Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo by Pinky Webb/The Source/CNN


WEBB:  Secretary, good to see you again, welcome back to the show.

SEC. PANELO:  Thank you, my pleasure always.

WEBB:  First and foremost, Malacañang’s reaction on the non-duty status of General Oscar Albayalde, sir, relinquishing his post?

SEC. PANELO:  I haven’t talked with the President. But I guess—I cannot read the mind of General Albayalde, but I can only speculate that perhaps he has had enough of the innuendos, the accusations according to him which are false and unfair; the family is suffering from it. So, he decided to have an earlier turnover.

WEBB:  But imagine that, Secretary. First the turnover—first, the retirement was suppose to November 8, and then nagkaroon po ng usapan that the turnover would be October 29, because the President will not be around during the first week of November, he is going to Bangkok, Thailand. So sana November 29 na, tapos ngayon na-move pa ngayong araw na ito?

SEC. PANELO:  From his—parang narining ko kanina na iyong family niya yata ang nag-ano sa kanya… nakiusap. Tama rin naman iyon, kung masyado ka nang bugbog eh, kawawa naman iyong pamilya mo.

WEBB:  Bugbog ba siya, sir,sa Senate hearings?

SEC. PANELO:  The way he sounds, the way… sa tingin ko.

WEBB:  When you look into what happened during the hearing, sir, and you have someone like General Magalong and even I think General Lacadin implicating somehow, somewhere General Oscar Albayalde into this ninja cops controversy. What are your thoughts on that, tama ho ba iyon or did he get a fair chance at the Senate?

SEC. PANELO:  If you are asking me as a lawyer, not as the Spokesman, I’ll tell you my thoughts as a lawyer—

WEBB:  Let me ask you first as a lawyer and then I’ll ask you—

SEC. PANELO:  As a lawyer, ang nakita ko kasi nung mga salita ni Mayor Magalong, with due respect to him, puro hearsay eh – sabi ni ganito, alam ko ganyan, wala iyon eh. Si General Lacadin naman,  okay  sana kaya lang sinabi niya hindi ko po alam kung nagbibiro o hindi, sira na iyong testimonya mo. Kailangan doon, sinabi mo, sabi ho sa akin seryoso na ganyan, ganito, dapat ganoon. Kaya I do not blame General Albayalde na complaining ba’t ganoon.

WEBB:  So as a Spokesperson, ano naman ho ang inyong sagot doon?

SEC. PANELO:  Ah, tatanungin natin si Presidente, because I only echo the thoughts of the President.

WEBB:  Did you—where you surprised by this?

SEC. PANELO:  Hindi, ine-expect ko na iyan, kasi nga parang kawawa naman kako ito. Eventually, the family will persuade him to relinquish his post.

WEBB:  Do you feel, Secretary, that somehow his credibility or integrity was affected by the ninja cops controversy, sir?

SEC. PANELO:  Depende. Alam mo kasi ang Pilipino madaling maniwala sa mga insinuation/innuendos, pero sa mga nag-iisip kagaya ko lalo pa kung ang training as lawyer eh hindi siya masisira sa akin.

WEBB:  So ibig sabihin—

SEC. PANELO:  Kasi like for instance, iyong sinasabi nung—mawalang-galang na rin sa mga senador natin na General Albayalde has to prove himself innocent. Excuse me, eh ano ang nangyari doon sa constitutional presumption of innocence.

WEBB:  Until proven otherwise.

SEC. PANELO:  Kayo ang mag-prove na may mali siya. Kaya nga precisely the President said give me a clear proof that he has profited from the drugs, that he is link to this and that.

WEBB:  That’s my point, sir. That’s what the President said and then General Albayalde last week said nagsalita na po ang Presidente, let’s move on. And then this happens. What changed?

SEC. PANELO:  Eh kasi nga, ganun pa rin ang linya ng mga senador di ba, lalo siya binanatan – di ba, mag-resign ka na, ganito, ganyan. Kaya napuno na siguro iyong mama.

WEBB:  But if you have the trust and confidence, sir, of the President, you would stay, right?

SEC. PANELO:  You have to think also of your family. Kung nabubugbog na iyong pamilya mo, tapos iyong… baka binu-bully pa iyong mga anak niya, alam mo na. Alam mo naman sa Pilipinas eh.

WEBB:  Can you tell us frankly though if meron pa siyang trust and confidence ni Pangulo?

