Interview

Cabinet Report sa Teleradyo, Radyo Pilipinas by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar; PCOO Assistant Secretary Kris Ablan and Director JV Arcena


DIR. ARCENA:  Sec., good evening, kumusta diyan?

SEC. ANDANAR:  Ah JV can you hear me?

DIR. ARCENA:  Yes, malinaw po.

SEC. ANDANAR:  Magandang gabi po sa lahat ng mga nakikinig sa atin at nanunuod dito po sa Radyo Pilipinas Uno, sa PTV at  sa lahat po ng ating mga social media sites ng gobyerno, kasama  rin po ang Martin’s Mancave na Facebook page, which is basically a Martin Andanar FB page naka-livestream din po tayo, and good evening to you, JV. Alam ninyo napakadaming nangyari ngayong linggo na ito, at last week, pati si Asec. Kris Ablan ay napakadami ding kuwento JV para sa atin. Ang inyong lingkod din ay nagkaroon ng isang field work suite dito sa Mindanao at ikukuwento ko rin iyan sa inyo mamaya.

DIR. ARCENA:  Talaga hong loaded ho ang inyong buong linggo, Sec. Kasi, tayo po dito sa Cabinet Report, pinag-uusapan po natin lahat po ng mga nangyari sa nakalipas na linggo o sa mga nakalipas na araw: Ano ba ang ginagawa ng Duterte administration, lalo ho ng mga miyembro ng gabinete para po mapa-angat pa, sabi nga, para mas komportable ang buhay ng bawat Pilipino? Sabi nga sa atin, di ba may #comfortablelifeforall, at para po mas  mapa-angat pa ang serbisyo ng gobyerno sa atin pong mga kababayan.

Marami ho tayong—ngayong araw o ngayong gabi po pag-uusapan natin ang isyu na talaga hong mas tinutukan ng atin pong mga kababayan dahil ito po ay sabi nga malapit sa sikmura ng atin pong mga kababayan – ito po iyong isyu ng krisis sa tubig, ito po iyong pag-uusapan natin ngayong gabi. Pero may mga makakapanayam tayo dito para pag-usapan kung ano po iyong mga aksyon ng Duterte administration at ng iba pa hong mga ahensiya ng gobyerno para matugunan at mabilis na matugunan ito pong problema o iyong krisis sa tubig. Dahil ako mismo, naapektuhan o hindi nakaligo ng ilang araw, dahil kami po ay nasa East Zone – Mandaluyong area. At ito ay pinaka-severely hit nitong krisis na ito.

Para maipaliwanag din sa atin pong mga kababayan. Ano ba talaga ang nangyari at ano ba ang naging solusyon ng Duterte administration para mas mapabilis na maibalik at maresolba itong krisis na ito, Sec?

SEC. ANDANAR:  Mayroon akong natatanggap na daily reports JV, mula sa MWSS at diretso padala ito sa atin ni Administrator Velasco. At kanina nakatanggap tayo ng update para lang malaman ng mga kababayan natin:

Noong pre-March 6, nagkaroon po ng krisis, nasa 100% iyong water service availability;

Noong March 6 – naging 79.1% ng Manila Water service ito ha;

Noong March 7 naging 71.9%, so bumaba;

March 15 tumaas muli – 83% iyong service water availability;

At noong March 19, naging 94.7;

March 20, 96.1%, at ngayon ay March 22.

So we expect by the end of March ay magiging 99% na iyong water service availability. So, iyon po ang report nila.

Remaining barangay supported by water tankers, okay: Villa San Mateo VI, sa San Mateo, Rizal; Sitio Jalang, Rizal pa rin ito; portions of Bono, Mandaluyong, baka diyan ka; Kawilihan Village, Bagong Ilog, Pasig; Rajah Sumaguel ng upper Bicutan, Taguig; Dinggian, Pasong Tamo, Quezon City; Samonte, Matandang Balara, Quezon City; Kennedy Pleasant Hill, Tandang Sora, Quezon City; Palaris, UP Campus, Quezon City; portions of Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez, Rizal; portions of South Ville, San Isidro, Rodriguez, Rizal. So, iyon yung mga portions na sinusuportahan ng water tanker.

Status naman ng deep well: four of 78 deep wells are energized – so, ibig sabihin gumagana na itong mga lumang deep well, apat sa pitumpu’t walo – generating 8.4 million liters per day as of actual date.  Manila Water is targeting to generate a total of 13 million liters per day by the end of March. Iyan ang update mula sa MWSS.

DIR. ARCENA:  So malapit na hong magbalik normal lahat, lahat ho ng area.

SEC. ANDANAR:  Mga walong araw na lang. March 22, so end of March.

