Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and DENR Undersecretary Benny Antiporda by PCOO Assistant Secretary Kris Ablan & Mr. JV Arcena, Radyo Pilipinas


MR. ARCENA: Nasa linya na ho Asec., si Secretary Andanar—nasa linya na ho ng telepono live mula naman sa Tacloban City. Good evening, Sec.

SEC. ANDANAR: Hi, good evening JV. Good evening, Kris. Nandito ako sa Calicoan, Guiuan, Eastern Samar. Pero yesterday nandoon ako sa Tacloban para sa Dagyaw at nandoon ang mga masisipag na mga kasamahan ni Asec. Kris Ablan as usual; that was the 6th Dagyaw and we have 10 more Dagyaws Kris ‘di ba?

 ASEC. ABLAN: Yes sir, 10 more, total of 16; Kumusta naman po si Asec Mon Cualoping as moderator, Sec.?

SEC. ANDANAR: Well, okay naman si Mon. He did the part and he did it well. Ang mahalaga dito ay naging aktibo rin ang mga LGUs dito sa Tacloban, sa Leyte at nandoon din si Mayor Romualdez, at nandoon din ang ating mga kasamahan sa iba pang mga sangay ng gobyerno like Anti-Poverty Commission, nandoon din iyong ating mga kasamahan sa DILG, si Usec. Mavs present din doon, sa DBM…

And I have so many activities, but you know ang kahalagahan kasi nitong Dagyaw is in participative with governance, iyong dinadala natin iyong gobyerno, national government sa mga rehiyon. And what’s good about this Kris is that, since freedom of information was signed as an executive order by the President, you and your team including the DBM have been very, very, very aggressive in going to the countryside for the OGP.

Tapos right now, you have this wonderful, fantastic idea na Dagyaw; ika-anim na nga ito. We will be bringing it to Butuan and Cagayan De Oro next week. So the local government units, mga NGAs dito, they really appreciated the fact that we are very consistent.

And then I had several other meetings; nakipag-meet din ako sa Youth for Truth, iyong mga kabataan dito sa Tacloban. I also had an engagement with the regional media, mga media sa Tacloban as usual and they were very, very friendly and we had candid conversation. Tapos I met with the Eagles Brotherhood, AKRHO dito, I met with them so that they can help with our communications campaign that we are launching this coming September ‘di ba, iyong ating Duterte legacy, communications campaign ‘di ba JV?

MR. ARCENA: Yes, sir.

SEC. ANDANAR: So—and then today, we already filmed or shot one episode of the Duterte Legacy Podcast dito sa Calicoan. So tomorrow we’ll be shooting another one para makabangko na kami para sa September at least we have around 8 segments or episode produced para hindi tayo maubusan.

This week has been very actually; tapos, going back to—Monday… I was at the oath taking of Administrator Duque sa PCA and we were at the ES’ office; and then after that we had a very successful pre-screening of ‘Mindanao The Movie’ by Direk Brillante Mendoza and the movie is touchy.

ASEC. ABLAN: Yes, that was a good movie Sec.

SEC. ANDANAR: Oo, ‘di ba magkasama tayo Kris. But you left earlier, right?

ASEC. ABLAN: Ah hindi po. Natapos ko po ‘yung movie. I learned a lot about our Muslim brothers – how they bury their dead, so really educational for me, Sec – so kudos to Director Brillante Mendoza for that.

SEC. ANDANAR: It’s a partnership between Direk Brillante Mendoza, Marlyn Montano, my friends and the PCOO. It’s about Mindanao and Direk Brillante Mendoza has this way of showing reality to the viewers without changing so much of the scene. He calls it expound strategy of the—the found way of shootings, like a cinema [unclear].

So sabi ko nga doon sa speech ko doon, sabi ko it’s a very good movie; it was really well-produced and well-shot. You know, you’re invited to watch it; the problem is it’s so difficult to extricate yourself in the movie because it’s so real that you wouldn’t know it’s already finished and you get so drawn. So once it gets shown to the public, I hope everybody get the chance to watch it kasi malalaman ninyo kung ano talaga ‘yung problema, ano iyong reyalidad, ano ‘yung history, ano ‘yung kultura sa Mindanao.