SEC. PANELO: Sabi ko nga always eh, for as long as the President says nothing about it, the presumption, the reasonable presumption is he has the trust. Sabi nga ni President nung tinanong siya, ‘Sir, may trust and confidence po kayo kay General Albayalde?’ Ano ang sagot niya sa arrival, “oh nandiyan pa siya.” Oh ano ba ang ibig sabihin noon?

WEBB:  Pero hindi ho ba lahat naman kayo, anybody appointed by the President would always say you’re there at the pleasure of the President at aalis lamang kayo kapag sinabi ng Pangulong umalis kayo?

SEC. PANELO:  Oh eh wala namang sinasabi ang Presidente, ba’t naman aalis.

WEBB:  Exactly, sir! So bakit siya umalis?

SEC. PANELO:  Eh gaya ng sinabi ko, iyong pressure sa pamilya. Alam mo if you are in his position, baka maintindihan mo rin siya.

WEBB:  I actually had him on the show, and even after the show mahaba-haba pa po iyong aming usapan at nagkuwento po siya. But of course there are things I cannot say on air that he said off air so—

SEC. PANELO:  Kasi subsequent to that iyong mga headline, iyong senador binabanatan pa rin siya eh. Tapos guilty as hell siya eh, kaya siguro bumigay na iyong mama.

WEBB:  Senator Gordon was saying that, you know, his retirement would not affect any possible administrative or criminal.

SEC. PANELO:  Tama naman siya doon, I agree with him as a lawyer. Siyempre natural lang iyon, eh kung ang findings mo may transgression o may violation, puwede kang idemanda – administrative or criminal.

WEBB:  Yeah. I think Mayor Magalong was saying today, kay Ria [Tanjuatco] sir, puwedeng malfeasance, misfeasance, iyon yung mga possible na mga—

SEC. PANELO:  Depende sa findings. Pero ang pinagtataka ko lang—

WEBB:  Ano ang pinagtataka ninyo, sir?

SEC. PANELO:  Pinapakinggan ko kasi si General Albayalde, eh kung totoo iyong mga sinasabi ninyo, bakit hindi ninyo ako dinemanda, bakit cleared ako, ilang imbestigation—

WEBB:  He kept repeating that, sir, over and over again.

SEC. PANELO:  Tama naman siya noon, oo nga naman, bakit hindi ninyo dinemanda noon pa iyan. Bakit after… ano iyon, 2013 ngayon lang kayo nagsasalita.

WEBB:  Six years later, sir.

SEC. PANELO:  May punto de vista iyong mama na tama eh.

WEBB:  When I listen to you, sir, it’s as if you believe in the presumption of innocence—

SEC. PANELO:  Oh, definitely.

WEBB:  Of General Albayalde.

SEC. PANELO:  All of us. All people accused of any crime or transgression or violation of law should have the benefit of the presumption of innocence. Hindi pupuwede iyon, otherwise bakit pa tayo may Constitution, hindi naman natin susundin.

 WEBB:  So, how would you describe the Senate hearing then?

SEC. PANELO:  Sabi nga nila we’re investigating in aid of legislation, oh di sige. Kami naman we are all for it – for the investigation; pero sana wag magsalita muna kung hindi pa tapos. Kasi pag nagbibigay ka ng mga conclusion mo diyan na ongoing may problema ka. Magkakaroon ka, parang biased ka, di ba.

53

WEBB:  So hindi po kayo in agreement with some of the senator saying… you know, giving out statements after the hearing, because what it forms—

SEC. PANELO:  Kung ako ang senador, I will not be making a comment siguro.

WEBB:  Really?

SEC. PANELO:  Kasi nga abogado ako eh. It will affect even my own integrity as a lawyer.

WEBB: You know, Secretary, when—

SEC. PANELO: I do not also blame them. Eh talagang ganiyan ang buhay sa Pilipinas eh.

WEBB: Paglabas din kasi ng senador, nandoon iyong media at tatanungin sila ng ano. Sir, you know, when he was here, when General Albayalde was here, sabi po niya, you know, two things eh, sabi niya pamilya niya at saka sana daw kung ano ang napag-usapan doon sa executive session ay lumabas. So other than that, he said also that any endorsement by the PNP Chief Oscar Albayalde would be a kiss of death dahil sa nangyaring controversy dito sa ninja cops.