DIR. ARCENA:  Iyon po mga kapatid, malinaw ho, galing po mismo kay Secretary Martin, iyong mga latest update po diyan sa ano ba ang ginagawa ng gobyerno natin para ho maresolba na itong krisis na ito. Kasi nitong mga nakalipas na araw, talagang tadtad ho iyong mga timeline natin sa social media sa atin pong mga accounts iyong mga reklamo ng ating mga kababayan. Sabi nga nila, mawala na iyong kuryente, huwag lang iyong tubig.

SEC. ANDANAR:  It’s International Water month, we are celebrating that.

DIR. ARCENA:  Yes, World Water Day pa pala ngayon, eksaktong World Water  Day at base nga po sa impormasyon na  nakalap natin mula sa United Nations, Sec., nasa 2.3 billion pa rin sa  buong mundo – ng populasyon ng buong mundo ang wala pa ring access sa safe water at sanitation.

SEC. ANDANAR:  Naku, mahirap iyanKaya nga kahit na nasa Region ll ka, Region lll o Region X na sagana sa supply ng tubig ay dapat talaga ay maging maingat tayo, maging conservative tayo. Conserve water, hindi tayo nagsasayang ng tubig, JV. Kasi pag summer alam mo naman tayong dalawa taga-Sta. Monica tayo sa Siargao, meron tayong ilog doon na kapag summer talaga, lahat ng ilog ay humihina talaga, kumukonti ang daloy ng tubig mula doon sa bundok kasi wala nang ulan.

DIR. ARCENA:  Tama po. Sabi nga nila, I mean nape-predict naman po iyan, napo-forecast ho iyan ng PAGASA: Kailan tatama ang El Niño, dahil nga sa epekto ng sinasabi nilang Climate Change; ang Siyensya na mismo ang nagsasabi na talagang nagbabago na po ang klima.  So tayo rin po mga kapatid, we need to adopt dito sa Climate Change na ito. At malinaw rin po na dito po sa – very ironic na tayo Pilipinas, napapalibutan ng tubig, tayo pa ang mawalan ng tubig. So kailangan ho, may mga aksiyon tayong gagawin para ho maiwasan na itong krisis sa tubig. Nabanggit n’yo ho kanina, Secretary Martin, iyong Region ll, Region lll, alamin kaya natin sa region l, sa Ilocos.  Nasa linya ho ng telepono si Asec. Kris Ablan muna mismo sa Ilocos, alamin natin o kumustahin natin iyong sitwasyon naman ng tubig doon. Asec. Kris, good evening…

ASEC. ABLAN:   Good evening JV. Naimbag nga rabii, Sec. Martin saka sa mga kababayan natin dito sa Ilocos – malakas naman po ang tubig dito, nakaligo ako dito JV.

SEC. ANDANAR:  Ito iyong baseball, Kris, na maligo ka pagkatapos. Alam mo speaking of baseball, I found out the fact na si Kris pala ay baseball player mula noong bata pa. Akala ko nag-baseball dive ka lang, nag baseball ka rin pala. How long have you been playing baseball, Kris?

ASEC. ABLAN:  Mga close to 30 years na, Sec. Martin. Iyong liga na sinalihan ng anak ko, alumni ako ng ligang iyon, so we play in the same league.

SEC. ANDANAR:  ‘Di ba pupunta ka doon sa may malapit sa Malacañang, makikita mo na may mga litrato ng mga presidente natin. Tapos si Presidente Erap, mayroon siyang hawak na bola, tapos – may hawak ng bola si Kobe Bryant, tapos si Erap naman iyong parang nagdedepensa. Ang then, you will notice that depende sa era ng presidente, iyon ang, siguro iyong dominant sa sports, nakita ko doon sa panahon ni Presidente Quirino baseball ang iniwan niyang jersey, over-all – ang baseball noon, Kris ay basketball natin ngayon.

ASEC. ABLAN:  That’s correct, Sec,   mga 1930’s and 1940’s.  Mag-o-organize po ako ng slow pitch softball sa October Sec., invited kayo ni JV na maglaro sa team PCOO.

DIR. ARCENA:  Kailangan yata diyan, Asec, iyong malinaw iyong mata. Kasi kung iyong mga nakasalamin tayo, baka tamaan iyong mga mata natin.

ASEC. ABLAN:  Hindi iyong mga kalaro n’yo naman is kapareho naman ng level eh, hindi ko naman kayo papalaruin sa magagaling talaga. So, katuwaan lang.

SEC. ANDANAR:  Saan naman itong game na ito?

ASEC. ABLAN:  Tatama ka lang ng bola and then tatakbo ka ng first base, ganoon lang iyon, Sec. Mart. Iikot ka lang ng first base, second base, third base, saka home.  I’m sure alam iyan ni Alexa, kasi very active ang baseball sa Boston.

SEC. ANDANAR:  Okay Boston Red Sox.

ASEC. ABLAN:  Yes, the World champion.

SEC. ANDANAR:  We are live now sa PTV. We are also live sa Radyo Pilipinas at live rin tayo sa ating mga Facebook pages.

ASEC. ABLAN:  Yes, Sec. so lahat ng mga nanunuod sa PTV saka nakikinig sa Radyo Pilipinas 738 welcome po sa cabinet report. Thank you also for welcoming me dito sa programa ninyo.

SEC. ANDANAR:   Well, you are part of it already. Congratulations to you.

DIR. ARCENA:  Okay, iyan po mga kapatid si Asec. Kris. Iyan po ay napapakinggan natin mula mismo sa Ilocos at tayo po ay live din na kasama ni Secretary Martin, via Skype. Para rin tayong hi-tech na hi-tech na tayo ngayon ah.

SEC. ANDANAR:  ‘Di ba ito iyong plano mo, JV na magkaroon ka ng isang virtual presscon.

DIR. ARCENA:  Yes, sir.

SEC. ANDANAR: At least pina-practice na natin di ba?

DIR. ARCENA: Ito na po iyong idea natin. Ito na po iyong gusto nating mangyari ho sa susunod na The Presser, The Virtual Presser at para mas mapalawak pa iyong engagements natin with international audiences or foreign audiences, especially doon sa international media.

SEC. ANDANAR:  Para sa kabatiran ng mga kababayan natin, si JV Arcena ay siya ang head ng Office of Global Media Affairs. So siya ay nakikipag-ugnayan sa mga news wires: Reuters, Associated Press, Agence France Press, CNN, BBC, Washington Post. Lahat ng mga best friend natin dito sa ating trabaho. That is why we are talking about the virtual presser which means – sige, I explain mo JV, ano ang mangyayari doon.

DIR. ARCENA:  Ito po Sec., ay mangyayari po dito, ito po ay interactive web platform kung saan para lang ho siyang, parang ganito lang, ang magtatanong, ang speaker at ang host nandito sa Manila. Pero iyong mga participants ho sa Presser natin ay mula ho sa iba’t-ibang bansa. Ito po ay nakikita natin na isang paraan para mas mabilis  pong maka-respond sa mga issue, sa mga tanong ng mga international media para masagot agad iyong kanilang mga katanungan at mas malinawan sila  kung ano bang posisyon natin o ng gobyerno sa isa o particular na isyu. Ito po ang isa sa mga paraan ho natin, Sec., o mga kapatid para magkaroon tayong engagements o pro-active engagements with the international audiences.

SEC. ANDANAR:  So, we are live now dito po, coming straight from the Philippines, si Kris Ablan ay nandiyan sa Ilocos, si JV naman ay nagla-live broadcast mula sa Philippine Broadcast Service headquarters diyan sa Visayas Avenue and ako naman, I’m streaming from South of Metro Manila. At marami tayong puwedeng pag-usapan ngayong gabi, maraming mga pagbabago ngayong araw na ito, sapagkat iyong Cabinet Report today is actually a cabinet report 2.0. Ito po iyong bagong Cabinet Report, we are re-formatting, so mas nagiging interactive po tayo, at marami tayong pag-uusapan.

Hindi ko alam kung ano iyong nasa harapan mo ngayon, JV, siguro let me just ask Asec. Kris Ablan kung ano iyong kanyang mga naging activity for the last two weeks, I understand you went somewhere in Africa, Asec. Kris?

ASEC. ABLAN:  Sec., so pumunta tayo ng Johannesburg, Africa last week po. Pumunta po tayo sa international conference ng Information Commissioners at madami po tayong natutunan sa kanila at we are very proud to say, Sec. Mart na maganda rin po iyong report natin sa mga ibang information Commissioners. Lalung-lalo na po iyong mga nanggaling sa Africa, kasi madami silang natutunan sa pag-implement ng FOI. Alam n’yo ba JV, Sec. Martin na habang dito sa Pilipinas wala tayong batas, pero maganda ang implementation ng Freedom of Information natin. Sa Africa may batas sila, pero very poor ang kanilang implementation kaya nagtanong sila sa akin, ‘anong ginagawa ninyo sa Pilipinas, bakit ang ganda ng implementation ninyo? Wala kaming budget sa Africa, wala kaming appointment sa Africa, walang nagtatanong, walang ahensiya ang nagko-cooperate, paano ninyo nagagawan ng paraan?’

Ang number one na sagot ko, Sec. Mart – political will. Political will  ng ating Presidente, si President Rodrigo Duterte at political will ng ating Communication Secretary na ikaw  na iyon Sec. Mart. Sabi ko dahil sa kanilang dalawa, nagkaroon tayo ng magandang implementation sa FOI sa bansa. So, nag-share po tayo ng best practices sa kanila. So, very good ang aming trip sa Africa, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Wow, Congratulations at alam naman natin, JV at Asec. Kris na political will talaga ang nagdala sa atin kung nasaang estado tayo ngayon ng ating bansa: which is nag-improved iyong happiness ng ating mga kababayan, based on the recent survey. Iyong world happy index ba iyon, tawag doon, JV na nag-improve tayo; And then at the same time maraming batas na pinirmahan si Presidente tulad ng libreng education para sa mga estudyante sa universities and colleges; Para din sa ating mga kababayan na PWD’s na libre ang kanilang insurance lalung-lalo na iyong mga mahihirap na PWD’s; Iyong ating mga ina na mga buntis. Dati 60 days lang iyong paid leave, ngayon 105 days ang leave ba o 106 days ang leave? Basta more than a hundred days iyong official leave; At iyong universal healthcare law.

