Interview

Cabinet Report sa Teleradyo hosted by PCOO Secretary Martin Andanar

Event Cabinet Report sa Teleradyo

SEC. ANDANAR: Mula nang dumating at kumalat dito sa bansa ang coronavirus, isang katotohanan ang agad lumitaw – naghahanap ang tao ng balita at impormasyon na tungkol at may kinalaman sa kanila. Lalung-lalo na nitong panahon ng pandemya, naging higit na mahalaga ang balitang lokal galing sa LGU at tungkol sa lokalidad. At dito lalong sumikat ang mga digital media assets lalo na social media assets na pagmamay-ari ng mga lokal na pamahalaan.

Ang iilan sa mga ito ay makikita nating pinagbubuhusan ng pansin, panahon at pagod. At bakit hindi, sa masasabi nating murang halaga nakapaghahatid ang mga ito ng balita’t impormasyon na kailangang-kailangan ng ating mga mamamayan at the local level.

Ngayong gabi kakausapin natin ang ilan sa mga lokal na chief executives na nakita nating tunay na naging magaling at epektibo sa paggamit ng sarili nilang mga LGU media assets para naman may mapulot tayo na aral at kaalaman at ma-inspire na rin ang iba pang mga LGU na gagamitin ang kakayahang ito na maabot at marinig ang katauhan nang sila’y higit pang mapaglingkuran.

Ang ating topic ngayon, digital media and local governance at makakasama natin ngayong gabi mula sa probinsya ng Ilocos Norte at North Cotabato – sina Governor Matthew Manotoc at Governor Nancy Catamco. At mula po naman sa munisipyo ng Taytay at Tagbilaran City, sina Mayor Joric Gacula at Mayor Baba Yap.

Ito po si Communications Secretary Martin Andanar. Welcome to the Cabinet Report.

***

Welcome back to the Cabinet Report. Nakita nating talagang nagkaroon ng pagtaas sa demand para sa balita’t impormasyong lokal galing at may kinalaman sa ating mga munisipyo, siyudad at probinsya ngayong panahon ng pandemya. Papaano ginamit ng mga LGU ang kanilang mga sariling digital media platforms at social media accounts para dito at para sa mas epektibong pamamahala ng kanilang mga LGU?

COTABATO GOVERNOR CATAMCO: Iyong sa amin po, iyong aming media po dito like our Facebook ginagamit namin, for example para po sa bulletin for the health ‘no na kung ano nang nangyayari sa ating health bulletin. For example, kung mayroon bang nag-positive today at ano iyong history ng nag-positive. So very relevant siya ‘no lalung-lalo na ngayon dahil mas nai-inform iyong karamihan, maybe the majority na gumagamit ng social media kung ano ang mga nangyayari ngayon sa sitwasyon ng COVID-19 sa North Cotabato.

So we use it for the information, for the health bulletin. We use it to promote our advocacy. We use it to inform the public of our—kung ano po iyong everyday na ginagawa ng gobyerno at response to whatever the situation – response to the pandemic, response to the earthquake, response to the—itong bago ay flood, may mga flood kaming dumarating ngayon. So iyon po ang mas magandang nangyayari ngayon dahil we have the social media na mas mapadali nating ma-inform iyong ating mga kababayan.

We took advantage of the social media kasi pagdating sa national network, iyong mga big network, hindi kami napapansin dito sa Mindanao. Mas siyempre napapansin diyan sa Manila iyong mga mayors diyan na ang pinagkakaabalahan iyong kanilang basura. Kami dito iyong pinagkakaabalahan namin dito iyong rido, iyong aming NPA, iyong BIFF so hindi kami napapansin sa national media, sa mga malalaking network so we took advantage of our social media.

Kaya malaking-malaki po talaga ang gamit ng social media dito sa amin sa probinsya para pagpapaalam anong ginagawa ng probinsya. And also this is part of our advocacy ‘no for transparency and really promoting good governance. So iyong narrative na naibibigay diyan or nasasabi, is really different from the narrative we have here. So I think it’s really—the social media really give us the chance to really give our own narrative dahil ‘pag mga big network iba iyong angling.

