Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar Cabinet Report sa Teleradyo, Radyo Pilipinas by PCOO Asec. Kris Ablan and Asec. JV Arcena


ASEC. ARCENA: Nasa linya na pala ng telepono si Secretary Martin Andanar. Good evening po Sec. at live ho tayo dito sa Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. ANDANAR: Hi, good evening JV and Kris. Good evening and salamat sa pag-congratulate mo sa akin, but really the congratulations should go to the PCOO family kasi alam mo hindi naman tayo magagawaran ng ganiyang parangal kung hindi dahil sa ating mga kasamahan sa PCOO; ang ating mga Usec., mga Asec., mga Director, sa lahat ng mga staff including ang ating mga regular employees, matagal na sa byurokrasya. Because of your hard work, of course makikita naman natin na mataas po ang tiwala ng mga kababayan natin sa gobyerno po ni Pangulong Duterte.

Based on the latest survey sa war on drugs, halimbawa, 82% ng mga adult Filipinos ang satisfied sa pamamaraan ng ating gobyerno para labanan ang droga. Pangalawa base rin po sa survey ng SWS at ng Pulse Asia, mataas po iyong approval rating. Nasa 82 to 85 percent po approval rating and satisfaction rating para po kay Pangulong Duterte. And of course, ang Presidential Communications Operations Office ay nasa forefront po ng pag-disseminate ng mga impormasyon mula po sa ating pamahalaan.

And yes, thank you to the Philippine Cancer Society at ito naman ay nakaka-inspire sa buong PCOO na magtrabaho pa at galingan pa ang mga susunod na mga campaigns for the Duterte presidency; kaya nga nandiyan ang ating Duterte Legacy, naghihintay to be launched by the end of October.

And speaking of projects, you know, projects Kris and JV, they would need funds ‘di ba? Kaya tayo nagpapasalamat kay Senator Dick Gordon na pinasa na niya iyong budget ng PCOO sa committee level at si Kris naman is the one shepherding this all the way to the plenary. So, anong balak mong gawin Kris para smooth sailing tayo sa plenary?

ASEC. ABLAN: Well, nag-establish na tayo Sec. ng good relations with the Office of Senator Dick Gordon and then nasabihan na rin po tayo kung ano iyong mga iba’t ibang mga issues at saka mga reports na kailangan nating isumite. So we will try to submit them by next week po Sec. para wala po tayong problema pagdating sa plenary.

SEC. ANDANAR: Iyan, oo kasi marami ring hiningi si Senator Dick Gordon at ganoon din si Senator Francis Tolentino. But we thank both senators for their wisdom for giving their advice kung ano iyong mga kailangan pa para ma-improve ang ating communications. Alam mo naman, this is an ongoing and a developing and a growing system that we have; wala namang monopoly of ideas but rest assured na kung ano iyong mga payo sa atin ng dalawang senador, we take it to heart and we will do everything to implement the suggestions.

JV…

ASEC. ARCENA: Tama ka Sec. ‘no. Actually, nag-usap na kami ni Asec. Kris kung paano natin dagdagan pa iyong atin pong ire-report sa atin pong mga senador.

ASEC. ABLAN: Yes, iyong plans ng PCOO for the next three years, iyong Duterte Legacy natin iyan, and then I think pati iyong mga kailangan na mabayaran sa IBC. So I think they will consider talaga putting some budget for IBC para naman magawan—I mean, matulungan si President Kat De Castro ng IBC.

SEC. ANDANAR: Yes. Alam mo, kanina nga ay nag-meeting kami ni Kat De Castro the entire afternoon at pinag-usapan namin iyong mga puwedeng gawin para nga mabenta na itong IBC 13. IBC 13 is a really in dire straits kung iyon ang tamang term doon, in the red na iyong kanilang operations, tapos marami tayong namana na problema from the past administrations at isa diyan iyong problema sa utang nito sa BIR at sa Quezon City pagdating sa realty taxes at ang utang nito sa mga past employees na nag-retire na, hindi pa rin nababayaran; and it amounts to about 1.4 billion…

ASEC. ABLAN: Malaki rin sir…

SEC. ANDANAR: Oo malaki talaga, and itong mga ito, namana natin ito ‘no; nangyari ito during the past administrations. So in fact, mayroon na tayong mga nasolusyunan na mga malalaking problema din tulad noong sa BIR clearance. Eh kasi hindi mo mabebenta iyong IBC 13 kung wala siyang tax clearance, kasi kung wala siyang tax clearance, hindi mo mare-renew iyong franchise. O kapag hindi mo ma-renew iyong franchise, walang bibili ‘di ba.

