FAILON: Nasa atin pong himpilan si Attorney Sal Panelo. Siya po ay galing sa ANC at atin po siyang ginambala po habang siya’y patungo yata sa—Sir, papunta ho ba kayo Malacanang, Sir? Ang aga n’yong gumising kay Attorney, ‘no? Good morning, Attorney!
SEC. PANELO: Kadarating lang nga namin, ‘di ba?
FAILON: Oo nga, parang wala pa kayong tulog ah!
SEC. PANELO: Wala pa.
FAILON: [laughs] Salamat sa panahon, Attorney. Attorney, ‘yun lang pong paliwanag kahapon ng Pangulo ano.
SEC. PANELO: Uhm.
FAILON: ‘Yung siya daw ho ay nalito doon sa ranggo-han eh! Oo… kasi nung una po nai-flash report na ni Pia Gutierrez nga na dalawang heneral, ‘no? ‘Yung una nga po, police general at kinlaro po heneral lang. Hindi pa ho klaro kung ‘yan ba’y militar o pulis. Ano hong nangyari doon?
SEC. PANELO: Hindi… kasi nga ‘yung report na natanggap niya nakalagay Superintendent. ‘Di ba ‘yung Chief Superintendent, heneral?
FAILON: Uhm.
SEC. PANELO: So, doon siya nagkamali. ‘Pag Superintendent ka lang, coronel.
FAILON: Uhm.
SEC. PANELO: ‘Yun! Ipinaliwanag din naman kahapon ‘yun.
FAILON: Opo. So sir, kailan po kaya ilalabas ng Pangulo kung ilalabas man ho niya ang mga pangalan nito because sa nakaraan po, hindi siya nag-atubiling ilabas ang mga pangalan eh?
SEC. PANELO: Hindi ba pinaimbestigahan niya kay DILG Secretary Año? So, aantayin niya siguro ‘yung rekomendasyon.
FAILON: Uhm. Opo. Sige. So, kahapon po naman maliwanag po sa kaniyang pahayag na binibigyan niya ho ng due process si General Albayalde?
SEC. PANELO: Oo, dahil—nagrereklamo nga si Mayor Magalong sa akin bakit daw ako nagsasalita na… bakit daw may tiwala. Sinabi ko lang na may tiwala pa si Pangulo kay General Albayalde—Alam mo ‘yun, Ted, ang sabi ko maliwanag eh: unless there’s a statement to the contrary, the presumption is hangga’t nandiyan ka pa, may tiwala sa’yo ang Presidente. Siya ang appointing power. Eh, nire-react ko, nagre-react kaagad kayo.
FAILON: Well, nagklaro ho naman ano ho… Eh, hangga’t naandiyan ka pa—
SEC. PANELO: Oo, ‘di ibig sabihin may tiwala pa sa’yo.
FAILON: Opo, opo.
SEC. PANELO: Otherwise, tinanggal ka na kaagad.
FAILON: Oo… Opo, opo. Ano nga naman ‘yun… logical… logical conclusion.
SEC. PANELO: At saka common sense ‘yun.
FAILON: Opo. Hanggat nandiyan ka pa… opo… eh gusto ka pa niya. Otherwise, eh sinibak ka na o pina-leave ka na, pinaalis ka na.
SEC. PANELO: You won’t stay a minute longer.
FAILON:B Opo. Okay. Sir, Attorney, ‘yun pong sinasabi ng Pangulo na kaniyang karamdaman, napansin ko nga, ‘no? Tingnan n’yo mata ko mas maliit, ‘no? Sabi niya mukhang genetic nga ito. How often does it strike? Sa inyo hong pagsasama sa Pangulo, gaano ka often ‘yung atake n’un?
SEC. PANELO: Hindi naman masyado dahil ang alam ko si Presidente ‘pag kulang ang tulog saka siya parang ano… matamlay.
FAILON: Kahit naman sino eh.
SEC. PANELO: Oo, exactly! Kaya sa tingin ko hindi naman seryoso ‘yung sakit.
FAILON: Uhm.
SEC. PANELO: The fact alone kita mo galing ng Russia. Alam mo ba Ted, na halos wala talaga kaming tulog doon kasi pagdating namin, the day after lumipad ka na naman ng Sochi, pagkatapos overnight, lipad ka pabalik ka na naman. Tapos, sunod-sunod na naman ‘yung mga activities.
FAILON: ‘Yun ang dahilan kung bakit ayaw ko mag-cover niyan eh. Sa totoo lang ang hirap mag-cover niyan.
SEC. PANELO: Palaging nagmamadali eh!
FAILON: Oo at saka ang dami mong deadline, ang dami mong tinitingnan na impormasyon. Nakabiyahe ka nga nang libre pagod-pagod ka naman. Really ha!
Anyway, so sir, ‘yung karamdaman na ‘yan ng Pangulo na binabanggit niya, siyempre ho ‘pag may in-announce ang Presidente na sakit niya eh depende ‘yun kung nasaan kang kampo ‘di ba?
SEC. PANELO: Saka ganun siya ka-transparent. Kita mo kinukuwento niya. ‘Di ba palaging sinasabi nila tinatago. Sinasabi niya kaagad kung anong nararamdaman niya eh.
FAILON: Oo, pero hindi naman—
SEC. PANELO: I don’t think it’s that serious for us to worry about.
FAILON: Uhm… opo. Okay, sir. Sige, so ito ho ngayong pagdating ng Presidente, magpapahinga siya. Kailan siya babalik sa kaniyang hectic schedule ulit?
SEC. PANELO: Aba’y dapat babalikan uli ‘yun?
FAILON: Uhm.
SEC. PANELO: Kaya lang hindi ko pa nakita kasi schedule eh.
FAILON: Oo. Totoo bang siya po’y bibiyahe po na naman ng Japan?
SEC. PANELO: Parang may binanggit siya na baka mapuwersa siyang magpakita lang doon.
FAILON: Ano ho bang event ‘yun?
SEC. PANELO: Di ba enthronement.
FAILON: Uhm…
SEC. PANELO: Nung Hari.
FAILON: Ceremonial, ano ho? Okay, sige po. We’re trying to reach Secretary Bello later on ano ho. Mayroon kasing binabanggit doon na mayroon pong bubuuing labor agreement between Russia and the Philippines. Iyon po ang gusto kong dalhin po sa atin ding programa na magandang balita. Baka ho may mga bagong hiring but so far ho ba, ano ho inyong balita doon? Mayroon ho bang ganun na—
SEC. PANELO: May mga nabanggit about nung export ng fish, tuna, marami eh, maraming mga trade agreements. May mga… of understanding, intention pero mas alam ni ano ‘yun… ni Secretary Bello.
FAILON: Okay. Sige po, sir. So, salamat sa panahon—
SEC. PANELO: Thank you!
FAILON: —Attorney Sal at ang ganda na naman ng kurbata mo. Laging ikaw ang binabantayan sa TV Patrol eh.
SEC. PANELO: Thank you!
FAILON: Tulog na ho muna kayo, Attorney!
SEC. PANELO: Sige, salamat!
FAILON: Opo. Mabuhay! Thank you!
SEC. PANELO: Thank you.
##END##
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)