Interview

Cabinet Report hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar

SEC. ANDANAR: Pilipinas, may isang mangyayari simula sa susunod na taon na magkakaroon nang napakalaking impact sa buhay nating mga Pilipino – at hindi po ito ang eleksiyon – kundi ang pagsisimula nang pagpapatupad ng tinatawag na ‘Mandanas Ruling’.

Malawakan po ang mga implikasyon nito dahil maraming mangyayaring pagbabago sa pagpapatakbo ng ating pamahalaan. May mga gawain, serbisyo at mga pasilidad na kasalukuyan hawak ng mga national government agencies na ililipat na sa mga local government units. Uulitin ko po ‘yan ha – may mga gawain, serbisyo at mga pasilidad na sa kasalukuyang hawak ng mga national government agencies na ililipat sa mga local government units.

Kaya ngayong gabi sisimulan natin ang ating 2-part series sa napakahalagang usaping ito. “This is the Devolution | Making Mandanas Happen Part 1 | The National Government Perspective” ang paksa natin ngayong gabi.

Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar; welcome to the Cabinet Report.

***

SEC. ANDANAR: This is The Cabinet Report. Ito po ang background ng paksang pag-uusapan natin. Nakasaad po sa ating Local Government Code ang pagpapatupad ng decentralization. Ito ay ang pagdagdag pa ng kapangyarihan, otoridad, responsibilidad at kakayahan ng mga LGU – ibig sabihin ang mga provincial, city, municipal at mga barangay po natin.

Marami sa mga kapangyarihan, otoridad, responsibilidad at kakayahan na ito ay ililipat na mula sa pamahalaang nasyonal tungo sa pamahalaang lokal. Dagdag dito, isinasaad ng batas na ito iyong ating Local Government Code na kasama sa pagdadagdag sa tungkulin, kailangang dagdagan din ang kakayahang ipagpatupad ang mga ito sa pamamagitan nang pagdagdag din ng kakayahang kumita pa ng mga LGU bukod sa pagdagdag sa parteng ito mula sa mga buwis na nakukolekta.

Ang pagpapatupad nito ay gagawin sa loob ng tatlong taon simula next year na hanggang sa pagkatapos ng taong 2024. Itong susunod na tatlong taon ay ang transition period natin. Pagdating ng 2025 kinakailangang ganap na ang full devolution o nagawa na ang paglipat ng marami sa mga kapangyarihang otoridad, responsibilidad at kakayahan mula sa pamahalaang nasyonal tungo sa pamahalaang lokal.

Ito po ang mga prinsipyo sa likod ng devolution:

Una, ang LGU ay may pangunahing responsibilidad ng mga serbisyo sa mga mamamayan niya;
Pangalawa, na ang LGU ay dapat magkaroon ng kapasidad upang gampanan ang mga serbisyong ito at pangalagaan ang mga dagdag na resources na mapupunta sa kanila sa paghahatid ng mga nasabing serbisyo; at
Pangatlo, na ang LGU ay kinakailangan paigtingin ang pakikipag-partner sa mga national government agencies, sa pribadong sektor, sa mga NGO at iba-iba pang mga grupo upang masigurong kakayanin nilang gampanan ang mga bagong tungkulin na ito.

Sa madaling salita, ibinaba na sa lokal na pamahalaan ang kakayahang gawin ang nakikita nila on the ground na mga proyekto. Ang kakayahang gampanan ang kinakailangan on the ground na mga serbisyo at kakayahang ihatid ang mga pinapangarap on the ground na mga pagbabago.

In a very real sense, next year marks the beginning of a power shift from national government to the provincial, cities, municipal ang barangay local governments that many Filipinos have been clamoring for.

Simulan natin ang ating pagtalakay sa devolution kay Secretary Ed Año ng Department of Interior and Local Government. Tutok lang, this is The Cabinet Report.

***

SEC. ANDANAR: Welcome back to The Cabinet Report, kasama natin ngayon si DILG Secretary Ed Año. Good evening, Secretary Ed.

DILG SEC. AÑO: Good evening, Sec. Martin. Good evening din sa ating mga nanunood.

SEC. ANDANAR: Sec., the term ‘game-changer’ has now become a cliché but really the Supreme Court’s Mandanas Ruling and President Duterte’s subsequent EO 138 are just that. Sa inyong pananaw, gaano kalawak ang magiging epekto ng devolution sa pamamahala sa Pilipinas?

DILG SEC. AÑO: For one, the national government, makakapag-focus na siya sa mga macro and strategic priorities para masolba ang ating mga existing development issues. At ang ating national government ay magiging, kumbaga magpi-perform siya ng mga oversight functions, magshi-shift na siya mula tinatawag nating rowing to steering ‘no and focusing primarily sa development policy, service delivery standards, capacity building, pag-provide ng mga technical assistance at LGU compliance monitoring.

Pero ‘pag titingnan naman natin sa part ng local government units ‘no, dito sa ating Supreme Court ruling, LGUs now will get a bigger share in the national budget. This means mas maraming pondo, mas maraming resources para ma-implement nila iyong mga programa at mga projects.

Imagine 38% additional sa kanilang national tax allotment or tinatawag nating internal revenue allotment. More or less we’re talking of additional 260 billion pesos and of course siyempre malaking expectation iyan ‘no mula sa ating mga kababayan. But ang ganda naman nito, itong devolved functions and services sa ating mga LGUs, maa-address nila iyong iba’t ibang mga bagay katulad ng health services lalo na ngayon mayroon tayong pandemic ‘no, local infrastructure services, revenue mobilization, employment facilitation, social welfare services, housing services, natural resources management at even agricultural resources and services ‘no.

Pero itong tinatawag natin now, ang LGUs now o iyong tinatawag nating they are now in the position to chart the destiny of their people and their community. At ang ibig sabihin noon, mas malaking, kumbaga, resources pero mas malaki ding responsibility. Kaya sa atin namang parte kailangan ay i-exact natin iyong accountability naman na sigurado iyong mga devolved services at saka functions ay gagawin talaga ng ating mga LGUs para sa ikabubuti ng ating mga kababayan. So ibig sabihin nito, malaki ang mababago in terms of our governance and management.

Pero kailangan dito ang malakas na collaboration sa pagitan ng ating national government agencies, ng ating mga local government units para magkaroon ng tinatawag nating harmony, coherence and unitary direction in the implementation of programs, projects and initiatives in the local level.

SEC. ANDANAR: Ano naman po ang magiging implikasyon nito sa ating mamamayan?

DILG SEC. AÑO: Unang-una sa additional fiscal resources na mapupunta sa LGU, ibig sabihin nito ini-expect natin better services, continuing services, implementation ng mga programa sa ibaba, sa lokal na pamahalaan. At siyempre ano dahil may mga pagbabago sa mga gagampanang tungkulin at serbisyo, ang pamahalaang nasyonal, ang pamahalaang lokal ay maaasahan ng taumbayan sa kanilang mga lokal na opisyal na mas makakapaghatid ng serbisyo-publiko at magiging accountable, transparent habang sa kanila ito ginagawa sa tulong ng iba’t ibang mga ahensiya.

So sabi nga ‘no kailangan babantayan natin nang magkakaroon dapat iyong tinatawag nating judicious utilization of resources at dapat they will perform and deliver the devolved services to their people. Ang maganda pa rito ano, dahil dito makakatulong din iyong ating mga mamamayan para sabihin sa ating pamahalaan ano talaga ang kailangan nila, anong serbisyo, anong imprastraktura ang kailangan nila para maiiwasan natin iyong paggawa ng mga anumang programa na hindi naman pala kailangan ng kanilang barangay. So sa pamamagitan nito, iyong resources ay talagang mapupunta sa dapat puntahan.

Ito namang ating devolution ay pipe-phasing, magsisimula ito sa 2022 hanggang 2024 at mayroon nga tayo, dahil nga sa Executive Order No. 138, mayroon tayong tinatawag nang Committee on Devolution at dito sinisigurado natin nag-uusap ang national government agencies, ang LGUs sa tulong na rin of course ng DBM at ng DILG na magtutugma iyong mga programa/projects na idi-devolve at kayang tanggapin naman ito ng ating LGUs.

At kung ang LGU naman ay hindi pa talagang handa, siyempre kasama diyan iyong capacity development na ibibigay naman ng iba’t ibang ahensiya particularly sa amin sa DILG. Ang ating Local Government Academy ay nagsasagawa ng mga programa kung papaano natin iti-train. So ibig sabihin ‘no, aalalayan natin ang ating mga LGUs habang nagpi-phasing tayo. And finally by 2024 makikita natin handang-handa na talaga ang ating mga LGUs at makikinabang iyong ating mga mamamayan.

SEC. ANDANAR: Ito ba ay dapat pangambahan ng mga Pilipino?

DILG SEC. AÑO: Hindi dapat pangambahan ng ating mga kababayan ang pagbabago na ito. Bagkus dapat pa nga itong tingnan bilang isang makabuluhang pagbabago tungo sa lalong pagpapaunlad ng ating mga lokal na pamahalaan at ang makikinabang ay ang ating mga kababayan. Ito rin ay pagtalima lamang sa prinsipyo ng tinatawag nating tunay na devolution na actually nasa ating Saligang Batas at pinagtibay ng Local Government Code ng 1991.

So tatandaan natin na noon pa man ay may mga devolution na ‘no pero mas lalo na itong magiging kumpleto dahil sa pagbaba ng additional fiscal or military resources ‘no. Isipin natin itong Supreme Court ruling na ito ay final and executory kaya kailangan talaga na ang functions and services ay maibaba. Ngayon hindi naman ibig sabihin na ang functions and services ay katulad ng programs, projects and activities ‘no kasi maaari ngang hindi pa handa iyong isang LGU pero kailangan malaman na niya iyong functions and services, tapos unti-unti siyang ibababa ng ating NGAs hanggang makaya ng ating LGUs.

So akala kasi ay bibitawan na kaagad ng national government agencies iyong kaniyang mga projects at ibibigay na. Hindi dapat ganoon, kailangan unti-unti iyan at wala namang pressure para sa ating LGUs na agad-agad ay sila ang magsagawa ng mga projects na ito so kailangan ng kapasidad pa nila. Kaya habang hindi pa sila handa, tuloy pa rin iyong ibang national government agencies sa pagpapatupad ng ibang mga programa at proyekto hanggang dumating iyong final pace na mai-devolve na nang husto.

So ito ay gagawin natin unti-unti at sisiguraduhin natin na mabibigyan natin ng assistance ang ating mga LGUs. In fact ‘no tinutulungan na natin sila sa paggawa ng Devolution Transition Plans at kailangan iyong DTP ng barangay ay alam ng munisipyo o siyudad para magka-align at alam din ng probinsya kasi ito iyong tinatawag natin na vertical management so hindi siya kaniya-kaniya. And at the same time si provincial governor at city mayors naman ay nakadugtong din sa national government agencies. So mayroon tayong enough period para matapos itong DTPs natin and at the same time ay enough transition period din hanggang sa magkaroon nang tuluyang devolution ng mga programs and activities.

So huwag mangangamba iyong ating mga kababayan, hindi natin talaga isusubo agad kung hindi kaya ‘no. At isa pang pangamba nila diyan, Secretary Martin, iyong baka raw may mga empleyado na mawawalan ng trabaho. Hindi! Sapagkat dito sa EO 138 nakalagay dito na ang mga empleyado na maaapektuhan ay either ia-absorb siya ng ibang ahensiya o kaya ay puwede siyang mag-join sa LGUs ‘no. Ang iba naman magri-retire na, puwede pa rin silang mag-apply sa LGU at bibigyan naman sila ng priority para sila ang ma-hire, siyempre kabisado na nila iyong trabaho.

So saka hindi ibig sabihin noon lahat ng mga posibleng maging issue/problema ay tiningnan na natin dito para sigurado na maayos ang ating transition ng pag-iimplementa ng Mandanas-Garcia Ruling na ibinigay ng ating Supreme Court.

SEC. ANDANAR: Ano po ang magiging pinakapangakong benepisyo o pakinabang po ng devolution?

DILG SEC. AÑO: Ang pinakamalaking benepisyo ay ang mas mataas na kalidad ng serbisyo at ang pagbibigay sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan ng lokal government units ‘no. Ibig sabihin, dati ang problema palagi ay kapos ang pondo at palagi na lang umaasa ang ating LGUs, ang mga kababayan natin sa mga programa na ibinibigay ng ating national government na minsan ay hindi sila nakukonsulta at bumababa na lang iyong mga proyekto pero dahil nga limited, nagkakaroon nang pag-aagawan sa mga projects. Kaya minsan may isang lugar na maraming projects, may mga lugar na naiiwan at wala man lang proyektong nagawa.

Dito, magkakaroon na ng parang equal footing sapagkat may karagdagang resources ‘no. At ang importante dito iyong partisipasyon din ng ating mga kababayan sa paggawa ng mga programa. Kasi through local development councils may representasyon na ngayon iyong ating mga kababayan, even iyong tinatawag natin na partisipasyon ng mga civil society organizations ng NGOs, paggawa pa lang ng development plans sa baba na kita agad ng LGU ito iyong kaniyang pera na pupuwede niyang gamitin, so very practical and responsive ‘no.

So magkakaroon ng better alignment ang ating national government agencies at saka local government units, at magkakaroon din ng tinatawag nating oversight function ang ating national government agencies. Pati iyong ating higher LGUs, may oversight function din siya. Para saan iyan? Para maalalayan iyong ating LGUs makapagbigay ng additional technical support, makapagbigay din ng additional na… halimbawa, kailangan ng additional or I mean, complementary projects.

So with this, sabay na gumagalaw ang national government agencies at saka local government units.

SEC. ANDANAR: Parang napakalaki at napakabago po ng konsepto nitong devolution, baka naman mangamba o matakot ang ating mga kababayang nasa mga maliliit at malalayong LGU na baka maiwanan sila nito. Remember, ang ilan po sa kanila ay mga nasa mga lugar na ngayon na lamang nabibigyan po ng pansin at mga proyektong pangkaunlaran; papaano po sila makikinabang dito?

DILG SEC. AÑO: Thank you sa tanong mo, Sec. Martin. Ang mahalagang malinawan muna ng ating mga kababayan na hindi na bago ang konsepto at usapin ng devolution. Nangyari ito mula noong 1991, noong pagpasa sa pag-iimplementa ng Local Government Code. Ang Supreme Court ruling na ito ay mas tumutukoy ngayon sa fiscal devolution, at ang mga gawain naman para sa pamahalaang lokal ay matagal nang nai-devolve base sa Section 17 ng Local Government Code.

Gayunpaman, batid ng pambansang nasyonal na hindi na rin pantay-pantay ang kakayahan ng mga pamahalaang lokal upang gampanin ang mga gawaing ito kaya’t mayroon tayong inihahanda. Ang tawag natin dito ay growth equity fund or GEF. Ang GEF ay intended para tulungan ang mga mahihirap na LGUs, iyong tinatawag nating mga disadvantaged at mga naiiwan na LGUs ‘no.

Ang Government Equity Fund ay isang additional fund transfer on top of the tax allocation share of the LGUs; aside doon sa NTA or IRA niya ay mayroong pang Growth Equity Fund.

Initially, ten billion ang inilaan ng national government dito at ito ay maisasailalim ng local government support fund. So ibig sabihin, makaka-access ang ating mga mahihirap na LGUs dito lalo na iyong mga tinatawag nating na mayroong mga below poverty incidence. Ibig sabihin, ang poverty incidence nila ay higher than the median, so maraming mga mahihirap na kababayan dito. Kaya puwedeng makapag-access iyong ating mga LGUs dito, seventy percent of the GEF will be allocated for municipalities, iyon mga mahihirap talagang munisipyo. At ang 30% will be given to poor provinces.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, DILG Secretary Ed Año. Patuloy po ang talakayan, sunod naman ay makakasama natin si Usec. Kim de Leon ng Department of Budget and Management. Keep it here, this is the Cabinet Report.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Nasa Cabinet Report pa rin kayo, at kasama naman natin ngayon si DBM Usec. Kim de Leon. Good evening, Usec. Kim.

DBM USEC. DE LEON: Magandang gabi, Sec. Martin at sa lahat ng ating tagapanood at mga tagapakinig.

SEC. ANDANAR: Sa pananaw po ng DBM, ano po ang magiging implikasyon o resulta ng devolution?

DBM USEC. DE LEON: Well, unang-una, Sec. Martin, ang direct impact ng Mandanas-Garcia decision at ng Executive Order # 138 ay magkakaroon nang mas malaking share o bahagi iyong ating mga local government units mula sa ating national taxes dahil pinalawig ng decision iyong tax base kung saan manggagaling iyong share ng local government units. At iyong dating IRA or Internal Revenue Allotment ay tatawagin na nating National Tax Allotment dahil kasama na sa computation hindi lamang iyong income that we have generated from the Bureau of Internal Revenue kung hindi maging iyong income from Bureau of Customs at iba pa nating koleksyon.

At dahil mas malaki na iyong matatanggap ng ating mga LGUs, of course inaasahan natin na dadami iyong kanilang program at proyekto sa lokal na pamahalaan na makakatulong sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: What would this mean in real term for a province, city, municipality and barangay?

DBM USEC. DE LEON: Doon sa kabuuang halaga ‘no, ang magiging increase natin ang NTA, inaasahan natin that NTA for 2022 ay tataas ng, at least, 37.89% on the average kung ikukumpara natin doon sa IRA natatanggap nila ngayong 2021. So iyon iyong maaaring i-expect ng ating mga lokal na pamahalaan, of course, taking into account the factors na nabanggit ko kanina, iyon ngang population and land area na ating kinu-consider sa computation.

So ibig sabihin, kung ang isang LGU ay tumatanggap ng halimbawang one hundred million sa 2021, sa kanilang IRA, inaasahan natin iyong increase na 30 to 37 percent. Ang ibig sabihin nito, may maaari silang asahan na at least na 30 to 37 million more on top of the 100 million na nari-receive nila o natatanggap nila ngayong 2021; so iyon iyong maaari nilang asahan on the average beginning 2022.

But of course, ito kasing NTA ay nakadepende o nakabantay doon sa ating tax collection. But ito 2022 na idi-distribute natin sa kanila ay iyong collection ng ating pamahalaan noon pang 2019. At dahil nga sa pandemya na ating naranasan noong 2020 na nakaapekto doon sa ating mga koleksyon or doon sa ating revenue buhat ng COVID-19 pandemic, hindi natin masasabi na iyong pagtaas ay magiging steady ng 2023 hanggang 2024 dahil naapektuhan iyong ating koleksyon.

SEC. ANDANAR: Sa laki ng pondong mapupunta sa mga LGU, ano po ang mga proyekto na maaari nilang pondohan?

DBM USEC. DE LEON: Well, ang mga proyekto o programa na maaaring paggamitan ng ating mga lokal na pamahalaan, ito na iyong mga functions and services that were already devolved to our LGUs, at ito ay talagang binigyan-diin pa rin doon sa Executive Order # 138 na inilabas ng ating Pangulo. Kabilang diyan, halimbawa:

  • Iyong mga programang pang-agrikultura,
  • Programang pang-imprastruktura,
  • Gayundin iyong pangangalaga sa ating kapaligiran.
  • Kasama din diyan, definitely, sa devolved function ang mga programang pangkalusugan na alam nating kailangang-kailangan natin ngayong panahon ng pandemya.
  • Kasama din diyan iyong pagpapanatili ng kaayusan o pagbibigay ng mga programa para sa empleyo o trabaho.
  • Gayundin ang mga social welfare services. So ito ay nakapaloob na doon sa Section 17 ng Local Government Code.
  • At kabilang ang mga pabahay at iba pang pagawaan katulad ng mga paaralan, at ito ay niri-reinforce lamang o pinapatatag ng Executive Order 138 na binibigyan talaga ng … ini-empower iyong ating mga lokal na pamahalaan upang magampanan na itong mga tungkulin na nakaatang sa kanila under the Local Government Code kung saan nila magagamit iyong additional na national tax allotment na kanilang matatanggap.

SEC. ANDANAR: Paano naman po tinutulungan ng DBM ang mga national government agencies at mga LGU upang mapaghandaan nila itong transition?

DBM USEC. DE LEON: Sec. Martin, sa ngayon, patuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa mga national government agencies na maaapektuhan nitong ating devolution.

At ngayon ngang September 30 iyong ibinigay nating deadline sa kanila upang magsumite ng kanilang 3-year devolution transition plan. Ito ay pag-aaralan ng mga ng DBM upang masiguro na ito ay nasa ayos at alinsunod sa hinihingi ng Executive Order # 138. At ito ring devolution transition plan na ito ang magiging batayan ng ating mga lokal na pamahalaan kung papaano nila unti-unting kukunin o ia-absorb itong mga functions and services na ito.

Patungkol naman sa mga lokal na pamahalaan, nakatadhana rin sa Executive Order # 138 iyong tinatawag nating capacity building. Napagtutulung-tulungan hindi lamang ng DBM, katuwang natin diyan ang DILG sa pamamagitan ng local government academy. Nandiyan din ang Department of Finance, ang Bureau of Local Government Finance. Nandiyan din at atin ding tinawagan ng tulong ang Development Academy of the Philippines upang maihanda ang ating mga lokal na pamahalaan, ganoon din ang mga empleyado ng ating mga lokal na pamahalaan habang kanilang ipini-prepare iyong kanilang devolution transition plan nang sa ganoon, by year 2024, sila ay handang-handa nang i-absorb itong mga programs and services na idi-devolve natin sa mga lokal na pamahalaan.

SEC. ANDANAR: Usec., pakipaliwanag po itong Growth Equity Fund. Gusto ko sanang mabigyan-linaw ang usaping ito dahil alam ninyo naman, may mga intriga at mga kuwento na lumalabas tungkol dito. So, maganda na maklaro po sa ating mga kababayan kung ano po talaga ito.

DBM USEC. DE LEON: Maraming salamat, Sec. Martin, sa pagkakataon na maipaliwanag natin ano ba iyong layunin ng ating Growth Equity Fund or GEF. Ito ay isa sa tinatadhana ng Executive Order # 138 kung saan itong pondo na ito ay dapat na nakalaan upang matugunan iyong mga issues ng marginalization, hindi pantay-pantay na development, mataas na antas ng kahirapan at iyong pagkakaiba-iba ng income o kita ng iba’t ibang LGUs. Dahil sa ngayon, alam natin, hindi naman pantay-pantay ang kinikita ng LGUs bukod pa doon sa natatanggap nilang Internal Revenue Allotment.

Kaya ito, na-conceptualize iyong Growth Equity Fund upang ma-bridge iyong tinatawag nating gap na iyon at makapagbigay ng karagdagang tulong pa doon sa mga disadvantaged LGUs dahil alam natin na kahit na makakatanggap sila nang mas mataas na National Tax Allotment beginning 2022 ay hindi pa rin talaga sila ganoon kahanda financially and even technically to absorb all the devolved functions. Kaya nga doon sa transition period, tinatadhana ng Executive Order na magkakaroon tayo nitong Growth Equity Fund upang matulungan nating makatawid, makatayo sa sarili nilang paa ang mga lokal na pamahalaan lalung-lalo na iyong mataas ang antas ng kahirapan at mababa iyong kanilang financial capacity to absorb these functions.

Sa 2022 National Expenditure Program, nag-propose ang Department of Budget and Management na maglaan ng ten billion para dito sa ating paunang Growth Equity Fund. At ito ay idi-distribute natin sa mga poor, disadvantaged at lagging LGUs. Hindi naman ito partikular lang na lump sum na wala tayong magiging batayan. Alam mo sa ngayon, dahil nga nakatadhana rin na dapat mag-approve ng guidelines ang Development Budget Coordination Committee sa paggamit ng Growth Equity Fund, pinag-uusapan na ang formula kung papaano hahatiin iyan at kung sinu-sino ang magiging mga eligible local government units na makatatanggap niyan.

So as soon as ma-finalize natin iyong eligibility criteria at formula, even before the 2022 budget is passed, Sec. Martin, malalaman na natin sino ang maaaring mag-expect pa na mga lokal na pamahalaan na maaaring makatanggap ng tulong mula sa Growth Equity Fund. At inaasahan natin na, ating panalangin na gagamitin nila ito upang mapalakas iyong kanilang kapasidad na mapaghandaan iyong full implementation nitong devolution under Executive Order # 138.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, DBM Usec. Kim de Leon.

Magbabalik ang Cabinet Report, at makakasama naman natin sunod mula sa DILG, si Usec. Jonathan Malaya.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Nasa Cabinet Report pa rin tayo, at kasama naman natin ngayon si DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Good evening, Usec. Jonathan.

DILG USEC. MALAYA: Yes, magandang gabi, Sec. Martin. At magandang gabi po sa ating mga tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: Usec., magsisimula na ang transition sa full devolution ng mga functions, services and facilities ng national government patungo sa mga LGUs next year, sa 2022. At ang full devolution ay ipinag-utos na dapat matapos bago mag-2025. So three years ang transition period na ito. Ano po ang mga pinaka-crucial na aspeto ng transition period na ito sa pananaw ninyo sa DILG?

DILG USEC. MALAYA: This is also about changing mindsets. Kasi nga, nasanay na ang national government and local government of ways of doing things kasi nga napakatagal natin under a system wherein ilan sa mga basic services na kailangan ay ginagampanan ng mga LGUs ay tumutulong pa rin ang national government. Kaya madalas nakikita mo, kapag pumunta ka sa munisipyo, hahanapin mo iyong mayor, “Mayor,” na sasabihin sa iyo, “Sir, pasensiya na, wala si Mayor.” Nasaan si Mayor? Nasa Maynila. Anong ginagawa? Nagpa-follow up ng project.

Bakit ganoon ang mentality ‘no, precisely because ang pondo diumano ay nasa Maynila at hindi magkakaroon ng development or pag-unlad ang isang local government unit kung hindi maambunan ng proyekto mula sa imperial Manila na tinatawag.

So to us, more than anything, this is about changing mindsets ‘no. We have to follow what the Constitution says – devolution and decentralization, at kailangan maibaba natin iyong pondo sa baba, sa mga local government units. At sa mga LGUs naman, kailangang tanggapin nila iyong katotohanan that they are entirely responsible for the provision of basic services – sa kanila iyan. At maliwanag sa local government code kung ano iyong mga serbisyong iyon.

Ngayon, on the part of national government naman, kailangan mabago rin iyong mindset ng national government. Kasi even if health, maliwanag iyan sa local government code na ang health ay kailangan responsibilidad ng local government and logical naman iyon kasi ang health service is a frontline service and must be delivered by the government entity closest to the public ‘di ba, that’s why it’s localized. Nguni’t ang Department of Health, for example, for so many years, nagpapagawa pa rin ng barangay health center.

So you can see, they can see the disconnect ‘no, here. National government mindset must also change. The national government must start thinking also na, “Ako, ano ba ang role ko?” Ang role ko is standards. Ang role ko is technical assistance ‘di ba. Ang role ko is monitoring. Ang role ko is national direction, strategic planning and to build a consensus towards that.

So kapag na-operationalize natin iyan at ang pondo ay naibaba na sa mga local government units, ang kailangang ginagawa ng DOH is tulungan ang LGU na makapagpatayo ng mga rural health units utilizing local funds and technical assistance for training, for certification ng kanilang mga nurses, ng kanilang mga doktor. Ngunit iyong dating ugali natin na magpapadala pa ng mga nurse galing Maynila, magpapadala pa ng doktor galing Maynila, tapos ang pondo ay manggagaling pa sa national government – that does not make sense under a decentralized system.

So madami pong challenges ito, kaya ginawan natin ng 3-year transition kasi it is not just about bringing down the money. This is also about changing mindsets and behaviors because mayroon na tayong nakasanayan for so many years.

SEC. ANDANAR: This early, what do you anticipate to be the difficulties in transitioning to the full devolution?

DILG USEC. MALAYA: The thing that that must be addressed is the seamless transfer of responsibility from national to local, iyan ang kailangan diyan and for that to happen both LGU and national government must be in sync.

So, for example based doon sa inilabas ng DBM sa budget call, sinabi nila sa mga national government agencies na ang pondo na dating binibigay sa mga mayayamang LGU, first, second, third class municipalities.

Okay, dahan-dahan nang tanggalin iyong mga projects program and activities and mag-shift to technical assistance, okay. So, pag nangyari iyan, mabibigla si LGU di ba? So, kailangan may abiso, may abiso iyan, ‘oh Mayor, moving forward wala na po tayong gagawing ganito sa inyong LGU.’ So, magsi-shift na po tayo sa technical assistance.

Kung maliwanag iyan, kailangan maliwanag din sa ano ni Mayor. Kasi, iyong kaniyang department ba na humahawak sa serbisyong iyan ay well-staffed, mayroon bang tao? Na-train ba ang mga iyan? Were plantilla positions created by the local government unit, di ba; may mga kagamitan ba iyan kung under the responsibility.

So, both the national government and the LGUs are required to have their owned devolution transition committees and part ng ginagawa ng devolution transition committees is tingnan iyong organizational structure, competencies and absorptive capacity of LGU for the seamless transition; on the part of DILG, kami iyong nagri-referee niyan. So, kami ho ang may oversight authority over them; so, kami iyong nagbibigay sa kanila ng guide.

Our MLGOO, our City Directors and Provincial Directors are now working very closely with the LGUs. Sinisiguro namin na nabuo na nila iyong devolution transition committee nila para pag pinasa iyong bola may sasalo.

So, kaya nga sinabi ko kanina, this is a some sort of revolution in a local governance kasi nga ang ultimate objective nito is to improve public service. After the three year period ang ano natin, ang target natin ay maramdaman ng taong bayan, naku may magandang nangyari.

Bakit? Kailangan pag inaral iyan ng mga scholars, makita nila ah because of full devolution. We have to understand how a local government operates para malaman ng tao kung gaano kahirap itong gagawin natin. Under the Constitution, LGUs set local autonomy, and how that is operationalized is, ang Sanggunian ng isang local government have the authority to pass its own budget.

So, ang gumagawa ng budget ng lokal ng pamahalaan ay iyong Mayor, through the finance committee and then parang national government iyan eh. The President creates to national expenditure programs and submits it to Congress. Ganoon din sa local government, the Mayor prepares the budget through the finance committee and submits it to Sanggunian and the Sanggunian approves it. Pag ginawa ng Sanggunian ang kanilang ordinansa or appropriation ordinance hindi sila compelled to follow na ito—hindi puwedeng magbigay ng menu ang national government, hindi puwedeng magbigay.

Sasabihin ni national government, oh itong projects na ito mawawala na ito, okay. There is no law that requires to do so. Why? Because there’s local autonomy; unless there’s a law that requires them. So, sa disaster, under the Disaster Risk Reduction Management Act, they’re supposed to utilized a certain portion of their budget for disaster, kaya compelled sila.

But many of the things in the Mandanas Garcia ruling as part of RA 7160 ay hindi naman nakalagay na a certain percentage of the budget must go to Agriculture; a certain percent must go to health; a certain percentage must go to housing, irrigation, walang ganoon. Therefore, kailangan iyong Mayor naiintindihan niya na may magbabago.

SEC. ANDANAR: Tinanong ko si DBM Under Secretary Kim De Leon kanina tungkol dito and I will ask you similar question tungkol dito: Papaano naman po tinutulungan ng DILG ang mga National Government Agencies at mga LGU upang mapaghandaan nila itong transition?

DILG USEC. MALAYA: This is a ruling already of the Supreme Court. So, hindi na ito mababaligtad, iyong susunod na administrasyon hindi na nila mababawi ito no and may Executive Order nang na-issue. So, nasimulan na rin iyong proseso. So, this is already—and ano naman ito eh? It would not be politically viable for the next president to run against this di ba? Kasi, this is about LGUs, this is about local politician.

So, pinaglaban nila ito for so long, remember 1991 pa iyong Local Government Code. Iyon ang kinuwestiyon sa Supreme Court, a provision of the Local Government Code which was declared unconstitutional. So, mga 30 years din ito na matagal na pinaglaban ng mga LGUs. So, we do not see any problem with the next administration on this. The next administration will just have to raise more money. Kasi, may negative fiscal impact din ito sa national government.

SEC. ANDANAR: Ano-ano naman po ang ginagawa ng DILG upang siguraduhin na maisasatupad nang maayos ang full devolution sa pagsara ng 2024?

DILG USEC. MALAYA: Okay, marami ginagawa ‘no. Mayroon kaming DILG transition committee, mayroon din tayong ni-require na the LGU devolution transition committee at mayroon pa kaming capability building program for the LGUs at ginawan din natin ito ng napakaraming partnership with LGUs. Mayroon na tayong nakatutok na LGU officers dito, mayroon pang nakatutok na DILG Field Officer dito at we do very open consultations with the local government units.

Madalas po kaming nakikipag-usap sa mga media on everything and finally mayroon kaming review of the transition plan. Kami na ang magri-review noon eh, we will review kung ano iyong ginawa nang LGU na transition plan we’re supposed to review that and magkakaroon kami ng monitoring and evaluation system.

So, parang 3 years iyan may milestones, pag hindi nagawa si milestone 1, kami ang magsasabi sa LGU, ‘Medyo nahuhuli ka boss, Mayor nahuli ka, mga department heads catch up.’ Gagawa tayo ng catch-up plan and then kami rin iyong mangungulit sa national government through the DBM na iyong devolution transition plan ninyo ay natapos ninyo rin.

Ang maganda naman dito ay may mga kasamahan naman kami, there’s a committee on devolution ‘no, with Secretary Año, Secretary of the DBM and then many other government agencies are there together with the leagues. So, there a policy making body on top whose taking a look at this to make sure that its succeeds.

SEC. ANDANAR: Magsisimula tayo sa transition sa 2022, tapos magkakaroon tayo ng pagpapalit ng administrasyon sa kalagitnaan ng taon. How are you planning to ensure that the transition will carry on smoothly to the next administration both national and local?

DILG USEC. MALAYA: The next administration will have no choice but to implement it because naibigay na iyon, magsisimula na eh. Pagpasok ng 2022 matatanggap na ng mga LGUs iyong increased IRA per quarter iyan and hindi puwedeng bawiin na iyan, di na puwedeng bawiin iyan. it’s going to be politically unsound, okay? So, tuloy-tuloy na iyan, tuloy-tuloy na iyan.

So, ang magiging resort na lang ng national government if it wants increased funding is for them to raise more revenue, iyon na lang iyon. So, having this process already and all of the joint memorandum circulars have been issued already, I think the program already has a momentum. It will have such a large momentum na iyong mga succeeding administration and even the Mayors who will be elected will necessarily understand that this is something that they have to do kasi wala naman na silang magagawa eh.

The funds are going to be given to them and the responsibilities are also coming. I-emphasize ko lang din Sec. Martin, na iyong ating ano na iyong fifth and sixth class municipalities are going to be treated differently. Okay? So iyong mga fifth and sixth class municipalities will still continue to receive PPAs [Programs, Projects, and Activities] of the national government. Kasi kawawa sila eh, dahil since maliit iyong kanilang base ng kanilang IRA.

Nakalagay sa kanilang transition plan na ang uunahing tatanggalan ng projects of the national government are those in the rich municipalities, rich cities and rich provinces. Iyong mga fifth and sixth class will still be entitled to funding from the national government through A Growth Equity Fund.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Pilipinas gaya ng maraming Pilipino mahalaga po sa akin itong napipintong devolution dahil ito ay isang napakahalagang hakbang tungo sa pagkalat ng kapangyarihan at kakayahan sa buong kapuluan. Sinusuportahan natin ito dito sa PCOO sa pamamagitan ng pagbibigay boses at pagpapakita sa mga lalawigan, lungsod at bayan all across the archipelago.

Sa mga sumusubaybay sa Network Briefing News tuwing umaga, di ba nakikita ninyo naman ang potential ng marami sa ating mga bayan, lungsod at lalawigan but more than seeing the potential we need to empower them to act on it and that to me is what devolution brings.

The power, the authority, the responsibility and the resources to make what our people dreams for themselves happen all across our 7,641 islands. Sa susunod po na episode, pag-uusapan naman natin itong devolution mula sa pananaw ng mga LGU.

Para sa Cabinet Report ito po si Communication Secretary Martin Andanar, mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang Pilipino!

###


News and Information Bureau-Data Processing Center