iyong SSS na dagdag po na benepisyo para sa mga SSS members; sa PhilHealth; nandiyan din po iyong suweldo ng mga pulis; in the future mga suweldo ng mga maestro, mga maestro, nandiyan din ho iyan. Ano pa ba…
MR. ARCENA: Build, Build, Build…
SEC. ANDANAR: Build, Build, Build. Of course Build, Build, Build wherein the government is spending trillions and trillions of pesos for big ticket infrastructure projects ushering the golden of infrastructure for our land. Nandiyan din po iyong war against hard drugs, illegal drugs na kung saan ay napakadami pong sumurender, napakamahal na po ng presyo ng droga sa merkado. Ang shabu na dati-rati ay nasa mga P2, 800, ngayon po ay P6,800 ang presyo ng shabu. So ibig sabihin ho nito ay very effective iyong istratehiya ni Presidente na masawata, matigil, matalo natin itong mga drug lords, na masira iyong drug apparatus.
MR. ARCENA: Na dahilan po Sec., kung bakit bumaba ang krimen.
SEC. ANDANAR: Correct! Bumaba po ito nang 7 to 8 percent noong 2018, from 580,000 around that figure ay ngayon po ay nasa mga 400,000 plus. And I think for the first quarter of this year ikumpara mo noong first quarter of last year, bumaba po iyong crime volume sa Metro Manila nang halos 20%, ganoon po kataas iyong ibinaba ng crime volume.
Rice tariffication, iyan po ay legacy ni Presidente. Nandiyan din ho iyong free tuition, iyong batas din ho sa alternative learning… napakadami.
MR. ARCENA: Iyong murang kuryente.
SEC. ANDANAR: Oo, napakadami JV. Diyos ko… kumbaga ang gagawin na lang ho natin talaga ay ipatupad itong mga batas na ito, iparamdam sa mga kababayan nating Pilipino at ano iyong mga batas pa na hindi pa naipapatupad tulad ng—o na hindi pa naipapasa tulad ng Department of OFW, isa rin ho iyon na inaasahan ho natin na maging batas bago ho matapos ang termino ni Presidente.
MR. ARCENA: So, talagang marami pa hong mga batas at itong mga batas na ito ay hindi lang batas na para lang may naipasa na batas. Ito po iyong talagang sabihin po natin mga pro-poor, talagang napapakinabangan ng atin pong mga kababayan na sabi natin na mababa ho ang kita, sila ho iyong mas nakikinabang, sila ho iyong mga talagang nangangailangan ng mga batas o tulong ng gobyerno.
SEC. ANDANAR: ‘Di ba sabi nga nila, “for those who have less in lives will have more in law,” sino ba nagsabi noon? May nagsabi noon eh… na Philippine president. So, kailangan talaga ay tayong mga Pilipino ay kapit-bisig, tayo po ay tumulong sa nation-building; tulungan po natin si Presidente Duterte, mayroon pang less than three years to go. Pero kita naman natin iyong sincerity ng tao sa pagserbisyo sa mga kababayan and that reflects in his satisfaction and his approval rating, 85 and 87 percent – napakataas ho talaga. Kaya tayo ho ay bilang alter ego ni Presidente ay tuluy-tuloy rin, tuluy-tuloy lang ang trabaho natin para makita rin ng ating mga kababayan kung ano pa iyong mga pagbabago na ginawa ni Presidente dito sa bansa natin at marinig po ng ating mga kasamahan, ating mga kababayan sa kanayunan – iyon po iyong mahalaga.
MR. ARCENA: Actually Sec. ang pag-uusapan natin, iyong topic actually natin ay iyong tungkol naman po dito sa mainit na issue ngayon, ito po iyong tungkol sa traffic, na kamakailan lamang ay binanggit nga po ng Pangulo Sec., na talagang kailangan ang emergency power.
Pero kayo sir, dapat na ba talaga na bilisan at maipasa na itong panukala na magkaroon ng emergency powers?
SEC. ANDANAR: Aba’y dapat lang, ‘yan po ang gusto ni Presidente Duterte, iyan po ang gusto ni Secretary Art Tugade. The problem of traffic in the Philippines should have a holistic and systemic approach. Hindi ho dapat ito maging—iyong tinatawag natin na linear approach, iyong tipong you solve the traffic from A to B, A to D… bale—hindi ho dapat ganoon. Dapat po ay systemic, wherein it should be solved in terms of groups, na kapag sinolve mo iyong A, sinolve mo iyong B, dapat i-solve mo rin iyong C, D, E, F, G… hanggang umabot sa Z at bumalik sa A. Dapat paikot-ikot ito, hindi ho siya linear… Dapat non-linear ho iyong pag-solve at systemic ho ang tawag diyan.