Kami naman, since we have our own media ano—itong social media, so ano iyong gusto naming angling. So promoting the abundance of our province, marami hong magagandang makikita rin sa aming probinsya. May mga problema, yes of course, may challenges pero marami rin pong mga magagandang nangyayari dito sa aming probinsya.

ILOCOS NORTE GOVERNOR MANOTOC: We try to mix ‘no the use of traditional and online media and we quite busy especially with my personal Facebook page. And in times of calamity like now, we find that radio ay ang pinaka-urgent ‘no or pinakamabilis and it also is in the mother tongue of Ilocano na mas understandable and especially po sa older generation ‘di ba, radyo pa rin iyong preferred po nila.

Also, of course we have our programs that we’ve made our local programs. We have ‘share ma ta’ in Ilocano, we also have iyong mga weekly COVID press conferences, iyong mga iba they’re called ‘straight from the border.’ Kasi siyempre border talaga iyong focus po namin and then iyong ‘Ask the Doctors ‘no.’ So we’ve created these little titles for our presscons. And then siyempre iyong mga daily updates ‘no sa mga kaso, sa mga recoveries at iyong mga relevant COVID information.

TAYTAY MAYOR GACULA: Well alam ninyo po, talagang ito nga—we took advantage of the ating platform na social media and also our digital platform para maka-reach out sa aming mga kababayan lalung-lalo na ngayong pandemic. Itong Taytay News ay ginamit natin para iyong mga programa natin, local and national and provincial ay maiparating natin sa mga tao. Like for example iyong puwede nating ipaliwanag diyan iyong tulong natin sa iba’t ibang sektor na naapektuhan ng ating quarantine like we give assistance to solo parents, to senior citizens.

And then our programs of government also na galing sa national, iyong ating bakuna na para sa mga flu vaccine and pneumonia ay hindi na kailangan ng mga senior citizen pumunta sa mga center. It is being done house-to-house lalung-lalo na iyong para sa polio vaccine sa mga bata.

So iyang mga ganoong tipo ng news na huwag na kayong lumabas, hintayin ninyo na lang, iyong mga bata ingatan natin, babahay-bahayin namin kayo, pati ang aming mga tulong at ayuda ay hindi tumitigil.

So napakahalaga niyan sa kanila and also iyong anong mga batas ngayon, iyong pag-a-announce ng ating national government na bawal pumunta sa mga sementeryo during the… iyong All Saints Day and All Souls Day. So marami kasi talaga ngayon na minsan ayaw nilang manood ng TV, mas naka-hook sila sa social media at naniniwala naman ako ngayon na ultimo simpleng tao ay mayroong tinatawag na Facebook account or mayroon silang cellphones.

So we might as well take advantage and use it to send out our message and our invaluable and correct information para sa mga tao. And then ginawa namin ho eh para naman medyo light dahil siyempre alam ninyo naman sa panahon ngayon na ang mga tao ay ayaw din nila masyadong seryoso, medyo hinaluan namin ng raffle para makaengganyo rin ‘no at ang aming pinapa-raffle diyan ay galing sa ating mga kaibigan. Iyong huli namin ay galing kay Senator Bong Go kung saan binigyan kami ng sampung mountain bike na magagamit ng mga bike-to-work at ganoon din iyong mga tablets na iyan ay ginagamit naman sa ating online classes ng mga estudyante.

TAGBILARAN CITY MAYOR YAP: Kasi before the pandemic, mayroon na tayong mga radio programs, mayroon na tayong mga LED walls, mayroon tayong mga text blast, mayroon tayong mga Facebook accounts, mga social media. And during the pandemic, mayroon tayong survey na ina-ask natin iyong mga tao kung ano iyong pinakaimportante para sa kanila and number one iyong lumabas na answer nila is information. Gusto talaga nila information – ano ang mga ginagawa ng city, ano iyong mga totoong number of cases, ano iyong kailangan nilang gawin, ano iyong mga protocols, health protocols, anong oras iyong curfew.

So ginawa talaga natin is ti-nap (tap) natin iyong media natin, ang pinakamalaki natin as you mentioned is iyong vlog natin para iba iyong format na parating sa mga katauhan natin dito sa Tagbilaran City. Tapos iyong mga ni-mention natin, mina-maximize talaga natin para maabot iyong information which is really important para sa ating mga constituents of Tagbilaran City.

Kasi iyong anak ko, gusto maging vlogger tapos nakita natin iyong trend ngayon is through vlogging. Nakita natin iyong mga artista nagba-vlog na and nakita natin na maraming views so ginawa nating format natin para makita rin natin, mabigay natin iyong gusto ng mga tao kasi gusto naman talaga natin consultative and participative style of governance. Kung hindi gusto iyong format ng mga tao is ayaw talaga nilang makinig, ayaw nilang malaman iyong anong nangyayari sa city government, anong nangyayari sa Tagbilaran City.

Whereas kung i-vlog format natin is parang comfortable sila, makinig sila, marinig nila, manood sila sa whole video. Makita naman natin sa number of views na marami ring nanonood so nag-stick tayo sa vlog format natin whereas compared sa parang report style na hindi masyadong click sa mga millennials, hindi masyadong click sa mga Facebook users at iba pa.

SEC. ANDANAR: Salamat sa inyong mga sagot, mga Governor at Mayor. Sa pagbabalik po natin tatalakayin natin ang impact ng kanilang sariling mga media assets sa pamumuno particular nitong panahon ng pandemya at aalamin natin – pinapansin at sinasagot ba naman nila ang mga comment at PM ng mga mamamayan. Tutok lang kayo dito sa Cabinet Report.

***

SEC. ANDANAR: Kanina pinag-usapan natin kung papaano ginagamit ng ilang LGU ang digital media sa kanilang pamamahala. Ang tanong ngayon, nakakatulong ba ito? May impact ba ang digital at social media assets nila sa pamamahala nila at sa buhay ng mga tao sa kanila?

COTABATO GOVERNOR CATAMCO: Mas nai-inform iyong mga tao sa ginagawa ng gobyerno. Mas nararamdaman nila na nagtatrabaho ang gobyerno, hindi lang ito nakaupo, wala lang nasa opisina kung hindi nakikita nila na, being the Governor ay pumupunta po talaga tayo doon sa kung saan mayroong mga nangyayari like iyong sa flood, kung saan binibisita natin ang mga barangay. So nakikita nila iyong malasakit ng gobyerno at ang gobyerno ang pumupunta sa tao so, mas nakikita ngayon ng tao. Ang impact nito ay mas nakikita at nararamdaman ng tao ang malasakit at ang serbisyo ng gobyerno sa kanila.

ILOCOS NORTE GOVERNOR MANOTOC: Siyempre we use it for awareness, we want to build awareness amongst our people. I think that’s the most important thing, there are certain messages that we want to convey, to get across. Additionally, it allows us to hear, para pakinggan anong sinasabi, anong iniisip ng mga tao so may parang feedback mechanism po siya. We get to hear in real time, and see and read in real time what people has to say. To build public trust na alam po ng tao na nandito po kami, not just me as their Governor but the entire provincial government. We’re here for them and we’re working daily para po sa kanila.

TAYTAY MAYOR GACULA: Well malaki talaga, malaking impact. Iike iyon nga, iyong aming mga batas na panglokal, iyong ginawa ng ating sangguniang bayan ay mas madali naming naipaparating sa tao. And also it’s an effective tool to combat these doomsayers, alam mo marami tayong mga kababayan ngayon na iyon nga, naapektuhan noong mga fake news at tayo ngayon ay magtulungan muna. Hindi ito ang panahon ngayon para tayo ay manakot o magkalat nang maling impormasyon. So ito ang pinakamaganda, when you have this social media platform, digital, eh iyong tama at precise, accurate and valuable information will be at the doorsteps of every constituent.

TAGBILARAN CITY MAYOR YAP: Mas naging easier iyong trabaho natin especially kasi malaman na ng mga tao na mayroon palang ganito, nag-adjust na pala tayo ng curfew sa Tagbilaran City, mayroon palang ganito na bawal maglabas nang walang face shield, bawal pala pumasok mga minors sa malls. So naging easier for us na okay pala ang back riding basta parehas lang ng bahay iyong driver at saka iyong back rider. Hindi na kailangan nilang mahuli pa sila, hindi na kailangan nilang magtanong pa, so naging easier for us sa paglabas ng mga information at makarating talaga sa mga tao.

SEC. ANDANAR: Ang digital media lalo na ang social media ay may feedback feature sa pamamagitan ng comments at private o direct messaging, maaaring magpahayag ng opinyon at magpaabot ng mga hiling ang mga tao. Ginagamit ninyo ba ang mga feedback feature na ito, mga Governor at Mayor?

COTABATO GOVERNOR CATAMCO: For example with our Sagip Stranded ‘no, kasi ho ang pinakamaganda ho naming nagawa dito – wala pa ho iyong Hatid Tulong, wala pa ho iyong Balik Probinsiya – tayo ay nag-create na ng Sagip Stranded. So we created the online registration na exclusively for those North Cotabateños na stranded kaya na-contain namin iyong mga locally stranded, iyong nagpositibo na nandito sa atin. Iyong mga private messages like the private messages to me, sinasagot ko po. Ako mismo ang sumasagot din, may mga comments din na tayo ang sumasagot but that really that much as possible because siyempre bising-busy rin po tayo pero as much as possible po ay talaga pong pini-personalize rin natin iyong sagot at tinitingnan ko, lalung-lalo na tingnan ko kung ano talaga iyong mga importante rin na feedback from our constituents.

ILOCOS NORTE GOVERNOR MANOTOC: Now actually, I’m planning to record a video later kasi ang daming nagrereklamo tungkol po sa tourism po naming. ‘Di ba kasi, we were the first in Luzon, thankfully, to open up the tourism and we require PCR siyempre from Manila. But sinasabi ng mga residents po namin na bakit kapag turista puwede pong pumasok na may PCR pero walang quarantine? Eh kapag returning residents, quarantine pa rin. So that’s something that I have to communicate with them and I’m hoping that handheld, personally shot video ‘no, na parang selfie.

We’ll do the trick and just to get them to understand ‘no, na parang we are doing this for them and siyempre our tourists even though we let them in are heavily monitored at regulated iyong movement po nila. And we still test them on the fourth day and the ninth day even while they are here para hopefully ma-appease or ma-calm down ko po ang mga reklamo. Kasi siyempre we don’t want to come across as self-discriminatory ‘di ba, inuuna po namin iyong mga Ilocano always.

TAYTAY MAYOR GACULA: Iyon nga ang maganda dahil nga iyong ating Public Information Office ay nakakakuha ng mga questions and at the same time we sort them out and kung ano iyong mga gusto pong malaman ng mga tao, o iyon ang ina-agenda namin sa aming mga balita. And then we are able to reply to really important questions ‘no at iyan ang napakahalaga na iyong interaction between the LGU and the constituents. Ayun masaya at nakakatuwa naman dahil alam mo na nakakarating sa tao ang gusto mong maiparating na impormasyon. At ito nga iyong isa namin ay naka-more than 100 thousand views, so medyo marami-rami na ang nararating.

TAGBILARAN CITY MAYOR YAP: Iyong mga private messages natin sa Facebook account iniisa-isa ko talaga iyan, kahit iyong mga joke-joke na nila minsan nari-reply-an pa natin. Iyong mga paano mag-move on, iyong mga ganoon kasi iniisa-isa ko talaga iyon kasi iyong mga reklamo nandoon rin sa mga private message at hindi ko binigay iyon sa mga staff kasi gusto ko personalize talaga. Gusto ko malaman talaga ano iyong mga reklamo ng mga tao kahit as simple as walang streetlights na naka-on sa kanila, mabigyan natin ng action kaagad.

So gusto talaga natin malapit tayo sa mga tao. Gusto natin malaman kung anong mga concerns nila. Gusto nating malaman kung anong mga suggestions nila. So ganoon iyong ginawa natin kahit sa mga comments nagri-reply tayo minsan kapag makita natin kasi minsan sa dami ng comments hindi rin natin mabasa lahat. Pero sa private message, lahat ng mga nag-private message binasa talaga at ni-reply-an natin.

SEC. ANDANAR: Salamat sa inyong mga sagot, mga Governor at Mayor. Sa pagbalik po natin alamin natin ang kani-kanilang payo para sa mas epektibong paggamit ng digital media. Dito lang po kayo sa Cabinet Report.

***

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report.

Sina Governor Nancy at Matthew at sina Mayor Joric at Baba ay ilan lamang sa mga local chief executives na masasabi nating digital media savvy. Napansin natin ito noong pinaghahandaan natin ang kanilang pag-guest sa ating weekday morning show na Network Briefing News. Bago sila nag-guest, hinanap muna natin ang balita’t impormasyon tungkol sa kanilang mga LGU at doon na nga natin nakita ang kanilang epektibong paggamit sa mga sarili nilang digital media assets. Ano kaya ang kanilang mga maibabahagi sa iba pang mga LGU?

COTABATO GOVERNOR CATAMCO: Ako sa tingin ko kailangan na kailangan ‘no ng mga LGUs really to use the media as an asset ‘no. So ako, I have a very good PR team. Kahit papaano kailangan makausap mo sila. You have to guide them, ano iyong direction mo kasi minsan iba rin iyong direksiyon ng PR team, iba iyong pag-packaging nila sa’yo. So even with the—how they package me, talagang kailangan may ano sa akin, may approval. Kasi ang iba baka nai-exaggerate, masyadong hindi totoong… ano ba iyong direksiyon ko.

So the use of media team, puwede po siyang maging asset ‘no for you para po talagang to promote your governance at puwede mo ring pang-assassinate pero siyempre it’s really better na you have to use your media for promoting your governance and advocacy in your locality.

ILOCOS NORTE GOVERNOR MANOTOC: Hindi naman kami eksperto ‘no so we don’t want to act like we know it all kasi siyempre it’s still a learning process. We can still improve and there’s nothing wrong with that ‘no. We makes mistake also but siguro as you said, the busier one can be, siguro mag-air ka na lang doon sa side na iyon ‘di ba kasi the more active you are, people feel like you’re with them ‘no. They feel like they’re more taken care of.

Just a couple of principles ‘no or questions to think about when you’re posting or when you’re sharing something ‘no, you know, what are you trying to say ‘di ba, what’s the message that you’re trying to get across, number one.

Number two, what’s the best way to say it ‘di ba. Anong media gagamitin natin, how will we phrase it kasi alam ninyo naman po na paminsan iyong wording ‘no or iyong phrasing ay mas importante kasya sinasabi ‘no. It’s not what but how and also how often ‘no. Importante din po iyan kasi kung minsan kailangan ng mga reminders.

And then number three, who are we targeting ‘no? Are we targeting just one sector or do we want to reach everyone and if that’s the case then it has to be done differently ‘no.

So ultimately I guess we try to make sure that the right information reaches the right people at the right time through the right medium ‘no.

So apat na right and you end up where you started ‘no. But four rights hopefully make another right ‘no and iyon po siguro iyong thinking po namin. And ‘ayun nga po, we don’t always get it right but at least we can say they’re all of these factors.

TAYTAY MAYOR GACULA: Well iyon nga, aking i-encourage all the LGUs ‘no, mapa-barangay or municipal na gayahin or tularan itong ating ginawa na social media platform para po talagang maramdaman ng tao lalung-lalo na ang ating mga constituents na may ginagawa ang pamahalaan na lokal at nasyonal para sa kanila nitong panahon na ito na napakahalaga dahil tayo po ay nasa ilalim ng isang national health emergency.

Makakarating sa tao na ang inyong pamahalaan ay may ginagawa kaya po—lalo na iyong mga, iyon nga, iyong mga tinatawag na best practices like here in Taytay, iyon pong ating mga COVID patients, we encourage them not to go out lalung-lalo na iyong mga mild cases at mag-quarantine buong pamilya dahil kapag natupad po nila iyan at wala silang violation, we give them P10,000 na parang iyon ay incentive natin na huwag kayong lalabas, diyan lang kayo. We give them groceries and medical supplies para lang ma-complete iyong 14-day period and that helped a lot dahil ‘ayun nga, siyempre ang iniisip niyan ay survival ‘no.

So we were able to echo this to our constituents at nakita naman natin the cases now are going down. Although kami ay halos Metro Manila na, we have a boundary with Pasig City and Taguig City and Antipolo City. Kami ay ano, nakita namin iyong drastic na pagsunod at pagbaba ng mga kaso at ganoon din iyong—lalung-lalo na iyong pag-echo ng mga health protocols. Paminsan kasi talaga you have to repeat it, kailangan ipaalala mo na although gumagaan ang ating mga restrictions eh nandiyan pa rin sa isang tabi si COVID-19 at nagbabadya pa rin lalung-lalo doon sa mga medically-challenged na individuals.

TAGBILARAN CITY MAYOR YAP: We are still also in the learning process, hindi rin tayo expert pero kung ano iyong mga gusto naming ibigay sa mga tao, anong mga information gusto nating ilabas, iyon lang ang pinu-post natin.

Ang sikreto lang siguro is ang content, kung ano iyong i-post natin na gusto ng mga tao, gustong malaman ng mga tao, relevant para sa kanila. Kasi minsan ‘pag mag-post tayo na walang relevance, walang connection sa city government minsan ayaw nila, hindi sila mag-like, hindi sila mag-comment and siguro kailangan nila maging active. Like for me, active ba tayo sa pag-comment, sa pagsagot ng mga private messages para ma-feel nila ang connection.

SEC. ANDANAR: Muli, salamat sa inyong mga sagot mga Governor at Mayor at salamat sa inyong pagbigay ng panahon para sa talakayang ito. Governor Nancy Catamco ng North Cotabato, Governor Matthew Manotoc ng Ilocos Norte, Mayor Joric Gacula ng Taytay at Mayor Baba Yap ng Tagbilaran… thank you for your time and your insights.

Pilipinas, maraming pagbabago ang nadala ng teknolohiya. Ngayong mga panahong ito dahil sa mga makabagong teknolohiya sa usapin tungkol sa media, mayroon nang isang konsepto – ang konsepto ng paid, owned and earned media.

Ang paid media tulad ng advertising-driven TV, radio, print, outdoor at websites ay tumutukoy sa media na kung saan ang lumalabas na balita tungkol sa iyo ay bayad. Halimbawa na lang mga commercial.

Ang earned media naman ay iyong paglabas ng balita tungkol sa iyo dahil iyong may-ari ng espasyo sa TV, radio, print, outdoor at website ay tunay na interesado sa iyo at sa mensahe mo.

Ang owned media naman ay tumutukoy sa mga media na pagmamay-ari mo.

Marami na nga sa ating mga LGU ay mayroon nang sarili o owned media channel. Kadalasan ito ang mga official social media pages o channels at ang mga ito ay maraming tagasubaybay sa pangangailangan na nga rin ng tao ng balita’t impormasyon na relevant o may kinalaman o may halaga at silbi sa kanila.

Bagaman madali lang gumawa ng official social media page o channel upang gamitin ang mga ito para sa epektibong serbisyo-publiko ay hindi po ganoon kadali. Gaya ng nasabi ng ating mga panauhin, kailangan itong pagbuhusan ng panahon at atensiyon, una, upang manatiling nakatutok ang tao; at pangalawa upang mahatid at mahugot sa kanila ang kinakailangang palitan ng balita’t impormasyon para sa mapagtugong pamamahala.

Pilipinas, magkita-kita po tayo ulit next Friday. Ito po si Communications Secretary Martin Andanar. Keep safe, mag-ingat po tayong lahat. Happy weekend!

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)