And then after that, the next day magkasama na naman kami ni Kris for the Dagyaw sa Cuneta Astrodome. And then after that, I attended the launching of 911 TESDA with the President. And then a day after that, July 31, I attended also the joint NSA and NICA anniversary celebration at the PICC with the President. And our Lumad brothers and sisters were there and they were given a round of applause/standing ovation.

So I’m so proud of our Lumad brothers and sisters; tribesmen, the Chiefs who actually went to the United States para ipaliwanag sa mga Amerikano at iyong mga funders ng left movement dito na sila iyong agrabyado.

MR. ARCENA: Actually Sec., nandito rin sila sa studio. Sila rin iyong mga kasama natin sa programa natin ngayon dito sa Cabinet Report sa Teleradyo. At makakausap natin sila para ibahagi iyong kanilang mga narrative o ‘yung kanilang mga struggle sa kamay ng mga CPP-NPA at iyong kanilang—iyong mga assessment sa mga nangyari doon sa Amerika.

SEC. ANDANAR: Well alam mo, I’m so proud of our Lumad chieftains, our leaders, sa mga IPs dahil napakalakas ng kanilang—matatapang, malakas ang loob nila. Talagang once and for all they go out of their comfort zone, nakikita sila ng buong publiko, ng buong Pilipinas, ng buong mundo – pinaglalaban nila iyong kanilang karapatan at ibinabahagi nila iyong kanilang mga hinaing.

Kasi ang problema kasi dito, marami kasi sa mga—ating mga kababayan na nasa left ‘no ang—binibenta nila iyong kanilang istorya tapos nababaligtad iyong kuwento ng mga Lumad na… kuwento kasi nila ay, sila ay nabi-victimize ng CPP-NPA sa pangako na gaganda iyong kanilang buhay and yet, nakaka-sama sa kanilang kinabukasan. So ang ginagawa naman ng CPP-NPA is binibenta iyong istorya doon sa abroad tapos diumano’y ginagamit iyong mga legal fronts nila para makalikom ng pondo.

And what our Lumad kababayans did, the IPs is, went to the United States and to… to announce to the world that kabaligtaran ang nangyayari. Nagagamit lang iyong pondo ng mga legal fronts, diumano nagagamit lang para palawakin pa iyong movement ng CPP-NPA.

MR. ARCENA: Sec., ipapakilala natin ‘no ‘yung mga kasama natin dito na mga Lumad leaders o iyong mga IP leaders na kasama rin po natin sa Amerika. Nandito si Datu Bawan Jacob Lanes ng Mandaya Tribe; si Datu Nestor Apas; at nandito rin si Bae Magdalena Iligan – ito taga-Surigao, kababayan natin mula naman sa Mamanwa Tribe ‘no.

Puwede kayong bumati, kasama ho natin sa linya ng telepono si Secretary Martin Andanar mula sa Eastern Samar.

DATU JACOB: Magandang, gabi po Secretary Martin. Maraming salamat po sa opportunity na maimbita kami dito sa programa po ninyo.

SEC. ANDANAR: Ay, maayong gabii kaninyong tanan. Salamat at binigyan ninyo ng pagkakataon at binigyan ninyo ng panahon na bumisita sa Radyo Pilipinas. Saludo ako sa katapangan ninyo at nandito lang po ang Presidential Communications Operations Office, sa likod ninyo… kung mayroon kayong kailangan, lalo na sa komunikasyon.

MR. ARCENA: Si Datu Nestor…

DATU NESTOR: Maayong gabi Secretary, I am Datu Nestor from Talaingod, Davao Del Norte.

SEC. ANDANAR: Good evening, sir.

BAE MAGDALENA: Magandang gabi po, sir. Thank you sa time na binigay ninyo sa amin na nakapunta dito sa inyong istasyon – Radyo Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Salamat din po, at nandiyan lang po ang Radyo Pilipinas, ang PTV, Philippine News Agency, nandiyan din po ang Philippine Information Agency para sa inyo kung kailangan ninyo po magpa-interview, kung kailangan ninyo po maghayag ng inyong mga hinaing, nandiyan lang po kami.

MR. ARCENA: Itatanong ko lang po Sec. dito sa mga kasama natin na mga IP leaders kung—maari ninyo po bang ibahagi sa atin pong mga tagapanood sa PTV4 at sa mga tagapakinig at tagapanood din po sa social media ang inyo pong mga – sa atin pong mga tagasubaybay – ang inyo pong talagang naging karanasan sa kamay ng CPP-NPA at iyong dahilan kung bakit kayo nagpunta sa Amerika.

DATU JACOB: Ah iyong pagpunta po natin sa Amerika, tawag po namin doon ay ‘Breaking the Silence and Telling the Truth’ na caravan o tour. Tatlo pong narrative ang aming inihayag: Una, iyong narrative ng aming struggle para sa aming mga karapatan, ang tribu po kasi – 110 ethnographic Tribes ng Pilipinas, ito ‘yung mga pamayanang katutubo ng Pilipinas – ay mayroon po tayong pinagdaanan na historical injustice.

Buti na lang po noong 1987 Philippine Constitution, ni-recognize na po iyong karapatan ng mga tribu. And 10 years after, mayroong enabling act, iyong RA 8371 otherwise known as Indigenous Peoples Rights Act na nag-recognize ng 4 Bundle of Rights ng mga Indigenous People.

Pero kasabay po nito iyong narrative ng deception; sa panahon po kasi na hindi tayo kinilala pa ang ating karapatan ng gobyerno, itong makakaliwang grupo po ay lumapit sa mga elders namin at nagpakilala na mga kaibigan at alyado at tutulong para i-advance iyong mga karapatan ng tribu. Tinatawag namin ito na ‘deception’ dahil po noong ni-recognize na ng gobyerno ang aming mga karapatan, sila po ay naghahayag na ang gobyerno daw ay umaatake sa mga community at eskuwelahan ng indigenous people.

Gusto po namin itong i-clarify. Una, ano ang motibo ng gobyerno para atakihin ang aming mga community samantalang mayroon na tayong batas na nagre-recognize ng karapatan ng tribu. Pangalawa, tungkol po ito sa sinasabing ‘attack on the lumad schools’; una, sa pangalan pa lang po ng lumad. Ino-oppose po namin ito at nilalabanan na tawagin kaming lumad dahil nawawala po ang ethnicity namin.

Sa totoo po, ang tribu po ay hindi lumad: Mayroon kaming kaniya-kaniyang tribu; mayroong Ata, Mamanwa, Manobo, B’laan, T’boli. Pero gusto nila—palagi nilang sinasabi iyong word na ‘lumad’. Sa amin po kasing pagkakaalam, mayroong dalawang underground organization under sa Communist Party of the Philippines, ito ‘yung Cordillera Peoples Democratic Front sa northern Luzon at ang Rebolusyonaryong Organisadong Lumad sa Mindanao na organization na binubuo ng Communist Party of the Philippines sa sektor ng mga indigenous people. Ayaw po naming ma-associate sa word na ‘lumad’ dahil ayaw naming ma-associate sa organization na tinatag ng Communist Party of the Philippines – ito po ‘yung gusto naming i-clarify.

SEC. ANDANAR: Nah, pasensiya na po kasi… Thank you for educating us about the word ‘lumad’ but we are very much comfortable calling or branding you as IPs, indigenous people if that’s okay with you, sir.

DATU JACOB: Opo. Tama iyon Sec. dahil nga ang bansa po natin, ang ating gobyerno ay nag-recognize sa atin bilang indigenous people kaya po ang tawag sa batas natin, Indigenous Peoples Rights Act. Ten years after in 2007, nag-promulgate naman ang United Nations ng United Nations Declaration on the Rights of the Indigenous People. So ang United Nations po kumilala din sa atin bilang indigenous people. Kaya po ‘yun po ang gusto namin, na ito ‘yung expression namin at this is how we want to be respected as indigenous people at ma-preserve po ‘yung ethnicity ng bawat tribu ng Mindanao kahit sa buong Pilipinas.

 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource