Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Leo Palo III – Radyo Pilipinas

LEO: Welcome po sa Cabinet Report sa Teleradyo. At kami ang inyong mga Lingkod, Leo Palo III and…

DIR. BELTRAN: Vinci Beltran…

LEO: Hyan, mamaya-maya makakasama po—huwag ho kayong mag-alala, kasama po namin mamaya-maya ang heartthrob ng mga Gabinete ng Pangulo, hayan si Secretary Mart Andanar. Medyo may inaasikaso lang bahagya diyan po sa baba para sa RP 1. Well Ma’am Vinci, iyong ating—invite natin ang ating mga kababayan na mapanood tayo. Are we live? Okay. So siyempre napapanood tayo sa—

DIR. BELTRAN: Social media pages ng PCOO at sa lahat ng attached agencies nito. First time tayo ngayong napapanood sa People’s Television o PTV. Wow…

LEO: Uy magandang araw po sa inyo ha. Pasensiya na po at medyo nasingit kami sa PTV ngayon. First simulcast po sa PTV4, and siyempre pa bukod sa PTV4, sa Channel 4, pinaka-telebisyon ninyo ay mayroon din pong mga pages ng Facebook iyan, PTV page—Facebook Live, sa ano pa?

DIR. BELTRAN: RP…

LEO: RP, RP1, sa PNA, sa PIA, at siyempre sa Presidential Communications Office live din po tayo. At sa lahat ng mga Facebook pages ng pamahalaan ay nandoon po, nakikita ninyo. Anyway, ano bang puwede nating pag-usapan ngayon, Director?

DIR. BELTRAN: Kalilipas lang noong Mayo uno…

LEO: Labor Day, hayan…

DIR. BELTRAN: Oo. Dahil nga sarado na iyong Boracay hindi tayo nag-LaBoracay, pero bumalik doon sa esensya ng May 1, na ang usapin na iyon ay para sa mga manggagawa.

LEO: Correct. Speaking of Boracay, bigla akong napaisip ha. Hindi ba tayo puwedeng mag-live sa Boracay? [laughs] Hindi, kasi by May 26, monthsary ng Boracay. Oo, dapat doon tayo mag-live ha.

DIR. BELTRAN: Kaya ba? [laughs]

LEO: Wala si Secretary Martin dito eh. Kung nandito iyon, ila-live natin. Anyway…so sabi ko nga, ang Pangulo po ay… grabe, ang sipag ng Presidente imagine mo, from China to Hong Kong to Singapore, then to Cebu… para lang ibalita doon na nilagdaan niya iyong executive order para po doon sa ating mga kababayan na still… until now actually hindi maikakaila; until now ay endo pa rin or end of contract pa rin sila doon sa issue ng ano—kapag sinabing end of contract… kaya sumikat iyong 555 eh. Hindi ba iyong 555, iyong tipong pagdating ng 5 months kailangan mag-renew na. Hindi sila nare-regularize dahil alam ninyo naman na… mga tuso rin kasi iyong mga employer.

DIR. BELTRAN: Pagka na-regular, mas maraming benepisyo…

LEO: Saka ano, mauutak nga eh. Isipin mo ha, pagdating ng 6 months supposedly – sa batas, sa ating Labor Code, dapat regular na sila. Pero hindi nangyari iyon. Well speaking of endo, eh huwag nating patagalin… kasi itong kakausapin na ho natin ngayon, ito ho ay nagpapanggap na Bisaya pero Ilokano [laughs]. Alam mo kung bakit?

DIR. BELTRAN: Bakit?

LEO: Kasi kaklase ni Presidente ito, at dahil sa tagal nilang magkasama sa kuwarto… easy, pareho silang lalaki, hayan [laughs]… natutong mag-Bisaya imagine mo iyon. Natutong mag-Bisaya, kabaligtaran – si Presidente hindi marunong mag-Ilokano eh, hindi ko alam bakit. Ito iyong sinasabi ko, ito iyong totoo… ang Ilokano saka ang Cebuano hindi talaga puwedeng mag-asawa – pareho kasi sila na lalaki.

Anyway, nasa linya natin siyempre pa ang ating Kalihim ng Paggawa, ang star ngayong araw na ito. Ito madaya ito, bakit hindi pumunta rito ito, bakit sa telepono lang ito. Ha, bakit ganoon? Secretary Bebot Bello, good morning.

SEC. BELLO: Good morning. Maayong buntag.

DIR. BELTRAN: Hello po, good morning po. Si Director Vinci po ito of PCOO…

LEO: Anyway Secretary, ito po talaga ang gusto naming pag-usapan today, may kaugnayan po dito sa end of contract, na sabi nga ng karamihan, pati na ang kritiko, eh kesyo ito daw ay hilaw, kesyo ito daw ay kulang… lahat na lang ng gustong sabihin, hindi ko maintindihan. Bago pa man napirmahan at hanggang sa napirmahan, mayroon pa ring sasabihin. Well from the horse’s mouth tayo, paano ba nag-come up na magdesisyon ang Pangulo na pirmahan itong endo na ito, ang executive order?

SEC. BELLO: Alam mo partner at saka Director Vinci, iyong EO na iyon hindi tungkol sa endo. Dahil iyong endo, illegal talaga iyan, hindi talaga puwede iyan at hindi na kailangan ng executive order kasi by law, iyang endo that is illegal as a whole. In fairness, sinasabi ng mga employers, management groups, hindi na nila pina-practice iyan dahil alam nila na bawal sa batas iyan. Iyong pinirmahan ni Presidente Duterte ay iyong EO on illegal and unlawful contractualization.

Ang unang panawagan ng manggagawa, eh dapat walang contractual employee. Ang gusto nila, lahat ng empleyado regular. Sabi ng ating Pangulo doon sa kaniyang EO, tama, dapat regular ang mga empleyado – pero may exemption. Hindi naman puwedeng regular, kasi halimbawa mayroong mga empleyado na kailangan mo lang ang trabaho nila sa okasyon. Like for example hospital, iyong mga regular employees na surgeon dagdagan mo ng seasonal surgeon. Iyon, puwede mong iksian ang season niyon, contractual iyon dahil their services are needed only for that specific season. O hindi mo na nga puwede silang i-regular, eh hindi na required eh paano naman iyong regular na.

LEO: Secretary, maputol lang kita sandali. Moving ka ba, moving ka?

SEC. BELLO: Opo.

LEO: Anyway, sayang kasi iyong signal—I mean iyong sinasabi niya, para maintindihan ng ating mga kababayan all over the world iyong ating mga kamag-anak ng mga OFWs eh maintindihan nila kung ano eksakto ang sinasabi dito sa executive order na ito. Kasi parang ang sabi po ng mga kritiko, o sabihin na natin mga militant group, ang sabi nila, “Eh parang ine-emphasize lang naman dito iyong sa labor code. Parang iyon lang din naman…”

SEC. BELLO: Hindi po totoo iyan, dahil mayroon pang kalakip doon sa EO na iyon, iyong pinagbabawal ng labor-only contracting, iyong mga ‘cabo’ – iyong walang ginawa kundi maghanap ng trabahante at ibigay sa principal, bawal iyon. At saka iyong subcontractor, iyong mayroong contractor tapos sinu-subcontract, bawal din iyon. Iyon po ang mga significance ng EO.

LEO: Paano iyong subcontractor? For example, mayroong mga subcontractor na kunwari ha, kunwari lang ito ha, sorry doon sa mga subcontractor na nakakapanood at naririnig ngayon. For example lang may nagsa-subcon ng isang, let’s say delivery, iyong mga… ‘pag tumatawag ka, hotline, sa food, ganoon.

DIR. BELTRAN: Call center…

LEO: Tapos iyong mga nagde-deliver na iyon, for example ide-deliver iyong food products, hindi ba, eh subcon iyon. Paano iyong ganoon?

DIR. BELTRAN: Nakahiwalay sila.

SEC. BELLO: Hindi nga puwede, iyon ang bawal. Isu-subcontract mo, bawal.

DIR. BELTRAN: Dapat empleyado ninyo talaga iyong… sa hotline.

SEC. BELLO: Yes, oo… Yes, iyon ang sinasabi ng EO. Eh noong araw ang mga manggagawa—in fairness naman medyo umatras sila, dahil noong araw [choppy line]… pero na-realize din nila na hindi puwede. Kaya halimbawa [choppy line] batas… ‘pag kailangan mo ng security guard, puwede kang kumuha sa security agency. [choppy line]… batas na ‘yan eh, kasi if they will allow to get security guards magkakaroon ka na ng private army [laughs]

LEO: Hindi ganoon nga ang dating eh, parang simple private army ang dating eh hindi ba? Hindi nga siya armed pero private army ang dating parang ganoon eh. Sandali lang ha baka maligaw ako, baka mawala ako. Eh iyong kumare mo, iyong kumare mo si Peng Aliño ay batiin mo raw nanonood kasama si Ipe iyong kaniyang special son.

SEC. BELLO: Hi Peng, maayong buntag ha.

LEO: Wala na akong utang ha. O hindi ba? Anyway, so balikan natin ang—itong endo na ito.

SEC. BELLO: Oo.

LEO: Iyong article—ano ba? Tama ba ako 281 ba doon sa Labor Code?

SEC. BELLO: Ah 106 ang alam ko 108, pero hindi bale ang importante iyong bawal talaga ang endo. Alam mo—I’ll give you example of endo ‘no.

LEO: Yes, sige.

SEC. BELLO: Kung ikaw mag-apply sa trabaho. Eh di tatanggapin ka. Pero by law you had to pass a probationary period of 6 months.

LEO: Yes.

DIR. BELTRAN: Okay.

SEC. BELLO: After six months kung ni-retain ka, you automatically become a regular employee.

DIR. BELTRAN: Dapat regular kana.

SEC. BELLO: Iyan regular, automatic na iyan. Pero iyan ang ginagawa noong araw iyong mga pasaway na management o employer pagdating nga ng five months para hindi ka ma-regular sasabihin nila, ‘Sorry hindi ka na qualify.’

LEO: Iyon nga, iyon nga.

SEC. BELLO: Pero after an interval of one month ire-rehire ka.

LEO: Iyon nga eh.

SEC. BELLO: O another five months ganoon, iyon iyong bawal.

LEO: Iyon ang tinatawag nilang sardinas.

SEC. BELLO: Iyon 555.

DIR. BELTRAN: 555.

SEC. BELLO: Oo and in fairness naman iyong mga employers na, hindi na nila pina-practice nila iyan dahil siguro na-realize nila na hindi naman tama.

LEO: Yes, oo.

DIR. BELTRAN: Pero Secretary paano naman po doon sa mga seasonal na trabaho. Iyon po pinapayagan ba natin iyon?

SEC. BELLO: Yes, pinapayagan kasi alam mo Director kung iyong seasonal gawin mong regular, paano na kung wala namang trabaho? Paano mo—

LEO: Iyon.

DIR. BELTRAN: So balanse naman po tayo.

SEC. BELLO: Oo in other words, you need their services only for a certain season. Like in agriculture kapag ikaw ay nasa agriculture during planting season, you get planters hindi ba? Now pagdating ng harvest season you get harvesters hindi ba? Oh after the harvest hindi mo na kailangan iyong harvester.

LEO: So hindi naman parang—

DIR. BELTRAN: Parang lahat na lang—

LEO: Kumbaga specialized lang sila for that ano—so puwede iyong ganoon?

SEC. BELLO: Yes.

LEO: Puwede.

SEC. BELLO: Yes at mayroon din iyong tinatawag na project phase. Halimbawa ikaw Vinci, you are a contractor, you build houses, you build buildings. Mayroon kang regular employees dito sa opisina mo, may engineer ka, mayroon kang surveyor mayroon kang mason. Pero kapag may nag-order sa iyo, let’s say ng isang worth a billion, you need at least 1,000 workers to put up that building. Iyon project based iyong mga empleyado na iyon. So puwede mo silang i-outsource. You will them only for that project. Kapag natapos na iyong project, wala na.