And for example, makita mo na ginagawa po iyong Skyway, eh siyempre hindi naman overnight matatapos iyong Skyway, ginagawa ho iyong isa pang Duterte legacy, itong subway. Eh hindi naman overnight magagawa iyong subway. Nandiyan din ho iyong ating north rail, south rail; nandiyan din ho iyong mga ating bagong C-6 dito ho sa… after C-5, hindi ba?
MR. ARCENA: Oo, sa may Taguig.
SEC. ANDANAR: Sa may Laguna de Bay ba iyan?
MR. ARCENA: Oo, Laguna de Bay.
SEC. ANDANAR: So, nandiyan lahat iyong mga projects na iyan, but then again we need to look for other solutions na habang ginagawa iyong mga Skyway na iyan, iyong mga underground subway na iyan, eh dapat tingnan din ho natin iyong iba pang mga paraan. For example, ibang paraan: itong mga subdivision, iyong ating mga big developers dito po sa Metro Manila, kailangan ho ay mapagbigyan iyong riding public o iyong motorists na kahit papaano ay makadaan doon.
Dito po sa Las Piñas mayroon pong tinatawag na friendship routes, iyon mga subdivision ho ay nakakapasok po doon iyung mga motorista to cut through the traffic para makaiwas po dito sa Zapote-Alabang road at sa iba pang mga main thoroughfares dahil napaka-traffic nga. Dito sa Makati halimbawa all the way to QC, ay napakadaming mga private subdivisions, isa ho iyan sa mga nakikitang solusyon.
Nandiyan din po iyong traffic sa airport ‘di ba? Iyong traffic airport natin na kailangan ma-solve agad kung sino iyong puwedeng nakakalapag diyan, nakakalipad diyan, kung saan mo puwede ilipat iyong mga private planes, cargo plane… kasi kailangan mo ng emergency powers to be able to do this and to be able to move them, to move the irritants.
MR. ARCENA: By the way Sec., kasama rin po natin, nasa kabilang linya ng telepono si Undersecretary TJ Batan, ang Usec for Railways ng Department of Transportation. Good evening po Usec. TJ, live ho tayo dito sa Cabinet Report sa Teleradyo kasama rin po si Secretary Martin Andanar.
USEC. BATAN: Yes, magandang gabi. Good evening po Secretary Martin at sa mga listeners po natin.
SEC. ANDANAR: Hello, good evening Usec. TJ. TJ should be the one to—he is the man, he would know all of the solutions and how the emergency powers in transportation can solve at least our immediate problem in Metro Manila, especially in the area of traffic.
MR. ARCENA: Usec., unahin lang kita doon sa nangyari sa Senado ‘no. Ano po ‘yung inyong naging posisyon o anong posisyon ng DOTr diyan sa naganap na hearing nga sa Senado kaugnay nga po diyan sa emergency powers?
USEC. BATAN: Siguro po, ukol doon sa hearing na naganap earlier this week sa Senado, tayo po ay pumunta doon na with the intention na ipaliwanag po nang lubos sana kung ano ba itong ibig sabihin ng emergency powers na hinihingi natin sa Kongreso. Dahil po sa ang sitwasyon po natin na hindi po iyong normal eh, hindi po siya iyong normal na sitwasyon, talagang emergency na po itong kondisyon natin sa trapiko kung kaya po naniniwala tayo na ang kailangan po nating tugon dito po sa kondisyon na ito ay ibang emergency level din po, crisis level nga ‘ika nga. So unfortunately po, medyo hindi po naging ganoon iyong linya noong diskusyunan noon pong tayo ay bumisita sa Senado at iyon po, nandito po tayo kung nasaan tayo dahil diyan.
MR. ARCENA: Ang sabi ho ni Senator Poe ‘no na hindi raw po ito shotgun approach. Dapat daw may malinaw na masterplan. Ano po ang reaksiyon ninyo sa DOTr dito?
USEC. BATAN: Ah tama po actually na kailangan ng malinaw na masterplan, at siguro po kung hindi po nalalaman noong nakararami, mayroon po tayong existing na mga masterplan na siya pong inuugatan noong ating mga proyekto sa Kagawaran ng Transportasyon. Noon po kasing 2014 kung maaalala ninyo po, mayroong nakilala bilang iyong JICA Dream Plan, so iyon po iyong isang naging tawag sa kaniya. Pero sa katunayan po, iyan iyong tinatawag natin na Transportation Roadmap—Roadmap for Transportation Infrastructure in the Greater Capital Region.
