ASEC. ARCENA: Nasa linya na ho ng telepono si Secretary Martin Andanar. Good evening po, Sec.
SEC. ANDANAR: Hello, good evening JV at congratulations sa bago mong appointment as Assistant Secretary for the Presidential Communications Operations Office. And I’m very confident and I’m very sure that you will do a fine job.
ASEC. ARCENA: Thank you, sir. Thank you po – unang-una, thank you po sa tiwala at kumpiyansang ibinigay po ninyo sa akin – at kay Pangulong Duterte at ipinapangako ko po na I will work harder para ho sa tuluy-tuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan at para maiparating iyong mensahe ng atin pong administrasyon sa atin pong mga kababayan. Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo pong tiwala at sa atin pong mga kasamahan sa PCOO at kay Pangulong Duterte. Sec.
By the way sir, kamusta?
SEC. ANDANAR: Well alam mo, this week has been very good for the Presidential Communications Operations Office and for the President, particularly sa Presidential Task Force on Media Security kung saan ay iyong tatlong suspect sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Kidapawan City ay na-charge na ng murder. At siguro naman naalala mo ‘di ba nandoon tayo sa Presidential briefing room at hindi ba nagpunta doon iyong maybahay at iyong mga witnesses na inilagay po sa Witness Protection Program.
So noong mga nakaraang araw ay sinampahan na po ng kasong murder itong sina Junell Jane Andagkit Poten, Sotero Jacolbe, Jr. at si Dante Encarnacion Tabusares – ito po, dahil sa pagpatay kay Eduardo ‘Ed’ Dizon doon po sa Kidapawan City. So magandang development ito for the Presidential Task Force on Media Security; ito po ay nangangahulugan na talagang hindi po titigilan, hindi tinitigilan at hindi po tatantanan ng ating mga kasamahan sa PTFoMS ang mga kaso ng media violence dahil wala po talagang puwang itong media violence under the Duterte administration.
And again, we are also hopeful na magkaroon na po ng closure at resolution at closure ito pong Maguindanao Massacre naman na magkakaroon po ng isang commemoration ngayong November. So sana po before the commemoration ay magkaroon na po ng final decision ang korte.
ASEC. ARCENA: Malapit na pala ‘no, malapit na ang ika-sampung anibersaryo nitong Maguindanao Massacre. Pero congratulations po sa inyo Sec. at sa PTFoMS dahil nga po sa mabilis na aksiyon at development dito sa kaso ni Mr. Dizon. Ito po ay kasama sa mga legacy ng Pangulong Duterte dahil dati ang tagal ho ng galaw, ang tagal ng resolusyon ng mga kaso ng mga media killings. Pero ito, hindi pa nag-isang buwan o mahigit isang buwan pa lang ay nagkaroon na agad ng pagsasampa ng kaso, umusad na iyong kaso, naisampa na sa korte itong kaso.
SEC. ANDANAR: Iyon na nga. Kung dati-rati usad pagong, delayed iyong justice… ay kita po naman natin dito sa kasong ito, kay Ed Dizon ay napakabilis ng pag-aksiyon po ng Presidential Task Force on Media Security sampu po ng kasama nito na Philippine National Police at ng prosecutor at nasampahan agad ng murder charges.
But anyway, marami pa tayong mga dapat na trabahuhin na mga kaso ng mga media violence. And we are praying also that lalo pang mabigyan ng wisdom, that the judges of the other cases will see the light and really hasten the decision on the cases of other victims of media violence.
So ngayong linggo na ito, ang mga maiinit na issue ay napag-usapan at isa diyan ay ang African Swine Flu.
ASEC. ARCENA: Yes sir, iyan po iyong pag-uusapan po natin ngayong episode na ‘to, iyong tungkol po sa African Swine Fever na itinaas nga po—na idineklara nga po dito ng Department of Agriculture at marami ho ang naapektuhan; iyong mga kasama natin o iyong mga ilan po nating kababayan ayaw nang kumain ng baboy dahil nga raw po dito sa ASF.
SEC. ANDANAR: Oo. But then again, ilan beses pong ni-remind ni Secretary William Dar na hindi po ito nakakaapekto sa tao, itong African Swine Flu. So iyong baboy po na kakainin, hindi po ito nakakahawa sa tao. Kaya bukas nga ay mayroon isang non-profit organization na magkakaroon po ng boodle fight somewhere here in Manila, alas kuwatro ng hapon para ipakita po sa mga kababayan natin na ito po ay hindi nakakahawa sa tao at iyong mga baboy ay safe naman kainin.
Pero ganoon pa man ay ginagawa rin ng Department of Agriculture ang kanilang magagawa para ma-contain po itong problema ng African Swine Flu.
ASEC. ARCENA: Nabanggit ninyo na sir iyong tungkol nga po sa ASF. Saktong-sakto sa pinag-uusapan natin, nasa linya po ng telepono ngayon si Secretary William Dar ng Department of Agriculture para bigyan ho tayo ng update at ng mga ilan pong mga development dito sa issue na ito. Good evening po Secretary Dar, live ho tayo dito sa Radyo Pilipinas sa Cabinet Report sa Teleradyo. Ako po si JV Arcena, at nasa kabilang linya naman po ng telepono si Secretary Martin Andanar. Good evening, sir.
SEC. DAR: Good evening po. Good evening, JV. Good evening po Sec. Andanar.
SEC. ANDANAR: Good evening, Sec. Dar. Good evening po, welcome po sa Cabinet Report.
SEC. DAR: Good evening, Sec. Mart. Kumusta kayo.
SEC. ANDANAR: Ito, of course trabaho lang tayo nang trabaho… Pero kanina nga po ay nandoon ako sa isang kasal at mayroong isang non-profit organization at sabi niya na mayroon daw kayong isang activity bukas na boodle fight. May boodle fight daw kayo bukas ng alas kuwatro ng hapon at ipapakita sa publiko na safe na kumain ng baboy.
SEC. DAR: Opo, safe na safe po basta dumaan sa tamang proseso Sec. At itong tamang proseso na ito, iyong mga baboy at dadalhin sa slaughter house at bago katayin ay susuriin po ng beterinaryo at kung ito ay walang sakit, ito na iyong bibigyan ng clearance na kakatayin. At kung nakatay na po Sec. ay tatatakan ng NMIS trademark at bibigyan din ng sertipikasyon ng NMIS para maitinda na sa merkado. So lahat po na darating sa merkado na may tatak ‘NMIS’ at may certification galing NMIS ay safe na safe po ang karne ng baboy.
ASEC. ARCENA: Secretary Dar, for example po sa mga probinsiya walang ganoon, hindi dumaan sa ganyang proseso, nakakain na po ang tao ng baboy na may ASF, mayroon po bang—ano po bang mangyayari, safe po ba ito?
SEC. DAR: Wala namang mangyayari, hindi naman transferable disease [choppy line]…
ASEC. ARCENA: Sir sa ngayon po, ano po iyong kasalukuyang sitwasyon ng ASF?
SEC. DAR: Sa ganito po, na-contain na natin, na-control natin doon sa Rodriguez, Rizal. Alam po ninyo noong panahon na may problema sa Rodriguez, Rizal, mayroon ding mga traders na nagtitinda ng baboy galing Rodriguez at dinala sa Guiguinto, Rizal. Dito naman sa Guiguinto na naging may sakit at mayroon ding nabili ng iba’t-ibang mga backyard hog raisers diyan; at ito na ngayon iyong mayroong quarantine areas dito sa Central Luzon.
Another area na mayroon tayo dito ngayon, sa Quezon City; may dalawang area, isa sa Payatas at isa sa Bagong Silang. So mayroon pa outbreaks po Sec. Mart dito sa areas na ito, so under quarantine na rin itong dalawang areas sa Quezon City.
SEC. ANDANAR: Bukod po dito sa Quezon City – sa Metro Manila Sec. William, dito po ba sa Visayas at sa Mindanao, mayroon na po ba tayong mga cases na nadiskubre na mayroong African Swine Flu?
SEC. DAR: Wala pa pong reported incidents dito sa Visayas and Mindanao. So that’s a good thing—that’s a good development na wala pa pong African Swine Fever po na naobserbahan dito po sa Visayas and Mindanao.
ASEC. ARCENA: Sir, ano po ang ginagawa ngayon ng DA para ho ma-control at hindi ho maapektuhan iyong bentahan ng baboy at iyong maging mga… iyong mga nagtitinda?
SEC. DAR: Ganito po, mayroon tayong guidelines na na-issue na at continuously strengthening these guidelines in regards to transporting hogs or transporting pork and/or pork products dito sa mga areas na walang African Swine Fever. So again, what is to be required during transport ay iyong veterinarian health certificate or the certification; kung meat products naman, iyong certification—even processed products, kailangan natin iyong certification ng National Meat Inspection Service.
Kung wala pong mga ganitong mga dokumento at nagta-transport po ng baboy o nagta-transport sila ng meat/pork like that, and/or processed products ay puwedeng kumpiskahin po; mas lalo na kung hindi natin alam kung saan nanggaling.
SEC. ANDANAR: Sec. William, batay po sa pag-aaral ng Department of Agriculture, alam na po ba natin kung ano po iyong source, kung saan po nakuha itong African Swine Fever?
SEC. DAR: Ganito po, ang initial finding po natin, ay alam po natin na mga hotels diyan sa Metro Manila, iyong food waste sa mga hotels at sa mga restaurants ay kinokolekta at being dumped in Rodriguez, Rizal. ‘Di ba may dump—iyong basurahan ay nandiyan sa big dumping area sa Rodriguez, Rizal.
Now, mayroong mga nagnenegosyo diyan sa areas na iyan, kumokolekta ng food waste diyan sa basurahan at sinasako at binibenta sa mga backyard hog raisers – at ito iyong suspetsa natin na iyong mga food waste na galing doon sa mga hotels o restaurants ay carrier na ng African Swine Fever virus.
SEC. ANDANAR: So, it’s possible Secretary Dar na iyong waste na iyon, iyong baboy na kung saan ginamit, you know, ng isang hotel ay posibleng imported o processed meat, galing abroad.
SEC. DAR: Iyong processed products po iyon most likely, kasi mas lalo iyong mga galing doon sa mga products kagaya ng China, Vietnam na apektado na at isa ring potential na source ng pagpasok po ng African Swine Fever dito sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Eh paano po iyong mga luncheon meat, pork luncheon meat na galing po sa China? Ano po bang payo ng Department of Agriculture?
SEC. DAR: Sec. Mart, bina-ban lahat basta affected countries, wala nang importation on meat products, pork products.
SEC. ANDANAR: Okay.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)