LEO: Oo ito may mga tanong pa diyan eh. Pero bago kita—huwag kang aalis diyan. Huwag ka munang aandar para iyong signal natin maganda. Nandito na kasi ang heartthrob ng Gabinete kung papayag ka, baka hindi ka pumapayag na naman eh. Secretary Martin Andanar ang aking partner nandito na.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga.

SEC. BELLO: Maayong buntag. Good morning sir.

SEC. ANDANAR: Good morning, Sec. Bebot. Good morning, Leo. Good morning din sa pinakapaborito nating co-anchor natin na si Vinci.

DIR. BELTRAN: Good morning.

SEC. ANDANAR: So ang pinag-uusapan natin iyong contractualization.

LEO: Oo bago ka dumating pinag-usapan na naman iyong endo.

DIR. BELTRAN: Iyong 555.

SEC. ANDANAR: Maganda at napirmahan na iyong Executive Order.

DIR. BELTRAN: Yes po.

SEC. ANDANAR: Mayroon bang chance Sec. Bebot, matanong ko lang. Kasi hindi ba mayroong mga project based hindi ba? Iyong mga empleyado ng project based at iyong mga mason, iyong mga karpentero, latero, pintor, mayroon bang chance na sila ay ma-regularized din sa kung anong pamamaraan? For example sila ay nagtrabaho sa isang service business of service industry. Mayroong isang company na iyon ang negosyo, serbisyo. Puwede ba silang ma-regularized? Itong mga tao, itong mga trabahanteng ito?

SEC. BELLO: Puwede Sec. Mart, puwede. Pero ganito iyan, doon sa principal employer hindi, contractual iyan eh. Pero doon sa service provider, iyong agency iyong kanilang binibigay na workers, regular employee sila noong agency. Iyan.

SEC. ANDANAR: So samakatuwid halimbawa ang isang karpentero ngayon ay puwede siyang maghanap ng isang service provider at iyong service provider ang magbibigay sa kaniya ng lifetime employment parang ganoon or—

SEC. BELLO: Oo regular employee.

SEC. ANDANAR: At mayroon ng ganoon, mayroon na bang ganiyan? Mayroon?

SEC. BELLO: Maraming ganiyan tanungin mo iyong mga [unclear] iyong mga service provider. Lahat iyong mga idini-deliver nilang mga workers sa principal, they are their regular employees. And they enjoy all the benefits provided under the labor regular employee. Iyon.

SEC. ANDANAR: Iyon naman pala. So—

SEC. BELLO: Kasi ang gusto kasi ng mga manggagawa, ayaw nila iyong agency gusto nila iyong principal.

LEO: Iyong principal oo.

SEC. BELLO: Eh kuwan naman at normal kasi ang mas mayaman, iyong principal—

SEC. ANDANAR: Mas mayaman ang principal at saka siyempre kapag agency siguro mayroon ng kaltas siguro ano?

SEC. BELLO: Ah wala, wala bawal iyon, bawal iyon.

DIR. BELTRAN: Kasama iyon sa ipinagbabawal.

LEO: Kaya lang ang kaibahan lang yata doon sa hindi ka pa—doon sa diretsong principal ay iyong benepisyo?

SEC. BELLO: Parehas din.

LEO: Ah pareho din?

SEC. BELLO: Oo because you are the regular employee of the service provider. Ang problema lang doon kasi kung minsan ay let’s say iyong service provider may contract siya sa principal na 3 years.

LEO: Ah so putol kana din?

SEC. BELLO: So after two years kung wala ng contract may problema kayo, kailangan hanapan noong service provider ng ibang kontrata. Kung wala naman bibigyan siya ng separation pay, because he is a regular employee.

SEC. ANDANAR: Oo pero partner tama si Sec. Bebot eh. Maganda iyong nasa ilalim ka ng service provider kasi mayroon ka pa ring security of tenure.

DIR. BELTRAN: Yes.

SEC. BELLO: Mayroon.

SEC. ANDANAR: O hindi ba may—pero mayroon sigurong mga minimum requirements halimbawa nakapag-TESDA ka hindi ba?

SEC. BELLO: Ah oo. Under EO 174 to become service provider kailangan you have the minimum capital of 5 million at saka mayroon kang equipment for the business. Oo may mga equipment ka. Kung hindi you are what is classified as labor only contracting.

LEO: Sec., sandali lang ha. Partner Vinci. Naka-live din tayo ngayon sa Canadian Pinoy Radio-Montreal.

SEC. ANDANAR: Aba.

LEO: As in naka-hook sila sa atin. Thank you so much kay Sir Rey Llador Mandin(?). Anyways, Sec., diyan ka lang dahil ang ibabato kong tanong sa iyo sa pagbabalik natin ay iyon bang, mayroon din pong mga endo daw sa ating pamahalaan. Iyan po iyong—

DIR. BELTRAN: Contract of service.

LEO: Sa aming pagbabalik po iyan, huwag kayong aalis dahil sasagutin po ni Secretary Bello, ang second heartthrob ng cabinet official ni Pangulo. Sa aming pagbabalik dito po iyan sa Cabinet Report sa Teleradyo.

[COMMERCIAL BREAK]

LEO: At nagbabalik po tayo dito pa rin po sa Cabinet Report sa Teleradyo. Again, partner.

SEC. ANDANAR: Well, alam mo Leo ang kagandahan nito ay live na po tayo sa PTV 4 nationwide na mapapanood ang Cabinet Report sa Teleradyo at bukod po diyan ay live din tayo sa ating mga Facebook pages at Radyo Pilipinas, sa Presidential Communication sa PTV online Facebook page at yung Facebook page ho. This is the first day na naka-teleradyo tayo, naka-hook up tayo sa PTV ano. So this is a very special day for all of us and still in observance pa rin doon sa World Press Freedom day na sinubmit natin two days ago.

LEO: Ayun, wala naman kayong pasabi na ila-live ninyo ako. Ginulat ninyo ako

SEC. ANDANAR: Ako nga, hindi ako nakadala ng Americana ko eh. Oh teka muna may naghihintay sa atin.

LEO: Oh siyempre pa, si Sec. Bello nariyan pa rin, heartthrob din pala ito hindi ko alam

SEC. ANDANAR: Siya yung original eh.

LEO: Heartthrob, nasaan ka na

SEC. ANDANAR: Good Afternoon Sec. Bello!

SEC. BELLO: Good Afternoon.

SEC. ANDANAR: ‘Yung hanging question ah Sec. Bebot.

LEO: Yung hanging question natin what about the endo sa ilalim ng gobyerno?

SEC. BELLO: Well, alam mo Sec. Mart, dapat di ko sagutin iyan dahil di ko sakop iyan. Ang sakop ng Secretary of Labor eh yung mga manggagawa sa private sector. Ang public sector, ang may sakop niyan ay ang Civil Service Commission. But having said that, hindi ko naman dina-justify ano. Kasi you have to differentiate ang business establishment at saka yung government agency; dahil iyang business establishment, for profit iyan, negosyo, hanapbuhay; samantala ang government agency, ay for public service. [choppy signal]

DIR. BELTRAN: Hindi, ang naisip ko lang po no sa kontraktuwal sa gobyerno base rin dun sa mga nakakasama ko. Kasi mga millenials kami ayaw namin masyado ng commitment; medyo may ganun. Iyong iba parang naiisip nila na, in the meantime time dito ako. Oh kaya naman ang epekto naman kapag naging regular sila – dahil nga papasok iyong salary grade – mas bababa yung take home. Pero, dapat i-stress po natin iyong importansya ng benefits.

LEO: Exactly

DIR. BELTRAN: Baka kasi hindi pa malinaw sa kanila yun.

SEC. ANDANAR: Kasi kapag contract of service kasi partner mas mataas yung kanilang take home pero pag pasok ka na sa regular employee ka na, nasa plantilla ka na, lumiliit pero maraming benepisyo, mayroong security of tenure. Eh alam mo kapag bata, kabataan, minsan ang iniisip iyong take home agad, galing pa sa eskuwelahan, first job.

LEO: Teka linawin ko lang. Hindi ba medyo tumaas na ang mga take home ngayon doon sa mga regular, dahil—

SEC. ANDANAR: Tumaas na dahil merong standardization pero next year pa iyong standardization. Tapos tuloy-tuloy na iyan na tataas.

LEO: Hayan oh, may mga tumanda daw sa COS, sa government

SEC. ANDANAR: Marami talaga number one, either gusto nilang COS lang; number two mayroon ding issue dun sa pag take ng examination sa Civil Service, ang hirap ng examination minsan hindi pumapasa. Sa PCOO ilang beses nagte-take, siguro mga 3, 4, 5… habang tumatagal mawawalan din ng gana. Iyon iyong ano doon.

LEO: Iba pa iyong Jos na tinatawag, job order lang.

SEC: ANDANAR: Iyon yung mga COS, job order halos pareha lang iyan. So, nasa linya na natin si Secretary Bebot Bello?

LEO: Anyway, speaking of mga manggagawa, nandito rin sa atin ngayon sa ating studio si Sir Pete Pinlac, ang Secretary-General Manggagawa ng Komunikasyon ng Pilipinas. Welcome Sir Pete.

LEO: Kaya naman natin in-invite si Sir Peter eh gusto natin malaman kung yung mga manggagawang Pilipino. Dito po sa nalagdaan ng Pangulo ng Executive order ng endo na ito. Ano po ang dating sa inyo, malaking pakinabang ba sa manggagawa ito, kasi magkakaiba ng ano po eh – sa kritiko, iba ang sinasabi – na parang hilaw bale-wala.

  1. PETER PINLAC: Para maunawaan po natin iyong ganda o hindi ganda nito, kailangan maintindihan natin mismo iyong laman ng EO at sa ngayon po ang norm sa labor lalo na sa larangan ng contractualization, kapag ka ikaw ay nag release ng compliance order ang regional director siya po ang may karapatan. Sa ngayon po hindi po siya immediately executory. Ang nakalagay lang bawal tanggalin; kasi ganun po ginagawa eh.

May order na nga po for regularization tinatanggal naman eh kailan niya makukuha yung panalo na iyon. Ang sabi po doon sa DO 174 ni Secretary Bello ay bawal tanggalin. Pero hindi po iyon sinusunod.

LEO: Teka, ano ba ito, regardless ba ito doon sa… Siyempre kapag tinatanggal ang isang tao, may ginawang mali, parang ganoon eh. So, regardless kung—

  1. PETER PINLAC: Sa contractualization po walang mali, walang tama eh. Magre-renew lang po ng contract tanggal kayo lahat. Hindi ka po puwedeng magreklamo, ayaw na sa inyo eh.

SEC. ANDANAR: Iyon iyong nakasaad doon sa executive order ni Presidente na ipinagbabawal nga iyong contractualization. Kasi marami kasing mga employers na nananamantala. Fifth month pa lang, tinatanggal na, hindi ba, hindi pinapaabot hindi ba Pete?

  1. PETER PINLAC: Kung meron man po akong sasabihing maganda itong EO 51, iyon ay dahil dito po ang sinasabi, kapag may compliance order at tinanggal mo ang manggagawa deemed regular siya. Ibig sabihin kapag tinanggal mo siya, executory agad iyong decision. Kaya, kung tinanggal kahit hindi ka pumapasok. Once na maging final yung decision, napakaraming back wages noon. Kaya kung ako ang employer, hindi kita tatanggalin. Might as well use you, papakinabangan na lang kita habang lumalaban ako sa kaso. Iyon po ang maganda sa EO 51.

Mahirap po kasing punahin iyan basta hindi mo naman naintindihan. O kaya iyong iba, politika ang dahilan bakit pinupuna.

LEO: Ito nga po iyong nakakaloko eh. Bago pa man napirmahan ni Presidente yung EO na iyan. Sige ang sigaw nila na walang ginawa ang Presidente. Ganun-ganun, either na hindi sinunod iyong pangako soon sa kanyang campaign promises wala, wala, wala.

  1. PETER PINLAC: Ako po ay nirerespeto ko rin po iyan, opinion po nila iyan. Pero kami, ang opinion po namin diyan ganito sa aming actual na karanasan. Naniniwala po kasi kami na ang pagle-legalize ng illegal contractualization, nagsimula noong 1996. Noon pong nagwelga kami sa PLDT dahil itong exchange namin na malapit sa Heart Center, ito pong Diliman Exchange, diniclare po lahat na redundant iyan, tinanggal pero pinalitan ng contractual. Nagwelga po kami, nanalo po kami noon, nabalik sila.

Ito naman si Presidente Ramos noong panahon na iyon, para panigan ang mga oligarchs, naglabas siya ng batas na nagsasabing illegal pa rin ang contractualization pero may mga exemptions na at ang isa sa mga exemptions kapag hindi na kaya ng present work force puwede na, legal na eh di hindi na nag hire ang mga kumpanya.

LEO: Teka, sandali. Iyong sinasabi mo sa batas o EO lang iyan?

  1. PETER PINLAC: Ay batas po ang—DO, iyong EO po, trinansform (transformed) ni Sec. Quisumbing noon na DO. Kaya po ang ginawa ng mga kumpanya, kagaya ng PLDT hindi na nag-hire. Eh di iyong isandaan kapag nagretiro yung marami nagkasakit o namatay sampu na lang kaya di mo na kaya legal na ang contractualization. Kahit mag-file ka ng kaso di ka mananalo dahil legal iyon, you are one of the exemption.

SEC. ANDANAR: Based on the Department Order during the time

  1. PETER PINLAC: Iyon po iyong kinasusuklaman noon, hanggang sa mahabang panahon.

DIR. BELTRAN: Sir Pete tanong ko lang, ano po karamihan iyong trabaho noong mga miyembro noong inyong samahan?

  1. PETER PINLAC: Ito po iyong commonly tinatawag ninyong lineman, mga installer, repairman po iyan ng telepono. Sa mga opisina po ay mga support or back office support system namin; marami rin po iyang mga empleyado. Kaya ito po iyong bilang na iyan, nationwide po.

DIR. BELTRAN: So kumbaga po, iyong mga kasama ninyo, mga desirable and necessary doon sa trabaho. Kaya, bakit ninyo nga naman gagawing contractual?

LEO: Hindi lang iyon, talagang utilities iyan oh… kailangan ng bawat isa. Buti nga nagkaroon na tayo cellphone…

SEC. ANDANAR: Hindi, hanggang ngayon partner iyong mga lineman, hindi lang sa telecom, hindi lang sa telecoms business, pati doon sa mga nagkakabit ng fiber optic. Oo alam mo ano eh, mga contract of service din eh. Hindi ba Boss, kasi nagpakabit ako sa bahay, isang company, tapos sila pala ay contractualized by this company para sila iyong magkakabit ng linya, ng internet. Pero at the same time negosyo iyon eh, so mayroon silang competition, mayroon silang natatanggap na komisyon sa bawat bahay na makakabitan nila ng fiber optic.

  1. PETER PINLAC: Mula po noong 1996 na iyong EO na iyan, trinansform (transformed) ni Secretary Quisumbing na maging DO. Iyong DO 10 na kinasusuklaman ng lahat, talagang umapaw na, dumagsa na ang mga contractual sa PLDT, at hindi manalo-nalo ang unyon at sinumang magpa-file ng kaso laban diyan. Dahil iyong iligal, ginawa ni Presidente Ramos na legal.

LEO: Iyon eh… Actually diyan sa part na iyan partner, Direk Vinci, mga kababayan… diyan nagkaroon ng pagkakataon tuloy, the likes sa inyo, mga engineers, electronic engineers iyan sila eh, na gumawa tuloy at magtayo ng sarili nilang negosyo – iyan iyong nagsa-subcon sila actually. So—kasi nakita nila, “Ay okay pala dito eh. Eh ‘di mas kikita ako, kukuha na lang ako ng mga lineman at magsa-subcon na lang ako. Mas kikita ako dito.”

  1. PETER PINLAC: Ang ginawa po sa amin para mabilis na maubos iyong libo-libo naming empleyado noon na regular, ay kinumbinsi po sila, iyong iba tinatakot, pinupuwersa para mag-early retirement. Eh dahil sa rate po ng sahod namin, milyonaryo ka kapag nag-retire ka, ay nagsasama-sama sila upang sila iyong maging service providers – kahit illegal.

SEC. ANDANAR: So sila din iyong mga naging subcontractor?

  1. PETER PINLAC: Ngayon po karamihan sa kanila, karamihan sa mga vice president ng PLDT, mga kalapit nila… sila ngayon ang may-ari niyan. Minsan nga ang pakiramdam namin, iyong mga nasa loob pa, sila ang mga dummy, na mga may-ari ng mga malalaking service providers ngayon.

SEC. ANDANAR: Wow…

LEO: Naungkat ko pa tuloy iyong hindi dapat maungkat [laughs]

SEC. ANDANAR: Magandang raket iyan ha.

LEO: Hindi kasi, alam mo bakit partner? Kasi engineer ako… for example ako engineer, electronic ako eh. Kaya nga sabi ko doon sa mga estudyante, iyong mga estudyante sa masscom, mayroon kasi silang cabling, iyong mga ganoon. Sabi ko magandang negosyo iyan, kasi kapag sa cabling ka, ang laki ng kikitain mo. My God… eh magkaroon ka ng ikaw lang—ma-accredit ka lang sa isang company, for example PLDT, ilang paserbisyo ang bibigyan mo diyan. Sa isang bahay, magkano kikitain mo, talagang yayaman ka sa cabling, hindi ba?

  1. PETER PINLAC: Ang masakit nga po roon eh, sa halip na iyong benefit ng isang PLDT employee ang napupunta diretso sa manggagawa, nagbabayad siya sa agency. Tapos itong agency ay minimum at walang mga benepisyo gaya ng PLDT. Kaya marami kayong nababalitaan nasusunog, nakukuryente sa kable, pero hindi po sinasagot ng PLDT iyon; dahil ang alibi niya, itong mga subcontractors na ito ang may pananagutan. Ano naman ang isasagot nitong mga subcontractors na ito? Eh nakikiamot lang sila sa dapat na sahurin nito. Kaya talagang pigang-piga ang mga manggagawa rito, namamatay, walang benepisyo; nasasaktan, may sakit at isa pa minimum habang-buhay ang sahod.

SEC. ANDANAR: Partner gets ko na, gets ko na. Kasi iyong mga—kayo napag-usapan with Secretary Bebot ‘no, mayroong mga empleyado na depende sa contract eh – either season based ‘di ba, seasonal saka mayroon siyang binanggit na isa. Dalawa iyon eh.

  1. PETER PINLAC: Project po.

SEC. ANDANAR: Project based, okay. So iyong mga project based na mga manggagawa, sila ay puwede pa ring magtrabaho sa ilalim ng ahensiya, okay; tapos iyong ahensiya na iyon, sila iyong magbibigay ng security of tenure. Pero ang sinasabi sa atin ni Pete, doon sa mother company nila, PLDT, kasi ako nagtrabaho ako under MBP dati, napakadaming benepisyo. So iyong benepisyo doon sa PLDT, hindi na nila makukuha doon sa isa pang ahensiya na regular din sila – iyon ang kino-compare ni Sir Pete ngayon.

  1. PETER PINLAC: Kasi po para matanggap mo iyon, you should be a member of the bargaining unit. Ibig sabihin directly empleyado ka o regular ka noong PLDT o noong mga kompanya; at pagka ganoon po sa amin, miyembro ka ng unyon, lahat po ng mga benepisyo na iyan, pati iyong ‘pag nadisgrasya ka sinasagot ka ng kompanya – mga agreement po iyan ng PLDT sa union, sa amin… na wala siyang obligasyong ibigay sa hindi niya empleyado. Kaya ang kailangan lang niyang gawin para makatipid, ay huwag kang gawing empleyado kahit ikaw ang nagpapayaman sa kaniya.

LEO: Ohh… Kaya nakita ko ito noong May 1, nagra-rally… kasama ito sa nagra-rally.

  1. PETER PINLAC: Maraming nagalit sa akin… kakaiba…

LEO: Oo pero kakaiba, kakaiba iyong rally niya. Bakit mo pinasalamatan si Presidente?

  1. PETER PINLAC: Nabanggit ko na sa inyo kanina, si Presidente Ramos ginawang legal ang contractualization; nilabanan namin, nabigo kami – 1990’s. Pinalitan ni Presidente Erap, nakiusap din kami, lumaban, kaso, etcetera – nabigo kami. Pinalitan ni GMA, nakiusap, lumaban kami – nabigo na naman kami. Lalo na kay Presidente Noynoy, kumakandidato pa lang iyon eh sinasabi niya na hindi niya aalisin eh ang contractualization. Lalo kaming walang nahita. Ngayon lang kami nagkaroon ng positibong reaksiyon mula sa gobyerno.

Dati kahit nananalo kami sa Korte, walang nangyayari dahil ang magpapatupad ay ang Executive. Ito, katulong namin ang Department of Labor na nag-inspeksiyon; nakakita ng mga katiwalian sa loob ng pagawaan namin. And what’s better or best is that, talagang naglabas ng desisyon na pinare-regularize ang libo-libong manggagawa sa PLDT. Hindi na namin na-imagine na mangyayari pa iyan eh. Ako, feeling ko ikamamatay ko na iyan eh. Nag-hunger strike na ako para diyan, nagwelga, kung ano-ano na; rally, nabugbog kami, nakulong kami noong panahon ni GMA dahil nagsusumamo kami kay Secretary Brion na dinggin ang aming panalangin.

Kami ay nakulong… tapos ngayon bigla na lang ganiyan sa panahon ni Presidente Duterte. I mean, iyon ngang kaaway mo eh—nag-aaway kayo, binigyan kang tubig, pinasasalamatan mo eh hindi ba? Bakit hindi itong presidenteng ito? Marami hong nagalit sa amin diyan, pero naintindihan namin ang labor movement diyan kasi marami pang hindi regular eh, kaya naintindihan din namin.

SEC. ANDANAR: You give credit where credit is due. At talaga namang pinirmahan iyong EO 51, at mayroon naman ding malaking pakinabang ang ating mga manggagawa. At mas—kasi itong EO 51, ang ginawa nito: mas lalo niyang prinotektahan iyong karapatan ng isang manggagawa; iyong karapatan niya na mag-organize hindi ba, iyong karapatan niya na i-regularize siya sa isang trabaho, ipagbabawal iyong subcontracting, at mayroon pang isa eh, iyong contractualization at subcontractualization – dalawa iyon eh.

So this is a work in progress, at sabi nga ni Pangulong Duterte na ginawa niya ang kaniyang trabaho, EO. So now the ball is in the court of our congressmen and senators hindi ba, para naman amyendahan iyong Labor Code. Kasi marami pang dapat amyendahan Pete, oo. Ano iyong gusto ninyong amyendahan doon sa Labor Code?

  1. PETER PINLAC: Alam ninyo po naiintindihan namin iyong kalagayan ni Presidente Duterte. Kung ang Labor Code po natin ang legal norm natin ngayon sa labor is that, there is legal and there is illegal contractual; Siyempre ang tungkulin ng gobyerno, sawatain niya iyong illegal. Pero iyong legal, papaano niyang babanggain iyon? Makakasuhan siya eh, o baka ma-impeach pa siya dahil doon.

Ano po ang sitwasyon? Ano iyong legal? Halimbawa po bookstore ako, hindi regular sa akin na marami ang gift wrapper, pero kung Valentine’s Day, Christmas Day… kukuha ako ng marami, kasi pila ang mga nagpapa-gift wrap. Tapos na po ang Valentine’s Day, gusto ninyo i-hire ko pa rin iyon? Paano po iyon kung ang budget ko hindi kasya?

