Interview

Cabinet Report | Resbakuna: Arangkada hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar

[VTR]

SEC. ANDANAR: Before we begin, on behalf of the Presidential Communications Operations Office, I would like to express my sympathies to the family of former President Benigno Simeon Cojuangco Aquino III. We join the nation in mourning the loss of our 15th President.

Nagdeklara na po si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng sampung araw na pambansang pagluksa sa pagpanaw ni Presidente Noynoy mula kahapon, June 24, hanggang July 3. The Philippine flag will be flown at half-mast from sunrise to sunset on all government buildings and installations, throughout these ten days.

Pilipinas dumadami na ang mga dumarating na bakuna kaya ngayong gabi pag-uusapan natin ang pinaigting na mga hakbang upang makumbinsi ang mas marami sa ating mga kababayan na magpaturok na kung pagkakataon na nila. Tatalakayin din natin ang hinggil sa allocation ng mga bakuna sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Resbakuna: Arangkada ang paksa natin ngayong gabi.

Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar, welcome to the Cabinet Report.

[VTR]

Pilipinas, noong Biyernes dito rin sa Cabinet Report ay tinalakay natin ang willingness o kahandaan ng mga kababayan nating magpabakuna, balikan natin ito.

VTR

SWS DIRECTOR LAROZA: The willingness to be vaccinated actually is higher in Metro Manila compared to other areas. If you look at the results, 41% in Metro Manila would say that they are willing to get vaccinated – that’s a little bit higher compared to just 34% in Mindanao, 32% in the Visayas and 28% in the balance of Luzon.

But the overall picture here is that the public is really mixed when it comes to getting themselves vaccinated. Mixed because you see almost equal number of people or equal proportion of people saying that they are willing and then they’re uncertain whether they should get it or not and then the hardcore unwilling. So that’s 33-32-35, that’s an even split talaga when it comes to you looking at the picture. Walang majority na opinyon. So that’s the picture of the hesitancy now when you look at the public.

SEC. ANDANAR: It seems then that the success of our vaccination drive will really rest on convincing those who remain uncertain about vaccination, to get vaccinated.

SWS DIRECTOR LAROZA: The bigger minority who are uncertain whether they should get it or not. That group represents the silver lining. If only they can be convinced to decide to get the vaccination, then it will be all in favor of, you know, the campaign to have everyone vaccinated. And also of course that’s the low-hanging fruit, the bigger challenge is really to sway the hardcore unwilling to accept the vaccination and get themselves vaccinated.]

SEC. ANDANAR: Sa napanood ninyo, nakumpirma ng SWS na gumawa ng survey tungkol sa pagbabakuna, ang nakukuwento sa atin ng mga mayor at gobernador na nakakausap natin sa Network Briefing News. Kailangan talaga nating bumaba sa local level sa pagkumbinsi sa ating mga kababayang magpabakuna at na-validate din nito ang istratehiya natin na i-localize ang mga public service announcements natin na ginagawa upang hikayatin ang ating mga kababayang magpabakuna.

Ibabahagi ko po sa inyo ang ilang halimbawa ng ginagawa ngayon ng Radyo Pilipinas na mga public service announcements bilang suporta sa kampanyang #Resbakuna.

VTR

[VO]: May mga health workers at senior citizens ang nag-aalangan pa ring magpabakuna kontra COVID-19. Bilang isang doktor at alkalde, nanawagan si Manjuyod Mayor Felix Sy na gawin natin ang ating makakaya upang maprotektahan ang sarili at kapwa mula sa sakit.

MAYOR SY: Ang reason nila, bahala na kuno ang Diyos sa kanila. Sinabi ko, hindi tayo tutulungan ng Diyos kung hindi natin tutulungan ang sarili natin – magpa-vaccine kayo. As a doctor palagi akong nag-ii-speech during gathering sa mga senior citizen – magpabakuna kayo. Ako tapos na ako ng second, wala akong naramdaman, sinasabi ko sa kanila.

[VO]: Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, magagawa natin ang ating bahagi upang labanan at tuluyang talunin ang COVID-19.

MAYOR SY: The greatest gift that we can give to mankind at this pandemic time is selfless love – not to be infected with COVID-19, not to infect other people with COVID-19 by following the minimum health protocols – Mask, Wash and Iwas sa mga tao and submit yourself for vaccination and persuade other people who don’t want to be vaccinated/to submit for vaccination because if one or two person will not submit themselves, we cannot attain the 60 to 70 percent vaccinated Filipino people and we cannot also attain the herd immunity that we are aspiring for.

[VO]: Dahil siya mismo ay tinamaan ng COVID-19 noong nakaraang taon, ikinuwento ni San Fernando, Cebu Mayor Neneth Reluya ang kaniyang naging karanasan sa sakit. Ang kaniyang hiling, sana ay hindi mapagdaanan ng iba ang hirap ng ganitong karamdaman.

MAYOR RELUYA: I thought parang hindi na ako makakabalik. Mahirap magkaroon ng COVID kasi eleven days ako sa hospital and naranasan ko kung paanong maghirap sa paghinga; naranasan ko din kung paano iyong medyo ubuhin tapos hindi maganda ang feeling, Sir, na ayaw kong maranasan ng mga taga-San Fernando kasi mahirap.

[VO]: Payo niya sa lahat, kung may pagkakataon ay magpabakuna. Protektahan ang sarili, protektahan natin ang isa’t-isa.

MAYOR RELUYA: Sa akong mga kaigsoonan labi na sa San Fernando, it’s about time na nay serbisyo ang atong gobyerno ato kunong i-avail kay ako mismo is a living witness na dili lalim ang COVID-19. Unya, maayo man ni para nato og para sa atong pamilya, unya andam pod ang gobyerno, ang munisipyo, motabang ninyo. Dili angay mahadlok kay kinahanglan kinahanglan mo coexist ta with COVID and mabalik ra nato ang atong ekonomiya kung kitang tanan naay proteksiyon. So, manghinaot unta na kita tanan, i-avail ang serbisyo sa atong municipal health office. Dili mo angay mahadlok, dili angay nga mo tag okay naa, andam ang aton gobyerno motabang natong tanan.

[VO]: May 8 nang isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Zamboanga City dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19. Masayang ibinalita ni Mayor Maria Isabel “Beng” Climaco-Salazar na nakikita na ang pagbaba ng kaso sa siyudad. At ang hiling niya ay sana tumuloy-tuloy na ito.

Ang kaniyang panawagan sa ating mga kababayan: Patuloy na sumunod sa health protocols at magpabakuna na.

MAYOR CLIMACO: Querido compoblanos na ciudad de Zamboanga – Kristiyano, IP y Muslim – ta apela gayod yo con todo con ustedes, manda nosotros man bacuna. El bacuna ta dale con nosotros ambos protecion contra con el peligro de COVID que ta causa gayod muerte. Ta asegura el nuestro experto y doctor que el bacuna grande gayod alibio y protection contra con el peligro de COVID. Si cosa man mga discomforts que ay cinti nosotros, menos este comparando si ay tene nosotros COVID. Cosa pa nosotros ta espera? Man bacuna ya nostoros para que protejido y salva vida.

SEC. ANDANAR: Sa ating pagbabalik, ibabahagi natin ang mga initiatives natin sa mga locals influencers. Tutok lang dito sa Cabinet Report.

[AD]

SEC. ANDANAR: Nandito pa rin kayo sa Cabinet Report.

Bukod sa mga local chief executives, minabuti na rin nating makipagtulungan sa mga taong ginagalang at tinitingala sa mga local communities natin tulad na lang ng Simbahan.

VTR

[VO]: Hindi lang mga lokal na pamahalaan kung hindi pati na mismo ang Simbahan ay nanawagan na rin sa ating mga kababayan na magkaisa at magpabakuna. Ani Dipolog Bishop Severo Caermare, gawin natin ito hindi lamang para sa sarili kung hindi para na rin sa ating kapwa.

BISHOP CAEMARE: Ang atong mga pagsunod sa protocol diha sa pagsul-ot nato sa atong face mask properly, unsa may atong gi-tinguha ni-ana? Dili lang ang atong kaugalingon, ang katilingban, ang katilingban kung asa kita o ang katilingban sa mga frontline workers.

VO: Maituturing itong pagpapahayag ng ating pagmamahal hindi lamang sa ating pamilya at mga kakilala kung hindi sa ating buong komunidad.

BISHOP CAEMARE: Diha sa atong pagpabakuna atong gi-tinguha ang katilingban, dili lang ang ating kaugalingon. Atong gi-tinguha ang katilingban uban sa gugma.

[VO]: Kabalikat ng pamahalaan ang Simbahan sa kampanya na magpabakuna kontra COVID-19. Isa si Catholic Bishops Conference of the Philippines President and Davao Archbishop Romulo Valles sa mga lubos na nananawagang magpabakuna tayo.

ARCHBISHOP VALLES: Many of you, ang karamihan ay may anxiety, may fears, hearing this and that. I, too had that anxiety, had questions, hearing the judgments of people that I trust, yes, magpabakuna ako and walang regrets, walang regrets. Ang Holy Father, Pope Francis at saka si Pope Emeritus Benedict XVI, nagpabakuna na.

Ang pagbakuna, to be vaccinated is a good thing to do and I think the word used by the Holy Father is, it’s an ethical thing to do. It’s a correct thing to do, it’s a right thing to do.

[VO]: Ani Archbishop Valles, mismong doktor niya ay hinikayat siyang magpabakuna, patunay na pagdating sa vaccines, sa mga eksperto tayo dapat makinig at hindi sa fake news.

ARCHBISHOP VALLES: Your life is precious. Life is supposed to be lived and life is supposed to be of service. Your life isn’t only for you but is also for others. Kung magpapabakuna ka, it is a very charitable thing to do. And that is joy for the Lord looking at us, helping one another.]

SEC. ANDANAR: Iba na rin siguro ang pakiusap ng mga taong pinagkakatiwalaan at ng mga taga-atin lalo na sa usapin ng pagbabakuna.

VTR

[VO]: Ayon sa latest SWS survey, iba-iba pa rin ang sagot ng karamihan sa ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa tanong kung handa na ba silang magpabakuna kontra COVIVD-19. Kaya nasyonal at lokal na pamahalaan, nagtutulungan para masigurong mas maraming Pilipino saan man sa bansa ang mabigyan ng wastong kaalaman at madama ang mensaheng: Tara na, magkaisa at magpabakuna!

GOV. LACSON: From the beginning we were told to wear face mask and we did. We were told to wear face shield and we did. We were told to observe proper hygiene by washing our hands and using alcohol and we did. We were told to do distancing and we did. Now, we’re being told, this is the final health protocol, bakuna, vaccine. So, when it is your time, grab that opportunity because all experts point to the vaccine as the final solution.

Manawagan ako sa akon mga fellow Ilonggos na kung matagaan na kamo sang inyo schedule, indi na kamo magbalibad.

SEC. ANDANAR: Kaya naman pati na rin sa Estados Unidos, doon na rin patungo ang kanilang kampanya. Ito ang tinig ng kanilang Surgeon General.

  1. VIVEK MURTHY/US SURGEON GENERAL: I think what we have to do is we’ve got to go more, more and more local. What we’ve learned in the last many months is that the key to getting people vaccinated is for them to hear from people they trust and we’re big diverse country and the people we trust and listen to aren’t always the same. And that’s one of the reasons we’ve been working so close with state leaders, with world clinics and world hospitals and with other influencers whether they be teachers and educators or doctors and nurses. But that’s really gonna be the key to ensuring that we lift vaccination rates in all parts of the country.

SEC. ANDANAR: Tinatrabaho natin na lalong makumbinsi ang ating mga kababayang magpabakuna. Eh, may bakuna naman kaya? Updates tungkol sa vaccines supply and allocation ang pag-uusapan natin sa pagbabalik ng Cabinet Report matapos ang ilang paalala.

[AD]

SEC. ANDANAR: Nagbabalik ang Cabinet Report at ngayon naman kausap natin si Dr. Myrna Cabotaje, Undersecretary ng Department of Health. Siya po ang Chair ng Vaccine Operations natin. Magandang gabi, Usec. Myrna.

DOH USEC. CABOTAJE: Magandang gabi, Sec. Martin. My pleasure to be back with you.

SEC. ANDANAR: Magsimula muna tayo sa tanong na ito: April 16, 2021 noong unang talakayin natin dito sa Cabinet Report ang issue ng vaccine nationalism o iyong pag-aangkin ng ilang mayayamang bansa sa karamihan ng pandaigdigang supply ng mga bakuna na nagdulot nang labis na kakulangan sa mas nakararami sa mundo – kasama na diyan ang Pilipinas. How would you describe the rate of vaccine supplies coming in since that time, mula April 16 hanggang ngayon?

DOH USEC. CABOTAJE: Sec. Martin, kung maalala mo noong April 16 may mga 2.5 million na tayong Sinovac at saka 500,000 na AstraZeneca. Magmula noon hanggang ngayon, mayroon na tayong nadagdag na about 5 million na Pfizer at saka AstraZeneca na dinonate ng COVAX Facility at 6 million na Sinovac, tapos nang kaunting Sputnik-Gamaleya na 180,000. So marami na po ang dumating na mga supply sa atin, nagparami po iyong ating tinatawag na galing sa COVAX Facility, mga 37% na po. Gusto lang natin ipaalala na iyong COVAX po ay para sa mga most vulnerable at saka tinatawag nating most at risk – so pang A1, A2 at saka A3 ‘no.

So the Philippines has been committed to receive 40 million doses hanggang end of the year and next year to protect 20% of the most at risk. So kailangan bantayan natin na ginagamit natin itong COVAX para sa most at risk at saka most vulnerable kasi our committed doses will be endangered if we do not use these judiciously as intended.

SEC. ANDANAR: Linawin po natin iyan ulit, Usec., ha. Iba ang mga bakunang binili natin sa mga bakuna na donated ng COVID-19 Vaccines Global Access o COVAX Facility. Dahil ang mga biniling bakuna, bahala tayo sa pamamahagi noon pero ang mga bakunang donated naman ng COVAX, may kondisyon ang paggamit nito.

DOH USEC. CABOTAJE: Tama ka, Sec. Martin, ‘no. Ang 20% dinetermine [determine] nila all over the world na gusto nilang proteksiyunan ang 20% of the most at risk and the most vulnerable sa mga very poor countries, iyong mga low middle income countries kaya magbibigay sila ng donation. So nakabigay na sila ng 5 million, we’re expecting another 2 million by the end of this month. Pero tama ka nga, Sec. Martin, kailangan we fulfill the conditions for which these will be given, otherwise puwede nilang ibigay iyan sa ibang bansa who will be needing it most for their most at risk at saka iyong kanilang most vulnerable population.

SEC. ANDANAR: Usec., may pandaigdigang kakulangan o shortage pa ng mga bakuna o nalampasan na ba ito ng mundo?

DOH USEC. CABOTAJE: In terms of the Sinovac, mayroon na po tayong regular na dumadating – ito iyong procured, binili natin. So we have already received about 6 million added to our 2 million previously. Tapos we expect in the next 3 months hanggang September, at least 1 million every month ‘yan so iyan, tuluy-tuloy iyan, iyong binili natin.

Pero iyong ibang bakuna, titingnan natin, may mga global shortages at alam din natin na iyong mga karamihan ng mga biniling bakuna noon – ‘di ba kagaya sa America, sa Canada – ‘di ba ay nag-e-excess lang sila kasi nga kinorner nila, kinuha nila. Mas mayayaman silang bansa, kinuha nila iyong karamihan ng mga bakuna.

If you remember, Sec. Martin, mayroon din tayong—nagkaproblema sa India. So may negotiations sana iyong ating Vaccine Czar at saka iyong ating Task Group on Negotiation sa India, iyong Novavax o Covaxin—Covavax pero hindi natuloy kasi nga dahil nag-surge ang cases sa India, bigla nilang hindi tinuloy – ginamit nila para sa kanilang bansa iyong mga bakuna nila.

So yes, it seems there is a surplus in terms of Pfizer and Moderna but for the other vaccines, we are not sure. Pero still limited supply for the needs of the whole world.

SEC. ANDANAR: Ipagpapatuloy natin ang ating panayam kay Usec. Cabotaje matapos ang ilang paalala.

[AD]

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report.

Nagsimula po tayong magbakuna noong March 1, 2021. Patapos na ang June 2021 at ang estimate po natin ay mga 3% na po ng ating mga kababayan ang fully vaccinated matapos ang first 3 months ng ating kampanyang pagbabakuna kontra COVID. Based on the committed supplies arriving in the next 3 months – bale July, August at September – ano na po ang nakikita ninyong estimate ng dami ng Pilipinong magiging fully vaccinated bago mag-October 2021?

DOH USEC. CABOTAJE: Tama ka, Sec. Martin. Mga 3% ang ating fully immunized by the end of June. We have vaccinated 2 million individuals fully vaccinated na sila. With the 13 million na Sinovac na coming up to September tapos we have another 2 million donation from COVAX na AstraZeneca, tapos kung narinig ninyo mayroon din tayong about 1 million donation from Japan, tapos iyong nabalitaan din, iyong in-announce na ni Sec. Galvez na Pfizer. Iyong Pfizer na ito hindi galing sa COVAX, bibilhin natin ito.

So iyon ang pagkakaiba noong Pfizer ngayon, donated iyan. Iyong Pfizer na 40 million, bibilhin. So about 7.5 will be arriving by the 3rd quarter, so suma total 24 million ang ini-expect nating bakuna up to end of September and we divided by 2, so we will be reaching about 10 million, 14%. So from 3% ngayong June, kung dumating lahat iyong mga bakuna, we will have a fully immunized number of 14% of our 70 million population by end of September.

SEC. ANDANAR: Usec., ano ang istratehiya natin sa allocation ng mga bakuna?

DOH USEC. CABOTAJE: Iyong dati pa rin, iyong sectoral prioritization. So uunahin po natin iyong ating mga healthcare workers and we are very happy to report na 97% ng ating mga nakalistang health worker all over the Philippines ay nabakunahan na. And the good news is, we will now expand our A1 to include our OFWs, our seafarers and our families of the healthcare workers. So makikita natin iyong priority para ma-preserve iyong ating health system.

Tapos pangalawa po iyong ating mga senior citizen kasi kung titingnan po ninyo iyong mga kaso, iyong mga nauospital, na mga nagsi-serious at saka mga namamatay iyong mga senior citizen. Kaya kailangan sila ang mabakunahan at maproteksiyunan. Tapos pangatlo po iyong mga comorbidities dahil po sila ang vulnerable, at risk. So iyan po, sectoral.

Ang pangalawa po, kahit na nag-open na po tayo ng A4 and A5, tinutuloy pa rin natin na may simultaneous A1, A2, A3. Iyong ibang local government unit nagpapasalamat tayo, may fast lane lalo na sa senior. So habang nag-i-A4 sila especially sa NCR Plus 8 kasi sila naman ang in-allow pang mag-A4, may fast lane sa senior citizen at saka mga healthcare workers.

Pangalawang criteria iyong tinatawag nating geographic. Ibalik natin noon na kaya tayo nagbigay nang mas maraming bakuna sa NCR kasi nag-surge siya tapos grabe ‘di ba, nag-time out pa iyong ating mga healthcare workers kasi pagod na pagod sila. And then nakikita naman noong nagbuhos tayo ng bakuna although this is not the only reason, bumababa na iyong mga kaso sa NCR. That is part of the sectoral and geographic.

Tapos may bagong strategy ngayon, iyong ating Vaccine Czar, iyong focus and expand. So may focused area tayo, NCR Plus 8 because these are the most densely populated areas, ito pa iyong mga economic hubs tapos ngayon this is also one reason, dito nagla-land iyong mga returning OFWs natin, iyong ating mga Returning Overseas Filipinos tapos iyong mga OFWs ‘di ba. So kapag hindi mo inayos na protektado iyong mga nandito sa NCR, kapag lumapag iyong ating mga OFWs/ROFs, these are ports of entries. So at least protected, may sakit man sila hindi sila makakahawa kung protektado ka na. So that’s one.

And then, the expansion are in areas where we have surge in cases. Pero kung nabalitaan mo, Sec. Martin, mayroon nang bagong directive din ang ating Pangulo. Siya ang nagsabi noon, give to the surge areas if you remember ‘no. Ngayon sabi niya, please give more to the provinces kasi po marami nang clamors sa mga probinsya na sila din ay bigyan ng bakuna. But we need to balance kasi naman limited pa po ang supply kaya po magpasensiya na lang nang kaunti at sinusubukan naman. Your government is trying all its best to get the supplies para maibigay sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: Nababago po ba natin, Usec., ang mga allocations ng bakuna upang mabigyan ang mga lugar na nagkakaroon nang biglaang pagdami ng kaso ng COVID?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes. May tinatawag tayong recalibration of allocation. While we have a regular allocation, we have some buffer stock to address. Pero sa susunod, kapag nakita natin na bumababa naman sa ibang area at sa iba ay tumataas then we recalibrate para mas ma-focus sa areas where there are surges. But again, we would like to emphasize na the vaccination is not the only means of reducing the cases ‘no. It will take a few months bago natin makita iyong epekto ng bakuna. Importante pa rin iyong prevention, iyong isolation, iyong treatment.

Let’s go back to Manila. Hindi naman pagkatapos ng bakunahan eh bumaba kaagad. It took some time, if you look at the situation, before na-realize natin na bumababa na nang husto ang mga kaso dito sa Manila. So kahit bigyan po natin sila ng bakuna – yes, it’s going to help – pero hindi po agad-agad bababa iyong mga kaso. Kailangan pa rin samahan ng ating prevention, iyong ating masking, iyong ating social distancing. Dapat po iyong ating treatment facilities ay ready, iyong ating isolation, iyong ating quarantine, tapos iyong ating pag-treat, iyong ating mga hospital beds ay ready to have all of these patients – ready may mga ventilator, may mga…

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Dr. Myrna Cabotaje, Undersecretary ng Department of Health at Chair ng Vaccine Operation Center.

Pilipinas, tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte – we can now see light at the end of the tunnel. Nagsisimula nang dumating ang mga bakuna. Nagsisimula na ha, nagsisimula! Kaya habang wala pa ang mga bulto-bultong supply ng bakuna, pagsikapan na natin na maging handa ang ating mga kababayan na magpaturok kapag pagkakataon na nila.

Pinagsisikapan ng Radyo Pilipinas na maging locally relevant at locally responsive ang mga public service announcements natin. At ako ay nakikiusap sa ating mga local media na makiisa at gamitin ninyo po ang ginagawa nilang materyal. Libre po iyang gamitin ninyo, parte po ng trabaho natin iyan. Kung kailangan ninyo ng mga kopya, kontakin ninyo lang po kami o ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

At ito rin ay mahalaga habang wala pa ang mga bulto-bultong supply ng bakuna. Nakikiusap lang po tayo na magkaroon pa tayo nang kaunting pasensiya. Pagdating ng mga supply, agad po itong ipapamahagi kahit sa mga probinsya. Si Presidente Duterte na mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang maiiwan, walang iwanan.

At ang muling paalala ko po kapag pagkakataon ninyo na, kapag turn ninyo na – magpabakuna na po. Pilipinas, Resbakuna na upang talunin natin/aron mapildi na gyud ang COVID-19.

Para sa Cabinet Report, ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar. Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang Pilipino.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center