Interview

Cabinet Report | “Katutubo, Kababayan” hosted by PCOO Secretary Martin Andanar

SEC. ANDANAR: Pilipinas, dito sa Cabinet Report patuloy ang adbokasiya natin na bigyan nang karampatang atensiyon ang iba’t ibang aspeto nang pangmalawakang buhay Pilipino na ‘di masyadong napag-uusapan.

Sa Network Briefing News, Lunes hanggang Biyernes, pini-feature natin madalas ang mga munisipyo, lungsod at lalawigan na ‘di gaanong naliliwanagan ng spotlight.

Sila ay may kaniya-kaniyang mga kuwento, mga ‘di maitatangging kontribyusyon sa ating bansa, mga tanawing maipagmamalaki, mga oportunidad na ‘baka’ makakatulong at mga pangarap at pangangailangan na dapat ding pagtuunan ng pansin.

Ngayong gabi tayo’y tututok sa usaping hinggil sa mga kapwa Pilipino nating Indigenous Peoples. Makakausap natin mula sa National Commission on Indigenous Peoples o NCIP ang kanilang Chairperson, si Secretary Allen Capuyan. “Katutubo, Kababayan” ang paksa natin ngayong gabi.

Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar; welcome to the Cabinet Report.

***

SEC. ANDANAR: This is The Cabinet Report at kasama natin ngayon mula sa National Commission on Indigenous Peoples o NCIP ang kanilang Chairperson, Allen Capuyan. Good evening, Chair Allen.

NCIP CHAIRPERSON CAPUYAN: Magandang gabi rin sa’yo sir, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Simulan muna natin ang ating kuwentuhan sa pagpapakilala sa NCIP, ano po ba ang National Commission on Indigenous Peoples at ano ang mandato nito?

NCIP CHAIRPERSON CAPUYAN: Sec. iyong ating NCIP, iyong National Commission on Indigenous Peoples ang kaniyang mandato ay to make sure po na ang karapatan ng katutubo – ang recognition ng kaniyang karapatan, respeto, pagprotekta at pag-promote ay masigurado ng ating ahensiya. Kaya tayo ay may kinasasakupang 13 regional offices, 15 provincial offices at saka 109 service centers to make sure na iyong mga katutubo ay nasa within range ng ating serbisyo para sa kanila.

SEC. ANDANAR: Ano naman ang inyong mga tinututukan sa ngayon? Paki-update po kami hinggil sa mga ginagawa ngayon ng NCIP.

NCIP CHAIRPERSON CAPUYAN: Unang-una, ay sinisigurado natin na ma-engage natin ang lahat ng communities. In fact right now mayroon tayong series of provincial leveling ng lahat na community leaders, members, mga youth leaders including iyong kanilang indigenous political presentation. Kinakausap natin sila for the next 15 meetings to make sure that iyong mga burning issues ay ating maunawaan/maintindihan at ating bigyan ng solusyon.

Pangalawa, ay tayo’y nakipag-engage sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa pagserbisyo sa katutubo. Isa na rito iyong ating tinatawag na food security ng Department of Agriculture, iyong TESDA para sa training at saka poverty reduction, ganoon din sa Department of Health at lahat ng ahensiya ng gobyerno mayroong tinatawag tayo na engagement not only at the national level but also at the regional at saka provincial levels.

Despite the pandemic, we are strategically in control of rural activities – mayroon tayong na-assign sa work-from-home, mayroon tayong na-assign sa field – hindi po natin hininto iyong ating mga gawain katulad ng pag-delineate ng mga ancestral domain katulad ng pag-approve ng certificate of recognitions para makapasok iyong investors at other agencies. Ganoon pa rin ang ating ginagawa, in fact lalong nadagdagan ang ating mga gawin; hindi po naging limitasyon ang pandemic sa pag-perform natin ng ating mga mandato.

SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo po ang katagang ‘ancestral domain’. Pakipaliwanag po sa ating mga kababayan kung ano po ito.

NCIP CHAIRPERSON CAPUYAN: Ang ancestral domain ay lupain ito ng ating mga katutubo since time in memorial at nakabase ‘to sa tinatawag natin na native title na bilang nangungunang mamamayan since time in memorial, sila ay may karapatan sa mga lupain – sila nagmamay-ari. Kaya ibig sabihin nito, ‘pag sinasabi nating we recognize their ancestral land o ancestral domain, hindi natin binigay ang lupa – lupa na nila ito at ito ay ating nirirespeto at ni-recognize.

Actually we have a total of 1,400 ancestral domain or lands. For the last 23 years we have already delineated around 250 ancestral domains. Sa ating 30 million hectares na teritoryo ng Pilipinas, we have already delineated more than 5 million hectares bilang nasa loob ng ancestral domain.

So ngayon, nagpa-process po tayo ng 250 more at may naiwan pang more than 500. But in our projection, out of 30 million hectares we see that 25% nito ay ancestral domain

Kasi ang nakasaad sa batas, kung iyang ancestral domain na iyan ay may nauna na, nabigyan na ng gobyerno ng titulo, nabigyan na ng vested rights, ito ay respetuhin ng katutubo at iyon ay hindi na puwedeng isama bilang na kanilang pagmamay-ari. At dahil nga dito may konting epekto lang sa resources, kasi sa katutubo sila ang may-ari ng lupa at saka resources ngunit sa ating Konstitusyon, ang may-ari ng natural resources ay ang gobyerno. So to strike a balance, ang pagmamay-ari na ng tribu ay kanilang mga lupain, pagdating sa natural resources ay binigyan sila ng unang karapatan para magsabi kung sila ba ang mag-develop nito, mag-exploit o ipamigay ba nila ito sa iba with their approval.

Kaya mayroon tayong tinatawag na free, prior and informed consent para bago makapasok kahit ahensiya ng gobyerno at mga private sector o public sector, kailangan magpaalam muna sa pamayanang katutubo. At ang role ng NCIP ay to make sure na iyong process nang pagpapaalam nila sa komunidad ay tama po. Iyon po ang proseso, Secretary Mart, na ating ginagawa.

SEC. ANDANAR: Minsan ang usapin tungkol sa mga ancestral domains ng ating mga kapwa-Pilipinong katutubo ay napupunta sa subject ng free, prior and informed consent o FPCI at sa exercise of priority rights o EPR; ano naman po ang mga ito, Chairperson Allen?

NCIP CHAIRPERSON CAPUYAN: Unang-una nakasaad sa batas na ang komunidad ay dapat bigyan ng royalty sa anumang proyekto na pangkabuhayan sa loob ng ancestral domain, iyong pinagkikitaan; kung walang usapan, automatic 1% royalty.

Katulad nito mayroon isang mining company na gustong pumasok sa ancestral domain, hindi po iyan aprubahan ng Bureau of Mines, iyong project na iyan unang-una kung walang pahintulot ng komunidad ng tribu. So ang mangyari niyan, sila ay makipag-usap sa NCIP, regional office or provincial office then sila ay i-process muna ng NCIP kung sila ba ay legitimate na nangangalakal.

So dito mayroong tinatawag tayo na first assembly, kausapin ng NCIP ang komunidad ng tribu reminding them sa kanilang mga karapatan, sa kanilang mga nakasulat sa IPRA [Indigenous Peoples’ Rights Act] kung ano ang mga iyo at sila ay may karapatan din na mag-approve/disapprove kahit sinong papasok. ‘Pag naayos na ‘yan, na-explain na ‘yan, it has to be repeatedly done every time may papasok na investor.

Ang pangalawa niyan ay magkaroon na naman ng assembly para magpakilala iyong proponent para kaniyang sasabihin kung ano iyong proyekto, ano ang puwedeng mangyari nito, ano nag benefit nito sa community, anong coverage – iyong lahat ng detalye. Then may tinatawag na freedom period para bigyan ng chance ang community na mag-decide. Then after that another assembly for them to decide kung papayag sila or hindi.

So kung hindi sila papayag ay hindi na matuloy iyong proyekto; kung sila ay papayag, the next step is iyong MOA, memorandum of agreement formulation; ito ay gagawin pareho ng komunidad at saka ng investor.

So malalagay doon ano ang mga benefit sharing na kanilang matanggap, nandoon iyong ibang benefits like free education… kung anu-ano pa pong nakasaad doon sa MOA; at nandoon nakalagay magkano ang kanilang tatanggapin taun-taon. May mga different phase computation, kinu-compute siya na 1%; [unclear] kinu-compute in terms of the financial projection at mayroon naman din kinu-compute iyong actual production; so mga ganoong klaseng sitwasyon.

If I may, mayroong isang project for example sa Region XI na tumatanggap ang community nang more than 50 million a year bilang royalty sa project na iyon. Pero at the same time, mayroong ganoon tayo na corporate social responsibility para madagdagan naman ang kanilang kikitain; so iba-ibang format.

Ang bottomline is kailangan ng approval ng community at mag-lead ito sa formulation ng memorandum of agreement or memorandum of cooperation, depende sa kanilang pagtawag dito. In short, kapag ito ay isang business entity, may share ang community; and it will be for a period of 25 years, renewable for another 25 years. And then mayroon tayong tinatawag na visitorial powers ng NCIP at saka community para i-inspect iyong proyekto every now and then.

Mayroon ding proyekto na tinatawag po nating joint management agreement. Example nito, iyong sa Clark Development Corporation at saka sa SBMA, mayroon tayong joint management agreement na may partisipasyon ang community sa development ng lugar na iyon. So ito po ang tinatawag natin na free, prior and informed consent. “Free” ibig sabihin, walang puwedeng mag-influence sa kanila ng kaalaman o desisyon na gagawin. So “prior” so beforehand, alam na nila ano ang mukha ng investment kahit wala pang decision. So they are properly informed also iyong detalye. It is the job of the proponent at saka ng NCIP na maintindihan ng community lahat ng detalye tungkol sa proyekto at saka tungkol sa possible benefit tatanggapin nila na kung sila ay papayag – FPIC po iyon.

Iyong sa Lionheart diyan sa Palawan, ito po ay plantation ng coconut. So ang Lionheart ay nag-apply ng Certificate of Preconditions para ma-engage ng community. So ang ginagawa natin ay ni-review natin iyong MOA, pinadagdagan natin iyong kita ng community dahil hindi lang sila magtatanim kung hindi mayroon silang processing plant na gagawin para i-process iyong coconut. So pinadagdagan din natin iyong mga beneficiary. Doon mismo sa MOA, nandoon iyong mga protective clause, kapag may problema; sanction, etc., lahat iyon nakalatag.

The other one is EPR or Exercise of Priority Rights. Ang EPR naman – iyong FPIC naghintay sila ng investor na gustong pumasok – sa EPR naman, exercise of priority rights, sila mismo iyong nag-decide as a community na sila na ang mag-develop, for example, ng isang mining project. Ang role ng NCIP pakinggan na naman sila at tingnan na iyon ay desisyon hindi lamang ng isang tao kung hindi desisyon ng community.

So kapag iyan ay naaprubahan na ng ating commission en banc, pupunta sila sa Bureau of Mines for example o kaya sa appropriate na agencies, sila ay tanungin kung may kakayahan sila. At kung wala silang kakayahan, dapat magkaroon sila ng tinatawag na technical partner. Again, itong technical partner na ito, mayroon silang MOA, babalik ulit sa NCIP kung hindi ito nasama sa unang pagdinig para sabihin sa NCIP na ito ang aming breakthrough, ito ang aming partner. Iyan ay susuriin na naman ng NCIP na hindi agrabyado o hindi na-shortchange ang community bago ulit sila babalik sa DENR para sa pormal na approval ng tinatawag na mining project.

So iyon po ang dalawang proseso ng pagpasok sa ancestral law. Mayroon kaming prinocess [processed] na isang community na nag-apply sila ng exercise of priority rights, at ito ay aming inaprubahan. At namangha po ako dahil doon sa mining company nila na dati mayroon silang partner, ngayon po ay sila na ang nagpapatakbo sa kumpanya at malaki na iyong share nila, significant na ang share, kaya I myself was amazed na paano nangyari iyon. Ang sabi nila iyong mining company na partner nila ay mabait at tinutulungan sila sa kanilang ekspresyon. Kailangan sila talaga iyong mag-exercise ng rights. So ultimately, nabili nila iyong significant shares sa kumpanya; hindi naman 50% pero more than 30% ang kanilang share sa kita ng mining company na iyon. At member na rin sila sa opisyales sa board of directors dahil nga ang mining company nakita na sila ang nag-express ng pag-mine, ginawa lang nilang technical partner iyong investor na mayroong capacity to mine.

So that is an example of a successful activity ng ating ancestral domain. Sa Agusan del Sur ito, bandang Rosario, Agusan del Sur. Pero iyong tribo po ay Manobo sa Agusan del Sur.

SEC. ANDANAR: Patuloy ang ating panayam kay National Commission on Indigenous Peoples Chairperson Allen Capuyan matapos ang ilang paalala. Keep it here, this is the Cabinet Report.

[ADS]

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report. Kausap pa rin natin si National Commission on Indigenous Peoples Chairperson Allen Capuyan.

Ano po ang mga naging accomplishment ng NCIP simula noong kayo ay umupo bilang chairperson noong 2019?

SEC. CAPUYAN: Ang una nating ginawa ay pinalakas natin ang ating commission en banc. Iyong policy-making body ng NCIP na composed of seven commissioners, kami ang nag-agree na ang aming pinaka-major policy is to engage all problems.

Pangalawa ay talagang niri-review namin ang ating mga policy at guidelines; kung wala, ginagawa namin. Ang bottomline is we want to make policies and guidelines to be relevant at saka responsive ‘no, responsive siya, hindi iyong kaniyang adaptation ay medyo may conflict. In fact, just this afternoon, we reviewed the Indigenous Peoples Mandatory Representation Guidelines. So we spent the whole afternoon hanggang bago kami naghiwalay, example lang siya ng ating mga proseso na ginawa.

Pangalawa, inaayos natin ang ating central office. Nadagdagan ito ng importanteng bureau, iyong foreign-assisted projects at saka international relation office. Binigyan tayo ng dalawang division para ma-engage natin ang concerns sa community hindi lang sa local pati sa international.

Tapos gumawa tayo nang dahil sa pandemic, bago pa naman nag-pandemic, gumawa tayo ng mga Viber groups. If I’m not mistaken, I have a total of more than 50 Viber groups sa NCIP lang – Viber group ng mga commissioner, Viber group ng mga commissioner at saka chairman office, Viber group ng chairman office, Viber group ng chairman office saka executive director, Viber group ng mga bureau directors, Viber group ng mga division chief, Viber group ng mga regional directors, ng mga provincial officers at saka community service center.

Gumawa rin tayo ng Viber group ng mga proponent at saka tayo sa NCIP. Ibig sabihin ‘pag may proyekto mabilis ang usapan kasi may Viber group – doon tayo mag-uusap, doon magpapasahan ng papel, doon mag [unclear].

Kahit noong wala pang pandemic, ginagawa ko na po ito, siya ay isang napakalaking proseso na lalo na ngayon na nagsu-Zoom meeting tayo, Monday to Sunday, mula umaga hanggang gabi talagang the more that we double time because we wanted to take advantage sa pandemic na we can stay at home, we have the technology so we have to take advantage of the technology.

Pagdating naman sa budget, niri-review natin ito at nagpipresenta tayo ng mga additional proposal sa DBM; inayos natin ang ating framework of operation from top to bottom. Gumawa rin tayo ng mga framework na bawat ancestral domain ay dapat mayroon siyang tinatawag natin na strategic work flow. Ano ang kaniyang pangangailangan bawat ancestral domain – I am referring to almost 1,400 ancestral domains.

And yet on the side what we are doing is we are also making a Power Point presentation per ancestral domain – ibig sabihin ‘pag gusto mong pumunta sa ancestral domain na ‘to, within 15 to 30 minutes you will see a presentation kung ano na ang progreso ng isang ancestral domain. Ito rin ang maging basehan namin sa tinatawag natin na suit analysis. So ‘pag ikaw ay mayroong suit analysis sa isang ancestral domain, you have a better appreciation kung paano mo siya haharapin, paano mo i-engage ang community.

Now we emphasize the fact that the Indigenous Peoples are our development partners, hindi po natin sila client, sila po ay ating development partners. Kasi unang-una ang komunidad po ng tribu ay may self-governance, mayroon silang sariling justice system, mayroon silang customary law na dapat i-preserve. So we approach them, listening to their narrative, pinapalakas natin ngayon ang kanilang self-governance.

And on the side also as one of our project, mayroon tayong Project Epanaw na inimbentaryo natin ang mga katutubo sa buong Pilipinas so we have a total of 101 groups with subgroups. I don’t know kung narinig mo na, mayroon tayong coffee table books na tatlong volumes na ‘pag iyan ay binasa mo, so ikinukuwento ko sa mga kakilala ko na… I’ve been in the advocacy sa Indigenous Peoples for the last 20 years – ‘pag nabasa mo iyong libro na ‘yan, para mo na ring na-experience iyong na-experience ni Chairperson Allen Capuyan over the next 10 to 15 years.

So para bang iyong dinaanan ko na journey, parang dinaanan mo lang ng isang buwan kung binabasa mo iyong libro na iyon.

Meaning to say, we are documenting our brothers and sisters. We wanted to tell the whole world and the Filipino people – this is our brothers and sisters Indigenous Peoples; so nakalatag ‘yan, iyong tatlong volumes na iyan.

Then part of our project now, we create a culture research na lahat ng tao sa NCIP ay nagri-research. The reason is I wanted to produce one book per community. Ibig sabihin mayroon tayong 101 101 bookings ay magkaroon tayo ng 101 books para pagdating ng panahon sa next generation, may nababasa tayo na nag-i-express, nag-i-explain ano ba ang community na ‘to. Right now we are in the training period, ongoing din ang training ng NCIP tungkol sa research work na ito.

Another project that would really stand was strategic communication. We wanted to make sure that we’re really covering anything and everything about the IPs and the need to mainstream it to the Filipino people and the general public, ano ang nangyari ngayon sa Indigenous Peoples. Kaya we will put up now ongoing, we are putting up our command center na medyo high end nang konti then we will be wired—we wanted to wire all NCIP offices nationwide – but the greater vision there is to wire with the different communities nationwide – iyon ang isa nating mga pangitain.

So marami pa po tayong ginagawa, iyong ating pag-aayos ng ating mga dokumento para easy access and we wanted to make sure also that the Indigenous Peoples are mainstream in the concern of the National Task Force ELCAC sa EO 70. Kaya nga nangyari ngayon, ang ating mga regional directors are part of the advisory councils of the 10 regional task forces. Pinapakinggan na po ang NCIP sa mga [unclear]. Ang mga ahensiya ng gobyerno ay nabigyan ng chance na maintindihan ano ang problema sa pamayanang katutubo.

So marami na po tayong ahensiya ngayon na talagang interesadong pumasok sa ancestral domain. Ang nangunguna diyan ay Department of Agriculture, iyong DPWH, iyong DENR, DSWD, Department of Health at marami pa pong ahensiya including the military and police.

As part of the efforts sa ating NTF-ELCAC, marami tayong mga community dati na hawak ng NPA na ngayon iyong organs of political power ng CPP ay kinovert ng Army into cooperatives. Doon mismo sa Region XI nakikita ko na—noong pumunta po ako sa Talaingod, nakikita ko iyong mga cooperatives na sinet-up ng military, nasa tulong DA and another agencies na nagkaroon nang maraming harvest na mga pagkain at iyon ang ating sinisigurado na bawat ancestral domain ay secured pagdating sa pagkain kasi importante na—mahirap kasi ngayon na maging dependent ka sa ibang lugar, iyong paghahakot ng mga pagkain ay exposure po iyon. So we wanted that every ancestral domain has the capacity of food security.

So iyon po, Secretary Mart, ang iilan lamang sa ating ginagawa sa NCIP.

SEC. ANDANAR: Patuloy po ang Cabinet Report tungkol sa ating mga katutubong kababayan matapos ang ilang paalala. Tutok lang…

[AD]

SEC. ANDANAR: Nasa Cabinet Report pa rin tayo at kausap pa rin natin si NCIP Chairperson Allen Capuyan. Alam ninyo po sa weekday program nating Network Briefing News, nakakausap natin ang ilang mga alkalde ng mga lugar kung saan nakatira ang ating mga kababayang katutubo. Nakuwento nga nila na marami tayong matututunan sa kanila tulad na lang sa usapin ng katarungan. Marami din sa kanila ang napapakita sa atin kung paano dapat tayong mag-coexist with nature.

At kamakailan lang binalita nga ng Department of Science and Technology o DOST na pinag-aaralan nila ang ilang indigenous plants para sa kanilang mga medicinal value, mga bagay na tila alam na nang matagal ng mga kapwa Pilipino nating IP. What can Filipinos in general learn from IPs and their ways of life?

NCIP CHAIRPERSON CAPUYAN: Unang-una sa totoo lang ay ako’y namangha, it is so [unclear] revelation to me na every day I am learning from them. Kasi sa kanila ang justice system is always restoration. Sa atin kasi punitive, sa kanila is iyong restoration. So ‘pag mayroong nag-away na dalawang grupo ng katutubo ay maghanap sila ng isang lider na gusto rin ng bawat party at iyan ay ise-settle sa customary law. Siyempre mayroon ‘tong component ng kabayaran in kind, kasi sa panahon nila noon ang bayad is iyong hayop, iyong kabayo kasi ay parang pera. Ngayon siyempre nagbago na siya ng form.

Now masu-solve siya kasi kung iyong isang party ng tribu ay walang pambayad, ang magbabayad po ay iyong judge, iyong pinili nila na nag-aayos sa kanilang problema. So ma-solve talaga ha kasi iyong pinili nila para na ring sinasabi na ‘to, ikaw iyong tutulong sa problema natin.

Another classical example, I will not mention the company. Sa isang probinsya pumasok itong isang kumpanya na medyo nagkamali sila kasi pumasok na walang paalam. So, may tinatawag ang tribo na sala. Parang ikaw ay haharap sa isang proseso para isala ka upang pag-usapan ang iyong pagkakamali o kasalanan. So, mayroon nagti-take advantage na grupo, ang laki ng charge, 500 million ang kasalanan. Pero noong inayos ng isang pamamaraan sa isang customary law, iyong 500 million ay nagiging more than 1 milyon na lang doon sa damage na nangyari sa ground. So, mayroon silang ganoong proseso based sa customary law, may solution palagi, may pamamaraan.

Isa na naman dito iyong kanilang respeto sa nature. Mapansin mo iyong kanilang mga kabahayan iyong iba ang ginagamit lang nila talaga iyong malalambot na kahoy, hindi nila sinisira iyong mga importanteng mga puno na kailangan ma-preserve para sa hangin. In fact, kahit sa farming nila minsan inakusahan din natin sila noong tinatawag natin na pagsusunog ng mga lupa, may tawag diyan sa atin, nakalimutan ko lang.

Pero ang totoo niyan, iyan ay proseso na kailangan iwanan nila ang isang portion na nag-farming sila kasi kailangan ma-restore ang nutrients. Ayon kaingin, iyang tinatawag natin na nagkakaingin sila, palipat-lipat. Kasi nga, kailangang iwanan nila iyong dati nilang tinaniman para babalik iyong nutrients. So, babalik na naman sila sa isang lugar, then after a time iwanan nila para ang nutrients babalik. Ang problema lang, iyong mga iniiwanan nilang mga lugar ay pinalitan ng mga non-IP, inaagaw sa kanila.

So, that is an example of their preservation of their natural resources. Kung hindi sila marunong sa preservation, sa generation natin wala sana tayong maabutan ngayon. So, naabutan na natin ito.

So they are very rich iyong kanilang mga paggawa ng damit, iyong mga kanta very meaningful, rich in a lot of ways. Actually, tama po kayo Secretary Mart, na ang dami ng nagri-research. In fact, nai-exploit sila iyong mga resulta ng research hindi na ibinabalik sa kanila. Itinatakbo na minsan ng ibang researcher.

Kaya ngayon ang NCIP is the clearing house. Sa atin po nagpapaalam ang mga research institution both government/public, private. So, dumaan sila sa proseso na kailangan ng pahintulot sa community dahil nandoon na iyong protective clause na dapat iyong findings nila ay ibigay sa community hindi lang sa kanila.

So, those are so many experiences that I have with them. By nature they are very patient, matiisin po ang tribo. Sa sobrang pang-aapi, tinitiis nila ito. So, these are na mga importante nilang traits at saka tributes. Now we, as the Filipino people, we should be proud of. They are our roots, they are our heritage, sila ang pinanggalingan ng ating kultura na maipagmamayabang po natin. Iyong lang Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Mayroon ba tayong mapupulot na aral sa kanila na may kinalaman sa pandemya, Mr. Chair?

NCIP CHAIRMAN CAPUYAN: Unang-una, gusto kong mai-share iyong personal experience ko. Noong pumutok ang pandemic noong March 2020, umikot po ako sa Mindanao, sa ancestral domain from August to October. Mayroon akong convoy of vehicles almost 5, minimum. Kasama ko iyong mga security escorts at saka sa NCIP. Umiikot kami from Monday to Sunday for the next 67 days, non-stop!

Sa umaga, isang cluster ng community ng IP, sa hapon isang cluster ng community ng IP, tatlong biyahe sa isang araw for 67 days in 125 clusters of IP communities practically na-cover ko ang buong Mindanao including the island province of Basilan, wala pong nagkasakit sa amin ng COVID.

But ang explain ko habang ako ay nasa Bukidnon ay may mga katutubo tayo na nagbigay sa akin ng mga tanim sa ugat ng kahoy. Ang sinasabi nila, nagpapagaling ng COVID, iyan ang sinasabi nila sa akin. So, noong ako ay nagkasakit ng COVID noong December at nahawa tayo dito sa Manila ay iyon po ang aking iniinom at sa awa ng Diyos naman hindi na ako nagpa-hospital at nasa opisina na lang ako at iyon ang aking iniinom.

Pero, isa ako sa isang katotohanan na ang ancestral domain ay hindi po mabigat ang nangyari pagdating sa COVID. Siguro number one is dahil sa pure oxygen, iyong hangin walang pollution. So, iyan ang nakita sa kuwan. Kaya marami ngayon pumupunta ngayon sa ancestral domain, nagtatayo ng mga bahay-kubo.

Marami ang nag-akyatan na mga galing sa siyudad, sa mga bayan. Kaya minsan nakakalungkot din dahil nagkaroon ng isyu sa selling of land, bumibili sila ng lupa eh sa batas natin bawal po ibenta ang ancestral domain or ancestral land at magkakaso o makukulong iyong nagbenta pati iyong bumili. So, iyon naman iyong downside.

Pero, nakita ngayon ng karamihan na talagang napaka-importante ng ating ancestral domain in terms of tulong sa health kasi nandoon iyong ating pure oxygen. In fact, I can describe the ancestral domain as the last bastion of our natural resources: If you talk of pure oxygen it is ancestral domain; if you talk of clean water, it is ancestral domain; if you talk of climate change, you have to develop the ancestral domain; if you talk of forest cover it’s ancestral domain; if you talk of eco-system, biodiversity, it is the ancestral domain.

So, ang laki ng kaniyang significance sa tinatawag natin na advancement of our technology, advancement of our development at sa mga resources, pati sa environment at ang katutubong mamamayan ay sila po ang nagpreserba ng ating ancestral domain kahit hindi natin sila inutusan. Ibig sabihin, they are really a major development partner, because it is their nature to preserve and conserve our ancestral domain.

Kung iyan man ay nababago, nagkaroon ng mga iba’t-ibang testimony dahil na rin po sa mga pumapasok na outsiders at medyo sabihin natin naineksiyunan ng iba nating kapatid na katutubo na hindi na ginagawa iyong tama. Pero basically, as a natural consequence ng ugali ng katutubo, it is always the preservation, not just of their culture but [also] the ancestral land.

Iyon lang, Secretary Mart.

SEC. ANDANAR: Chairman Allen, nararamdaman ko ang inyong passion sa paglilingkod sa ating mga kababayang katutubo, kayo po ay katutubo din. Pakibahagi po sa amin ang inyong perspective bilang isang katutubong Pilipino.

NCIP CHAIRMAN CAPUYAN: Ako po ay may dugo na Manobo, sa mother side at saka sa dugo naman ng Kankanaey sa Cordillera sa side ng father ko. Totoo iyan sinasabi mo, talagang nandoon iyong aking passion sa katutubo. Ito ay nagsimula noong ako ay na-assign sa Mindanao, I was a Major that time, that was in the year 1997 na nagsimula akong nagka-interest sa buhay ng tribo. Ako ay isang Manobo, pero hindi ako lumaki sa loob ng ancestral domain. So, may mga biases na ako sa katutubo

But noong na-expose ako ng year 2000 sa kanila, nakita ko ang historical injustice na-experience nila, lalo na iyong pag-abuso ng Communist Party of the Philippines. Kaya, noong taong 2009, ako ay nagpaalam sa Armed Forces, ako ay nag-optional retirement. I cut short my military service by 8 years because I wanted to serve them.

So, kinausap ko din si late Secretary Angie Reyes, sabi niya “Allen, ang commitment of yours sa IP, makapaghintay.” Sabi ko, Sir, marami naman diyan na puwedeng mag-heneral sa kanila na lang iyon. So, iilan lang ang gustong magserbisyo sa tribo, dito na lang ako.

So, I retired 2010 and looking back, I never even imagined na mapunta ako sa NCIP, na maging Secretary ako sa ahensiya na ito at maging Presidential Adviser. That time ang isip ko lang talaga ay makatulong sa komunidad ng tribu outside of the military organization, kasi at that time sobra ang pang-aapi sa kanila.

So, para sa akin parang this is a life commitment to help them, there is joy eh. Masarap po ang pakiramdam na kapag may ginawa ka, you can see the smile ng ating mga kapatid na katutubo, who has been struggling for hundreds of years of historical injustice.

Kaya ngayon mayroon tayong Republic Act 5071, it was enacted into law na ang sinasabi nila Secretary/Senator Flavier at that time eh, this is to correct the historical injustice. So, 23 years na ang IPRA, hindi naman siya perfect pati ang ating implementation pero marami na ang nangyaring magaganda. But iyong struggle ng katutubo to fight historical injustice still there.

Example na lang, ito na lang mga lupain inagaw ng ibang migrants nang walang paalam. Example na lang, iyung kanilang mga lupaing inagaw ng ibang migrants na walang paalam, na short change sila minsan sa ibang kontrata dahil hindi nila alam; so ito ang ating kinu-correct ngayon as an agency.

At sa aking puso, dahil ako ay co-terminus, I should assume na I am only up to the end of the term of the President, we wanted to make sure that the remaining ten months that I will be in this office assuming hindi ako ma-reappoint for another three years ay ma-in place natin iyong mga systems, iyong mga concepts, iyong framework na magiging giya ng NCIP.

But more than that, sinisigurado natin na bawat tribo sa Pilipinas ay talagang masasabi niya sa sarili na empowered pala ako, capacitated pala ako. Kailangan maramdaman nila na ang NCIP mismo ay pinapakita sa kanila na they have the right na dapat nilang panindigan. Hindi iyong parang right na under what we are going to tell them.

Kaya hindi puwedeng—iyon ang binago ko na pananaw nila, hindi ninyo amo ang NCIP; hindi kayo kliyente ng NCIP. You are the developing partners ng NCIP. The NCIP is here to facilitate, to help, to make sure that you can freely express your rights and you can self-govern your community. Iyon po ang ating mga pangitain sa katutubo.

In fact, nakakataba ng puso po ang ating Presidente. Noong una niya akong tinawag para magserbisyo sa tribo, nakatayo kaming dalawa sa gilid ng isang CR doon sa Malacañang, sabi niya, “Halika, Allen,” sabi niya, “for the last time, as your patriotic duties, serve your people.” Ganoon ang kaniyang marching orders sa akin.

At sabi niya ulit noong nagkausap kami, “Ikaw ay makakaalis lang diyan kapag ang pamayanang tribo ay yumaman na.” So ibig sabihin kailangan matagal sila doon sa kahirapan. One exact expression ay iyong mismong budget ng NCIP ay nag-improve sa kaniyang panahon. Nagsimula lang ito ng less than a billion noong 2016. Sabihin natin nasa 800 million ang annual budget ng NCIP. Pero ngayon nasa ano na kami, 1.3 billion, ito ay tumataas. At every now and then, the President is meeting us, kinakausap niya iyong mga leaders, talagang nagpapakita siya ng kaniyang concern sa ating community.

So masasabi ko, siguro I will use this opportunity, to thank the President na sa loob ng kaniyang pamamahala ay kami at kasama ko na ang buong pamilya ng NCIP at ganoon din sa ating mga katutubo, kasi siya mismo ang nagsabi na mag-executive director ako sa NTF-ELCAC pero at the same time, mag-chairperson ka sa NCIP para iyong problema sa insurgency sa lugar ng mga ancestral domain ay mapagtuunan mo ng pansin at ikaw din ang chairperson. Kaya dahil sa kaniyang tulong na iyan ay na-mainstream natin ang mga concern ng mga communities na dati-rati ay halos hindi po naririnig sa ating mamamayang Pilipino.

So iyan po ang aking malaking pasasalamat, Secretary Martin Andanar, para sa ating mahal na Pangulo. Sana ito ay iyong maparating sa kaniya. Salamat!

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, National Commission on Indigenous Peoples Chairperson Allen Capuyan; ipagpapatuloy natin ang Cabinet Report matapos ang ilang paalala.

[ADS]

SEC. ANDANAR: Nasa Cabinet Report pa rin kayo at makakausap naman natin ngayon ang isang kababayan nating may dugong IP din, North Cotabato Governor Nancy Catamco. Magandang gabi po, Governor Nancy!

NORTH COTABATO GOV. CATAMCO: Magandang gabi po, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: May dugong katutubo po kayo, Governor, what were some of the IP customs and traditions you grew up with?

NORTH COTABATO GOV. CATAMCO: My mom is a native ‘no here in North Cotabato; siya po ay Tagabawa. Meaning, what’s Tagabawa dito sa amin, geographically, dito po sila sa may Makilala up to Kalinan so iyan po ang tawag natin ay Tagabawa. Dito naman sa may taas na, after Makilala, Saging at pataas naman dito sa amin ay Ubu Manobo; so mixed blood siya but still an IP. So that’s why it’s in my mom’s ano, part of my mom’s kaya ako naging katutubo dito sa North Cotabato.

Kami po sa amin, may sarili ho kaming—halimbawa ho kapag nagkakasakit ho ako, usually ako kasi nga, ako yata iyong… ewan ko ‘no, na kapag nagkakasakit hindi ako basta-basta pinapapasok sa hospital dahil hindi ako gumagaling kapag sa hospital. Mayroon po kaming tinatawag na ‘sabol’, it’s a leaf ‘no na kinukuha iyan ng nanay ko na kung nagkakasakit ka, my sasabihin siya, may sinasabi siya, kinakausap niya iyong dahon ‘no, pupula iyon; iinumin mo iyon, ililigo sa’yo sa katawan mo, ilagay mo sa katawan mo and then iyon, gagaling ako. Pero kung wala ka namang sakit na iba, hindi iyon siya pupula; green lang talaga iyong kaniyang… So we are still doing that up to now. Since my mom died, kasi iyong nanay ko ang mayroon talagang ano noon at siya iyong may dala noon so hindi niya naipasa sa amin iyon, hindi na namin nagagawa iyon. But I think there are still a lot of IPs who are doing that. Pero lumaki po ako nang ganoon.

Alam ninyo po, kasi sa ating education, noong tayo ay nag-aaral pa, masyadong mababaw iyong pagpapakilala sa ating edukasyon tungkol sa ating mga katutubo. Kasi iyong nakikita lang natin sa libro ay parang Igorot lang ‘no, Igorot iyan ang ating mga ancestors and Aeta. So parang pinapakita na kailangan kulot iyong buhok, kailangan pango ang ilong, kailangan maliit, so iyon iyong mga katutubo.

Ang katutubo po ay mayroon po tayong 118 tribes dito sa atin sa Pilipinas na mga katutubo, at iba-iba ito. For example, sa amin sa North Cotabato, we have five major tribes. So dito sa atin sa Mindanao, ilan ba ang katutubo dito? Ano ba iyong mga features nila? Hindi sila iyong mga pango, hindi sila iyong mga kulot ang buhok, sila iyong mga parang may Malay iyong aming mga lahi; so different iyong aming features. When you go to Palawan also, they have different features.

Very rich iyong ating history, the culture, the songs, the poems of our IPs na sana ay iyon ang ituturo sa ating mga eskuwelahan para makikita nila na, “Ah, ito pala iyong ating origin, hindi lang pala Igorot, marami pala ito.” So when you say about Mindanao, there are a lot of IPs and they are very distinct from each other. I think that’s the beauty of the IPs eh na sana nga mas ituturok sa ating mga eskuwelahan para malalaman natin iyong ating roots, who we really are.

Kasi doon na lang tayo, kahit ho pupunta ka ng Palawan, mayroon hong …pumunta kami noong nagtu-tour kami, ang simula ng kaniyang history noong pinapa-tour niya kami ay iyong during the Kastila na.

Tinanong ko iyong tour guide, “Ma’am, bakit diyan nagsimula ang history mo? Talking about the history, can you go back pre-Kastila period.” I mean, sino ba ang mga Palawans na mga IPs? Who are they? What are their distinctions? Ano iyong mga influence ng Palawan na bakit nagkaroon kayo ng Palawan? Sino iyong mga IPs ninyo dito? Noong nagkukuwento na siya sa …Oh tingnan ninyo, ma’am, ang ganda-ganda pala ng kuwento ng Palawan, ng IPs, huwag tayong pumunta kaagad sa Kastila; huwag tayo pumunta kay Portuguese; huwag tayong pumunta kaagad… doon muna tayo kung sino tayo as a Filipino ‘no. Kung tayo before we were called Filipino. So mas maganda po iyon ang sasabihin natin sa ating mga turista.

So I think iyon iyong gusto nating maririnig, iyon iyong gusto ko ‘no. Pero at least nagsisimula na sa ating education now that we have the IPEd [Indigenous Peoples Education]. At dahil din sa ating IPEd iyong ating mga IPs ‘no especially iyong sa mga baryo, sa barangays na maraming IPs, hindi na sila nahihiya na tatawagin ka ng Manobo, Bagobo.

At dahil din sa ating IPEd, iyong ating mga IPs no especially iyong sa mga baryo, sa barangays na maraming IPs, hindi na sila nahihiya na tatawagin kang Manobo, Bagobo, tatawagin sila na B’laan, Teduray. Now they are very proud kasi nga nakilala na nila iyong kanilang identity na mayroon silang identity. So, iyong iba nga, hindi nila alam Pilipino sila dahil sila ay Matigsalug.

SEC. ANDANAR: Kayo ngayon ay Gobernador ng North Cotabato. Ano po ang impluwensiyang katutubo sa inyong pamumuno?

NORTH COTABATO GOV. CATAMCO: Now, my mom is a traditional leader also. Ibig sabihin ng traditional leader, sa clan nila sila talaga iyong pinupuntahan. Lahat ng may problema kung ano ang problema mo, siya iyong pinupuntahan sa grupo, sa clan. So, doon ko nakikita iyong kung papaano siya magri-resolve ng conflict, papaano niya ito, at very consultative iyong sinasabi natin sa atin na consultative and participatory governance, I think iyan iyong pinaka-unique na governance ng IP.

Hindi sila one-man rule na dahil may datu kayo, dahil ito iyong ano ng IP na kailangan even the decision should be communal, kailangan ang community ang magdi-decide. So, iyon iyong mga nakikita ko paglaki na very consultative na pag-resolve ng conflict, kung papaano dadalhin iyong kanilang clan.

So, I think up to now, iyon iyong naging influence sa akin. Iyong mga participatory governance na sinasabi natin sa ngayon and iyong sinasabi na ganiyan, I think even before that na nagawa ng gobyerno iyan, iyan iyong ginagawa na very basic to the IPs governance. Siguro iyong kinalakihan ko na iyan na very consultative, communal, iyon ang malaking influence sa aking kind of governance also this day.

SEC. ANDANAR: Sa tingin po ninyo Governor, ano ang dapat na matutunan ng iba pang Pilipino mula sa ating mga kapatid na katutubo?

NORTH COTABATO GOV. CATAMCO: Well, isa dito is iyong the respect of the elders. Kasi talagang sa atin po mayroon tayong council of elders, mayroon talaga iyon sa part of the indigenous political structure. kasi ang atin pong mga IPs ay mayroon na po silang political structure even before the government. So, kasama na po diyan ang council of elders.

Now, maganda po iyan na values. Pero iyong ating council of elders also, they have also to evolved kasi nga dati parang kung ano iyong sasabihin ng council of elders ay parang iyon ang masusunod, hindi pinapakinggan iyong mga bata. But now, ang maganda ngayon sa ating mga council of elders, kasi hindi sila puwedeng mag-decide not until they have to consult the community.

Iyong sinasabi po nating participatory governance, iyon po sana ay talagang ma-adopt natin although nasa ating ano na iyan, nasa ating policy sa DILG something like that. Pero, I think hindi ho lahat sinasabuhay iyong sinasabi nating participatory governance, being consultative. Iyon iyong mga—even going through mag-resolve po ng conflict.

Ang IPs po talaga ay they are peace loving ‘no, they don’t understand iyong mga supposed to be, mga kaso-kaso kasi nga ang sa kanila, if you can resolve the conflict peacefully doon sila. Pero, of course now na mayroon din naman tayong law then they have to also understand.

Iyong lahi namin ay datu iyong aming lolo at may bagani rin akong lolo kaya alam namin din iyong kung paano iyan nagri-resolve sila ng conflict. But generally, they are really more on peaceful agreement, more on forgiveness.

Ang dami po tayong mga values na sana ay maipasa natin sa atin as a general, but of course as we evolve there are also certain values na kailangan din na ma-integrate na maintindihan nila na mayroon na rin tayong laws nito na kailangan ninyo rin i-integrate sa inyong kultura.

But still I will go for the consultative governance, communal iyong sa kanila, iyong respect of their elders na hindi puwedeng hindi mo rin pakinggan iyong elders ninyo, respect to the environment because ang tingin nila ang environment po natin ay hindi po ito iba sa atin. We are part of the environment. Kasi ang tingin nila ang mga ancestors natin, iyong spirits of our ancestors are in the trees, nasa bundok, nasa tubig.

So, dapat you should not abuse your environment. So, dapat magkaroon din tayo ng understanding with that para siguro darating ang panahon. Kaya ito nagkaka-climate change tayo, di ba, kasi nga iba iyong paningin natin. For the IPs, it’s more on coexistence, ang ating existence dito, hindi puwedeng we dominate that we coexist peacefully. So, that’s the values na sana ay maintindihan natin lahat din.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, North Cotabato Governor Nancy Catamco.

Pilipinas nitong panahon ng pandemya, napapanahon din ang introspection o pagsisiyasat ng sarili. Pre-pandemic, we were fascinated with the faraway. Ngayong medyo limitado ang mga galaw natin napipilitan tayong tingnan ang mga nasa malapit, ang nandirito na, ang nasa sarili natin.

Magandang halimbawa, ang pinag-usapan natin ngayon lang tungkol sa mga kababayan nating mga katutubo. Napakalalim at napakalawak ng kaalaman nila tungkol sa pamumuhay, tungkol sa paggalang at pakikiisa sa kalikasan, tungkol sa likas na kayamanan at ang kakayanang pakainin at gamutin tayo ng ating kapaligiran, ng mga prutas, tanim at halaman na nandito lang sa ating tabi-tabi.

Tungkol sa pakikitungo sa ating kapuwa, tungkol sa pagpapahalaga sa mga bagay na ngayon ay nakikita natin tunay na mahalaga. Madalas ang nakikita natin sa ating mga kababayan at kapatid na katutubo ay ang mga pagkaka-iba natin sa anyo, sa pananalita, sa pamumuhay. Ngunit sana makita din natin na sila ay mga tagapagmana at tagapangalaga ng kasaysayan ng kaalaman at ng mga katotohanang bahagi ng kabuuan ng ating pagkatao bilang Pilipino.

Sa ating introspection o pagsisiyasat ng sarili, alamin natin ang maibabahagi sa atin ng ating mga kababayang katutubo. Magiging mas mayaman, magiging mas buo, at magiging mas ganap ang ating pagka-Pilipino sa lalong pagkilala natin sa kanila, ang ating mga kababayang katutubo.

Para sa Cabinet Report, ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Pilipino.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center