SEC. ANDANAR: Seasonal…

  1. PETER PINLAC: Iyon ang seasonal na tinatawag. Ako po halimbawa ay department store, nagpagawa po ako ng bagong building dahil nag-expand ako. Iyong mga karpentero doon na gumawa ng building, pagkatapos nagawa iyong building, gusto ninyo maging empleyado ko, gagawin kong salesman? Mayroon pong legal eh. Iyon, puwede silang ma-regular sa—halimbawa iyong mga DMCI na iyan, iyong mga contractor na mga contractors, nasa construction agency, dapat doon regular sila.

SEC. ANDANAR: Oo, kasi iyon naman talaga iyong kanilang—

  1. PETER PINLAC: Iyon talaga ang business nila. Hindi matatapos sa paggawa ng Department Store ko ang kanilang kontrata—

SEC. ANDANAR: May nakapila—

  1. PETER PINLAC: Kaya doon dapat ma-regular sila. Pero kung ako iyong may ari ng Department Store, paano mo naman ipipilit sa aking i-hire iyon? Hindi ko naman trabahong magpagawa ng building.

SEC. ANDANAR: Walang ipinagkaiba iyan sa ano partner eh, iyong mga car insurances companies. Iyong car insurance companies siyempre kapag in-insure niya iyong kotse ni Pete, nabangga iyong kotse ni Pete ipapagawa iyon. Hindi ba mas practical doon sa car insurance company na i-outsource iyong trabaho ng paggawa ng kotse niya. Kasi hindi naman araw-araw may nababangga eh.

LEO: Exactly.

SEC. ANDANAR: Eh kapag natapos iyong paggawa ng kotse ni Pete tapos—

DIR. BELTRAN: Hindi na niya kailangan ng taga gawa.

SEC. ANDANAR: O i-hire pa iyong latero, iyong pintor, hindi ba? It’s so—iyon lang iyon, iyon iyong mga project based na legal iyon.

  1. PETER PINLAC: Tama po iyon.

DIR. BELTRAN: Babalik tayo doon sa necessary and desirable na—

  1. PETER PINLAC: Kaya iyong magagawa ni Presidente o ng Executive branch diyan ay pahigpitin iyong mga parameters para iyong mga illegal ay—mas magiging madali para sa gobyerno at para doon sa lumalaban na para maparusahan o matigil. Kami po sa labor movement, ang karaniwang manggagawa naniniwala po tayo sa self-help eh, principle of self-help. Walang karapatang manghingi ng tulong ang hindi marunong tumulong sa sarili nila. Palagay ko ang mas magandang paraan ng labor movement o ng labor kung pupunahin nila ang Executive branch, iyong nakalatag na batas iyong puwede kang magreklamo, puwede kang magpa-inspect. Gamitin nila, kapag hindi sila inaksyunan may dahilan sila bakit magrereklamo, bakit masama iyong gobyerno. Halimbawa iyong ginawa namin hindi naaksyunan ng Secretary of Labor, may katuwiran kami hindi ba?

Kasi nasa batas ganito, ang nagkulang iyong executive. Eh napatunayan naming kumilos eh, nagtagumpay kami. Hindi madali para sa kumpanya ang mag-regular ng pitong libo ha. Ilang milyon, ilang bilyong piso ang lalabas sa kaniya, dudugo sa kaniya para diyan. Pero dahil sa tulong ng gobyerno mangyayari ngayon iyon. Sisigla ang ekonomiya natin. Bakit mas maraming tao ang magkakaroon ng pambili?

LEO: Correct.

  1. PETER PINLAC: Kahit anong dami ng businessman mo, investors mo sa Pilipinas kung iyong mga tao walang pambili, bagsak ang ekonomiya mo. And sino ba iyong mga nambibili? Iyong mga workers hindi ba? Dahil may sahod sila.

SEC. ANDANAR: Of course and iyong sahod pa nila partner eh mas malaki na iyong take home dahil regular na at alam mo iyong kumikita nga ng 250,000 pababa a year—

LEO: Iyong mga naka-ceiling na iyan ay walang tax—

SEC. ANDANAR: Walang income tax pero itong si Leo mahilig din itong mag-self-help eh. Mahilig magsarili ito eh.

LEO: Iyan tayo eh. Mga kababayan, Secretary… Siyempre si Secretary Andanar po ay Kalihim ng Pangulo at—eh gusto nating malaman, is it safe to say na itong EO na ito, kasi parang sabi nila pansamantala lang ito dahil para masunod lang ang kapritso ng mga manggagawa and sa panig naman ni Sir Pete mamaya ay gusto kong malaman sa iyo kung ano ang mga nais ninyong ilatag doon sa pag-amyenda dito sa Labor Code natin. Sa amin pong pagbabalik dito iyan sa Cabinet Report sa Teleradyo.

(COMMERCIAL BREAK)

LEO: Alright balik tayo sa Cabinet Report sa Teleradyo siyempre pa medyo nagkasarapan po kami bahagya dito sa aming pinag-uusapan.

DIR. BELTRAN: Nagkukuwentuhan kami.

LEO: Kapag ang usapin talaga trabaho, PTV ho ito.

SEC. ANDANAR: Alam mo naman na kami ni Vinci pansamantala lang iyong trabaho namin sa gobyerno.

DIR. BELTRAN: Tama. [laughs].

SEC. ANDANAR: Kami din ay babalik sa pribadong sektor kaya barkadahin na natin si Pete. [laughs].

LEO: Dahil baka makasama ko sa rally. Anyway may mga tanong actually, pasensiya na po ha doon sa mga gusto pong magtanong. Nakikita ko iyong sa Facebook natin live, maraming mga question doon pero unfortunately ano po, si Secretary Bello ay medyo hindi na po maano, dahil nasa area po siya ng Isabela, medyo mahirap po talaga ang signal doon. Saka natin sisingilin iyon, huwag kayong mag-alala, ilagay ninyo lang iyong mga reklamo and then ayusin natin iyan. Alright, sandali lang may flash report muna tayo saglit.

SEC. ANDANAR: Alam mo, speaking of gumagana, kita mo bago na iyong ating facility sa Radyo Pilipinas. At mayroon na tayong Radyo Pilipinas 2, maayos na at mayroon din tayong Radyo Pilipinas Worldwide. Ito iyong shortwave radio station natin, so bago na rin iyong ating studio diyan.so we are very proud of the changes under the Duterte administration. Kudos to our Director here, si Bong Aportadera, si Deputy Director Carlo Villa and, napag-usapan nga natin iyong mga pagbabago—

LEO: Actually gusto kong itanong sa iyo iyon, dahil kahapon kung hindi ako nagkakamli, nandoon kayo sa Davao, kahapon nga ba, Thursday? Eh pinasiyaan na ang Mindanao Media Hub.

SEC. ANDANAR: Mindanao Media Hub. Alam mo napakaganda nitong Mindanao Media Hub dahil number one; historic, ito yung pinakauna. Kauna-unahang media hub sa isla ng Mindanao na state of the art. So under the Mindanao Media Hub will be the Philippine News Agency, the Philippine Information Agency nandiyan din ang Philippine Broadcast Service; ito RP 1, mayroon ding FM station, FM1. Nandiyan din yung state of the art studios ng PTV, pati iyong Salaam meron ding studio doon. Lahat po ng attached agencies ng PCOO including PCOO may opisina doon. It will be a building that will sit on property on 1 hectare or more, tapos six floors may basement all the way to roof deck and yung gamit state of the art, digital lahat, finally.

And of course this was made possible through the effort of Special Assistant to the President, Sec. Bong Go at siya iyong kumatawan sa ating Pangulo at ito yung good news pa rin, sa sobrang tuwa ni SAP. Bong Go, sabi niya dapat meron ding Visayas Media Hub. Hindi kasi, for the longest time kasi Vinci, Pete and Leo, ang meron lang media hub ay Luzon. Ito itong Philippine News Agency, mayroon tayong TV station sa likod, PTV; Mayroon tayong Radyo Pilipinas FM 1 FM 2. By the way, bago na yan. Nagrarate na yung mga station na iyan. At nandito rin yung Philippine News Agency, PIA, Apo Production Unit. So all in one property.

So for the longest time Imperial Manila nga eh. So ngayon na devolved natin iyong centralized government, na decentralized natin iyong komunikasyon kahit papaano. So meron ng Mindanao Media Hub at magkakaroon din ang Visayas. Six floors, kasama yung basement.Tapos bukod dun mayroon pang hiwalay na building ito’y ginaya nila doon sa disenyo ng American Broadcasting Corporation. Hiwalay na building para sa mga empleyado. Tapos meron silang canteen, locker, etc.

LEO: Iyong nakikita niyo po yung lugar diyan…You know, secretary parang ano ito eh, pet project mo ito at siyempre sa ngalan po ng pangulo.

DIR. BELTRAN: Iba pa rin kapag ka merong hub na nandoon sa Mindanao. May tahanan ang mga reporters natin.

SEC. ANDANAR: All under one roof, pati social media. Ang trabaho kasi ng PCOO ay yung maihatid ang mensahe, mga government policies ng gobyerno sa mamamayan. This station is owned by the people. So whether ikaw ay isang broadcaster ng private institution or not puwede mong gamitin yung lahat ng facilities under the government. So what we are doing now, iyong matagal nang napabayaan na government facilities inaayos natin.

LEO: Magkaano ang halaga Sec., diyan sa pagpapatayo diyan sa media hub na iyan?

SEC. ANDANAR: Iyong buong project na iyan is around 700,000,000. So mga 400 to 400 sa mga building and the rest puro mga bagong equipment. Talagang state of the art iyan.

LEO: Bukod pa iyon sa ano ha, if I’m not mistaken, Japan and China is helping us.

SEC. ANDANAR: Bukod pa Iyan sa mga donasyon ng China at donasyon din—well hindi naman donasyon yung sa Japan. It’s more of a soft loan. Tapos sobrang maliit iyong interes, iyong sa JICA.

LEO: Sabi ko nga eh ito yung sinasabi ko naman ito sa kabila. Sabi ko ito yung marching order sa iyo ni Presidente: “Gawin mong mala-BBC, gusto ko ganun.”

SEC. ANDANAR: Kaya kita ninyo itong studio na ito, this is really a testament to what the president said na i-improve natin, iyong console na hawak mo, iyan ang Porsche ng Lamborghini ng mga ano, ng mga console ha. Itong mga what you call this yung mic stand, pati itong mikropono if you check FM1, FM2, Radyo Pilipinas 1, Radyo Pilipinas 2, Radyo Pilipinas World, parehas lahat. So ini-standardize natin Pete, hanggang doon sa 27 radio stations of Radyo Pilipinas nationwide. So at least meron tayong maipagmamayabang.

LEO: At mayroon pang Visayas, wow! Alam mo kasi diyan sa Cebu siyempre, iyong mga kaibigan natin doon eh tinatanong: bakit mukhang diyan yata inuna sa Davao?” Hindi ba puwedeng magkaroon dito? Eh nation po tinanong ko si Sec. Kanina, siya na ho ang nagsabi ngayon.

SEC. ANDANAR: Relax lang kayo

DIR. BELTRAN: Isa isa lang.

LEO: Pero congratulations Secretary.

SEC. ANDANAR: Thank you, pero para na ito sa mga edad, generation ni Vinci.

DIR. BELTRAN: Pero maraming salamat po diyan sa inyong legacy, legacy iyan.

SEC. ANDANAR: Legacy ni Pangulong Duterte iyan.

LEO: Actually, it’s his pet project and it’s the legacy of the President.

DIR. BELTRAN: That wouldn’t be possible without the help of his secretary for communication, siyempre.

LEO: In fairness kay Secretary Andanar, eh si kasi Secretary Andanar ay busy, si Presidente din. Mabuti na lang nandiyan si SAP Bong Go. Siya iyong nagsasabi: Presidente huwag mong kalimutan ito, unahin natin ito, iyong mga media para magsabi na ng totoo. O hindi ba?