So halimbawa kung ang franchise natitira ay 3 years na lang or 4 years na lang, hindi siya ganoon ka-enticing for the buyer. So which means, we really need to renew the franchise of IBC 13, which is a government station, to another 25 years and then we sell it.

Now, kung hindi bibigyan ng BIR clearance or tax clearance like what I mentioned, hindi siya makakakuha ng franchise, hindi siya mabebenta. So wala kang pambayad sa BIR kung magkano iyong utang ng IBC. So really, it was a good—actually a tit-for-tat, you know, it’s really… it was a good negotiation with the BIR kaya we thank the Commissioner for giving the IBC this tax clearance para nga makuha natin iyong extended na franchise.

And of course nasolusyunan na rin finally iyong kung papaano ipa-privatize ito with the help of the Office of the Executive Secretary at iyong Privatization Commission, so this is already moving – that’s the good news for our—

ASEC. ABLAN: That’s the good news po. Madami pong magiging masaya na mga empleyado ng IBC, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Yes, and if everything goes smoothly ay baka magkaroon pa ng magandang balita ang IBC sa tulong na rin ni Senator Dick Gordon.

ASEC. ARCENA: ‘Yun. Actually, supportive si Senator Gordon at thank you ulit kay Senator Dick Gordon saka kay Senator Tolentino sa kanilang mga suporta.

ASEC. ARCENA: Nasa linya ho ulit ng telepono si Secretary Martin Andanar. Sec!

ASEC. ABLAN: Sec, kaka-interview lang po natin kay Assistant Secretary Vergeire ng Department of Health at na-explain naman po niya. There’s no reason for us to panic, na kontrolado naman po ng Department of Health ang sitwasyon tungkol po sa polio.

ASEC. ARCENA: At muli po siyang nanawagan sa atin pong mga kababayan na magpabakuna na. Huwag matakot sa anumang uri ng bakuna dahil ito naman po ay para rin po sa kanila, sa kabutihan ng ng bawat isa, ‘no?

SEC. MARTIN: Oo, tama naman, oo tama.

ASEC. ARCENA: At nabanggit nga po kanina, very important ito ASec, at Sec na ang sinabi niya, ang panawagan niya, balewala ho ang effort ng DoH kasi ang lahat ho talaga ng prevention nagsisimula ho talaga sa sarili. Kaya paulit-ulit na panawagan din sa atin pong mga kababayan na maglinis sa inyong mga sariling mga bahay at kayo mismo ay umiwas na rin, ‘di ba, sa mga sakit sa pamamagitan nga po ng proper hygiene at paglilinis sa inyo pong mga kapaligiran.

At Sec, last – I think two days or three days ago ito – another good news ito for our media friends at atin pong mga kapatid sa industriya ng media. Pinirmahan ho ni Pangulong Duterte iyong Expanded Sotto Law, Asec. Kris.

ASEC. ABLAN: Yes.

SEC. MARTIN: Ah… Oo. Maganda ito… maganda ito. RA 11—

ASEC. ARCENA: 4-5-8.

SEC. MARTIN: 4—

ASEC. ARCENA: 4-5-8.

SEC. MARTIN: 4-5-8. Oo.

ASEC. ARCENA: Ito po ay—

SEC. MARTIN: So, ibig sabihin nito, JV ay iyong Act expanding coverage of exemptions from revealing the source of published news or information obtained in confidence. Kasi alam ninyo mga kababayan, sa mga journo, lalong-lalo na iyong ating mga kapatid sa print, sa diyaryo, mayroon hong batas na pinoprotektahan iyong source ng mga reporter. Ito po iyong sa print at ito namang RA 11458, iyong pag-revise po nitong Sotto Law, hindi lang ho limited doon sa print ngayon, at sino iyong mga kasama, JV?

ASEC. ARCENA: Nadagdagan ho ng mga broadcast at mga online journalists. So, covered na ho sila doon sa batas Sec, na hindi na sila puwedeng pilitin na i-reveal iyong mga sources nila.

SEC. MARTIN: Ayun…

ASEC. ABLAN:  Kasi prior to the law, Sec, it’s a gray area.

ASEC. ARCENA: Yes.

ASEC. ABLAN: Hindi natin alam kung online and broadcasters are protected. Pero at least ngayon with this new law, clear na po na kapag online and broadcast protected na rin po kayo.

ASEC. ARCENA: Yes, at pinirmahan po ni Pangulong Duterte iyan.

SEC. MARTIN: Oo at ito ay isa na namang… isa na namang pagpapakita ng ating gobyerno o pagpapatunay na wala hong suppression ng press freedom sa bansa natin—

ASEC. ARCENA: Oo.

ASEC. ABLAN: Opposite pa nga eh.

SEC. MARTIN: Correct.

ASEC. ABLAN: We are flourishing press freedom, ‘no Sec?

SEC. MARTIN: Oo. Flourishing talaga kasi ito ay sa kabila ng mga batikos ng ilang mga nambabatikos na mga kritiko na suppressed ang press freedom sa bansa natin pero malayo ho sa katotohanan iyan at kitang-kita ninyo naman ay pinirmahan itong Act expanding coverage of exemption – so, RA 11458.

At you know, itong pagpoprotekta sa ating mga sources, para sa ating mga mamamahayag ay nakapaloob iyan sa ating ‘Journalists’ Code of Ethics’, na talagang po-protektahan mo iyong source mo. Hindi mo talaga siya ire-reveal. So, ngayon, apart from the Philippine Journalists’ Code of Ethics, sa Sotto Law, expanded na ito to include also new forms of media platforms, kasama iyong online. Lalong-lalo na ‘di ba ang dami ng mga online websites ngayon at saka social media ‘di ba?

ASEC. ABLAN: Maganda ito Sec, na inform natin ang international community kasi nga ‘di ba sabi ni Senator Tolentino, we have to inform the others that we are protecting human rights and the rights to access information, press freedom po, the right of self-expression. These are all basic human rights so, iyon iyong mga—ginagawa naman natin iyon eh, iyong mga concerns ni Senator Tolentino wala lang tayong opportunity to respond pero ginagawa naman natin iyon ‘di ba, Sec?

ASEC. ARCENA: Yes, we had—

SEC. MARTIN: Oo. Nahihirapan tayong mag-respond kasi napakabilis magsalita ni Senator Gordon.

ASEC. ABLAN: Oo, nasapawan kaagad eh.

SEC. MARTIN: Hindi natin kaya. Parang tinatanong pa lang, pagsagot mo nasa pangalawang tanong na; pero nagpapasalamat pa rin tayo dahil inaprubahan niya iyong budget.

ASEC. ARCENA: And we welcome these suggestions from our good senators.

 ASEC. ABLAN: It actually validates it, JV, Sec. Martin. Sec, sabi ko nga kay JV kanina na you are a visionary po so, maaga pa lang—November pa lang last year, kin-create ninyo na ang Office of Global Affairs kasi alam mo our next stage is the international stage.

And then, na-validate po ‘yan nung sinabi po ni Senator Gordon saka ni Senator Tolentino na we have to improve our image. It really validates po your vision na that was even 2018 pa po.

SEC. MARTIN: Well, actually, it’s really our idea ‘no? Si Kris Ablan, including si JV and si Joel Egco. In fact, we started the ‘Press Freedom Caravan’ last year pa ‘di ba?

ASEC. ABLAN: Yes.

SEC. MARTIN: And one of the objectives of the Press Freedom Caravan ay iyong mailahad mo, maipaliwanag mo sa publiko lalong-lalo na sa international community kung saan nakatayo ang gobyerno. Para din ay ma-rebut iyong mga alegasyon ng mga kritiko natin sa ibang bansa, media, lahat ‘no, kaya mayroon tayong Press Freedom Caravan, mayroon tayong ‘Truth Caravan’, at ito naman ay ginagawa natin last year pa, ‘di ba Kris?

ASEC. ARCENA: Yes, sir.

ASEC. ABLAN: Yes. Yes, sir.

SEC. MARTIN: So, with the support of Senator Francis Tolentino, in fact, sabi nga niya dapat siguro may sariling budget na iyong Office of Global Media Affairs. Nakita ko nga—

ASEC. ARCENA: Naisip—

ASEC. ABLAN:  Ayun…

SEC. MARTIN: —nakita ko pumapalakpak iyong tainga ni JV.

ASEC. ABLAN: Ang suwerte ng September mo, JV! May appointment ka, may budget ka pa!

SEC. MARTIN: Ayun nga… kapag sinuwerte talaga, when it rains it pours.

ASEC. ABLAN: Oo nga. Congratulations talag, JV.

ASEC. ARCENA: Pero tama rin naman, Sec, na before po itong hearing na ito, nasimulan na natin iyong pagko-communicate at we are protecting the rights of media workers, rights of every Filipin0 to information. Iyon nga lang iba ang hanap ni Senator Tolentino. Siguro, isama na natin iyan sa susunod natin na caravan. So, sabi nga niya i—

ASEC. ABLAN: We will expand it.

ASEC. ARCENA: Expand it.

ASEC. ABLAN: Hindi lang siya press freedom pero human right caravan na.

ASEC. ARCENA: Yes, including IP rights ‘di ba mayroon na tayo?

SEC. MARTIN: In fact, halimbawa, si Usec Catura ‘di ba, nasa abroad siya and sa mga United Nations, nandoon din sila ni Senator… I’m sorry, Secretary Teddy Locsin sa New York if I’m not mistaken, he’s there now. Nandoon din iyong RTVM para i-cover si Secretary Locsin at iyong mga lakad nila ni Usec. Catura ganun din iyong mga lakad ng ating mga kasamahan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Europe, nandoon din ang ating mga… ang Office of Global Media Affairs and media to cover.

So, really siguro… hindi lang siguro tayo makasagot kaagad pero it’s good to inform the senate, Kris, na sa susunod natin na appearance sa senado which is the plenary na ‘no?

ASEC. ABLAN:  Opo.

 SEC. MARTIN: Ma-explain natin kay Senator Gordon na we have been doing this for the past few months, in fact, almost one year na. So, maganda iyan na makita din ng ating mga senador kung anong ginagawa ng PCOO para protektahan, para i-promote ang image ng Pilipinas, para masagot iyong mga maling balita na lumalabas sa ibang bansa, sa Europa, sa Amerika.

Iyon ay ginagawa natin bilang pagpupursige na rin at para matulungan din iyong Department of Foreign Affairs dahil alam mo, ang DFA lang talaga ang may presence sa ibang bansa na kumpleto kasi wala naman tayong press attaché  sa PCOO.

ASEC. ARCENA: Idagdag ko lang Sec, no, dati pa nating ginagawa itong pagshe-share ng positive—positivity from PCOO and from the government. So, iyon lang ang ipagpapatuloy natin ‘yan sa mga susunod na mga buwan at mga taon ng Duterte Administration.

Sec at Asec! 7:58 na, susunod na po ang Youth for Truth kasama po si Nicole Namuco at Bea Bailon, muli ako po si JV Arcena.

 ASEC. ABLAN: Ako po si Kris Ablan at nandiyan po si—

 ASEC. ARCENA: At kasama po natin si Secretary Martin Andanar sa linya ho ng telepono.

Muli po, hanggang sa susunod na linggo sa Cabinet Report sa Teleradyo!

 ###

 Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource