MACALMA: Secretary Panelo, sir, magandang umaga.
SEC. PANELO: Good morning.
MACALMA: Sir, nagbibiro ba o seryoso ang Pangulong Duterte nung sabihin niya kagabi na siya ang nagpa-ambush kay Mayor Vicente Loot ng Cebu?
SEC. PANELO: Unang-una, iyong balita na nakita ko doon sa (unclear) eh, “President Duterte ordered the ambush,” eh natatawa na lang ako. Alam mo, ang problema kasi doon sa mga kritiko niya at mga … pati mga reporters kung minsan, hindi nila iniintindi na si Presidente Duterte ay Bisaya. Ano ba ang sinabi niya? Ang sabi niya, “In-ambush kita, animal ka, buhay pa rin.” Doon lang sa salitang iyon alam mong mali na kaagad iyong dating eh. Ang ibig niyang sabihin, in-ambush ka na, buhay ka pa rin. Iyon ang ibig niyang sabihin doon.
You know, ang Filipino ay hindi niya katutubong dila or it’s not his native tongue. Mapapansin mo iyan kapag nagta-Tagalog siya, kung minsan nagtatanong nga, ‘Anong meaning ng ganito, ganiyan.’ Bisaya eh.
At saka isa pa, Deo, iyong mga speeches niya noong mga nakaraan, iyon din ang sinasabi niya kapag pinag-uusapan si General Loot sinasabi niya, ‘Oh in-ambush ito, buhay pa rin.’ Palaging ganoon ang linya niya.
MACALMA: So hindi po direktang pag-amin. In-ambush siya at hindi niya pina-ambush, ganoon. Magkaiba iyon, magkaiba.
SEC. PANELO: Malayo.
MACALMA: Okay. Anyway, Secretary Panelo, sir, itong si General Bantag, bakit siya ang pinili ng Pangulong Duterte na maging bagong BuCor Chief kapalit ni Faeldon?
SEC. PANELO: Matagal na siya dito sa BJMP. Organic iyan dati sa BJMP. In other words, he was designated on the basis of professional competence and honesty. Now, sinasabi nila ay killer daw, killer. Unang-una, alam mo iyong pangyayari doon sa Parañaque Jail, iyon ay nakabinbin ngayon sa korte. Iyong dating demanda sa kaniyang murder ay na-downgrade na sa homicide.
Pangalawa, since nakabinbin pa, hindi natin masasabi kung siya ay guilty or not. The presumption of innocence, as the President correctly pointed out, applies to him.
MACALMA: So isang naging basehan ng Pangulong Digong—dahil ang balita ay matapang daw, barako itong si General Bantag kaya gusto ng Pangulo, Secretary Panelo?
SEC. PANELO: Well, alam mo, kahit matapang ka kung hindi naman honest at hindi ka competent, wala rin iyon. So iyong tatlong iyon ang kailangan – competent ka na, matapat ka pa sa tungkulin mo, at matapang ka kasi matatapang iyong mga nandoon sa loob ng Muntinlupa. Kailangan mas matapang ka sa kanila.
MACALMA: At nakita niya ito sa katauhan ni General Bantag, Secretary Panelo?
SEC. PANELO: Yes, iyon ang reputasyon niya bilang jail guard.
MACALMA: Kasi galing na rin ito sa … bukod sa Parañaque City Jail, galing din pala ito sa Manila City Jail.
SEC. PANELO: Oo nga, kaya BJMP nga siya. Organic siya. So talagang sanay siya diyan. Sanay siyang humawak ng mga bilanggo.
MACALMA: Iyong isa pa, seryoso ang Presidente sa pagbibigay ng one million reward sa mga hindi susukong inmates na nakalaya sa GCTA, Secretary Panelo?
SEC. PANELO: Well, sinasabi niya na since mayroon ng order for them to surrender, kapag hindi sila sumuko ibig sabihin fugitive na sila. Now, kapag inaresto sila at naglaban sila, talagang hindi naman… alangan namang mamatay iyong umaaresto. Kaya sabi niya, ‘Ah bibigyan ko kayo ng isang milyon kapag dinala ninyo sa akin iyan buhay o patay.’
MACALMA: Actually, last day na yata bukas, Secretary, ang ultimatum ng Presidente sa mga GCTA grantees, ano po?
SEC. PANELO: Yes. Marami naman nang sumuko, mga—ilan ba? Apatnaraan mahigit na. Baka naman iyong iba ay hindi nila alam, hindi pa nila alam na pinapasuko sila.
MACALMA: Secretary, isa na lang po. Natapos na ng DOJ ang pag-review sa IRR ng GCTA law. Nilinaw na hindi kasama sa pagkakalooban ng parole o kaya pagpapalaya ang heinous crime, Sec. Tingin ninyo ay matatapos na ang usaping ito, Secretary?
SEC. PANELO: Kaya nga nagkaroon ng gulo iyan dahil iyong IRR na inisyu ni Secretary De Lima noong panahon niya ay isinama niya kasi iyong heinous crime doon sa mga beneficiaries, na hindi dapat. Pagkatapos ang depensa niya, hindi lang naman ako ang nag-isyu diyan. Eh ikaw ang nakapirma, kumbaga command responsibility iyan. Mali ang basa ninyo doon sa principal law, doon sa pinanggalingan ng IRR. Pero ngayon na-correct na naman, so hopefully ay hindi na magkakaroon ng mga iba’t ibang interpretasyon.
MACALMA: Last, Secretary. Si Usec. Faeldon, bibigyan pa ba ng panibagong posisyon, sir?
SEC. PANELO: Hindi ba sinabi ni Presidente, tinanggap na ni Chief Faeldon iyong inaalok ng isang private company.
MACALMA: So private citizen muna siya, hindi na …wala na …
SEC. PANELO: Pribado na. Mukhang relieved na relieved naman siya noong siya ay natanggal sa posisyon dahil problematic masyado iyong posisyon niya eh.
MACALMA: Secretary Panelo, mukhang aalis kayo. Nasa airport ba kayo? Saan ang punta ninyo?
SEC. PANELO: Pauwi na ako. Ako’y panauhin pandangal sa piyesta ng Zamboanga del Sur. Nagsalita ako ng dalawang araw, magkaibang event. Pauwi na ako, nasa airport.
MACALMA: Okay. Secretary, sir, maraming salamat. Good morning. Thank you very much.
SEC. PANELO: Thank you, Deo.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)