SEC. PANELO: Malamang naman. Kasi kung ikaw ang Presidente—‘di ba, ako ang appointing power, tapos napaniwala ako doon sa mga sinasabi diyan, eh di kung sino ang in-endorse mo, ayaw  ko rin. ‘Di  ba, natural lang iyon. That’s logic.

WEBB: So parang kiss of death nga. Do you think politics played a role here, sir?

SEC. PANELO: Hindi ko alam. Iyan ang sabi ni General Albayalde, at iyan din ang obserbasyon nang maraming tao.

WEBB: What’s your observation?

SEC. PANELO: Ako basta dapat hindi ka nagbibigay muna ng conclusion. Kapag nag-iimbestiga ka, hayaan mo munang matapos iyong findings mo saka ka gumawa ng rekomendasyon.

WEBB:  So is politics behind this, sir?

SEC. PANELO: I don’t know. You ask them, they’re the ones involved.

WEBB: Do you believe in his innocence?

SEC. PANELO: Who?

WEBB: General Oscar Albayalde.

SEC. PANELO: Well, I believe in the constitutional presumption of innocence. Unless you can show it to me proof to the contrary, he remains to be innocent of any charge.

WEBB: So, sir, what kind of information can we get possibly from you, sir, in the next couple of hours kasi have you spoken to the President about this, not yet?

SEC. PANELO: Not yet. Kung magkita kami mamaya, I will ask him.

WEBB:  Okay. Because also what’s important is, ang sinabi po yata, General Garcia will be the officer-in-charge according to Secretary Año.

SEC. PANELO: Kasi siya ang deputy yata, ‘di ba.

WEBB: So how important is it, Secretary, to have … to name the next PNP Chief as soon as possible?

SEC. PANELO: That’s the call of the President.

WEBB:  But is it important na pangalanan kaagad?

SEC. PANELO: Again, that’s the call of the President. I cannot be preempting the discretion of the President when and how and who.

WEBB:  Yeah. But what about the qualities, sir, you think—

SEC. PANELO: Hindi ba si Presidente naman kapag nag-appoint ay isa lang ang hinihingi niya – you’re honest and you’re competent.  Dalawa lang ang palagi niyang sinasabi.

WEBB: Doon sa tatlong lumalabas na pangalan, sir, mayroon ho ba kayong naririnig na mayroon na siyang gusto?

SEC. PANELO: Sa totoo lang, wala. Kasi alam mo si Presidente, he keeps it to himself eh. Never kong narinig iyan na, ‘Ito ia-appoint.’ Sa tatlong taon nang Presidente siya, walang nakakaalam; bigla niya na lang ina-announce.

WEBB: So siya, si Senator Bong Go at si Executive Secretary Medialdea ang mauuna siguro?

SEC. PANELO: Kahit si Senator Bong Go hindi rin alam. Malalaman na lang kapag sinabi niya na, ‘I-announce niyo na iyon.’ Sasabihin sa akin, ‘Mr. Sal, i-announce mo na iyan.’

WEBB: So we’re just going to have to wait for that?

SEC. PANELO: Yeah, we have to wait.

WEBB: So it took you three and a half hours last Friday doing that commute challenge. How would you describe your commute?

SEC. PANELO: Unang-una, it’s not true na galing ako sa bahay at dumating ako after three or four hours. Ang katotohanan niyan, kung galing ako mismo sa pinanggalingan ko, it will take me only 15 minutes.

WEBB: Sabi mo 20 minutes.

SEC. PANELO: Fifteen to twenty, malapit. Lalo pa kung alas singko ng umaga.

WEBB: So let’s put that into context, Secretary, because what you’re talking about is New Manila to Malacañang. But what you did, you took a long route?

SEC. PANELO: Yeah. You know why? Kasi nga the challenge is, kailangang ipakita mo na kaya mong mag-suffer pareho ng suffering…. Unang-una, sabi ko nga, hindi ko na kailangan kasi alam mo kahit nakasakay ka sa kotse, you will see them eh lining up, nakikipagbunuan sa pagsakay; so alam mo talaga ang suffering.

Kaya ko lang tinanggap kasi parang pinalalabas nila na itong mga nandiyan sa gobyerno ngayon, hindi nila kayang gawin ito kaya hinahamon sila. Nagkamali sila nang hinamon. You know, I grew up in riding buses, jeepneys and tricycles; lahat kami sa Cabinet. kahit na si Secretary Diokno, noong UP days. Akala ko nga si Secretary Dominguez hindi, sabi niya, “Hindi, nagbu-bus din ako.” Si Teddy Boy Locsin lang yata ang hindi. Kaya sanay kami.

WEBB: Okay, sir. But let me put this into context. Noong mga panahon na iyon, hindi naman siguro matindi—hindi kasing tindi ng traffic ngayon?

SEC. PANELO: Mali ka doon.

WEBB: Ganoon ba?

SEC. PANELO: Palibhasa hindi ka sumasakay. Naka-kotse ka.

WEBB: Sumakay naman—nag-commute naman ako noong high school din.

SEC. PANELO: Alam mo kami ni Dra. Panelo noon, from Unilab, talagang nakikipagbunuan din kami sa pagsakay. Mahirap talagang sumakay noon. Ngayon mas aggravated kasi nga mas maraming tao, mas kukonti ang sasakyan, kaya mas matagal ang antay mo.

WEBB:  So the point is – ang ginawa ninyo ho – umikot pa kayo mula New Manila, parang pumunta kayo ng—

SEC. PANELO: Cubao. Cubao muna. Baba ako sa Cubao, sakay na naman ako ng Marikina. Pagdating doon sa Concepcion, baba. Tapos katakut-takot na iyong mga tawag. Tapos—may mga pulis nga nung makilala ako, pinapara nila iyong mga dyip para sumakay ako, kasi puno eh. Pero hindi ako pumayag kasi marami akong kasabay, sabi ko, “Paunahin mo na lahat iyan.” So mga apat, limang beses bago ako sumakay.

WEBB: So let’s say sir, that you were to take that route, that particular route that you took. Maybe mag-umpisa po sa Marikina papuntang—

SEC. PANELO: Kung Marikina siguro mga one hour. One hours siguro, kung ganoong oras ha.

WEBB: Oo, because you left at 5:15.

SEC. PANELO: Oo, kung ganoong oras, baka less than one hour ay nasa opisina ka.

WEBB: So you’re saying, sir, that—again, because of that challenge that you did, you’re still not calling it a transport crisis?

SEC. PANELO: Traffic crisis mayroon tayo. Kasi kapag sinabi—ako ha, sa aking ano kasi, kapag sinabi mong transport crisis, paralysis na iyon; wala kang masasakyan. Sabi nga ni Teddy Boy Locsin, the fact alone naka-apat pa siyang dyip eh, biro mo lahat nun nakasakay siya eh di ibig sabihin mayroon pa ring sasakyan.

PART 3 – PANELO CNN – OCT. 14, 2019

(14:00)

SEC. PANELO: But I concede, matagal ko na ngang sinasabi may problema tayo talaga diyan. You know why? Gaya ng sabi ni Engineer Palafox – I don’t know if you’ve heard him say – ‘eh we are thirty years behind sa infrastructure.’ Talagang magkakaganyan tayo. Kung pinakinggan siya noon pa, eh ‘di—wala tayong ganiyan.

WEBB: Because he says we do not have urban planning. Wala kasi din tayong infrastructure—

SEC. PANELO: Hindi lang yun. Mayroon nga siyang—no, may proposal siya, ang problema daw, sang-ayon sa kaniya, ‘yung panahon ni Marcos nung dumating ang Cory, hindi tinuloy ‘yung mga plano ni Marcos sa infrastructure. Si GMA din may plano, nung dumating naman si PNoy, hindi rin tinuloy, o kaya eto tayo ngayon.

 WEBB: So, kailan ho siya magiging—when will you consider it a transportation crisis—

SEC. PANELO: ‘Pag paralyze na—‘pag wala na tayong masakyan.

WEBB: Nang ilang oras, sir?

SEC. PANELO: Aba, eh kung ilang oras. Biro mo—can you imagine kung wala na tayong masakyan? Kaya lang there’s… there’s ano—

WEBB: But you need to quantify that, sir. ‘Pag wala tayong masakyan nang ano… dalawang oras, would you call that a transportation crisis?

SEC. PANELO: May problema ka na talaga. May paralysis eh, kung wala ka na talagang masakyan. Like for instance, alam mo kaya pa—kaya ako may napagalitan na isang komentarista. Sabi niya, iniinsulto ko raw ‘yung tao dahil sinabi ko—

WEBB: You need to be—

SEC. PANELO: Na gumising kayo nang maaga.

WEBB: Wake-up earlier

SEC. PANELO: Actually, that was not an offensive statement. Pinupuri ko nga ang taumbayan doon, lahat tayo. Kagaya ko, dati ala-syete ako nagigising; ngayon hindi na puwede, ala singko para makarating ka. But that’s—you should credit that for the creativity ng mga Filipino. ‘Pag may hostile environment, gumagawa tayo ng paraan. Kahit may bagyo… ‘di ba? Ang galing natin diyan eh! Pero hindi ‘yun offensive or insulto.

WEBB: I ‘wanna get your reaction on this, sir. You know, because of the desperation of some of the commuters, makapasok po ng bus—

SEC. PANELO: Sa bintana na.

WEBB: Sa bintana na po sila pumapasok. Ganiyan po ang kalbaryo.

SEC. PANELO: Kasi nga—you know why? Kasi kung doon ka daraan sa pinto may kalaban ka dun.

WEBB: Mauunahan ka.

SEC. PANELO: Mauunahan ka eh, kaya pagalingan na nga eh!

WEBB: ‘Yun ba ho, creative ba ‘yun?

SEC. PANELO: Creative ‘yun.

WEBB: But that’s dangerous.

SEC. PANELO: Oo… yes, but creativity pa rin ‘yun.

WEBB: Some are asking, what is the difference between a traffic crisis and a transportations crisis?

SEC. PANELO: Hindi. ‘Pag sinabi mo kasing transportation crisis, I’m referring na dun sa paralysis, wala ka ng masakyan – wala kang masakyan na tren, wala kang masakyan na taxi, wala kang masakyan na jeep. Kumbaga, parang nag-nationwide strike – ‘yung paralysis. Pero kung hirap na hirap tayo, eh traffic crisis pa rin ‘yun.

WEBB: Because of that challenge, sir, there was a lot of, you know, pinuri naman kayo doon sa ginawa ninyo—

SEC. PANELO: May pumupuri—

WEBB: At marami rin pong nang-iinsulto.

SEC. PANELO: Siyempre, may mga ‘anti’; basta anti-Duterte siyempre palaging nang kontra sa’yo.

WEBB: Ang sabi po nila, hindi sapat ang isang araw na mag-commute ka. Why not do it for one week or even one month, sir?

SEC. PANELO: Unang-una, nung tinanggap ko ‘yun, ‘di ba I declined coverage. ‘Yung mga MPC, isang oras at kalahati nandoon sa opisina ko nakikiusap, hindi ko pinagbigyan, walang coverage. Kasi you will be making a spectacle out of that. Publicity ang mangyayaring—kasi ang gusto nung mga humahamon, magkita raw kami sa Cubao, ganito, sasakay—in other words, in-announce mo na. Oh, ‘di nandun lahat ‘yan! Kaya hindi pupuwede—even my own family didn’t know. Hindi ko sinabi kay Doktora Panelo kung saan ako pupunta, para nga wala; at saka nag-sumbrero nga ako at nag-shades para nga hindi ako makikilala nang madali. Kasama lahat ‘yun eh!

WEBB: Pero kitang-kita ho kayo.

SEC. PANELO: Hindi. Ako ang nagpadala nun eh!

WEBB: Oo.

SEC. PANELO: Kasi iyon ang pangako ko sa MPC.

WEBB: Yeah, I know. I saw your selfie.

SEC. PANELO: Sabi kasi ng MPC, oh magpadala ng—pangako sabi ko, padadalhan ko kayo para lang—‘yun!

WEBB: Naka-white cap ka.

SEC. PANELO: If you remember nung naabutan nila ako sa Cubao?

WEBB: Yeah.

SEC. PANELO: Kasi, sang-ayon sa kanila, may mga nag-tweet, nag-post, kinukunan ako. Kinukunan ako nandito kami sa ganiyang. Kaya na-shock ako na biglang nandun silang lahat. And ayaw ko ng bumaba kasi mag-e-LRT ako sa Hemady eh.

WEBB: In New Manila?

SEC. PANELO: Ayaw ko nga dahil spectacle eh kaya—sabi nung jeepney driver, sir, sa Mendiola naman ako daan doon na lang kayo. Mabuti pa—

WEBB: Kaya dumiretso kayo ng Mendiola.

SEC. PANELO: Kaya dumiretso na lang ako.

WEBB: I see.

SEC. PANELO: Pagdating ko naman sa Mendiola, ang problema sumakay ako sa tricycle. Eh, ‘di sumakay ako, sabi niya, “Sir, sira eh!” Naloko na! Eh ‘di punta ako dun sa kabila, “Sir, may sakay ako eh.” Patay kang bata ka! Pero meanwhile, siyempre I’m creating a scene already, spectacle na nga nandun na lahat ng media eh. So, sabi ko, ano kayang gagawin ko rito? Tapos sabi—may nag-suggest sa likuran ko, “Sir, may motorsiklo puwede kayo sumakay diyan.” Tapos nag-offer ‘yung isa, sabi niya, “Sir!” Eh, ‘di sumakay ako, sabi nung isa, “sir, wala kayong helmet!” Ah, patay! Issue na naman ‘to! Eh, ‘di bumaba ako. Tamang-tama, dumaraan si Ronald Rosales daw siya from City Hall, panggabi raw siya, nadaan siya na-call ‘yung attention, bumaba siya tapos nung narinig niya, nag-offer siya.

WEBB: Ayun!

SEC. PANELO: “Sir,” sabi niya, “may helmet ako.”

WEBB: Ayun na! And hence, ‘yan na po ‘yun

SEC. PANELO: “May helmet ako sir, ihatid ko na kay0.”

WEBB: Pero suwerte ka dahil may nagmabuting-loob.

SEC. PANELO: Hindi—kung wala—kasi gusto kong maglakad na sana kaya lang ayaw ko nga ng spectacle na sinusundan ka ng media eh.

WEBB: So, tinatakasan mo ‘yung media?

SEC. PANELO: Exactly! Tinakasan ko sila.

WEBB: Sir, there’s a bill that Congressman Frederick Siao [Lone District of Iligan] wants to file. It’s called the Public Servant Commuting Via Public Transport Act. Ang ibig—

SEC. PANELO: Ano ‘yun?

WEBB: Ang gusto ho niya, government officials to commute every Monday.

SEC. PANELO: Walang problema ‘yan sa akin.

WEBB: Would you support this?

SEC. PANELO: Yes! Walang problema sa akin.

WEBB: Every Monday?

SEC. PANELO: Oo, okay lang sa akin.

WEBB: Hindi ho niya—it wasn’t a challenge just to you. Sabi niya, dalawa ho kasi ang puwedeng kalabasan nito: made-decongest ang traffic Monday; and the second, is to remind government officials of the burden that the commuters are facing.

SEC. PANELO: Okay lang ‘yun…okay lang sa akin ‘yun kahit anong gawin nila.

WEBB: So, that’s fine with you. Are you planning to do it again?

SEC. PANELO: Without media knowing it.

WEBB: You are?

SEC. PANELO: Without knowing…without media knowing it.

 WEBB: I know. So, yes, sir?

 SEC. PANELO: Biglang makikita mo na lang.

WEBB: Bigla ka na lang magse-selfie ulit. But naramdaman ho ninyo ‘yung hirap ng commuters?

SEC. PANELO: Pinky, ‘yung hirap ngayon pareho rin ng hirap namin noon; wala namang nabago eh. Talagang mahirap sumakay noon. Noong panahon namin, talagang nakikipagbuno ka rin. Maraming nakikipag-unahan.

WEBB: What you’re saying, sir, is wala hong difference ‘yung noon? Kailan ho ‘yung ‘noon’? What year?

SEC. PANELO: ‘Yung U.P. days. Thirty years ago.

WEBB: So, you’re saying thirty years ago—

SEC. PANELO: Dati ng may problema diyan sa ano kasi nga kulang ang sasakyan.

WEBB: So, thirty years ago and today pareho lang po ang krisis ng—na kinakaharap ng mga nagko-commute?

SEC. PANELO: Oo, hindi ba? ‘Di ba ‘yan ang sinasabi ng ano…mas matindi ngayon nga kasi nadagdagan ‘yung volume na ng sasakyan, marami ring mga pasaway sa kalye, maraming nagbubungkal ng kalsada, wala tayong mga Skyway. Noon, hindi masyado kasi nga kaunti pa ang tao, kaunti pa rin ang—

WEBB: Alright! So, again the Secretary plans to do—plans to commute. Let’s not call it a challenge anymore – plans to commute secretly without telling the media. We’re gonna watch out for that.

Maraming salamat kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Sir, good to see you!

SEC. PANELO: Thank you! Always a pleasure.

WEBB: Maraming salamat.

 

END

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

 

Resource