So iyang roadmap po na iyan noong 2014, iyan po ay pinondohan ng JICA, iyan po ay ginawa ng isang interagency na proseso – nandiyan po ang NEDA, DPWH, ang DOTr, ang mga LGUs at ang iba pa po nating mga ahensiya. Ngayon po, hindi tayo tumigil diyan sa 2014 roadmap na iyan; nito pong 2016 to 2018 in-update na po natin iyan. So kung maaalala ninyo po, dati sinasabi natin 2.4 billion pesos a day iyong cost of congestion dito sa Kamaynilaan. So recently po noong in-update natin iyong roadmap natin, lumabas po iyong 3.5 billion pesos—
MR. ARCENA: Tumaas.
USEC. BATAN: Opo, tumaas. Iyan pong 3.5 billion pesos a day na iyan, hindi naman po iyan hinugot sa hangin, napakalalim po noong pag-aaral na pumasok diyan sa pigurang iyan. At ito nga pong transport roadmap, siyempre nga po nag-umpisa siya, kinuwantify (quantify) niya iyong problema, 3.5 billion a day, at siyempre hindi naman po siya problema lang, nandoon po sa transport roadmap iyong napakahabang listahan po ng mga proyekto; mga proyekto po hindi lang ng DOTr pero pati po proyekto ng DPWH. So nakalista po doon iyong mga expressway, iyong mga consolidated na bus terminal, iyong mga daan, iyong mga riles na kailangang itayo upang masolusyunan iyong lumalaki nating problema sa trapiko.
So iyong punta po sana namin nitong earlier this week sa Senado, iyon po sana ay oportunidad na maipaliwanag po namin iyang transport roadmap na iyan, iyang tinatawag po na masterplan upang malaman po ng ating mga kasamahan po sa Kongreso, sa Senado at lalo na po ng ating mga mamamayan, na ito pong mga proyektong pinapatupad natin ay hindi po hugot-hangin; hindi po ito individual/separate projects.
Ang ginagawa po natin dito… ah tama po iyong nadatnan kong pinapaliwanag ni Sec. Martin kanina na ang problema po ng trapiko ay hindi po isa, hindi po EDSA lang. Ang problema po sa trapiko kung masosolusyunan po siya, kailangan po isipin natin na isang network po iyong tinatawag namin – kailangan po nating tingnan iyong kabuuan ng Kamaynilaan at iyan po ang kahalagahan ng masterplan.
So siguro po, linawin lang namin – mayroon po tayong interagency masterplan, 2014 po – iyon po iyong original version, in-update po natin nitong 2018/2019 at ito pong mga proyektong ginagawa natin ay lahat po diyan po nakaugat.
MR. ARCENA: I understand nabanggit na ho ito ni Secretary Martin, iyong tungkol nga po kung bakit kailangan ng Pangulo ng emergency powers. Pero kayo sa DOTr, sa tingin ninyo sa ngayon, kailangan pa ba talaga ng Pangulo ng emergency powers para tugunan ang Metro Manila traffic?
USEC. BATAN: Ang sinasabi po ni Secretary Tugade ukol diyan ay makakatulong po ang emergency powers. Pero kung ayaw po nilang ibigay, eh sige po, tutuloy po kami sa pagtatrabaho. Sabi po ni Secretary Tugade, we will proceed stronger and firmer. Kung dati po double/triple time po ang trabaho, ngayon po siguro quadruple time dahil po sa talagang—ano ito eh, dahil po dito sa bigat po ng kasalukuyang problema, dapat po iyong reaksiyon o iyong tugon ay kasing bigat din.
Ngayon po, tayo po dito sa DOTr makikita naman po natin na dito po sa napakahaba po na listahan ng accomplishments ng DOTr sa pamumuno po ni Secretary Tugade nito pong nakaraang tatlong taon na talaga pong madami po tayong ginagawa, na kahit ho walang emergency powers. Ang hiling lang po sana natin sa Kongreso ay kaunting tulong, kaunti pong… siguro matawag natin na suporta o resbak galing po sa Kongreso para naman po itong nagagawa na natin, mas marami pa po tayong magawa at mas mapabilis pa po natin iyong pagsasagawa sa kanila.
So iyan po sana iyong kadahilanan kung bakit po tayo nanghingi ng emergency powers, ngunit tulad nga po ng sabi ni Secretary Tugade kanina, kung ayaw po nilang ibigay eh ‘di huwag na po. Ano na lang, tututok na lang po kami sa pagtatrabaho nang double time/triple time po at nang sayang po iyong oras sa salita, sayang po iyong oras sa what appears in politics po and balik trabaho na lang po.
SEC. ANDANAR: JV, may tanong lang ako kay Usec. para din po maliwanagan iyong ating mga kababayan. Kasi mas alam niya, although kanina I was talking about systemic solutions for traffic pero of course si Usec. talaga may authority dito. Usec., ipaliwanag mo lang sa mga kababayan natin in layman’s term – ano ang magagawa ng emergency powers para kahit papaano ay maibsan o masolusyunan nang konti ang bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila?
USEC. BATAN: Sec. Martin, dalawang bagay po siguro na pinakamalaking parang classification. Una po, mayroon po kasing mga kasalukuyang proseso na nagtatagal doon po sa pag-implement natin ng mga proyekto, so iyan po ay broadly ito pong proseso ng procurement at iyong proseso po ng right of way acquisition. Sa kasalukuyan po, nakakapag-implement naman po tayo ng projects, ang dami na nga po nating nagawa gamit po iyang mga kasalukuyan nating proseso sa procurement at sa right of way acquisition.
Kaso nga lang po, lalo na po ngayon na three years na po tayo dito, mayroon po tayong mga nakitang mga oportunidad sana, upang ma-streamline o mapabilis o mapaigsi po iyong proseso para naman po itong mga proyektong isinasagawa natin ay mas mabilisan pong matapos. So iyon po iyong una, mapaigsi po sana natin itong mga proseso na makita po natin by experience, again po iyon sana iyong gusto naming ilahad noon pong Lunes, ito pong mga hinihiling natin na mga specific measures po. Hindi lang po rin hinugot po sa hangin, nanggagaling po kami sa tatlong taon ng experience ng pag-i-implement at iyon po sana manghihingi kami ng very specific na tulong.
Pangalawa po, dito sa naririnig po natin palagi na palaging TRO. So siguro nga po mapaigsi natin iyong proseso, pero minsan po kasi talagang hindi po natin maiwasan na mayroon pong mga naaapektuhan na interes at iyang mga interes po na iyan ‘pag naapektuhan ay tumatakbo po sa ating mga korte at kumukuha po ng tinatawag nating TRO para mahinto iyong pag-implement natin ng mga proyekto.
Magbigay po ako ng halimbawa: Isa po doon sa mga innovative solutions po, mga innovative. Lahat ng makabagong solusyon sana dito sa ating trapiko na mabilis po sanang ma-implement ay itong plano po ng MMDA na i-consolidate po iyong mga bus terminals natin dito po sa labas ng Kamaynilaan para naman po mabawasan iyong volume ng mga buses dito po sa EDSA. Ang kasamaang-palad po diyan ay dry run pa lang, sinusubukan pa lang po sana ng MMDA, uumpisahan pa lang po nila ay na-TRO na po sila.
So marami pa po tayong ibang innovative solutions na gusto po sana natin na subukan at ilagay po doon sa emergency powers tulad po noong consolidation ng prangkisa ng mga bus para po maging mas maayos po iyong pag-manage noong mga ruta, iyong paggamit po noong mga ibang kalye po, mga pribadong kalye para po madagdagan iyong puwedeng gamiting daan.
So iyan po kasing mga bagay na iyan na pati po iyong coordination among local government units at iyong iba-iba po nating ahensiya, iyan pong mga bagay na iyan ay kung titingnan po natin iyong kasalukuyan nating mga batas ay madali po tayong maharangan, na again, galing po tayo sa experience natin ng MMDA diyan po sa provincial bus ban. Kita po natin, kung mayroon kang nasagasaan na pribadong interes sa pag-implement po nitong mga solusyon sa trapiko na ito ay made-dead end ka; made-dead end ka dahil dito sa TRO at iyan po sana kung tayo po ay napaunlakan ay gusto po sana nating ma-address doon sa emergency powers.
SEC. ANDANAR: ‘Ayun, very clearly explained Usec. Pero alam mo JV, ganito kasi iyan eh… Iyong trapiko sa Metro Manila, tama si Usec. eh, we are the very unique situation, kakaiba ito dahil ito ay resulta ng over or rapid urbanization that was basically unchecked sa area ng transportation. So after decades and decades and decades of urbanization, padami nang padami iyong sasakyan, hindi lumalaki iyong kalye pero hindi nagagawan ng solusyon ng mga nagdaang gobyerno. At ang nagdurusa ngayon ay mga kababayan natin at this time, under the Duterte administration, na hindi naman kasalanan ng Duterte administration.
So it is a very unique problem that would require very unique solution. So kung ako nga, dapat pagbigyan ho talaga ang DOTr, pagbigyan ho talaga si Presidente Duterte na magkaroon ng emergency powers para mabigyan ng solusyon kahit papaano ang napakabigat na daloy ng trapiko. Otherwise, ano pang gagawin natin kundi kung ano na lang ang available na mga solusyon dito; for example, nabanggit iyong mga private roads kung puwedeng gamitin.
Number two, iyong nabanggit ni Usec. na problema natin sa right of way, sa gumagawa ng mga Skyway diyan, hindi nakakatuloy iyong Skyway dahil may problema sa right of way, malaking problema iyan. And it only goes to show which is also unfair for DOTr kasi the problem of the traffic situation in our country is not only DOTr; DOTr… nandiyan din iyong DPWH na gumagawa ng kalye, nandiyan din iyong MMDA, nandiyan iyong mga local government units, mga traffic enforces… lahat ho iyan kawing-kawing iyan eh. Development of our land, development of a particular city – lahat ito nakakaapekto iyan. Iyong mga malls sa EDSA, under—ibang ahensiya naman iyan – Department of Trade and Industry. So, iyang problema sa traffic, kawing-kawing at hindi ito dapat ay nasisisi lamang sa DOTr. In fact, this is not the job of DOTr para mag traffic diyan sa EDSA. Hindi ba tama ho Usec.?
USEC. BATAN: Tama ho Sec. Martin. Napakarami ho ng ahensiya na involve po dito sa trapiko: Nandiyan na po iyong MMDA; nandiyan na po iyong iba’t iba nating local governments. At isa po doon sa mga element sana noong emergency powers ay magkaroon po ng isang unified na coordinated na sistema para po lahat nitong involved na ito ahensiya na ito ay magsama-sama para po sa isang coordinated response dito sa problema natin sa trapiko.
MR. ARCENA: Kung sakali magkaroon ng emergency powers, magiging traffic czar si Sec. Tugade, tama po ba Usec.?
USEC. BATAN: Iyong emergency powers bill po natin, ang binibigyan po ng emergency power ay si Pangulong Duterte. Hindi naman po diyan nakalagay kung sino iyong ide-designate na traffic czar. Iyan po ay isang designation po na si Pangulo po ang gagawa.
MR. ARCENA: Kanina tinamaan po o nakaramdam po ang Metro Manila ng napakalakas na lindol, kumusta po ang operasyon ng atin pong mga MRT, LRT at PNR?
USEC. BATAN: Kasalukuyan po tayong back to regular operations sa lahat po ng linya. Noong naramdaman po natin iyong earthquake ay pinatupad po natin iyong protocol natin na temporary stoppage sa lahat ng train. Ibinaba po natin ang lahat na mga pasahero sa mga istasyon at tayo po ay nag check ng structural integrity. So, na clear na po lahat ng linya natin at back to full and regular operations po tayo ngayon.
MR. ARCENA: Okay. Sir, panghuling mensahe bago ho tayo magpaalam dito sa Cabinet Report sa Teleradyo.
USEC. BATAN: Panghuling mensahe po siguro ay una sa lahat, siguro po kung maihahalintulad natin itong sitwasyon natin sa isang sakit, kapag po iyong sakit natin ay manageable pa, siyempre hindi po tayo pumupunta sa emergency room. Punta po tayo sa doktor, pa-checkup po tayo dito, patingin doon, gamot dito, gamot doon. Pero kapag emergency na po iyong ating kondisyon, siyempre emergency room din po tayo dahil nangangailangan ng emergency na lunas – iyan po sana iyong gusto natin na makuha dito po sa emergency powers.
At pangalawa po, again po sabi po ni Secretary Tugade kanina, never po natin sinabi na wala pong nagawa at walang magagawa nang walang emergency powers. Napakarami na po ng nagawa nitong huling tatlong taon, marami pa pong gagawin itong next three years. At sana lang po kung naintindihan lang po sana ng ating mga kasamahan po sa Kongreso ay mas marami pa po sana at mas mabilis pa po sana itong mga gagawin nating proyekto para po—siguro sa final note, sabi po ni Secretary Tugade, kung ayaw po huwag na lang po and babawiin na lang po namin sa dagdag na trabaho ng DOTr at ng buong Kagawaran po ng Transportasyon dahil po ang utos naman po ni Pangulo is gawin po ang lahat at mai-deliver po natin itong komportableng buhay po na pangako ng ating mahal na Pangulo.
MR. ARCENA: Maraming salamat, Undersecretary TJ Batan ng Department of Transportation.
USEC. BATAN: Maraming salamat din, good evening.
MR. ARCENA: Thank you po Usec TJ Batan; thank you rin po kay Secretary Martin Andanar at kay Asec Kris Ablan. Muli po ako si JV Arcena, at ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)