SEC. ANDANAR: Akalain mo, alam mo iyong napakahalaga talaga sa atin sa PCOO, na mayroon tayong direct access to the President and specially to the Special Assistant to the President, Secretary Bong Go. Kasi siya iyong tulay sa pagbabago eh. Tulay siya papuntang Presidente. Now, halimbawa na lamang after noong inauguration—groundbreaking at saka iyong pagbaba na time capsule doon sa Mindanao Media Hub, kami ay nagtungo kaagad sa Dumaguete. Bakit Dumaguete? Kasi iyong kaibigan ko Leo si Edmond Sestoso ay in-assassinate a few days ago.

LEO: Ay ito ho iyong ano—

DIR. BELTRAN: Iyong napabalitang—

LEO: Ito iyong former chairman ng NUJP Dumaguete? Tama ba ako, o Visayas?

SEC. ANDANAR: Itong si Edmond ay kaibigan ko ito talagang text mate ko ito. Tapos siya ay pinaslang and siya iyong ngayong third casualty na journalist under this administration. You know, one death is too many eh.

LEO: Yes.

SEC. ANDANAR: So under AO number 1 or the Administrative Order number 1, which created the Presidential Task Force on Media Security, so si SAP Bong Go mismo ang nagsabi sa akin, noong kinuwento ko sa kaniya, ‘Puntahan natin by, puntahan natin iyong pamilya, makiramay tayo doon.’ And so nandoon. So we flew from Davao to Dumaguete kasama ako, kasama rin si Usec. Joel Egco, the Executive Director of the Task Force and then pagdating doon naghihintay na doon si Director Dante Gierran ng NBI. NBI, so iyon mismo iyong—

LEO: At saka iyong Provincial Director yata.

SEC. ANDANAR: Yeah the PD, kumpleto. So first time ha, first time na nangyari ito sa dinami-dami ng mga journalist na namatay noong panahon pa ni GMA, panahon ni Aquino at tatlo this administration. First time po nagpunta ang Office of the President na para makiramay at siguraduhin, i-assure ang pamilya, i-assure ang media men and women doon, mga kabaro natin na justice will be served. So kaya napaka-ano noon, napaka-symbolic noong pagdating din namin doon because it was the day that we were observing the World Press Freedom Day.

LEO: Actually ang sabi nga sa akin, ang bulungan nga ng aking nawawalang daga ay nakarating kay Presidente kaya inaatasan talaga si SAP.

SEC. ANDANAR: Oo talagang ano—

LEO: Nakarating kay Presidente eh.

DIR. BELTRAN: Grabe ang malasakit ng administrasyon.

LEO: Kaya iyon niyaya ka talaga noong pumunta ka doon.

SEC. ANDANAR: No less than the Special Assistant to the President. And then never nangyari ito.

LEO: Correct.

SEC. ANDANAR: Sa history ng violence na na-experience ng ating mga journalist. Si Usec. Egco kung mayroon oras mamaya matatawagan natin sapagka’t mayroon kasing mga reports na nagsasabi na ganitong kadami iyong namatay etcetera. Pero bagkus sa mga reports na iyon tatlo lang talaga iyong journalists na namatay under this administration na media related iyong kaso. Kasi dapat nating—dapat gumawa tayo ng demarcation line between mga journalist na namatay dahil sa kanilang trabaho at iyong mga journalist na namatay dahil sa ibang anggulo—

DIR. BELTRAN: Krimen, natural death—

SEC. ANDANAR: Oo mayroong halimbawa love triangle, wala namang kinalaman iyan sa mga trabaho nila, mayroon ding kinalaman sa droga. Eh wala namang kinalaman sa trabaho iyan.

LEO: Sa lupa, agawan sa lupa.

SEC. ANDANAR: Oo sa lupa.

DIR. BELTRAN: Kumbaga ito pong tatlong ito, Sec., they probably reported something or exposed something and then—

SEC. ANDANAR: Arguing—

DIR. BELTRAN: And then iyon po?

SEC. ANDANAR: Kadalasan kasi—

DIR. BELTRAN: Related talaga po sa kanilang trabaho.

SEC. ANDANAR: So hindi natin sinasabi—well, alam mo one death is too many. Hindi natin sinasabi na hindi mahalaga iyong kanilang—kaso nila, mahalaga pa rin iyon. Ang pinag-uusapan lang natin iyong mga journalist na pinaslang na work related. Although dapat kasi minsan pinagsasama-sama natin lahat eh. Sasabihin na, ‘Hindi pinakadelikado na lugar iyan.’

LEO: Pero ang sagot sa akin ni Usec. Joel diyan, ‘Kahit hindi nga work related eh.’
SEC. ANDANAR: Hindi kahit naman hindi—

LEO: Iniimbestigahan nila.

SEC. ANDANAR: Tinutulungan talaga pero iyong sa bilang kasi—iyong sa bilang may mga technicalities iyan eh. Iyong sa bilang kahit na doon sa abroad, iyong bilang na namatay dahil work related iyon ang binibilang.

LEO: Iyon dapat.

SEC. ANDANAR: Of course casualty pa rin iyon. At kailangan imbestigahan pa rin iyon.

LEO: Correct. Correct. Tulungan, ganoon pa rin iyon, hindi naman iyon isinasasangtabi ng Pangulong Rodrigo Duterte itong isyu na ito.

SEC. ANDANAR: Mayroon kasing iba padalos-dalos, maiingay, wala daw ginawa etcetera. Eh kung tatanungin natin sila, ‘Anong administrasyon lang ang gumawa ng Administrative Order na creating a Presidential Task Force on Media Security? AO number one. Eh hindi man lang sila makasabi na, ‘Oh, good job Mr. President ‘di ba?

LEO: Correct.

SEC. ANDANAR: So ang kanila puro negative doon, puro ganiyan and then—puro ganiyan puro tira eh. Alam mo puro ngak-ngak lang pero wala namang nagagawa. Iyon ang sinasabi kanina ni Pete kaya he really appreciates EO 51. Sige balik tayo sa Labor. [laughs].

LEO: Hindi kasi ang sarap naman kasi talagang pag-usapan din iyong isyu na iyon, iyong mga part na ganiyan dahil siyempre ako, lalo na ako, ako bias ako sa ganoon.

SEC. ANDANAR: Hindi totoo naman—hindi sa atin kasi you give credit where credit is due. Kung may ginagawa iyong tao, eh hindi naman puro nega lang. Aba eh kung puro nega ka lang—

LEO: Eh sabi nga nila galit daw si Presidente sa media. Eh kung galit ang Presidente sa media, bakit may ganito hindi ba?

SEC. ANDANAR: Bakit may AO 1? Bakit mayroong FOI?

LEO: Oo iyan, iyon iyon eh ‘di ba? Isipin mo iyan. Well, sana iyong ating mga kasamahan sa mga pamamahayag eh kahit papaano medyo makapag-isip din ng bahagya na hindi po nagpapabaya ang gobyernong ito.

SEC. ANDANAR: Oo mayroon ngang—ay, ayaw ko ng magkuwento.

DIR. BELTRAN: [laughs]. Baka ma-quote kayo sir.

SEC. ANDANAR: Hindi bumabalik iyong pagka-broadcaster ko pagiging commentator ko. (overlapping voices). Hindi kasi—

DIR. BELTRAN: Madali lang ma-quote si Sec. Mart.

SEC. ANDANAR: Mayroon akong kuwento na—ay huwag na, sige na. [laughs].

  1. PETER PINLAC: Siguro mahalaga ho eh ano mang galit ni Presidente, ang mahalaga pinapayagan pa rin niya ang Press Freedom.

SEC. ANDANAR: Oo iyon ang mahalaga.

  1. PETER PINLAC: Natural naman iyong nagagalit ka kapag may ikinagagalit ka. Ang Presidente natin sinasabi niya, pinapakita niya lahat; walang masama doon.

SEC. ANDANAR: Hindi maganda at nabanggit mo iyan iyong press freedom kasi nga under the Article 3, section 4. Nandiyan iyong press freedom, nandiyan iyong freedom of expression, freedom of speech, freedom to peaceably assemble, nandiyan iyan eh. Ano iyan eh nasa Bill of Rights natin iyan eh. Ngayon ganito lang iyan, ginawa iyong AO number one para protektahan iyong karapatan na iyon kasi kung babasahin mo talaga iyong Article 3 section 4, wala namang nakalagay doon na protektahan eh. Nandoon iyong karapatan; the right, but to protect it, wala.

So that’s why gumawa si Presidente nitong AO number one. Just like iyong right to information, gumawa naman siya ng Executive Order number two or FOI para protektahan iyong right to information, iyon iyon eh. So dapat eh we give credit to where credit is due. Kung talagang pinalakas iyong batas na iyon ay ito ay nangyari lamang sa ilalim ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte. So iyon lang ang ano natin.

LEO: Meaning dito malinaw na iyong pagmamalasakit ng Pangulo, iyon ay sa kabila ng sinasabi ng mga kritiko ng Pangulong Duterte eh concern po ang Presidente sa bawat isa sa atin na mga mamamahayag. Iyon iyon eh, eh hindi nila alam na iyong tatay ko doon sa Davao, doon din pinatay hindi ba?

SEC. ANDANAR: Doon din pinatay.

LEO: As in, alam ni Presidente iyan lahat kung anong kailangan, kung anong dapat ibigay na seguridad at hustisya sa lahat ng mga mamamahayag.

SEC. ANDANAR: Hindi na-solve iyong kasong iyon?

LEO: Wala na iyon, pinabayaan na iyon. Napatay pa iyong aking tatay sa loob mismo ng booth. May guard naman tayo diyan ano?

DIR. BELTRAN: Natakot.

LEO: Biglang ano eh, oo nirakrak talaga iyong ano natin—

SEC. ANDANAR: Hard-hitting iyong tatay nito eh.

LEO: That was Leo Palo Jr.

SEC. ANDANAR: Ikaw the third?

LEO: The third.

SEC. ANDANAR: Hindi Junior kana ngayon?

LEO: Huwag naman, huwag junior patay na eh.

SEC. ANDANAR: Hindi ba dapat pag halimbawa ay—

LEO: Kaag nawala?

SEC. ANDANAR: Pag nawala ikaw iyong—

LEO: Ah hindi.

SEC. ANDANAR: Ah hindi ba ganoon iyon?

LEO: Magagalit iyong National Statistic—baka hindi ako bigyan ng (overlapping voices). Ay patay kana eh.

SEC. ANDANAR: Baka hindi makuha iyong mga benepisyo mo.

LEO: Talaga naman.

PETE PINLAC: Speaking lang po ng mga batas na ipinapasa ng Executive branch. Kahit po iyong kaso namin na nagresulta ng regularization ng 7,000 plus, hindi po batas talaga iyan na nagamit namin eh. It is an offshoot of notice of strike since 2015. Ngayon po, iyan pong ginamit namin na iyan na tinatawag na special assessment and visit to establishment, ginawa ng batas ni Secretary Bello. Ito na po iyong DO 183. Sa madaling sabi, sa panahon po ngayon hindi mo na kailangang mag-file ng notice of strike para ma-inspect ka.

SEC. ANDANAR: Hindi na.

LEO: Puwede mo pang gamitin itong batas na ito. In fact kahit anonymous at kapag anonymous nga ang nagreklamo ay surprise ang visit o ang inspection.

SEC. ANDANAR: Parang random—

  1. PETER PINLAC: Napakaganda po nito kung kukumpara—kung babalikan ko iyong panahon namin na talagang nangangapa kami sa dilim. Ito, hindi mo kailangan magpakilala eh; aaksiyunan ng Department of Labor.

DIR. BELTRAN: Okay. So usapan naman pong appreciation. So noong May 1, iyon nga, nakita nga namin iyong nagkaroon kayo ng kumbaga parang ang rally ninyo eh hindi talaga kayo talaga lumalaban, may appreciation. So ano po ba ang dahilan bakit ganoon iyong napili ninyo na bitbitin?

  1. PETER PINLAC: Ang araw po ng mga manggagawa ay—Ang May 1, ay araw ng mga manggagawa; ang tradisyon nito ay tradisyon talaga ng protesta. Pero kinuha rin namin ang pagkakataon na ito na pasalamatan ang dapat pasalamatan, dahil naglingkod sa mga manggagawa iyong kaniyang ginawa. Kaya maliban po roon sa panawagan namin na tuluy-tuloy na mawala na ang kontraktuwalisasyon, ay pinasalamatan namin – particularly iyong mga manggagawang taga-PLDT na na-regular – ang Malacañang, si Presidente Duterte, si Secretary Bello o ang buong administrasyon niya na ang ating Executive Branch dahil sila’y ating instrumento para magtuluy-tuloy iyong pinapangarap ng mga manggagawang ito na ma-regular.

DIR. BELTRAN: Kumusta naman po iyong inyong mga dating nakakasama? Ano na pong naging reaksiyon sa inyong appreciation…

  1. PETER PINLAC: Marami po ang hindi natuwa sa ginawa namin, sa mga… sa kilusang paggawa, dahil… iyon naman po ay naintindihan namin. Mahaba na iyong karanasan namin sa larangan ng trade union movement, naintindihan namin iyong mga kapatid namin dahil marami pa rin naman sa kanila ang hindi regular kaya kami na po ang umunawa. Hinihiling din naman namin sa kanila ang pag-unawa, dahil ganoon tayong mga Pilipino, kapag ginawan tayo ng mabuti, pinasasalamatan natin. Iyon lang po iyong ginawa namin, pero hindi po kami bumibitaw sa panawagan namin na lahat ng dapat ma-regular o lahat ng mga manggagawa ay dapat na ma-regular.

LEO: Ito, hindi ko alam kung anong tawag sa question na ito. Pero dahil kayo mga manggagawa, lagi kayong nasa lansangan, kung minsan nagra-rally, eh sigurado ako may mga negatibo na… na laban sa iyo. Paano mo tatanggapin iyong sinasabi, for example sasabihin niyan: “Eh nabayaran ‘yan si Pete.”

  1. PETER PINLAC: Narinig ko nga po iyan eh. At ang unang naisip ko eh, binayaran ako para ang PLDT, pitong libo, gawin niyang regular? Medyo [laughter]… eh kahit nga, hindi ba kahit anong… kahit isa ayaw niya; dahil kung gusto niya, ang habang panahon na dapat nagawa niya. Iyan po ay maintindihan ko, kasi para ma-justify noong, halimbawa kung nandoon ka sa… mali itong administrasyon na ito; eh hindi pa nare-regular iyong mga tao, tapos nakita may nare-regular. Para mapatunayan mo pa ring tama ka, sasabihin mo may masama doon sa na-regular. Sanay na po ako sa trade union movement eh, sa dynamics ng mga [unclear] diyan.

LEO: Pero kailan kaya puwedeng magkaroon ng—I mean, na usapang maayos between—like for example, kayo ngayon na sabi ko nga eh, ito iyong mga manggagawang naliwanagan sa pagkakataong ito dahil sa nilagdaan ng Pangulong executive order. Kailan magkakaroon ng…sabihin na nating pagkakaisa doon sa isyung ito? Dahil hanggang ngayon parang iyong iba sarado pa rin iyong utak, sarado pa rin iyong isipan?

  1. PETER PINLAC: Ang pananaw ko po diyan, by and large ang trade union movement nagkakaisa na alisin ang contractualization. Medyo… para sa akin lang, sa trade union movement sinasabi ko ngayon sa kanila na dapat talasan din natin iyong panawagan natin. Gumagalaw tayo sa isang legal framework, unless na sasabihin nila na, “Hindi na umuubra itong sistema na ‘to, doon na tayo sa bundok,” maintindihan ko rin iyon. Pero kung rehistrado iyong unyon mo, nakarehistro sa batas iyan eh, nasa ilalim ka ng Department of Labor, nasa ilalim ka ng Malacañang eh – hangga’t kinikilala mo iyong registration mo, ang pag-aralan mo kung papaano ka gagalaw ay kung ano iyong batas na gumagabay.

Sa batas na gumagabay ngayon, mayroon job contracting which is legal, at mayroong illegal. Puwede mong upakan iyong illegal. Pwede mong hingin ang tulong ng gobyerno.

LEO: Alright. Marami pa tayong pag-uusapan dito sa isyung ito, lalong-lalo kung anong mga pag-amyenda na kailangan na isulong diyan sa mababang kapulungan at sa mataas na kapulungan ng Kongreso. Pero we’ll just have to say goodbye sa PTV, for the first time around… Hindi, kasi till 12:30 lang ang sa PTV.

SEC. ANDANAR: Ah, okay.

LEO: So, thank you so much sa PTV at the same time huwag kayong aalis dahil magbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo.

[COMMERCIAL BREAK]

LEO: At balik na po tayo sa Cabinet Report sa Teleradyo again. At nagpaalam lang tayo doon sa PTV…

SEC. ANDANAR: Sa Channel 4, sa PTV… Kasi ganito ‘no, sa mga kababayan nating kaka-tune in lang, ay today is the first day na tayo ay nag-simulcast sa PTV. So historic, historic… first day na nag-simulcast ang Radyo Pilipinas at ang PTV. Kasi before this, ang ating mga platform na pinapasukan ay iyong Facebook; Facebook nito, Radyo Pilipinas, Facebook ng Presidential Communications, Facebook ng… ano pa ba? Facebook ko, PIA, PNA at Facebook ng PTV also. So ngayon, nasa TV na talaga tayo kanina. So napakadaming nanonood sa atin Pete ‘no, madami tayong mga viewers hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Anyway, so ito iyong mga pagbabago na ginagawa natin sa ating government media. Mayroon akong tanong para kay Pete: Sabi kasi nila kapag governance, ang tinitingnan talaga ng buong mundo ay Denmark, Denmark iyong pinaka-modelo; happiest place in the world tapos maayos iyong kanilang welfare, etcetera. Pero in terms of labor environment, ano iyong talagang tinitingnan ng mga manggagawa na gobyerno o na bansa in terms of labor environment?

SEC. ANDANAR: Ah, okay.

  1. PETER PINLAC: Alam ninyo po iyong sinabi ni Presidente Duterte doon sa kaniyang meeting de avance na siya ay socialist, maraming ano doon, na sa mga manggagawa, iyong pinaka-kaliwa hanggang sa kanan – kasi kaliwa at kanan… basta sa labor movement, ang tinitingnan nilang model ay iyong socialism. Ang ibig sabihin po kasi noon, iyong means of production, iyong mga factory… ang pag-aari ng tao, ng mga manggagawa. Ang iba, like in the more… sinasabing left or communist government, iyong gobyerno, through the government; iyong iba through cooperatives, through iba’t ibang forms. Pero ang basic ng socialism is that, the workers owned the means of production para iyong kita nito, sila na rin ang nagsasabi kung saan gagamitin.

SEC. ANDANAR: Proletarian ba iyon, proletariat?

  1. PETER PINLAC: Proletariat is workers sa European term. So tama, proletarian or workers owned manufacturing… iyon po ang tinitingnan. Kaya palagay ko, iyong mga panawagan laban sa contractualization ay nakasagad. Hindi naman makukuha sa kasalukuyang system. Dito, ang Presidente nagsasabi siya para sa tao siya, para sa manggagawa… tapos inaaway siya ng manggagawa, papaanong mangyayari iyon? Binabanatan niya iyong mga oligarchs, pero iyong manggagawang pinagtatanggol niya ay inaaway din siya. Kung ako ang presidente, hindi ba, mananawa ka sa ginagawa eh. Saan tayo lulugar, tayong mga manggagawa? Ito iyong Presidente, minumura ang mga oligarchs, wina-warningan ang mga oligarchs, tapos gumawa ng batas… oo, may limitasyon iyan eh. Pero sa tingin ko, hindi tama iyong approach na bakbakan siya. Dapat nga ay samahan siya doon sa para sa mga manggagawang [unclear] niya.

SEC. ANDANAR: So parang… alam mo tayo naman lahat tayo, we need appreciation eh. Kung mayroon tayong ginawang maganda, i-appreciate naman natin, hindi iyong puro banat. Pero sabi nga ni Pete kanina baka mayroong mga political agenda, eh baka iyon ang mga dahilan.

LEO: Hindi gusto kong itanong actually sa kaniya iyon eh, dahil bilang manggagawa, grupo ng mga manggagawa na laging nasa lansangan: orientation ba talaga na ganiyang gawi? I mean military group na instead of—sabihin nating pasalamatan man lang minsan ang ating gobyerno on this matter, bakit parang walang tigil yata?

  1. PETER PINLAC: Nagmumula po iyan doon sa pinaniniwalaan ng labor movement na meaning ng demokrasya. Iyong demokrasya po kasi nanggaling sa dalawang salitang griyego iyan demos which means people o mamamayan and kratos which means to rule. So ang tunay na kahulugan ng demokrasya ay ang paghahari ng mamamayan. Hindi iyong may isang bayani, hindi iyong isang magaling na technocrat at iyan ay best exemplified kapag ka iyong manggagawa ay naipapakita mong sama-sama.

LEO: Yes.

  1. PETER PINLAC: Kaya lang siyempre kailangan may disiplina diyan, iyon lang medyo nagkakaproblema tayo; tapos iyong tama ang linya, ganoon, iyon ang usapan diyan. Hindi iyong pagkaalis mo iyong dinatnan mong malinis, naging marumi, hindi ba? Ang tunay na prinsipyo ng manggagawa, may disiplina siya eh. Kaya iyong lugar na dinatnan niya dapat iwanan niya ng malinis iyon kung malinis niyang dinatnan, in fact dapat mas malinis pa. Ngayon iyong paggamit ng mass movement ina-appreciate iyan o pinatatampok iyan ng mga manggagawang leader upang akuin ng mga mamamayan, ng mga tao iyong role nila in social transformation. Kasi kung babalikan natin ang history, ang lipunan naging mas makatao kapag may mga nodal points ng pagkilos ng mga mamamayan.

Slavery, kung hindi lumaban ang mga slaves hindi nawala iyan. Feudal era, iyong absolute monarchy kung hindi lumaban iyong mga peasants sa England, sa France, sa Amerika hindi nabago iyon. Kahit ngayon iyon ang paniniwala ng mga workers sa panahon ng free enterprise o in the more political economic term ay capitalism. Sa panahon na iyan, iyong mga workers dapat gumawa ng paraan para ma-transform din iyon. Not only para maghalal ng mga papalit—magpapalit ng sistema kung hindi ma-influence iyong mga nasa gobyerno para baguhin iyan into a more humane society.

DIR. BELTRAN: So sinasabi ninyo—nililinaw ninyo lang po na ang connective action hindi siya agad puwedeng equivalent sa ano—kumbaga militar—ah militante o iyong talagang against. Kumbaga in your case po ay ginamit niya ang connective action para doon sa kapakanan ninyo. Pero hindi ibig sabihin noon may gusto kayong itumba.

  1. PETER PINLAC: Opo tama po iyon, ibig sabihin ang mga collective action ano iyan eh kumbaga, kung sa boto nakakakita tayo ng maraming tao na sumasang-ayon sa isang bagay, pinaka mas malinaw iyan kapag lumabas sa kalye iyan kasi iyong boto madaling gawin eh, maaaring binigyan ka ng 100 pesos para gawin iyon. Pero iyong lumabas ka sa kalye delikado diyan, etcetera, may sakripisyo diyan ay ultimate iyon. Kaya nga tayo ang kilala sa pinaka-peaceful na revolution hindi ba noong EDSA 1. Lumabas sa kalye iyong mga tao. Sa mga manggagawa, iyong primacy na ibinibigay nila sa collective action ay mas mataas doon sa pakikipag-dialogue, pakikipag-negotiate. Kaya ang mga leader manggagawa, doon.
    Pangalawa tinitingnan na rin ng mga leader manggagawa sa pamamagitan niyan kung ano na ang inabot ng kanilang pangungumbinsi sa tao. Marami na bang naniniwala o iyong middle class nasu-sway na ba nila and on their side. Kasi kung nagmartsa sa kalye tapos ang mga komentaryo sa Facebook ay ang sama-sama ng ganoong aksiyon, ibig sabihin hindi pa rin naaabot ng mga mamamayang Pilipino ang appreciation ng tunay na meaning ng demokrasya.

LEO: Alright, balikan ko lang kasi—dahil gusto ng marinig ulit ng ating mga ka-DDS at mga ka-DDM, balikan ko lang. Balikan ko lang kasi doon sa EO, sa EO lang ha balikan ko lang kasi ikaw na-appreciate mo iyong EO na ito na nilagdaan ng Pangulo. Bakit daw, ang sabi niya, bakit daw ibinigay na lahat ng mahal na Pangulo ang isyung ito, pinirmahan na ang EO, bakit sasabihin pa ring malabnaw, malabo at kung anu-ano pa ng mga militant group?

  1. PETER PINLAC: Iyon po, sa palagay ko sinasabi ng ibang mga nasa [unclear] movement or militant group. Out of desperateness dahil sa kabila ng batas ay marami pa ring contractual pero ang sinasabi ko hindi instantly iyon. Both on the part of the Executive branch at saka iyong mga pumupuna na iyon. Ang mensahe ko ay hindi natin puwedeng ipasa lahat sa Executive branch o kay Presidente Duterte. Iyong part niya nagawa na niya. Pero halimbawa nasa batas iligal iyan, gaya ng rape, ni-rape ka hindi ka nagreklamo, habang buhay kang na-rape, walang hustisya.

Ganoon lang din iyan eh, ginawa kang contractual illegal naman, hindi ka nagrereklamo. Papaano gagawa ng aksyon ang DOLE o ang Malacañang na gawin kang regular o pabayaran ka sa mga bagay na hindi binayaran sa iyo dahil contractual ka lang. Hindi nila alam eh. Kaya kagaya noong sa amin kung hindi ba ka mag-file ng complaint, hindi kami nag notice of strike, mangyayari ba iyong pitong libo ngayon mare-regular? Hindi!

SEC. ANDANAR: Congratulations ha.

  1. PETER PINLAC: Maraming salamat po. [laughs].

SEC. ANDANAR: Magpakape ka naman.

  1. PETER PINLAC: Iyon ang gusto kong malaman ng—sa lahat ng [unclear] movement. Ngayon kung halimbawa nagreklamo tayo sa DOLE kagaya noong ginawa namin noon, hindi umaksiyon ang DOLE o hindi umaksiyon ang Malacañang, iyan may katuwiran tayong magreklamo, walang kuwenta and EO, masama ang Presidente, nasaan ba si Secretary? Tama iyon. Kagaya ng ginawa namin noon, binugbog pa nga kami eh noong nagreklamo kami. Nagreklamo kami sa panahon ni Secretary Brion, o eh pinagbubugbog kami ng pulis, kinulong kami sa WPD. Tama lang na magsalita kami laban sa kaniya hindi ba? Ang hinahapag namin sa kaniya iyong nasa batas, hinahapag namin sa kaniya iyong moral at katuwiran pero sinaktan pa niya kami. Eh ngayon dito, naghapag kami ginawan ng aksiyon, na-regular, hindi mo pasasalamatan?

SEC. ANDANAR: Iyon, talaga namang—

LEO: Puwede ko bang sabihing ingrato iyon? Pero engrato kasi ang dating eh.

  1. PETER PINLAC: Hindi siguro sa kanila gaya niyan hindi pa nareregular. Ang point ay nagreklamo na ba kayo? Hindi ba? Umaksiyon na ba kayo?

LEO: Alright, ito may cast pa dito. Ang sinasabi nila, ‘EO iyan eh, that is within the term of the President. Paano kung hindi na siya Presidente?’ Is that EO effective pa rin ba?

SEC. ANDANAR: Hindi kaya nga—hindi unless na ma-lift iyong EO na iyon pero hanggang sa hindi pa nali-lift iyon, napapalitan ay tuloy pa rin iyon. Pero iyong EO kasi na iyan, it really goes beyond the fact na tinutulungan iyong mga manggagawa. It’s also a symbol, it’s also a sign na pinapakita ng ating mahal na Pangulo kung ano talaga—anong idea niya, ano iyong pinaniniwalaan niya and it’s also a message to the Congressmen and the Senators na kailangan ay balangkasin na nila iyong amendment ng Labor Code kasi hindi naman—kaya nga tayo tatlong branches of government eh, na co-equal, mayroon legislative, mayroong judiciary, may executive kasi kaniya-kaniyang responsibilidad iyan eh. So now the responsibility rests on the shoulder of the Congressmen and the Senators.

  1. PETER PINLAC: Alam ninyo po tama po iyong pananaw ninyo eh. Kung mapalitan si Presidente Duterte hindi niya kapareho ng pag-iisip, puwede po talagang baguhin iyon. Kahit nga iyong mga batas natin puwedeng baguhin. Ang magandang leksiyon na naipakita ng NKP, ng unyon namin at ng mga manggagawang contractual sa PLDT. Hindi naman po iyon pitong libo na regular dahil sa EO. Wala pa po iyong EO noong na-regular sila eh.

LEO: Ah okay.

  1. PETER PINLAC: Iyong batas na hinihintay natin sa Congress para maplantsa iyong—na sinertify as urgent ni Presidente, hindi pa nga nasisimulan eh sa Senado, sa Lower House tapos na. Ang point ko talagang dapat kumilos ang manggagawa, kung kinakailangang magreklamo, magreklamo. Kung kinakailangang magpetisyon sa Secretary of Labor, umaksiyon, makipag-usap sa Malacañang, gawin niya iyong role niya sa kahit anong administrasyon.

LEO: And karapatan din po nila—

  1. PETER PINLAC: Opo, tama po iyon.

SEC. ANDANAR: Pero alam mo partner, balikan natin iyong EO 51. Kung halimbawa iyong susunod na Presidente hindi ginalang at pinalitan, naku rebolusiyon iyon. Kasi mayroon ng precedent eh.

  1. PETER PINLAC: Iyon nga eh.

SEC. ANDANAR: Parang iyong FOI ni President, ‘Ay wala na ito discard natin ito.’ Partner talagang maraming magra-rally.

LEO: Hindi lang iyon, ang laki ng naitulong diyan sa EO na iyan kaya parang ano naman, balewalain mo pa ba iyon? Sabagay kung ang susunod na presidente oligarch, mga mayayaman o mayaman na may nais proteksiyunan, hindi katulad ni Presidente na walang pakialam basta para sa taong bayan.

  1. PETER PINLAC: Dapat nga siguro ang anti [unclear] movement iyon ang pag-isipan na huwag mapalitan ng kakaibang isipan. Ibig sabihin nasa panig nila ito eh, eh di panigan nila all throughout ‘di ba? Kapag may pumasok na hindi pumapanig sa kanila iyon ang labanan nila.

LEO: Pero Pete ito, dahil nga napag-usapan rin natin kanina, sabi mo palitan o amyendahan ang batas. Ano ang isusulong ninyo doon sa pag-amyenda sa batas? Ano ang gusto ninyong i-push doon?

  1. PETER PINLAC: Iyon pong version ng Lower House ay maganda eh. Kasi ngayon po para ma-declare kang illegal contractual or labor only contracting kailangan pong mag-conquer ang dalawang elements. One, wala kang substantial capital and sabi ng batas iyong tinatrabaho ninyo ay directly related to the business. Kaya kung halimbawa sa PLDT, kailangan wala kang substantial capital, ang tinatrabaho mo pa ay installation. Pero kahit installation ang tinatrabaho ninyo, kung mayroon kang substantial capital, hindi ka illegal. Ganoon iyong batas ngayon medyo mahina pa siya. Pero iyong ginawa ng Lower House—or ang ginamit niya, kailangan may substantial capital ka or kailangan ay directly related. Kaya alin man doon ang hindi mo na-satisfy ay illegal ka, regular iyong mga empleyado mo sa principal na employer. Kaya ang sa amin po ituloy lang ng Senate iyon, iyong version ng Lower House.

LEO: Ah ibig sabihin okay sa inyo iyong version ng Lower House?

  1. PETER PINLAC: Sa tingin po namin sa limits ng sitwasyon natin ngayon ay puwede na siya. Mas marami pa ang mare-regular ngayon. Sa ngayon po kasi marami ang hindi nare-regular dahil nagko-comply iyong mga agency doon sa dalawa. Kaya kahit na directly related to the business necessarily and desirable pero dahil may limang milyon siya, eh limang milyon lang po ang requirement ng batas eh. Legal pa rin siya kahit na pareho tayo, halimbawa ikaw regular nag-i-install ka. Ako rin nag-i-install pero dahil iyong agency ko may substantial capital, hindi ako pareho ng suweldo mo kahit pareho tayo ng tinatrabaho. Sa ngayon po ganoon kaya nga naintindihan ko iyong sinasabi ni Presidente Duterte na, ‘Wala sa akin ang kapangyarihang gumawa ng batas,’ pero iyong batas na naipasa sa ano, mukhang maganda, sinertify ko para matapos kaagad.

LEO: Pero balikan ko iyong sinabi mo ha. Parang sub-con—galing ka sa sub-con parang ganoon, siya regular, ikaw regular din galing sa sub-con at mababa ang suweldo mo? Bawal iyan eh, sabi niya, kanina sabi ni Secretary Bello.

  1. PETER PINLAC: Pero nga po kung iyong aking agency ay ang kaniyang kapital ay sapat doon sa requirement ng batas, hindi po iyon illegal.

LEO: Ah okay. Iyan ang problema pala. Ang dami—

  1. PETER PINLAC: Iyan po ang problema diyan.

LEO: Ang daming teknikalidad doon sa—

  1. PETER PINLAC: Kung iyong batas na iyon ng Lower House na kahit hindi—kahit isa roon sa dalawa wala akong substantial capital o kaya tinatrabaho ko directly related, illegal iyon. Halimbawa, sapat iyong capital ko, limang milyon pero ang tinatrabaho ko kapareho ng trabaho niya, regular job, illegal pa rin po iyon. Mare-regular ako kagaya niya dito sa kumpanyang ito.

LEO: Kasi parang ano eh, ang iba na mga employers, so to speak, mga tuso rin eh.

  1. PETER PINLAC: Tama po iyan, ginagamit po nila iyan.

LEO: Numero uno eh, na mayroong tuso eh.

  1. PETER PINLAC: Sa palagay ko iyong Labor movement iyon iyong hindi makita. Kaya iyong EO eh binabakbakan nila. Parang ang feeling siguro nila iyon ang gusto ni Presidente.

LEO: Yes.

  1. PETER PINLAC: Eh wala na siyang magagawa doon dahil 1980’s pa yata iyong Labor Code na iyon. 1987 iyong pumalit ng gobyerno mula kay Marcos napunta kay Cory. Walang karapatan ang Presidenteng magbago ng batas.

SEC. ANDANAR: Sa gobyerno kasi mayroon tayong mga salary grade hindi ba? So whether kung saan kang ma-assign, anong ahensiya ka ma-assign, kung ang salary grade mo 15, uniform iyon. So parang iyon ang gustong mangyari ng Labor Union eh na kung trabaho mo line man ka whether nagtatrabaho ka sa Globe, PLDT o iyong mas maliit na kumpanya, startup, pareparehas kayo may salary grade. Pero iyon ang ano, medyo contentious iyon kasi it’s a free market economy, iyon-iyon eh. Pero we will get there one day, step by step.

LEO: Pero sir sa iyo bilang Kalihim ng Pangulo, napag-uusapan ba sa mga NEDA or Cabinet meeting iyong pinu-push ng mga manggagawa, katulad nina Pete na ano na—of course national, kumbaga kung 500 dito ang suweldo sa National Capital Region, it will be 500 all over the Philippines .

SEC. ANDANAR: Well, sa gobyerno, sa gobyerno naman ganoon. Kaya nga halimbawa kung ikaw SPO4 ‘di ba kung SPO4 ka sa—

DIR. BELTRAN: Kahit nasa probinsiya—

SEC. ANDANAR: Oo kung nasa probinsiya ka aba’y mas sagana kasi mas mababa iyong kanilang cost of living. Pero iyong sa private, sa private sector. Of course ang pag-uusapan lang, iyong pinag-uusapan doon talaga iyong endo, oo iyon muna. But you know we have to be also pragmatic about the situation. One step at a time and we will get there kasi marami tayong inaayos. Inaayos natin iyong problema natin sa kapayapaan with the CPP-NPA-NDF, sa MILF, wala tapos nandito pa iyong problema natin sa droga, problema natin sa endo. Ang dami, kumbaga nagko-converge lahat ng problema eh. Pero we will get there one day. Alam mo sa Singapore ba mayroon silang ganitong problema sa Labor?

  1. PETER PINLAC: Worldwide po itong problema na ito kaya lang siyempre magdi-differ po iyan doon sa economic status ng mga bansa. Hindi masyadong papansinin ito ng mga—kahit contractual ka, halimbawa sa Denmark 8 months old pa lang ang bata sa tiyan ng nanay, may allowance na sa gobyerno, may trabaho ka o wala—

LEO: Oo totoo iyon.

  1. PETER PINLAC: Ayos lang hindi ba? Kapag nagkasakit ka, 100 percent hospitalization. Hindi mo problema kung kumikita ka ba o hindi. Of course may paraan ang Denmark para maging productive ang bawat isa. Kaya nga po kami mayroon po kaming suhestiyon kay Presidente kung mamarapatin po ninyo?

SEC. ANDANAR: Sige po.

  1. PETER PINLAC: Ang sa pananaw po namin napakahirap ng puwesto ng Executive branch o ng gobyerno sa sitwasyong economy ay nakaasa sa pribado. Siya ang nangako sa eleksiyon na magbibigay ng trabaho at pagagandahin ang buhay. Pero hindi naman siya makapagbigay ng trabaho. Kaya kahit anong mura o pang aalipusta ng Executive branch sa mga kapitalista o mga employer, at the end of the day mas makapangyarihan pa rin sila dahil sila ang nagbibigay ng trabaho. Ano po iyong suggestion namin? Sana po kapag ka mapag-isipan ng Executive branch na mag-invest o mag-business sa mga kongkretong business, hindi lang po iyong nagtatayo tayo ng mga tulay at mag-construction, kasi after the construction wala ng trabaho. Dapat po ang gobyerno siya rin ang nagtatayo ng mga smelting plant, wala po tayong smelting plant, oil refinery, dayuhan iyong oil refinery dito at kapag private ‘di ba? Kaya kapag ka ganoon hindi makakapagmalaki itong mga investor na ito kasi ngayon sasabihin niya, ayaw namin sa patakaran mo o hindi kami susunod.

SEC. ANDANAR: Magandang idea iyan. Magandang idea iyan. Hindi ba marami tayong mga kumpanya na government although na privatize na ‘di ba?

DIR. BELTRAN: O GOCC.

SEC. ANDANAR: O GOCCs pero ang problema hindi ma-manage ng husto. Pero mayroon tayong mga utility companies eh na gobyerno may-ari tapos na privatize eh. So ang sinasabi ni Pete dapat mayroon ding mga—

LEO: Malaking punto iyon.

SEC. ANDANAR: Halimbawa itong—

DIR. BELTRAN: Mas marami ang state owned.

LEO: Tama po iyan.

DIR. BELTRAN: Mas may—ang karapatan ng mamamayan ang mas pahahalagahan.

  1. PETER PINLAC: Kasi po hindi po sasapat iyong tax para maibigay na iyong kailangan ng bayan. Lalo na hindi rin sasapat iyong tax para masabi mong mas makapangyarihan ka sa businessman. Bakit? Percent lang po ng kita iyon eh. Hindi iyon iyong kita eh. Samantalang iyong mga businessman mas malaki ang kinita. Kaya nga iyong iba ay tinutulak akong mag-Congressman. Ayaw kong mag-Congressman sabi ko—

LEO: May nagpunta sa iyo kanina dito eh.

  1. PETER PINLAC: Dahil iyong sahod ng Congressman mas maliit sa sahod ko sa PLDT.

SEC. ANDANAR: Pag-retire muna.

  1. PETER PINLAC: Kaya sabi ko hindi ko tatanggapin iyan, mas gusto ko iyong trabaho ko sa PLDT dahil mas malaki sahod ko eh kaysa mag-Congressman ako, kung hindi ako magnanakaw diyan hindi ako kikita. Kaya sabi ko sa kanila—pero kung ang gobyerno natin ay tumatalunton na doon sa ganoong—hindi ko naman sinasabi na alisin iyong mga business na iyon eh. Pero pumasok din siya, kapag ka po kasi mayroon tayong—oil refinery, unang epekto noong dahil iyong sa atin mas mababa ang—mas mababa ang presyo dahil kinukuha natin sa Malampaya eh, sa sarili nating bansa, mas mababa. Ang unang effect po noon ang Petron, ang Shell, ang Caltex ang mga iyan, magbababaan din iyan para mas maging competitive. Pero kung wala, wala kang ano, wala kang panlaban. Mag-uusap lang iyong tatlo eh, taasan natin, ganito.

SEC. ANDANAR: Ano ba—‘di ba mayroon tayong oil company dati iyong gobyerno—

  1. PETER PINLAC: Iyong Petron po—

SEC. ANDANAR: Iyong Petron ‘di ba atin iyon dati—

  1. PETER PINLAC: Dati mayroon po tayong malaking share—

SEC. ANDANAR: 20 percent lang.

  1. PETER PINLAC: 40 percent yata iyon sir. Ngayon po 4 percent na lang eh.

SEC. ANDANAR: Anong nangyari?

  1. PETER PINLAC: Eh kasi po dahil sa policy ng privatization sa panahon ni Ramos—

LEO: Itanong natin iyong mga nakaraan natin—

  1. PETER PINLAC: Lahat po iyang mga iyan, lahat prinarivatize kaya nga po noong dineklara ni Presidente Duterte o ng Malacañang na iyong MRT1 ay hinawakan na ng gobyerno ay tuwang-tuwa po ako eh. Pero ingatan lang po natin kasi sisirain ang pangalan ng gobyerno diyan eh para masabing hindi pa rin effective ang government. Kailangan i-private pa rin.

LEO: Gagawa at gagawa ng paraan.

SEC. ANDANAR: Nagkausap nga kami ni Congressman Mangudadatu eh. Iyong Liguasan Marsh partner ang dami pa lang natural gas diyan ‘no. Iyong Liguasan, eh imagine mo kung may ari niyan Pilipinas, Pilipino.

  1. PETER PINLAC: 1.3 trillion cubic feet po of natural gas po, initially.

LEO: Eh lalo ngayon ang ating Pangulo—

SEC. ANDANAR: Mayroon pang uranium daw diyan eh. (overlapping voices).

DIR. BELTRAN: Ang dami nating resources.

SEC. ANDANAR: O eh ‘di mababayaran natin iyong ating utang, ng Pilipinas.

  1. PETER PINLAC: Hay naku baka maging super power po tayo.

LEO: Ako sa nakikita ko ha. Ano lang, sariling opinyon lang ito. Sa pagiging serious ni Presidente, dahil may political will, hindi na ako magtataka na iyong Malampaya ano na iyan iyong mga oil rig na iyan, madadagdagan pang marami.

SEC. ANDANAR: Oo nga eh. Ubos na iyan, paubos na ang Malampaya eh.

LEO: Kung ako ang tatanungin mo, nakita ko iyon sa Singapore pagbaba natin sa Singapore.

SEC. ANDANAR: Ayaw kong magtanong.

LEO: Hindi nakita mo iyong ano, nakita mo iyong mga oil rig sa Singapore? Ang dami, sabi ko kaya pala ang yaman nito. Kasi mayroong sarili—may sarili sila eh. Tapos ang lapit pa, doon sa shorelines lang nila.

SEC. ANDANAR: Maraming oil-rig doon, dito maraming election rig.

  1. PETER PINLAC: Tingnan ninyo po ang nangyayari diyan—

LEO: Well oiled.

  1. PETER PINLAC: Sa bawat sampung bariles po na nahukay diyan, dalawang bariles lang ang sa atin—

LEO: O kita mo.

  1. PETER PINLAC: Tapos iyong dalawang bariles pa doon pa kukunin pasahod sa tao ng mga budget diyan, halos isang bariles o 10 percent na lang ang matitira sa atin sa kinikita niyan.

SEC. ANDANAR: Malampaya?

  1. PETER PINLAC: Opo samantalang iyong mga dayuhan na humuhukay, kanila iyong pinakamalaking bahagi. Eh kailan tayo makakaalpas sa ganoon.

LEO: Baka mamaya hindi pa natin alam.

SEC. ANDANAR: Magandang usapan iyan, alam mo—

LEO: Ini-import na nila iyong raw materials—

SEC. ANDANAR: Alam mo iyong topic na iyan eh it’s a good discussion for another day.

LEO: Magaling ito—(overlapping voices).

  1. PETER PINLAC: Ang mga problema po nating [unclear], sa Labor, contractualization ay mga maliliit na bahagi lang po ng systemic problem na iyan. Kapag iyan po naayos, kasi ang lahat naman nakasalalay sa sikmura ng tao eh. Mas mataas ang economic kaysa sa politics. Kahit anong state apparatus—political state apparatus ang i-set up mo, kahit anong klaseng political system ang i-set up mo, kapag iyong economy mo lubog, wala iyan, mag-aaway away pa kayo.

SEC. ANDANAR: Alam mo ganito na lang Congressman Pinlac. Macky(?) hindi ninyo na ba ito nare rate iyong program? Marami ring—

LEO: Wala na tayong oras. Sayang iyong oras pero, I mean, sayang iyong discussion namin napakaganda po dahil—parang bitin na bitin actually. Wala na tayong oras, anyway nagpapasalamat po tayo again. Ang ating mga estudyante pala nandito from ICCT College, medyo nag-ikot na sila kanina kaya hindi natin na-interview na. Maraming-maraming salamat sa inyo at sa iyong professor. Again, maraming-maraming salamat and siyempre pa kay Congressman Pinlac ay tayo po ay nagpapasalamat.

  1. PETER PINLAC: Salamat din po. Salamat din po.

LEO: Ang galing. Naalala ko tuloy bigla, bago ako magpaalam. Iyong sabi mo kanina? Kung walang tulay sa pagbabago? Kapag walang tulay walang pagbabago.

SEC. ANDANAR: Wala, wala talaga.

LEO: Kailangan may tulay lagi.

SEC. ANDANAR: Kapag walang tulay, walang pagbabago, pagbaba na. [laughs].

LEO: Again, maraming-maraming salamat po sa inyong pagsubaybay sa ating mga ka-DDS, ka-DDM ka-maharlikans, kasapakat. Lahat na lang, maraming-maraming salamat po sa inyong pagtugaygay at siyempre sa PTV4, maraming-maraming salamat sa ating mga technical, sina Rolly, hindi ko na makita sila Rene.

SEC. ANDANAR: Sila sexy Madame Executive Producer. Si Colonel Weng—may dalang machine gun ito parati.

LEO: Si Colonel Weng. Thank you so much. Iyan. Again, because again another discussion. Thank you so much.

DIR. BELTRAN: Salamat po.

LEO: Again, Leo Palo III here.

DIR. BELTRAN: Vinci Beltran po.

SEC. ANDANAR: Ako po si Secretary Martin Andanar at ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo.

###

 

Resource