Balikan natin Kris, so meron kang information drive that is happening and both of us will be in Naga this coming Monday as part of our  information drive, iyong ating press freedom caravan, iyong FOI Caravan. So, baka puwede mong i-expound sa ating mga manonood at  ng mga nakikinig kung ano itong ating caravan na gagawin sa  Naga at sa Legazpi, if I am not  mistaken.

ASEC.ABLAN:  Yes, tama iyan, Sec. Mart. In fact, this coming Monday lilipad po tayo sa Naga, sa may Bicol Region para ipagpatuloy ang PCOO’s Free Freedom Caravan. So, pag-uusapan natin iyong mga initiatives ng PCOO pagdating sa protecting press freedom. Kasama na diyan ang PTFOMs or Presidential Task Force on Media Security. Pati na rin po, gaya ng sinabi mo, iyong freedom of information programs. And then also we will be talking about other projects and programs of the Duterte administration.

Pagkatapos po ng Naga Sec. at saka JV, pupunta naman tayo ng Legazpi and then hindi pa tayo mage-end niyan kasi towards the end of the week, we will be going to Tacloban naman. So, we have a really busy schedule po, next week, Sec. Mart.

SEC. ANDANAR:  Alam mo JV, kagagaling ko lang ng Mindanao at nagpunta ako ng ako  ng Surigao, ng Butuan, Bayugan City,  Claveria, nagpunta din ako ng Balingasag, Gingoog. Alam mo kapag nakakausap ko iyong mga locals doon, at nakakausap ko iyong mga National government offices at iyong mga nasa LGU, ang sinasabi nila na maganda iyong ginagawa ninyo na press freedom caravan at iyong ine-explain. Kasi, this has never happened before na iyong national government ay talagang pumupunta doon sa mga regions at kinakausap iyong mga national government agency employees, kinakausap iyong LGUs, kinakausap iyong media mismo so, nilalapit natin iyong gobyerno. I realized that they really appreciated, Kris.  I’m sure you hear the same comments from the people that you meet in the regions that you go to.

ASEC. ABLAN:  Yes, tama po iyon, Sec. Can I just add Sec. para mare-affirm iyong project mo ng press freedom caravan that both protecting reporters, media men, journalist and as well as advocating access to information, the same program that they have in Europe,  specifically po on Netherlands. Ewan ko kung paano  ninyo nagawa iyon, Sec. Mart, pero  kung ano iyong ginawa natin sa Pilipinas, ginagawa nila sa Europe. Because nakita nila na very linked po iyong right to information to the right to report information.

DIR. ARCENA:  At idagdag ko lang din, Asec, noong nagpunta tayo nga sa Europe at nagkaroon din tayo ng press freedom caravan, mismo iyong mga kababayan na miyembro ng Filipino community at ilan pong mga media ang nagsabi na naninibago sila na mayroong mga foreign government like iyong Pilipinas ang mismong dumayo sa ganito para ipaalam iyong mga ganitong programa ng gobyerno at mismo po mga miyembro ng FilCom na  parang na-surprise sila, na may ganito  pa lang programa ang Duterte administration. May ganito pa lang mga polisiya ang gobyerno na hindi nila nalalaman dahil iba nga po iyong mga reports, negative pa iyong nakakarating sa kanila.

ASEC. ABLAN:  Can I just add JV, how important it is for us to be physically present in caravans like these. Kasi gaano kagaling man iyong socmed natin o iyong traditional media, mayroon talagang hindi umaabot eh, so kailangan talagang puntahan mo at talagang kausapin mo iyong mga kababayan natin na ito ‘yung nangyayari sa bayan.

DIR. ARCENA:  Oo, tama… Kasi may mga kababayan tayo na hindi naman talaga techie; may mga kababayan tayo na nakadepende rin sa impormasyon na nanggaling sa embahada natin. Kaya kung ang embahada natin ay kulang din sa impormasyon, mas maganda na iyong mismong firsthand information ang dalhin natin doon.

SEC. ANDANAR:  Oo, at saka iyong pagdating sa relations building din kasi JV ‘di ba, ikaw alam mo, media man ka, nasa Office of Global Media Affairs ka; iba pa rin iyong nakakausap mo siya sa email o nakaka-text mo o nakaka-Viber mo; iba pa rin iyong nakakasama mo at nakakapagkape kayo, nakakapag-usap ‘di ba… iba pa rin iyon.

DIR. ARCENA:  Yes, oo… Kasi mas naging… sabi ko nga, parang intimate; mas naging maano iyong relasyon ninyo, mas lumalalim at nagkakaroon kayo ng confidence-building, mas napapakinggan mo iyong concern niya at mabilis ninyong matutugunan dahil napapakinggan mo mismo kung ano iyong mga gusto nilang mangyari.

SEC. ANDANAR:  Oh, speaking of the Presidential Task Force on Media Security na binanggit ni Asec. Kris kanina na kasama rin dito sa press freedom caravan at naging kasama ninyo rin sa Europe, batiin natin ng Happy Birthday si Usec. Joel Egco.

DIR. ARCENA:  Oo nga pala…

SEC. ANDANAR:  Belated Happy Birthday na ba? Belated na, oo… I think it was yesterday ‘no.

ASEC. ABLAN:  Happy Birthday Usec. Joel Sy Egco.

DIR. ARCENA:  At pagaling ka, dahil alam ko kakagaling niya lang yata sa ospital…

SEC. ANDANAR:  Oo, naoperahan si Usec. Joel Egco. Sobrang hardworking kasi, but may you have many more candles to blow Usec. Joel Egco and you’re doing a fantastic job diyan sa Presidential Task Force on Media Security.

So now, nabanggit ni Kris that we are going to Bicol Region tapos sa Region VIII, and then we’ll also be visiting Region IV-B, dadalhin natin itong ating press freedom caravan, ang ating freedom of information caravan, PTFOMS; tapos kasama rin si Asec. Marie Rafael ‘di ba Kris?

ASEC. ABLAN:  Yes, kasama po natin si Asec. Marie Rafael pumunta po tayo ng Surigao two weeks ago at ang kaniyang diniscuss po ay ang Gender and Media Guidebook – I think it’s relevant po Sec., kasi March is Women’s Month; Kasama rin po natin in some legs po, si Asec. Mon Cualoping and he will be discussing po updates on the anti-illegal drugs program of the government.

DIR. ARCENA:  Okay. Sec., Asec. Kris… dumako muna tayo sa ating Malasakit OFW episode; tampok po ngayong gabi sa ating episode ang kuwento ng 25 years old na OFW mula sa Zamboanga Del Norte. Nagtrabaho po siya bilang domestic helper sa Kuwait, si Cynthia Quitong at kaaalis lamang po niya noong Pebrero a-beinte 2019. Muli siyang nagpasya na magbalik-bansa at dito na lang maghanap-buhay kasama ang kaniyang tatlong anak at mga magulang. Pakinggan natin ang kuwento ng ating kababayan at kung paano siya inalalayan ng gobyerno sa kaniyang pagbabalik-Pilipinas. Narito ang report: [VIDEO-AUDIO PRESENTATION]

 ‘Yun… iyon ho ‘yung kuwento ng kapatid ho natin and kababayan ho natin, 25 years old na OFW mula sa Zamboanga Del Norte – nakakaiyak ang kaniyang kuwento Sec.—ay, kasama pa rin natin si Secretary Martin Andanar at si Asec. Kris Ablan, nasa linya ng telepono; si Secretary Martin naman ay nasa linya via Skype. At iyong kani-kanina lang ho ninyong napanood mga kababayan ay ang kuwento nga po ng 25 years na OFW mula sa Zamboanga del Norte na si Cynthia Quitong. At iyon ‘no, masakit iyong kaniyang karanasan… at dahil ho sa gobyerno natin, mabilis na aksiyon ay nakauwi siya at natulungan siya para mas—magkaroon ng oportunidad at hanap-buhay dito sa bansa.

‘Yan ho ang nakita ko kung bakit mahal na mahal ng ating mga kababayan, ng atin hong mga bagong bayani, ng ating mga Overseas Filipino Workers si Pangulong Duterte, iyong pagkakaiba niya sa mga nakalipas na pangulo. Dahil iyong nakita ho ng ating mga kababayan na ating mga bagong bayani, iyong tunay na malasakit mula mismo sa Pangulo. Kaya kung saan ka man magpunta ‘no, saang bansa ka man magpunta, mayorya ng mga OFW, iisa lang ang sasabihin – solid ho sila sa Pangulo.

Sec… at ito si Secretary Martin, alam niya mismo kung ano iyong mga—ang utos ng Pangulo para ho maproteksiyunan, maalalayan at mapahalagahan ang atin pong mga OFW na unang-una ay malaki po talaga ang naitulong sa ating ekonomiya; malaki rin po ang naitulong sa ating bansa at nagbibigay ho ng karangalan din sa ating bansa.

SEC. ANDANAR:  Tapang at malasakit nga JV ito, na naging plataporma ni Presidente Duterte noong kampanyahan noong 2016. At kita naman natin ‘no, pagdating sa war against drugs – successful, ang mahal na ng shabu ngayon; pagdating sa war on criminality, bumaba na ng nuwebe porsiyento: from 2017 to 2018; from 536,000 to 470,000 iyong crime volume; pagdating sa korapsiyon, nag-improve tayo sa Transparency International ng 12 points, the highest since 2013; pagdating sa peace and order, nandiyan na iyong Bangsamoro Organic Law, iyong BARMM nandiyan na rin.

Malasakit… nandiyan iyong mga Malasakit Centers na unang binuksan ni Secretary Bong Go; tatlumpu’t dalawang Malasakit Centers ipinagpatuloy pa rin ni Presidente kahit na si Secretary Bong Go ay tumatakbo sa Senado, at nandiyan ngayon si Secretary Mike Dino para naman ituloy iyang proyektong ito. Pinirmahan, like what I said earlier, ang Universal Healthcare Law which enrolls a 100% of the Filipinos living in the Philippines and living outside of the Philippines; mga OFWs libre ho ng primary healthcare dito sa Universal Healthcare Law – ‘yan ang malasakit.

Pero magandang segment itong ‘Malasakit’, JV at Kris, kasi in the coming weeks mayroon tayong magiging programa with Cebu Pacific, okay? At mayroon tayong mga OFW cases sa Hong Kong at sa Singapore na makakauwi nang libre through our program with Cebu Pacific. Iyong mga talagang nangangailangan ay matutulungan natin ito, at iyan ay abangan ninyo po sa susunod na mga episodes ng Cabinet Report sa Teleradyo, at ‘yan ay aasikasuhin ng ating Executive Producer na si Weng Hidalgo. Pero papasalamat din ako of course, sa ating kaibigan na si Mr. Lance Gokongwei for giving us this opportunity na puwede nating pauwiin ang ating mga OFWs na may problema dito po sa Asian Region.

DIR. ARCENA:  Oo, libre! Libre po, libre na iyong ticket… 

SEC. ANDANAR:  Libre, of course libre. Mayroon masuwerte na isang kaso… we’ll try every week na may pauwiin tayo.  

DIR. ARCENA:  Wow! Sec. noong reporter ako, noong nakita ko iyong… noong na-deploy ako noon, noong nag-cover ako sa Saudi Arabia at saka sa UAE, nakita ko ‘yung mga centers na tinatakbuhan ng mga OFW natin na tumakas sa kanilang mga amo; gaano kahirap iyong kanilang pinagdaanan, kung gaano rin kalunus-lunos iyong kanilang mga sitwasyon sa mga center na iyon. Kaya talagang malaking tulong ho itong mga programa na ito, itong Malasakit na program natin dahil ito po ay mas napapabilis iyong kanilang pagbalik ng Pilipinas at mas napagtutuunan ho ng pansin ng gobyerno iyong kanila hong mga problema. Dahil sa dami ho ng mga tumatakas sa kanilang mga amo, sa kakulangan din ng mga tao ‘no sa ating mga embahada, mabuti na ho itong may mga grupo, may mga programa tulad nito na tumutulong din sa kanila para mas mapabilis iyong kanilang pagproseso.

SEC. ANDANAR:  Iyong puwedeng asahan natin JV sa Malasakit program natin dito sa Cabinet Report ay bukod doon sa ipapauwi natin iyong mga OFWs natin from Hong Kong or Singapore – basta dito lang sa ASEAN or Asian Region – mayroon din tayong mga livelihood projects JV.

DIR. ARCENA:  Wow!

SEC. ANDANAR:  Oo, kausap ko si Secretary Mon Lopez… Asec. Kris, are you still there? Nandiyan pa ba si Asec. Kris? O wala na si Asec. Kris…

DIR. ARCENA:  Nawala…

SEC. ANDANAR:  So kausap ko rin si Secretary Mon Lopez ng DTI, bibigyan ng hanap-buhay, ng training iyong ating mga OFWs na matutulungan natin. Kausap ko rin si Secretary Bebot Bello through Administrator Hans Cacdac ay mabibigyan din ng ayuda ang ating mga OFWs na gusto nang umuwi sa Pilipinas for good.

So basically, ito iyong Malasakit segment natin sa Cabinet Report: mayroong mga OFWs na may sakit, tutulungan natin sila… iyong kanilang pamilya dito sa Pilipinas; iyong mga gusto nang umuwi for good, mabibigyan natin sila ng libreng training, guidance kung saan sila puwedeng umutang; at number three, bibigyan din natin sila ng pagkakataon na puwedeng makapaghanap ng trabaho dahil nandiyan iyong DOLE, si Hans Cacdac ay nandiyan, si Secretary Bello nandiyan.

And of course, para po doon sa mga OFWs na kailangan ng pamasahe umuwi… ay dahil sa kabutihan ni Mr. Lance Gokongwei ay makakapagbigay po tayo nang libreng airfare courtesy of Cebu Pacific.

DIR. ARCENA:  Oo, laking tulong po ito para—laking tulong po talaga ito Secretary Martin sa atin pong mga kababayan, lalo na ho doon sa mga OFW na hirap na hirap na, nagkakasakit pa… at iyong mga tumatakas sa kanilang mga amo. Oo, kasi hindi naman ho lahat talaga ay masuwerte sa kanilang mga napuntahan; talagang mayroon ho talagang hindi ho pinapalad at itong mga bagong bayani natin ay dapat ho talaga natin pagpahalagahan, kasi ang laki ho ng kanila hong mga naiambag sa atin pong bansa; hindi lang ho sa… pagdating sa ekonomiya, kundi pati na ho sa mga naitutulong din nila sa kani-kanilang mga pamilya. Ang laki ho ng kanilang mga naitulong sa ating lahat, oo…

SEC. ANDANAR: Kaya nga naman hindi lang puro lip service ang Duterte administration: binuksan yung OFW Bank, bangko para sa mga OFW; nandiyan yung One Stop Shop ng DOLE para hindi pa paikot-ikot yung mga OFWs na gustong lumabas ng bansa para kumuha ng permit, meron silang One Stop Shop dito sa may POEA,OWWA; at bukod diyan ay pinag-lalaban parin natin na magkaroon sana ng OFW Department, pero alam naman natin na ‘yan ay dadaan talaga sa Kongreso at sa Senado bago pirmahan ni Presidente Duterte.

DIRECTOR JV ARCENA: Ito ay pending na Sec. ano, sa Kongreso at nabanggit mo na rin na may sinusulong nga po na magkaroon ng OFW Department. Pero iyong isang isinusulong din dati na Department of Housing and Human Settlement ay pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong nakalipas na buwan. So isa lang ho ‘yan sa mga batas na sabihin nating people oriented, na mga batas na pro poor, na mga batas na pinirmahan ng Pangulo o mga polisiya na malapit sa Pangulo at maisasakatuparan sa loob ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

SEC. ANDANAR: Kaya paulit-ulit kong sinasabi JV, sa ating mg listeners sa lahat ng mga radio stations na nakausap ko nationwide kasi at least I entertain around four interviews a day sa mga regions. We only have three more years left sa Duterte Administration, napaka-bilis talaga by June 30 2019 three year na lang ang natitira, nasa mid-point na tayo nang six year term. Sabi ko kailangan we should really make the most out of a strong willed, with political will or strong political willed President like President Duterte at make the most out it, take advantage of it, gawin natin lahat ng kayang magagawa nating para lahat ng pagbabago na gusto nating mangyari ay mangyari na.

We don’t know who will replace the President by 2022, kung mayroon ba siyang ganiyang political will din, kung ganyan din ba siya ka-decisive – hindi natin alam eh. So we might as well make the most out of this presidency na lahat ng kabutihan, lahat ng mga polisiya na dapat matulak. Katulad ng pederalismo, JV, alam naman natin na kasama talaga ‘yan sa plataporma de gobyerno ni Presidente Duterte noong 2016. Pero we also know for a fact that ginawa na ni Presidente ang lahat; nagkaroon siya ng Consultative Body, gumawa ng Federalism Constitutional or Draft Constitution at ito ay ipinasa na sa ating mga mambabatas. We all know for a fact that ‘babalangkasin ito sa Kongreso at Senado and we also know the reality that if we do not have enough allies sa Senado, ay hindi mangyayari iyan. Hindi mangyayari itong Pederalismo na sinasabi natin, so hopefully by May 2019 ay dumami ang ating kaalyado sa Senado para talagang maisabatas na itong Pederalismo.

DIRECTOR JV ARCENA: Kailangan ng mas maraming kakampi para mas maisakatuparan ang mga isinusulong ng Pangulo o ng administrasyon sa loob ng nalalabing mga taon ng kaniyang administrasyon. Kasi kung dadami ang mga sinasabi nga nilang No Talk, I meanOnly Talk or I mean No Action, Talk Only ‘yung mga NATO, talagang babalik tayo kumbaga magde-detour uli tayo. So kung ang direksiyon natin ay paurong o pasulong at kung ang mangyari sa 2019 elections ay dadami ‘yung mga–lalong dadami ang lalaban bago hindi po natin maisakatuparan ‘yung mga magandang intension o magandang programa ng Duterte Administration. Kaya iyan po ay talagang importante na mas dadami pa ‘yung mga kaalyado kakampi para maisakatuparan yung mga gusto ng Pangulo lalo na ‘yung Pederalismo.

SEC. ANDANAR: Oo, sabi nga ni JV “Unli talk ayaw, natin ng unli….na talk” [laughs] gusto natin ay..

DIRECTOR JV ARCENA: Aksiyon.

SEC. ANDANAR: This is the only time na ayaw natin ng unli talk gusto natin ‘di ba, gusto natin unli ‘yung ating cellphone, unli talk lahat, this is the only time na gusto natin UNLI ACTION… tama si JV, unli aksyon and that is what President Duterte is all about.. yang UNLI ACTION. Now, naku! Ang dami kong natanggap JV na nga text message from our OFW’s na nabanggit ko na may libreng pamasahe pauwi [laughs].

DIRECTOR JV ARCENA: Dudumugin tayo.. [laughs]

SEC. ANDANAR: Pati Remedios Pascua [laughs] andito oh.. “Sir tulungan niyo naman ako, isang buwan pa lang ako dito sa Saudi gusto ko nang umuwi kasi isang linggo nang sumakit ang ulo ko at dibdib ko pagkatapos magtrabaho ko, please”; Si Shorelyn Yano.. “Tanong ko lang po, wala po bang pinipiling edad sa mga training basta galing ibang bansa?” – wala pong edad, wala pong diskriminasyon dito Shorelyn. Actually, basta Pilipino ka puwede kang mag-training ang problema lang kasi kapag mga OFWs na matagal na sa Hong Kong, matagal na sa Singapore o matagal na sa Thailand, for example kailangan nila nang guidance pagdating nila nang Pilipinas. So ang gagawin natin dito sa Malasakit segment natin ay bibigyan natin sila nang pointers kung ano yung dapat gawin. Tutulungan natin sila sa DOLE, sa OWWA, sa POEA tutulungan nating sila sa Department of Trade Industry, sa Department of Health kung kailangan nila nang medical assistance kung mayroon silang mga kamag-anak sa Pilipinas na may sakit.. alam mo JV, napaka-hirap kapag anak ka nang OFW, alam naman nating lahat iyan na once umalis ang isang magulang it automatically creates a dysfunctional family.

DIRECTOR JV ARCENA: Yes.

SEC. ANDANAR: Since hindi kumpleto yung nucleus family ‘di ba JV. So nandiyan na yung
anak na masakit ang loob na wala na yung magulang, may tampo at kung hindi ito napo-process ng maayos, kung hindi natutulungan yung bata ay nagkakaproblema. So kung may problema yung naiwan may problema rin yung umalis, ‘di ba. So kailangan din nating matulungan yung mga OFW’s na gusto ng umuwi for good at to help them in a way re-integrate to Philippine society kasi siyempre marami na ring nagbabago, everyday nagbabago ang ating lipunan.

DIRECTOR JV ARCENA: At Sec., paulit-ulit sa mga ilang talumpati ng Pangulo, bago ho tayo magtapos Sec., lagi niyang sinasabi na ang pangarap niya sa isang Pilipinas, ay yung Pilipinas na hindi na nag-e-export ng labor kundi dito mismo sa bansa natin maraming mga oportunidad para sa ating mga kababayan. Sec., 7:55 na po ng gabi at kailangan na po nating magpaalam at susunod na po Sec. para sa ating mga kababayan, susunod na po ‘yung Youth for Truth kasama po si Director Vinci Beltran at Ms. Nicole Namuco ito po ay bagong programa kung saan—brand new program na pangungunahan po ni Director Vinci Beltran dito sa Radyo Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Napakaganda nitong Youth for Truth JV, kasi ang tanging misyon nito ay yung number 1, Media Literacy Program ‘yung turuan ang mga kabataan out how to fight fake news, paano mag-spread ng tamang impormasyon at the same time we are hoping that this becomes a national movement itong Youth for Truth. And we are re-launching it actually today with a more powerful medium through our radio program at nandiyan nga si Director Vinci Beltran at si Nicole and before I even go and turn this over to you, I would also like to inform Vinci na may nakausap ako doon sa munisipyo ng Balingasag sa Misamis Oriental and they have a very-very active youth organization there at ang kanilang Sangguniang Kabataan ay napaka active din. Ganoon din napuntahan namin ni Kevin ang Surigao City at ang Butuan City and they were able to talk to their different youth organizations that are very much willing to work with Vinci Beltran para dito sa Youth for Truth. Kaya congratulations Vinci and Nicole for a brand new show and I know that you will do well, God speed, God bless and all the blessings that you will need and all the luck that you will need for this radio show, I hope you get it.

DIRECTOR JV ARCENA: Okay, thank you po Secretary Martin Andanar, Sir sa ating pagsama sa [laughs] ako pala dapat magpasalamat [laughs] ako yung umupo dito [laughs]. Anyway thank you din po sa pagkakataon na binigay niyo sa akin para ho umupo dito sa Cabinet Report sa Teleradyo at siyempre salamat din po kay ASEC. Chris Ablan at sa PTV salamat din sa Radyo Pilipinas at sa lahat ho ng mga kapatid natin o kababayan natin na tumutok sa atin pong mga social media sites sa atin pong live streaming, thank you po! Dahil Friday ngayon, sana ingat kayo ho sa inyong mga gimik at uulitin ko ho, World Water Day sana ho ay marami rin kayong tubig sa inyo [laughs] Muli, ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo, ako po si JV Arcena.

SEC. ANDANAR: Ito po si Secretary Martin Andanar. Maraming salamat po, Magandang Gabi.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource